You are on page 1of 10

Banghay Aralin

Sa Filipino 5
I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang iba’t-ibang uri at bahagi ng sanaysay

II. Paksang Aralin


Topiko: Mga uri at bahagi ng sanaysay
Sangunian: https://www.tagalogwords.com/sanaysay/?
Pagpapahalaga: Maging matiyaga
III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Tumayo ang lahat para sa ating


panimulang panalangin.

- Magandang umaga sa lahat. -Magandang umaga po Gng.


Serguino.
- Maupo ang lahat ngayon ako ay
magtatala ng liban ng klase. Sabihin ang
salitang present kong kayo ay naririto sa
loob ng silid aralan.

Pagsasanay

- May ipapakita ako sa inyo na ilang


salita. Ito ay hindi nakaayos, ang inyong
gagawin ay isaayus ito at gawing
wastong salita.

- Handa na ba ang lahat? -Handa na po kami.

- Ang unang salita ay:


1. NAYSAYYAS -SANAYSAY
2. MALPO -PORMAL
3. NIPAMALU -PANIMULA
4. SYONATEN - ATENSYON
5. META - TEMA
- Magaling mga bata!

Pagbabalik Aral - Ang panitikan ay


- Ano ang pinag-aralan Ninyo tungkol sa nagpapahayag ng
panitikan noong nakaraang lingo? saloobin o damdamin
ng isang tao.
- Tama, mayroong dalawang uri ng
panitikan at ito ay ang piksyon at
di-piksyon.

- Natatandaan niyo pa ba kung ano ang - Ang piksyon ay likhang


pinagkaiba ng piksyon sa di-piksyon? imahinasyon lamang
habang ang di piksyon
naman ay hango sa
totoong buhay.

- Magaling

B. Panlinang na Gawain

1. Pangganyak
- Opo. Ito ay ang salitang
- Tingnan ng larawan. Alam ba ninyo kung sanaysay.
ano ang salitang nasa larawan?

- Tama. Ito ay salitang sanaysay.


- Ang sanaysay ay
- Saan kadalasang ginagamit ang sanaysay? kadalasang ginagamit
sa pagbibigay opinyon
tungkol sa isang topiko.

- Hindi pa po.
- Magaling. Nakagawa na ba kayo ng
sanaysay?

- Kunggayon ngayon susubukan Ninyo na


gumawa.

2. Paglalahad

Ngayong araw, ang inyong pag-aaralan


ay tungkol sa uri at bahagi ng pangungusap.
May ibabahagi ako sa inyo na isang
halimbawa ng sanaysay.

“Edukasyon ay Ginto”

Ang edukasyon ay isang kayamanang


hinding hindi mananakaw o makukuha saatin
kailanman. Ito ay importante sa bawat tao sa
bawat sulok ng mundo dahil halos dito
umiikot ang takbo ng ating buhay.
Napakaraming mga tao lalo na’t mga
kabataan sa ating henerasyon ang hindi
nabibigyan ng pagkakataon upang sila ay
makapag aral dahil sila ay kapos sa buhay.
Wala silang ibang magagawa kundi
magtarabaho na lamang agad upang
makatulong sakanilang mga pamilya at
kakalimutan ang pangarap na gusto nilang
matupad. Kaya’t kailangan nating mapagtanto
na sobrang halaga ng pag aaral sa ating buhay
at wag natin sayangin ang pagkakataon na
ipinagkaloob saatin upag matuto.

Sa labing dalawang taon na ginugol ko


sa pag aaral, masasabi ko na napakarami kong
natutunan hindi lamang sa akademiko kundi
pati na rin sa buhay. Sa paaralan ko mas
nakita kung ano ba talaga ako bilang isang
tao. Napakaraming karanasan ang nagmulat
saakin sa realidad ng buhay. Tandang tanda
ko pa nung ako ay nasa elementarya, hindi ko
masyado iniisip ang aking pag aaral.
Nakatutok sa paglalaro at pagliwaliw ang
aking pag iisip sa ganon na edad. Bilang nag
aaral sa isang pribadong paaralan ay isang
malaking karangalan dahil nagsusumikap na
magtrabaho ang aking mga magulang upang
makapasok lang ako sa isang prestihiyosong
Unibersidad. Nung akoý tumatanda na, dun
ko na napagtanto kung gaano dapat
pahalagahan ang Pag aaral hindi lamang dahi
napakalaki ang pera na gagastusin kundi pati
na rin dahil ito ay ang pundasyon ng ating
buhay. Doon ko naisip na kailangan kong
magsumikap at mag aral ng mabuti para
mabayaran ko lahat ng sakripisyo saakin ng
aking mga magulang. Para kung akoý
nakahanap na ng trabaho ay hindi na nila
kailangang maghirap na magtrabaho para
saakin. Iyon yung natatanging karanasan ko
na dahil sa mga mababang marka ko nung
elementarya ay mas nagsumikap ako nung
akoý tumungtong sa Junior High at Senior
High School dahil ngayon naiintindihan ko na
kung gaano kahirap ang buhay at minulat na
ako ng karanasan na ito sa realidad.

Ika nga nila, ang kabataan ang pag asa


ng bayan. Kaya’t dapat nating pahalagahan
ang pag aaral. Magsumikap at abutin natin
ang ating mga pangarap upang maka tulong sa - Ang binasang sanaysay
bayan at higit sa lahat, saating pamilya.  ay tungkol sa
edukasyon.

- Tungkol saan ang binasang sanaysay?


- Sa aking binasang
sanaysay ibinahagi ng
sumulat ang kaniyang
karansan at opinyon
- Ano ang ibinahagi ng sumulat ng
binasang sanaysay? hinggil sa edukasyon.

- Magaling. Ngayon ang inyong pag-


aaralan ay tungkol sa uri at bahagi ng
sanaysay.

- Ang lahat ay umupo ng tuwid at makinig


ng mabuti.
3. Pagtatalakay
- Ang sanaysay ay may dalawang uri at
may tatlong bahagi. Ang dalawang uri ay
di-pormal at pormal. Ang tatlong bahagi
ay ang simula, gitna at wakas.

Ano ang SANAYSAY?

Komposisyon na prosa na may


iisang diwa at pananaw sistematikong
paraan upang maipaliwanag ang isang
bagay o pangyayari uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan
ng lathalain na may layuning maihatid
ang nais na maipabatid sa kapwa tao

Dalawang uri ng sanaysay

Mayroong dalawang Uri ng Sanaysay ito


ay ang Pormal at Di Pormal.

1. Pormal

Tumatalakay ito sa mga seryosong


paksa na nagtataglay ng masusing
pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang
tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito
ay siryoso at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang


editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa
opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

Ang mga pormal na sanaysay, sa


kabilang banda, ay mas mahigpit na
sumusunod sa format at istraktura.
Karaniwang nagsisimula ang sanaysay sa
isang pagpapakilala, kung saan isinasaad ng
manunulat kung ano ang kanilang pag-
uusapan sa talata. Ang pormal na sanaysay ay
may layuning magpaliwanag, manghikayat, at
magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at
moral ng mga mambabasa.

2. Di-pormal
Ito naman ay tumatalakay sa mga
paksang karaniwan, personal at pang araw-
araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa
mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang
mga bagay-bagay at karanasan ng may akda
sa isang paksa kung saan mababakas ang
kanyang personalidad na para bang nakikipag-
usap lamang siya sa isang kaibigan kaya
naman ito ay madaling maintindihan.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin


at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-
pormal na sanaysay.

Ang impormal na pagsulat ay


karaniwang nakikita bilang mas personal at
Karaniwan itong nailalarawan sa
pamamagitan ng personal na damdamin na
hindi lohikal na naayos. Karaniwan silang
nakikita bilang pang-araw-araw na kaisipan at
opinyon ng manunulat.

Mga Bahagi ng Sanaysay

Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o


panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga


dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula
pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda
ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang


mahahalagang puntos tungkol sa paksang
isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging
ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang
paksang tinatalakay o pinag-uusapan. Sa
bahaging ito ng sanysay makikita ang
pagtalakay sa mahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang magiging
mambabasa.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa


talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng
sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip
ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay sa paksang pinag-usapan. Nagsasara
sa talakayang naganap sa katawan ng
sanaysay: sa bahaging ito nahahamon ang
pag-iisp ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay ng sanaysay.

4. Paghahalaw

- Ano-ano ang mga bahagi ng sanaysay?

- Ano ang dalwang uri ng sanaysay?

- Ano ang di-pormal na sanaysay?

- Ano ang pormal na sanaysay? - Sanaysay ay may


tatlong bahagi ito ay
ang simula, gitna at
wakas.
5. Paglalahat
- Ang sanaysay ay may
- Ano ang tatlong bahagi ng sanaysay?
dalawang uri pormal at
di-pormal.

- Ano ang dalawang uri ng sanaysay? - Ito naman ay


tumatalakay sa mga
paksang karaniwan,
personal at pang araw-
- Ano ang di-pormal? araw na nagbibigay-
lugod o mapang-aliw sa
mga mambabasa.

- Tumatalakay ito sa mga


siryosong paksa na
nagtataglay ng
masusing pananaliksik
- Ano naman ang pormal na uri ng
sanaysay? ng sumulat.

6. Paglalapat

Panuto:
Isulat ang salitang TAMA kung wasto
ang ipinipahayag ng pangungusap at
MALI kung di-wasto.

1. Ang sanaysay ay may tatlong bahagi.


2. Mayaroong tatlong uri ang sanaysay.
3. Ang simula ang pinakamahalaga dahil
dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa

4. Ang di-pormal ay may sinusunod na


format.

5. Ang wakas ay nagsasara sa talakayang


naganap.

IV. Ebalwasyon

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Ito ay tumatalakay sa mga siryosong paksa na 1. B


nagtataglay ng masusing pananaliksik ng
sumulat.
a. Di-pormal
b. Pormal
c. Gitna
d. Wakas

2. Ang sanaysay ay may ilang uri? 2. D


a. Tatlo
b. Apat
c. Lima
d. Dalawa

3. Ang __________ ang pinakamahalagang 3. C


bahagi sa isang sanaysay.
a. Wakas
b. Tauhan
c. Simula
d. Gitna

4. Ano ang pinakahuling bahagi ng isang 4. B


sanaysay?
a. Simula
b. Wakas
c. Gitna
d. Tagpuan

5. Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang 5. C


karaniwan, personal at pang araw-araw na
nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga
mambabasa.
a. Pormal
b. Wakas
c. Di-pormal
d. Simula

V. Takdang Aralin

Gumawa ng isang orihinal na sanaysay at tukuyin ang pahagi nito. Isulat ito sa
isang buong piraso ng papel aat ipasa ito sa susunod na araw.

INIHANDA NI:

_________________________
ROCEL MARIE G. NAVALES
IPINASA KAY:
_________________
GNG. OFELIA PE

You might also like