You are on page 1of 7

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Ikatlong Panahonang Pagsusulit


Filipino 9

Pangalan: _______________________________________________Petsa: ___________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________________Taon at Pangkat: ____________________
I. Isulat ang titik ng tamang sagot. BAWAL MAGBURA/NO ERASURE

1. Ito ay isang uri ng panitikang nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring


pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.
a. tula b. salaysay c. bugtong d. awit
2. Ang sumusunod ay mga salaysay maliban sa _________________.
a. pakikipagsapalaran b. paglalakbay c. parabula d. pastoral
3. Ito ay isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pananagis lalo na sap ag-alala sa yumao
a. awit/dalitsuyo b. elehiya/dalitlumbay c. oda/dalitpuri d. dalit/dalitsamba
4. Ang paksa naman ng tulang ito ay matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, pamimighati ng isang
mangingibig.
a. awit/dalitsuyo b. elehiya/dalitlumbay c. oda/dalitpuri d. dalit/dalitsamba
5. Ito ay tulang naglalaman ng isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.
a. awit/dalitsuyo b. elehiya/dalitlumbay c. soneto/dalitwari d. dalit/dalitsamba
6. Ito ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at
kalikasan.
a. awit/dalitsuyo b. elehiya/dalitlumbay c. soneto/dalitwari d. dalit/dalitsamba
7. Ito ay uri ng maikling kuwento na pumaimbulog dahil sa paniniwala ng mga tao sa mga kababalaghan at
kataka-taka.
a. apologo c. kuwento ng kababalaghan
b. kuwento ng pakikipagsapalaran d. kuwentong sikolohiko
8. Ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan.
a. apologo c. kuwentong sikolohiko
b. kuwentog pangkatauhan d. kuwento ng kababalaghan
9. Sa ganitong uri ng kuwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.
a. Kuwentong pangkatauhan c. kuwentong sikolohiko
b. Kuwentong kababalaghan d. kuwento ng pakikipagsapalaran
10. Sa pagsulat ng isang akda, mahalaga ang pagbuo ng isang ____________ para mapaghandaan ang iba pang
bahagi ng akda na kanilang binabasa.
a. simula b. kasukdulan c. wakas d. banghay
11. Ang epiko, kuwentong-bayan, bugtong, salawikain ay mga halimbawa ng ____________.
a. panitikang pasalindila b. maikling kuwento c. salaysay d. tula
12. Ito ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikitunggali ng isang tao o mga tao laban sa
kaaway.
a. Apologo b. elehiya c. oda d. epiko
13. Alin ang HINDI kasali sa kayarian ng salita?
a. payak b. pananda c. maylapi d. inuulit
14. Ano ang kayarian ng paruparo?
a. payak b. tambalan c. maylapi d. inuulit
15. Anong uri ng panlapi mayroon ang salitang pinagpaguran?
a. unlapi b. gitlapi c. kabilaan d. laguhan
16. Anong uri ng pag-uulit ang ginamit sa salitang araw-araw?
a. inuulit ng ganap c. paulit-ulit
b. inuulit ng parsiyal d. maggkahalong ganap at parsiyal
17. Anong uri ng tambalan ang ginamit ssa salitang kwentong-barbero?
a. tambalang di ganap c. magkahalong nabanggit at parsiyal
b. tambalang ganap d. lahat ng nabanggit
18. Alin sa sumusunod ang HINDI panandang pandiskurso?
a. panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod
b. panandang naghuhudyat ng pagkabuo ng diskurso
c. panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda
d. panandang pananong
19. Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
a. pangngalan b. pang-ugnay c. pang-uri d. pang-abay
20. Ito ay uri ng pang-abay na nagsasaad ng pagsang ayon.
a. pang-agam b. panang-ayon c. pamaraan d. kawsatibo
21. Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
a. benepaktibo b. kawsatibo c. kondisyonal d. inglitik
22. Ito naman ang mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita.
a. benepaktibo b. kawsatibo c. kondisyonal d. inglitik
23. Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
a. pang-agam b. panang-ayon c. pamaraan d. panggaano
24. Ito ang pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa.
a. benepaktibo b. kawsatibo c. kondisyonal d. inglitik
25. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan at panghalip.
a. pang-uri b. pang-abay c. pang-agam d. panggaano
26. Ito ang pinakadulong digri ng kaantasan ng pang-uri; maaari itong negatibo o positibo.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol d. pasahol
27. Suriin ang sumusunod na diyalogong tinuran ng pangunahing tauhan. Base dito, maghinuha kung anong
tunggalian mayroon ang kuwento.
Pinamatinding laban ay hindi nangyayari sa labas, dito nangyayari (sabay turo sa kaliwang dibdib)
a. tao vs tao b. tao vs. sarili c. tao vs kapwa d. wala sa nabanggit
28. Ito ay tulang may 31 pantig, nahahati sa 5 taludtod at may sukat na 5-7-5-7-7.
a. tanka b. elehiya c. haiku d. soneto
29. Ito ay maigisng tula na may sukat na 5-7-5. Kadalasan ang tema nito ay tungkol sa kalikasan.
a. tanka b. elehiya c. haiku d. soneto
30. Sa bansang ito nagmula ang mga tulang tanka at haiku.
a. Timog Korea b. Hapon c. Tsina d. India
31. Basahin at suriin:
ulang malakas
buhos na at pawiin
ang alinsangan
a. tanka b. soneto c. haiku d. elehiya
32. Ang mga tauhan sa panitikang ito ay mga hayop na taglay ang mga katangian ng tao.
a. mito b. parabula c. pabula d. tanka
33. Ito ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan. Nabibilang dito ang mga sulating
pampahayagan, akdang pandalub-aral, at panunuring pampanitikan.
a. nobela b. dula c. sanaysay d. maikling kuwento
34. Ito ay pinakamahalagang elemento ng dula. Ito ay usapan ng mga tauhang kailangang gawin ng natural at
hindi artipisyal.
a. tunggalian b. kasukdulan c. banghay d. diyalogo
35. Basahin ang sumusunod na diyalogo.
Kiyoyori: Huwag! Hindi ako kasinsama ng makasalanang pinalalabas mo. Pakiusap lang, dalhin ninyo
ako sa langit.
Ano ang damdamin ng tauhan batay sa diyalogong binasa?
a. natutuwa b. natatakot c. naiinis d. nagdududa
36. Piliin ang pangkat ng salita batay sa tindin ng emosyon o damdamin.
a. napahagikhik, napangiti, napahalakhak c. napangiti, napahagikhik, napahalakhak
b. Napahalakhak, napangiti, napahagikhik d. lahat ng nabanggit
37. Basahin ang pangungusap.
Sa kanyang murang edad ay sumabak na sa trabaho si Brenda.
Ang salitang nakasalungguhit ay may higit sa isang kahulugan. Anong kahulugan ng salita ang ginamit
batay sa konteksto ng pangungusap.
a. bata b. hindi mahal c. matanda d. hindi katanggap-tanggap
38. Sa pag-aaral ng ponemang suprasegmental, alin ang hindi binibigyan ng tuon?
a. diin b. tono o intonasyon c. hinto o antala d. lalim at kahulugan
39. Alin ang tumutukoy sa bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba ng kahulugan ng mga
salita maging ito man ay magkapareho ng baybaya?
a. diin b. tono o intonasyon c. hinto o antala d. lalim at kahulugan
40. Ito ay uri ng maikling kuwento kug saan nangingibabaw ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo
ng kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa
nasabing lugar.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng pag-uugali
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
41. Ito ay uri ng maikling kuwento kung saan ang mga galaw ng pangyayari ay magaan, may mga
pangyayaring alanganin, at may himig na nakakatawa ang akda.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng kababalaghan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
42. Ang maikling kuwentong “Hashnu ang Manlililok ng Bato” ay isang halimbawa ng __________.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng pag-uugali
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
43. Sa bahaging ito ng dula ipinakilala ang tauhan ayon sa kaanyuan ng papel o katayuang sikolohikal. Dito
nakilala kung sino ang bida o kontrabida.
a. simula b. gitna c. kakalasan d. wakas
44. Sa bahaging ito ng dula makikita ang pinakamadulang bahagi kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan kung ito ay kasawian o tagumpay.
a. simula b. gitna c. kakalasan d. wakas
45. Piliin ang salitang may tamang diin na kokompleto sa pangungusap.
Mahirap magtiwala sa taong __________ na ang papel.
a. BAsa b. baSA c. BasA d. bASa
46. Ibigay ang kahulugan ng salitang may nakasalungguhit.
Mahirap magtiwala sa taong puno ng pagkukunwari.
a. Malaking halaman
b. Okupado na ang lahat ng espasyo; apaw
47. Aling pahayag ang nagsassabi na si Lea ang susuko?
a. Hindi si Lea ang susuko.
b. Hindi, si Lea ang susuko
48. Anong damdamin ang ipinapakita ng pahayag?
Awwwwww! Napakahusay ng pagkakagawa.
a. pagkatakot b. paghanga c. pagkainggit d. pagkadismaya
49. Alin ang HINDI tamang paraan ng pagbibigay ng sariling opinion o pananaw?
a. Ihayag ng maayos na paraan ang saloobin
b. Pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong opinion
c. Gumamit ng angkop na pahayag katulad ng sa aking palagay. . . .
d. Gumamit ng mga pahayag na simple upang madaling maunawaan.
50. Ang sumusunod ay ang mga dapat taglayin ng isang talatang nagsasalaysay. Alin ang HINDI dapat
kasama?
a. May maganda o mabuting pamagat
b. May kaakit-akit na simula
c. May maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari
d. May pahayag na magpapalito sa mambabasa
51. Taglay ng tulang ito ang paksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang-asal ng mga magsasaka.
a. Kababalaghan b. pag-ibig c. katatawanan d. pastoral
52. Sining ng panggagaya o pag-iimita ng kalikasan sa buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin
sa buhay _________.
a. dula b. karilyo c. imitasyon d. telebisyon
53. Mga pang-ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa ___________.
a. pang-abay b. pang-ukol c. pang-angkop d. pangatnig
54. Ito ang kuwentong nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari ____________.
a. katatawanan b. pag-ibig c. makabanghay d. tauhan
55. Akdang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo _____________
a. dula b. nobela c. sanaysay d. maikling kuwento
56. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, Napaka-galing talaga ni Sitti Nurhaliza ng
Malaysia.”?
a. paghanga b. pagkainis c. pagtataka d. pagmamataas
57. Ito ay nagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan.
a. paglalahad b. pagsasalaysay c. paglalarawan d. pangangatwiran

58. Taglay ng tulang hindi makikita sa ibang akda ____________.


a. aral b. indayog at aliw c. damdamin d. paksa
59. Alin ang halimbawa ng pangungusap na padamdam? ________
a. Ang panget mo! c. Grabeh!
b. Malupit ang buhay sa mundo! d. Sana kunin ka n ani Lord!
60. Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng modern,” iyong babaeng Malaya, nakapagmamalaki’t
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan
ng buong sangkatauhan.
Bahagi ng “Liham para kay Estella Zeehandelar”
Ano ang layunin ng talata?
a. mangatwiran b. magsalaysay c. maglarawan d. maglahad
61. Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa.
a. Nasasalamin o naaaninag na darating ang araw na ang kapayapaang hinahangad ay maghahari sa mundo at
sa puso ng mga tao.
b. Habang may buhay may pag-asa.
c. Ang kapayapaan ay repleksiyon ng maganda at bagong buhay sa mundo.
d. Bawat bukas ay kayganda.
62. Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.
a. Ang kapayapaan ay isang kathang-isip lamang na dapat ikintal sa isip ng sangkatauhan.
b. Sa tahimik na gabi lamang narranasan ang tunay na kapayapaan.
c. Habang may buhay may pag-asa pa ring maghahari ang kapayapaan sa mundo.
d. Ang kapayapaan ng daigdig ay nasa puso ng bawat isa.
63. Ngunit ikay na palamara
Tulad ng alabok humayo ka’t mawala
Pagkat ang mundo mo’t bantayog ay gumuho na
a. Hindi kailanman magtatagumpay sa kabutihan ang kasamaan
b. Ang mga tao o grupong gumagawa ng masama ay kailangang mapuksa upang kapayapaan sa mundo ay
mapanatili.
c. Ang mga taksil ay kagay ng alabok na dagling mawawala at masisira.
d. Lilipas din ang kasamaan sa mundo.
64. Ang puting kalapati, libutin itong sandaigdigan
Ang hanging panggabi’y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi’y iyong pangitiin.
a. Ang pag-asa at kagalakan sa mundo ay mararanasan kung ang bawat tao ay laging nakangiti at tulad ng
bulaklak ay laging sariwa at namumukadkad.
b. Ang kadiliman at kasamaan sa mundo ay mawawala kung maranasan ng mga tao ang kaunlaran.
c. Lagi mong diligan ang mga halaman upang mamulaklak.
d. Ang paghahari ng kapayapaan sa mundo ang makapagdudulot ng pag-asa at kagalakan sa mga taong
dumanas ng kaapihan o kasamaan.
65. Sa mga pangyayaring walang katiyakan
Kung saan ang tao’y naghihinala’t
tuwina’y may agam-agam
a. May nabubuong pag-aalinlangan sa puso at isip ng mga tao sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo na
walang katiyakan.
b. Likas sa tao ang maging mapanghinala sa kapwa lalo na sa mga taong gumagawa ng masama.
c. Tiyaking wasto ang lahat ng iyong gagawin upang hindi ka paghinalaan ng masama ng iyong kapwa.
d. Takot at pangamba ang nangingibabaw sa puso ng bawat isa sa kasamaan na nakikita.
66. Mabilis si Andres sa kanyang paggawa at wala siyang inaaksayang panahon. Si Andres ay
a. mapagkunwari b. masikap c. malusog d. maliksi
67. Naniniwala si Bill na maaabot ni Andy ang kanyang mga pangarap ngunit sinabihan niya ang binata na
mag aliw-aliw naman at sanda sandaling ilayo ang kanyang libro. Si Bill ay…
a. mahilig magliwaliw c. mapagpayo sa kaibigan
b. likas na masayahing tao d. walang pangarap sa buhay
68. Pinagmumura ng donya ang mga magsasakang nagsikain at tumulong sa malaking handaan sa kanilang
tahanan gayong may mga bisita pa raw silang hindi pa tapos kumain. Ang donya ay…
a. Madisiplina b. maalalahanin c. mahigpit d. matapobre
69. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan sa California si Andres. Namitas siya ng mansanas sa Oregon at
washington.. Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan.. Nagpatag ng bato s adaang tren. Si
Andres ay..
a. maraming alam sa buhay c. masipag at matiyaga sa buhay
b. palipat-lipat ng trabaho b. walang permanenteng magawa
70. Halos ang gabi ay ginagawang araw ng ama ni Andres upang makapag-ipon at makapagtapos ang anak sa
pangarap nitong kursong medisina. Ang ama ni Andres ay…
a. madisiplinang ama c. mapangaraping ama
b. matapanag na ama d. responsableng ama
71. Sinabi ng Ah Yue sa ina na siya na ang magsasampay sa kanilang nilabhan kahit napakaliit pa niya at
kinakailangan pang tumuntong sa bangkito upang maabot ang mataas na sampayan.
a. matapang b. matulungin c. maramot d. mapagmalaki
72. Kaagad na nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata nang magsimulang magsisigaw at magmura
ang kanilang ama dahil sa hindi pa handa ang pagkain at pampaligo nito.
a. takot b. matapang c. mapagmalaki d. maramot
73. Nagpatalo si Li Hua ng dalawampung dolyar sa sugalan subalit hindi niya binigyan ng isang dolyar ang
asawa na kakailanganin sa pagbili ng mga itlog na gagamitin niya pagkapanganak.
a. takot b. maramot c. matiisin d. malupit
74. Sa mga gabing hindi makatulog si Lian-Chiao ay iniluluha na lamang niya ang lahat ng pagod, sama ng
loob, at sakit ng katawan sa piling ng asawa.
a. malupit b. matulungin c. matiisin d. takot
75. Sinisigawan, minumura, at binubugbog ni Li Hua ang asawang si Lian-Chiao kapag hindi niya agad
nagagawa ang mga gawain.
a. takot b. maramot c. matiisin d. malupit

II. Tama o Mali. Isulat ang PAPASA kung ang kaisipang nakatala ay makikita sa tulang “Ang Puting
Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan” at BABAGSAK naman kung hindi. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.
76. Ang hanging sariwa ay dapat langhapin
77. Ang mga bulaklak ay mabilis mamukadkad.
78. Ang daigdig ay maaaring maging mapayapa.
79. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang tao.
80. Ang mga estatwa sa mundo ay gumuho.
81. Ang taksil na palamara ay ninanasang sana’y mawala sa mundo.
82. Ang mga kalapati ay makapangyarihang nilalang.
83. Isang itim na kalapati ang lumilibot sa mundo.
84. May mga pangyayari sa buhay ng tao na maselan.
85. Ang tao’y naghihinala at may agam-agam.

III. Pagsulat ng tula.


86-90. Gamit ang natutuhan mo sa pagsulat ng tula mula sa bansang Hapon ay lumikha ng sarili mong TANKA.
Isaalang-alang ang anyo at sukat nito.
91-95. Gamit ang natutuhan mo sa pagsulat ng tula mula sa bansang Hapon ay lumikha ng sarili mong HAIKU.
Isaalang-alang ang anyo at sukat nito.

IV. Basahin ang haiku. Bigyang kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka.
Lakbay ng hirap
Pangarap na maglayag
Tuyong lupain

You might also like