You are on page 1of 4

PLANO SA PAGKATUTO AT PAGTUTURO SA FILIPINO 10

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA (Modyul 3)

Yugto ng Pagkatuto

Seksyon:
Grade: 10 – Faraday- (W) 9:00-10:00

Pagtuklas/Paglinang

IKATLONG ARAW (Nobyembre 8, 2017)

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. nasusuri ang isang halimbawa ng anekdota at naipapaliwanag ito,


2. naisasalaysay ang mahalagang pangyayari sa akda at nasusuri ang bawat
pangyayari nito.
3. nakabubuo ng paghahambing batay sa tinalakay na anekdota sa iba pang
akdang pampanitikan.

II. Paksa
Aralin 3.2:A: Panitikan: Mullah Nassredin (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
B: Gramatika at Retorika: Gramatikal, diskorsal, estratedyik sa pagsasalaysay
ng Orihinal na Anekdota
C: Uri ng Teksto: Nagsasalaysay (Naratib)
D. SANGGUNIAN: PANITIKANG PANDAIGDIG (pahina 254-257)
E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Pang- araw-araw na Gawain
(Panalangin) (Pagkuha ng liban) (Pagsasaayos ng silid)

B. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Aalamin natin ngayon ang inyong


kaalaman sa bansang Iran gamit ang
Word Web.
Magsisimulang magsulat ng mga salita
ang mga mag-aaral sa Word Web.
C. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Klas, ang ginawa nating gawain may


kaugnayan sa tatalakayin natin ngayon.
Handa na bang matuto?
Opo Ma’am

D. Pagtalakay

Gawain Ng Guro Gawaing Mag-aaral

Mayroon tayong susuriin na isang


akdang pampanitikan kaya makinig nang
mabuti at isulat ang mga mahahalagang
pangyayari sa akda.

Maliwanag ba Klas?
Opo, Ma’am
Makikinig ang mga mag-aaral sa
binabasang akda ng kanilang kamag-
aral.
Klas, naintindihan ba ninyo ang akdang
napakinggan?
Sasagot ang mga mag-aaral.
Bakit kaya nagulumihanan ang mga
taong nakikinig kay Mullah Nassreddin
nang siya ay maimbitahan upang
magtalumpati?
Naguluhan sila dahil hindi nila alam kung
ano ang tamang isasagot kay Mullah
Nassreddin upang hindi ito umalis sa
entablado.
Mahusay! Anong uri ng tao si Mullah
Nassreddin?
Siya ay mahilig magpatawa sa tuwing
nagkukuwento.
Magaling! Klas, ano ba itong tinatawag
nating anekdota?
Magtataas ng kamay ang isa at sasagot.

Tumpak! Ano ang kaibahan nito sa ibang


akdang pampanitikan?
Sasagot ang mag-aaral.
Tama!

E. Analisis

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang inyong natutunan mula sa
akda?
Pagpapaliwanag ng mag-aaral.
Magaling! Ano ang dapat nating taglayin
kapag may nagsasalita? Pagpapaliwanag ng mag-aaral.

F. Abstraksyon/ Karagdagang Fidbak ng guro


Ako ay nasisiyahan sapagkat ang inyong
ginawa ay magaganda at talagang
mahuhusay. Ang ibig sabihin ay nauunawaan
ninyong mabuti ang ating ginawang gawain.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.
1. Bakit naiiba ang anekdota sa ibang akdang pampanitikan?
a. Ang anekdota ay naiiba sa ibang akdang pampanitikan dahil nagtataglay ito
ng aral at himig ng pagpapatawa.
b. Hindi katulad sa ibang akda, ang anekdota ay matipid sa paggamit ng mga
salita.
c. Ang anekdota ay nag-iiwan ng mahalagang pangyayari sa yugto ng buhay ng
isang tao.
d. Naiiba ito dahil may kalakip itong mangungutya sa asal ng tao.

2. Anong uri ng tao si Mullah Nassreddin?


a. Siya ay may kakayahang magpatawa habang nagkukuwento.
b. Si Mullah Nassreddin ay may pagpapahalaga sa mga aral kaya ayaw niya na
ang tao ay mag-aaksaya bagkus dapat itong pag-aaralan.
c. Siya ay isang tao na diretso at walang habas kung magsalita.
d. Wala sa pagpipilian.

3. Kung ikaw si Mullah Nassreddin, aalis ka rin ba kung hindi masagot ng mga tao
ang tanong mo? Bakit?
a. Oo, dahil nagpapakita ito ng kawalang pagpapahalaga sa akin.
b. Hindi, bagkus ay sisikapin kong maipaunawa sa kanila ang aking talumpati.
c. Oo, dahil ipinapakita ng mga tao na hindi sila interasado sa talumapati ko.
d. Hindi, ipapakita ko sa kanila na mahusay akong mananalumpati.
V. Takdang Aralin
1. Basahin ang anekdota ni Saadi sa pahina 258.
2. Sagutin sa isang buong papel ang gawain 6 at gawain 8 bilang gawaing 1 sa pahina
258-259.

Inihanda ni: ROSE P. PANGAN Sinuri ni: G. MICHAEL C. ADANTE

Pinagtibay ni: Gng. ADORA TEANO

PRINCIPAL- MHS

You might also like