You are on page 1of 12

8

FILIPINO
KUWARTER 3 – MODYUL 6
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
MELC’s:

 Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.


 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-
bunga, paraan-resulta).
K to 12 BEC CG (Competency Code F8PS-IIIe-f-32 F8WG-IIIe-f-32)
MGA KASANAYAN: PAKIKINIG, PAGBASA, PAGSULAT, WIKA AT GRAMATIKA

Sa modyul na ito ay ating matutunghayan at mapag-aaralan ang mga salitang ginagamit


upang makabuo ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayan na siyang makatutulong upang
lubos nating maunawaan o maintindihan ang isang pangyayari. Narito ang mga karagdagang
impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang
lohikal.

Alam mo ba …
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga
pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o maunawaan
ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong tatalakayin ay
makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


Ano-ano ang mga uri ng kaugnayang lohikal?

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama.


Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng
Dahilan at Bunga, Layunin at Paraan, Paraan at Resulta, Kondisyon at Bunga o Kinalabasan, Pag-
aalinlangan at Pag-aatubili, Pagtitiyak at Pagpapasidhi.

1. Dahilan at Bunga
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o
kinalabasan ang resulta nito.
Tingnan ang halimbawa ng mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong Dahilan at
Bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang ayos ng pagkasunod-
sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay + bunga)

kaya/kaya naman
natuto siya nang husto.

1
DAHILAN: Nag-aaral siyang mabuti
PANG-UGNAY: kaya/kaya naman
BUNGA: natuto siya nang husto

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + bunga;


may hinto sa pagitan
dahil dito/bunga nito/tuloy ng dahilan at bunga)
natuto siya nang husto
DAHILAN: Nag-aaral siyang mabuti,
PANG-UGNAY: dahil dito/bunga nito/tuloy
BUNGA: natuto siya nang husto

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + bunga;


may hinto pagkatapos
nag-aral siyang mabuti, ng dahilan)
natuto siya nang husto.
PANG-UGNAY: Sapagkat/Pagkat/Dahil
DAHILAN: nag-aral siyang mabuti
BUNGA: natuto siya nang husto

Natuto siya nang husto (bunga + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti
BUNGA: Natuto siya nang husto
PANG-UGNAY: sapagkat/pagkat/kasi/dahil
DAHILAN: nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit
ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng
dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya,
kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2
2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin sa tulong
ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang ayos ng
pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan


nag-aaral siyang mabuti. may hinto pagkatapos ng layunin)
PANG-UGNAY: Upang/Para
LAYUNIN: matuto nang husto
PARAAN: nag-aaral siyang mabuti

Nag-aaral siyang mabuti


upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.
PARAAN: Nag-aaral siyang mabuti
PANG-UGNAY: upang/para/nang sa ganoo’y
LAYUNIN: matuto nang husto

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa,
nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)
nakatapos siya ng kaniyang kurso.
PARAAN: Sa matiyagang pag-aaral
RESULTA: nakatapos siya ng kaniyang kurso

Nakatapos siya ng kaniyang kurso (resulta + paraan)


sa matiyagang pag-aaral.
RESULTA: Nakatapos siya ng kaniyang kurso
PARAAN: sa matiyagang pag-aaral
3
Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang
paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan


Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:
Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan
nakaturo sa bunga o kinalabasan ang arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)

sana’y natuto ka nang husto.


PANG-UGNAY: Kung
KONDISYON: nag-aral ka lang nang mabuti
BUNGA: sana’y natuto ka nang husto

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.


BUNGA: Natuto ka sana nang husto
PANG-UGNAY: kung
KONDISYON: nag-aral kang mabuti

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon, tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/Basta’t (pu+ kondisyon + bunga)

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto.
PANG-UGNAY: Kapag/Sa sandaling/Basta’t
KONDISYON: nag-aral kang mabuti
BUNGA: matututo ka nang husto

4
Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)

kapag/sa sandaling/basta’t
nag-aral kang mabuti
BUNGA: Matututo ka nang husto
PANG-UGNAY: kapag/sa sandaling/basta’t
KONDISYON: nag-aral ka nang mabuti

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung
at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang
bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na
maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi
kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay
bunga ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay
maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung
gayon.

Halimbawa:
Tila mahirap ang sinabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.
Marahil ay hindi na uulan dahil sobrang init naman ngayon.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay
siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na na
at nang.
Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay sa pagkamit ng pangarap basta’t may
pagsusumikap.
Walang dudang magbibigay ngayon ng ayuda ang pamahalaang lungsod sa mga
naapektuhan ng bagyo.
5
GAWAIN I: Opinyon Mo, Ibigay Mo
Panuto: Magbigay ng mga pananaw o katuwiran sa mga sumusunod na pangungusap gamit
ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
1. Dahilan at bunga ng malaking bahagdan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga kabataan sa
bansa.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong pangkabataan sa inyong lugar.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong pasidhiin upang makatulong sa iba.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang hakbang na hindi pinag-isipan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

GAWAIN II: Subukin Pa Natin


A. Panuto: Isulat sa kahon ang ekspresyong ginamit sa bawat pangungusap.

1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat


parami na nang parami ang mga batang nabibiktima ng pang-
aabuso.

2. Kung hindi sana matigas ang kanilang ulo ay maganda na ang


kanilang buhay ngayon.
6
3. Nagsikap siyang mabuti sa kaniyang pag-aaral kaya gumanda ang
kaniyang buhay.

4. Upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ay kailangang gumawa


ng epektibong hakbang ang pamahalaan.

5. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat


masusugpo ang problema ukol sa droga.

B. Pagnilayan ang mga larawan


Panuto: Gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, ibigay ang
sariling kaisipan o pananaw sa bawat larawan.

kaisipan kaisipan

kaisipan

kaisipan kaisipan

kaisipan

7
Kaisipan
Kaisipan

Kaisipan

Kaisipan Kaisipan

Kaisipan

Sanggunian: Government Publications


K to 12 Panitikang Pilipino
Pagpapasada sa Modyul

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang mga
sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang masasalamin sa mga larawan?


2. Paano kaya mabibigyang solusyon ang kanilang kalagayan?
3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang mamulat ka sa mga katotohanan ng mga kaganapan sa
iyong lipunan?
8
SUSI SA PAGWAWASTO (PARA SA MAG-AARAL)

Gawain I: Opinyon Mo, Ibigay Mo


Sariling sagot ng mga mag-aaral

Gawain II: Subukin Pa Natin


A. 1. Sapagkat
2. kung
3. kaya
4. upang
5. sa

B. Sariling sagot ng mga mag-aaral

SANGGUNIAN:

A. Government Publications
K to 12 Panitikang Pilipino, Pagpapasada sa Modyul
Mga may Akda:
Abdon M. Balde Jr., Andres Bonifacio, Brillantes Mendoza, Carlo J. Caparas
Dionisio Salazar, Eros Atalia, Genoveva Edroza Matute, Gregorio G. Cruz,
Jess Torres, Jose Corazon De Jesus, Jose Rizal, Liwayway Arceo, Manuel L. Quezon,
Mil Adonis, Narciso G. Reyes, Severino Reyes
B. Social Media:
Sildeshare.net
Scribd

9
Pangalan: ________________________________________ Iskor: ___________________
Baitang at Seksyon: ________________________________ Petsa: ___________________

PAGTATAYA

A. PAGTUKOY SA MGA PANGUNGUSAP. Panuto: Tukuyin kung anong konseptong lohikal ang
mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kung nag-aral kang mabuti,sana’y natuto ka ng wasto.
a. kondisyon at bunga b. paraan at layunin c. dahilan at bunga d. paraan at resulta
2. Sa pagsisikap niya nang husto siya ay nakaipon.
a. paraan at layunin b. dahilan at bunga c. paraan at resulta d. kondisyon at bunga
3. Hindi ako nakapag-aral kaya bumagsak ako sa pagsusulit.
a. dahilan at bunga b. kondisyon at bunga c. paraan at layunin d. paraan at resulta
4. Nagbago ang kaniyang buhay sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.
a. dahilan at bunga b. paraan at resulta c. kondisyon at bunga d. paraan at layunin
5. Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sa pag-aaral.
a. paraan at resulta b. paraan at layunin c. dahilan at bunga d. kondisyon at bunga
6. Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.
a. kondisyon at bunga b. paraan at resulta c. paraan at layunin d. dahilan at bunga
7. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil ang ulan ay malakas.
a. paraan at resulta b. kondisyon at bunga c. dahilan at bunga d. paraan at layunin
8. Kapag maganda ang panahon bukas, pupunta tayo sa perya.
a. paraan at layunin b. dahilan at bunga c. paraan at resulta d. kondisyon at bunga
9. Para hindi antukin habang nagbabasa, nagtimpla si Leo ng kape.
a. paraan at resulta b. kondisyon at bunga c. paraan at layunin d. dahilan at bunga
10. Marami ang namatay sa nakaraang pagbagyo sapagkat hindi nila napaghandaan ang storm surge.
a. dahilan at bunga b. paraan at layunin c. kondisyon at bunga d. paraan at resulta

10
B. PAGKILALA. Panuto: Kilalanin ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
_____________________1. Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang pulitiko palibhasa
malapit na naman ang eleksyon.
_____________________2. Kung nakinig ka sana sa iyong magulang hindi magiging ganyan ang
buhay mo.
_____________________3. Bumili siya ng damit upang may maisuot siya sa kaniyang kaarawan.
_____________________4. Baka hindi ko magawa ang proyekto natin dahil may importante kaming
pupuntahan bukas.
_____________________5. Dahil sa clean and green project naging malinis ang aming barangay.

C. PAGSULAT.
1. Sumulat ng dalawang saknong na tula na nagpapakita ng Kondisyon at Resulta at bilugan ang
ginamit na ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

Rubriks sa Pagmamarka:
• Akma ang tula sa aralin - 3 Puntos
• Paggamit ng Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang lohikal - 2 Puntos
• Kabuuan - 5 Puntos

2. Bumuo ng islogan na may temang Pag-aalinlangan at Pag-aatubili.

Rubriks sa Pagmamarka:
• Akma ang kaisipan sa aralin - 3 Puntos
• Paggamit ng Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang lohikal - 2 Puntos
• Kabuuan - 5 Puntos

11

You might also like