You are on page 1of 6

MARIA CARMELI CATHOLIC SCHOOL

IKALAWANG KAPAT NA PAGSUSULIT


TAONG PANURUAN 2023-2024
FILIPINO 9
Pangalan:______________________________________ Petsa:_______________ Score: ______________

Lagda ng Guro:_________________________________ Lagda ng Magulang: ______________________

I. Panuto bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ___ ay nangangahulugang ‘’maikling tula’’ sa wikang hapones

a. Haiku b. Tanka c. Renga

2. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka ?

a. Kalikasan b. Pag-ibig c. Damdamin ng tao at kabiguan sa pag-ibig

3. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa.

a. simula b. gitna c. wakas

4. Ito ang pinakamadulang bahagi ng paglalahad kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

a. simula b. gitna c. wakas

5. "Hay naku, Chummy, bilisan mo ngang kumilos. . . ayokong mahuli sa pagpasok sa paaralan." Anong
damdaming ipinahahayag ng pangungusap?

a. pananabik b. pagmamadali c. pag-aalala

6. "Inay, nasasabik na po akong pumasok sa paaralan ngayon!" , Ano ang damdaming ipinahahayag ng
pangungusap?

a. pasasalamat b. pananabik c. pagmamadali

7. "Wow, napakabango naman ng iyong mga niluto". Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag?

a. pagkagalit b. pagkamangha c. pagtataka

8. "Yehey, tutungo kami sa Boracay sa susunod na bakasyon". Ibigay ang damdaminng nakapaloob sa pahayag.

a. kasiyahan b. pagkagulat c. pagtataka


9. "Bakit hindi mo ako inimbitahan sa iyong kaarawan?". Anong emosyon o damdamin mayroon ang pahayag?

a. pagkagulat b. pasasalamat c. pagtatampo

10. Dito nakapaloob kung paano nagwagi ang kabutihan laban sa kasamaan.

a. simula b. gitna c. wakas

11. Dito napapanatili ang intensidad sa bahaging ito. Ang mga koneksiyon ng mga pangyayari ay maayos na
nailalahad.

a. simula b. gitna c. wakas

12. Sa bahaging ito ipinahahayag ang mga suliranin at pagkakamali ng mga tauhan.

a. simula b. gitna c. wakas

13. Dito nabubuo ang larawan ng mga tauhan, tagpuan at panahon.

a. simula b. gitna c. wakas

14. Obhetibo ang paraan ng pagkakasulat ng isang pormal na sanaysay.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat

15. Gumagamit ito ng wikang akademiko o propesyonal at sumusunod sa mga tuntuning panggramatika.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat

16. Ang talataan ay nagtataglay ng tesis o pahayag na nagbibigay ng pangunahing kaisipan o pinakamahalagang
kaalaman.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat

17. Gaya ng karaniwang sanaysay, may pamagat, panimula, katawan, at kongklusyon ang isang pormal na
sanaysay.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat

18. Ang____ ng isang pormal na sanaysay ay iyong tumutugon sa panmgangailangang intelektuwal.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat

19. Seryoso ang pagtrato sa paksa ng isang pormal na sanaysay.

a. Paksa b. Estruktura c. Paraan ng Pagsulat


20. Saan sumibol ang haiku ?

a. renga b. tanaga c. senryu

21. Ang Suso at ang mga Bubuyog ay isang____.

a. Pabulang Pinoy b. Pabulang Tsino c. Pabulang Hapon

22. Ito ay isang uri ng salaysay na nauukol sa mga hayop na nagtuturo ng aral na angkop sa sangkatauhan.

a. Pabula b. Tula c. Awiting-Bayan

23. Paggamit ng mga tauhang nag-iisip, nagsasalita, at kumikilos gaya ng tao.

a. personipikasyon b. metapora c. Pagtutulad

24. Bagay na hindi tunay o likha ng imahinasyon.

a. Katotohanan b. Opinyon c. Piksyon

25. May____ uri ng pabula.

a. dalawang b. apat c. lima

26. Ang kuneho at ang Pagong ay pabula ni?

a. Eugenio b. Aesop c. Basho

27. Ito ay saglit na pagtigil sa pagbigkas upang ibuod-bukod ang mga kaisipan.

a. Diin b. Antala c. Tono

28. Ito ang lakas ng bigkas na iniuukol sa isang pantig upang masabi nang tama ang isang salita at maunawaan
din ito ng tama.

a. Tono b. Antala c. Haba

29. Ito ang pagpapahaba sa pagbigkas ng patinig sa isang pantig.

a. Tono b. Antala c. Haba

30. Sa paghalik ng prinsesa, anong anyo ay nag-iiba.

a. Palaka b. Unggoy c. Tupa

31. Hari ng kagubatan, sobra sa katapangan.

a. leon b. ahas c. tigre


32. Ama ng maikling kuwento: Edgar Allan Poe; Ama ng Sinaunang Pabula: ______________

a. Aesop b. Basho c. Nukada

33. Si G. Esopo o Aesop ay nakasulat ng mahigit na 200 na pabula at siya ang tinaguriang?

a. Ama ng Makabagong Pabula

b. Ama ng Sinaunang Sanaysay

c. Ama ng Sinaunang Pabula

34. Ano ang pangunahing karakter sa isang pabula?

a. Tao b. Hayop c. Bagay

35. Ano ang pangunahing layunin ng pabula?

a. Ang magbigay-aral sa mga bata

b. Ang magbahagi ng kabutihang-asal sa mga tao

c. Ang magbigay ng impluwensiya sa mga mambabasa

36. Ito ay isang uri ng piksiyonal na panitikan na ang mga tauhan ay hayop, halaman, mga bagay o mga pwersa
ng kalikasan.

a. Pabula b. Parabula c. Alamat

37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pabula?

a. Ang Matsing at ang Pagong

b. Ang Kuneho at ang Pagong

c. Ang Kawali at ang Sandok

38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paglalarawan kay Aesop?

a. Siya ay nakasulat ng mahigit na 200 na sanaysay

b. Siya ay pinanganak na kuba

c. Siya ay isang alipin lamang

39. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang Di-pormal na sanaysay?

a. Ito ay may seryosong paksa at tumatalakay sa napapanahong isyu


b. Ito ay nagpapahayag ng sariling karanasan

c. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa

40. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang Di-Pormal na sanaysay?

a. Ikaw ay makakapagbigay ng impormasyon sa napapanahong isyu

b. Ikaw ay nakakapaglabas ng saloobin o sariling damdamin

c. Ikaw ay nakakapagkwento ng buhay ng may buhay

41. Ano, nanalo ako sa lotto?

a. Pagkatakot b. paghanga c. pagkabiga d. gulat

42. Tigilan mo na ang pangungulit!

a. Pananabik b. paninisi c. galit d. gulat

43. Bakit mo naman sinira ang liham ko?

a. galit b. gulat c. lungkot d. saya

44. Sige ka, may duwende riyan!

a. Pagmamahal b. pagsisisi c. pananakot d. paghanga

45. Ano?Totoo ba 'yon?

a. paghanga b. awa c. galit d. gulat

II - Unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Sagutan sa abot ng iyong makakaya.

1. Paano mo masasabi na ang liham na sinulat ay pormal o di-pormal na sanaysay? Bakit?

2. Magbigay nang halimbawa sa pormal na sanaysay. Ipaliwanag kung anong ibig sabihin nito.

3. Ibahagi o ipaliwanag kung ano sa tingin mo ang tamang sanaysay sa pagpasa nang “excuse letter.” Bakit?

You might also like