You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Pamaraang Pinagsanib

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay magkakamit ng 85% ng kasanayan na:


Panitikan:
1. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa kwento.
2. Nakapagbabahagi ng sariling damdamin batay sa nakinggan na kwento.

Grammar:
1. Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng panghalip.
2. Nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip.
II.Paksa-Aralin
Panitikan: “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
Sanggunian:http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-
maikling-kwento-ni-benjamin.html?m=1
Grammar: Panghalip at mga uri ng panghalip
Kagamitan: Wallet, cartolina, playmoney, pentelpen, laptop, projector
Pagpapahalaga: Huwag mong husgahan ang iyong kapwa sa kanyang
panlabas na kaanyuan.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
B. Pagganyak
Klas ako ay may inihandang gawain
para sa inyong lahat, kung inyong
mapapansin ako ay may dalang iba’t-
ibang uri ng?

Maa’m, wallet po.


Magaling! Klas sa loob ng bawat wallet ay
mayroong playmoney, maari ba kayong pumili
ng isa at ipahayag saamin ang salitang
nakadikit sa playmoney base sa inyong pang-
unawa.

(Pag-pili ng mga Mag-aaral)


“KAPWA”

“Kapwa” po Maa’m, ito po ang mga taong


nakapaligid sa atin, bawat isa sa kanila ay may
iba’t-ibang personalidad subalit dapat natin
Mahusay na kasagutan! silang igalang.
Sino pa ang nais pumili?

“MAGULANG”

Maa’m,ang napili ko po ay “Magulang”, sila


po kabuuan ng isang pamilya, ang magulang
po ang unang nagturo saatin ng tunay na
pagmamahal.

Napakagaling na kasagutan!
Mayroon pa tayong natitirang tatlong wallet,
sino pa ang nais magbahagi?

“ANAK”

“Anak”, ako po ay isang halimbawa ng anak na


gagawin ang lahat upang mapasaya ang aking
mahal sa buhay.
Tama!
Dalawa na lamang ang ating wallet, sino ang
may nais sumagot?

“SALAPI”

“Salapi”, napakahalaga po nito sa ating pang


araw-araw na pamumuhay subalit dapat alam
po natin ito gamitin sa tama.
Tumpak!
Sa huling natitirang wallet sino ang nais
magpaliwanag?

“MAPANGHUSGA”

“Mapanghusga”, ito ay isang negatibong pag-


uugali ng iba sa atin, madalas sa pisikal na
kaanyuan lamang po tayo tumitingin.
Napakagaling ng inyong
ipinaliwanag,klas batay sa inyong
ginawang gawain, ano kaya ang ating paksang
aralin sa araw na ito?
Maa’m, maari po na ang mga salitang aming
ipinaliwanag ay ang pangunahing tauhan at
katangian nito sa ating paksa.

Magaling na pag-unawa!
Iba pang ideya klas?
Maa’m maaari pong may kaugnayan ang ating
paksa sa wallet.

Tama!
Sapagkat ang ating paksangaralin sa araw na
ito ay pinamagatang“ANG KALUPI”.

C. Pagtalakay Sa Aralin
(Pagdidikit sa Pisara ng Paksa at
Layunin)

Klas, ang akdang “Ang Kalupi” ay likha ni


Benjamin Pascual.
(Pagpapakilala sa may akda)

Klas, kahapon ay may ipinamahagi ako sa


inyong sipi ng akda upang basahin ito sa
inyong tahanan, naunawaan ba ninyo ang
kabuuan ng akda?
Opo!
Magaling!
Subalit upang lubos ninyong maunawaan ang
ating paksang aralin, muli kong ikukwento
sainyo ang buod ng kwentong “Ang Kalupi” ni
Benjamin Pascual.

“Ang Kalupi”

Ni: Benjamin Pascual

(Pakikinig ng mga mag-aaral)


Nagustuhan ba ninyo ang kwento?
Opo!
Napakaganda ng ating paksa klas, sino ba ang
pangunahing tauhan sa kwento?
Maa’m ang batang si Andres Reyes po at si
Aling Marta, sapagkat sa kanila po umikot ang
kabuuan ng istorya.
Tama!
Si Andres Reyes ang batang hinusgahan na
isang magnanakaw kahit walang sapat na
ebidensya si Aling Marta.Si Aling Marta na
isang ina sa kwento,na naghangad lamang na
ipaghanda ang kanyang anak na dalaga na
magtatapos sa high school.
Bakit kaya sumagi sa isip ni Aling Marta na si
Andres ang kumuha ng kanyang pitaka?

Una, dahil po sa pagkakabanggaan nila sa


palengke, ikalawa po dahil hinusgahan nya po
ang bata sa panlabas niyang kaanyuan.
Magaling!
Nakalulungkot isipin na hinusgahan ni Aling
Marta si Andres sa pisikal nitong kaanyuan.

Upang lubos na lumawig ang ating kaalaman,


ako may inihandang iba’t-ibang pahayag na
nagmula sa ating kwento.

Panuto: Suriin ang mga pahayag na hango sa


kwentong “Ang Kalupi”, at pansinin ang mga
salitang nakasalungguhit.

1. Maski kapkapan nyo ako, e wala


kayong makukuha sa akin.
(ANDRES REYES)
2. Ano ka ba? Kay sikip na ng daraanan
ay patakbo ka pa kung lumabas!
(ALING MARTA)
3. Saan ka kumuha ng ipinamili mo
niyan, nanay?
(ANAK)
4. Doon nyo sabihin ang gusto nyong
sabihin at doon nyo gawin ang gusto
nyong gawin.
(PULIS)

Ano ang inyong napuna klas, sa mga pahayag


at sa salitang nakasalungguhit?

Tumutukoy po yung mga salitang


nakasalungguhit sa tao, kahit hindi po
binabanggit ang eksaktong pangalan ng tao.
Magaling!
Ito ay tinatawag klas, na panghalip at ang
panghalip ay may iba’t ibang uri.

PANGHALIP- ay bahagi ng pananalitang


humahalili sa pangngalan. Malaki ang
naitutulong ng panghalip upang maging
kanais-nais ang mga pahayag. Sa pamamagitan
ng panghalip ay hindi na kailangan pang ulit-
ulitin ang pagbanggit sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip (Pagbibigay ng Halimbawa ng mga mag-aaral


1. Panghalip panao-humahalili sa ngalan sa bawat Uri ng panghalip )
ng tao. Mayroon itong panauhan at
kailanan.
Panauhan ng panghalip panao
a. Unang panauhan- humahalili sa
ngalan ng nagsasalita o sa pangkat
na kasama ang nagsasalita.

Halimbawa: ako, ko, kami, tayo, natin

b. Ikalawang panauhan-humahalili
sa ngalan ng kausap.

Halimbawa: ka, ikaw, mo,kayo, ninyo

c. Ikatlong panauhan- humahalili sa


ngalan ng taong pinag-uusapan.

Halimbawa:niya, siya, nila, sila

Kailanan ng Panghalip na Panao


a. Isahan- kapag ang hinahalihinang
ngalan ng tao ay iisa lamang.

Halimbawa: ko, ikaw, siya

b. Maramihan- kapag ang


hinahalihinang ngalan ng tao ay higit sa
isa.

Halimbawa:kami, kayo, nila

2. Panghalip na Pananong- panghalip na


humahalili sa ngalan ng tao, bagay,
pook, o lugar at iba pa na ginagamit sa
pagtatanong.

Halimbawa:

Isahan

ano,kailan, sino, alin, saan,


nino, kanino, ilan

Maramihan

Anu-ano, sinu-sino, saan-saan,


kani-kanino

3. Panghalip na panaklaw- panghalip na


sumasaklaw sa kaisahan, dami o
kalahatan ng tinutukoy.
Halimbawa:

isa, sinuman,karamihan,pawa,
ilan, madla, kailanman, nino
man, lahat
4. Panghalip Pamatlig- humahalili sa
ngalan ng taong tinuturo, bagay, lugar,
at pangyayari.
Halimbawa:

ito, iyan, doon, nito, niyan,


ganito, heto, hayan, yaon

5. Panghalip na Paari- humahalili sa


ngalan ng taong may pinagmamay-
arian.
Halimbawa:

akin, amin, kanya, inyo, iyo,


kanila

Klas, naunawaan ba ating paksang tinalakay?

Opo

Magaling! Batid ko na lubos ninyong


naunawaan ang ating paksa sa araw na ito.

D. Pangkatang Gawain

Para sa ating pangkatang gawain, hahatiin ko


kayo sa tatlong grupo, bawat grupo ay may
nakaatang na gawain hinggil sa kwentong
“ANG KALUPI at mga uri ng panghalip na
ating tinalakay.

(Paghahati sa bawat grupo at pagbibigay ng


kanilang gawain)

Pangkat I (Talahanayan)
Panuto: Sa tulong ng sipi ng akda, humanap
ng 5 pahayag ng mga tauhan sa kwento na
nagpapakita ng iba’t- ibang uri ng panghalip, at
tukuyin kung anong uri ito.

Pahayag sa Uri ng Panghalip


“Ang Kalupi”
1.
2.
3.
4.
5.
Pangkat II (Concept Map)
Panuto: Gamit ang concept map ibigay ang
mga tauhan sa kwentong “ANG KALUPI” at
ilarawan ang mga tauhan gamit ang iba’t-ibang
uri ng panghalip.

TAUHAN:

TAUHAN:
TAUHAN:

“ANG
KALUPI”
TAUHAN:
TAUHAN:

TAUHAN:

Pangkat III (Tsart)


Panuto: Anong aral ang nabuo sa inyong
isipan matapos matalakay ang kwentong “ Ang
Kalupi” at iditalye ito gamit ang iba’t-ibang uri
ng panghalip.

Detalye:

ARAL Detalye:

Detalye:
Pamantay 5 3 1
an

Angkop May
Walang
na angkop kaangku- kaang-
Nilalaman ang pan ang
kupan
nilalaman nilala- sa
sa paksa man sa paksa
paksa

Hindi
gaanong Hindi
Lubos na nagpa- nagpa-
Pagkamalikhain nagpakita kita ng kita ng
ng pagka- pagka-
malikhaing malikha- malik-
pag-uulat in sa hain
pag-
uulat

Lahat ng Halos Walang


miyembro lahat ay pagka-
Kooperasyon kaisa
ay nakiisa nakiisa ang
sa gawain sa grupo
gawain

(Pag-uulat ng bawat grupo)

(pagbibigay feedback at pagpupuntos )

E. Paglalahat
Panuto:
Gamit ang kadena de istorya, lagyan ng
numero 1-7 ,ang tamang pagkakasunod-sunod
ng kabuuan ng kwento.
5

4 1
6

3 7
F.Paglalapat
Klas, ako ay may inihandang maikling
gawain na tatawagin nating “GIVE ME,
color, number and a letter

A B C

A. Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan


mo rin ba ang batang si Andres sa
panlabas nitong kaanyuan?
B. Ano ang aral na napulot ninyo sa
kwentong “Ang kalupi”?
C. Minsan ka na bang napagbintangan
kagaya ni Andres? Paano mo ito
hinarap?

ARAL:

Huwag mong husgahan ang


iyong kapwa sa kanyang
panlabas na kaanyuan.

IV. Pagsusulit (1/2 crosswise)


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.”Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y
pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay
makakapatay ka ng tao”. Sino ang nagpahayag
nito?
a. Aling Godyang
b. Andres Reyes
c. Aling Marta
d. Pulis
2.Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda. Anong
uri ng panghalip ang nakasalungguhit?
a. panghalip panao
b. panghalip na pananong
c. panghalip na panaklaw
d. wala sa nabanggit
3.“Bakit po, saan ninyo ko dadalhin”? Base sa
pahayag ng batang si Andres, saan siya
dadalhin ni Aling Marta?
a. sa bahay nila
b. sa tindahan ni Aling Godyang
c. sa pamilihang bayan
d. sa pulis
4. Hindi natin kara-karaka madadala ito nang
walang ebidensya. Anu-ano ang mga panghalip
na ginamit sa pangungusap?
a. nang at ito
b.wala at natin
c.ebidensya at nang
d.natin at ito
5. Saanka kumuha ng ipinamili mo niyan,
nanay? Ang saan na ginamit sa pangungusap
ay isang uri ng panghalip na ?
a. panghalip na panaklaw
b.panghalip na pananong
c. panghalip pamatlig
d.panghalip panao

Sagot:
1. C
2. A
3. D
4. D
5. B

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang pabulang
“Ang Agila at Ang Maya”sa pahina 76-78,
sa aklat ng Filipino III: Pagbasa at Pagsulat
tungo sa Pag-unlad.

You might also like