You are on page 1of 30

Banghay ng Aralin sa Filipino

FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.

Pamantayan sa Pagganap
Nakakasulat ng 3-5 sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
Pananaliksik.

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-92

I.Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan ng abstrak bilang bahagi ng pananaliksik.
2. Maibigay ang pagkakasunod-sunod na bahagi ng abstrak.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin – Abstrak


Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:https://prezi.com/win0bwcixi0n/paguslat-ng-akademikong- sulating-abstrak/.
https://prezi.com/w9ezfrie0ehm/abstrak/

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Anong…Sunod?

Bibigkasin ng guro sa hindi magkakasunod na bilang ang mga proseso ng pagluluto ng


adobo. Dalawang mag-aaral ang susulat sa pisara ng tamang bilang nito. Ang mas madaming
tamang sagot ang syang mananalo.
1. Isa-isahin ang proseso ng pagluluto ng adobo.
2. Ano ang kahalagahan ng tamang pagkakasunod sunod ng tamang pagluluto ng adobo

Aktibiti 2: Pagbasa ng abstrak

Pangkatin ang klase ng may tig-apat na miyembro. Mula sa binasang abstrak, sagutin
ang mga sumusunod:
1. Ano ang pamagat ng riserts?
2. Ano ang paksa nito?
3. Ano ang ginamit na metodolohiya?
4. Banggitin ang mga resulta ng pananaliksik?
Isang mag-aaral mula sa grupo ang mag-uulat sa klase.

B. Analisis:

1. Pansinin ang pagkakasunod-sunod ng bawat pangungusap sa abstrak, ano ang naunang


binanggit? Ano ang mga sumunod? At ano ang nasa huli?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Uri ng
Abstrak
Abstrak
Deskriptibo-Nagbibigay
Isang maikling
ng paglalarawan sa
paglalahad ng kabuuan
pangunahing paksa at
ng isang pananaliksik.
layunin

Impormatibo-
Nagbibigay alam sa mga
mambabasa.

37
Mga Bahagi ng Abstrak
•Pamagat
•nagsisilbing paunang introduksyon sa pananaliksik
•Paksang Pangungusap
•naglalahad ng pangunahing paksa o kabuuang diwa ng buong talata.
•Layunin
•Inilalahad ang pinaka-espesipiko o ang pinakatampok na layunin ng
pananaliksik.
•Metodolohiya
•ipinapaliwanag ang pamamaraang isinagawa upang matamo ang layunin
ng pananaliksik
•Mga datos
•anumang uri ng kaalaman o impormasyon na magagamit sa pananaliksik
•Resulta ng mga datos
•kinalalabasan ng pag-aaral ngunit dapat ilimita ang datos sa
mahahalagang punto lamang
•dapat magbigay ito ng ideya tungkol sa isinagawang pananalksik ngunit
hindi gaanong mahaba at hindi ibinibigay ang lahat ng detalye tungkol
sa pananaliksik
•mahalagang maingat magawa dahil ito ang binabasehan ng mga taong
interesadong mabasa ang ginawang pananaliksik

C. Abstraksyon

Bataya sa isinagawang talakayan, paano makatutulong sa isang bagong risertser ang


pagbasa ng abstrak?

D. Aplikasyon:Pagsusuring-basa

Gamit ang flow chart, isulat ang pagkasunod-sunod ng mga bahagi ng nakalahad na
ibinigay na abstrak.

Pamagat
Paksang Pangungusap
Layunin
Metodolohiya
Mga Datos
Resulta ng Pag- aaral

Isang mag-aaral ang mag-uulat sa klase ng natapos na gawain.


Tatayahin ang ginawang flow chart batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos
Sistematikong paglalahad ng 10
bawat bahagi ng abstarak
Maayos ang daloy at 10
pagkakaugnay ng mga
bahagi
Maayos at malinaw ang 10
pagkakabuo ng abstrak
Kabuuan: 30

E. Ebalwasyon:

Sa ika-apat na bahagi ng papel tukuyin ang hinihingi ng mga pahayag.


1. Ito ay anumang uri ng kaalaman o impormasyon na magagamit sa pananaliksik.
2. Dito inilalahad ang pinaka-espesipiko o ang pinakatampok na layunin ng pananaliksik.
3. Dito inilalahad ang pangunahing paksa o kabuuang diwa ng buong talata.
4. ipinapaliwanag ang pamamaraang isinagawa upang matamo ang layunin ng pananaliksik
5. Ito ay nagsisilbing paunang introduksyon sa pananaliksik.
38
Susi ng pagwawasto.
1. Mga datos
2. Layunin Linggo 4 Araw 3-4

3. Paksang pangungusap
4. Metodolohiya
5. Pamagat

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan
Magbasa ng halimbawa ng abstrak at tukuyin ang bawat bahagi nito at humanda sa pagtalakay
sa sunod na araw.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


MARVEL S. MALAQUE MARICEL S. GARCIA, Ph.D.

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.

Pamantayang Pagganap
39
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-93
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-93
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
CS_FA11/12WG-0p-r-94

I. Tiyak na Layunin:
1. Makasulat ng isang abstrak mula sa isang binasang riserts.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Abstrak


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:http://documents.tips/documents/mga-bahagi-ng-teksto.html#

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Hulaan Mo

Sa buong klase paisa-isang babanggitin ng guro ang mga titik ng huhulaang salita. Ang
unang makakahula ng buong salita ang siyang mananalo.

1. Pananaliksik
A A A I P S K K L N N I
2. Abstrak
A S R A B T K
3. Batangas
B T A S G A N A

Aktibiti 2: Gawa Na!

Pangkatin ang klase ng may apat na miyembro. Susuriin ng bawat grupo ang ibibigay ng
halimbawa ng riserts Implementation ng Environmental Code sa Sta. Rosa
http://www.slideshare.net/hillainemarie/thesis-pananaliksik-environment-code-ng-santa-rosa

C. Analisis:

1.Tukuyin ang mga bahagi ng nabasang riserts.


a) Pamagat
b) Paksang Pangungusap
c) Layunin
d) Metodolohiya
e) Mga Datos
f) Resulta ng Pag-aaral

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Mga dapat tandaan:


1. Dapat konkreto ang paglalarawan
2. Buo ang kaisipan ukol sa paksa
3. May buo at may kahulugang konklusyon na hindi lalagpas sa 200 na salita.
4. Ito ay basehan ng mga mambabasa kung sila interesado sa pananaliksik.

D. Abstraksyon:

1. Magbigay ng karagdagang rekomendasyon tungkol sa nabasang riserts.


2. Maglahad ng sariling pananaw sa pagkakaroon ng Environmental code sa inyong lugar

E. Aplikasyon: Pagsulat ng Abstrak

40
Sumulat ng isang abstrak mula sa binasang riserts. Isaalang-alang ang mga bahagi
nito.
Linggo 5 Araw 1-2

E. Ebalwasyon:

Tatayahin ang ginawang flowchart batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Sistematikong paglalahad 10
ng bawat bahagi
Maayos ang daloy at 10
pagkakaugnay ng mga
bahagi
Maayos at malinaw ang 10
pagkakabuo ng abstrak
30
Kabuuan

Banghay ng Aralin sa Filipino


41
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Pamantayang Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin. CS_FA1112PU-0d-f-92

I. Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng buod/sintesis
2. Maisaisa ang mga hakbang sa pagbubuod.

II. Paksang Aralin: Buod/ Sintesis


Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:http://documents.tips/documents/mga-bahagi-ng-teksto.html#
http://documents.tips/documents/filipino-review.html#

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Ikwento mo, Itutuloy ko!

Magbabahagi ang mag-aaral ng kwentong kanilang napanood o nabasa. Sisimulan ng


isa at itutuloy naman ng isa pa hanggang matapos ang kwento. Bigyan diin na mahalagang
kaganapan lamang ang babanggitin.

B. Analisis:

1. Ano pang mga kaganapan sa kwento ang hindi nabanggit?


2. Ano ang nais ipahiwatig ng napanood o nabasang kwento?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Ang Pagbuo ng Buod


Ang pagbubuod ay isang paraan ng
papapaikli ng anomang teksto o
babasahin.
Wala kang isasamang sarili mong
opinyon o palagay tungkol sa paksa.
Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang
pinakamahalagang kaisipan ng teksto.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod


• Basahing mabuti ang buong akda
upang maunawaan ang buong diwa
nit
• Tukuyin ang pangungusap na
nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata
• Gumamit ng sariling pananalita.
• Ang haba nito ay 1/3 ng orihinal na
teksto
42
C. Abstraksyon:

Sa pagbuo ng buod, bakit hindi dapat makasama ang ating sariling opinion tungkol sa
paksa?
Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang -
diin ng may akda

D. Aplikasyon: Buodin Natin!

Pangkatain ang klase na may tig-aapat na miyembro.Gawan ng buod ang halimbawang


teksto. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat ng buod. Isang mag-aaral ang mag-uulat
sa klase.

Orihinal

Sa India, naniniwala ang mga tao na may isang diyosang pumapatnubay sa mga
batang nagnanais matuto. Ang diyosang ito ay tinatawag nilang Saraswati.
Isang gabi, habang nakaupo sa kanyang bulaklak ng lotus at nag-iisip kung bakit tila
hindi interesado ang mga tao sa lupa na tumuklas ng karunungan, naulinigan si Saraswati ang
ganitong pag-uusap.
“Prem, anak, madilim pa bukas ay kailangang gumising ka na. Hindi biro ang lalakbayin
mong sampung kilometro patungo sa eskuwelahan at sampung kilometro pabalik.”
“Huwag kayong mabahala, Ina,” sagot ng batang lalaki. “Mag-iingat po ako sa daan.”
“Ang kinatatakutan ko’y ang mga hayop sa gubat na daraanan moa raw-araw. Baka
bigla ka na lang sagpangin ng tigre. Kung buhay lamang ang ama mo’y meron sana tayong
sapat na pambayad sa boarding house. Pero pangmatrikula mo lamang ay kaytagal na nating
pinag-ipunan.”
“Ina, alam ko pong papatnubayan ako ni Saraswati.”
Napangiti si Saraswati sa narinig. “Matutupad,” ang bulong sa sarili.

Buod

Naniwala ang mga taga-India na may diyosa ng karunungan, si Saraswati, na


pumapatnubay sa mga batang ibig matuto.
Isang gabi, napakinggan ni Saraswati ang pag-uusap ng batang si Prem, na ulila na sa
ama, at ng kanyang ina. Papasok si Prem sa paaralan kinabukasan at nag-aalala ang kanyang
ina sa tigre at iba pang hayop sa gubat na daraanan ni Prem patungo sa paaralan. Ngunit
sinabi ng bata na papatnubayan siya ni Saraswati, na bumulong sa sariling matutupad ang
sinabi ni Prem.

Tatayahin ang isinulat na buod batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Sistematikong paglalahad ng 10
bawat bahagi
Maayos ang daloy at 10
pagkakaugnay ng mga bahagi
Maayos at malinaw ang 10
pagkakabuo ng buo
Kabuuan 30

E. Ebalwasyon:

Panuto: sa ¼ na papel isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pahayag; M naman kung
mali.
1. Maaring ibuod ang nobela.
2. Kailangang samahan ng opinyon ang gagawing buod
3. Ang haba ng buod ay 1/3 ng orihinal na teksto.
4. Sa pagsulat ng buod kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto.
5. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong
43
binigyang -diin ng may akda sa pagsulat ng buod.

Susi ng Pagwawasto
1. M
2. M
3. T
4. T
5. T

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Isaliksik at basahin ang maikling kwento “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Matute.


Maghanda sa talakayan sa susunod na araw.
http://markjan-markjan.blogspot.com/2012/07/ang-kwento-ni-mabuti-ni-genoveva-edroza.html

Linggo 5 Araw 3-4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Pamantayang Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FA1112PU-
0d-f-93

44
I. Tiyak na Layunin
1. Makapagsulat ng buod ng isang piling maikling kwento.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin – Sintesis/Buod


Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:http://documents.tips/documents/mga-bahagi-ng-teksto.html#

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Katapusan ano ka?

Pangkatin ang klase ng may tig-aanim na miyembro. Gumawa ng iskit na may


kwentong walang pinagtapusan. Huhulaan ng ibang grupo ang maaring kinahinatnan. Ang
makakahula ng tamang katapusan ang syang mananalo.

Aktibiti 2: Mabuti!

Gumawa ng iskit batay sa binasang kwento, “Kwento ni Mabuti” Isama lamang ang
mahahalagang pangyayari sa kwento.

B. Analisis:

1. Anong mahahalagang bahagi ng kwento ang isinama sa inyong iskit?


2. Ano ang maaaring kinahinatnan ng bata sa kwento?
3. Sa pagbuo ng buod dapat bang isama ang ating mga palagay o opinyon sa kinahinatnan ng
kuwento.

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Ang Pagbuo ng Buod

Ang pagbubuod ay Wala kang Sa pagbubuod ay


isang paraan ng isasamang sarili Isinasaad dito kinukuha lamang
papapaikli ng mong opinyon o kung ano ang nasa ang
anumang teksto o palagay tungkol sa teksto. pinakamahalagang
babasahin. paksa. kaisipan ng teksto.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

Tukuyin ang
Basahing mabuti pangungusap na
Ang haba nito ay
ang buong akda nagpapahayag ng Gumamit ng
1/3 ng orihinal na
upang maunawaan pangunahin at sariling pananalita.
teksto
ang buong diwa nit pinakamahalagang
kaisipan ng talata

C. Abstraksyon:

Isa sa konsiderasyon sa pagsulat ng buod ay ang paggamit ng sariling salita. Ano pa


ang mga maaring idagdag upang madaling makagawa ng buod?
1. Pagbabasa upang lumawak ang bokabularyo.
2. Huwag tuwirang sipiin ang mga pangungusap sa kwento.
3. Manatili sa ideya ng kwento at gumamit ng “paraphrase” o hawig.

D. Aplikasyon: Buodin Natin!

Pangkatin ang klase na may tig-aanim na miyembro ang bawat grupo. Gawan ng buod
ang kwentong binasa” Kwento ni Mabuti” Isaalang -alang ang mga pamantayan sa pagbuo
nito.
Tatayahin ang isinulat na buod batay sa sumusunod na panukatan.
45
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Linggo 6 Araw 1-2

Sistematikong paglalahad ng 10
bawat bahagi
Maayos ang daloy at 10
pagkakaugnay ng mga bahagi
Maayos at malinaw ang 10
pagkakabuo ng buo
Kabuuan 30

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-92

I.Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan at gamit ng bionote.
2. Maisaalang-alang ang konsepto ng pagsulat ng bionote.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin – Bionote


Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/311467604/Bionote-With- Citation-thesis

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Idol mo Ikuwento mo!

Ikukuwento ng mag-aaral ang buhay ng kanyang paboritong artista.


Kung may mababanggit na impormasyon katulad ng ibang idolo, ang mag-aaral na iyon ang
susunod na magbabahagi.

B. Analisis:

1. Bukod sa mga natanggap na karangalan ng inyong paboritong artista, ano pa ang mga
impormasyong nabanggit.
2. Kung ito ay ating isusulat, ano- ano ang maari nating ilagay sa
a. unang talata
b. pangalawang talata
c. pangatlong talata

Pagbabahagi ng Karagdagang input.

46
Paraan ng pagsulat
Bionote
ng bionote

Isang maikling Unang talata - panglan,


pangungusap na araw ng kapanganakan,
inilalarawan ang may lugar ng kapanganakan,
akda. tirahan,
magulang,kapatid.

Ito ay nakasulat sa
ikatlong panauhan (Word- Ikalawang talata - mga
mart,2006) katangian, mga hilig,
paborito, libangan, mga
bagay na natuklasan
sasarili
Maiksing tala ng personal
na impormasyon ukol sa
isang awtor Ikatlong talata - mga
pananaw sa mga bagay-
bagay, pangarap,
Impormatibo dahil ambisyon, inaasan sa
nagbibigay ng important darating na panahon,
facts tungkol sa mga gawain upang
manunulat (Berkun 2013). makamit ang tagumpay

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, paano makatutulong ang pagsangguni sa bionote sa


pagtingin at pagkilala sa isang tao.

E. Aplikasyon:

Suriin ang bionote ni Nick Joaquin na isang 1996 Ramon Magsaysay Award for
Journalism, Literature and Creative Communication Arts. Pangkatin ang klase sa apat na
grupo. Isulat sa manila paper ang mga impormasyong nabanggit.

Unang grupo Unang talata


Pangalawang grupo Ikalawang talata
Pangatlong Grupo Ikatlong talata

F. Ebalwasyon:

Sa ¼ na papel, isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pahayag; M naman kung mali.
1. Ang bionote ay isang tala kung saan inilalarawan ang sumulat ng isang akda.
2. Sa pangatlong talata isinusulat ang mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay
na natuklasan sa sarili
3. Ayon sa Word-mart,2006 ang bionote ay impormatibo dahil nagbibigay ng important facts
tungkol sa manunulat.
4. Kasama sa unang talata ang pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan,
tirahan, magulang, kapatid.
5. Pasaktong isulat ang bionote.

Susi ng Pagwawasto.
1. T
2. M
3. M
4. T
5. M

Index of Mastery
47
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan
Magsaliksik ng bionote ni Dr. Jose Rizal at maghanda sa pagtatalakayan sa susunod na
pagkikita.

Linggo 6 Araw 3-4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
CS_FA1112PU-0d-f-93

I. Tiyak na Layunin
1. Matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng bionote.
2. Makasulat ng sariling bionote.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Bionote


Mga Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:https://www.scribd.com/doc/311467604/Bionote-With-Citation-thesis

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Tala ng Buhay

Pangkatang Gawain: Pagpapanood ng video – Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

B. Analisis:

1. Magbigay ng mga impormasyon sa buhay ni Dr. Jose Rizal na nabanggit sa pinanood na


video.
2. Ibigay ang haylayt ng kanyang buhay:
a. pagkabata
b. bilang doctor, manunulat, manlalakbay

48
Pagbabahagi ng karagdagang input.

Unang linya Pangalan

2-4 na panguri
na
naglalarawan
Ikalawang linya
sa sarili o sa
taong
inilalahad

Ikatlong linya Mga magulang

Paano Ikaapat na linya Mga kapatid


gumawa ng
Biographical
Mga hilig at
Notes? Ikalimang linya
gusto

Ikaanim na Mga
linya kinatatakutan

Ikapitong linya Mga pangarap

Ikawalong linya Tirahan

Ikasiyam na
Apelyido
linya

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ano ang mga natutunan mo sa buhay ni Dr. Jose Rizal
bilang isang Pilipino?

D. Aplikasyon: Ikahon ang dapat kahunan:

Pangkatin ang klase ng may tig-aanim na miyembro. Punan ang sumusunod na kahon
batay sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal.

Dr. Jose Rizal

E. Ebalwasyon:

Sa isang buong papel, sumulat ng sariling bionote. Isaalang-alang ang mga paraan sa
pagsulat nito.

Tatayahin ang isinulat na bionote batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Sistematikong paglalahad ng 10
bawat bahagi
Maayos ang daloy at 10
pagkakaugnay ng mga bahagi

49
Maayos at malinaw ang 10
pagkakabuo ng buo
Kabuuan 30
Linggo 7 Araw 1

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-92

I.Tiyak na Layunin
1. Matukoy ang kahulugan ng panukalang proyekto.
2. Malaman kung paano ang pagsisimula ng panukalang proyekto.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Panukalang Proyekto


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-15

II. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Hikap….Hunta…Puna

Pangkatang Gawain: Magmasid sa iyong paaralan at alamin ang kakulangan nito. Sa


isang papel isulat ang mga pangangailangan ng iyong paaralan.
50
Halimbawa
Suliranin # 1
1. Kakulangan ng malinis na suplay ng tubig. Mga bagay na kailangan:
a. Isang poso para sa paaralan
b. Bigyang kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa mga kabutihang dulot ng
pagpapakulo ng tubig na inumin upang maiwasan ang mga sakit.

B. Analisis:

1. Bakit kinakailangang alamin ang mga mga pangangailangan ng isang lugar?


2. Ano ang magiging pakinbabang ng mamayan dito?
3. Sa paanong paraan matutugunan ang kasagutan sa mga pangangailangang nabanggit?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Aplikasyon tungkol sa pag-apruba para sa Bago makapaghanda ng isang panukala,


isang proyekto.I dapat ay matukoy muna ang bagay na
• Isang nakasulat na mungkahi upang kailangang-kailangan ng inyong
makamit ang layunin. pamayanan o paaralan.
• Isang detalyadong plano na ginagamit • Ang natukoy mong pangangailangan ang
bilang gabay sa pagsasagawa ng isang siyang magiging batayan ng iyong
proyekto. panukala.
• Ito any nagpapakita ng lohikal at
sistematikong pagdulog upang maisagawa
ang proyekto.

Panukalang
Proyekto

Isulat ang mga natukoy na Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong
pangangailangan, mahalagang panukalang proyekto, ang magiging paksa ng
maipaliwang mong mabuti ang iyong araling ito.
panukala. • Tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng
iyong pamayanan.
• Sa pamamagitan ng nakasulat mong • Batay dito, maaari mo nang mailahad ang
panukala matutulungan mo ang iyong layunin ng iyong proposal.
pamayanan. • Dapat ay nakasaad din kung bakit mo
ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan

C. Abstraksyon:

1. Ilahad ang mga napansin sa mga ibinigay na halimbawa?


2. Ang isang suliranin ay maaaring may dalawa o higit pang solusyon. Batay sa iyong sariling
talaan, magbigay ng dalawang solusyon na magagawa mo agad.

D. Aplikasyon: Ala eh, Ano gang Problema?

Pangkatin ang klase ng may tig aapat na miyembro. Bumuo ng isang panimula ng
panukalang proyekto para sa inyong lugar batay sa mga sumusunod:
1. Tukuyin ang kaukulang pangangailang ng inyong pamayanan.
2. Ilahad ang layunin ng iyong proposal

Dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat na nakapaloob dito
ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan
ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay.

Mga halimbawa: Ang mga posibleng dahilan:


a. Ang mga opisyal ng barangay ay dapat na magkaroon ng lugar ng pagtitipon.
b. Kailangan ng mga kabataan ang lugar panlibangan o palaruan upang maengganyo silang
sumali sa mga pisikal na gawain.
c. Kailangan ng mga mamamayan ang malinis na suplay ng tubig upang maiwasan ang mga
sakit.

Isang mag-aaral ang mag-uulat sa klase ng natapos na gawain.

51
E. Ebalwasyon:

Panuto: Sa isang ¼ na papel isulat ang T kung tama ang sumusunod na pahayag at M naman
kung mali.
1. Ang panukalang proyekto ay isang aplikasyon tungkol sa pag-apruba ng isang proyekto.
2. Bago makasulat ng isang panukala dapat ay matukoy muna ang pangangailan o suliranin.
3. Ang panukalang proyekto ay isang berbal na mungkahi upang makamit ang layunin.
4. Mahalagang nakasulat ang iyong panukala upang maipaliwang ito ng mabuti.
5. Ang panukalang proyekto ay ginagamit upang maging gabay sa paggawa ng isang proyekto.

Susi sa pagwawasto
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan
1. Gumawa ng isang diagram para sa planong gawin sa natukoy mong suliranin at humanda sa
pagtatalakayan sa susunod na araw.

Linggo 7 Araw 2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FA1112PU-
0d-f-93

I. Tiyak na Layunin
1. Matukoy ang mga bahagi ng katawan ng panukalang proyekto.
2. Makagawa ng mga talaan ng mga bagay na dapat gawin o plan of action.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Panukalang Proyekto


Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: 1. https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-15
https://doc-0k-a0-apps
viewer.googleusercontent.com/viewer/secure/pdf/3nb9bdfcv3e2h2k1cmq

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Alin..alin..alin ang dapat Unahin?

Sa bawat suliranin at pangangailangang nabanggit sa ibaba, magbigay ng isang layunin at


isulat ito sa patlang. Ang unang bilang ay isang halimbawa nito.

52
1. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa
ipinagbabawal na gamot
Pangangailangan: Palaruan ng basketbol
Layunin: Maglaan ng isang palaruan kung saan maaaring gugulin ng kabataan ang kanilang
oras nang maiwasan ang pagkagumon sa mga bawal na gamut

2.Suliranin: Pagtaas ng insidente ng pagkakaroon ng sakit dulot ng mga bakteryang dala ng


tubig
Pangangailangan: Pangagalinagn ng malinis na inuming tubig
Layunin:
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________

3.Suliranin: Ang mga nakatatandang mamamayan ay walang pagkukunan ng pagkakakitaan


Pangangailangan: Programang pagsasanay para sa mga gawaing
pangkabuhayan
Layunin:
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga krimen


Pangangailangan: himpilan ng pulisya
Layunin:
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga batang kulang sasustansiya


Pangangailangan: School-based feeding program
Layunin:
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Mga mungkahing sagot:


1. Upang mabigyan ng ligtas na inuming tubig mula sa poso ang mga kasapi ng pamayanan.
2. Upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nakatatandang mamamayan sa pamamagitan
ng livelihood training program
3. Upang maiwasan ang mga insidente ng karahasan sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang
himpilan ng pulisya
4. Upang maiwasan ang insidente ng malnutrisyon sa mga bata sa pamayanan sa
pamamagitan ng school-based feeding programs

B. Analisis:

1. Paano maisasakatuparan ang mga binanggit na suliranin, pangangailangan at layunin?


2. Paano makatutulong ang mga talaan ng mga dapat gawin o plan of action?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Dapat na malinaw ang iyong talaan ng mga bagay na dapat gawin. Dapat nakapaloob
dito ang mga gawaing nakaplano upang makumpleto ang proyekto ayon sa pagkakasunud-
sunod at gayundin ang mga tauhang kakailanganin sa bawat gawain. Ang talaan ng mga bagay
na dapat gawin ay dapat na makatotohanan at isinasaalang-alang ang panahon at perang
gugugulin dito.

Maaari mo ring banggitin sa iyong talaan kung ano ang kaibahan ng iyong pamamaraan
sa iba. Bigyang diin ang kahalagahan nito sa kasalukuyang sitwasyon ng iyong pamayanan.
Pag-aralan ang plano sa pagpapatayo ng isang livelihood training center at iba pang gawaing
pangkabuhayan na nakasentro sa pamayanan, na nakatala sa ibaba.

53
Planong Gawain para sa Baranggay Mabuhay Livelihood Center
A. Pag-aproba at paglabas ng badyet (5 araw)
B. Subastahan para sa pagpapatayo ng livelihood center (2 linggo)
1. Tatlong mangongontrata ang aanyayahan upang magbigay ng kani-
kanilang selyadong tawad para sa pagpapatayo ng gusali
2. Ang mga mangongontrata ay magbibigay ng kanilang mga planong
pangestruktura at pang-arkitektura para sa gusali
C. Pagpili ng mangongontrata at pag-aproba sa planong pang-arkitektura
ng gusali (1araw)
1. Gagawin ng konsehong pambaranggay na napili sa isang pagpupulong
na pambarangay
2. Ang napiling disenyo ng gusali at ang mangongontrata nito ay
ipahahayag sa isang regular na pulong ng barangay at ipapaskil sa
bulletin board ng bulwagang pambarangay
D. Pagpapatayo ng gusali sa ilalim ng superbisyon ng konsehong
pambarangay (6 nabuwan)
E. Pagtatalaga ng mga kawani ng gusali (2 araw)
1. Pagtatalaga ng 2 kawani ng gusali, isang tagapangalaga ng gusali at
isang espesyalista o livelihood trainor na pinili ng konsehong
pambarangay
2. Pagtuturo at pagtatalaga sa mga gawain ng mga kawani
F. Pormulasyon ng pagsasagawa ng proyekto ng pangkabuhayan (1
buwan)
1. Pormulasyon ng isang komite na pinangangasiwaan ng espesyalista
para sa mga programa at iminungkahi sa konsehong pambarangay para
aprobahan

C. Abstraksyon:

Kung ikaw ang tagapagtaguyod,batay sa plano ng mga gawain, aaprobahan mo ba at


susuportahan ang panukalang proyekto para sa livelihood center? Bakit? Bakit hindi?

Sagot:
Kung ako ang tagapagtaguyod, aaprobahan ko ang panukala dahil ang plano ng
paggawa ay kompleto at makatwiran. Ang mga gawaing may kinalaman sa proyekto ay
naibigay nang maayos ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Dapat nakalagay ang petsa ng
bawat gawain sa plano. Kung hindi ka sigurado kung kailan mag-uumpisa ang proyekto,
maaari mong ilagay kung gaano katagal ito, katulad ng halimbawang naibigay. Makagagawa
ka na ba ng plano ng dapat gawin para sa iyong panukalang proyekto? Tandaan, ito ay dapat
na maikli, direkta ang punto at kompleto.

D. Aplikasyon: Plan of Action

Halimbawa ng ang iyong panukala ay ang pagtataguyod ng Pambansang Araw ng


Bakuna para sa susunod na buwan. Gusto mong ang lahat ng sanggol sa inyong lugar ay
mabakunahan. Gumawang isang plano ng dapat gawin gamit ang sumusunod na espasyo.
Siguraduhing itala kung gaano tatagal ito.

Plano ng Dapat Gawin para sa Pambansang Araw ng Bakuna


Proyektong Magtataguyod sa Pamayanan

1.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2.
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

3.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
54
4.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Sagot: Linggo 7 Araw 3

Plano ng Dapat Gawin Para sa Pambansang Araw ng Bakuna

1. Ipaalam ito at makipag-ugnayan sa lokal na ahensiyang pangkalusugan tungkol sa


partisipasyon ng inyong pamayanan sa proyektong ito. (2 araw)
2. Makipagpulong sa mga opisyal ng inyong barangay at sa kawani ng kalusugan sa
pamayanan tungkol sa proyekto. (1 araw)
3. Gumawa ng isang borador ng isang plano ng proyekto na ipriprisinta at paaaprobahan sa
mga opisyales ng barangay. Ang iskedyul ng mga gawain ay dapat na nakalagay. (4 araw)
4. Humiling ng mga gamit para sa patalastas sa inyong lokal na ahensiyang pangkalusugan. (2
araw)
5. Kung wala ng mga ito, makipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon sa inyong pamayanan
katulad ng Sanggunian Kabataan, atbp., upang magkaroon ng mga materyales sa
pangangampanya ng iyong proyekto. (2 araw)
6. Pangangampanya para sa proyekto (kasama dito ang mga streamers, banners, posters,
bahay-bahay, at pagpapabatid sa mga tao sa barangay) (2 linggo)

Tatayahin ang plan of action batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Malinaw at kompleto ang 10


mga bagay na dapat
gawin.

Makatotohanan ang mga 10


planong inilahad.
May kahalagahan sa 10
kasalukuyang sitwasyon.
30
Kabuuan

55
Banghay ng Aralin sa Filipino
FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-93

I. Tiyak na Layunin
1. Mapagaralan ang badyet bilang bahagi ng panukalang proyekto.
2. Makagawa ng angkop na badyet ayon sa plan of action.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Panukalang Proyekto


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-15
https://doc-0k-a0-apps-
viewer.googleusercontent.com/viewer/secure/pdf/3nb9bdfcv3e2h2k1cmq

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pagbabadyet sa Proyekto

Pangkatin ang klase ng may tig aanim na miyembro. Gumawa ng talaan ng badyet ng
isang mag-aaral na gaya mo sa isang araw.

B. Analisis:

1. Paano ka gumagawa ng isang badyet?


2. Paano mo napapagkasya ang nakaalaan mong baon para sa isang araw.

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Sa pagplano ng proyekto, dapat na nakasaad dito ang halagang gugugulin. Ang badyet
ay talaan ng gastusin upang makamit ang iyong mga layunin. Ang talaang ito ay dapat pag-
aralang mabuti. Huwag isali ang mga bagay na hindi kailangan para sa proyekto.
Halimbawa, ang pag-upa ng bulldozer ay hindi naman kailangan sa paggawa ng waiting
shed, hindi ito dapat isali sa talaan ng badyet. Sa naibigay na halimbawa ng pagpapatayo ng
livelihood center, ang pag-upa ng mangongontrata ay makapagpapadali ng paggawa ng
badyet.

Kadalasan, ang mga mangongontrata ay mayroon nang panukalang badyet para sa


isang proyekto. Maaari mo itong iprisinta sa ahensiyang magtataguyod ng panukala.
Kadalasan, ang mga mangongontrata ay nagtatawaran at pabababaan sila ng halaga sa
subastahan. Ang proyekto ay ipagkakaloob sa may pinakamababang halaga ng badyet.

Ang proyektong livelihood center ay mayroon pang ibang kailangang gastusin. Ang
susuwelduhin ng mga kawani para dito ay kasama din dito at dapat na isama sa badyet. Ang
iba pang gastusin katulad ng halagang gagastusin sa pagbubukas ng 18 center ay maaari
ding isali. Alamin muna ang mga halaga ng mga gamit na kakailanganin at maghanap ng
murang bilihan bago gumawa ng panukalang badyet. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang
mga suliraning may kinalaman sa pagbabadyet.

Panukalang Badyet para sa Barangay Mabuhay Livelihood Center


Pagpapatayo ng Gusali Halaga

Base sa subastang isinumite ng XYZ Construction P564567.25


Company (Para sa 1-palapag, 3 silid, konkretong
Gusali na may mga pangunahing bahaging panggusali
Suweldo P156000.00
Espeyalista o livelihood trainor P5000.00/buwan sa P120000.000
56
loob ng 2 taon
Tagapangalaga ng gusali P1500.00/buwan sa loob ng P36000.00
2 taon
Gastusin para sa Pagsasanay ng mga Kawani P15500.00
Kagamitan para sa pagsasanay P104913.00
Weaving Loom P12000.00 × 3 P36485.32
Buri Drying Machine P34050.10
Drying Machine P34378.00
Furniture and Fixtures P78000.00
Office Supplies P10000.00
Computer P8000.00
Gastusin para sa operasyon P13000.00
Seremonya para sa pagbubukas P15560.00
Kabuuang Halaga P1082540.60

C. Abstraksyon
Batay sa isinagawang talakayan, ibahagi ang natutunan mo sa paghahanda ng isang
panukalang badyet? Sa palagay mo ba ay mahirap itong gawin? Ipaliwanag ang sagot.

Mungkahing Sagot:
Panukalang Badyet- Talaan ng gastusin upang makamit ang iyong layunin.
1. Gawin simple at malinaw.
2. Ayusin mabuti ang iyong panukala. Pangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon.
3. Gumawa ng mga pag-aaral ng mga ahensyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin
ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang
makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod.
4. Ihanda ang iyong badyet hangang sa huling sentimo.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng iyong kukuwentahin.

D. Aplikasyon: Panukalang Badyet

Maghanda ng badyet para sa proposal sa mga sumusunod na gastusin. Maaaring


sundan ang badyet ng naunang tinalakay. Magtalaga ng mga pangalan para sa mga pangkat
ng gastusin upang maging maayos ang iyong panukala. Gumamit ng isang malinis na papel
para sa pagsasanay na ito.

Pala (4 na pala sa halagang P567.00 isa)

Tagahukay (4 na tagahukay sa halagang P570/araw sa loob


ng 5 araw)

Palakol P360.00

Timba (4 na timba sa halagang P56.50 isa)

Semento (4 na sakong semento sa halagang P445.00 isa)

Graba at buhangin P1230.00

Roofing materials P4059.00

Pulley System P780.60

Mungkahing Sagot

57
Panukalang Badyet Para sa Paggawa ng Poso

Halaga
Mga gamit para sa pagagawa
P2854.00
Pala P2268.00
(P567.00 × 4 piraso)
Palakol P360.00
Mga Timba P226.00
(P56.50 × 4 piraso)
Mga materyales para sa konstruksiyon
P7069.95
Semento P1780.00
(P445.00 × 4 sako)
Graba at buhangin P1230.00
Mga materyales para sa bubong P4059.00
Pulley System P780.00
P780.00
Mga manggagawa P11340.00
Mga tagahukay P11340.00
(P567.00/araw sa loob ng 5 araw)
Kabuuang halaga P22043.95

Pamantayan ng Pagmamarka
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Malinaw at kompleto ang 10 10


mga pangangailangan at
gastusin.

Makatotohanan ang mga 10 10


halagang binanggit.
May kahalagahan sa 10 10
kasalukuyang sitwasyon.
Kabuuan 30 30

IV.Kasunduan:

Nakatala sa ibaba ang mga pasilidad na maaaring kailanganin ng iyong pamayanan. Isulat sa
malinis na papel ang mga bagay na kakailanganin sa pagpapatayo o paggawa nito, kasama ang
kaakibat na halaga ng mga ito. Maaari kang magtanong sa isang mangongontrata o sa isang
taong mapagkakatiwalaan tungkol dito. Siguraduhing ang mga nakatalang halaga ay
makatotohanan.

Kailangang pasilidad ng Komunidad


1. Basketball Court
Sagot:
Ang mga sagot dito ay maaaring magkakaiba, narito ang ilan sa posibleng kasagutan.
A. Palaruan ng Basketbol
a. mga materyales para sa backboard
1. Kahoy para sa backboard
2. Ring ng basketbol
3. Mga kuwadrong metal para sa ng backboard at mga ring
4. Mga posteng kahoy para sa stands
b. Materyales panlatag
1. Semento para sa sahig ng palaruan
2. Pintura para sa mga border at linya 37
c. Materyales para sa mga bleacher o upuan
1. metal na kuwadro para sa mga bangko
2. Mga board na yari sa kahoy
3. mga pako, turnilyo at iba pang materyales para sa karpenteriya
4. Gamit para sa panghinang
58
d. Bayad para sa paggawa
1. Para sa mga karpintero at iba pang manggagawa
2. Tagahinang
e. Gamit para sa ilaw
f. Materyales para sa scoreboard
1. Kahoy
2. Pintura

Panukalang Badyet para sa Palaruan ng Pamayanan


Halaga
Pagtatayo ng bakod para sa palaruan P9350.00
Semento at iba pang materyales P5600.00
Pintura P1250.00
Paggawa P2500.00
Playground Equipment
P21380.00
(Mga halaga base sa subasta ng PQR Metalworks Company)
See-saw P3600.00
Mga bangko P1250.00
Swing P4230.00
Slide P5350.00
Monkey Bars P4000.00
Kabuuang Halaga
P30730.00
Linggo 7 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay na
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-93

I.Tiyak na Layunin
1. Natutukoy kung sino-sino ang makikinabang sa proyektong isasagawa.
2. Makabuo ng kongklusyon ng panukalang proyekto bilang bahagi nito.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Panukalang Proyekto


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-15

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Benepisyong Swak na Swak

Pangkatin ang klase ng may tig-aapat na miyembro. Gumawa ng panukala para iyong
sa pamayanan. Ang panukala, ay maglalahad ng pangangailangn ng mga kasapi.
Makapagbibigay ka ba ng mga grupo ng tao sa inyong barangay na siyang makikinabang sa
bagong tayong bulwagang pambayan?

Mungkahing Sagot.
Panukala para sa Isang Bulwagang Pambarangay
Layunin: Makapagpatayo ng isang bulwagang may isang sislid para sa mga opisyales at iba
pang kasapi ng pamayanan upang magamit nila sa pagpupulong at iba pangokasyon
Plano ng mga Dapat Gawin
1. Pag-aaproba sa badyet (1 linggo)
2. Subastahan para sa mga mangongontrata ng proyekto (2 linggo)
3. Aktuwal na pagpapatayo (6 na buwan)
4. Presentasyon sa pamayanan at ang aktuwal na paggamit ng gusali (1 araw)

59
Badyet
Ang kabuuang halaga ng badyet base sa subasta ng PPP Construction, Inc. ay
P150,000.00

B. Analisis:

Sino-sino ang mga taong makikinabang sa iyong ginawang panukala?

Halimbawa ng mga taong makikinabang:


1. Mga nanay
2. Mga bata/mga anak
3. Mga tatay
4. Mga negosyante
5. Mahihirap na tao
6. Mga magsasaka
7. Mga opisyal ng pulisya

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Ngayon, gawin natin ang mga gabay na naibigay sa itaas. Magkunwaring


gumagawa ka ng isang panukala sa pagpapatayo ng isang bulwagang pambayan para sa
iyong pamayanan. Ilahad na mahalaga ito sapagkat walang lugar kung saan idaraos ng mga
kasapi ng pamayanan ang kanilang mga pagpupulong at kasiyahan.

Ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala ay dapat na naglalahad ng


dahilan kung bakit ang pag-aproba nito ay magandang desisyon. Direktang may
kinalaman ito sa unang bahagi—ang pahayag ng suliranin. Hindi mo na kailangang isaalang-
alang ang iba pang bahagi sa pagsusulat ng bahaging ito. Magpokus lamang sa
“pangangailangan” na inilahad mo sa panimula ng iyong proposal. Dapat mong tayahin at
ipakita na ang mamamayan ang makikinabang sa iyong panukala. Sa bahaging ito, dapat na
nakasaad ang bawat taong makikinabang sa iyong panukala at kung anong pakinabang ang
makukuha nila dito.

Tingnan ang halimbawang konklusyon.

Ang bulwagang pambayan ay mapakikinabangan ng lahat ng kasapi


ng aming pamayanan – mga may-bahay, mga bata, mga kabataan, mga
propesyonal at maging mga mangangalakal. Sa pagtataguyod ng
proyektong ito, makatitiyak na magkakaroon ng isang ligtas na lugar para
sa mga bata upang makapaglaro at matuto rin mula sa ibang pasilidad
na alok ng center. Ang mga may-bahay ay hindi na mag-aalalang
gumagala ang kanilang mga anak dahil sa kaligtasan ng mga ito sa
center. Ang mga nanay at tatay ay maaaring makihalubilo na lamang at
makisaya sa iba pang kasapi ng pamayanan. Maaari ring magamit ng
mga magsasaka ng bulwagan para sa pag-aaral o pagpupulong.
Maaaring pumunta dito ang mga tao at makapagsaya nang libre.
Maaari ding idaos nang libre dito ang pag-aaral para sa mga taong hindi
kayang tustusan ang kanilang pag-aaral. Ang mga mangangalakal
naman ay makikinabang din dito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng
mga tindahan o kantina sa loob ng bulwagan. Ang pakinabang na
makukuha sa bulwagan ay iba-iba at halos lahat ng mga kasapi ng
pamayanan ay makikinabang.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ano ang inyong isinaalang -alang at naging


pngunahing prayoridad para mabuo ang inyong panukala?

D. Aplikasyon: Plano para sa Pagbabago

Sa isang malinis na papel sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano makikinabang ang mga magsasaka sa bulwagang pambarangay?


2. Paano makikinabang ang mga nanay sa bulwagang pambarangay?
3. Paano makikinabang ang mga kabataan sa bulwagang pambarangay?
60
4. Mula sa mga sagot sa mga tanong sa 1-3, paanong makikinabang ang
buong pamayanan sa proyektong ito?

Narito ang mga posibleng kasagutan.


1. Paggamit ng barangay para sa mga pagpupulong, o kay ay lugar para sa livelihood
training at iba pang seminar
2. Paggamit nito para sa pagpupulong ng iba’t ibang organisasyon, o kaya ay daycare center,
kung saan maaaring makapag-aral ang maliliit na mga bata o kaya ay lugar kung saan
maaaring magpaskil ng pagpapahayag.
3. Paggamit ng lugar kung saan maaaring ganapin ang mga pagpupulong o kaya ay mga
gawain ng mga organisasyon katulad ng Sangguniang Kabataan o pistahan at iba pang
pagsasalo
4. Paano Makikinabang ang Aking Pamayanan Dito Mapakikinabangan ito ng maraming
mamamayan sa aking pamayanan. Maaari itong gamitin ng mga magsasaka para sa
pagpupulong nila o di-kaya ay para sa pag-aaral ng ibang teknolohiya at seminar sa
pagsasaka. Ang mga kabataan sa baranggay ay maaaring magdaos dito ng kanilang mga
gawain katulad ng mga pasayaw. Maaari ring idaos dito ang pagpupulong ng mga
mamamayan upang mapag-usapan ang mga bagay na ikabubuti ng pamayanan.

Tatayahin ang sinagutang mga katanungan batay sa sumusunod na panukatan.

Batayan ng Grado Kaukulan Grado


g Puntos
Malinaw at kompleto naipahayag ang mga kasagutan. 10
Makatotohanan ang mga puntongbinanggit. 10
May kahalagahan sa kasalukuyang sitwasyon. 10

Kabuuan 30

61
Linggo 8 Araw 1-2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FA1112PU-0d-f-93

I. Tiyak na Layunin
1. Makabuo ng balangakas ng panukalang proyekto na may talong pangunahing bahagi:
A. Panimula
B. Katawan
C. Katapusan

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Akademikong Sulatin - Panukalang Proyekto.


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-15

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Thinking Balloon

Pangkatin ang klase ng may tig aapat na miyembro. Gumawa ng thinking balloon –
isulat ang mga terminong ginamit sa tinalakay na paggawa ng panukalang proyekto. Ilagay
ang buong kosepto ng bawat termino.

B. Analisis:

62
1. Ilahad ang mga unang kaisipan ang iyong naisulat. Ano ang sumunod? Ano ang
pinakahuli mong idinagdag?
2. Saan mo ibinatay ang iyong mga kaisipan?

Pagbabahagi ng Karagdagang input.

katulad din ito ng


pagpapahayag ng suliranin o
Panimula
dahilan ng isang panukalang
proyekto.

binubuo ito ng plano ng dapat


Kumpletong Balangkas ng
Katawan gawin at ang panukalang
Panukalang Proyekto
badyet.

katulad ito ng bahagi ng


pagsusuri o ng bahaging
Katapusan o Konklusyon naglalahad ng
kapakinabangang dulot ng
proyekto.

Ngayon pag-aralan naman natin ang kumpletong balangkas ng isang simpleng


panukalang proyekto sa ibaba.

1. Pamagat - kadalasan pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan


Halimbawa: Panukala Para sa Pagpapatayo ng Bulwagang Pambarangay

2. Nagpadala — ang iyong pangalan bilang manunulat ng proposal at ang tirahan para sa
pagpapadala ng koreo.
Halimbawa:
mula kay Ruby Cortez
116 Rubi Street, Lot 3, Blk. 58
Barangay Selino, Poblacion
Sta. Fe, Nueva Vizcaya

3. Petsa — ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukala at ang kinaukulang haba
ng panahong gugugulin sa pagkompleto ng proyekto
Halimbawa: Ika-24 ng Hunyo 2000
Pagpapatayo: 3 buwan

4. Pagpapahayag ng Suliranin — ang pangangailangan at dahilan kung


bakit ito kailangang matugunan nakasaad sa isang saknong at may wastong pamagat
Halimbawa: Pagpapahayag ng Suliranin
Ang panukalang ito ay para sa.......

5. Layunin — kung ano ang nilalayong gawin ng proposal


Halimbawa: Layunin
Nilalayon ng panukalang ito na.......

6. Plano ng Dapat Gawin — ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong
gugugulin upang matapos ang proyekto
Halimbawa: Plano ng Dapat Gawin
Ang panukalang ito ay maisasakatuparan.......

7. Badyet — ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto


Halimbawa: Badyet
Ang halagang hinihiling para sa panukalang ito ay.......

8. Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito ang katapusan,


kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang
mapapala dito
Halimbawa: Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang
63
Panukalang Ito
Ang proyektong ito ay kapaki-pakinabang para sa mga....…

C. Abstraksyon:

Maari bang magkaroon pa ng ibang pagkakasunod-sunod ang balangkas ng


panukalang proyekto na magiging epektibo ang katuparan nito.

D. Aplikasyon: Sa Wakas Gawa Na!

Sumulat ng isang panukalang proyekto at ang kanilang pagkakasunod-sunod. Makikita


mo rito ang balangkas at kung paano lalabas ang pinal na panukala

Narito ang isang halimbawa.

PANUKALA PARA SA DALAWANG CELLULAR TELEPHONES


Mula kay Ruby Cortez
116 Rubi Street, Lot 3, Blk. 58
Barangay Selino
Sta. Fe, Nueva Vizcaya

Ika-16 ng Hulyo 2000

Haba ng panahong gugugulin: Humigit-kumulang isang lingo.


Pagpapahayag ng Suliranin
Ito ay isang proposal para sa dalawang cellular telephones para sa aming
pamayanan. Ang dalawang teleponong ito ay itatabi at pangangalagaan sa
bulwagang pambarangay at sa bahay ng baranggay kapitan. Ang mga
teleponong ito ay mahalaga sapagkat ang mga landline based na telepono ay
ikakabit pa lamang sa aming barangay. Ang mga tawag na mahahalaga lalo na
sa oras ng kagipitan ay agad na matatanggap at makararating sa mga
kinauukulan.
Layunin
Ipanukala ang pagbili ng dalawang cellular telephones na magagamit sa
pamayananupang mabigyan ang mga kasapi ng serbiyong pangkomunikasyon.
Plano ng Dapat Gawin
A. Pag-aproba ng badyet
B. Pagbili ng dalawang cellular telephones (isang linggo)
C. Pagsubok sa paggamit nito – ang bayad ay kada tawag (isang buwan)
D. Pagsusuri ng serbisyong pangkomunikasyon (dalawang araw)
E.Pormal na operasyon ng lugar kung saan makatatawag ang mga
mamamayan sa bulwagang pambaranggay at sa bahay ng kapitan ng
baranggay
Badyet
Kinalkulang badyet P13000.00
Halaga ng isang 3210 Nokia na may charger P6500.00 × 2
Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito
Dahil sa kakulangan ng landline based na mga telepono, matutugunan ng mga
cellular telephones na ito ang pangangailangan ng pamayanan sa pasilidad
pangkomunikasyon. Magiging kapaki-pakinabang ito sa lahat ng kasapi ng
pamayanan. Mangangahulugan ito ng mas mabilis na pagtanggap at paggawa
ng mahahalagang tawag para sa lahat. Ang mga kasapi ng pamayanan na may
mga kamag-anak sa ibang bansa ay magkakaroon na ng komunikasyon. Ang
mga mangangalakal naman ay makatatawag at makatatanggap na ng tawag
para sa kanilang mga kalakal na kailangan. Ang cellular phones na ito ay
mahalagang bagay para sa pamayanan dahil magagamit ito ng halos lahat ng
kasapi ng baranggay sa pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malayo.

64
D. Ebalwasyon:

A. Nakatala sa ibaba ang walong bahagi ng panukalang proyekto. Ang mga ito ay hindi
nakaayos ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod. Ayusin ito sa pagkakasunud-sunod sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga numerong 1 hanggang 8.
_____ a. Badyet
_____ b. Petsa
_____ c. Paano Mapakikinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito
_____ d. Pamagat
_____ e. Pagpapahayag ng Suliranin
_____ f. Nagpadala
_____ g. Eksaktong Programa ng Paggawa
_____ h. Layunin

B. Tukuyin kung anong bahagi ng panukala ang inilalarawan sa bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. Maaaring sumangguni sa talaan
sa itaas.
1. _________ Ang panukalang ito ay humihiling ng inyong tulong sa
pag-aayos ng aming mga kalsada upang maging mas mabilis at mas
ligtas ang trasportasyon ng mga tao at ng mga kalakal.
2. _________ Panukala para sa isang Poso
3._________ Ang paglalagay ng palaruan para sa mga bata ay kapakipakinabang sa lahat
ng mga bata sa pamayanan. Mabibigyan sila ng pagkakataong makapaglaro sa labas ng
bahay nang ligtas at malaya.
4. _________ Ika-3 ng Mayo 2000
5. _________ Ang kabuuang halaga na aming hinihiling para sa pagpapagawa ng mga
pangunahing kalsada sa aming baranggay ay P250000.00 para sa loob ng dalawang
buwan.

Mga kasagutan: Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


a. 7
b. 3
c. 8
d. 1
e. 4
f. 2
g. 6
h. 5
B. 1. Pagpapahayag ng Suliranin
2. Pamagat
3. Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang PanukalangIto
4. Petsa
5. Badyet

IV. Kasunduaan;

Gumawa ng iyong sariling panukalang proyekto sa paghiling ng pondo para sa isang


palaruan ng basketbol sa inyong barangay. Siguraduhing susundin mo ang tamang pormat.

Posibleng Kasagutan

PANUKALANG PROYEKTO PARA SA ISANG BASKETBALL COURT


Mula kay ________________
________________________
________________________
Ika-16 ng Hulyo 2000

Panahong itatagal: Humigit-kumulang 3 linggo

Ulat-panukala
65
Ang panukalang ito ay naglalayong makapagtayo ng isang palaruan ng
basketbol.Kailangan ng aming pamayanan ang isang lugar kung saan maaaring
idaos ang mga isports lalo na para sa mga kabataan.
Layunin: Makapagpatayo ng isang palaruan ng Basketbol
Plano ng Paggawa
1. Subastahan para sa mga mangongontrata ng proyekto (2 Linggo)
2. Paggawad ng kontrata na pagpapasiyahan sa isang pagpupulong
pambarangay;ang lugar kung saan ito itatayo ay pag-uusapan din sa nasabing
pulong (1 araw)
3. Aktuwal na pagpapatayo ng palaruan ng basketbol (3 buwan)
4. Presentasyon ng palaruan sa mamamayan at aktuwal na paggamit nito (1
araw)
Badyet
Ang kabuuang halaga ng pagpapatayo ng palaruan ng basketbol batay sa
subastang isinumite ng XYZ Construction Company ay P135400.00.
Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito
Ang pagpapatayo ng palaruan ng basketbol ay kapaki-pakinabang sa lahat ng
kasapi ng aking pamayanan. Ang mga kabataan ay mabibigyan ng pagkakataong
makilahok at maging interesado sa mga isports lalo na ang basketbol at balibol.
Magiging malusog ang mga ito at magkakaroon ng magandang kompetisyon na
siyang magtutulak sa kanila upang magtagumpay. Ang mga nakatatandang
kasapi naman ng pamayanan ay magiging malusog din kung kanilang pipiliin ang
paglalaro bilang isang paraan ng pag-eehersisyo. Ang palaruan ay maaari ring
pagdausan ng mga pagpupulong, iba’t ibang palaro,kompetisyon sa isports at
pakikipagkapwa. Ito rin ay ligtas na lugar para sa mga bata upang maglaro kapag
walang basketbol na nagaganap. Ang mga mamamayan nangangalakal ay
maaaring gumanap ng isang pansamantalang baratilyo rito. Ang maliliit na
mangangalakal ay makapagtitinda rito kapag mayroong palaro o liga ng
basketbol.

66

You might also like