You are on page 1of 5

LESSON EXEMPLAR: WEEK 7

Learning Area FILIPINO 7


Learning Delivery Modality Modyular

Paaralan CUYAB INTEGRATED NATIONAL HIGH Baitang 7


LESSON SCHOOL
EXEMPLAR Guro CAROLINE U. MIRAYA Asignatura Filipino
Week 7 Petsa Marso 09, 2021 Markahan Ikalawa
Oras 2:00PM-3:00PM Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan at elemento ng Maikling Kwento;
2. Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitáng
paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitáng iba-iba ang digri o antas ng
kahulugan (pagkiklino), at mga di pamilyar na salita mula sa akda;
3. Nakapagpapahalaga ng opinyon ng iba; at
4. Nakasusulat ng sariling komiks iskit gámit ang hambingan ng salita at
iláng pamamaraan na kapaki-pakinabang at angkop sa iyong kakayahan sa
túlong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa iyo tungo sa higit
na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Kabisayaan.
B. Pamantayang Naisusulat ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng Kabataan.
Pagganap
C. Pinakamahala- Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga
gang Kasanayan sa salitang paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang
Pagkatuto digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di pamilyar na salita
(MELC) mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin
(PT-MELC 18)

D. Pampaganang N/A
Kasanayan
II. NILALAMAN Maikling Kwento: Miguelito
(Pagbibigay ng Kahulugan at Sariling Interpretasyon sa mga Salitang
Paulit-ulit, Mga Salitang Iba- ibang Digri o Antas ng Kahulugan)

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa MELC FILIPINO G7, PIVOT BOW R4QUBE, p.40-41
Gabay ng Guro Curriculum Guide

b. Mga Pahina sa PIVOT 4A Learner’s Material: Ikalawang Markahan Filipino, Grade 7


Kagamitang
Pang-mag-aaral
c. Mga Pahina sa N/A
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula https://www.youtube.com/watch?v=lK84RK2jHsM&pbjreload=101
sa Portal ng
Learning https://www.youtube.com/watch?v=f14vqfMvAZg&has_verified=1
Resource
B. Listahan ng Modyul, activity sheet at mga larawan.
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
(Introduction) Tatalakayin sa panitikang Bisaya ang maikling kuwentong
Miguelito na sinulat ni Sharon A. Villaverde. Sabay nating pag-
aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking
impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon táyo ngayon.

Inaasahang pagkatapos ng araling ito ay makasusulat ka na ng


sariling komiks iskit gámit ang hambingan ng salita at iláng
pamamaraan na kapaki-pakinabang at angkop sa iyong kakayahan
sa túlong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa iyo
tungo sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto.

Matapos mong mapag-aralan ang aralín na ito, inaasahang


maibibigay mo ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga
salitáng paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitáng iba-iba ang
digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di pamilyar na salita
mula sa akda, at mga salitáng nagpapahayag ng damdamin at
makasusulat ng isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng
paksa.

Pagbabalik-Aral
1. Ano ang ating pinag-aralan kahapon?
2. Ano ang kahulugan ng epiko?

Pagganyak: Pagpapakita ng larawan na may kaugnayan sa


aralin.

Gabay na Tanong:
Ano ang nasa larawan?
Ano-ano ang naidudulot sa tao ng kalamidad? Paano ito maiiwasan?
Bakit nagkakaroon ng bagyo?
Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan na ito sa ating aralin?

B. Pagpapaunlad
(Development) Pagbabasa ng Kahulugan at Elemento ng Maikling Kwento na
matatagpuan sa Modyul pahina 30-31.

Elemento ng Maikling Kuwento


Ang isang maikling kuwento o katha ay dapat na magkaroon ng
simula, tunggalian, kasukdulan, at wakas. Ang mga pormal na
bahaging ito ng isang kuwento ay isang mukha o kabuuan ng
buhay, at ang buhay, anumang uri, ay may simula,
pakikipagtunggali, kasukdulan, at wakas.

1. Mga Tauhan - Ang dami o bílang ng mga tauhan sa kuwento ay


dapat na umayon sa pan-gangailangan. Mahirap itakda ang bílang
ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kuwento sapagkat ang
pangangailangan lamang ang siyang maaaring magtakda nito.
Sa maikling kuwento, ang mga bumubuhay na tauhan karaniwan
ay ang mga sumusunod:
a. pangunahing tauhan – Sa isang maikling kuwento ay
iisa lámang ang pangunahing tauhan. Ito ay ibinabatay sa
tungkuling ginagampanan ng tauhan sa katha. Sa
pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula
hanggang sa katapusan.
b. katunggaling tauhan – Ang mga pangyayari ay binubuhay sa
pamamagitan ng tunggalian sa loob ng isang kuwento. Ang
tunggaliang ito, karaniwan ay kinakatawanan ng mga tauhang
pangkuwento.
c. kasamang tauhan – Siya ay kasamahan ng pangunahing
tauhan. Ang pangunahing tungkulin niyon sa kuwento ay ang
maging kapalagayang loob ng ibang tauhan.
d. ang may akda – Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang
awtor/ may akda ay lagi nang magkasama sa loob ng katha.
Bagama’t ang naririnig lámang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa
likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor/may akda.

2. Tunggalian – Ito ang paghahamok ng dalawang lakas, kaisipan o


paniniwalang pinagbabatayan ng banghay ng isang akda. Nalulutas
lámang ito kung ang isang lakas, karaniwan ang pangunahing
tauhan ay magtatagumpay o mabibigo sa paggapi sa lumalabang
puwersa o kaya’y susuko sa pagtatangka. May apat na tunggalian
na maaaring gamitin sa pagpapaigting ng suliranin, hindi lámang
sa epiko kundi sa anumang anyo ng kuwento.
a. tao laban sa tao – Ito ay isang uri ng tunggalian kung ang
suliranin ng tauhan ay dulot ng kapwa niya tao.
b. tao laban sa sarili – Ito ay nagaganap kung ang suliranin ng
pangunahing tauhan ay sa sarili niya mismo nagmula.
c. tao laban sa kalikasan – Ang tunggaliang ito ay nagaganap sa
pagitan ng pangunahing tauhan at ang puwersa ng kalikasan
katulad ng pagbaha, paglindol, sunog, tagtuyot, at iba pa

Tatalakayin sa panitikang Bisaya ang maikling kuwentong Miguelito na


sinulat ni Sharon A. Villaverde.

Pagpapanood/Pakikinig ng Maikling Kwento:

Miguelito
Sharon A. Villaverde
Pahina 31-34

1. Tungkol saan ang napakinggan na maikling kwento?


2. Narinig mo na may paparating na bagyo at pinalilikas kayo sa inyong
lugar, kung ikaw ang nanay ni Miguelito, gagawin mo rin ba ang ginawa
niya? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw si Miguelito? Paano ka magiging handa sa bagyo kasama ng
iyong pamilya?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isaayos ang mga salita sa bawat set sa tindi o antas
ng kahulugan ng mga ito. Gamitin ang klino. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel. (Pahina 34)

Pagkiklino - Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o


tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.

gula-gulanit
sira-sira
napunit niyapos
nalaslas niyakap
natastas nangapit

tinutudyo
tinutukso nag-atubili
binibiro nag-alanganin
niloloko natigilan
inuulol

C. Pagpapalihan
(Engagement) Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Itala ang mahahalagang pangyayari sa
binásang maikling kuwento. Isulat ang elemento ng maikling kuwento.
Gumawa ng Tree Chart sa pagsagot. Gawin ito sa ságútang papel.
(Pahina 35)

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang mga katangian ni Miguelito


bílang anak. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
(Pahina 35)

D. Paglalapat
(Application) Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang patlang. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel. (pahina 36)
Naiaayos ko ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng tindi o
_____________ ng kahulugan ng mga ito gamit ang klino.

Sagutan ang mga sumusunod, Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay may simula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
a. epiko b. maikling kwento c. pagkiklino
2. Pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o
tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
a. epiko b. maikling kwento c. pagkiklino
3. Paghahamok ng dalawang lakas, kaisipan o paniniwalang
pinagbabatayan ng banghay ng isang akda.
a. tauhan b. tagpuan c. kasukdulan
4. Uri ng tunggalian kung ang suliranin ng tauhan ay dulot ng
kapwa niya tao.
a. tao vs tao b. tao vs sarili c. tao vs kapaligiran
5. Nagaganap sa pagitan ng pangunahing tauhan at ang puwersa
ng kalikasan.
a. tao vs tao b. tao vs sarili c. tao vs kapaligiran

V. PAGNINILAY Repleksyon:
Ano ang iyong naramdaman matapos mapag-aralan ang Maikling Kwento na
pinamagatang Miguelito? Pumili ng isang emoji na maglalarawan sa iyong
naramdaman at ipaliwanag.

Kasunduan:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4. Magsaliksik ka ng balita tungkol sa
isa sa mga sumusunod na paksa. Pumili ng isa lámang. Isaalang-
alang ang mga pang-abay na pagsang-ayon o pasalungat na salita
na gagamitin sa pagsulat. Gawin ito sa ságútang papel.
(Pahina 35 ng Modyul)

You might also like