You are on page 1of 3

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Ikatlong Panahonang Pagsusulit


Filipino 11

Pangalan: _______________________________________________ Petsa: ___________________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Taon at Pangkat: ____________________

I. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
BAWAL MAGBURA.

__________________________1. Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


__________________________2. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinisi ng
isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at
karanasan ukol sa kanyang isinusulat.
__________________________3. Tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa.
__________________________4. Kapag ang isang personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
__________________________5. Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto
na sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
__________________________6. Ito ay magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
__________________________7. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.
__________________________8. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
__________________________9. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
__________________________10. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa
boto, produkto, o serbisyo.
__________________________11. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
__________________________12. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
__________________________13. Ito ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.
__________________________14. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
__________________________15. Ito ang tawag sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
__________________________16. Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa
akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
__________________________17. Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable.
__________________________18. Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
__________________________19. Ang tekstong ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa
isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar o panahon o sa isang
tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula
hanggang katapusan.
_________________________20. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang
bagay.

II. Isulat ang tekstong impormatibo, tekstong deskriptibo, tekstong naratibo, tekstong
prosidyural, o tekstog persuweysib, kung ang katanungan sa bawat bilang ay halimbawa ng
sumusunod na teksto. BAWAL MAGBURA.
________________________1. talumpati
________________________2. cyberbullying
________________________3. paglalarawan sa tauhan
________________________4. maikling kuwento
________________________5. hakbang sa pagkuha ng passport
________________________6. paglalarawan sa isang mahalagang bagay
________________________7. nobela
________________________8. pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho
________________________9. paglalarawan sa damdamin o emosyon
________________________10. patalastas (teaser) sa isang pelikula

III. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI naman kung
hindi. BAWAL MAGBURA.
__________1. Sa pagsasalaysay o pagkukuwento may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari.
__________2. Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o
nakukuwento niya sa iba.
__________3. Ang maikling kuwento, pabula, alamat, nobela ay ilan lamang sa mga halimbawa ng tekstong
persuweysib.
__________4. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing piksiyon.
__________5. Hindi mahalaga ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
__________6. Makakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binasang
tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi.
__________7. Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong
impormatibo.
__________8. Karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sanggunian.
__________9. Obhetibo ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohonan.
__________10. Ang tekstong persuweysib ay maihahalintulad sa larwang ipininta o iginuhit kung saan
kapag Nakita ito ng iba ay parang Nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
IV. Isulat ang sagot sa patlang piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Impormatibo obhetibo
Subhetibo substitusyon
Persuweysib reperensiya
Tekstong deskriptibo ellipsis
Prosidyural kohesyong leksikal

________________________1. Ito ay paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang


napakalinaw at halos madama na nang mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa katotohanan.
________________________2. Ito ay maihahalintulad sa larawang ipininta o iginuhit.
________________________3. Ito ay ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.
________________________4. Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
________________________5. Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya
ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
________________________6. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintinihan
o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap.
________________________7. Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
________________________8. Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong ito.
________________________9. Layunin ng tektong ito na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
________________________10. Ang tekstong ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang
paksa tulad ng hayop isports, agham, at iba pa.

V. Isa-isahin (Enumeration)

1-3. Mga uri ng tekstong impormatibo


4-6 Tatlong paraan ng panghihikayat (persuweysib) na inilarawan ni aristotle
7-10 Apat na Propaganda Devices

You might also like