You are on page 1of 9

Butalid, Jaira P.

BSEd-Filipino IIB

“Tradisyunal/4A’S Detalyadong Banghay Aralin”

I. Layunin:

Pagkatapos ng isa’t kalahating oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naisasalaysay ang buod ng pangyayari sa kuwento sa tulong ng dugsungang
pagkukuwento.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang maaaring makasagabal sa kanilang pag-unawa
sa aralin.
3. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kaugnayan sa akdang “Nemo: Ang
Batang Papel” sa pamamagitan ng bukas na talakayan sa klase.
4. Naipapahayag ang aral at mensahe na nais ipabatid ng may akda sa pamamagitan ng
Ugnayang Tanong Sagot (UTS).at
5. Nakapag-uulat sa klase ng iginuhit na paglalalrawan ayon sa kuwentong nabasa sa
pamamagitan ng pangkatang-gawain.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Nemo: Ang Batang Papel ni Rene o. Villanueva
B. Sanggunian: Panitikan ng Filipino Kagamitan ng Mag-aaral pp 30-33
C. Kagamitan: projector at bidyu ng kuwento, kartolina, lapis at krayola
III. Pamamaraan

A. Aktibiti

Gawaing- guro Gawaing-mag_aaral


1. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa paksang ating tatalakayin ay


mayroon muna akong ipapakita sa inyo na isang
larawan ng shooting/falling star o bulalakaw sa tagalog
kung saan ay may kaugnayan ito sa ating paksang
tatatlakayin maya-maya lamang. Mayroon na ba ditto sa
inyo ang nakakita ng falling star? Pag nakakakita ba
kayo ng isang falling star partikular na sa langit, ano
ang unang pumapasok sa isip niyo o ano ang alam
ninyong kasabihan ayon sa paniniwalang naririninig
niyo tungkol dito.

Sinasabi po nila na kapag nakakita ka raw po nito ay


agad kang humiling na kasimbilis ng pagbagsak nito sa
lupa at ito raw po ay magkakatotoo.
2. Talasalitaan

Dahil alam na ninyo ngayon ang kasabihan tungkol sa


isang falling star o bulalakaw. Ngayon naman ay
susubukin ko ang inyong mga kamalayan bilang isang
bata o indibidwal.
KARAPATAN-Bilang isang bata pa lamang ano ang
alam niyo tungkol sa inyong karapatan bilang isang
bata/anak? Pumunta sa unahan ang nais sumagot at
lagyan ng sangay ang salitang nasa loob ng bilog. makapaglaro/makapaglibang sapat na pagkain

maayos na
tahanan ANG KARAPATAN makapag-
KO BILANG ISANG aral
BATA

mapagmahal
na magulang maayos na
damit
maipagtanggol laban sa
karahasan at mapang-abusong tao
B. Analisis

1. Presentasyon ng akda

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating tatalakayin


na aralin, ang maikling kuwento na Nemo: Ang Batang
Papel ni Rene O. Villanueva na ipapanood ko sa inyo
ang maikling bidyu. Umayos ng upo ang bawat isa at
ihanda ang mata at tenga para sa maayos na panonood,
basahin at pakinggang mabuti ang ipinakikita sa bidyu
upang makasagot sa mga katanungan na aking ibibigay
maya-maya lamang.

2. Pagpapalawig

Ngayong napanood na ninyo ang mga naging


pangyayari sa kuwento tungkol kay Nemo: Ang Batang
Papel ay sino ang limang nais magboluntaryo upang
muling isalaysay ang mga naging pangyayari sa
kuwento kung talagang nauunawaan niyo ang inyong
napanood.

Estudyante 1- Si Nemo isang batang yari sa ginupit na


dyaryo nang isang araw ay inilipad sa labas ng hangin at
nagpalutang-lutang na muntik ng sumabit sa sanga ng
ratiles, mahagip ng humahagibis na sasakyan buti na
lamang ay magaan siya at tuluyang lumapag sa gitna ng
panot na damo sa palaruan.

Estudyante 2- Laging pinapanood ni Nemo ang mga


batang naglalaro dito at inggit na inggit siya. Sinabi
niyang gusto kong tumawa tulad ng ibang bata,
tumakbo, maghagis ng bola gaya ng totoong bata.

Estudyante 3- Isang gabi, matiyagang naghintay si


Nemo at humiling sa pinakamalayong bituin sa
kalangitan at sinabing “bituin, bituin iypong tuparin
aking hiling maging isang totoong batang masiyahin” at
nagkatotoo ito.

Estudyante 4- Pagdilat niya’y kasama na niya ang


kaniyang tatay na walang trabaho, ina na payat na payat,
walong kapatid at bahay na totoo pero masikip at tagpi-
tagpi ito. Kaya kahit bata pa ay napilitan siyang
magtrabaho at nagtinda ng sampagita para makatulong
sa pamilya.

Estudyante 5- Kaya araw-araw pagod si Nemo at


maduming pumapasok sa paaralan at iniiwasan ng mga
bagay-bagay ditto dahil raw mabaho at hindi siya
nababagay kaya muling hiniling ni Nemo kasama ang
ibang mga batang nasa kalye na kaperahas niya ng nais
na magkaroon ng mapagmahala na magulang, sapat na
pagkain at makapag-aral na maging batang papel at
sinabing “ bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat
kami’y gawing batang masiyahin” at natupad ang
kanilang hiling at maraming nagpalutang-lutang na
papel ang nakita ng mga tao sa palaruan.

3. Pagpapayaman

Tiyak na lubos na ninyong nauunawaan ang kuwento


dahil sa buod na ipinahayag ng inyong kaklase ngayon
naman ay mayroon ako ditong tatlong pangkat ng
kartolina, lapis at krayola at ito ang magiging
kasangkapan ninyo sa aking ipagagawang aktibiti.
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo, bumilang ng 1, 2, 3
at magsama-sama ang magkakagrupo. Ang lahat ay
kailangang makipag-ugnayan para sa maayos na
kalalabasan ng inyong Gawain. Guguhit ang bawat
grupo ng sariling paglalarawan ng mga naging
pangyayari sa kuwento ng Nemo: Ang Batang Papel at
matapos ito ay may dalawang magpepresenta sa bawat
grupo sa unahan na magpapatunay o magpapaliwanag
sa nailarawang kuwento at ito ang mga magiging
pamantayan niyo sa paggawa:

Kalinisan ng ginuhit 15%


Kaugnayan sa paksa ng iginuhit 10%
Pagkamalikhain ng iginuhit 35%
Tatas ng pagpapaliwanag sa iginuhit 40%
Kabuuan 100%

C. Abstraksyon

1. Sintesis

Ngayon dadako naman tayo sa pagpapalawak ng


inyong mga imahinasyon sa pamammagitan ng
paggawa ninyo ng mga sariling wakas ng kuwento. Sa
inyong palagay o kuro-kuro ano pa ang maaari o
posibleng naging wakas ng kuwento ni Nemo? Kumuha
ng kalahating papel at isulat ito sa loob lamang ng
limang minuto.

Pinulot silang lahat ng isang batang lalaki na naglalaro


at sila’y inipon at tinabi sa isang kahon at nagsilbing
laruan ng batang lalaki sa kanilang bahay at patuloy
parin namang naging masaya ang mga batang papel
dahil sama-sama parin sila.
Napadpad sila ng malakas na hangin at tuluyan ng
nagkahiwa-hiwalay ng landas subalit naging masaya
parin ang bawat isa sapagkat nananatili parin silang
papel at nararamdaman ang gaan ng buhay.

Humangin at umulan ng malakas at napadpad sila kung


saan-saan at nagkahiwa-hiwalay at marami sa kanila ang
tuluyan nang nasira sa pagiging batang papel

D. Aplikasyon

1.Pagpapahalaga

Ngayon naman ay balik ulit tayo sa ating akdang


tinatalakay, tayo ngayon ay magpapalitan ng ideya
batay sa aking mga katanunga, kahit sino ay pwedeng
tumaas ng kamay at magbahagi ng sariling opinyon,
wag mahihiyang sumagot dahil walang maling
kasagutan.

1. Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ng batang si


Nemo anong mas pipiliin mo, ang maging isang
batang papel o ang maging batang totoo?

Pipiliin ko ang maging isang batang papel na lamang


katulad ni Nemo upang mas maramdaman na malaya
ako at walang hirap na dadanasin sa buhay sa kabila ng
pagiging totoong bata.

Mas gugustuhin ko parin ang maging isang batang totoo


kahit sa kabila ng hirap ng pagsubok ang mahalaga
naranasan ko ang maging totoong tao at maramdaman
ang tunay na buhay kahit mahirap man ito.

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon ngayon na


humiling sa shooting star/falling star, ano ito
bakit?

Matupad ang aking pangarap na magkaroon ng maayos


at magandang propesyon na may sapat na sahod para
makatulong at makabawi sa paghihirap ng aking
pamilya sa pag-abot ko ng aking mga pangarap.

Kapayapaan sa mundo para lahat ay makinabang at


malaya ng walang pag-aalinlangan sa maaaring dala ng
kapahamakan dulot ng ating mga nasa paligid o kpawa.
Bumalik sa pagkabata para muling maramdaman ang
ginhawa ng buhay na wala akong ibang pinoproblema
kundi ang maglaro ng maglaro lamang.

3. Sa pangkalahatang pananaw ano ang aral na


nais ipabatid ng may akda sa mga batang
katulad ni Nemo na naghahangad ng ibang
bagay at babawiin din naman sa bandang huli?

Maging kuntento na lamang tayo sa kung ano tayo dahil


alam ng Diyos kung ano ang mas makabubuti sa atin
kaya niya tayo inilalagay sa kaniya-kaniya nating
sitwasyon.

Mag-ingat at pag isipan munang mabuti kung anuman


ang iyong hihilingin upang sa huli ay hindi magsisi
dahil hindi lahat ng bagay ay pwede pang ibalik.

Maging handa tayo sa kung anumang pagsubok na


ibinigay sa atin n gating mga hiniling na bagay.

2.Paglalapat

Mga mag-aaral ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


maiksing pagsasagot na makakatulong sa inyo upang
lubos na maunawaan ang teksto ng kuwento at
makadadagdag sa inyong mga bokabularyo tungo sa
pag-unawa ng mga piling salita na may kahirapan na
maaring maging hadlang sa inyong pagkaunawa sa
kuwento.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may


salungguhit sa pangungusap.

1. Muntik na siyang mahagip nang humahagibis


na sasakyan.

a.umaalis b.nagmamadali c.umuugong

b.nagmamadali

2. Nagpatawing-tawing siya sa hangin.

a.nagpaagos-agos
b.nagpatalon-talon
c.nagpatangay-tangay

c.nagpatangay-tangay
3. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng
ratiles.

a.mangga b.alatires c.guyabano

b.alatires

4. Kahit alon na puno ng layak ay nagtakip ng


ilong nang maamoy siya.

a.dumi ng tao/hayop b.alikabok c.basura

c.basura

5. Inangilan sila ng masungit na matanda dahil sa


kanilang maingay na paglalaro.

a.inungulan b.sinigawan c.pinagalitan

b.sinigawan

6. Nakatambak siya sa bunton na mga maalikabok


na polder at enbelop.

a.nakatabi b.nakakahon c. nakakalat

c. nakakalat

7. Nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang


paa na muntik nang makayapak sa kaniya.

a.nagulat b.natuwa c.nainis

a.nagulat

8. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang


natuklasan.

a.nagamit b.nalaman c.nakuha

b.nalaman

9. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y


kasama na niya ang kaniyang totoong pamilya.

a.pagtayo b.paglakad c.pagmulat


c.pagmulat
10. Si Nemo ay isang batang yari sa dyaryo.

a.lagot b.kuha c.gawa

c.gawa

3.Pagtataya

1. Sino ang sumulat ng Nemo: Ang Batang Papel?

Rene O. Villanueva

2. Ano ang unang hiniling ng pangunahing tauhan


sa pinakamalayong bituin sa langit?

Ang maging isang totong batang masiyahin

3. Anong klaseng buhay ang naranasan ng


pangunahing tauhan nang matupad ang
kaniyang unang kahilingan sa bituin?

Naghirap siya sa kaniyang naging totoong buhay,


walang trabaho ang tatay, payat ang ina at maliit na
tagpi-tagping bahay ang naging tirahan at nagtinda ng
sampagita.

4. Bago ang katapusan ng kuwento, ano ang


muling hiniling ng pangunahing tauhan sa bituin
sa langit kasama ang kaniyang mga kaibigan?

Maging mga batang papel na masiyahin

5. Paano sinambit ng mga bata ang kanilang


kahilingan na maging batang papel?
Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami’y gawing
mga batang masiyahin

6. Ilan ang naging kapatid ni Nemo nang siya ay


maging batang totoo?

Walo

7. Ano ang naging trabaho ni Nemo para


makatulong sa pamilya?
Nagtitinda ng sampagita

8. Saan gawa si Nemo?

Ginupit-gupit, punit-punit at dikit-dikit na dyaryo

9. Ano ang mga pare-parehong gusto ni Nemo at


ng mga batang lansangan sa kanilang buhay?

Mapagmahal na magulang, maayos na tahanan,


masayang paaralan at sapat na pagkain

10. Anong lihim ang ipinagtapat ni Nemo sa mga


baatang lansangan na kaniyang natuklasan?

Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa


pinakamalayong bituin sa langit.

IV. Kasunduan

Ayan mga mag-aaral napansin kong naging aktibo at


mahusay kayo sa mga naging pagsagot ninyo sa ating
buong talakayan lalo na sa mga opinion at ideya na
ibinahagi ninyo at talaga naman kitang-kita na
naunawaan ninyo ng maayos ang kuwento dahil
naiiugnay ninyo ang pangyayariat aral dito sa totoong
buhay. Kaya naman palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili dahil sa mahusay na partisipasyong inyong
ipinamalas.
Para sa mas masaya pang talakayan sa susundo nating
pagkikita ay babasahin na ninyo ng maagap an gating
sunod na kuwentong tatalakayin tungkol sa “Mabangis
na Lungsod” ni Efren R. Abueg.

You might also like