You are on page 1of 6

I.

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipaliliwanag ang kahulugan at kalikasan ng replektibong sanaysay


b. naipapahayag ang saloobin sa pamamagitan ng replektibong sanaysay
c. nakagagawa ng sulating replektibo.

II. Paksang – Aralin

A. Paksa: Ang Replektibong sanaysay: Kahulugan, Kalikasan at Pagsulat

B. Sanggunian: Filipino sa Laranganng Akademiko nina Rolando A.

Bernales, Elimar A. Ravina, Maria Esmeralda A. Pascual

C. Mga kagamitan: powerpoint presentation, pangtulong biswal, aklat, speaker,

laptop.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pambungad na Gawain

1. Panimulang Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

B. Paglalahad

1. Pagbabalik-aral

Bago tayo tumungo sa ating


panibagong aralin ay nais kong
malaman kung inyo pang naaalala
ang ating nakaraang aralin.

Ano ang ating pinang aralan noong


nakaraan nating pagkikita?
“Bb. Sanaysay po”

Tama!

Sa pagkakataong ito ay bubuo tayo


ng tatlong pangkat ang bawat
pangkat ay bibigyan ko ng
makukulay na papel. Sa makukulay
na papel na ito ay inyong isusulat
ang inyong natutuhan patungkol sa
ating nakaraang paksa bibigyan ko
kayo ng (1) isang minuto
para magsulat matapos nyo itong
isulat ay inyo itong babasahin at
ididikit sa scroll na nakadikit sa
harapan.
Ang sanaysay ay isang maiksing
komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.

Ang salitang sanaysay sa ating


panitikan ay nilikha ni Alejandro G.
Abadilla buhat sa pariralang “sanay
sa pagsasalaysay.”

Pormal- Ginagamit sa mga seryosong


usapin. Humihikayat sa malalim na
pag-iisip at pagtitimbang.

Di-Pormal- Ginagamit sa mga


pangkaraniwan, pang-araw-araw at
pansariling usapin.

Mahusay!

Nakakatuwang makita na lubos nyong


naunawaan ang ating ginawang
paksa.

2. Pagganyak

Bago tayo tuluyang tumungo sa ating


panibagong aralin ay meron akong
inihandang larawan na nagtataglay ng
katanungan.

Bilang isang nilalang ay mahalaga sa


atin na naipapahayag ang ating naiisip
at nararamdaman. Ngayon gamit muli
ang makukulay na papel ay nais kong
isulat ninyo ang laman ng inyong puso
at isipan.
Pamilya
Nalulungkot
Kaibigan
Masaya
Pagkain

Ano ang kahalagahan ng


pagpapahayag ng ating damdamin?

“Bb. Nababawasan ang bigat ng ating


nararamdaman at nasasabi natin ang
ating mga iniisip mahalaga poi to bilang
isang tao.”

Mahusay!

Ngayon sa tingin ninyo tungkol saan ang


ating aralin?
“Bb. Patungkol po sa replektibong
sanaysay po.”

Tama!

C. Pagtalakay

Ano nga ba ang replektibong sanaysay?

Ang replektibong sanaysay o


replekyong papel (tinatawag ding
Reflective Paper o Contemplative
Paper) ay isang pasulat na
prensentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagmumuni-muni
tungkol sa isang paksa.

Ang repleksyong papel ay hindi dayari


o dyornal. Ito ay isang impormal na
sanaysay.

Kadalasan, ginagamit ang unang


panauhan (ako, tayo, kami) sa
repleksyong papel dahil nirerekord
ditto ang mga sariling kaisipan,
damdamin at karanasan.
Paano nga ba sumulat ng replektibong
sanaysay?

Mga Iniisip at Reaksyon. Kapag


nagsususulat ng repleksyong papel
hinggil sa literature o karanasan,
kailangang maitala ang iyong mga
iniisip at reaksyon sa binasa o
karanasan.

Buod. Hindi simpleng pagbubuod ng


binasa o karanasan ang repleksyong
papel.

Organisasyon. Ang replekyong papel


ay kailangang maisaayos katulad ng
iba pang uri ng pormal na sanaysay.

Introdusyon katulad halimbawa


ng paglalarawan ng iyong mga
inaasahan bago magbasa o
gawin ang isang bagay.

Ang Katawan naman ng papel ay


maaring magpaliwanag sa mga
kongklusyong nabuo mo at kung bakit at
paano, batay sa mga konkretong detalye
mula sa pagbabasa o karanasan.

Tapusin ang papel sa


pamamagitan ng pagbubuod ng
iyong mga natamo mula sa
binasa o karanasan.

Naunawaan nyo ba ang paksang ating


pinag aralan?

“Opo, Binibini”
D. Palalapat

KAYANG-KAYA KUNG SAMA-SAMA


(Pangkatang Gawain)

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong


pangkat at susuriin ang bidyong
napanood. Pag-usapan kung ano ang
paksang tinalakay sa bidyo. Gagawa
ang bawat pangkat ng isang
replektibong pahayag patungkol dito.

Pamantayan:

Nilalaman 5%
Pagkamalikhain 5%
Pagpapahayag 5%
ng damdamin
Kabuuan 15%

E. Paglalahat

“ITATANIM SA AKING PUSO”

Bilang pagtatapos sa ating paksa ay


nais kong inyong pahalagahan ang
inyong mga natutuhan kaya gamit ang
malalaking puso na ibibigay ko sa
inyong pangkat ay nais kong isulat
ninyo ang inyong bawat natutuhan at
ididkit ito sa harapan. Bibigyan ko kayo
ng (1) isang minuto upang magsulat.
F. Pagtataya

Panuto: Ilagay ang Positibo kung


sangayon sa pahayag at Negatibo
kung hindi.

1. Ang replektibong sanaysay ay


nagpapahayag ng damdamin?
2. Ang organisasyon ay binubuo ng
introduksyon, katawan, at
katapusan?
3. Ang buod ay naglalaman ng
mahabang sulatin?
4. Kadalasang ginagamit ang
pangalawang panauhan.
5. Ang repleksyon ay tala ng mga
kaalaman at kamalayan?

1. Positibo
2. Positibo
3. Negatibo
4. Negatibo
5. Postibo

IV. Kasunduan

1. Humanap ng bidyo na tumatalakay sa Fake News at gawan ito ng replektibong

sanaysay.

2. Ano ang lakbay-sanaysay?

You might also like