You are on page 1of 12

MARIVELES NATIONAL HIGH

Paaralan SCHOOL- Cabcaben Baitang/ Antas 10

Guro Constante, Michelle O. Asignatura Filipino


Grades 1 to 12
Petsa/Oras February 27, 2024
(1:10pm-2:00pm)
Markahan Ikalawa
Seksyon DEMETER

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin.

Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapalalathala ng sariling akda sa hatirang


pangmadla (social media)

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin ang 100% ng mag-aaral ay makatatamo ng hindi bababa sa 80% na


kasanayan na:

1. Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya). (F10PT-IIIf-g-80)


2. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda. (F10PB-IIIf-g-84)
3. Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82)

Paksang Aralin

Paksa: Aralin 3.3: A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Sanggunian: Filipino Modyul para sa mag-aaral: Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Akdang
Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran)
Kagamitan:
Kahalagahan:
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


B. Pagpapaunlad ng Gawain
1. Pagbabalik Aral

Klas, bago tayo magsimula, balikan nga natin ang


paksang tinalakay natin noong nakaraan sa
pamamagitan ng isang gawain na tatawagin nating
“WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE?”

Panuto: Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng


tatlong kinatawan upang sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Mayroon lamang kayong limang (5)
segundo upang sagutin ang bawat tanong.

1. Ito ay isang kwento ng isang nakawiwili at


nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng
aral.
a. Maikling Kwento
b. Anekdota
c. Nobela
d. Dagli
2. Siya ang pinakamahusay sa pagkukwento ng
katatawanan sa kanilang bansa.
a. Mullah Saadi
b. Saadi Sufi
c. Mullah Nassreddin
d. Roderic Urgelles
3. Ito ang bansang pinagmulan ng anekdota.
a. Amerika
b. Europa
c. Africa
d. Persia
Inaasahang sagot:
1. B
2. C
3. D
Mahusay!
Tunay na kayo ay nakikinig at nauwaan bawat
katanungan.
Ngayon, tungkol saan nga muli ang tinalakay noong
nakaraang araw? Ma’am Anekdota po!

Magaling!
Kanino naman anekdota ang inyong
binasa/napanood?
Tungkol po kay Mullah Nassreddin.
Tama! Tunay na kayo ay may mahusay na pag-alala sa
aralin noong nakaraang araw.

2. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin, mayroon akong


inihandang aktibidad para sainyo. Tatawagin natin
itong “DESKRIP-SHOW”

Panuto: Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng tatlo


o apat na kinatawan upang irampa ang mga bawat
salita na maitatalaga sakanila at magbigay ng
deskripsyon kaugnay sa salita. Mayroon lamang
dalawang minuto upang gawin ito.
Unang Pangkat: Ideya, Isyu, Kuro-kuro
Pangalawang Pangkat: Opinyon, Saloobin, Talumpati
Pangatlong Pangkat: Tugma, Tauhan, Banghay
Pang-apat na Pangkat: Sukat, Balita, Pananaw

Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang


kasagutan
Mahusay!
Ang pangkat na may mahusay na pagrampa ay
pangkat ________. Palakpakan natin sila.

Sa inyong aktibidad, pamilyar ba kayo sa mga salita na


inyong inirampa?
Opo Ma’am
Kung ganon, magbigay nga ng inyong kasagutan kung
saan ginamit ninyo ang opinyon o pananaw.

Ma’am sa paglalahad po ng sariling pananaw o


opinyon batay sa napanood, nabasa o narinig.
Mahusay!
Kapag sinabi natin paglalahad ng pananaw o ipinyon,
anong panitikan ang tinutukoy dito?
Ma’am Sanaysay po!
Magaling!
Ang mga salita na inyong inirampa ay may kaugnay sa
Sanaysay.
Ngayon tayo ay dumako sa ating aralin sa araw na ito.
3. Pagtalakay ng Aralin

Ang guro ay magpapakita ng kagamitang biswal

Maaari mo bang basahin kung ano ang sanaysay


_______.
Sanaysay
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay
ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang
nais nitong talakayin.

Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay


tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang
impormasyong ito ay maaaring isulat nang
pabalangkas.
Maraming Salamat ________.
Klas, kapag sinabi natin pabalangkas, ito ay isang
lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang
paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay
panukalang buod ng komposisyon kung saan ito ay
isang paraan ng pagsasaayos ng mga detalye mula sa
teksto.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “pagsasalaysay


ng isang sanay.”
1580 ang pagsilang ng sanaysay
Michel de Montaigne – “Ama ng Sanaysay”
- Essai sa wikang Pranses na nangangahulugang
pagtatangka, pagtuklas at pagsubok sa anyo
ng pagsulat. Pormal Di-Pormal o Personal
Nagbibigay ng Nagsisilbing
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal. Impormasyon aliwan/libangan.
Naririto ang pagkakaiba ng dalawa. Maaari mo bang Nagbibigay ng Nagbibigay-lugod sa
basahin ito __________. mahahalagang pamamagitan ng
kaisipan, o kaalaman pagtatalakay sa mga
sa pamamagitan ng paksang karaniwan,
makaagham at lohikal pang araw-araw, at
na pagsasaayos sa personal.
paksang tinatalakay
Maingat na pinipili Ang himig ng
ang pananalita pananalita ay parang
nakikipag-usap
lamang.
Ang tono ay Pakikipagkaibigan ang
mapitagan tono.
Obhektibo o di- Subhektibo sapagkat
kumikiling sa pumapanig sa
damdamin ng may- damdamin at
akda paniniwala ng may
akda
Maraming salamat _____.

Narito naman ang pagkakaiba ng Sanaysay at Maikling


Kwento.

Sanaysay Tula
Ang sanaysay ay isang ri Ang tula naman ay isang
ng panitiksn na uri ng panitikang
pumapaksa sa kaisipan naglalayong
at mga bagay na maipahayag ang
kapupulutan ng aral. damdamin o saloobin
ng may kumpas o ritmo.
Narito ang halimbawa ng talumpati ng isang kilalang
tao sa Timog-Africa na minsan sumalamin sa buhay ng
mga tao sa bansang Africa. Ito si Nelson Mandela.

Klas, inyong basahin at unawain ang talumpati ni


Nelson Mandela: Bayani ng Africa. Isinalin sa Filipino
ni Roselyn T. Salum na binigkas niya noong Mayo 10,
1994 nang siya ay pasinayan bilang pangulo sa
pamamagitan ng ipasa mo ang basa mo.

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga


panauhin, mga kasama, at mga kaibigan.
Ngayon, lahat tayong naririto ay
pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga
nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
Mula sa mga karanasan ng di-
pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang lipunang
ipagmamalaki ng sangkatauhan.
Ang ating mga nagawa bilang
ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay
kailangang magbunga ng tunay na mamamayan
nito na magpapalawak sa paniniwala ng
sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa
tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos
sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng
buhay ng lahat.
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating
mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong
alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang
bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa
Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay
dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin
ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng
bansa ay magbabago tulad ng panahon.
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at
kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa
pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na
ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng
ating mga puso sa tuwing makikita natin ang
ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang
pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay
ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na
ideolohiya at ng pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog
Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik
sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na
pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan
ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa
sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga
pinagpipitaganang panauhin sa pagparito upang
angkinin, kasama ang mamamayan ng aming
bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa
kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo
ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga
pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae,
walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang
tungkulin ng aming mamamayan at ang kanilang
kalayaang politikal, pananampalataya,
kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at
mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito.
Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy
President, ang Kagalang-galang na si F. W. de
Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng
bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap
sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating
unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa
demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na
nagaalanganpa ring makakita ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat
ay naririto na.
Ang panahon upang pag-ugnayin ang
pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng
pagkakahati-hati ay dumating na.
Ang panahon upang bumuo ay nasa atin
na.
Sa wakas ay naabot na natin ang
emansipasyon sa politika. Nangako tayong
palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan,
kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang
diskriminasyon.
Nagtagumpay tayo sa ating huling
hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng
kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay
na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng
pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.
Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng
lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng
Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na
walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad –
isang bansang may kapayapaang pansarili at
pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating
bansa, ang bagong Interim Government of
National Unity sa panahon ng biglaang
pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng
amnestiya ng mga taong kasalukuyang
nakakulong.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng
mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi
ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang
kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging
makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at
pagmamalaki sa karangalan at pribilehiyo na
ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad
sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa,
malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at
pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng kasarian.
Nauunawan naming walang madaling
daan para sa kalayaan.
Batid naming kung nag-iisa ay hindi
maaabot ang tagumpay.
Kailangang nating kumilos nang sama-
sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo- sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang
ng bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa
lahat.
Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa
lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay,
tinapay, tubig at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang
katawan, ang isip at ang kaluluwa ay dapat
lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang
mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling
makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang
dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa
mundo.
Maghari nawa ang Kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
Ngayon, nais kong sagutin ninyo ang mga sumusunod
na katanungan.

Mga katanungan:
1. Bigyan kahulugan ang tinutukoy na kalayaan
ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati.
Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi
at sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng
mga taga-Timog Africa. 1. Ang kalayaan na hinahangad ng Timog-
3. Anong mga katangian ni Mandela ang Africa, sa pagtanggap sakanila itim man o
masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito puti. Ang pagkakapantay-pantay ng
rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa pagtrato sa bawat isa at karapatan bilang
ating bansa? Maglahad ng pangyayaring mamamayan. Napakahalaga nito sa tao
sapagkat ito ang bumubumuo sa isang
nagpapatunay nito.
mamamayan, gayun din sa isang lahi
4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog sapagkat sila lamang ang magtutulungan
Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa sa pag-angat ng bawat isa lalo na sa sarili
talumpati ni Mandela? nilang bansa na lahat sila ay nabibilang sa
5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi mundo at lipunan kinagagalawan.
malaya ang isang tao, lahi o bansa? 2. Mahirap ang kalagayan ng mga taga-
Timog Africa at puno ng kaguluhan.
3. Ang katangian na masasalamin sa
talumpati ni Mandela ay may
pagmamalasakit sa kaniyang
nasasakupan o bansa at ang hangarin na
pagbabago sa sistema ng kanilang bansa.
4. Matutuwa sapagkat may namumuno sa
aming bansa na ang hangad ay kunlaran,
kapayapaan at pagkakapantay-pantay.
5. Kapag walang kalayaan ang tao na
magbigay ng opinyon hinggil sa
nangyayari sa kaniyang bansa. Kapag
puno ng diskriminasyon sa kulay ng balat.
Ang huli ay walang kaunlaran sa sistema
ng bansa.

Magaling!
Tunay na naunawaan ninyo ang talumpati ni Ginoong
Nelson Mandela.

Ngayon, mayroon akong inihandang aktibidad para


sainyo. Ibibigay niyo lamang ang hinihinging
katumbas na salita ng sumusunod mula sa
talumpating binasa.

Kagubatan Katawan Prutas

Karagatan Silid-Aralan Tinapay

1. Bulaklak : Hardin :: Aklat : ________


2. Berde : Kapaligiran :: Asul : ________
3. Espiritwal : Kaluluwa :: pisikal : _______
1. Bulaklak : Hardin :: Aklat : Silid-aklatan
4. Puso : Katawan :: ________ : Puno
2. Berde : Kapaligiran :: Asul : Karagatan
5. _________ : Gutom :: tubig : _______ uhaw
3. Espiritwal : Kaluluwa :: pisikal : Katawan
4. Puso : Katawan :: Kagubatan : Puno
5. Tinapay : Gutom :: tubig : uhaw

Mahusay!
Ngayon, kayo ba ay pamilyar na sa Talumpati?

Naranasan ninyo ba ang magtalumpati sa harap ng Opo Ma’am


maraming tao?

Opo Ma’am nagawa na po naming magtalumpati.


Kung ganon, sainyong pagtatalumpati. Ano ang
inyong unang hakbang upang maisagawa ito nang
maayos?
Ma’am, kami po ay magsusulat na may kaugnay
na paksa bago kami magtalumpati sa harap ng
entablado o harap ng maraming tao.
Magaling!

4. Paglalahat

Sa ating pagtatapos ng aralin, nais kong bigyan natin


ng sariling kahulugan ang tinalakay ngayon araw na
ito. Tatawagin natin itong “DUGTUNGAN MO!”

Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na


pangungusap.
Sa kabuuan…
Natutunan kong…
Napagtanto kong…
Nahamon kong… Ang mga mag-aaral ay maglalahad ng kasagutan.

5. Paglalapat
Upang lubos kong malaman ang inyong kaalaman sa PAMANTAYAN
aralin ngayong araw, mayroon akong inihandang Ang pamagat ay 25 puntos
aktibidad para sainyo at tatawagin natin itong “SONA- maikli, orihinal,
YSAY”. Ngunit bago tayo magsimula, narito ang kapanapanabik at
pamantayan na ating batayan sa paggawa ng gawain. napapanahon.
Mahalaga ang paksa o 25 puntos
Panuto: Naanyayahan ka para magbigay ng talumpati diwa.
sa isang pagtitipon at ito ay ang SONA o State of the Maayos at di maligoy 25 puntos
Nation Address. Saiyong pagtatalumpati, isasalaysay ang pagkakasunod-
mo ang mga kinahaharap mo bilang kabataan batay sunod ng pangyayari.
sa iyong karanasan, mga problema na gusto mong Kaakit-akit na simula 25 puntos
solusyunan na kinakaharap din ng kapwa mo at may kasiya-siyang
kabataan at paano ito makatutulong upang palakasin wakas.
ang mga kabataan.

Ang mga mag-aaral ay maglalahad ng kanilang


kasagutan.

III. Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dalawang uri ng sanaysay?


a. Pormal at Diskurso
b. Kontekstwal at Balangkas
c. Pormal at Di-pormal
d. Di-pormal at Kontekstwal
2. Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais
nitong talakayin.
a. Maikling Kwento
b. Sanaysay
c. Anekdota
d. Tula
3. Siya ang pangulo ng Timog-Africa noong 1994-1999
A. Nelson Mandela
B. Mullah Nassreddin
C. Idries Shah
D. Roselyn T. Salum
4. Ano ang isinusulong ni Nelson Mandela upang gisingin ang mga taga-Africa?
a. Kapayapaan, kaligayahan, takot
b. Takot, Pangamba, Kaguluhan
c. Katarungan, Karahasan, Kaguluhan
d. Kapayapaan, katarungan at kalayaan
5. Ayon kay ___________ ito ay “pagsasalaysay ng isang sanay”
a. Francisco Balagtas
b. Jose Dela Cruz
c. Alejandro G. Abadilla
d. Jose Rizal

Sagot:

1. C
2. B
3. A
4. D
5. C

IV. Takdang Aralin


Basahin at unawain ang Aralin 3.4 sa pahina 279 na may pinamagatang “Helen g Ina sa
Kaniyang Panganay”.

Inihanda ni: Pinuna ni:


MICHELLE O. CONSTANTE MS. ARRA B. DOMINGUEZ
Mag-aaral na Guro Gurong
Tagapagsanay

Pinuna ni:
MS. ROSITA D. DULGUIME
Ulong Guro

You might also like