You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Inaasahang oras ng Pagtalakay: 55 minuto

I. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Matapos maisagawa ang pagtuturo, inaasahang ang mga mag-aaral na:

a. Natutukoy ang mga teksto ng Anekdota mula sa Persia.


b. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng paraan ng paglikha ng anekdota ng bawat bansa.
c. Nakagagamit ng kakayahang makapagkuwento ng isang nakawiwili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
d. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw ukol sa nabasang mga teksto.
e. Nakalilikha ng sariling kuwento o pangyayari sa buhay na naka-aaliw.
f. Nakabubuo ng sariling ideya base sa napanuod na mga Anekdota.

II. PAKSANG ARALIN:

A. PAKSA: Aralin 3.2: Anekdota mula sa Persia


1. Panitikan: Mullah Nassredin at
2. Anekdota ni Saadi
3. Diskursong Pasalaysay

B. SANGGUNIAN:

Aklat
Aklat sa Filipino Modyul 10

C. MGA KAGAMITAN
Laptop, Chalk, Projector, Powerpoint

III. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO:

A. Balik-aral
1. Pagbibigay ng mga tanong.
1.1 Ano ang paksang ating tinalakay kahapon?
1.2 Tungkol saan ang Akasya at kalabasa?
1.3 Ano ang ipinayo ng guro sa mag-ama?
1.4 Nanaig ba ang nais na maging timababang ng guro sa naging desisyon ng mag-
ama?
B. Pamukaw Sigla
Panuto: Magkakaroon ng dalawang pangkat na binubuo ng tig limang miyembro
mula sa SET A at SET B “Pass the Message” . Ang bawat pangkat ay magtatalaga ng
isang taga-basa ng mensahe at kapag nakarating na sa dulo ay paunahang isusulat ito
sa pisara.

Mga salitang isusulat sa papel:


1. Persia
2. Mullah Nassreddin
3. Anekdota ni Saadi
4. Roderic P. Urgelles

C. Pagtatalakay ng Paksa

Pagpapanood ng akdang Mullah Nassredin at Saadi

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Base sa iyong nabasang teksto ano ang nabuo sa iyong isipan?


2. Kung ikaw ay bibigyang pagkakataong gumawa ng isang anekdota, anong paksa
ang iyong nais isulat na kauri ng binasang akda?
3. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?
4. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?

Aktibidad sa Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Sa kalahating 1/4 na papel, tukuyin ang kasing kahulugan ng mga salitang
nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang
titik ng iyong sagot sa patlang.

a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

________1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


________2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.
________3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
________4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
________5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

IV. KASUNDUAN

Takdang Aralin

Panuto: Sa isang papel, suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah


Nasreddin”. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.
Mullah Nassreddin

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Inihanda ni:

Bb. Hazel Acala


Pre-Service Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Jenela Leal


Gurong Tagapayo

You might also like