You are on page 1of 1

1. Sa inyong mga lugar anu- ano ang mga uri o barayti ng wika na natutuhan nyo.

● Ang mga uri o barayti ng wika na natutunan ko sa aming lugar ay wikang filipino
at wikang Aklanon.
2. Isa-isahin ang mga ito at magbigay ng maikli at sariling pagpapaliwanag
● Ang Wikang Filipino ay ang unang wika na aking natutunan sapagkat
naitalagang itong opisyal na wika ng mga Pilipino na ginagit din maging sa bayan
ng El Nido. Ito ay isa sa pangunahing kagamitan upang makipag komunikasyon.
Bagamat maraming wika ang ginagamit at sinasalita sa bayan ng El Nido, ngunit
dalawa lang ang aking kinagisnan o natutunan. At ang isa ay ang wikang
aklanon, ang Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa
lalawigan ng Aklan, kaya ko natutunan ang kanilang wika sapagkat ang kwento
ng aking lola, sila raw ay dating naninirahan sa Aklan. Kasama ang kanyang
ama't ina umalis sila roon upang tunguhin ang lalawigan ng Palawan at piniling
manirahan sa bayan ng El Nido. Base sa kanyang kwento marami silang kasama
at pinili nila ditong magtrabaho. Kasama sa kanilang paglipat ng lugar ay ang
kanilang wikang Aklanon. Kaya hanggang ngayon natuto akong gumamit o
magsalita ng kanilang wika. Bukod sa mga wikang ito, may mga ibang wika din
na namumuhay rito ngunit hindi ko natutunan ang mga ito katulad ng wikang
Cuyonon at iba pang wika.
3. Nabigyan nyo na ba ng pansin ang mga pangunahing hanapbuhay sa inyong mga lugar.
Anu-ano ang mga salitang nagagamit at naririnig?
● Opo, nabigyan na ng pansin ang mga pangunahing hanapbuhay sa aming lugar
katulad ng pagsasaka, pagtatanim ng gulay, pangingisda dahil ang pangunahing
trabaho ng mga ito ay dinadala sa pinakabayan ng El Nido upang ibenta. Hindi
makakaila na mataas talaga ang mga presyo sa aming bayan. Dahil na rin ito sa
mga turismong pumupunta dito. Sa kabila nito maraming wika na ang ginagamit
o naririnig katulad ng wika ng Islam, wikang Cuyonon at iba pa.
4. Sa papaanong paraan nakatutulong ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa
pagpapaunlad ng wikang filipino? Ipaliwanag.
● Nakatutulong ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa pagpapaunlad ng wikang
filipino at pagpapahalaga nito sa bawat barayti ng wika sa paraang; Una,
napapaunlad ang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga salitang
gagamitin sa isang lipunan. Pangalawa, napaparami nito ang iba’t ibang
katawagan ng isang salita. Pangatlo,natutulungan nito ang mga tao na
makapamili ng mga salitang gagamitin sa pinakaangkop na paraan at ang pang-
apat ay napapalawak nito ang iskolarling pananaliksik pangwika.

You might also like