You are on page 1of 5

GUAGUA NATIONAL COLLEGES, INC.

Guagua, Pampanga
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES AND EDUCATION
Academic Year: 2023 – 2024

MALA – MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 10

Inihanda ni:

G. Carl Joshua M. Cayanan


Nagsasanay na Guro

Pinagtibay:

Shirley M. Pusung, LPT


Taga-gabay na Guro
Gurong Tagapag-Ugnay sa Filipino

Allen Jan S. Nulud


Taga-gabay na Punong Guro

7 Enero 2024
MALA – MASUSING BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 10

I. MGA LAYUNIN
Sa wakas ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. nailalarawan nang maayos at malinaw ang mensaheng nais iparating ng
kwento napahahalagahan ang mga aral na namumutawi sa paksa
b. nakapagbabahagi ng sariling saloobin hingil sa kwento, at
c. nakaguhit ng sariling simbolo ng pagkakaisa.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ahriman Mitolohiya mula sa Persia
Sanggunian:
a. Aklat sa Filipino 10 (Pahina 182-183)

III. KAGAMITAN
Laptop, PowerPoint presentation, and IMs

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULA
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagatatala ng lumiban sa klase

B. PAGGANYAK
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat na pangkat kung saan sila ay
magsasagawa ng pagbibigay saloobin at sariling opinyon sa mga siniping
kawikaan.

 Ang paglikha ng Mundo - ”Nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.


Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na
bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios ay
kumikilos sa ibabaw ng mga tubig.”

 Pagiging mapagmataas – “Huwag kang maging masyado


mapagmataas sa panahong meron ka. Walang permanente sa mundo.
Lahat pwede mawala at magbago.”

 Pagiging mapakumbaba – “Hindi kawalan ng pagkatao ang


pagpapakumbaba. Kundi nagpapatunay lang na may malasakit ka sa
kapwa.”
 World Peace – “We can never obtain peace in the outer world until we
make peace with ourselves.”

C. PAGLALAHAD NG PAKSA

 Ilalahad ng Guro ang paksang tatalakayin na may pamagat na


“AHRIMAN” isang Mitolohiya mula sa Persia.

D. Paghawan ng Sagabal
 Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na sasagutin ng mga mag-
aaral na pumapatungkol sa mga di pamilyar na salitang makikita sa
akdang tatalakayin.
 Gagamitin ng mga mag-aaral ang mga talasalitaan sa pagbuo ng
pangungusap.

SANSINUKOB DEMONYO

ESPIRITU KATARUNGAN AHRIMAN

E. PAGTATALAKAY SA PAKSA

 May ipapanood na maikling penikula patungkol sa Mitolohiya na Ahriman.


 Pagkatapos panoorin ng mga mag-aaral ang maikling penikula ay mag
kakaroon ng Gawain ang mga mag-aaral. Ang guro ay hahatiin sa apat
ang kwento na naka dikit sa pisara at bubuin ng mga mag-aaral gamit ang
kanilang mga pangkat.

F. GABAY KATANUNGAN

1. Bakit kaya naisip ni Ahura Mazda na gumawa siya ng iba’t ibang bagay
sa mundo?
2. Bakit ayaw naman tanggapin ni Ahriman ang halok ni Ahura Mazda na
pugayan ang ginawa niyang mga bagay sa mundo?
3. Bakit kaya naisipan ni Ahriman ang labanan si Ahura Mazda
4. Bakit kailangan gumawa ng banal na espiritu si Ahura Mazda?
5. Anong pag-uugali meron si Ahura Mazda
6. Bilang isang kristyano, saating bibliya sino si Ahriman at sino Ahura
Mazda?

G. TALAKAYANG ESTETIK

1. Sainyong sariling opinyon, bakit ayaw patalo ni Ahriman?


2. Naranasan niyo na bang, ang taong tinuruan niyo ay mas gusto pang
nakaaangat sayo?
3. Kung kayo ang nasa kwento, gagawin niyo ba ang utos ni Ahura Mazda
na pugayan ang kanyang mga likha? Bakit?
4. Sainyong sariling opinyon, gaano kahalaga ang pagpapakumbaba?
5. Sainyong sariling opinyon, paano inilarawan ng may akda ang kwento
sa ating nararanasan ng ating mundo ngayon.

H. PAGPAPAHALAGA
I. GAWAING PAGAPAPAYAMAN
Papangkatin ng Guro ang mga mag-aaral sa apat grupo at gumuhit ng
simbolo ng pagkakaisa.

1) Paglalahat
“Ang Pagpapakumbaba ay hindi ibig sabihin ng Pagkatalo kundi
nagpapatunay lang na isa kang mabuting tao.”

2) Pagtataya

I. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod at isulat sa patlang ang


tamang sagot.

______________ 1. Siya ang tinatawag na Panginoong Maalam.


______________ 2. Siya ang tinatawag na Espiritu ng Kasamaan.
______________ 3. Ilan ang inulma na Banal na Imortal ni Ahura
Mazda
______________ 4. Sino ang nilalang na unang tao?
______________ 5. Ano ang umusbong na halaman nang namatay si
Goyomard?

II. Panuto: Ibigay ang pagkasunod-sunod ng nilalang ni Ahura


Mazda.

1
2
3
4
5
6
7

III. Sanaysay: Batay sa mitong nabasa, saan nagmumula ang


kasamaan? Paano sumisibol ang kasamaan sa isang indibidwal?
Bumuo ng 3-5 pangungusap sa pagpapaliwanag.

3) Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang kwentong mito at basahin o unawahin nais
iparating ng kwento. Sa isang buong papel isulat ang napulot na aral o
mensahe sa kwento.

You might also like