You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO XI

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakuha ng mahigit 80% para sa
mga sumusunod na layunin:
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulatin ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
 Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang lakbay sanaysay
 Nailalahad ang sariling karanasan sa paglalakbay sa pamamagitan ng pagsulat
ng sanaysay

II. NILALAMAN
Paksa: Lakbay Sanaysay
Dulog: CONSTRUCTIVISM
Istratehiya: Activity Based

Sanggunian: Lontoc, Nestor at Baisan-Julian, Ailene Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., c2016.
Pahina 106-117

III. Kagamitan: Projector, Laptop at Speaker


IV. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagpapanatili ng kaayusan ng
Silid-Aralan
3. Pagbati ng guro sa mag-aaral
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak
B.1.

Sino dito inyo ang nakapamasyal na sa


iba’t ibang lugar pasyalan dito Ako po sir!
Sorsogon?

San naman iyon Liezel? Bacon Sorsogon po Sir! Sa Paguriran po…

Magaling!

Batay dito sa aking ipapakitang mga


larawan, Saan ninyo naman kaya
gustong makarating dito? at bakit?

Itaas ang kamay ng gustong sumagot!

Sigi po , G. Bonso
Sir sa Boracay po! dahil sa nabalitaan ko po
na napakalinis at napakasariwa ng hangin sa
lugar na iyan. Problema lang po Sir ang
gastos kaya dapat magsumikap at
nangkarating diyan po.
Tama po! Nakakapagtangal ng stress
sa lugar na iyan.

B.2 Ngayon naman may papanoorin


kayong ng isang bidyo: Ang mga iba’t
ibang lugar, kultura at pagkain na
maaring mapuntahan, malaman at
makain sa Cebu.

Ano ang dapat gawin habang


nanonood ng bidyo?
Hindi po magiingay, iintindihan ang nais
ipahatid ng video at isusulat ang mga
impormasyong mahalaga.
Magaling! Sisimulan na nating
ipalabas ang maikling bidyo.
(Paguumpisa ng bidyo)

(Pagatatapos ng bidyo)

Nagustuhan nyo ba ang inyod inyong


napanod?
Opo Sir! Ang problema po nakakagutom…

Tanong: Batay sa napanood na bidyo


ano kaya ang maari mong maranasan
kapag kayo ay pumunta sa Cebu?
(magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sigi po, Aries!

Masaya pong makapunta ng Cebu. Maraming


masasarap na pagkain, magagandang tanawin
na mapapupuntahan at maaaring makaroon ng
maganadang kwento po pagbalik sa iyong
lugar.
Magaling na kasagutan! Bigyan natin si
Aries ng tatlong padyak at tatlong palakpak.

B.3. Pangkatang Gawain - Sa loob ng limang minuto ibahagi sa


Magkakaroon tayo ng pangkatang bawat miyembro ng kanilang pangkat
gawain ay hahatiin ko kayo sa 4 na ang mga lugar na kanilang napuntahan
pangkat. at kung anong kultura, pagkain at mga
magagandang destinasyon ang
Basahin ng sabay-sabay ang panuto sa makikita rito.
paggawa.

- Pagkatapos ay pipili kayo ng isang


lugar na inyong napag-usapan at
bibigyan sila ng labinlimang (15)
minuto upang paghandaan ang
kanilang gagawin sa bawat pangkat.

Magaling! Ngayon ay ipapakita ko


sa inyo ang pamantayan ng pagmamarka
Basahin ng sabay-sabay. (Babasahin ng mga mag-aaral ang
pamantayan)

Ibibigay ko sa inyo ngayon ang gawain


ng bawat pangkat Pangkat1: Ilahad ang kultura, pagkain, iba’t
ibang destinasyon at maaring maranasan sa
lugar na inyong napili sa pamamagitan ng
isang infomercial.(impormasyon tungkol sa
lugar)hal. Kuya Kim.

Pangkat 2: Bumuo ng isang awitin o jingle


na nagpapakita kung bakit
kailangan pumunta sa lugar na
inyong napiling ibahagi.

Pangkat 3: Magbigay ng mga tips o mga


dapat gawin at dalhin sa lugar
na inyong napiling ibahagi. Iulat
ito sa pormat ng pagbabalita o
katulad sa TV Patrol.

Pangkat 4: Bumuo ng isang skit na kung


saan ipinapakita ang mga
paalala na hindi dapat gawin at
dalhin sa lugar na inyong
napiling ibahagi.

- Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 2


hanggang 3 minuto para sa kanilang
pagtatanghal.

C. ABSTRAKSYON
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang
paglalakbay? (magtataas ng kamay ang mga mag-
aaral)

Sigi po Gerald!
Ito po Sir ay kinapapalooban ng mga
magaganda at masasayang tanawin o
lugar na napuntahan ng isang tao sa
kanyang buhay.

Magaling, Gerald! Salamat!

Ano nga ba ang lakbay-sanaysay basi


doon sa ginawang ninyong
gawain kanina?
Sir!
Ano po iyon Bb. Ayesa?
Sir, ito po ay isang sulatin na kipapalooban
na kinapapalooban ng magagandang
pangyayari sa isang lugar na napuntahan.
Tama po! Magaling Ayesa!
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag
niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong
konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay.
Ipapakita ko po sa inyo ang mga 6 na
DAPAT TANDAAN sa pagsulat ng isa
Lakbay –Sanaysay.

4 na DAHILAN sa PAGSULAT ng Lakbay


Sanaysay:
Dr. Lilia Antonio, et al. (2013) (babasahin ng mga mag-aaral ang nasa
presentasyon ng guro)
Isulat po ninyo ang mahahalagang mensahe sa
inyong kuwaderno. (isusulat nila sa kanilang kuwaderno ang mga
ito)

Ano sa palagay ninyo ang kahalagahan


ng pagsulat ng Lakbay-Sanaysay?

Sir ako po!


Sigi po Alaysa!

Sir! Mahalaga po ang isang lakbay sanaysay


sapagkat ito ang aming magiging
pamamaraan upang maibahagi ang namin
karanasan ukol sa aming nagawang
paglalakbay sa isang lugar na aming
pinuntahan.
Magaling Alaysa! Tumpak ang iyong sagot.

D. EBALWASYON
Sa isang buong papel. Susulat kayo ng (ang mga mag-aaral ay gagawin ang
isang Lakbay Sanaysay na kung saan ay gawaing ibinigay ng guro)
gagawing gabay ang mga tinalakay sa
pagsulat nang nasabing sanaysay

V. TAKDANG ARALIN
Alamin ang kahulugan ng Pictorial Essay at kumuha ng isang halimbawa nito. Iimprinta ito
sa sa short bondpaper at idikit sa kuwaderno.

You might also like