You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

PAUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 (2ND QUARTER)

PANGALAN: ________________________________________ PETSA_______________


TAON at SEKSIYON: _________________________________ ISKOR:______________
PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahing mabuti ang mga tanong.
2. Isulat ang sagot BAGO (before) ang bawat bilang.
3. Iwasan ang PAGBUBURA (erasures).

I. TALASALITAAN
PANUTO: Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit. Gawing gabay
ang pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Madalas na nag-iisa at walang imik ang batang babae.
a. Maingay b. tahimik c. natutulala d. natutulog
2. Tinigpas isa-isa ng hardinero ang mga damo sa hardin.
a. Iginupit b. sinunog c. winalis d. pinutol
3. Tumitindi ang pambubukas at panlalait ng mga kaklase sa batang babae.
a. Pang-iinis b. pang-aapi c. pag-aalipin d. pang-aalipusta
4. Napatigalgal ang aking ina ng magsimula akong kumanta sa entablado.
a. Napatigil b. natutulala c. balisa d. natatakot
5. Naghunos na mga bituin ang mga hiya’s at mutya ni Alusina.
a. Nagpalit anyo b. nawawala c. natunaw d. nagkikislap
6. Ang dibdib ko’y kumakabog tuwing nakikita ko ang aking crush.
a. Na excite b. galit c. kinakabahan d. nahihimatay
7. Ginagad niya ang kilos at pananalita ng kanyang idolong artista.
a. Kinopya b. kinutya c. ginaya d. inangkin
8. Namamalirong ang mga sugat ko sanhi ng inpeksyon.
a. Namamaga b. namumula c. natutuyo d. nadudugo
9. Biglang tinutop ng kaibigan niya ang kanyang mga bibig habang nagsasalita ito.
a. Tinakpan ng kamay b. hinawakan c. sinampal d. sinuntok
10. Mahilig kaming magpadausdos sa palaruan.
a. Bumababa b. rumaragasa c. maghahabulan d. magtakbuhan
11. Akin siyang kinakamusta na kami ay makasabat sa daan.
a. Makahuli b. makain c. makasalubong d. mag-usap
12. Ang dibdib ko’y kumakabog tuwing nakikita ko ang crush ko.
a. Kinakabahan b. galit c. nahihimatay d. na excite
13. Langkay ng mga lasenggo ang natangay ng cellphone at pitaka ko.
a. Kapatiran b. kasamahan c. Utusan d. grupo
14. Tanging sa pag-aagwador lng umaasa ang pamilya nina Impen.
a. Utusan b. taga-igib ng tubig c. kargador d. namamasura
15. Nakatinghas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang huni ng aswang.
a. Nakatindig b. nangangapal c. nanlalamig d. nangangati

II. PAGBASA
PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat ito.Dinala niya
ang buto upang iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog. Pinagmasdan
niya ang ilog at doo’y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na may hawak-hawak
ring buto, tinahulan niya iyon nang tinahulan.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog. Hindi
namuling nakuha ng sakim na aso ang buto.

16. Ang binasang akda ay isang


a. Pabula b. epiko c. bugtong d. alamat
17. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?

PAHINA 1 GNG. FELIBETH S. SALADINO


a. Buto b. ilog c. tao d. pusa
18. Ano ang katangian ng aso
a. Mapagmahal b. sakim c. mapagbigay d. madamot
19. Bakit tumahol ang aso?
a. dahil may nakitang tao c. dahil may pusa
b. dahil sa buto d. dahil sa nakitang sariling anino
20. Ano ang aral ng akdang binasa?
a. maging mapagbigay c. maging sakim sa lahat ng bagay
b. huwag maging mayabang d. matutong makuntento
Ang Unang Paruparo

Tahimik ang mga taong naninirahan sa isang bayan. Kaibigan nila ang matandang may-ari ng
malawak na halamang punong-puno ng mga bulaklak. IIsa ang hiling ng matanda sa sinumang hihingi ng
bulaklak, na siya lamang ang pipitas ng bulaklak.

May mag-asawang mayaman na sumuway sa hiling ng matanda. Hindi nilanapigil na pumitas ng


mga bulaklak. Sa galit sa mag-asawa, ginawa silang paruparo ng matanda. Mula noon, ang mga paru-paro
ay lapit nang lapit sa mga bulaklak. Dapo nang dapo at lipad nang lipad.

21. Ano ang nag-iisang hiling ng matanda?


a. Magtanim pa ng maraming bulaklak c. bigyan siya ng bulaklak
b. Siya lamang ang pipitas ng bulaklak d.
22. Sino ang sumuway sa kahilingan ng matanda?
a. Ang mag-asawa b. mga tao c. mga bata d. mga hayop
23. Ano ang katangiang ipinakita ng mag-asawa?
a. Kabaitan c. pagiging mabait
b. pagiging masunurin d. kawalan ng paggalang
24. Ano ang kaparusahang ibinigay ng matanda sa mag-asawa?
a. Ginawa niya itong paruparo c. ang mag-asawa ay naging
tagapagsilbi ng matanda
b. Ginawa niya itong bulaklak d. naging pandak sila
25. Anong aralang mahihinuha natin sa akda?
a. Maging matapang c. maging gahaman
b. maging masunurin d. huwag mawalan ng pag-asa

III. PAGPIPILI
PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na tanong.

26. Ito ay elemento ng kuwento kung saan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang pinaglalaban.
a. Kasukdulan b. Tagpuan c. Kakalasan d. Tunggalian
27. Salitang naglalarawan ng laki, hugis o katangian ng pangngalan o panghalip na binibigyang
turing.
a. Pandiwa b. pang-abay c.pang-uri d. pang-angkop
28. Bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
a. Pandiwa b. pang-abay c. pang-uri d. pang-angkop
29. Binubuo ito ng pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi
ng isang buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
a. Sanaysay b. tula c. Epiko d. Talata
30. Isang uri ng paglalarawan na naghahatid ng artistiko at buhay na paglalarawan batay sa
nasaksihan, pananaw, guniguni at damdamin ng naglalarawan.
a. Masining na paglalarawan b. payak na paglalarawan c. banghay d. talata
31. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng bawat pantig sa bawat taludtod.
a. Tugma b. Saknong c. Tono d. Sukat
32. Ito ay elemento ng tula kung saan ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkasing tunog.
a. Ritmo b. Tugma c. Tono d. Sukat
33. Ito ay pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang matalinhaga
o di tahas ang kahulugan upang lumikha ng isang larawan.

PAHINA 2 GNG. FELIBETH S. SALADINO


a. Tula b. idyoma o sawikain c. talata d. maikling kuwento
34. Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin, kaisipan, o
saloobin ng isang tao.
a. Tula b. idyoma o sawikain c. sanaysay d. talata
35. Tumutukoy sa uri ng taludturan na walang sukat at tugma.
a. Tradisyonal na Tatunturan c. blangko berso
b. malayang taludturan d. wala sa nabanggit.
36. Ito ay tumutukoy sa linya ng bawat saknong.
a. Sukat b. tugma c. taludtod d. pantig
37. Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. Maikling kuwento b. Alamat c. Kwentong bayan d. Epiko
38. Ito ay pahayag na nagbibigay suporta sa isang bagay o ideyang pinatutunayan o
pinatotohanan.
a. nagpapahiwatig c. nagpapatunay
b. nagpapakita d. kapani-paniwala
39. Uri ng paglalarawan na tinatawag ding karaniwang paglalarawan na nagbibigay lamang ng
tiyak na impormasyon tungkol sa isang bagay.
a. Payak na paglalarawan c. masining na paglalarawan
b. Masusing paglalarawan d. tambalang paglalarawan
40. Ito ay tumutukoy sa pagbabalangkas ng mga pangyayari sa kwento.
a. Simula c. gitna
b. Banghay d.wakas
41. Ito ay bahagi ng tula na binubuo ng taludtod.
a. Saknong b. sukat c. tugma d. taludturan
42. Tumutukoy ito sa isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salin lahi sa pamamagitan
ng bibig.
a. Maikling kuwento b. kuwentong bayan c. Alamat d. Pabula
43. Katumbas ng imagery sa Ingles. Ito ay salitang napapaloob sa tula na kapag binanggit ay
nag-iiwan ng tiyak na larawan sa kaisipan.
a. Tayutay b. Larawang diwa c. Idyoma d. Sanaysay
44. Siya ang taong may pananagutan sa pagsasalin ng iskrip ng pelikula.
a. Director b. artista c. musika d. skrip
45. Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.
a. Sambitla b. paghanga c. eksistensyal d. pakiusap

IV. MGA URI NG AWITING BAYAN


PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng awiting-bayan ang mga sumusunod. Hanapin sa Hanay
B ang sagot nito. Isulat ang titik lamang.

46. Kundiman A. noong unang panahon nanliligaw ang


mga binata sa pamamagitan
ng harana.

47. Oyayi / Hele B. ito'y awiting bayan para sa pagpapatulog ng bata,


ito rin ay naglalaman ng bilin

48. Dalit o Imno C. isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o


pasasalamat.

49. Talindaw D. ito awit sa pamamangka o


pagsagwan

PAHINA 3 GNG. FELIBETH S. SALADINO


50. Kumintang o Tagumpay E. ito ay awit sa pakikidigma.

51. Diona F. awit sa mga ikinakasal

52. Soliranin G. awit sa paggagaod


53. Sambotani H. awit kapag nagtagumpay o victory songs

54. Kundiman I. awit ng pag-ibig


55. Dung-aw J. awit sa patay ng Ilokano
56. Kutang-Kutang K. awit sa lansangan
57. Maluway L. awit sa sama-samang gawa

58. Tigpasin - M. awit sa paggaod

59. Pananapatan N. it ay panghaharana sa Tagalog o serenades

60. Dung-aw O. awit sa patay ng mga Ilokano

V. PATULAD O DI-PATULAD NA PAGHAHAMBING

Panuto: Gumuhit ng tsek (/) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad.
Gumuhit ng ekis (x) kung ang paghahambing ay di-patulad.

____ 61. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na
taon.

____ 62. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.

____ 63. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.

____ 64. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.

____ 65. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

____ 66. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.

____ 67. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.

____ 68. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.

____ 69. Ang magkaibigan ay magkasintangkad.

____70. Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo.

____ 71. Ang koponan namin ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex.

____ 72. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules!

____ 73. Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay di-gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko
kahapon.

____ 74. Lalong mahirap ang pamumuhay namin dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa
probinsiya.

____ 75. Ang halik niya ay kasintamis ng tsokolate.

“Ang pandaraya ay ‘di nagtatamong pala.”

INIHANDA NI: NINOTAHAN NI:

FELIBETH S. SALADINO ORIENTE P. BELLO


Guro sa Filipino Punongguro

PAHINA 4 GNG. FELIBETH S. SALADINO


PAHINA 5 GNG. FELIBETH S. SALADINO

You might also like