You are on page 1of 11

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

I.Layunin:
Sa loob ng animnapung (60) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

a. Nalalaman ang kahulugan ng Nobela


b. Naibabahagi ang aralin sa pamamagitan ng pangkatang gawain
c. Nakasasagot sa pagsusulit ng may pag-unawa sa akdang pinanood

II.Paksang Aralin:
a) Pamagat: Isang Libo’t Isang Gabi Nobela ng Saudi Arabia
b) Sanggunian: Libro ng Panitikang Asyano Baitang 9
Pahina 192-197
c) Kagamitan: TV, Laptop, Powerpoint Presentation
d) Pagpapahalaga: Huwag maghintay ng ano mang kapalit sa lahat ng bagay na
gagawin para sa ibang tao. Huwag maging mapagsamantala at huwag hahayaang
abusuhin ka ng ibang tao.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN

 Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ay


manalangin muna tayo. Inaanyayahan ko
ang bawat isa na tumayo para sa isang
taimtim na panalangin.
(Nananalangin ang mga mag-aaral)

 Pagbati
Magandang umaga, klase! Kumusta kayo
ang Sabado at Linggo bilang inyong
bakasyon?
Magandang araw din po, guro! Ayos
lamang po.

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo ay mangyaring pulutin
lahat ng kalat na makikita ninyo sa inyong
paligid at silong ng upuan at inyo itong
pulutin. (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral)

 Pagtala ng liban at hindi liban

Sa pagtala ng liban at hindi liban ang mga mag-


aaral ay babanggitin nila ang kanilang
nararamdaman patungkol sa kanilang buhay
pag-ibig. Kanilang babanggitin ang mga
salitang “Single, taken, umaasa, may happy
crush o may ka-situationship”.

 Paglatag ng Alituntunin
Estratehiya: “Signalituntunin”
Teknik: Magpapakita ng iba’t ibang emoticon
ang guro at sasabihin ng mag-aaral kung ano
ang ipinapahiwatig nito.

Upang maayos ang daloy ng ating klase, narito


ang mga dapat isaalang-alang.

Anong sinisimbolo ng emoticon na ito?

Makinig po, guro.

Tama! Bakit kailangang nating makinig?


Para po matuto, guro.

Magaling! Ano naman ang tinutukoy nito?

Huwag maingay po, guro.

Tama! Bakit hindi dapat mag-ingay?


Para maintindihan ang itinuturo ng guro.

Mahusay! Ano naman ang tinutukoy nito?

Huwag magselpon po, guro.

Tama! Ano naman ang ating gagawin kung may


katanungan at gustong magsagot sa tanong
ko?
Itaas ang kamay po, guro.

Ginagawa ito kapag?


Magsasagot o may sasabihin po, guro.

Tama! At dahil nabanggit na ang lahat ng


alituntunin ay dapat itong sundin. Naiintindihan
ba?
Opo, guro.

B. Paglalahad ng mga layunin sa


pagkatuto
 Balik-Aral: Bago natin simulan ang
pagtalakay sa ating paksa para sa araw na
ito. Anong uri ng akdang pampanitikan ang
tinalakay natin noong nakaraan?
Sanaysay po, guro.

Magaling!
Ano naman ang sanaysay?
Ang sanaysay ay isang akdang sulat na
naglalaman ng mensahe, pananaw o ideya
ng may akda tungkol sa isang paksa. Ito ay
isang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin, kuro-kuro o argumento ng may
akda sa mambabasa.
Mahusay!
Ano naman ang pamagat ng sanaysay na ating
binasa at pinanood?

Usok at Salamin po, guro.


Tama! Tungkol saan ang pinapaksa ng
sanaysay na binasa?
Pumapaksa po ito sa patungkol sa
diskriminasyon, guro.

Magaling! Base sa inilahad na sanaysay, ano


naman ang iyong napulot na aral?
Huwag basta-basta manghusga ng kapwa.
Hindi dapat nating ugaliing ibuhos ang sisi
sa lahat kapag may isang nagkasala dahil
hindi lahat ng tao ay pare-pareho.
Napakahusay! Bigyan naman natin ng ang
galing-galing clap ang mga nagsipagsagot.
( ang galing-galing!)
 Pagganyak
Estratehiya: “Open and Fix What Its
Broken!”
Panuto: Hahatiin sa anim na pangkat ang
buong klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
sobre kung saan naglalaman ito ng mga
larawang at letra na nagupit-gupit. Sa loob ng
sobre ay naroon din ang katanungan at ang
mga nagupit na letra at larawan ang siyang
magsisilbing kasagutan. Ang unang pangkat na
makabubuo ng mga larawan at makakukuha ng
tamang kasagutan ang siyang tatanghaling
panalo.

Naunawaan ba ang panuto?

Opo, guro.
1.Banal na aklat ng mga Muslim.
-A R U Q N

-QURAN
2. Isang nilalang na nagbibigay ng kahilingan.
-E I N G I

-GENIE
3. Telang ibinabalot sa paligid ng ulo.
-B N U T A R

-TURBAN
4. Maliit na Hugis kubikong Gusali.
-A A B K A

5. Karaniwang ginagamit sinusuot ng babae sa -KAABA


Saudi Arabia.
- YABAA
-ABAYA
6. Hayop na matatagpuan sa Saudi Arabia.
-OYKAELM

-KAMELYO
Saang bansa madalas nating makita ang mga
larawan na inyong nabuo?

Mahusay! Ating matatalakay mamaya kung Saudi Arabia po, guro.


bakit nasali ang bansang Saudi Arabia.

C. Paglalahad
Estratehiya: “2 Pics Guess the Word(s)”
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng larawan.
Sa pamamagitan nito ay mahuhulaan ng mga
mag-aaral kung ano tatalakaying paksa para sa
araw na ito.

NOBELA

ISANG LIBO
ISANG GABI

Base sa mga larawan na inyong inilahad na


kasagutan. Anong uri ng akdang pampanitikan
ang ating sunod na tatalakayin? Nobela po, guro.

Tama! Nobela kung saan ito ay pinamagatang


“Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Saudi Arabia.

Pagtalakay ng Paksa:
Estratehiya: ALAMIN NA NATIN!
Panuto: Magbibilang ang guro ng hanggang
tatlo at kapag nabanggit niya na ang salitang
tatlo, agad namang tutugon ang mga mag-
aaral ng “AHUM! AHUM!” na nangangahulugang
“A-koy H-andang Umunawa at Makinig”.
Opo, guro.
Naunawaan ba ang panuto?

Mga mag-aaral: AHUM! AHUM!


Handa na bang matuto?

Kung gayon ating nang simulan ang


pagtalakay.
Opo, guro.
Pamilyar ba kayo sa akdang nobela?

Opo, guro.
Nasubukan niyo na bang magbasa ng nobela?
Hindi pa po guro.

Kapag naririnig ninyo ang salitang nobela. Ano


ang unang salita o ideya ang pumapasok sa
inyong isipan? Kuwento po, guro.
Mahaba po, guro.
May mga kabanata po, guro.

Magagaling! Lahat ng inyong nabanggit ay mga


katangian ng nobela.

Atin namang talakayin ang kahulugan ng


nobela.
(Magtatawag ang guro ng magbabasa) Nobela - Ang nobela ay isang mahabang
kathang pampanitikan na karaniwang
tumatalakay sa iba't ibang tauhan,
pangyayari, at lugar na pawang kathang-
isip lamang. Sa pamamagitan ng mga salita
at paglalarawan, ang may- akda ay
naglalahad ng kuwento na nagsasalamin sa
mga aral, damdamin, at karanasan ng mga
tauhan.

Maraming salamat sa pagbabasa.


Ang nobela ay isang uri ng akdang
pampanitikan kung saan umiikot ang kuwento
sa mga tauhan, masisidhing pangyayari at
tagpuan. Kadalasan nito ay naglalaman ito ng
maraming tauhan sapagkat ito ay mahaba.
Nahahati rin ito sa maraming kabanata.

Si Jose Rizal ang pinakatanyag na manunulat


ng nobela sa Pilipinas.
Ano ang pamagat ng nobelang kanyang
isinulat? Noli Me Tangere at El Filibusterismo po,
guro.

Mahusay!

Atin nang panoorin ang Nobelang Isang Libo’t


Isang Gabi

Narito ang mga alituntunin sa panonood:


1. Matutong manahimik
2. Ituon ang pansin sa pinapanood at hindi sa
katabi
3. Unawaing mabuti ang pinapanood

Handa na bang manood? Opo, guro.

(Manonood ang mga mag-aaral)


Naunawaan ba ang pinanood na nobela?
Opo, guro.

Kung gayon ay ating susubukin kung


naunawaan niyo nga ba talaga ang inyong
pinanood.

D. Paglalahat
Estratehiya: “Tell Me, Vebz!”
Panuto: Ang guro ay may ilang
katanungan patungkol sa paksang
tinalakay at ito’y sasagutin ng mga mag-
aaral.

Handa na ba?
Opo, guro.

(Mga inaasahang sagot)


1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang
inyong pinanood?
Nobela

Tama ang iyong kasagutan.


2. Saang bansa nagmula ang akdang
pinanood?
Saudi Arabia
Magaling!

3. Tama ba ang ginawa ng pangunahin tauhan?


Para sa ikabubuti ng kaniyang minamahal
at para sa kaniyang kaligtasan ito ay tama.
Ngunit sa kabilang banda ay mali pa rin
ang paraan na kaniyang ginawa sapagkat
siya ay nagsinungaling at nagkasala.

Mahusay!
4. Kung ikaw ang tauhang babae, gagawin
mo rin ba ang giniawa niya para mapalaya ang
mahal mo sa buhay? Kung ito na lamang ang natatanging
paraan ay akin itong gagawin. Ngunit kung
may iba pang paraan na hindi ko
kinakailangang magkasala ay mas pipiliin
kong mapalaya ang minamahal ko sa
malinis na paraan nang walang nasasaktan
o napapahamak na ibang tao.
Napakagaling!

5. Ano ang gagawin sakaling mangyari sa iyo


ang pangyayaring naranasan ng babae sa
nobela?
Gagawin ko kung ano ang mas nararapat
dahil kailangan o dapat kong ipagtanggol
ang aking dignidad bilang isang babae.

Tama! Gawin kung ano ang nararapat.


Pagiging matapang, matalino at matapat sa
kaniyang minamahal. Ginawa niya ang
6. Anong positibing katangian ang ipinakita lahat upang mapalaya niya sa kulungan
ang kaniyang minamahal.
ng babae sa nobela

Sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan


at diskarte ay naipakita niya na kaya
7. Sa Saudi Arabia, kinikilala ang mga babae niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa
mga taong mapagsamantala. Nag-isip at
bilang mahina at sunod-sunuran sa mga lalaki.
gumawa siya ng paraan upang hindi nila
basta-basta makuha ang kaniyang puri.
Paano pinatunayan ng babae na siya ay

malakas at kaya niyang ipagtanggol ang


kaniyang sarili?

E. Paglalapat
Estratehiya: “ Pangkatin Natin!”
Panuto: Hahatiin sa tatlong pangkat ang
buong klase.
Ang unang pangkat ay isusulat ang lahat ng
tauhan at ilalahad ang kanilang katangian.

TAUHAN KATANGIAN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Ang ikalawang pangkat ay pagsusunod-sunurin


ang kwento gamit ang graphic organizer.
Panimula
Panimula

Ang ikatlong pangkat: Hahanapin sa hanay A


ang kahulugan ng salita sa hanay B. Isulat ang
sagot sa isang malinis na papel.

Hanay A
1. Paratang
2. Turban
3. Pakay
4. Nakapiit
5. Pakawalan
6. Malimit
7. Hukom
8. Hepe

Hanay B
1. Palayain
2. Pinuno ng mga pulis
3. Layon
4. Bintang
5. Pampublikong opisyal na awtorisadong
duminig at magpasiya hinggil sa mga kaso
6. Telang ibinabalot sa paligid ng ulo
7. Madalas
8. Nakakulong

IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang buong papel at
sagutin ang mga sumusunod. Ang pagsusulit na
ito ay naglalaman ng sampung puntos.

1. Aling bahagi ng akda ang makatotohanan at


hindi makatotohanan? Bakit?

2. Aling bahagi ng akda ang nagustuhan mo?


Bakit?
3. Aling bahagi ng akda ang hindi mo
nagustuhan? Bakit?

4. Naging makabuluhan ba ang nobela sa iyo?


Paano?

5. Kung ikaw ang magbibigay ng naiibang


wakas, ano ito?

V. Kasunduan

Basahin ang akdang “Mga Patak ng Luha”.

Inihanda ni:

BB. ANGELICA B. CRUZ


NAGSASANAY NA GURO

You might also like