You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN:

a. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

b. Pamantayan sa Pagganap:

Nakapaghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa


binasang akdang pampanitikan.

c. Mga Kasanayang sa Pagkatuto:

Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang


akda. (F10PB-IIIf-g-84)

Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)


(F10PT-IIIf-g-80)

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Panitikan: Nelson Mandela: Bayan ng Africa


(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Uri ng Teksto: Naglalahad

Kagamitan: laptop, LED Television, Videoclip mula sa youtube, pantulong


Biswal

Sanggunian: TG pahina 107-111, LM pahina 265


Bilang ng Araw: 1 araw (Marso 27, 2023)

III. PAMAMARAAN:

a. Panimulang Gawain
 Panalangin at pagbati
 Pagtatala ng liban
 Pag tsek ng takdang aralin

b. Pagganyak

Ang gawaing ito ay pagbibigay ng analohiya ng isang salita. Hahatiin ang


klase sa limang pangkat. Magpapakita ng salitang “sanaysay” ang guro at
ang bawat pangkat ay kailangang magbigay ng tig-iisang kaugnay na mga
salita ng salitang ipinakita mula sa tinalakay na akda. Kung sino ang itinuro
ng guro ay kailangang makapagbigay agad ng sagot. Kung sino ang mas
maraming nasagot ang siyang panalo.

ANALOHIYA NG SALITANG SANAYSAY


Halimbawa: SANAYSAY - *salaysay, *talata, *tuluyan
c. Paglalahad

Ngayong araw ay bibigyang pansin natin ang tungkol sa sanaysay.


Ang sanaysay ay isang akdang tuluyan na nagtataglay ng mahahalagang
kaisipan. Ito ay hango sa “sanay sa pagsasalaysay”. Ang tinaguriang Ama ng
Sanaysay ay si Alejandro G. Abadilla.

1. Nakabasa na ba kayo ng isang sanaysay?


2. Ano ang pamagat nito?

d. Pagtalakay

PANGKATANG GAWAIN:

Ipagawa ang gawain 2 sa pahina 264. Ipapaskil ng guro sa pisara ang mga
salita na mula sa kahon sa gawain 2. Ito ay gagawing pangkatang
paligsahan. Papangkatin ang mag-aaral sa 5 grupo at pabilisan ang bawat
pangkat sa pagsasagawa ng gawain. Gagamitin ang lahat ng mga
salita/pahayag sa kahon upang bumuo ng pahayag na nagtataglay ng
impormasyon, ideya at konsepto tungkol sa sanaysay at isulat ito sa cartolina
o manila paper. Sa bawat pangkat ay pumili kayo ng magiging lider na mag-
uulat o magbabasa sa inyong awtput.

Kuro-kuro ideya isyu

Opinyon saloobin talumpati tugma

Tauhan banghay sukat

Balita pananaw

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na


nagpapahayag ng sariling kaisipan, kurokuro, saloobin at damdaming
kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ginagamit ito upang
makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong
talakayin. Ang mahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa
mahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa na maaaring isulat
nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang


sanay”. Isinilang ang sanaysay sa Pransiya noong 1580 at si Michel de
Montaigne ang tinaguriang, “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinatawag na essai sa
wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas,
isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Ang likhang sanaysay ay mga maiikling komposisyong may tiyak na paksa o


tema, karaniwang nasa prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o
opinyon ng may-akda. Ang analohiya ay tumutukoy sa proseso ng pagsusuri
o pagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangiang magkaugnay
o magkatumbas.

Dalawang uri ng analohiya:

1. Magkasingkahulugan (Synonym)- ang pares ng salitang pinagkukumpara


ay magkalapit ang kahulugan.

Halimbawa: matumal: madalang matalino: marunong

2. Magkasalungat (Antonym)- ang pares ng salitang pinagkukumpara ay


magkalayo ang kahulugan.

Halimbawa: matayog: mababa maramot: mapagbigay

e. Paglalapat

 Estratehiyang UTS (Ugnayang-tanong sagot)


Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng
sanaysay?

f. Paglalahat ng Aralin

 Lagumin natin ang paksang tinalakay sa araw na ito sa


pamamagitan ng 3-2-1 metodo:

3 Kaalamang nalaman;
2 mahalagang salita sa talakayan at
1 katanungan
h. Pagtataya ng Aralin:

 Itala ang pagkakaiba at pagkakapareho ng sanaysay


sa ibang anyo. Gamitin ang venn diagram sa ibaba.

Sanaysay Maikling Kwento

Sanaysay Tula
IV. TAKDANG-ARALIN:

 Basahin at unawain: Talumpati ni G. Nelson Mandela


Filipino 10, pahina 266-268

Inihanda ni:

FRENCES RAFAEL SOMIDO


Guro, Filipino 10

Binigyan pansin:

RHEENA L. VARGAS
Itinalaga, Namumunong Guro I/Filipino

You might also like