Professional Documents
Culture Documents
Malaking tao ako.Sa katunayan, higante ang tingin sa akin ng iba. Minsan nga, kapag hindi
makapaniwala ang kaharap ko sa tangkad ko, itatapat niya ang sarili niya sa akin.
Gamit ang kamay, susukatin niya kung gaano siya kaliit kung ikukumpara sa akin.
Kasunod noon, parang ritwal, maririnig ko ang hirit, “Anong kinakain mo?”
Magkukunwari akong mahihirapan sa pag-iisip tapos, ibubulalas ko, “K-kanin.” Dahil
sa sagot kong iyon, madalas akong makakuha ng magiliw na kurot sa braso (kung
babae) o ng pabirong suntok sa sikmura (kung lalaki). Kung may matatawa man,
susundan agad iyon ng banat na, “Siraulo!” Sa dulo, tuwing mapag-uusapan ang laki
ko, pakiramdam ko, nanliliit ako.
Dahil sa laki (o tangkad o taas) ko, walang mag-aakalang bad trip ako sa kasalukuyang
naaabot ng tanaw ko. Mas gusto ko pa rin iyong dati --- noong lagi akong nasa ibaba,
noong walang tumitingala sa akin, noong mas simple pa ang lahat.
Sa tatlong apo niya, sabi ni Papa, ako ang pinakapaborito ni Lola Mude. Basta ako ang
pinag-usapan, maaasahan ang kabibuhan ni Lola Mude. Agad niyang ibibida sa
kausap ang galing ko klase, kung gaano ako kabata noong natuto akong bumasa, kung
gaano kabilis ang utak kong mag-add at mag-subtract at mag-multiply at mag-divide.
Para sa kaniya, isa akong henyo. At sa kaniya ako nagmana. Banat niya lagi, noong
nagbuhos ang Diyos ng talino at galing sa mundo, may dala akong napakalaking batya
at nasahod ko ang lahat-lahat.
Dalawa ang lola ko. Ang nanay ni Mama ay si Lola Meding. Idolo ni Lola Meding si
Nora Aunor. Ang nanay ni Papa ay si Lola Mude. Hindi nanonood si Lola Mude sa
telebisyon kaya wala siyang hilig sa mga artista at hindi niya kilala si Nora Aunor.
Pero buska ni Lola Meding, kasing linggit daw ni Nora Aunor si Lola Mude. Nagaalburuto si
Lola Mude kapag binabanggit ko iyon sa kaniya.
Malayo-layo rin ang bahay ni Lola Meding sa amin kaya madalang namin siyang
makita. Nakakasama lang namin siya kapag may binyag, kasal, o libing sa pamilya o
kung pasko. Pero si Lola Mude, kapisan namin. Araw-araw, gumigising kaming ang
kulubot niyang balat at abuhing buhok ang nabubungaran.
Hindi ko nakumbinsi ang sarili kong maganda si Lola Mude. Kapag naiidlip siya sa
tanghali, nakakatuwaan kong bilangin ang libo-libong mga pileges o guhit sa mukha
niya. Gustong-gusto niya iyon. Magkukunwari siyang nahihimbing at hahayaan niya
akong magsawa sa kabibilang. Kapag lumagpas na ako ng isang libo, hihingalin na
ako. Hahalikan ko na lang siya sa pisngi para makabawi ng lakas. Minsan, sabi niya,
“Pangit ba ang lola mo?” Sabi ko nang walang gatol, “Oo.” Tumawa siya nang
malakas. “Bakit?” bawi ko. “Kung pangit ako, pangit ka rin. Ikaw lang yata ang apo
kong parang inihulma sa ‘kin.” Umismid ako at humirit, “’Di naman ako kasing linggit
ni Nora Aunor.” Sa unang pagkakataon, narinig kong humagikgik si Lola Mude. Para
siyang mangkukulam sa ‘Hansel at Gretel’. Sandali pa, humagikgik na rin ako. Kumuha
siya ng salamin at sabay naming tiningnan ang aming mga mukha. Halos naihi si Lola
Mude sa katatawa. Sabi niya sa akin, “Ang pangit mo.”
Sa isang apartment kami unang tumira. Pero hindi iyon ang tipo ng apartment na gawa
sa bakal at semento. Mas third world ang sa amin. Lahat ay gawa sa kahoy. May
tatlong pinto ang apartment. Ang unang pinto ay sa mga Pablo. Dalawang palapag
iyon. Ang ibaba ay sala at kusina.Ang itaas ay tulugan.Sa bintana sa itaas,
matatanaw ang kalsada. Ang pangalawang pinto ay sa mga Barte. Dalawang palapag
din. Ang ibaba ay para sa panganay na anak at pamilya nito. Ang itaas ay para sa iba
pang mga anak na walang asawa. Ang pangatlong pinto ang sa amin. Ang ibaba ay
kubeta. Lahat ng nakatira sa apartment, doon lahat naliligo at tumatae. Tapos, may
hagdang papunta sa itaas. Doon ang munting paraiso namin.
Kapag tumayo ka sa pintuan namin, kita mo na ang lahat sa loob. Isang malaking
aparador lang ang gamit namin. Para iyon sa mga damit. Malapit sa bintana naman
nakapuwesto ang papag ni Lola Mude. Nang sumapit ang ika-70 niyang kaarawan,
sinuwerte si Papang manalo sa sabong. Iyong papag ang regalo niya kay Lola Mude.
Gawa iyon sa purong palochina. Alagang-alaga iyon ni Lola Mude at lagi niyang iniisis
at binabanlian ng mainit na tubig. Kapag naiinip, uupo lang si Lola Mude sa papag
at tatanaw sa bintana. Solb na siya noon.
Bago pa ako pumasok sa Grade One, tinuli na ako ni Papa. Pukpok ang style niya.Sa
amin, sa B. Lopez Street, siya raw ang may pinakamagaang na kamay. Pintor kasi siya.
Kapag nanuli si Papa, walang sakit. Kung meron mang iindahin, para lang daw kagat
ng langgam. Dahil sa pagtuli niya sa akin, bigla, bumulusok ang paglaki o pagtangkad
ko. Dahil doon, hindi na ako p’wedeng makitulog sa banig kasama sina Papa, Mama,
Glenn, at Erwin. Hindi na kami kakasya. Dahil sa sikip ng tinitirahan namin, wala na
akong mapaglalagyan kung hindi sa ibabaw ng lababo o sa ilalim ng papag ni Lola
Mude.
Si Lola Mude ang nagmando, “Patulugin n’yo s’ya sa ilalim ng papag ko.” Walang
diskusyun. At dahil sa ilalim na ng papag ni Lola Mude ako natutulog, nagkaroon ako
ng mga bagong pribilehiyo.
Una, binili ako ni Mama ng sarili kong banig, unan, at kulambo. Big deal iyon para sa
akin dahil, sa unang pagkakataon, naranasan ko ang magkaroon ng sariling unan.
Nakakaasiwa sa una kasi nasanay ang ulo ko sa tigas ng banig. Pero, sa kalaunan, ang
lambot na ng unan ang naghehele sa akin. Panalo rin ang pagkakaroon ko ng sariling
kulambo. Iyon kasi ang magiging security blanket ko. Kapag nakiskis na ang mga paa
5 of 25
ko sa kulambo, parang napapawi na ang lahat ng suliranin ko sa mundo. Magiging
kakambal ko na ang kulambo hanggang sa pagtanda ko. Lilipas pa ang dalawampung
taon at magigising ako sa katotohanang naging dark secret ko ang kulambo. Dumalo
ako sa isang conference sa ibang bansa at tumira sa isang five-star hotel. Laking-gulat
ng room mate ko nang makita ang isang kulambo, mula sa bagahe ko. Sabi ni Mama, si
Lola Mude raw ang dapat kong sisihin sa kulambo. Bilang panganay na apo, ayaw daw
ni Lola Mude na malapitan ako ng lamok. Isa lang ang naging solusyon niya –
kulambo.
Pangalawa, hindi ko na kinailangan pang magtiis sa panghi ng ihi ni Erwin. Ugali kasi
ng bunso namin na gumising na naliligo sa sarili niyang ihi. Binubulyawan ako ni Papa
kapag nag-re-reklamo ako sa panghi. Hindi ko raw dapat sisihin ang kapatid ko. Mas
mabuti na raw maihi siya kaysa magkasakit sa pantog.
Kapag may dumadalaw kaming mga kamag-anak, sa papag sila ni Lola Mude
pumupuwesto. Kapag nagsisimula na silang maglitanya, tatakbo na ako patungo sa
ilalim ng papag. Magkukunwari akong nagsusulat, nagbabasa, gumagawa ng takdangaralin, o
natutulog. Nag-iisip ako ng dahilan para hindi ako paalisin sa ilalim ng papag. Bago pa kasi
namayagpag si Helen Vela sa telebisyon, naging tagahanga na ako ni Lola Mude. Wiling-wili
ako sa pakikinig ng mga payo niya sa mga kamag-anak namin. Parang sa bawat sabihin niya,
may napupulot na gintong-aral ang mga kamag-anak namin. Kung si Harry Potter, pumasok sa
Hogwarts para sanayin ang galing niya sa magic, si Lola Mude parang ginamit ang karanasan
niya sa buhay para magbigay ng
payong wapak na wapak.
Diin ni Lola Mude sa isang tiyahin ko, “Hiwalayan mo. Ipakita mong ‘di ka takot sa
kan’ya.” Kinabukasan, nag-alsa balutan ang tiyahin ko. Kasunod noon, parang hilongtalilong ang
tiyuhin ko sa paghabol sa kaniya. Sabi naman niya sa isa ko pang tiyahin, “Tigilan mo na ang
pagsusugal. ‘Yang ang sisira sa buhay n’yo.” Nang sumunod nalinggo, pumasok sa kursilyo ang
tiyahin kong iyon. Paglabas niya, may takot na siya sa Diyos at, sa tingin ng lahat, naging isa
siyang mabuting maybahay. Nang sumunod nabuwan, sinuwerte sila dahil nakapag-trabaho sa
Saudi Arabia ang asawa niya.
Isang araw, gigil na gigil sa akin si Lola Mude. Hindi niya kasi ako mapilit na lumabas
sa ilalim ng kama. “Ayokong pumasok,” paktol ko. “Bakit?” usisa niya. Hindi ako
sumagot. Ayokong sabihin sa kaniya na takot ako sa guro ko, kay Mrs. Sibug. Sobrang
bagsik ni Mrs. Sibug. Kapag hindi mo sinunod ang sinabi niya, malilintikan ka sa
kaniya. Kahapon, idinikta niya ang dapat dalhin – isang palakang saging na nakalagay
sa garapon. Saan ako kukuha ng palakang saging? Paano kung magka-kulugo ako?
Alam ko kung paano magalit si Mrs. Sibug. May kaklase akong ngongo. Tinanong
niya. Hindi nakasagot.Sa banas niya, kinurot niya sa balikat ang ngongo. Pumalahaw
nang iyak ang ngongo. Dahil sa kurot ni Mrs. Sibug, natanggal nito ang peklat ng
bakuna ng ngongo. Ayokong harapin si Mrs. Sibug na walang dalang palakang saging
sa garapon.
Nang hindi ako mapilit ni Lola Mude, bigla siyang nagbihis. Pupuntahan daw niya si
Mrs. Sibug at itatanong ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong pumasok. Pinigilan
ko si Lola Mude pero mas matigas ang ulo niya kaysa akin. Umiyak ako habang
nakabuntot sa kaniya. Sabi niya, “Malalaman ko rin kung bakit ayaw mong pumasok.”
Halos maihi ako sa kaba nang makita kong kaharap na ni Mrs. Sibug si Lola Mude.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang mga kaklase kong nagbubulungan. Alam kong
kakant’yawan nila ako. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa amin, pabalik sa ilalim ng
papag ni Lola Mude.
Halos umusok ang tenga ko sa galit. Bakit ako pinahiya ni Lola Mude? Sabi ko sa sarili
ko, hinding-hindi na ako mag-aaral. Ayoko nang maging apo ni Lola Mude. Si Lola
Meding na lang ang lola ko.
Nang marinig ko ang paparating na yabag ni Lola Mude, nagkunwari akong tulog.
Sinilip niya ako sa ilalim. Bungad niya, “Pumasok ka na. Hinihintay kay ni Mrs.
Sibug.”Nagtaka ako.Anong nangyari? Sabi ko, “Paano ang palakang saging sa loob
ng garapon?” Kalmadong turan ni Lola Mude, “Sinabi ko sa kan’yang ayokong
magkaroon ka ng kulugo. Sinabi kong ‘wag ka niyang piliiting manghuli ng palakang
saging.” “Gano’n lang,” susog ko. Tumango at ngumiti lang si Lola Mude. Pagpasok
ko, walang problema. Walang tinanong si Mrs. Sibug tungkol sa palakang saging.
Takang-taka ako. Nang sumunod na mga araw, dumalaw si Mrs. Sibug. Katulad ng
mga kamag-anak namin, humingi siya ng payo kay Lola Mude. Tinakpan ko ang tenga
ko para hindi marinig ang pinag-uusapan. Alam ko namang dahil sa payo ni Lola
Mude, kinalimutan ni Mrs. Sibug ang palakang saging sa garapon.
Mula sa ilalim ng papag ni Lola Mude, mas nalimi ko ang kabuluhan ng buhay.
Takang-taka ang mga kaklase ko kapag sinusubukan kong ulitin ang mga payong
narinig ko kay Lola Mude. Para daw akong sinasapian ng kung ano. Hindi nila lubosmaisip
kung saan ko hinuhugot ang mga pinagsasabi ko. Pero kalaunan, dahil provenand-
tested ang mga natutunan ko kay Lola Mude, ako na ang naging hingahan ng mga
kaklase ko.
Noong natanggap ako sa Star Cinema bilang bahagi ng concept development group,
medyo naasar ako sa paunang pidbak nila. Masyado raw melodramatic ang mga
naiisip ko. Pang-MMK (‘Maalaala Mo Kaya’) ni Charo Santos. Dahil wala naman akong
pormal na pagsasanay sa pagsusulat, Google na lang ang nagpaliwanag sa akin kung
ano ang teknikal na kahulugan ng ‘melodramatic’. “A, gano’n pala ‘yon,” alo ko sa
sarili. Nawala ang pagka-asar ko. Tama naman pala sila. Halos lahat ng narinig ko
mula sa ilalim ng papag ni Lola Mude ay ‘melodramatic’ --- mga kuwentong
kumukurot sa puso. Baduy iyon para sa iba pero anong magagawa ko, melodrama ang
nagpayaman ng pananaw ko. Sa madaling sabi, pinangatawanan ko iyon. Nang
sumunod na taon, nakita ko na lang ang sarili kong nagsusulat sa MMK ni Charo
Santos.
Kapag nag-aaway kami nila Glenn at Erwin, madalas, ako ang lumalabas na mali.
Dahil ako ang panganay, dapat ako raw ang magbigay at umintindi. Dahil hindi ko
iyon matanggap, nagpapalipas ako ng sama ng loob sa ilalim ng papag ni Lola Mude.
Kapag narinig na ni Lola Mude ang paghikbi ko (at pagsinghot), tatawagin na niya ang
pangalan ko. Mula sa kinalalagyan ko, makikita ko ang iaabot niya --- isang piraso ng
biskwit, tsokolate, o tira-tira. Mula sa kinalalagyan ko, parang nakikita kong bumababa
ang mga biyaya mula sa langit. Mula sa kinalalagyan ko, mas lumalakas ang loob ko
dahil natitiyak kong meron akong kakampi.
Sa unang pagkakataon, lumuhod si Lola Mude sa harap ng kama para kausapin ako.
“Lumabas ka d’yan,” utos niya. Mistula akong bubuwit na mabilis na lumabas sa
lunggang pinagtataguan. “Napapadalas ka na sa lansangan. Napapabayaan mo na ang
pag-aaral mo,” sumunod niyang sabi. Kinamot ko ang ulo ko bilang tanda ng
pagtatakang mangatuwiran. “Simula bukas, hindi ka na lalabas pagkagaling mo sa
esk’welahan,” diin ni Lola Mude.
Gusto kong magwala. Gusto kong magsisigaw at maglupasay. Pero hindi ko nagawa
iyon. Mabilis kasing sinabi ni Lola Mude, “Tingnan mo kung ano ang nasa ilalim ng
unan mo.” Kahit nagtataka, mabilis kong inangat ang unan ko. Tumambad sa akin ang
sipi ng Aliwan, Wakasan, at Hiwaga.
Napabuntonghininga lang ako at tumingin kay Lola Mude, “Aanhin ko ang mga
komiks.” Mabilis akong piningot ni Lola Mude. “Aba, nagiging sutil ka na, ha,”
dismayadong bulalas niya. Tumayo si Lola Mude at pumuwesto sa ibabaw ng kama at
saka dumungaw sa bintana. Hindi ako umalis o kumilos sa ilalim ng kama. Nagtikisan
kami. Maya-maya pa, humiga ako at kinuha ko ang Aliwan. Sinimulan kong buklatin
ang mga pahina. Unti-unti, parang hinigop ako sa ibang dimensyon. Gano’n pala ang
mga kuwento sa komiks. Sinunod ko ang Wakasan. Tapos, ang Hiwaga. Ang sarapsarap ng
pakiramdam ko. Bigla kong naalala si Lola Mude. Nang tumingin ako sa
itaas, nakita kong nakasungaw si Lola Mude at humahagikgik. Tumalikod ako sa hiya.
Huling hirit ni Lola Mude, “Sa halip na magbilad ka sa araw at maglagalag sa
lansangan, pumirmi ka rito at magbasa.”
Simula noon, ang ilalim ng kama ni Lola Mude ang naging silid-aklatan ko sa labas ng
paaralan. Iyon nga lang, sa halip na aklat, komiks ang naging pampalipas ko ng oras.
Nang magkaroon ng malaking isyu o kontrobers’ya sa pagkakapili kay Carlo J. Caparas
bilang national artist, hindi ko napigilan ang sarili kong magbigay ng opinyon. Oo,
binabasa at iginagalang ko sila Virgilio Almario at Bienvenido Lumbera, ngunit mas
nauna kong nakilala si Carlo J. Caparas kaysa kanila. Para sa katulad kong ‘tagalabas’,
iyong tipong hindi kinayang makapasok sa bigating pamantasan at ang tanging
kalinangan lang ay ang mga nabasa at mga naisulat para sa mga patimpalak-pagsulat,
nakakadismaya ang mababang pagtingin kay Carlo J. Caparas.
Nang nakapagtapos ako ng elementarya, natanggal sa trabaho si Papa. Para sa katulad niyang
pintor, hindi naging madali ang paghahanap ng bagong mapapasukan.
Malaking dagok iyon kasi sa isang private high school nila ako ipinasok. Saan na
sila/kami kukuha ng pangtustos?
Wala man kaming pinag-usapang problema, nakikita ko lahat mula sa ilalim ng kama
ni Lola Mude. Nagsimulang umuwi ng lasing si Papa. Kat’wiran niya, minsan lang
naman daw ang pagsasaya niya. Pero iyong minsan, naging gabi-gabi. Kapag nagaaway
sila Mama at Papa, sinusutsutan ako ni Lola Mude. Matulog na raw ako at
huwag makialam sa mga matatanda. Sa mga panahong iyon, hindi nakatulong ang
lambot ng unan at ang kulambo para dalawin ako ng antok. Hindi rin ako nadala ng
mga komiks sa ibang dimensyon. Para akong nasa isang episode ng MMK at
naghihintay ng inspiring line mula kay Charo Santos.
Dahil gipit (o kapos) kami sa pera, naging problema ni Mama ang baon ko sa arawaraw.
Dahil hindi naman ako mareklamo, tinatanggap ko lang kung ano o magkano
ang iaabot niya.
Nang makuha ko ang grades ko sa first grading, tuwang-tuwa kong ibinalita na No. 1
ako sa klase. Kinabukasan, may surpresa sa paggising ko. May nakita akong piso –
nakapatong sa unan ko. Nang tanungin ko si Lola Mude kung sa kaniya galing ang
piso, nagkunwari siyang abala sa pagnganganga. Kinuha niya ang apog at ikmo at
sinimulang dikdikin ang mga iyon. Hindi ko na kinulit pa si Lola Mude. Sa ilalim ng
papag, paulit-ulit kong tiningnan ang piso at inisip ang totoong halaga noon. Sa halip
na ibili ng tira-tira at Sarsi, lihim kong ibinigay kay Mama ang piso. Pero, s’yempre,
ipinagmalaki ako ni Mama kay Lola Mude. Kinabukasan, tinanong ako ni Lola Mude
tungkol sa piso. Hindi ako sumagot dahil ayaw kong magsinungaling. Tinitigan ako ni
Lola Mude at saka niyakap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman kong
lumuluha si Lola Mude, marahil sa tuwa dahil sa ginawa ko, pero nagpatay-malisya na
lang ako. Sabi nga, moment niya iyon.
Katatapos lang ng third grading examinations namin nang umuwi si Papang tuwangtuwa.Parang
nanalo siya sa Sweepstakes. Bida niya, “May financier ako.” Hindi koalam ang ibig sabihin
noon. Pero sa paliwanag ni Papa, wala siyang ibang gagawin
kung hindi magpinta. May magtutustos sa mga gagamitin niya – brush, pintura,
canvass, frame. Tapos, ilalako ang mga magagawa niya. Hati sila sa kikitain. Nang
gabing iyon, pinakatay ni Papa ang tinali niya. Kahit mahirap pangusin ang matigas na
laman ng talisain ni Papa, masaya kaming nagsalu-salo. Noon ko lang ulit nakitang
nabuhayan ng loob si Papa.
Tinanong ko si Lola Mude kung kanino nagmana si Papa. Sabi niya, “Sa akin.”
Kasunod noon, hahagikgik siya. Malakas ang kutob kong may hindi sinasabi si Lola
Mude tungkol sa tatay ni Papa pero hindi na mahalaga iyon.
Habang nagpipinta si Papa, napahinga rin ang mga kamay ni Mama sa pagtanggap ng
labada. Noong nakatambay kasi si Papa, napilitan si Mamang kausapin ang ilang
kapitbahay na sa kaniya na magpalaba. Sa kaniya ko natutunan ang paghihiwalay sa
puting damit at de kolor at ang tamang paraan ng pagtanggal ng mantsa (o libag) sa
kuwelyo ng kamisidentro. May yabang si Mama kapag ako ang nag-iigib ng tubig para
sa kaniya. Mahusay daw akong magpingga.
Nang halos lagpas isandaan na ang natapos at naipinta ni Papa, ginulo ko ang lahat.
Galing ako noon sa esk’welahan. Bigla akong tumawid nang hindi tumitingin sa
paparating na dyip. Nabundol ko. Tumama ang unahan ng dyip sa balakang ko.
Dahil doon, tumilapon ako sa gitna ng kalsada. Naramdaman ko pang nagkakagulo
ang mga tao. Nagtatalo sila kung saan ako dadalhin. Nagkamalay na lang ako na
katabi ko na si Mama. Hawak niya ang kamay ko. Sabi niya, “Tatlong araw ka na rito
sa hospital.” Iyak siya nang iyak. Akala raw niya, mamatay na ako. Ngumiti ako at
nagsabing, “Ang laki ko kasi. Hindi tuloy ako naiwasan ng jeep.” Pinahid ni Mama
ang luha niya habang pinipilit ang sariling ngumiti, “Bakit kasi tumawid ka na lang
nang basta-basta. Ang laki mong tanga!”Sabay kaming tumawa. Sandali pa,
kinuwento na ni Mama ang pakiusap ng drayber. Huwag na raw kaming magsampa
ng kaso kasi sinagot naman niya ang lahat ng gastos. Pito raw ang anak ng drayber at
buntis pa ang asawa.
Sa ilalim na ng papag ni Lola Mude ako nagpagaling. Pero bago ko pa man maigalaw
nang maayos ang baywang ko at magawa ng listahang pinapagawa ni Papa, umuwi sa
Papang lasing na lasing at nagwawala. Tinakbuhan daw siya ng financier. Wala na
raw iyon sa inuupahan niyang bahay at tinanggay ang lahat ng natapos ni Papa. Doon
ko lang nakita si Papang ngumuymoy. Para siyang paslit na inagawan ng kendi. Mula
sa hinihigaan ko, nakita ko kung paano pinakalma si Papa nila Mama at Lola Mude.
Tumabi rin sa akin ang mga kapatid ko. Nang sandaling iyon, naisip naming p’wede
rin palang umiyak ang lalaki.
Nang mga sumunod na araw, bumalik si Mama sa pagtanggap ng mga labada. Hindi
ako makatulong kasi hindi ko pa rin maigalaw ang baywang ko. Parang nangungutya
ang mabagal na paglipas ng mga araw. Inip na inip na ako. Nabasa ko na ang lahat ng
mga komiks na inarkila ni Lola Mude para sa akin. Nagawa ko na rin ang special
homework na ibinigay ng mga guro ko sa akin.
Panay ang biling ko sa ilalim ng papag. Kapag babad na ang likod ko sa pawis, dadapa
naman ako. Sa pagdapa ko, doon ko naisip ang magsulat. Sabi ko sa sarili ko, hahabi
ako ng mga kuwento. Pero paano ko gagawin iyon? Ni wala akong kamuwang
muwang sa pagsusulat ng mga kuwento. Oo, nagbabasa ako. Alam ko kung ano ang
magandang kuwento. Pero kung ako na ang bubuno sa sarili kong kuwento, mahirap
yata iyon. Isa pa, hindi ko pinangarap na maging manunulat. Ambisyon kong maging
kartero. Gusto kong magtrabaho sa post office, katulad ng asawa ng Tita Linda ko.
Nakikini-kinita ko na ang sarili kong naka-uniporme, may sukbit na bag, at naglalakad.
Kakatok ako sa mga bahay-bahay at magdadala ng mga sulat, ng mga magagandang
balita.
Nang kinuwento ko ‘yon kay Glenn, tumawa siya. Magmumukha raw akong pulis
kapag suot ko na ang uniporme ng kartero. Mungkahi niya, “Mag-PBA ka na lang,
Kuya.Sa tangkad mong ‘yan, p’wede kang maging Jaworksi o Atoy Co o Guidaben.”
Sabi ko sa kaniya, “Pa’no ako mag-pi-PBA, e, ang lampa ko.” Muling tumawa nang
malakas si Glenn. Ngayon, may bahid na nang pang-aalaska ang banat niya. Naalala
niya kasing lagi akong bagoong sa harangang taga, sa luksong-baka, at sa taguan.
Bukod sa mabagal akong tumakbo, madalas pa akong madapa. Kat’wiran ko, “Ikaw
kaya ang kumarga sa katawan ko. Tingnan ko kung hindi ka mabigatan.” Dahil
naramdaman ni Glenn na hindi ako magpapatalo, iniba niya ang takbo ng usapan.
“Ako, gusto kong magtrabaho sa Meralco. Parang si Mang Jun, ‘yong tatay ni Aileen.
Tingnan mo ang bahay nila. Ang laki-laki, ang taas-taas,” kumbinsi niya sa akin. “Oy,
hindi ‘yon gano’n, ‘no. Kaya malaki at mataas ang bahay nila Mang Jun, kasi, talagang
mayaman sila. Hindi ‘yon dahil sa Meralco,” segunda ko. Kinamot ni Glenn ang ulo
niya, sabay bitaw, “Bahala ka na nga sa buhay mo, Kuya. Kung ‘di kaya ng dalawang
17 of 25
paa mo, baka ‘yang mga kamay mo ang --- “ Pinatigil ko si Glenn. Inutusan ko s’yang
tingnan kung saan na napadpad si Erwin. Siya ang nakatokang magbantay sa bunso
namin habang nagpapagaling pa ako. Nang makaalis si Glenn, sinubukan ko ang
galing ng aking mga kamay. Nagsulat ako nang nagsulat hanggang mapudpod ang
lapis ko. Doon ko nalamang hindi pala mga kamay lang ang gumagana kapag
nagsusulat --- kasama ring nalalaspag ang utak. Dahil sa pagod, nakatulog ako.
Walang nakabasa ng una kong sinulat. Hindi ko maalala kung bakit. Siguro, nahiya
ako at ayokong mapagtawanan. O kaya, hindi ako nakatitiyak kung maiintindihan nila
ang kuwento ko. Nang nagising ako, binasa ko ang natapos ko. Anas ko sa sarili ko,
“Kung ‘di ka magiging kartero, baka hindi masamang maging manunulat ka.” Hindi
ko inasahang hindi ako magiging kartero.
Para makalimutan ni Papa ang ginawa ng financier niya, hinayaan muna siya ni Mama
na magsabong. Sa halip na brutsa ang himasin ni Papa, mga talisain ang tinutukan
niya. Simula noon, laging inuunahan ni Papa ang pagsikat ng araw. Bago magliwanag,
nahimas na niya ang lahat ng mga talisain. Nakapuwesto ang mga talisain malapit sa
kubeta sa ibaba. Gumawa si Papa ng kulungan para sa kanila.
Isang hapong nahuli ako nang uwi, naabutan ko sila Glenn at Erwin nagsusuntukan.
Agad ko silang inawat. Nang tumigil sila, doon ko lang napansin ang nakabukas na
telebisyon. Hindi ako makapaniwala.May telebisyon kami. Isang dipa ang lapad nito
at isang dipa rin ang kapal. Meron itong sariling bahay kaya kumain ng malaking
espasyo. Kaya pala nag-aaway ang mga kapatid ko ay dahil hindi sila magkasundo
kung ano ang panonoorin. Tinanong ko kung saan galing ang telebisyon. Hindi raw
nila alam.
Nalaman ko na lang ang kuwento nang dumating si Mama at Lola Mude. Namalengke
sila. Nanalo raw ang talisain ni Papa kaya nagkaroon ng pambili si Papa ng telebisyon.
Madalas daw kaming nakikita ni Papa na nakatanghod sa bintana ng mga Pablo kaya
nang magkapera, hindi na nito pinalagpas ang pagkakataong maibili kami ng
telebisyon --- kahit second hand.
Pumuwesto sila Glenn at Erwin sa harap ng telebisyon. Ako naman, bumalik sa ilalim
ng papag ni Lola Mude. Nang sumunod na tatlong araw, sa umaga at sa gabi, panay
ang panonood namin. Sesame Street, Mightor, Candid Camera. Meron ding mga pelikula
nila Dolphy, Chiquito, Joseph Estrada, at Fernando Poe. Kapag may patalastas,
sumisimple ako para magsulat. Inuulit ko ang mga linya ng mga artista. Iniisip ko,
siguro ganito iyon. Sa loob ng tatlong araw, pakiramdam naming magkakapatid,
kami ang pinakamas’werte sa Karuhatan. Utang naming ang ganoong pakiramdam
dahil sa aming telebisyon. Tapos, bigla, habang nanonood kami ng Kwarta o Kahon ni
Pepe Pimentel, namatay ang telebisyon at hindi na muling sumindi. B’wisit na b’wisit
si Papa. Inaway niya ang pinagbilhan. Kat’wiran sa kaniya, “Ano ba ang aasahan mo
sa second hand.” Kinabukasan, nakita naming nagliliparan ang mga kulisap na
namamahay sa puno ng mangga sa tapat. Natakot ang mga kulisap sa usok ng sigang
ginawa ni Tatay. Nang lapitan namin ang siga, nakita naming kung ano ang naging
paringas ni Papa --- ang bahay ng second hand naming telebisyon. Nang sumunod na
araw, bumalik kami sa pagtanghod sa bintana ng mga Pablo, mapanood lang ang
paborito naming palabas.
Nang mga panahong iyon, tinatamad na akong magbasa ng komiks. Basta natapos ko
na ang mga takdang-aralin, p’wede na akong makipanood sa kapitbahay. Tuwing
mapapatapos ang palabas, babalik ako sa ilalim ng papag ni Lola Mude. Dadakdak ako
nang dadakdak. Ikukuwento ko kay Lola Mude ang lahat-lahat. Mula umpisa
hanggang dulo, kasama pati kung saan isiningit ang patalastas. Wiling-wiling naman si
Lola Mude sa pakikinig. Humuhusay na raw ako sa pagkukuwento. Kapag iniiba niya
ang usapan at tinatanong niya ako sa mga napag-aralan ko sa agham, kasaysayan, o
matematika, nadidismaya ako. Sasabihin ko sa kaniyang hindi pa ako tapos sa
ibinibida ko.
Isang araw, habang nasa ilalim ako ng papag at kinukuwento ko kay Lola ang pelikula
ni Nida Blanca, biglang hindi na lang siya sumagot. Nang silipin ko siya, nakita kong
humihikbi siya. Nag-usisa ako. Iniba niya ang usapan at hinikayat akong ipagpatuloy
ang sinasabi ko tungkol kay Nida Blanca. Hindi ko siya tinantanan. “Bakit ba, Lola?”
pilit ko. Bumaba siya sa papag at lumakad patungo sa aparador. Mula sa aparador,
inilabas niya ang isang bugkos ng mga lumang larawan. Kinuha niya ang isa sa mga
larawan at iniabot sa akin. “S’ya ang lolo mo,” paliwanag niya. Tiningnan ko ang
larawan. Sa unang tingin, naisip kong sa kaniya ako nagmana. Para rin siyang higante.
“Patay na s’ya.Sundalo s’ya noong giyera. Bangkay na lang n’ya ang bumalik sa ‘min.
Hindi na n’ya nalamang ipinanganak ko ang Papa mo,” may lungkot sa pagtatapat ni
Lola Mude. Sa isip ko, daig pa niya si Nida Blanca. “Hindi natuloy ang kasal namin
dahil sa giyera,“ dagdag ni Lola Mude. Noong isang taon, sinubukan kong i-blog ang
pag-uusapan naming ito ni Lola Mude. Sa blog ko, natimbang kong modern woman pala si Lola
Mude. Ibinigay niya ang sarili sa lolo ko. Napaka-romantic naman, ‘di ba? At
ang backdrop, sweeping. Imagine, World War II. Pero nang panahon iyon, parang
naging maliwanag ang lahat. Naintindihan ko kung bakit apelyido ni Lola Mude ang
ginamit namin at hindi iyong sa lolo ko. Bilang pakuns’welo sa akin, hinayaan ako ni
Lola Mude na tapusin ang kinukuwento ko kay Nida Blanca.
Makalipas ang isang buwan, kinatay na naman ni Papa ang isa sa mga talisain niya.
Natanggap kasi siya sa Cosmos Bottling Corporation bilang commercial painter. Isa
siya sa mga gagawa ng streamer at iba pang promo collateral ng Sarsi at Pop. Pagdating ng
Biyernes, inakyat sa bahay namin ang rebulto ni Virgin Mary. Sabi iyon ni Lola Mude. Kapag
umakyat daw ang Virgin Mary sa bahay namin, magkakaroon na kami ng gabay. Hindi na rin
daw mabubulilyaso ang bagong trabaho ni Papa. Mukhang
totoo nga ang sinabi ni Lola Mude dahil wala pang tatlong buwan, naging bisor na si
Papa. Dahil regular na ang intrega ni Papa, tumigil na si Mama sa pagtanggap ng mga
labada. Bumalik na rin lasa ng kaniyang adobo, menudo, at sinigang. Natutukan na
rin niya sina Glenn at Erwin sa paggawa nila ng homework. Tuwing s’weldo ni Papa,
nag-uusap kami kung dapat nang bumili ng telebisyon. Pero dahil siguro na-trauma
kami sa nauna naming binili, hindi na namin minadali ang pagkakaroon ng bago.
Noong panahong iyon, nauubos na ang oras ko sa pagsusulat sa school paper.
Pinakamasaya ang huling taon ko sa high school. Dahil sa may trabaho na si Papa,
naranasan naming ang mag-Noche Buena. Noon kasi, pinapatulog na kami ni Mama
ng mga bandang alas-nuwebe. Ayaw niya kasing magpaliwanag kung bakit wala
kaming hamon at keso de bola na pagsasaluhan pagdating ng alas-dose. Pero noong
pasko iyon, kumain kami ng sabay-sabay. Wala pa ring hamon at keso de bola pero
meron namang nakahain. S’yempre, hindi pinayagan ni Papa na hindi maging star ang
isa sa mga talisain niya. Nang gabing iyon, habang hinihimas ko ang tiyan kong
namimilog at nakasiksik ako sa ilalim ng papag, nakita kong niyakap ni Lola Mude si
Papa. Naisip kong tuwang-tuwa si Lola Mude sa ginagawa ni Papa para sa pamilya
niya.
Pagkatapos ng bagong taon, pinagmalaki naman ni Papa ang paglipat namin ng bahay.
May parte daw kami sa lupa ni Lola Meding. Doon kami magpapatayo ng sarili
naming titirahan. Kung ano ang sinaya naming lahat, iyon naman ang ikinalungkot ni
Lola Mude. Nang sumunod na mga araw, lagi ko siyang naabutang nakakaupo sa may
pintuan at nakakakunyapit sa haligi. Sabi ni Mama, nagiging sentimental lang daw si
Lola dahil doon kami lahat ipinanganak. Kapag nakalipat na raw kami, magiging
maayos din ang lahat para kay Lola Mude.
Marso nang matapos ang bagong bahay namin. Bago magtapos ang buwan, lumipat na
kami. Hindi malaman ni Papa ang gagawin nang mangunyapit si Lola Mude sa
hagdan ng lumang bahay namin. Ayaw umalis ni Lola Mude. Doon daw siya dapat
mamatay. Awang-awa ako kay Lola Mude. Alam ko kung gaano niya kamahal ang
lumang bahay. Nang sumuko si Papa sa pakikipag-usap sa kaniya, ako naman ang
naglakas-loob na kumausap sa kaniya. Hindi ko pa rin napapayag si Lola Mude. Sa
susunod na tatlong araw, sa lumang bahay pa rin kami natulog. Siya ang nasa ibabaw
ng papag at ako sa ilalim. K’wentuhan lang kami nang k’wentuhan tuwing matatapos
ko ang mga dapat aralin. Bago kami matulog, inuulit ko ang pakiusap na dapat na
kaming lumipat sa bagong bahay. Noong ikatlong gabi, sinabi niya sa akin na ililipat
na namin ang papag sa bagong bahay. Dahil sa galak, agad ko siyang hinalikan. Una,
sa magkabilang pisngi. Tapos, sa noo. Humagikgik siya. Kasunod noon pinunasan
niya ang laway kong naiwan sa pisngi at noo niya.
Nang mga sumunod na araw, naging abala na ako sa paghahanda para sa graduation.
Madalas, si Lola Mude lang ang nasa bahay. Walang nakapansin sa unti-unti niyang
pananamlay, sa unti-unti niyang panghihina. Dati naman siyang iniihit ng ubo pero
hindi naman niya iniinda iyon. Pero, nitong huli, sa pag-ubo niya, parang hirap na
hirap niya. Mula sa ilalim ng papag, naiisip ko kung paano siya pineperwisyo ng
kaniyang pag-ihit.
Bago ako umalis noong araw na iyon, si Lolo Mude ang una kong sinabihan tungkol sa
matatamo kong karangalan. Sabi ko sa kaniya, ihanda niya ang pinakamaganda niyang
damit dahil gustong mapanood niya ang pag-akyat ko sa tanghalan. Ngumiti lang siya
at nagsabi, “Gusto mo bang matulog sa ibabaw ng papag.” Sabi ko, “Ayoko. Hindi
tayo kasya. Ang laki-laki ko. Mapipitpit ka. Isa pa, masaya naman ako sa ilalim ng
papag.”
Nang umuwi ako kinahapunan, nakita kong maraming tao sa bahay. Nakita ko si Papa
na nakaupo sa ilalim ng puno ng duhat. Nakatingin siya sa malayo. Sinalubong ako ni
Mama. Bulong niya sa akin, “Hinihintay ka ni Lola Mude.” Hindi ko alam kung ano
ang ibig sabihin ni Mama. Nagmadali akong pumasok sa bahay. Nakita ko ang ilang
mga kamag-anak. Sa isip ko, bakit kayo naririto? Meron bang bibinyagan? Ikakasal? O
ililibing ---
Natigilan ako. Nakapalibot sila sa papag ni Lola Mude. Si Lola Mude, nakahiga lang at
nakapikit. Sa kinatatayuan ko, naririnig ko ang mabagal niyang paghinga. Lumapit si
Mama kay Lola Mude. Sabi ni Mama, “Dumating na ang apo niyo.” Sinenyasan ako ni
Mama na lumapit kay Lola Mude. Tumulo ang luha ko nang walang ka-abog-abog.
Hinawakan ko ang kamay ni Lola Mude. Sa huling pagkakataon, dumilat siya.
Sinigurado niya kung ako nga ang dumating at humawak sa kamay niya. Ngumiti ako.
Ganoon din siya sa akin. Sandali pa, pumikit siya.
Hindi ko inaasahang makakaharap ko si Kamatayan. Wala siyang pasintabi sa
pagkuha ng buhay ni Lola Mude. Maraming ulit ko siyang bubuhayin sa aking mga
isusulat pero kalian man, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Lola Mude.
Hindi ako nakagalaw. Binalot ang bagong bahay ng palahaw ni Mama at ng iba pa
naming mga kamag-anak. Sa labas ng bahay, sa ilalim ng puno ng duhat, humugot ng
lakas si Papa sa hinihimas niyang talisain.
Nang mailibing si Lola Mude, katulad nang sinabi niya, napunta sa akin ang papag.
Maraming ulit akong bumabalik sa ilalim pero pinagalitan ako ni Papa. Kailangan ko
na raw mag-move on. Nang muling tumaas ang suweldo ni Papa, sinibak niya ang
papag ni Lola Mude at ibinili niya ako ng kama.
Tuwing dumadalaw ako sa puntod ni Lola Mude, ipinagmamalaki ko ang mga naisulat
ko --- sa komiks, sa magazine, sa TV, at sa sine. Nanghihinayang ako kasi hindi na niya
nabasa ang mga iyon. Binubulong ko sa kaniya na hindi ako sigurado kung maganda o
mahusay ang mga sinusulat ko pero ginagawa ko ang lahat para maipagmalaki niya
ako.
Kahapon lang, tumangkad pa ulit ako ng kalahating pulgada at mas bumigat. Hindi na
lang ako papasa bilang higante, p’wede na ring isipin isa akong kapre. Sa pagtuloy
kong paglaki, pagtaas, o pagtangkad, mas magiging imposible na magawa ko ang dati
kong nakasanayan --- ang mabuhay sa ilalim ng papag ni Lola Mude. Pero kahit
ganoon man ang mangyari, sa puso ko at sa isipan at sa panulat, mananatiling buhay
ang ilalim ng papag.
Go-See, Kraw-Gen, Intro: Sa Daigdig ng Promo
Ni: Niles Jordan Breis
(Magalang po akong nag-alok ng Expoliant X sa Misis na 'yun pero nininghalan n'ya ako. Nasira
raw ang mukha b'ya at nagkandabakbak dahil sa Expoliant X. Tapos, pinagmumura n'ya ako.
Malumanay po akong sumagot ng, "Misis kahit walang Expoliant X, sira na talaga ang mukha
n'yo. Susuko kahit si Doktor Calayan o Doktor Belo." Masama bang magsabi ng totoo? Ako ang
unang binastos. Ako pa ang mali? Ba't naman po ganon?)
1. OO NA, OO NA
EKSAKTO. Eksaktong araw? Enero 17? Na ginugunita ang, sa tantiya ko, ika- tatlumpong
anibersaryo ng pagtatapos ng Batas Militar, nagtipon kaming magkakaibigan sa aking bagong
condo flat sa Makati. Taon 2011 yaon.
Sa karaniwang inuman, ako ang minarkahang "kapitalista". Na hindi ko agad tinanggap bagama't
luting ang aking pagkakaiba kung ang pagbabatayan ay ang mga kasalukuyang propesyon ng
lima pang dating "kasama". Sa lima, may naging abogado sa isang ahensiya ng gobyerno na
nagiging bantog na sa katiwalian. May naging principal sa isang eskwelahan ng mga anak-
milyonaryo sa Ayala. Naging katuwang na editor ng magasing pang-showbiz ang isa at
napabilang din sa mga sinampahan ng libelo ng isang mahusay na aktres. Doctor naman?
Neurosurgeon? Sa mamahaling ospital ang dating pinakatahimik sa grupo. At sales regional head
ng isang kompanyang sikat na frozen ang pinakamabida noon sa amin.
Sa umpisa, may pagkakaasiwa kami sa pagdalo ng rebolusyunaryo na ako rin ang may pakana.
Pinangahasan ko yaon pagkat alam kong napapanahon na rin upang harapin naming ang sari-
sarilung multo ng nakaraan? Sa konteksto bilang mga dating "tibak". Taagin na lamang nating
"Ka Dukas" ang naturanf rebolusyunaryo? Isang matapang na kadre na minsan ding pinangarao
naming anim.
Nangako rin naman su "Ka Dulas" na magpapaka-sensitibo sa sitwasyon naming anim. Siya,
higit sa lahat, ang pinakabukas ang isipan sa anumang pagbabago, noon pa man. Tigik-putukan
daw muna sa diskursong pulitika, at sa kalagitnaan ng kumustahan, pabiro ang kanyang
paanyaya sa amin. Siya raw ang nakangiti naming multo, naisin man o hindi. Aniya, "O, di ako
manduduro. Nasa baso lamang ng alak ang kamay ko."
May kagaanan nga ang naturang pagkikita-kita at ang siste pa nito, ang ilang seryosong bahagi
ng pag-uusap ay sa akin pabalik-balik? Ako bilang "kapitalista" umano.
Bagama't may pagsasalimbayan ng mga tawanan at patutsadahan, ako nga naman ang lumilitaw
na malapit-lapit sa isang aspekto sa salitang "kapitalista". Higit sa lahat, ako ang mas may
direktang papel sa kaugnay pang salik ng naturang termino: ang hayag na kapangyarihan hinggil
sa buhay at kapakanan ng mga manggagawa. Hindi nga maiwasang pagtulung-tulungan nila ako.
Kaya, sa halip na mapikon, halos pinangatawan ko na ang paratang sa pagsasabing
"Nagnenegosyo lang po." Ni sa hinagap, hindi ko akalaing hahantong ako sa industriya ng
tinaguriang marketing communications. O sa mas particular na linya ng aming negosyo: ang
below-the-line (BTL) communications o promosyong (BTL).
Dati, ang marketing ay mas nakasentro lamang sa tinatawag na above-the-line ( ATL): ang
patalastas sa TV, radio, at yaong mga nakalimbag sa promosyon sa diyaryo, magasin, at katulad.
Nagyon, ang below-the-line (BTL) ay patungkol din sa mga malawakang proyektong promo ng
mga multinasyonal na kompanya upang maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto?
Nang direkta mismo kung nasaan ang mga tao. Mas tampok dito ang mga produktong kabilang
sa tinatawag na fast- moving consumer good o FMCGs tulad ng: shampoo, sabon, facial wash,
moisturizer, deodorant, kape, instant noodles, karne norte, sigarilyo, alak, bitamina, at marami
pang iba.
Ibig sabihin, ang FMCGs ay halos saklaw na lahat? Mula ulo hanggang paa, paloob o palabas ng
katawan, pansarli o pang-komunidad, pang-mahirap o pang-mayaman. At lahat na rin ng mga
kaugnay pang produkto? O kahit pa nga mga serbisyo? Na mas iglap na kailangan kaya't
agarang binibili. At mabilis na nakukunsumo. Biyon-biyon nga ang inaabot na benta sa FMCGs
taun-taon. Hindi nakapagtataka na milyon-milyon naman bawat taon ang nakalang badyet sa
promorsyong BTL. O sa simpleng salita: promo.
At? Oo na, oo na milyon-milyon din ang kita ng aming kompanya na maituturing na isa sa mga
eksperto sa promo. Sa laki at dami ng proyekto bawat taon, umaasa ang aming kompanya sa
humigit-kumulang tatlong libong tao upang maisakongreto ang ninanais ng mga kliyente. Totoo,
mas nakasalalay nga sa mga manggagawa naming ang tagumpay ng bawat promo. At bilang
direktor ng human resource at kaugnay ng departamento ng promo manpower, ako mismo ang
nangangasiwa sa lahat ng manggagawa. Mga manggagawang arawan ang sahod ang tinutukoy
ko at dahil kailangan lamang sila sa mga pansamantalang proyekto, nakaklasipika sila bilang
project hires. Sa panaikling katawagan, prohires? Batay na rin sa kategorya ng kasalukuyang
Labor Code.
LUMALALIM na ang gabi at sa mas umiingay nang inuman, inamin ko na sa grupo? Sa mga
kapwa dating aktibista at kay "Ka Dulas"? na tanggap ko na ang kanilang pang-aalaska. Na "Oo
na. Oo na. isa na nga akong kapitalista." Ngunit nikinaw ko sa kanila: "kapitalista na kung
kapitalista, pero di ko naman pinagsasamantalahan ang aming mga manggagawa." Ang mabilis
na sundot ni "Ka Dulas" : "Ha? Hindi pa ba?"
Nagtawanan silang lahat at oo, nakitawa na rin ako gayong lihim akong nasaktan, kahit papaano.
MASAKIT sa dibdib ang anumang seryosong paratang lalo't nakukubli ito sa mas magaang
biruan. Alam ko, lehitimong industriya ang promo at sa simula pa, tanggap ko ang katotohanan
na na asa rin ang aming kompanya sa mga maipapanalo lamang ng proyekto. Mga
implemensyong promo mula isang oras hanggang santaon na kontrata. Lohikal kung gayon na,
bagama't may sarili kaming mga regular na empleyado, mas tugma sa kabuuan ang aming
operasyon na kumuha ng mas maraming project hires? Sila na ang trabaho ay nililimita ng ikli o
haba ng bawat iginawad na kontrata ng kliyente sa amin, o sila na nakasalalay laman ang trabaho
sa particular na talentong hiningi ng proyekto tulad ng pagiging host o promo girl.
Mas patok na patok ang pagiging promo girl. Halos 95% ng aming proyekto ay nauuwi sa
pagtukoy ng promo girls na na aangkop sa produktong kakatawanin. At nagsisimula ang lahat sa
tinatawag na go-see. Ibig sabihin, papuntahin ang mga tao (go) para makikatis (see). Matapos
makilatis, ibababa, ibababa ang hatol: "pasado" o "Go-see ka na lang uli" . Ang unang berdugo
ay walang iba kundi ako (o itinatalagang kapalit) bago pa sila ipakita sa ikalawang berdugo? Ang
kliyente.
Hindi ko makakalimutan ang go-see noon para sa isang bagong sabon na pampauti. Iniutos ko sa
aking bagitong recruitment officer na magpapunta siya ng mga bagong mukha? Mga babae, edad
18-25 para mas lumawak ang aming pagpipilian. Lahat ng interesadong magtrabaho bilang
promo girls ay nagsisugod nga sa opisina. Ang kaso: sa 80 na dumating 25 lamang ang
mapuputi. Sa 25, mga lima lamang ang masasabing "hindi gaanong masakit sa mata". Ang tatlo
sa lima ay may bulok pang ngipin.
Pangmaramihan nga ang naturang go-see dahil sa ordinaryong promo girl na maputi lang naman
ang hinihingi. Ibig sabihin, yaong "pasok" lamang sa minimum wage o arawang sahod noon na
350.00 piso. Walang nangyayaring indibidwal na go-see, ayon sa orihinal na plano. Wala nang
salitaan pa. Sa hiwalay na silid, nanginginig sa takot ang aking inuutasang tao habang
ipinamukmukha ko sa kaniya ang nangyayaring "katangahan". Baka naman kako hindi niya alam
na ang kaniy palang utak ay nasa sarili niyang talampakan. Nagpasiya akong palambutin ang
pag-eetsa puwera. Humarap ako sa mga nakaupo nang babae. 80 pa rin sila. Nagpasalamat ako sa
kanilang pagdating at nangakong may nakalaan din kaming selling promo na bagong suka at
bagong panlinis-pabango sa inidoro. Magbabahay-bahay nga lang ang mapipili, kapag
nagkataon.
Halata ang pag-ismid ng ilan at kaunahang tumayo ang isa sa kanila, sunog ang kanyang balat at
tila kinoryente ang buhok: "diretsuhin n'yo na kami! Namasahe at nagpagod kaming pumunta
rito para sa sabon na pampaputi. Tapos, ganon-ganon na lang?" nagsunuran ang iba. Tarbaho raw
ang hanao nila. Tapos, paasahin lang daw sila. Napakalutong na mura ng naturang babae, ang
kaunahang tumayo: "Tangina naman! Ano 'to? Kalokohan?" Nagpantig na ako: "Gusto n'yo
marinig ang totoo? Sabon na pampaputi ang produkto ng kliyente namin. Hindi uling! Ngayon,
pumunta rito sa unahan ang totoong makinis ang pagkaputi.
Natahimik ang lahat. Malumanay na ang boses pagkaraan at humingi ng paumanhin. Hiningi ko
ang kanilang tiwala sa ipinangako kong iba pang proyekto hindi mapanghusga sa kulay ng kani-
kanilang balat.
Posibleng hindi siya pumasa dahil pa rin sa mga nabanggit na batayan o iba pang mga di-
nasunod na pamantayan tulad ng minsang ipinagdiinan na supermarket manager sa promo girl:
"Masyado kang pandak".
Naaalibadbaran ang mga kostumer naming sa mga pandak. Hindi ito supermarket na mga
unano." Mga ganong tipo o minsan, mas masakit pang salita, at babalik ang promo girl naming
sa opisina. Namumugto ang mga mata. At ngingiti lamang kung pangangakuan siyang ililipat na
lang sa iba panh proyekto na hindi basehan ang kaniyang kaliitan. Kung lumusot naman sa intro
at dagdag na oryentasyon, may mga "pagsubok" pa ring dapat lagpasan? Mga pahabol na
hakbang na silaw pa rin ng intro, sabihin pang nakaligtaan ang mga yaon.
Kakaiba sa lahat ang nangyari noon sa aming promo girl sa isang istriktong trade outlet na
paboritong bilihan ng ilang maliliit na negosyante. Pasado na ang aming tao at ilang minuto na
lamang ay magsisimula na siyang mag-promo. Ngunit bigla siyang hinarang ng superbisor ng
outlet at ako naman ay pinayuhang tumahimik muna. Inutusan ng superbisor ang promo girl:
ipakita raw nito ang suot na panty. Naguluhan ang babae. Pati ako. Pumayag din akong "ipasilip"
ang naturang panloob nang ipinaliwanag ng superbisor ang bago nilang patakaran. Na puti dapat
ang suot na panty at, ang pinakamahalaga, may burda ng outlet logo? Eksaktong kulay din dapat.
Bago pa "sumilip" ang superbisor, nagpaabiso ito. May asawa raw siyang tao at masaya siya sa
misis niya. Trabaho lang daw. Pilit akong nangatwiran, humingi ng konsiderasyon dahil nga
nang araw na din lang na yaon ipinaalam ang nasabing patakaran. Uuwi pa ang promo girl para
magpalit ng puting panty at hihintayin pa namin ang pasok ng magbuburda ng outlet.
Kinatatakutan ko ang mga dagdag-abala.
Ngunit mas kinatatakutan ko ang posibleng reklamo ng kliyente kapag nahuli kami sa takdang
simula ng promo? na wala siyang pakialam sa mga burda-burda, na nagpapalusot lamang kami o
sayang ang ibinabayad niya. Etsetera, etserera. Sinubukasn kong kong humirit ng pabiro: "Hindi
naman siguro kakasya ang malaking lata ng powder milk sa panty ng tao namin." Umayuda na
rin ang promo girl; malambing nitong sinabi na manipis umano " ang itinatago niya" sa suot na
pulang panty. Ang bira ng superbisor na na talagang nakatitigalgal: "Walang mani-manipis sa
isang promo girl na magnanakaw at ang biglang tumambok na panty ay hindi laging matambok
na puke ang laman."
Panalo talaga ang linya ng superbisor. Kinabisa ko yaon at nais kong matawa sa sarili dahil
kasikatan noon ng dulang Vagina Manologues. Napanood kobpa sa Music Museum ang bersiyon
ng dula? Sa wikang Filipino.
Isipin ninyo na lamang kung ano ang mga posibleng hinanakit kung makapagsasalita rin ang
puke ng isang promo girl.
Matalim ang ipinukol kong tingin sa superbisor; humihikbi na ang tao ko. Panigurado raw ang
lahat? na ang suot na panty pagpasok ay ang suot pa ring panty paglabas. Kaya, dapat "burado"
Habang nagkakaburdahan na, nakabantay pa rin ang superbisor. Umaayaw na ang tao ko;
humahalo na ang luha niya sa kolorete. Ibinubulong ko, paulit-ulit, na magugutom ang anak niya
kapag tumigil siya sa pagtatrabaho.
Katulad ng marami ng marami naming promo girls, isa siyang silo parent. Nakagawian ko nang
ibili ng gatas ang kanilang bunso, sa mga oras ng kakapusan. Nakatatanggal ng aking pagod ang
pagiging pansamantalang ama sa mga anak-anak ng kung sinu-sinong promo girls? "Burado"
man o hindi.
INUGATAN na, kung baga, sa gawaing promo si Sarah ngunit natitiyak ko na bago pa man siya
pumasok sa amin, mag mga pumutok nang ugat sa kaniyang mata. Kraw-gen naman ang linya
niya. Ang kraw-gen ay ang halos pabalbal at pinaikling tawag niya sa crowd gen o crowd
generation na aspekto ng promo. Ibig sabihin, si Sarah at iba pa niyang kasamahan ang
naniniguro na tatauhanin ang bawat event o activation.
Maaaring puro event lamamg tulad ng rakrakan o konsiyerto sa pangunguna ng isang brand ng
alak. O kaya, simple sampling o pamumudmod ng produkto sa, halimbawa, mga hinakot na
buntis ng bulwagan ng isang barangay. Simple lang ang batayan ng mga kliyente sa kraw-gen:
ang mapadalo ang eksaktong bilang ng mga tao na inaasahang dumalo sa event man o activation.
Kung sanlibo, halimbawa, ang pangako naming pipila na matanda, lalo't yaong mga kasapi ng
OSCA (Office of the Senior Citizen's Affairs), dapat ay sanlibo ang makikita ang kliyente. Kung
sumobra, mas maganda. At kapag dinumod ang event, malamang na magbibida ang kliyente na
talagang "No. 1" ang gatas nila sa matatandang malulutong na nag buto kahit totoo, ni wala nga
sa top 3 ang naturang produkto sa sarili nitong kategorya.
Sanlibo nga ang dapat pumunta sa isang mall event namin noon. 900 pa lang dumating kaya
nagpuputak na ang kliyente: "palpak yata ang ginawa ninyong pag-iimbita. E, ang daming
matatandang nagkalat sa Pilipinas! Ano nang gagawin?" Syempre, bawal mamilosopo sa isang
may nerbiyos na kliyente. Bawal ang, halimbawa, ganitong sagot: "Baka pwede kang
makapaghintay? Puwede? Maaga pa kaya. Maayos kaya ang pag-imbeta namin. Pati nga mga
bangkang ng matatanda, hinukay na namin. Hindi mo pa ba naamoy ang mga naagnas na
laman?" Ang dalat na magalang na sagot: "Mam, nasa biyahe na po ang natitirang sandaan.
Abisuhan ko po kayo pag andito na sila." Pagtalikod ng kliyente, agad kong pinalapit si Sarah at
siningil kung bakit hindi pa nasundo lahat. "Ho? Kumpleto na po ang sanlibo, kanina pa," ang
salag ni Sarah. At aapuhin niya ang sariling makapal na antipara; naniningkit niyang aaninagin
ang hawak ba listahan ng mga pangalan ng matatanda. Saka mapapipikit, parang biglang nahapo.
Kasunod na ang kaniyang pagpapaumanhin. Ang tingin at bilang niya umano sa mga nakaupong
matatanda ay sanlibo. Tama, sa loob-loob ko, ang ibininyad ko sa kaniya.
Sarah Cruz ang tunay niyang pangalan ngunit sa tuwing tinatanong ako ng mga tao, ang lagu
kong tugon: "Si Sarah? Ang buo niyang pangalan ay Sarah Domata." Basahin: Sarado Mata. Biro
rin yaon na kinasanayan na ni Sarah. Ngunit, isang araw, sineryoso ko na talaga siya.
Mapanganib na kako sa mga proyektonf promo ang malabo niyang paningin. Baka kako
kailangan niya ng pahinga.
Ako mismo ang nagulat sa gilas at sigasig ni Sarah matapos ang pag-uusap namin noon. At
hanggang ngayon, tila wala siyang kapaguran sa mga gawaing kraw-gen. Palista dito, palista
doon. Hakot kung hakot ng tao. Napakaliksing kumilos. Minsan, inalalayan niya na bumaba ng
elebeytor ang isang matandang lalaki. Kasama nila ako dahil nga ako rin ang opisyal na "Hari ng
kraw-gen" ng buong kompanya. Habang pababa, ibinubulong sa akin ni Sarah na pusturang-
rockstar daw ang kasama niyang matanda gayong malala na ang kanyang katarata.
Dagdag pa ni Sarah, pabiro: "Sisikmuraan ko pa talaga 'yan pag nagpatulong pang umihi."
Halatang ako ang mas luminaw ang paningin nang pagbigyan ko si Sarah sa isa pang
pagkakataong magpatuloy sa trabaho. Pagkakataon na hindi ko rin ipinagkakait sa mga katulad
nya. Sa edad na 45, mas mukha siyang malapit nang magsisenta. Marami pa raw siyang pinapag-
aral kaya kailangang kumita kailangan din daw ang totoong pagpapakumbaba. Na aminin sa
sarili ang mga pagkukulang, dulot man daw ang mga limitasyon ng edad o mababang pinag-
aralan? at sikaping mapangibabawan. Ipinasa minsan si Sarah ang isang text galing daw sa
panganay niya. Basahin ko raw pagkat yaon daw ang dahilan kung bakit determinado siyang
magpatuloy sa labanan. Natawa ako sa natanggap na text: Ang pride parang underwear. Walang
mangyayari kung di mo ito ibababa! Hindi ko pa rin naitatanong, hanggang ngayon, kung bakit
hindi na isinusuot ni Sarah ang makapal niyang antipara.
BAHAGYA lamang na lutang ng ganda ni kat sa iba pang kapwa niya promo girls na ang presyo
ay mula minimum wage 404.00 piso noon hanggang 700.00 piso. Kataasan na ang huli. Makinis
rin siya, hindi nga lang mamula-mula ang balat kung ihahambing sa maraming promo models na
maituturing na high-end. Yaong mga pumapatak mula sa tatlo hanggang walong libong piso ang
presyo bawat araw? Sa walong oras na tindigan. Ang angking husay sa pagbibigkas ng promo
spiels at kaugnay na lambing sa pakikipag-usap sa kustomer ang dalawang katangian ni Kat na
talagang hinahangaan ng mga kliyente. Siya lamang, kung tutuusin, ang nakatatawid mula promo
girl hanggang promo model, ayon na rin sa mga hiwalay na pakiusap ng ilang kliyente.
Crossover girl nga ang bansag namin sa kaniya. At dahil may reputasyon din siya bilang mang-
aagaw umano ng lalaki, tinawag naman siyang crossover da bakod girl ng iba pang kasamahan
niya, lalo't yaong mga sinulot daw sa tuwing uutusan kami? O ako mismo? Na tiyaking si Kat sa
isa na namang go-see, umiikot ang tumbong namin.
Parang mga hari ang aming mga kliyente. Batas ang kanilang salita. Kapag sinuway, may
kakabit agad naparusa. Pagbabanta ng isang Ingleserang kliyente: "That girl called Kat or forget
the project." Ikinatuwiran ng nasabing kliyente na halos nakasalakay ang mismong disenyo ng
promo sa katauhan ni Kat na siyang ring gagamitin umano sa mall na dadalawin mismong
disenyo ng promo sa katauhan ni Kat na siyang ring gagamiting umano sa mall na dadalawin
mismo ng dayuhang presidente ng kompanya. Alam ko, magpapakitang- gilas ang aming
kliyente sa kanilang presidente. Ipagmamalaki niya ang hawak na brand promo activation?
Tipikal na lapat sa mga Asyano. At si Kat? Tipikal na babaeng tag-Asya. Karinyosa. Ang
patotoo nga minsan ng isa pa naming kliyente sa kakaibang-karinyosa ni Kat ay halos histerikal
na. Sabi ng kliyente, sa wikang talamak sa isang kolehiyala: "Oh, that girl. Nagwo-walk na
magnet. She can make any lalaki to push himself to lapit to her. OMG! The lalaki bought agad
all the products."
Inilalampaso rin ni Kat kahit ang mga nakasabayang matatangkad at mga artistahing promo
models sa, halimbawa, go-see para sa mamahaling cellphones at gadgets. Ikinagulat ng ilang
modelo ang pagkakasali niya. May nagparinig pa nga raw na baka isa siyang "tsimay" ng isa sa
mga modelong dumating. May nagpahabol pa raw ng " Baka siya ang nawawala kong yaya." Sa
kahulihan, ito ang ibinibida sa akin ng baklang brabd manager na nangunguna sa nasabing go-
see: " Totoo ang tsimis. (Ver 'yung Kat na 'yun. Ordinary ang looks pero nang magsalita,
kinabog lahat! At sa Ingles, ha!
Matagal ko na ring inaalagaan si Kat. Ang totoo, lahat namb ng promo girls namin, upang
matiyak, lalo na, na hindi sila mawawala sa takadang go-see, intro, o sa mismong araw ng
pagsisimula ng promo. Nakakakaba ang mga pagkakataon na bigla na lamang hindi lilitaw ang
kinakailangang promo girls. Isa na namang kliyente ang minsang nagbanta na kapag hindi nila
nakita ang anino ni Kat sa go-see para sa isang bagong sabon na panlaba, ikakansela umano ang
promo. Sa mismong araw ng go-see na yaon, tumawag si Kat upang ipaalam ang dahilan kung
bakit hindi siya makasisipot. Ang biglang sigaw ko: "Nasunugan ka? 'Yun na nga! At bakit
ngayon ka oa nasunugan? Puwede namang bukas o sa ibang araw. Basta, magpakita ka rito!" At
saka ko lamang napagtanto ang lohika ng pinagsasabi ko nang maputol sa linya si Kat. Dumating
pa rin sya? At nang matapos ang go-see, pinalapit ko siya at yinapos. Humingi ako ng tawad at
saka lamang siya nakaiyak. Nakita kami ng kliyente at lumapit, namimilog ang mga mata, at
mag-iiiyak sila at 'yung mga luha nila ang pinaka-cue ng product reveal. Tapos, napalakas na
drum roll. Voila! Eto na! Eto na ang bagong sabon na panlaba magwawakas ng inyong
pagdurusa! "Pumalakpak si Kat ngunit tuloy pa rin ang tulo ng luha niya.
TOTOO, pati promo helpers na oulos lalaki ay sumasailalim din sa intro. Mas hinihigpitan pa
nga sila minsan. Mga hayskul lang daw ang inabot ng mga ito kaya sa tingin ng nga superbisor
ng bawat mall o supermarket, mas lalong dapat pagdudahan. Kaya, dapat walang masaang rekord
sa NBI, walang tattoo, at butas sa isa o sa magkabilang tainga. Maayos din dapat ang gupit,
mabango ang hinga. Bawal ang may "putok" o buni sa katawan. At kapag nakapasa naman sila
sa mga nabanggit na pamantayan, saka naman minsan magrereklamo ang superbisor: "Ba't
naman mukhang kuko sa paa ang helper n'yo? Sana, 'yung medyo kamukha ni Jericho Rosales."
"Mam, promo helper po s'ya. Hindi artista," pagbibiro ko naman. "May hitsura? Lahat naman ay
may hitsura. Tae nga may hitsura." Sa madaling salita, palitan ko raw ng gwapo. Magandang tao
raw ang kustomer nila? Mga mapanlait daw. Ayaw daw makakita ng pangit. Tinitigan ko ang
superbisor at parang nais kong sabihin sa kaniya: Siguro, lagi kayong nagtatago sa mga kustomer
n'yo.
Ngunit kakatwa, marahil, ang nangyari sa promo helper na si Moy. Inayawan na naman siya sa
isang mall. At diniretso ko na siya. Pinangakuan ko na lamang siya na muling ililipat sa ibang
proyekto. Bilang helper, halimbawa, sa palengke, talipapa. O kung sa mall man, yaong tipong
ipapasok ang promo booth bago pa pumutok ang araw. Siya ang isa sa pinakanasipag naming
helpers. Bagama't may likas na pagka-masiyahin si Moy, laylay talaga ang balikat niya nang
araw na inamin kong inayawan siya bilang helper sa mall? Nakatayo sa booth maghapon. Lagi
na raw kasi siyang inaayawan at tiyak, magagalit na naman daw ang kaniyang ama. Ang biro ko
pa: "Lagi ka ngang inaayawan. E, ba't mo pa sinasabi sa akin ang isang bagay na matagal ko
nang alam?" Isang biro yaon na, sa totoo lang, kinasanayan na ni Moy sa akin. Paborito ko
siyang isama kahit sa mga mamahaling restoran at bar. Kung hindi ka sanay sa hitsura niya,
mapapalingon ka talaga. May kalakihan rin ang kaniyang mata, anumang oras. Ang klasikong
biro pa ng mga kapwa niya helpers: hindi raw dapat maging suspek sa isang krimen si Moy dahil
napakadaling i-sketch ang mukha.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa natanggap na balita kinabukasan: nagbigti si Moy
sa kanilang banyo, gamit ang lumang kable ng sira nilang TV. Ang dahilan: pinagmumura raw
ng ama kung bakit, walang may alam. Tahimik kong tinanggap ang trahedya at lihim kong sinisi
ang sarili. At naitanong ko rin habang mag-isa nag-iinom nang araw na yaon: "Ba't di ko mabasa
minsan ang saloobin ng sarili naming manggagawa. Iniligaw ko ba ang sarili o ako ang niligaw?"
NAULIT pa ang pagkikita at inuman naming anim na magkakaibigan, hindi na nga lang
nakadalo ulit si "Ka Dulas". Malamang bumalik na uli siya sa kung saang bundok o naririto
lamang sa kamaynilaan.
Naulit din ang usapan sa aking pagka-kapitalista. Oo, sertipikadong kapitalista na nga ang tingin
sa akin ng anim kong kaibigan na mga kapwa dating aktibista. Kahit ikaila ko pa raw na hindi pa
naman ako gahaman o mapagsamantala, pasasaan at doon din umano ang punta ko. At wala nga
raw akong kawala sa nakasusukang kalakaran sa pagitan ng kapitalista at mga manggagawa.
Ang kanilang puna ay kalimitang inuugnay sa pangkalahatang motibo't lohika ng promo bilang
industriya: ang palabasing umanong totoo ang isang kasinungalingan, ukol man sa produkto o
serbisyo. Ayokong makipagtalo noon. Wala ako gaanong kahanda sa seryoso na nilang pagtatasa
dahil patuloy oa rin ang aking paninimbang sa ilang batayang pagninilay-katanungan tulad ng
sumusunod: Sa daigdig ng promo, kailan ba dapat manaig ang proteksyon sa manggagawa?
Dapat nga bang magpasalamat ang isang manggagawa? Dapat nga bang magpasalamat ang isang
manggagawa ng promo dahil sa bagama't tuwing may proyekto lamang siya kumikita mas
mabuti na yaon kaysa sa wala?
Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa napakarami ring pangyayaring kinasangkutan ko,
nagkataon man o sinadya, sa hangarin na maipamalas ang aking kahit katiting ngunit patuloy na
"pag-unawa" sa sarili naming mga manggagawa? Sa loob man o labas ng bawat go-see o intro at
iba pang prosesong pang promo. Huli mab, dinidibdib ko na rin ngayon ang katotohanan sa likod
ng patutsada ng lola ng isa sa aking mga "panganay". Puna ng matanda sa akin: "Ayos nang ayos
ng buhay ng iba pero ang sariling buhay ay di maayos-ayos."
HALOS sasabog ang sentido ko sa galit nang minsang lumapit sa akin si Pat, ang mestisang
promo girl namin na nakadestino noon sa SM North Edsa. Titigil na raw siya sa pagpo-promo, at
ang galit ko ay dahil mismo sa biglaan niyang desisyon at ang implikasyon niti: matitigil din ang
promo sa nasabing mall dahil siya lamang ang pumasang naka-intro at inaprubahan ng kliyente
sa anumang go-see. Paalis na raw kasi siya ng Dubai. Matalis humagulgol, inamin din niya ang
totoong dahilan: sinugod siya ng mayamang misis ng bago niyang karelasyong taga-banko.
Nagbanta pa raw ang misis na ipapadukot siya at sasabuyan ng asido ang kaniyang mukha.
Simula noon, nahihirapan na raw siyang sabihin paulit-ulit sa mga kostumer na ang promo spiels
na ito: "Magandang araw, Misis! Bilhin mo na ang mas malasang Knorr Pork Cubes! Sigurado,
pag ito inihalo mo sa iyong niluluto, hindi magloloko si Mister!" Iniwan ko su Pat, lumabas ako
ng opisina, at nagkape sa kalapit naming karinderya .
Nagpalipas ako ng oras sa panonood ng nga panghapon na teledrama, hanggang sa sumingit ang
breakinh news, hango sa ulat ng National Statistic Office(NSO). Tinatayang may 7.1 milyon
daw ang walang trabaho sa bansa, simula pang Enero 2011. Yaon aw ay 19.4% sa kabuuang 36.3
miyon ng mga may trabaho na ang kalahating bahagadan nito ay nanganganib ding mawalan ng
trabaho pagkaraan ng lima o anim na buwan. Mabilis na ipinakita ang may kalakihang pangkat
ng mga sumisigaw ng 75.00 pisong dagdag-sahod sa kasalukuyang arawang kita ng bawat
manggagawa? Ang 404.00 na piso (Taon 2011)
Mabilis din ang aking reaksyon. Kailangan nga ng mga manggagawa ang naturang dagdag-sahod
ngunit maipatupad man ito o hindu, sabihin pang 426. 00 na bawat araw ngayong 2012, batid
kong tiyak na madaragdagan na naman ang sasailalim sa go-see at intro. Tiyak na dadami pa ang
sasabak sa kraw-gen at magpapatuloy ang iba pang pakikipagsapalaran sa daigdig ng promo. At
naibulong ko sa sarili:
Sana nga, sana nga ay totoong nakatulong ako sa mahihirap na manggagawa, kahit papaano.
Sana nga, sana nga ay mas matuto pa akong making sa mga mas lantay nilang hinaing, lalo’t
yaong makikirot kung maibubunyag. Sana nga, sana nga ay totoong may silbi at kabuluhan ako
sa kanila. Hindi lamang ngayon kundi sa darating pang panahon.
Humabol Ka Pilipino
Ni: Maya Victoria S. Rojas
Mayroong isang grupo ng mga batang bading na magaling sumayaw. Pangarap daw nila
maging dancer at makasama ang kanilang iniidolo kahit na nilalait sila ng mga tao sa paligid
nila. Bagama’t hindi tanggap ng ilang miyembro sa pamilya nila ang kanil ang pagkatao,
sumasali sila sa mga paligsahan at nanalo ng mga tropeo sa pagsayaw para patunayan ang kaya
nilang gawin. Mayroon ring isang batang lalaki na tumutugtog at nagbebenta ng plauta. At hindi
lang iyon! Kayang kaya rin niyang tumugtog at kumanta ng mga usong tugtugin. Sa halip na
magbenta lamang siya ng plauta ay pinakikinabangan din niya ang kaniyang kakayahan para
makabenta. Kahit malaking balakid sa kaniya ang kahirapan, hindi pa rin siya sumuko sa mga
balakid nainihain sa kaniya. Sa sobrang galing niya, nakapagbibigay siya ng aliw sa mga taong
napagbentahan niya kaya’t kinuhanan siya ng video na inilagaysa youtube.com.
Magkaiba man ang layon nila sa buhay at gustong iparating, may magkakapareho sila sa
isang bagay: ang pagpupursigi na makuha ang kanilang gusto at tuparin ang kanilang pangarap.
Hindi lamang sila sumisikat at kinikilala ng Pilipinas at pati ng buong mundo sa youtube.com.
marami pang Pilipino ngayon ang gustong Mag self-advertise at ipakita ang kanilang talent sa
mundo. Uso na kasi sa aming mga kabataan ang pagpapakita ng sarili sa pagkamit ng internet.
Napakarami nang kabataang Pilipino ang mayroong Friendster, myspace, multiply account.
Marami na rin ang gumagawa ng mga blogs na kung saan naglalagay ng kanilang mga larawan at
video sa internet at dahil dito, nakikilala ang mga Pilipino bilang mga taong maraming talento.
Hindi ba’t sabi ni Rizal at iba pang matatanyag na tao na, ang kabataan ay ang pag-asa at
kayamanan ng bayan? Alam naman natin ang ibig nilang ipahiwatig ay napakaimportante ng
kabataan dahil kami ang tagapagmana at magpapatakbo ng Pilipinas sa hinaharap. Napakahalaga
na matuto kami sa mga nakatatanda at mapalago naming ang aming mga talent upang
makatulong. Pero ngayon, malayung-malayo na ang agwat ng panahon natin sa panahon ni
Rizal.
Napaalis na nga natin ang kanluranin sa ating bansa ngunit sila pa rin ang nagpapagalaw
sa tali ng gobyerno. Si Uncle Sam pa rin ang nasusunod. Inaagawan pa rin tayo ng
makapangyarihang kalapit bansa ng maliliit na isla para lang sa krudo, at nabibiktima pa rin ng
prostitusyon at human trafficking ang mga kababayan natin. Wala naming maibigay na
magagandang trabaho ang pamahalaan dahil ang bansa mismo ay lagging kapos sa pera dahil
nakabaon tayo sa utang o di naman kaya ay nadukot na o napunta na sa malalalim na bulsa ng
kurakot. Kawawa naman ang ilan sa amin na hindi nagkaroon ng pag-asang makatuntong sa
kolehiyo at ang mga batang marunong ngang magsulat at magbasa ngunit nakalugmok sa
kahirapan. Kalimitan sila’y pinatitigil muna sa pag-aaral at pinagtatrabaho hanggang hindi na
nakababalik sa pag-aaral dahil sila’y naghahanap buhay kaya’t permanente na silang naging
tinder ng sigarilyo at mani sa lansangan.
Sa sitwasyong ito sinong dapaht sisihin? Ang gobyerno?Ang masa?Ang Pilipino? Tayo?
Hindi naman kailangan magturuan dahil iikot lang ang direksiyon ng mga hintuturo natin.
Pulitiko man o hindi, may responsibilidad ang bawat isa sa kaniyang bansa dahil lahat tayo ay
iisa ang lahi. Lahat tayo ay Pilipino. Pero kahit musmos pa nga kami at wala pang trabaho at
sweldo, kahit na hindi kami pinapayagan Ng aming mga nanay na sumali sa mga rally dahil baka
magkagulo at magkaroon ng panakbuhan, at kahit hindi pa kami pwedeng bumoto, may
magagawa kami dahil Pilipino rin kami. Ang mga malalaking pangarap ay nagsisimula sa mga
maliliit na hakbang kaya naman napakalaking bahagi ang edukasyon ng mamamayan sa pag –
unlad ng isang bansa. Kung hindi edukado ang mga tao na nagpapatakbo sa lipunan, mahihirapan
tayong makipagsabayan sa mga taong nasa unahan. Kahit na may karisma at kakayahang
makapagpasunod ng nasasakupan ang pinuno wala pa rin itong kwenta kung
hindiniyaalamanggagawinniya. Bukodsaedukasyon, dapatlangna may tiwalatayosaatingsarili at
sa mararating ng ating bansa. Nararapat lang na may tinatatawag tayong pagmamahal sa bayan o
nasyonalismo dahil paano tayo makikipagsabayan sa ibang bansa kung wala tayong tiwala sa
bansa natin? Mas magandang malaman ang maging handa sa isang bagay imbis na malaman lang
ito pag nandiyan na. Kahit sa murang edad namin ngayon, dapat nakikilala na kami sa mga
nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ito na ang oras para imulat ang aming mga mata dahil
wala kaming dahilan para magmistulang baldado at hindi pakinggan ang tinig ng aming
kababayan. Sa ganitong paraan, mas mabubuksan naming ang aming isip at sarili sa tunay na
larawan ng lipunan. Hindi na kami ang batang hindi manonood ng balita sa gabi dahil lamang sa
kasabay nito ang paborito naming palabas sa kabilang istasyon. Kami na ang batang aabangan
ang balita hindi lang dahil sinabing guro sa Social Studies kundi dahil na rin sa gusto naming
malaman ang mga pangyayari sa paligid. Ang sinasabi ko dito ay kahit na malayo pa ang finish
line, sana ay wag tayong mawalan ng pag-asa kahit na medyo na pag-iiwanan na tayo. Ang mga
klaseng krisis sa ekonomiya at krisis sa global warming ay mga pagsubok lamang na ibinigay ng
Diyos sa atin upang lahat tayo’y magkaisa. Marami pa naman tayong kayang gawin at kayang
baguhin kung gugustuhin natin.
Sa Aking Pagbuklat sa mga Makabagong Pahina
Ni: Gerome E. De Villa
Ako. Grade 5 ako noon, walaakong locker kaya naman palagi kong dala ang mga
mabibigat kong libro. Mga limang libro ang nasa malaki kong bag pack pagkatapos ay mayroon
pa akong tatlong libro nanasa aking paper bag. Halos mapunit na nga ang ilalim ng paper bag na
iyon at ang mga taling hawakan ay unti-unti nang nangangalas dito. Para daw pasan at bitbit ko
ang daigdig sabi ng aking mga kaklase. Pero alam kong hindi ako nag-iisa noon sapagkat marami
din akong mga batang nakikita na biyabiyabit ang kanilang mga mabibigat na libro...
Libro. Makapal o manipis, hardbound o paperback, luma o bago, anumang hitsura niyan
ay hindi maipapantay sa kanyang dala-dalang karunungan. Sa mga lumipas na panahon ay nag-
iba na ang kaniyang mga bihis at anyo ngunit ang kaniyang hangaring lamanan ang utak ng
bawat tao ay hindi nagbago. Naging pundasyon siya nang pag-angat ng napakaraming indibidwal
na naghangad baguhin ang mundo. Pinagugatan din siya ng samu’t saring ideolohiya at kaisipan
na nagpatakbo sa pag-iisip ng tao. At dito’y nagpasalinsalin ang mga ideya na ang iba ay lubos
na tinanggap at ang iba’y binigya ng kritisismo. Sa paglawak din ng imahinasyon ng mga tao ay
pinagdaluyan siya ng mga kuwento na tinangkilik ng nakararami kung saan mas marami pa ang
nabigyang inspirasyon upang magbahagi din ng kanilang mga istorya.Sinalamin niya kung
papaano nga ng isang particular na tao ay namumuhay sa kaniyang kinagisnang lipunan. At sa
lahat ng ito ay napatunayang ang libro ay isa sa mga naging susi upang bigyan ng malaki man o
maliit na edukasyon ang lahat ng tao.
Ako. Third year ako noon, hindi ko inaasahan na ako’y magiging isang certified
bookworm. Ewan ko lang kung dapat ko ba iyong ipagmalaki kasi hindi naman ako binabayaran
o kaya naman sumisikat sa pagbabasa ng libro. Subalit pumasok sa isipan ko na lampas sa
pagkakaroon ng pera o pagsikat ang naidudulot noon. Mas maaayos na marka ang aking
nakukuha sa mga pagsusulit o proyekto sa pagbasa at maging sa pagsulat. Tumaas pa lalo ang
aking komprehensyon kung kaya naman mas mabilis kong naisasaisip ang mga takdang araling
nangangailangan ng pagbabasa. At dahilan sa pagkabagot ko minsan sapagkat wala na akong
mabasa ay napipilitan narin akong mag-advance study sa aking mga asignatura. Ngunit isang
araw ay mapapawi lahat ito sa pagdating ng isang katunggali...
Libro. Sa pag-usad ng mga panahon ay kung anu-anong hitsurang libro ang natunghayan
ng mga tao. Noon pa man ay gumagamit na ang mga tao ng instrument tulad ng scrolls upang
lagyan ng impormasyon. Pero siyempre isipin mo nga naman kung hanggang ngayon ay scrolls
pa rin ang gamit, hindi ba napakahirap maghanap ng impormasyon sa napakahabang papel
nanirolyo? Kaya siguro naka-isip ang tao na gumawa ng mga codex, iyan yung ninuno ng mga
libro ngayon, kung saan ay pina-igsina ‘yung mga scrolls, dinikit ang mga tabihan at nilagyan ng
pabalat na kahoy. At doon na nagpatuloy-tuloy ang pagbabagong bihis pa ng mga libro.
Nagsilabasan na ang mga paperback na libro para sa mga taong gusting mabitbit ang kanilang
mga libro kung saan-saan at siyempre mas magaan. At sa samu’tsaring inobasyong dinala ng
teknolohiya ay napasama na rin ang mga libro. Nagkaroon na ng mga eBook o yung mga libro na
pwedeng basahin sa computer, Kindle, at maging cellphone. Nakukuha o nabibili ito sa internet
at pwedeng i-download kung kaya naman mas maalwan itong dalhin.
Habang aking isinusulat ang sanaysay na ito ay nananariwa sa aking isipan ang malaking
bahagi ng ginampanan ng mga nakalimbag na libro upang ako ay mahubog bilang isang
edukadong indibidwal. Sa panahon ngayon, kung saan kaliwa’t kanan na ang inobasyong
dinadala ng teknolohiya, ay hindi maikakailang lubhang naapektuhan na rin nito ang edukasyon.
Kamakailan nga lamang ay aking napanood sa telebisyon ang balita ukol sa isang
paaralan na pinapagamit ang kanilang mga estudyante ng mga tablet PC. At dito’y naka-upload
ang mga eBook na nagsisilbing mga textbook o workbook nila. Masasabi kong napakasusuwerte
ng mga estudyanteng nakakaranas ng ganitong sistema sapagkat hindi na sila magpapakahirap
pang magdala ng mga mabibigat na libro tulad noong ako’y Grade 5.
Para sa akin, mas maalwan man para sa mga mag-aaral at maging sa akin ang
pagkakaroon ng mga eBooks ay hinding-hindi ko kakalimutan ang mga nakalimbag na libro,
sapagkat ako ay naniniwalang ang mga ito ang pinakamahalagang bahagi ng edukasyon,
edukasyon mang naggaganap sa loob ng isang silid-aralan o maging sa simpleng edukasyon na
makukuha sa iba’t ibang mga kuwento at nobela. Maituturing kong isang paraan lamang ang
mga eBooks upang mas mapadali ang pag-access sa mga nakalimbag na libro.
Tanghaling tapat, kaya tirik na tirik ang araw habang binabagtas ko ang kalye
Moriones, sa Tondo. Suot ang puting polo na bahagyang nagusot dahil sa hindi
maayos na pagkakatupi at pangalawang linggong maong na pantalon, bitbit ko
sa kaliwang kamay ang isang itim na pouch bag na may butas sa harapan, at
nasa kanang kamay naman ang malaking kahon na may lamang second hand na
industrial fan. Mabigat ang bentilador na nasa loob, kaya nagmarka na sa
kanang palad ang straw na lubid na itinali ko noong umaga sa palibot ng karton.
Tumatagaktak na rin ang pawis ko sa batok. Tumigil muna ako sa tabi ng
kalsada para magpahinga at kunin ang panyong nasa kaliwang bulsa. Mula sa
kanang mata, nababanaag ko ang ilang matronang sandaling nag-commercial
break sa kanilang tsismisan. Sa kaliwa naman, tumigil sa pagtotong-its ang mga
tanggerong nakatatlong round na ng Empi at chaser na Red Horse. At sa
harapan ko, mistulang on cue rin ang mga rumarampang bakling. Pakiramdam
ko, isa-isa akong ini-X ray ng mga mata nila. Hindi yata sila sanay sa bagong
mukha. Kumakabog ang dibdib kong binuhat ulit ang kahon ng bentilador.
„Sunog‟ na yata ang trabaho. Bistado? Sinilip ko ang butas sa harapan ng itim na
pouch bag. Hindi naman pansin ang rumorolyong kamera na nakatago sa loob.
False alarm lang pala. Paksyet na paranoia. Nagtsismisan na ulit ang mga
matrona, nag-isang bagsak pa ang mga tanggero, at bumalik sa pagrampa ang
mga bakling na nagmomodel sa gitna ng kalsada.
Ako naman napatiim-bagang muna, bago napabuntong-hininga. Hindi ko rin
alam kung saan ako papunta. Walang mapa, at walang ideya kung saan ko nga
ba mahahanap ang isang suspek sa panggagahasa ng menor de edad niyang apo
– ang wanted na si Ronaldo Estudillo. Siya ang dahilan kung bakit ako
napadpad sa Tondo. Kung bakit ako nagbitbit ng isang gamit nang bentilador at
kung bakit may rumurolyong kamera sa loob ng bag na nakaipit sa kilikili ko.
“Magandang umaga po, tagarito po ba si Reynante Estudillo?”
Sandaling napalingon ang aleng nagbabalat ng mga nakababad na bawang sa
palanggana, “Ay sir, parang doon banda sa may gate na iyon, iyong blue, kaya
lang aba teka, hoy Reynante Estudillo raw! Si Mang Naldo ba iyon?”
Panunuyang sabat naman ng kasamahan yata niyang baklang magbabawang,
“Naldo nga „di ba? Ronaldo iyon. Reynate, Ronaldo, magkaiba ano ba?”
“Wow, bawal magkamali? Echosera. Ronaldo raw sir. Baka ho kamag-anak,
ipagtanong ninyo na lang po sa kanila. Bakit ninyo po hinahanap?” balik sa akin
ng naunang ale na kausap ko. Kumikindat-kindat pa rin ang pulang ilaw mula
sa bitbit kong bag. Rumorolyo pa rin ang kamera.
“Nanalo ho kasi siya ng electric fan sa pakontes namin. Heto ho, dala-dala ko
iyong premyo niya. Pupuntahan ko na lang ho sa itinuro ninyong bahay. Pero
sigurado ho ba kayong Ronaldo Estudillo ang nakatira roon?”
“Ay, pasok sa banga!”
“Hindi ho…Reynante?”, paniniguro ko.
“Ang alam ko sir, Ronaldo talaga ang pangalan ni Mang Naldo e.”
Pasitib. Pasok nga sa banga.
Wala akong kinalagyan. Hindi tulad ng sapatos na may shoebox o di kaya’y ang mga
plato sa platerya. Ang bahay, ayon sa iba, ay kanlungan ng ating mga alaala. Paano kung
nanakawan ka ng bahay, nasunugan, o naakyat-bahay? Anong mangyayari sa mga alaala mo?
Paano kung palagian kang naglilipat-bahay? Hindi kaya malito at maalog ang mga maalala at
naalala mo? Katulad ko, naglilipat-bahay kami. Kaya wala akong paglalagyan.Ito ang talambalay
namin. Sa edad kong dalawampu’t anim na taong gulang, masasabi kong marami akong
nakilalang mga propesyunal sa kanilang larangan. Nariyan si Eugene, isang propesyunal na
manunulat, si Danny ang propesyunal na manunulot, si Harold, ang propesyunal na bolero, si
Grace, ang propesyunal na mandadaot at si John, ang propesyunal na guro. Pero ako,
propesyunal ako sa ibang bagay. Kabilang ako sa pamilyang eksperto sa paglilipat-bahay. Tulad
ng mga kakilala kong mga propesyunal sa kani-kanilang larangan, bago ko natamo ang pagiging
propesyunal, pinaghandaan ko’t pinag-aralan ang larangang ito. Kabilang dito ang paghahanda
ng aking sarili sa pisikal, sikolohikal at pinansyal na aspekto para sa paglilipat ng bahay. No
Permanent Address o NPA kumbaga.
PAGBIBIGAY-NGALAN AT PAGBABAGO
Nasa kinder ako nang ituro sa akin ng aking mga magulang ang kahalagahan ng
pagsasaulo ng aking pangalan, pangalan ng aking mga magulang, mga kapatid at ang aming
address. Itinuro sa akin ang tamang pagbigkas. Upang masaulo ko, kinakailangan kong kantahin
ang bawat letra kasabay ng pagtuturo ng tamang pagsulat at pagbaybay ng mga ito. Ani nila’y
pag-iingat lamang ito kung sakaling maligaw ako sa isang pampublikong lugar. Ito ang kauna-
unahang aralin na natutunan ko: ang kahalagahan ng mga pangalan. Ito marahil ang nasa isipan
ng aking mga magulang nang mula sa maraming bahay sa Diliman, napagdiskitahan nila ang
isang malaking bahay sa isang kalyeng may nakakatawag-pansin sa pangalan.
Ayon sa mga numerologist, may ibig sabihin ang bawat numero at titik sa alpabeto. Sa
kaso naming tila tinadhana ang numero at pngalan ng aming bahay – ang #5 Mabuhay St. para
kay Linda Strayhorn ang numero singko o ang pagsusuma nito ay nangangahulugan ng
paglalakbay, pagiging masiyahin at ang pagkahumaling nito sa dami ng tao.
Binagayan ng pagpapakahulugan ng adres namin ang uri ng aming pamumuhay. Dahil sa
kilalang manunulat ang tatay ko, lumaki kaming magkakapatid sa isang bahay na gising beinte
kuwatrong oras. Ang bahay namin ay kilala sa dami ng taong labas-masok sa aming tahanan. Sa
dami ng taong bumibisita, sumisikip ang malawak na hardin na itinuturing naming palaruan.
Bata palang kami, alam na namin na naiiba kami sa mga kalaro namin sa aming lugar. Kung ang
aming mga kalaro’y kalahating dosena lamang ang pares ng kanilang mga Tito at Tita, triple-
triple naman ang sa amin dahil sa dami ng naaampon na kamag-anak na nagreregalo sa amin.
Kaliwa’t kanan ang pasalubong na damit, pagkain at laruan. Araw-araw ay laging may handaan
dahil sa mga bisitang dumadalaw sa tatay ko. Sa pananaw ng ng mga kalaro namin, mayaman
kami dahil dito lalo nang malaman nilang nasa Amerika nakatira ang Ate namin. Mayaman nga
siguro kami dahil sa bawat kwarto ay mayroong telepono at intercom, mayroong yayang
nakabantay, puno ang refrigerator ng pagkain at nagpagawa ang tatay ko ng mga swing at isang
kubo para sa aming bahay-bahayan. Hatid-sundo kami ng drayber sa isa sa tatlong kotse at may
kanya-kanya rin kaming mini cars. Regalo ito ng aming mga magulang. Firetrucks ang para sa
mga babae at patrol car naman para sa bunsong lalaki.
Noong namatay ang tatay ko, nagbago ang aming buhay. Nang sabihan kami ng nanay ko
na wala na kaming tatay, matagal bago ko naunawaan ang gusto niyang iparating sa amin. Akala
ko, tatay ko lang ang mawawala. Iyon pala pati bahay namin. Laking gulat ko na lamang nang
malaman kong hindi sa amin ang tinitirhan naming bahay. Nirerentahan lang pala namin ito.
Kinakailangan naming lisanin ang bahay na laging buhay dahil sa dami ng tao at sa mga alaala
ng pamamalagi doon ng aking tatay. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangang lumipat ng
bahay.
Noong huling araw namin sa bahay, nagsisimula ng kaming mag-empake ng mga gamit.
Naghati-hati kami ng trabaho. Ang mga maliliit kong kapatid ang mag-aayos ng kanilang
mga laruan. Ako nama’y tutulong sa pagtiklop sa damit. Si Nanay sa naiwang gamit ng aking
tatay. Hati-hati sa trabaho tulong-tulong sa lahat ng Gawain ang motto namin. Tatlong oras bago
kami umalis, hindi ko alam kung bakit nagboluntaryo akong linisin ang sahig ng master’s
bedroom. Kinuskos ko ang mga nanlilimahid na dumi sa mga sulok. Nagbanlaw, nagpunas,
nagbanlaw, nagpunas hanggang sa pumasok sa kuwarto si Nanay na manghang-mangha sa
pinaggagawa ko. Ano pa daw ang silbi ng paglilinis ko kung aalis na kami? Naalala ko noon ang
sinagot lo: e, kawawa naman ang susunod na titira kung madumi ang bahay. Umiling na lamang
siya at iniwan ako sa kuwarto.
Noong hapon ding iyon, handa na ang lahat para sa aming paglilipat.
Nang sumakay na kami sa malaking trak, gusto ko nang batukan ang sarili ko. Tama nga
ang nanay ko, ba’t ko gagayahin si Cinderella kung ibang tao naman ang makikinabang? Naiinis
ako habang bumabyahe kami sa East Avenue. Naiinis ako dahil hindi ko makikita ang mga taong
bumibisita sa amin. Naiinis ako dahil maiiwan ang kubo at swing namin. Higit sa lahat, naiinis
ako dahil iiwanan ko ang naging magandang buhay ko sa bahay na iyon. Ang paglisan na ito ang
siyang nagsilbing hudyat para sa paghahanda sa bagong lilipatan at sa bagong adres na
sasauluhin namin.
Walang hardin sa aming nilipatan ngunit tama lamang ang laki nito para sa pamilya
namin. Nasa looban ito ng subdivision at malapit-lapit sa community park. Bungalow ang bahay
na mayroong tatlong kuwarto, ayon kay Nanay nang kausapin niya ang may-ari. Natuwa kami
nang malaman namin ito. Kaya sa aming pagdating, para akong asong matagal nang nakakulong
na nais nang makalaya. Papasok na sana ako sa gate nang pigilan ako ng nanay ko.
Ang paglipat ay di lang simpleng paglipat lang. Ito ang aking natutunan sa pagdating
namin sa aming bahay numero dos. May mga hakbang na dapat gawin. May mga ritwal na dapat
sundin. Mauuna dapat, ayon kay nanay, ang pagpasok ng prusisyon ng aming mga damit na
binubuhat ng mga kargador. Kaya kahit gusto kong subukin ang tibay ng sahig at kuwarto sa
pamamagitan ng pagtakbo, pagpadyak at pagtalon naming magkakapatid ay nagpigil ako. Sa
pamamagitan nito, una pang masisilayan ang aming mga gamit ang loob ng bahay.
Pagkatapos maipasok ang lahat ng gamit sa bahay, kami naman ang pinapila ni Nanay
para sa ritwal ng pag-adya ng mga negatibong enerhiya at pagsalubong sa bagong bahay. Bago
sinimulan ang ritwal, inipon namin ang mga kasangkapang aming gagamitin: ang bigas para sa
laging mayroong pagkain sa aming meas; ang asin bilang simbolo ng aming buhay; ang asukal
para sa isang matamis na pamumuhay; ang tubig para manatiling kalmado at malamig ang aming
mga ulo; ang mga sariwang bulaklak na walang tinik para sa bahay at sa mga elementong
naninirahan dito; at ang panghuli, ang Bibliya para sa espiritwal na pangangailangan namin. At
sinimulan namin ang aming prusisyon.
Si Nanay bilang ulo ng pamilya ang mauuna sa pila tangan ang Bibliya at mga bulaklak.
Ako, bilang panganay ang inatasang magdala ng bigas at asin habang ang dalawa kong kapatid
ang magdadala ng asukal at tubig. Nakita ko sa mga mata ng aking mga kapatid ang pagtataka at
pagkamangha nila sa pinagagawa sa amin. Pinagpawisan ang kapatid kong babae. Sa aming
pagpasok, unang unang ilalapag ang bulaklak at Bibliya sa altar at isusunod na aayusin ang mga
kasangkapan sa kusina. Sa ganitong paraan, nagpapakilala kami sa aming bahay.
Pagkatapos ng ritwal, tinanong ko si Nanay kung saan niya natutunan ang magsagawa ng
ritwal. Noong una, ayaw niya itong sabihin sa akin. Marahil dahil sa pangungulit ko, bumigay na
rin siya. Natutunan niya ito sa kanyang lola sa Zamboanga.
Nagmadali akong magpaturo pero dahil sa edad ko, hindi pinatulan ni nanay ang aking
kahilingang magritwal din. Subalit napagtanto ko na hindi ko naman pala kailangang magpaturo
sa kanya. Nang hapon ding iyon, gumawa kaming magkakapatid ng aming sariling ritwal.
Sa pagkakataong ito, unti-unting nahasa ang abilidad kong magligpit ng mga gamit. Unti-
unti ko nang namememorya ang kung saang kahong dapat ilagay ang ganito, ganyan. Ano ang
uunahin, ano ang ihuhuli. Ang damit ba o ang babasagin na gamit? Ang mga libro ng tatay ko o
ang mga paborito naming laruan? Habang ginagawa ko ang paghihiwalay ng mga damit ko sa
aking kapatid, hindi ko maiwasang isipin ang laro namin dati. Ang pagbubukod ng naiiba.
Naisip: baka sa lahat ng magkakapitbahay kami ang naiiba. Baka natuklasan ng mga kapitbahay
na isang bruha ang nanay ko dahil gumagawa ito ng ritwal. At dahil siguro kami ang naiiba dapat
kami ang bumukod.
At ngayong lilipat muli kami, napagtanto ko na bahagi ng ritwal ang paglisan sa bahay.
DEAD END
Lumipat kami sa bahay numero tres. Sa paglipat namin sa Lands St. sa Visayas Avenue,
doon lang namin naunawaan ang kahalagahan ng pagpili ng tamang lokasyon. Ayon sa mga feng
shui experts, malas ang bahay na ito dahil nasa dead end kami ng Lands St. Alam siguro ito ng
may-ari pero dahil sa artist at painter ito, di niya ito pinansin. Nang maglipat kami, walang
sumasalubong sa amin. Wala ang may-ari pero naroon ang ilang sawang gumagapang. Nagtilian
kami sa aming nakita. Nang tanungin ni Nanay ang may-ari, nagkibit lamang ito ng balikat at
nagsabing masuwerte ang may ahas sa bahay. Nahirapan akong mag-adjust sa bahay lalo na't
may ahas sa tabi mo't hindi mo alam kung kailan ka lilingkisin. Tulad ng nakagawian, nilinis
muna namin ang bahay. Tinanggap namin ng maluwag sa aming kalooban ang bahay ngunit tila
yata kami ang ayaw tanggapin ng bahay dahil sa kamalasang idinudulot nito sa amin. Tulad ng
nangyari sa Ate ko at kay Nanay.
Pagkaraan ng anim na taon, umuwi ang kapatid ko mula sa Amerika. Nakasilid sa kahon-
kahon na FX goods ang mga Hershey's, Kisses, Suave, pabango at ang kanyang sama ng loob.
Dadalawang linggo pa lamang siya sa Pilipinas ay nagpasabog na siya ng bomba sa Davao. Ang
itinuturing na bakasyon para sa kanila ng nanay ko ay naging mitsa ng kanilang di
pagkakaunawaan. Isang araw, nabulabog ang buong bahay dahil sa malakas na sigawan sa isang
silid. Nanggigil si Ate kay Nanay. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakikita ng lahat ang
pagtalsik ng kanyang laway dahil sa sunod-sunod na pagmumura nito kay Nanay. Noon lamang
nalaman ng nanay ko na ang lalim ng sama ng loob ng ate ko. Kinabukasan, umuwi ang nanay
ko. Pagkaraan ng tatlong araw, nagkasakit siya.Nilagnat ang nanay ko't nahirapan siyang
huminga. Senyales ito para sa akin ng ikinimkim niyang sama ng loob sa aking nakatatandang
kapatid.
Ako ang inutusan para tawagin ang manghihilot.Lumabas ako ng bahay alas-onse nang
gabi. Kahit alam mong mapanganib ang lumabas ng mga oras na iyon, nilakasan ko ang aking
loob na puntahan ang bahay ng manghihilot. Katutulog lang ng manghihilot nang mabulabog
siya sa pagkatok ko. Malalakas ang aking mga katok. Gusto kong ipadama sa kanya ang
kahalagahan ng aking pagkatok. Hangos na lumapit sa akin ang manghihilot. Hinding-hindi ko
malilimutan ang sandaling iyon. Bakas sa kanyang mukha ang antok pero nakikita ko ang
repleksiyon ko sa kanyang mga mata ang maputla kong mukha. Kilala ng manghihilot ang aking
nanay. Nakabubuti ito sa akin dahil nabawasan ang mga katagang nais kumawala sa aking bibig.
pamilya. Noong gabing iyon, hindi lamang ang paggaling ni nanay ang ipinagdasal ko, maging
ang paglisan namin sa bahay sa dead end.
PAGBITIW AT PAG-USAD
Siguro nga naaawa sa akin ang Diyos noong gabing iyon. Siguro kahit may
pinagkakaabalahang iba ay narinig niya ako. Pagkaraan ng dalawang buwan, lumipat kami sa
bungad. Sa Visayas Avenue mismo nakatayo ang bahay numero kwatro. Maganda daw ang
pusisyon ng bahay sabi ni Nanay. Kami ang unang sasalo ng grasya. Ngumiti lamang akohindi
dahil sa nagbabadyang grasya kundi dahil sa nararamdaman ko noon. Sa mga sandaling iyon,
hindi na importante sa akin kung ano ang hitsura ng bahay, kung maliit man ito o malaki, kung
swerte o hindi, ang importante sa aki'y nakalipat na kami. Tama na iyon para sa akin.
Hindi ko malaman kung sino sa amin ang may nunal sa talampakan o di kaya'y may balat
sa puwet. Ang alam ko lang, kailangan naming umalis dahil ibenenta ng may-ari ang bahay sa
isang debeloper. Ang bahay nami'y gagawing restawran. Eksperto na nga kami sa paglilipat-
bahay. Pati ako mismo, nagulat. Dati rati kapag naglilipat kami, iniisip ko pa lamang ay
tinatamad na ako. Pero heto kami ngayon, sinbilis ng MRT ang pag-eempake, pag-aayos at
paghahanda namin. Tila lumilipad ang mga gamit sa bilis ng pagkuha sa cabinet ng mga damit,
appliances at laruan. Sa bilis, nag-uunahan kung alin ang unang maipapasok sa mga kahon.
Anong resulta? Nagkalat na parang tubig sa sahig ang mga gamit tulad ng uniporme naming
natabunan ng aming panty na may ruffles, ang mga shorts na kulay itim, asul, pula, at berde na
sumisilip mula sa ilalim ng bulaklaking kumot. Tunay ngang nahasa ng panahon ang abilidad
naming ito. Habang tumatagal, unti-unting nababawasan ang aming mga gamit. Nang nakalipat
na kami sa bahay numero lima, nabibilang na lamang ang mga kahong ipinasok sa mga kwarto at
bahay.
Nasa kolehiyo na ako nang manirahan kami sa pang-lima naming bahay. Naiiba ito sa
mga dating natirahan namin. Unang-una, nasa squatters erya ito. Pangalawa, kilala ang bahay na
ito dahil sa poste ng ilaw sa harapan na may nakataob na malaking kaldero bilang takip ng
bumbilya. Nagtaka ako dito. Hindi ko akalaing malalaman ko kung bakit ganito ito isang gabing
malakas ang ulan.
Gustong-gusto ko kapag umuulan sa gabi. Napapasarap ang tulog ko kapag naririnig ko
ang tila mga nagsasabayang pagsayaw ng tubig-ulan sa bubungan namin. Noong gabing iyon,
hindi ako pinapatulog ng papel ko para sa klase. Nasa pang-apat na pahina palang ako'y panakaw
na nakapasok ang tubig sa loob ng aming bahay. Nagulat ako subalit naisip ko dahil sa di
kalakasang pag-ulan, dadampi lamang ang tubig sa aking sakong. Sa sobrang kampante ko, hindi
ko naalintanang pursigidong pumasok nang tuluyan sa aming bahay.
Apatnapu't limang minuto palang ang lumilipas at hanggang beywang na namin ang
tubig. Lahat kami'y first-timers sa mga bahang tulad nito. Kung tutuusin, isa itong rude
awakening dahil sa telebisyon lang namin ito nakikita. Walang pasintabi'y nakapag-enroll tuloy
kami sa isang crash course sa pakikipagsapalaran sa baha. Walang oryentasyon, sabak agad.
Kasabay ng mabilis na pagtaas ng tubig ang mabilis din naming pagkilos sa pagtaas rin ng mga
gamit. Bara-bara na ang pinaggagagawa namin. Para kaming mga ipis na natutuliro kapagv
binubulabog. Hindi ko alam kung anong gamit ang unang itataas, kung anong unang madampot
iyon ang isinasalba. Kanya-kanya kaming estilo. Si nanay, napansin ko, unang isinalba ang mga
imahen sa altar at mga manuskrito ng tatay ko. Nagmana ako sa nanay ko, kapuwa kaming
maliit. Subalit sa mga oras na iyon, para siyang si Bernardo Carpio sa lakas niya sa pagbubuhat
ng mga mabibigat na Santo at mga kilo-kilong nakatali sa manuskrito. Iba naman sa kaso naming
magkakapatid. Ako, kung ano ang maanod malapit sa akin iyon ang una kong isinasalba. Inuna
ng kapatid kong lalaki ang kanyang mga action figures at mga paboritong damit naman ang sa
kapatid kong babae. Nang lumaon, no holds bored na ang laban. Kung noong una , may pag-
aalinlangan at pandidiri sa maaaring madampot, dahil sa bilis ng tubig walang madumi, walang
mabaho. Pati kagamitan ng iba'y pinakiaalaman ko na. Kahit wala akong alam sa electrical
wiring, pinatulan ko na rin. Ibinungkos , itinali't nagkabuhol-buhol ang mga wiring. Kung saan at
ano ang pinanggagalingan ay di mahalaga. Para kaming nagpapaligsahan sa pabilisan at sa dami
ng gamit na maisasalba. Ang mahalaga'y ang kaligtasan naming lahat. Isamg oras na't kalahati
nakailang balik nang lumulutang ang aming arinola at ilang damit na di namin naisalba. Ang
ibang manuskrito ng mga magulang ko'y sandaling lumutang hanggang sa tuluyan nang dinurog
ng tubig. Hindi magkaugaga ang nanay ko noong gabing iyon. Humupa na ang baha sa loob ng
aming bahay ngunit di pa rin humupa ang pag-iyak ng nanay ko. At nainis ako. Hindi ko
maiwasang isipin: dapat may kurso sa UP na nagtuturo sa mga mag-aaral kung paano
malampasan ang krisis ng pagbaha.
Kinabukasan, naalala ko ang kaldero sa poste. At naisip ko: mali na nakataob ito. Sana
naisahod nito ang tubig-ulang pumasok sa aming bahay. Kung sabagay, may magandang
naidulot ang karanasang ito sa amin, lalo na sa akin, nalaman ko ang mga dapat gawin at hindi sa
tuwing may pagbaha sa loob ng bahay. Nalaman ko rin na posible palang malunod kami sa loob
ng bahay kung di humupa ang malakas na ulan.
Dahil sa nangyari, malinaw sa amin na hindi kami maaaring magtagal sa bahay na iyon.
Sa halip na ikaginhawa namin ang pag-ulan, kinatakutan namin ito. Nagpaanod na lamang kami
sa aming kapalaran at tila itinadhaba sa amim, kinupkop muli kami ng bahay sa dead end.
Sa tulong ng kaibigan ng nanay ko, nakalipat muli kami sa dead end. Maaaring isipin na
ibinabalik lamang ng kaibigan ng nanay ko ang pabor na ginawa ng mga magulang ko sa kanila
noong araw. Galing sa Davao si Jessie at Joey A. Wala silang masilungan na bahay sa Maynila.
Nagmagandang loob ang tatay ko. Sa amin sila tumira kasama ang kanilang panganay. Libre sila
sa lahat ng bagay. Anuman ang kainin namin ay siya ring kinakain ng pamilya nila. Noon iyon,
nag-iba na at umusad ang panahon nang magkita muli si Nanay at si Jessie A.
Sa bahay numero anim, regular kaming binibisita ni Jessie A. Bisita siya'y katiwala ng
may-ari ng bahay. Laging may dalang pagkain lalo na kung walang laman ang aming
refrigerator. Kapag wala kaming pera, at madalas ito, siya ang nagpapahiram sa amin. Subalit
nang lumaon, napansin namin, lalo na ang nanay ko, na ang lahat ng biyayang ito ay may kapalit.
Pag wala kaming pamasahe papunta sa eskwelahan halimbawa, magpapahiram siya ng dalawang
daan o tatlo kapalit ang magdamag na pakikipagkwentuhan sa nanay ko. Ginawa niyang personal
psychiatrist ang nanay ko dahil sa dami ng problema niya. Minsan, nagdadala siya ng kanyang
mga kaibigan na malakas uminom ng beer. Magdamagan na nga ang kwentuhan, may libreng
hula pa kapag binabasahan sila ng baraha ng nanay ko. Habang tumatagal, dumadami ang
pagkukuwentuhang ito dahil na rin sa mga bisitang nakilala ng nanay ko dahil kay Jessie A.
Mas matanda pa sa akin ang bilog na mesa namin. Noong buhay pa ang tatay ko,
maraming mga kilalang tao na ang nakikain, nakipag-inuman, nakipagdebate at
nakipagkwentuhan sa mesang ito. Nariyan ang mga aktibistang nagtatago, ang mga little at big
Mayor, mga politico, mga manunulat at artista. Marami nang nasaksihan ang mesang ito,
tumanda na ito't pinatatag ng panahon.
Small time lamang na sugal ang ginagawa nila. Beinte singko sentimos at piso-piso
lamang ang taya.Small time ang sugal dahil samll time din ang budget. Masaya na ang sinumang
magwawagi dahil mababaw ang kanilang kaligayahan. Sa tatlong pisong panalo, maaari nang
makabili ng ikinaliligaya nilang istik ng yosi. Sa pamamagitan ng pagmamahjong,
naipagpapatuloy ang mga naudlot na usapin tulad ng mga problema sa bahay at asawa. Pinatatag
ng mahjong ang pagkakaibigan ng nanay ko at ni Jessie A. Hanggang sa nangailangan ng
malaking halaga si Jessie A para sa pambili ng bagi nilang bahay sa Tandang Sora.
Doble ang siningil niya sa upa namin. Sa halip na tatlong libo lamang ay siningil kami ng
anim na libo sa dahilan na nagbilin ang may-ari na kailangan nang taasan ang renta sa bahay.
Biglaan ang lahat.
Kapag nagmamahjong sina Nanay, sinusubukan nilang turuan ako. Kahit anong gawin ko
hindi ko pa rin makuha. Nalilito ako. Siguro kahit anong pag-oobserba ko, hindi ko pa rin
makukuha ang mahjong. Siguro kung magaling akong magmasid sa bawat pagtaya't pagsalat ni
Jessie A. ay natantiya ko na agad ang pag-uugali niya. Ang kalaro at pinapakain niya sa bilog na
mesa ay ahas na nanunuklaw.
BINGO!
Isa sa mga inutangan namin ang nagyaya sa amin na tirhan ang kanyang bakanteng
apartment sa EJAP Compound sa General , Tandang Sora. Dahil sa pagkainis namin sa nangyari,
dali-dali kaming napapayag. Lumipat kami sa bahay numero pito. Dito namin natutunan ang
kahalagahan ng pananaliksik sa tirahang lilipatan. Sa sobrang kasiyahan namin, hindi namin
napag-aralan ang sitwasyon ng bahay sa erya na iyon. Nakalipat na kami't lahat, doon lang
namin nalaman na may oras ang pagdaloy ng tubig. Dahil pababa ang compound, mabagal at
pahirapan ang pag-akyat ng tubig. Kadalasan kahit inaantok at pagod kami galing sa eskwelahan
at trabaho, matiyaga naming hihintayin ang tubig. Kung mamalasin, napipilitan kaming
magbayad araw-araw ng kuwarenta pesos para sa nagrarasyon. Unahan pa ito kaya pag dadating
ang mga nagrarasyon, daig pa nila ang mga sikat na politikong nangangampanya. Subalit nabawi
naman ng kasalatansa tubig kahit papanong pirming pagpasok ng pera sa bahay namin.
Isang araw, nabalitaan na may compound party na gaganapin sa makalawa. Gusto namin
itong iwasan sapagkat wala kaming nakapalagayang-loob sa compound dahil isang buwan pa
lamang kami naninirahan doon. Para makaiwas sa mga pangungulit ng Presidente ng compound,
napagdesisyon namin na pumunta sa SM Edsa. Naglibang kami doon, nagpakasawa sa oras.
Kumain kami sa Sbarro, namili ng insenso at kandila sa Watsons at kumain ng rocky road
blizzard sa Dairy Queen. Nang makita naming maaga pa, ginawa namin ang isang bagay na di pa
nagagawa ng pamilua namin, nag-bingo kami. Dahil kakakuha ko lamang ng suweldo ko, sinulit
namin ang aming paglalaro. Mula sa ordinary game hanggang sa special game, pinagtiyagaan
naming umaasang mananalo kahit loob-loob nami'y imposible dahil sa dami ng tao.
Wala kaming alam sa mga palaro sa bingo. Hanggang basic lang kami. Noong tumatagal
na ang laro at pataas na nang pataas ang premyo, humingi na kami ng saklolo. Kinausap namin
ang katabi naming matandang babae. Kumpara sa kanya, mas marami ang kanyang bingo cards
kaysa sa amin. Ang nakamamangha, kaya niyang bantayan ang lahat ng ito kahit kami nga'y
natataranta sa mga bingo cards na hawak namin. Sa gitna ng pagsigaw ng bawat letra at
pagkataranta, ginabayan kami ng matanda. Waring nagpalit kami ng puwesto. Kaming mas
nakababata ang inaalalayan ng nakatatanda.
Unti-unti naming natutunan ang laro.Sa haba ng laro, halos namemorya na naming mag-
iina ang puwesto ng mga numero sa bawat letra. Pati mga kapatid ko, feeling eksperto na.
Magaling talagang magturo ang matanda. Siya ang ka-buddy namin sa buong laro.
Nakiipagbiruan siya sa amin at nang maubos ang tinta ng bolpen ng nanay ko, pinahiram kami
ng magic marker nila. Baka daw suwertehin kami. Dadalawang card na lamang ang hawak
namin, isang laro na lang tapos na ang pa-bingo. Sa pagkakataong ito, nawawalan na rin kami ng
gana hanggang sa huling tatlong kahon, nabuhayan kami. Nang sumigaw ang kapatid kong babae
ng "Bingo!" napasigaw na rin ang nasa mesang tatlong dipa ang layo sa amin. Pinaghatian namin
ang P50,00 at binalatuhan ang matandang babaeng tumulong sa amin. Kinabukasan, nakabili
kami ng washing machine, cellphone at Play Station para sa kapatid kong lalaki.
PAGKATAPOS NG SIKLO?
Tiniis naming iwanan ang suwerte ng EJAP Coumpound. Napapalaki lang kasi ang
aming gastusin dahil sa pagrarasyon. Sinagot ng nanay ko ang isang rent ad sa Buy and Sell. Sa
Sikatuna Bliss kami napadpad at kapitbahay namin ang squatters erya.Sa mga panahong ito,
dahil sa mga nangyari sa amin, namimili na kami ng aming kakaibiganin at kikilalanin. Una
kaming tumira sa loob ng building six pero dahil sa barado lagi ang inidoro, umalis kami. Sa
bahay sa labas ng building six kami tumira. Alanganin ang bahay na ito, bahagi ng building six
pero wala sa loob ng building six. Lumipat kami sa bahay sa tabi ng kalsada. Luma na ang bahay
at sa palagay ng nanay ko, dahil sa kalumaan, isang anay na lang ang hindi pa nakapirma dito.
Ito ang bahay numero siyam.
Ayon sa numerology ng buhay ng nanay ko, ang numero siyam ang pagwawakas o
pagkatapos ng siklo (cycle) ng numero bago muling magsimula sa numero isa. Sa bahay na ito,
tila nanumbalik ang labas-masok ng mga bisita sa aming bahay. Kakatwa lamang isipin na ito
ang bahay na mahirap hanapin. Sa tuwing nagpapa-deliver kami ng pagkain sa fastfood, kahit
anong sabihin namin at pagtuturo, nahihirapan silang hanapin ang bahay namin. Kung tutuusin,
dapat napapadali ang kanilang paghahanap dahil nasa labasan na kami. Subalit tila yata
binabagayan ng bahay naming ito ang pamimili sa mga bumibisita sa amin. Sa totoo lang,
kakakunti lamang sa aming mga kakilala ang may alam sa bahay namin. Minsan pa nga, mas
lalong naliligaw ang mga taong nangungulit at pilit na naghahanap sa amin. May mga
pagkakataon na lalabas kami sa aming gate para madali kaming makita pero sa di malamang
dahilan, hindi kami nagtatagpo ng aming mga bisita. Alam ng bahay namin siguro ang mga
taong ayaw na naming makita, mga taong nagpapaalala lamang ng mga masasakit na alaala sa
aking pamilya
Noong nakaraang taon, nabasa ko sa dyaryo ang mga nawalan ng bahay dahil sa ipo-
ipong si Katrina sa Amerika, nayanig ng lindol ang mga bahay sa India, at natabunan ng lupa
dahil sa landslide ang mga taga-Leyte. Hanggang ngayon, problema at pinoproblema ang bahay.
Kung saan titira at kung papaano aalagaan ang tinitirhan. Kaya, paano kung ang ating mga alaala
sa loob ng bahay ay hindi na magkasya sa ating bahay? Marami siguro sa atin ang mababaliw
dahil maglilipat-bahay rin ang ating mga alaala.
Pero ako, kahit wala akong pirmihang tirahan, bitbit ko kahit saan ang akin at aming
alaala. Lalo na dahil sa dami ng aming pinagdaanan sa paglilipat-bahay, napagtanto ko na kami
ang gumagawa ng bahay. Mas matibay ang bahay na sinisilungan ko. Bahay ko ang aking nanay
at mga kapatid. Ito ang pinakamahalagang leksyon na natutunan ko.
Marami rin sigurong grupong kagaya naminsa mga private school sa siyudad.Pihadong
lihim din silang kinaiinisan ng mga ayaw paistorbo sa maluwalhating pagkukutingting sa mga
gagamiting visual aid. At kinabubuwisitan ng mga nakikipagkarera para makahabol sa official
time na alas-7:20 ng umaga.
Lalo kapag walang grades o quarterly exam na tatapusin, ako pa ang mauuna safaculty
dining area. Malimit na wala pang dyanitor kaya magkukusa na akong sindihan ang ilaw at
isaksak ang water dispenser. Aalis at babalikna lang ako kapag nasilip kong may mga Lock &
Lock nang nakabukas sa mesa. O di kaya nama’y nailatag na ang saging, tinapa, itlog, oatmeal,
papaya, at Dole pineapple na lalantakan sa umaga. Magaalukan kami sa isa’t isa ng kape.
Magpapansinan ng mga pagkaing akala mo’y noon lang naamoy o nakita samantalang araw-araw
namang ibinubuyanyang sa mesa. Magpapansinan hanggang sa mapansin kung sino ang
nagpagupit o bumili ng bagong sapatos o bagong modelo ng Samsung. At magpapalakasan ng
tawa sa mga kuwentong ilang ulit nang napagsanga-sanga sa mesa ring iyon. Wala kaming
pakialam sa mga estudyanteng nagdaraan at tanaw na tanaw sa bintana. Sila pa naman ang
madalas na paksa ng usapan—‘yong mga nahuling naghahalikan sa likod ng stage, ‘yong
nagbenta ng brownies sa mga kaklase, ‘yong naglako ng mga inumit na test paper sa halagang
tatlong daang piso ang isa, at siyempre, ‘yong dalawang estudyanteng sa kabagutan ay ngumata
ng tsok. Mabuti kung maulan at hindi kami naririnig sa labas. Pero sa mga karaniwang araw, ang
taginting ng aming tawa ay sapat nang magpalingon sa mgaestudyanteng may pasak pang
earphone sa tainga. Sakabila pa ito ng motor na pinaaatungal ng hardineropara ipunin ang mga
dahong nagkalat sa damuhan tuwing umaga.
Bakit ‘yong opening prayer sa miting ay parang parinig sa mga may tanong tungkol sa
suweldo? Bakit ‘yong bagsakin ang nasisipa, hindi ‘yong nagkokodigo?Bakit kailangang galing
sa agency ang mga dyanitor? At bakit pinagsasayaw opinakakanta ang mga baguhang titser ‘pag
may program? Bakit pabata nang pabataang mga titser at iilan lang ang tumatanda sa
eskuwelahan? Bakit wala tayong union samantalang nagpapabasa tayo ng mga nobelang tungkol
sa kapakanan ng mga manggagawa?
Bibihira akong umabsent sa mga sesyon namin sa dining area. Nakakaluwagkasi ng loob
na malamang marami-rami ring mas miserable ang kalagayan kaysa sa iyo. Ang inaayawan mo’y
isinusuka pala nila kagaya ng mga espesyal na sesyon sa klase na kailangang may iskrip na
kukunin mo pa sa opisina ng assistant principal. Ang nakapagtataka nga lang ay may mga
nagtatagal sa eskuwelahan sa kabila ng mga naipong reklamo. Sa tagal ng kanilang karanasan,
kahit ang mga kuwentong nailahad lang nila sa ngalan ng pakikipagkapwa’t pagbibidahan ay
mas matimbang pa sa mga teoryang inaral ko sa Education.
Tumatak sa isip ko ang kuwento tungkol sa isang titser sa Christian Living nawalang
kamali-malisyang nagtanong daw sa kanyang co-teacher kung ano ang eksena sa loob ng isang
night club. Nagkuwento naman itong si co-teacher tungkol sapakindat-kindat na mga ilaw, sa
mga babaeng pagiling-giling ng baywang nang may nakakabit na numero sa tagiliran, atsa
magugulong naglalasing sa paligid. Pinutol daw ng titser sa Christian Living ang
pagpapaliwanag niya. “Alam mo,” sabi raw nito, “kahit ilang araw tayong mag-usap dito, hindi
kita maiintindihan.” Na itinuring namang hamon ni co-teacher. Nauwi ang hamunan sa pagdalaw
ng dalawang titser ng isang Catholic school sa isang night club sa Antipolo na ang tawag ay
Lang-Lang.
Sa karanasang iyon natuklasan ng teacher sa Christian Living ang kanyangtagong talino.
Nakalikha siya ng isang ballad na ang lyrics at tono ay kabisadongkabisado pa no’ng co-teacher:
Nang una kang makita, kumutitap ang langit at sumayaw ka.
hindi ko malimutan,
tandang-tanda ko pa
at ako’y ‘minulat mo
sa hubad na katotohanan
Naikonekta ni Christian Living teacher ang karanasang ito sa kanyang paksa saklase
noong linggong iyon na bautismo. Kinanta niya ang kanyang komposisyon saharap ng mga
estudyante niyang nagdadalaga. At nagawa niyang ipantahi sa konsepto ng binyag ang isang
tanong: Paano mo makikilala ang liwanag kung hindi mo pa nakikita ang dilim?
Hindi kalabisang sabihin na radikal ang epekto ng salaysay na ito sa akin.Madalas akong
mautal noon sa pagtuturo. Bawat salitang pakakawalan ko sa harap ng mga estudyante ay
itinuturing kong boomerang. Baka bastos. Baka isumbong ako samga magulang. Baka isumpa
ako ng mga bata sa mga blog nila. Baka ipatawag ako ng prinsipal. Ang resulta: matabang na
pagtanggap na may kasama pang irap mula sa mga estudyante. Alam nilang binobola mo lamang
sila.Hindi ka handang marumihan upang ipaunawa ang ibig sabihin ng kalinisan.
Mula noon, sinikap kong mag-ipon pa ng mga karanasan. Bawat yaya sa akinna umakyat
sa ganito o ganiyang bundok, sumasama ako. Kahit sinong yumaya saakin na magboluntaryo
para sa Gurong-Lingkod ay hindi kailangang magdalawangsalita.
Sa pagitan ng Abril at Mayo, nagpapadala ang aming eskuwelahan ng mga titsersa ilang
liblib na lugar para magturo sa mga kapwa titser. Walang kumukuwestiyonsapangalan ng
proyekto dahil hindi sapilitan ang pagsali rito. Kung tutuusin, isa nga itong libreng bakasyon.
Pero kailan pa hindi naglilingkod ang isang guro? Sa ibang hanapbuhay, pag-uwi mo sa bahay,
tapos na ang trabaho at puwede ka nang matulog. Samantala, pag titser ka, pagdating mo sa
bahay, magtsetsek ka pa ng papel, mag-iisip ng mga pakulo sa klase at magdidisenyo ng mga
powerpoint. (Sabadong-Sabado ay nakikipagbanggaan ako ng siko sa mga palamurang kabataan
sa kompiyuteran sa kanto para lang mag-encode ng mga grades.)
Dahil dito, inisip kong handang-handa ako nang yayain ako ng tatlo kongkatrabaho na
mag-Gurong-Lingkod sa isla ng Polilio.
Isang linggo bago ang pagpunta sa Polilio ay saka ko lang nalamang hindi talagasa
Polilio ang aming punta. Sa Burdeos daw pala, ang katabing-bayan ng Polilio saisang isla kung
saan hindi hustong isang araw na may koryente. Nalaman ko rin na dalawa ang magiging paksa
namin—journalism na ituturo sa mga estudyante at stress management naman para sa mga titser.
Ang tanging alam ko sa journalism ay napulot ko sa isang seminar noong nasa elementarya pa
ako. Pero alangan akong magturo ng stress management sa mga titser sa isang tahimik na isla.
Isang linggo kong inaral ang journalism. Nanghiram ako ng mga libro sa aminglibrary.
Araw-araw, sa loob ng isang linggo, bumibili ako ng tig-iisang kopya ng Inquirer,Abante Tonite,
at Bulgar. Nagawa ko pang komunsulta sa site ng Poynter Institute sa Internet. Dito ko nalaman
na isa sa mga pamantayan kung newsworthy ang isang pangyayari ay ang proximity. Ano ba ang
kabali-balita sa isang islang nakilala lang sa pagiging bagyuhin? Ano ang ituturo ko sa mga bata
roon? Ulat-panahon?
Pagdating namin sa Polilio, tinawagan ng isa kong kasama ang madreng kausapniya sa
Burdeos. Bakit hindi raw sinabi agad na malapit na kaming dumating, sana raw ay nasabihan
niya ‘yong dyip na susundo sa amin. Magtraysikel na lang daw kami.
Nang maitayo na ang traysikel ay todo paliwanag ang drayber. Karaniwan naraw ang
pangyayaring ‘yon doon dahil nakaangat ang kalsada. Karaniwan na pala’y hindi pa kami
sinabihan. Kasi raw ‘yong mga politiko sa kanila, pag nasisira ang kalsada, hindi naman
totohanang ipinaaayos kundi pinapapatungan lang ng semento. Kaya,hayun, sa kapapatong,
tumaas nang tumaas ang kalsada.
Sa kitid ng aming dinadaanan, hampas nang hampas sa binti ko ang mga damosa gilid ng
kalsada. Naiwasan ng drayber ang iba pang aberya. Suwabeng-suwabeng napakibagayan ng
gulong ng traysikel ang mga labak na may kulay-putik at mamulaPage mulang tubig. Sa
kalagitnaan ng aming biyahe papuntang Burdeos, lumipat kami sa isang dyip na nakaparada sa
gilid ng isang pantalan. Higit sa kalahating oras kaming naghintay dahil hinintay rin ng drayber
na mapuno ang kanyang sasakyan ng mga pasaherong magmumula sa paparating na bangkang
de-motor. Nagawa pa naming humabhab ng pansit sa isang tindahan habang naghihintay. Dito
pala’y pag sinabing puno, puno talaga dahil may mga sako at kahon pang isiniksik sagitna ng
dyip. Halos wala nang puwang para sa aming mga paa. Lumarga kaming ang bawat pasahero’y
nakatalungkongparang isisilid sa burial jar. Dito ko naulinigan ang himutok ng isangbabaeng
pasahero sa kanyang kausap. Biro mo, sabi niya, ang dami ng lugar saPilipinas,tapos, sa Burdeos
pa tayo nauwi.
Wala akong nakitang mga karatula sa daan maliban sa dalawang istrimer nanakasampay
sa bakod na parehong nagpapaalala sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng mahal nilang
gobernador.
Napalakas siguro ang tungayaw at pagmumura ko dahil nilapitan ako ng isang tindera.
Takang-taka siya kung anong nangyari sa akin at sapo-sapo ko ang aking sakong. Sabi ko, may
pako pala ‘yong tsinelas, hindi n’yo man lang sinabi. Talagang may pako po ‘yan, Sir, paliwanag
niya habang tumatawang humahagikhik na tinatakpan ang bibig. Tumigil lang siya sa
paghagikhik nang hubarin ko ang medyas ko at nakita niyang dumadaloy na ang dugo. Hindi
n’yo po nakita, sir? Gusto kong sabihin na buti sana kung kumukuti-kutitap ‘yong pako sa
kadiliman ng kanilang tindahan. Masakit po ba, Sir? Umiling ako at totoo namang hindi gaanong
masakit. Ang nagpapakirot lang ay ‘yong pagtawa niya. May pahiwatig kasi sa kanyang tawa na
mga dayo lang ang mapapako sa tinda nilang tsinelas.
Iika-ika akong bumaba sa hagdan, bitbit ang sapatos at ang napili kong
tsinelas.Ipinaliwanag ko sa kahera ang nangyari. Hiniling niyang ipakita ko sa kanya ang sugat
na ginawa ko naman habang may kung ano siyang hinahalungkat sa kaha. “Maliit lang pala,”
puna niya sabay buhos ng alkohol sa sugat ko. “Ok,na ‘yan, sir,” sabi niya, “ang namamatay lang
sa amin dito na naganiyan din ay ‘yong mga nakatapak ng pamana sa isda.”Dalawa na sila
ngayong natatawa habang pinanonood akong sumisipol sa hapdi. Ipinaliwanag kong kahit maliit
ang tusok, puwedeng makamatay dahil sa tetanus. Mas delikado po ang tusok kaysa sa hiwa o
laslas. Kaya itinanong ko kung nasaan ang malapit na ospital. Wala raw na ganoon sa kanila. Sa
Polilio raw meron dahil ‘yon ang sentro. Health center lang ang meron sa Burdeos.
Nakuha ko ang rimarim sa tetanus noong magpaturok ako ng tetanus vaccine saisang
pampublikong ospital. Kuwento nang kuwento ‘yong doktorang nag-iniksiyon saakin tungkol sa
kanyang kakilala na natetanus dahil lang sa pagpapa-pedicure sa Quiapo. Umabot daw sa
kalahating milyon ang nagastos ng kakilala niya sa Valium at sa mga mamahaling antibiotics
para lang makontra ang bagsik ng tetanus.
Nadatnan kong nagkukumpol-kumpol sa ilalim ng isang puno ang mga tumataosa health
center. Malamang na doon lang may signal dahil apat silang pare-parehong may hawak na
cellphone. Isinalaysay ko sa kanila ang nangyari sa akin sa groseri. Pinapasok nila ako sa health
center na ang tanging laman ay isang mesa sa ilalim ng nakangiting larawan ni GMA at
kinakalawang na ref sa isang sulok. Pinaupo ako at kinuha ng isa sa mga nurse mula sa ref ang
isang bed pan, mahabang gunting na pansipit, at botelya ng iodine. Habang nilulunod sa iodine
ang aking sugat, sabi siya nang sabi na sana ay maturukan ako ng ATS (anti-tetanus shot). Baka
meron daw sila n’on sa loob ng ref, ang kaso walang doktor na magrereseta at magtuturok. Sabi
ko’y baka puwede naman na nurse na lang ang gumawa. “Ay, hindi pa po kami nurse,” sabi niya,
“nandito po kami para sa internship”. Itinanong ko kung kailan magkakadoktor sa health center.
Baka raw sa susunod na buwan pa. Pero kung gusto ko raw magpakonsulta ay pumunta na lang
ako sa Burdeos National High School. May medical mission daw na magaganap doon sa darating
na Miyerkules. Itinuring ko na ring suwerte ko iyon dahil hindi naman ako nasaksak na
kailangan ng agarang lunas. At dalawang araw na lang ay Miyerkules na.
Isa pa, hirap na hirap akong ipaliwanag sa mga bata ang konsepto ngnewsworthiness ng
isang pangyayari dahil wala silang maalalang kabala-balita kundi ang pagbagsak ng helikopter
na sinasakyan ng mahal nilang gobernador, isang taon na ang nakalilipas. Kay babata nila pero
apat sa kanila ang nagsabing mahal nila anggobernador dahil ito raw sana ang magpapasemento
ng daan mula Burdeos hanggangPolilio at magpapaayos ng supply ng koryente sa isla.
Pinagbigyan ko sila. O sige,kunwari kahapon bumagsak ‘yong helicopter, paano ninyo ibabalita?
Pero hindi naman kahapon nangyari ‘yon, reklamo ng batang grade two, matagal na. Kunwari
nga lang, sabi n’ong tutuliin. O kunwari, sabi ko, dumalaw ngayon si Manny Pacquiao sa
Burdeos at namigay ng mga computer, pera at sako-sakong relief goods. Kunwari na naman,
sabad ulit ng batang grade two.
Araw-araw pang nababawasan ang mga bata. Higit tatlumpu ang amingestudyante noong
umpisa. Bente-dos na lang ang natira sa ikalawang araw. Huwag daw naming ipagtaka,
paliwanag ng mga madre, dahil sunod-sunod ang pista saBurdeos tuwing Mayo. Alangan
namang unahin ang journalism kaysa pista. At isang grupo ng mga bata ang kailangan pang
pagalitan ng mga madre dahil ayaw paawat sapagbabasketbol habang may sesyon kami.
Nakapaikot ang mga klasrum sa isang patyo na may flagpole sa gitna. Sa tapatnito’y may
dalawang magkakabit na silid na nagsisilbing faculty room. Sa tapat ng isa sa mga pinto, isang
mamang balbas-sarado ang napansin kong namimilipit sa sakit. Sapo-sapo niyaang kanyang
salawal na tigmak sa dugo. Sa pagdaing niya’y aakalainmong paulit-ulit siyang nabayagan. Pero
walang pumapansin sa kanya. Abala ang lahat sa paglalakad, sa pagpapapalipat-lipat sa mga
kuwarto, at sa pagpila.
Nakipila rin ako kaagad. Papasok ang pila namin sa isang kuwartong umaapawsa mga
tao. Bibihira ang lalaki sa pila; kung hindi matatanda, karamihan sa kanila ay mga aleng may
karga-kargang sanggol. May hawak na papel ang lahat ng nasa pila. Balak ko sanang magtanong
kung saan nakakakuha ng papel pero sinita ako ng alengnagpapapila. Bakit wala raw akong
papel na hawak. Kailangan ko raw munang magpa-register, kung hindi, hindi ako aasikasuhin.
Ganoon pala ‘yong sistema ng medical mission. Registration sa unang kuwartosa gawing
kaliwa ng gate ng campus. Tapos, lilipat ka sa kuwarto ng counseling. Tapos, sa nurses’ station
para makunan ng blood pressure. Lalagpasan mo ang mga kuwartong circumcision kung hindi ka
magpapatuli. Kung hindi ka magpapasukat ng salamin ay hindi ka na rin pipila sa kuwarto sa
isang kanto, hanggang sa marating mo ang kuwarto para sa general consultation sa gawing
kanan.
1) Nananalig ka ba sa Panginoon?
Isang mamang may bigote ang sumalubong sa akin sa counseling room.Pinaupo niya ako
sa isang silya. Kaharap ko ang apat pang pasyente. Nagpaliwanag ang mama:Maikli lang po ito.
Mga 10 to 15 minutes. Ginagawa po namin ito para maihanda ang kalooban ninyong mga
pasyente sa inyong mga pagdadaanan. Kinolekta niya ang mga papel namin. Napansin niyang
Quezon City ang inilagay kong address. “Kuya, Quezon province po tayo,” pagwawasto niya.
“Hindi po, sa Quezon City po ako nanggaling,” pagwawasto ko, “volunteer teacher po ako rito”.
“Ay, volunteer din po ba kayo? Aba’y hindi n’yo na kailangang dumaan dito, diretso na kayo
ro’n.” Nakaturo siya sa pinanggalingan kong pila. Pinirmahan niya ang aking papel sa pag-
aakalang isa ako sa mga kasamahan nila.
Bugbog na ang sugat ko sa kalalalakad kaya paglabas ko sa counseling room ay paika-ika
ako. Nilagpasan ko ang nurses’ station at ang circumcision room. Ilang hakbang na nauuna sa
akin ang isang binatilyong kalalabas lang mula sa circumcision room. Iika-ika siyang kagaya ko.
Kaya kahit anong kirot ng aking sugat sa sakong, pinilit kong ituwid ang lakad. Baka isipin pa ng
mga nakakakita sa akin na noon ko lang naisipang magpatuli.
Binalikan ko ang pilang naging doble pa ang haba kaysa sa unang dinatnan ko.Halos
isang oras ang hinintay ko bago ko narating ang pinto. Sinalubong ulit ako ng aleng sumita sa
akin; hiningi ang papel na hawak ko. Bakit raw wala akong BP. Ang sabi ko naman,
pinadidiretso na ako rito dahil volunteer teacher ako. Kahit na raw, lahat ay kailangang magpa-
BP. Kung hindi, hindi ako aasikasuhin. Sa pagbabalik ko raw, sabi niya, doon na raw ako sa may
pinto sumingit. E, di, bumalik ako sa nurses’ station, nagpa-BP at sumingit ulit sa pila. Lahat ng
pasyente’y kailangang tumigil nang humigit-kumulang sa limang minute sa bawat silyang nasa
loob ng kuwarto bago nila makausap ang doktor. Tatlong oras akong nagpalipat-lipat ng
inuupuang silya bago ako humantong sa unahan ng pila. Kulob na kulob sa kuwarto ang sari-
saring samyo—ang amoy-araw, amoy-pawis, amoylupa at anghit.
Mas bata pa sa akin ang doktor na tumingin sa akin. Tinanong niya ako kungano’ng
nangyari. Bibigyan niya raw ako ng antibiotics para hindi magnaknak ang sugat. At mefenamic
acid, para mabawasan ang pamamaga.At bibigyan niya rin daw ako ng multivitamins. Ang alam
kong ginagawa niya ay nireresetahan ako kaya noon pa lang ang pinoproblema ko’y baka
kailangan ko pang pumunta sa Polilio para mabili ang mga gamot. Pagkatapos ng konsultasyon,
ibinilin ng doktor na iabot ko ang papel sa babaeng nakatanod sa pinto. Sinunod ko siya.
Pinaghintay ako ng babaeng inabutan ko ng reseta. Wala pang sampung minuto, iniabot sa akin
ng babae ang isang supot na may lamang apat na banig ng cloxacillin,at tigdadalawang banig ng
mefenamic acid at multivatamins. May isang maliit na botelya pa ng iodine.
Hatinggabi na’y dilat na dilat pa rin ako. Dapat sana’y payapa na ako sa loob ngaking
kulambo dahil may doktor nang sumuri sa akin. Pero mahirap sumurot ang konsensiya. May
natira pa kayang gamot para sa nasa hulihan ng pila? Pag-alis ng medical mission, gaano kaya
katagal bago sila muling makakalunok ng multivitamins?Gaano karami ang mga pakong
naghihintay pang maapakan sa isla?
Maraming salamat lang ang nasabi ko nang hingan ako ng mensahe sa hulingaraw ng
aking pagtuturo. Maraming salamat at sana’y makabalik kami rito. Malay akong iyon ang tipo ng
pagpapaalam na may lihim na mensaheng wala akong kabalakbalakna bumalik pa. Para ano pa?
Para makiagaw sa mga biyayang ambon sa kanila?
Kapag nakakapag-cr ako sa ibang bahay, buong paghanga kong tinititigan ang bawat
bahagi nito. Comfort room na ngayon o cr ang tawag sa kubeta. O kaya, toilet. Laos na ang
kubeta ni ang kasilyas, maski na ang banyo na halaw daw sa cuarto de baño ng mga Kastila.
Lalong hindi na gaanong naririnig ang palikuran, batalan, paliguan at ang mga mananabe, pati
ang kumon. May panahong usung-uso ang mga kategoryang ito, segun sa pook at panahon. May
kunteksto kumbaga. At tulad ng pagbabago ng lahat ng bagay, nagbababago din ang mga salita
at ekspresyon sa agos ng kasaysayan. CR na ang in, out na ang kubeta.
Unang tumatawag ng pansin ko ang maputi at masarap upuang toilet bowl. Trono ang
tawag ng mga pinsan kong lalake sa inodoro. Gagawin ko itong upuan para masdan nang husto
ang kabuuan ng kanilang toilet. Pagkatapos, tititigan ang bawat bahagi nito… malinis at tuyong
tiles, makintab na lababo, nakahilerang gamit sa pag-aayos ng katawan: sabong mabango,
makukulay na bote ng shampu, losyon, langis, malalaki at matatabang toothpaste, at sari-saring
panghugas ng mga parte ng katawan: feminine wash (panghugas ng Va-J-J, ayon sa pamangkin
kong bakla), handwash, bodywash mouthwash at, body scrub (hindi na uso ang batong panghilod
ngayon). Ang ibang cr ay may scented candle pa, at, yung iba naman ay may maliit o nakasabit
na halaman. Nandoon din ang mga sepilyo, dalawang klase ng pang-ahit, para sa babae’t lalake.
Hanggang magawi ang tingin ko sa shower, yung iba may heater, yung iba ay wala. Ang ibang
banyo ay may timba, ang ilan ay may bidet, o shower ng puwet sabi anak ko. Malimit maliwanag
na puting ilaw o iyong uso ngayon na maliliit na power-saver lamp ang gamit sa cr. May
nakasabit ding air freshner para mabango ang simoy sa loob. Madalas amoy kahel at pino ang
pinipiling pabango sa mga banyo bago nauso ang lavander. Kalimitan may bintanilya, may
exhaust fan ang iba. May mga cr akong napasok na may salaming humahati sa pagitan ng shower
at toilet bowl. May mga toilet na meron pang swinging door sa loob. Pero ang
pinakanakakamangha kong nakitang cr ay ‘nung mga 17 taong gulang ako, noong ako’y
makiligo sa toilet nina Gina, isang kaibigan sa Baguio. Ang cr nila ay kasinglaki na halos ng
bahay namin sa Tundo!
Alam ng asawa kong si Fred kung bakit napakasensitibo ko sa toilet. Noong
nagpapagawa kami ng sarili naming bahay sa taong 2002, pinamahalaan ko mismo ang
pagpapagawa ng aming toilet. Araw-araw kong iniinspeksyon ang trabaho dito. Iminumwestra
ko sa mason at tubero kung saan ilalagay ang toilet bowl. Inaasinta ko kung saan babagsak ang
pinto, saan papatak ang shower, saan ipupwesto ang lababo, kung ilang floor drain ang ilalagay.
Ako ang bumibili ng matiryales para sa toilet. Inuuna ko ang kulay at disenyo ng tiles. Kasi sa
tingin ko, tiles ang nagdadala ng kabuuan ng cr. Tapos mamimili ako ng toilet bowl, dapat
puting-puti. Susunod ang lababo, dapat katerno ng bowl.
Nang mayari ang toilet namin, walang pagsidlan ang aking kaligayahan.Kumbinasyon ng
krema at milokoton ang dingding. Parang ang hirap imadyinin kung ano ito, ang layo na natin sa
panahon ng Kastila. Ang mas simpleng paglalarawan ay parang ice cream flavour ito na peaches
and cream. Kulay-gatas at mas maputlang kulay-kahel. Two-tone ang usong tawag ngayon sa
mga disenyong pinagkukumbina ang dalawang kulay. Peach sa kalahating ibaba at cream ang
gawing itaas. Kulay-gatas din ang sahig. Puti ang lababo at toilet bowl. Nilagyan ko ng salaming
tinawaran ko pa nang husto sa tindahan ng Glass & Aluminum na malapit sa amin. Pinilit ko rin
si Fred na gumawa ng dalawang pirasong bubog na patungan para sa mga gamit namin sa banyo,
isa sa itaas ng tangke ng toilet bowl, at ang isa pa’y sa pagitan ng salaminan at lababo. Hindi ako
nagsasawang titigan ito. Lagi ko itong kinukuskos para laging malinis. Susubukan ko ulit
magflush ng toilet. Enjoy na enjoy ako sa pagpaflush ng toilet bowl. Naiinis ako kapag nababasa
ang sahig, isang pagkukulang sa disenyo ng cr namin. Nagagalit ako sa mga anak kong
nakakalimot magflush ng toilet. Naaasar ako kung pagdating ko mula sa trabaho ay may mga
bakas ng tsinelas sa sahig. Kapag nagkabara sa toilet bowl, bibitawan ko ang lahat ng ginagawa
ko para bombahin ito habang nagdadadakdak at pinapagalitan ang huling gumamit ng banyo.
Bumibili ako at umuubos ng malalaking Clorox para iskobahin ang bawat pagitan ng mga tisa,
ang lahat ng sulok na sinisingitan at pinamamahayan ng dumi. Hindi pwedeng dumumi ang
kubeta namin!
Bakit ganito kahigpit ang pamantayan ko sa toilet? Tuwing napapagkwentuhan namin ito
ng pamilya ko, gagatungan ni Fred ang mga bata para tanungin kung bakit napakasensitibo ko sa
cr. Imadyin! Nangyayari ito sa mesa kung saan kami madalas nagkakasama-sama. Kahit
nakaharap sa pagkain, ang pamilya ay walang hang-ups kung mag-usap sa jebs, pinagandang
tawag sa tae para itago ang lahat ng karumihan nito. Natutunan ko ang salitang jebs noong
dekada 90, mula kay K, ang aking panganay. Kasi noong dekada 70 hanggang 80, ebak ang
tanda kong tawag namin dito. Short cut daw ng ebakweyt, o pagpapaalis ng dumi sa katawan.
Habang lumalaki ang mga anak ko, nahalata kong nagpepreno na ang bawat isa kapag nadadako
sa usaping toilet ang paksa kung kami’y nasa harap ng pagkain. Madalas imumungkahi ni K ang
ganito: “cut it please?” Si Yao naman hihirit ng “change topic okay?” o kaya makikipag-unahan
si Yos ng “stop stop stop!” kapag nagagawi sa usaping jebs ang kwentuhan.
Pero mahahalata nila na may kung anong nasasaling sa akin kapag dumako ang
kwentuhan sa karanasan namin ng pangungubeta noong nakatira pa kami sa Tundo. Sasabihin ni
K, “magwawatir-watir na naman ang mga eyes ni mader.”
Lumaki ako sa looban ng Kalye Benita sa Gagalangin na namamalayang kaya pala ito
tinawag na kubeta ay dahil sa kubetang nakatayo sa dati naming lupa na naagaw ng iba dahil
hindi nahuhulugan ng ina ko ang buwanang amortisasyon nito. Ang kubetang ito ay bukas para
sa lahat. Pero hindi ko ito napasok kailanman. Gayunman, dito hinango ang bansag sa aming
mga taga-looban, “taga-Kubeta” yan. Maririnig ito mula sa tagalabas ng looban para tukuyin ang
mga taong nakatira malapit sa palikurang-bayan na ito. Dito nagaganap ang maraming aktibidad
sa looban. Dahil naririto rin ang nag-iisang poso na libre para sa lahat, dito naglalaba ang mga
inang walang humpay na nagtsitismisan. Dito sa paligid ng poso naliligo ang maraming
kalalakihan at kabataan. Kapag walang naglalaba halimbawa sa araw ng pasko at pyesta, dito na
rin sa harap ng kubeta ginaganap ang programa at mga palaro. Ito na rin ang paboritong
tambayan ng mga magkakasintahan sa gabi.
Hindi ko nagawang mangubeta dito dahil mayroon kaming “sariling” kubeta. Umuupa
kami sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Lola Danding ko at kanila ang kubetang ginagamit
namin. Uso pa noon ang paninirahan sa mga tinatawag na entresuelo. Ang buong bahay ni Lola
Danding ay hinati sa apat. Kanya ang isang bahagi sa itaas, ang tatlong bahagi ay pinauupahan sa
tatlong pamilya. Kaya apat na pamilya ang gumagamit ng isang kubeta. Noong una, doon kami
nakapwesto sa ilalim ng bahay ni Lola Danding at nagtitinda kami ng mga lutong ulam. Pero
noong gusto na ni Lola Danding na magbukas sila ng sari-sari store, pinalipat nila kami sa itaas.
Nawalan kami ng isang magandang hanapbuhay. Lima kaming magkakapatid, madalas wala ang
tatay ko dahil isa siyang seaman noon. Kung hindi siya sumasakay sa barko, nagmamaneho
naman siya ng dyip.
Elementarya ako noon. Noong una, nagagawa ko pang pumasok sa kubeta. Pero pikit-
mata at dahil taing-tae na lang ako. Lagi kong pinaaabot sa ganito ang kundisyon ko para itulak
ang sarili sa kalagayang “no choice” at mapilitan akong pumasok. Bakit hindi? Ang bawat
pagpasok sa kubetang ito ay nakapandidiri at kasuklam-suklam na karanasan para sa akin.
Sa labas ng kubeta ay may poso kami. Magbobomba muna kami para sumalok ng tubig
sa timba at iyon ang dadalhin sa loob ng kubeta. Hindi pa ito tinatawag na cr o toilet noon.
Kasilyas ang isa pang naririnig kong tawag ng Lola Panchang, ang lola ko sa ina. Maghipag si
Lola Panchang at Lola Danding. Hindi rin kami basta makakapasok sa loob, dahil nakasusi ang
kubeta. Hihiramin muna ang susi kay Lola Danding kung nais gamitin ang kubeta. Sa ganitong
kundisyon ng paggamit, aakalain mong maayos ang kalagayan ng kubetang ito. Pero huwag ka,
sobrang baho at nakakapanindig-balahibo ang imaheng di-mapuknat-puknat sa isip ko hanggang
ngayon. Isang imaheng pilit kong iwinawaksi sa aking gunita pero habang pinipilit kong
kalimutan ay lalo ko lamang naaalala.
Pero mas hiyang-hiya ako sa aking sarili. Naisip kong nakapag-asawa agad ako nang
hindi man lang nakapagpagawa ng maayos na kubeta para sa pamilya ko. Inabutan pa tuloy ng
byenan ko ang kubeta ni Lola Danding.
Hindi ko rin malimutan ang pinsan kong si Alejandro sa kubetang ito. Sila Alejandro ang
umuupa sa isa pang bahagi ng bahay sa ibaba, kanugnog namin. Isang gabi, sumakit ang tiyan ni
Alejandro at kumaripas siya ng takbo sa kubeta. Walang ibang dala kundi dyaryo. Mahuhulaan
kung anong eksenang inabutan namin sa kubeta. Hindi siya umabot sa inodoro. Dahil madilim,
nilente namin si Alejandro sa nakabukas na pinto ng kubeta at nagimbal sa nakita: nakaiskwat
siya habang nasa ilalim nya ang isang tumpok na bulateng mistulang ispagheti! Pawispawisan
ang pinsan ko. Napakalala ng impeksyon niya sa bulate at hindi ko maubos maisip na pwede
palang magkaroon nang ganoong karaming bulate sa loob ng katawan.
Minsan, lumabas ang isang kapitbahay doon na may dalang maliit na garapon. Umiiyak
at kinakausap nang mahina si Ninang Chit. Hindi ko halos marinig kung anong sinasabi niya
pero dahil sa hindi sinasadyang nakita ko ang laman ng garapon, na tila maliit bagay na
nalulunod sa dugo, naghinala ako na baka may nahugot sa sinapupunan nang wala sa panahon.
Hindi ako makapagtanong.Bawal daw kasing mag-usisa ang mga bata noon. Hindi rin pwedeng
sumagot sa nakatatanda. Manatiling tikom ang bibig at saloobin na lamang kung ano ang nakita.
Kaya sinagot ko na rin ang sarili kong tanong. Kasi siguro, marami na silang anak. Kasi, wala
ang asawa niya…Kasi, tao lang siya. At marami pang kasi. Nawala sa looban ang kapitbahay
naming iyon hanggang masantabi na rin sa gunita ko ang kabanatang ito.
Ang totoo, matagal ko nang hindi dinadalaw ang kubetang iyon. Hindi ko na kasi talaga
masikmura. Noong naghayskul ako, nagresort ako sa dalawang teknik ng pangungubeta: ang
pagbabalot sa dyaryo at paggamit sa kubeta ng iba.
Pagkatapos basahin ang dyaryo at komiks, nadiskubre kong maganda itong pamahid ng
puwet at pambalot ng jebs. Dahil nahirati akong hindi dumudumi nang araw-araw, hindi ako
gaanong nahirapan at katunaya’y naginhawahan pa nga sa bagong paraan ng pangungubeta.
Nalaman ko din na hindi lang pala ako ang gumagawa ng ganito. Dahil sa kakulangan ng
palikuran, maraming mamamayan noon ang tulad ko, nagbabalot ng jebs, isusupot sa plastic at
ihahagis ko sa bakanteng lote ng likod-bahay namin sabay sigaw ng “Geronimo!” Flying saucer
ang tawag ng iba rito. Ang iba naman, inilalagay ang balutan sa basurahan. Kaya pala ang baho
ng mga basura sa looban. Kaya pala ang baho ng looban.Kaya pala ang daming langaw. Kaya
pala ang daming nagkakasakit ng pagtatae, pagsusuka, disinterya, bulate, TB at iba pang sakit na
dala ng maruming kamay, katawan at kapaligiran. Unti unti na akong nagkakamalay sa sobrang
kahirapan ng mga tao noon at ang kawalan ng kubeta ay isang karanasang
napaka”dehumanizing” para sa mga mamamayan. Sa diretsahang salita, nakapanliliit ng
pagkatao.
Minsan lang ako naki-jebs sa CR ng Yaya Belen kung tawagin namin. Hipag naman siya
ng Yaya Pilang, ang tunay kong lola sa tatay. Nakahiwalay ang CR sa kanyang bahay pero nasa
loob pa rin ng compound nila. Simple at malinis ang kubeta.De-buhos ang inidoro. Minsan,
inabot ako ng pagsakit ng tiyan sa bahay nila Yaya Belen kaya ginamit ko ang kanilang kasilyas.
Nagkataong walang tubig ang banga na kinukuhanan ng pambuhos. Nagpumilit si Yaya Belen na
siya na ang magbubuhos sa toilet bowl, sa kabila ng matigas kong pagtanggi, at syempre, siya
ang nasunod. Pagkatapos, tinanong niya ako nang ganito “hindi ka araw-araw dumudumi ano?
Ang laki-laki ng tae mo.” Hiyang-hiya na naman ako. Paano ko sasabihin na “opo, nagpipigil po
talaga ako dahil…” Pero hindi ko na nagawang isatinig ang nasasaloob ko. Tumawa nang kaunti
si Yaya Belen sabay sabing “arawaraw kang dudumi, baka magkasakit ka nyan.”
Kung minsan, pumupunta ako sa iba ko pang lola, kila Mamang. Tiyahin naman siya ng
nanay ko na nasa ibang iskinita ng looban. Wala ring pintura ang sementado nilang kubeta pero
higit na maayos, walang bara ang toilet bowl at may gripo na hindi tumitigil sa pagtulo kaya
napapanatili itong malinis. Pero habang nagkakaisip, nangingibabaw din ang hiya. Hanggang
kalian ako magpapaalam na makikigamit ng kubeta? Sa isang nagdadalagita, susungaw at
susungaw ang hiya.
At dahil napalaot na ako sa daigdig ng aktibismo mula noon, lumawak din ang network
ng toilet ko: COD sa Cubao, Farmers’ Plaza, SM branch sa Carriedo. Wala pang mga mall noon.
Wala pang mga Jollibee o Chowking. Hindi pa uso ang fastfood chain. Natutunan ko rin noong
makiligo at maki-cr sa bahay ng mga mayayaman at middle class na kontak sa daloy ng gawaing
pag-oorganisa para sa kilusang pambansa demokratiko. Ang daming bahay, seminar house,
seminaryo, kumbento, dormitoryo, pribado at pampublikong opisina ang nagpapagamit ng
espasyo nila noon para sa mga aktibistang katulad ko. Naresolba ang problema ko sa kubeta sa
agos ng aking pakikibaka!
Minsan, isang tag-init, nasa Kordilyera naman ako para makipamuhay sa mga Ibaloy.
Wala rin akong ginamit na toilet. Kahit natatakot, natutunan ko ring dumumi na may hawak na
sinturon. Habang jumejebs, iwinawasiwas ko ang dala kong sinturon o patpat dahil sa mga
lumalapit na aso o baboy-ramo. Ang buong karanasan ng pagjebs ay tila action movie na may
kasamang horror story. Wala ring tubig. Swerte na kung may natitira pang toilet paper. Pero sa
twina, maaasahan ang dyaryo. Pag nalayo ka na nang ilang dipa, sisimutin na ng mga baboy ang
iniwan mo doon na “pagkain.”
Hindi nagtagal, bumalik ako sa UP para tapusin ang aking pag-aaral, humantong naman
ako sa paggamit ng arinola kung maaabutan ako sa bahay. Pero hindi ko ganap na naiwasan ang
kubeta ni Lola Danding. Kasi pagkatapos dumumi sa arinola, pupunta ka pa rin doon para itapon
ang laman nito. At muli, kahit sa mga miminsang pagkakataon, pikit-mata at nagdudumaling
idaraos ang nakakadiri at nakakasukang ritwal na ito.
Marahil sumagi na ito sa kamalayan ng dating MMDA Chair Bayani Fernando nang
kanyang isulong ang rosas na kubeta. Sa halip na makitang parang asong umiihi kung saan-saan
ang mga kababayan, nagtayo siya ng mga pampublikong pink toilet para sa kalalakihan. Pero
dahil walang tubig, umalingasaw naman ang mga cr na ito sa mga daraanan.
Dahil uso na sa ngayon ang facebook, minsan, inilagay ko ang isang lumang larawan ng
Tundo sa aking akawnt na may ganitong caption: “Noong 1930s-40s, pail system pa. Ang tawag
sa mga nagtatrabaho sa ganito ay KUBETERO, na sa pagtingin ng iba, ito ang pinakamababang
kalagayan o pinakadukha sa mga taga Tundo at nagtulak sa iba para magsumikap at huwag
danasin ng mga anak nila ito.”
Kubetero? Wala na talagang bababang okupasyon dito. Siguro sa kasalukuyan, yung mga
lumulubog sa poso negro pag nagpapasipsip ka ang parallel nito, minus the pails. Keep
these historically tidbits coming Nak. Bakit hindi ka magblog?
Paul Cardenas, July 6, 2010 12:19 pm:
Ayon sa MWSS, hangga ngayon, 30% lang ang may access sa librengpasipsip ng poso
negro sa Maynila, at 70% ang pail system, ilog, kanal system at “pampers” o “flying
saucers.”
Oo nga po. Parang luxury pa rin ang pasipsip ng poso negro. Maliban sapampers, uso pa
rin ang “flying saucers.” Ang klase ng kubeta ng mamamayan ay sukatan din ng
kalagayan ng isang lipunan.
“Edukado ba yung ganon? Gagawin ba yun ng may sariling toilet? Baka bisyona yan.
Masamang bisyo na nakakaperwisyo. Paano nyo hinahandle sacommunity yung ganong
problema?
Maraming tao ang edukado at edukada pero kapag disiplina sa kapaligiran aynakalaking
bobo.
Lumahok na rin si Dr. Dante Ambrosio ng UP Departmento ng Kasaysayan. July 8, 3:20 pm—
Maikling palitan lang ito pero napakalaki ng mga nabungkal na problema ngbayan: ang
di-sapat at malinis na sistemang palikuran ay pagmumulan ng maraming sakit. Tama si Olan at
Paul, ang klase ng kubeta ay sukatan din ng kalagayan ng lipunan. Problema din ang ugali at
gawi tulad ng pinupunto ni Paul at Noel. At may bonus pa si Danteng pangkulturang pinag-
ugatan kung bakit ito tinawag na palikuran at mananabe sa isang komunidad na naliligid at
pinagdurugtong-dugtong ng sistemang ilog.
sistemang ilog ng Pasig. Sa madaling salita, sinaunang pamayanan pa. O hindi ba?Isang
mahabang palikuran sa sistemang ilog ito noon!
Iba ang sitwasyon sa mga karaniwang Pilipino. Ayon kay Atty. DelfinGonzalez na isang
taal na taga-Tundo, pail system pa ang inabot niya hanggang noong dekada 30. Ibig sabihin,
nakatimba ang dumi na hinahakot ng mga kubetero sa gabi, isinasakay sa bangka at dinadala sa
tambakan, sa panahong wala pang modernong disposal system. Wala pa ring sistemang gripo sa
bawat bahay noon. Sa Gagalangin halimbawa, ayon kay Atty. Felino Ampil, iisa ang gripo
saGagalangin sa kaparehong panahon, na nasa harap ng maliit na Visita ng Gagalangin, na mas
kilala ngayong Simbahan ng Parokya ni San Jose. Ito ang nagsusuplay ng tubig sa mga residente
noon. Binibili, tinitimba, binabalde at ikinakariton ng mga tagarito hanggang sa kanilang bahay.
Ang kawalan ng sistemang gripo sa bawat bahay ay sinasapo naman ng sistemang poso na
nanggagaling sa balon. Ang mga may kakayahang pamilya ay nagkaroon ng sariling poso
habang ang publiko ay pinagsisilbihan din ng posong pangkomunidad. Hindi maaaring ihiwalay
ang sistema ng patubigsa palikuran. Ang pag-unlad ng sistemang patubig ay paghakbang din ng
sistema ng palikuran.
Bandang 1975, Ayon sa tala ni Manuel Caoili, sa Tondo Foreshore Area(TFA), ang lugar
na tinabunan ang dagat, 40% lamang ng kabahayan ang may suplay ng tubig galing sa balon.
Ang ibang residente ay bumibili lamang ng baldeng tubig. Ang TFA ang pinakaganap na
halimbawa ng masamang pasilidad ng kanal at imburnal. Maraming bahay ang walang palikuran.
Sa isang sarbey sa mga pamilyang nasa TFA noong 1975, lumitaw na 53% lamang ang may
palikuran sa kanilang tahanan; 7% ang gumagamit sa pampublikong palikuran at ang iba ay
nagbabalot at nagtatapon na lamang ng kanilang dumi sa tambakan ng basura atmga 15% nito ay
nagtatapon sa mismong dagat. Isa lang sa bawat limang pamilyaang gumagamit ng kubetang
may tubig.
Kulang na kulang hanggang ngayon ang serbisyo ng gubyerno para malutasang problema
sa tubig at maayos na palikuran. Sa Temporary Housing na kanugnog ng bagong tambakan ng
basura at katabi ng Look ng Maynila, napakamiserable ng mga palikurang komunal, malayo pa
lang ay maaamoy mo na ang napakabahong singaw ng toilet. Ang mga may-ari ng pribadong CR
ay pinahihirapan naman ng presyo ng binibiling tubig kung kaya namroroblema din sa
pagmamantina ng kanilang mga kubeta. Ang isang timbang tubig ay nagkakahalaga ng
2.50.Nakakakonsumo sila ng P15.00 isang araw hindi kasama ang paglalaba. Kung kasama,
P25.00 isang araw ang gastos nila sa tubig. Sa pinakatipid, humigitkumulang P125.00 ang gastos
ng isang pamilyang may 3-4 katao para sa tubig. Marami sa kanila ang hindi naliligo araw-araw
para pagkasyahin ang kaunting kinikita na kulang pang pampagkain.
Hindi rin ligtas sa sariling pamumuna ang isa’t isa. Una ang problema sakahirapan,
subalit talos din ng mga residente ang sariling kahinaan ng mga tao sa kalinisan at kaligtasan ng
lugar na pinaninirahan. Nasusuklam din sila sa kababuyan ng ibang kababayan. Nagdudulot din
ng tensyon sa pagitan ng magkakapitbahay ang kasalaulaan ng ilan pagdating sa palikuran.
Pinapansin din nila ang kaburaraan ng ilan, kung minsan, may elementong mapang-api pa sa
mga pangkat-etnikong kinabibilangan, halimbawa, sa pananaw ng mga Tagalog, marumi sa
pamamahay ang mga Bisaya. Samantala, nakikita ng mga Bisaya ang kalinisan ng mga Tagalog
sa paninirahan, subalit nauuna ang asar dahil umano sa kataasan.
Mas maalaga din ang mga babae sa palikuran kaysa sa mga lalake.Palibhasa sa ating
lipunan, nakaatang sa balikat ng babae ang paglilinis ng kabahayan. Kaya sa kakulangan ng sapat
na serbisyong patubig at pampalikuran, babae ang unang nahaharap, bumabalikat, gumagawa ng
mga paraan at pinahihirapan ng di-sapat na serbisyong pampubliko kaugnay ng tubig at
palikuran. Sila rin ang matinding hinahambalos ng mataas na presyo ng gamot at serbisyong
ospital kung nagkakasakit ang mga kaanak.
Malaki na rin ang natamo ng bansa sa sistema ng palikuran at dapat langmarahil batiin
natin ang mga sarili sa bagay na ito. Subalit kung anuman ang natamo natin sa ngayon, salamin
din ito ng katotohanang marami pa tayong dapat gawin para ang mga kababayan natin ay
magkaroon ng sarili at disenteng… KUBETA.
Tapok at Banlik
Ni: Luis P. Gatmaitan
Putik pong malinis ang karaniwang putik. Pero ang banlik po ay putik na ubod ng dumi
kasi’y galing bundok. “gayon ang paliwanag sa akin ng isang nanay sa Infanta ng bisitahin
namin ang lugar nila upang magsagawa ng art therapysa mga batang nakaligtas sa landsland.
Paulit-ulit kasing nababanggit ng mga ang salitang banlik kapag sila’y nagbabahagi ng kanilang
kwento. Akala ko, nakasanayan lamang nilang tawaging banlik ang putik. Gaya ng may iba-iba
tayong katawagan sa isang bagay sa isang partikular na lugar.
May pagkakaiba pala ang putik at banlik. Akala ko, kasukdulan na ng dumi kapag
sinabing putik. Naisip ko ang kalabaw ng aking Tatang na nakaugaliang maglublob sa putikan
kapag tapos na ang maghapong pag-araro. Hirap na kinukuskos ni Tatang ang katawan ng
kalabaw upang matungkab ang natuyong putik na nakapulapol dito. Pero may antas pala ang
pagiging marumi. Mas marumi ang gumuhong lupa mula sa kabundukan sapagkat dala-dala nito
ang mga ugat ng puno, damo, kulisap, itlog ng ahas, at kung ano-ano pang alamat at elementong
matatagpuan doon.
Mula sa mga guho ng Real, Infanta, at Nakar (na mas kilala sa katawagang REINA sa
Quezon) di na mabilang ang mga kwentong narinig ko. Mga salaysay ito ng nakalubog at
pagbangon mula sa banlik. Mga kwentong marahil ay paulit-ulit ng ikinukwento ng mga batang
nakaligtas para di nila malimutan ang mga ama, ina, lolo, lola, amain, tiyahin, tiyuhin, apo,
kapatid, kaibigan, at kalaro na inangkin ng rumaragasang agos mula sa kabundukan isang gabing
walang tigil ang pagbuhos ng ulan.
Aaminin ko, may daga sa aking dibdib nang una kong makaharap ang mga batang
nakaligtas sa trahedya. Nandu’n ang pangamba ko na baka naiisip nilang ‘kay lakas naman ng
loob ng maraming ito na tumayo sa aming harapan gayong hindi naman nila talagang ganap ang
tindi ng aming dinaanang trahedya.’ O baka naman ganito ang nasa isip nila: Hay naku, heto ulit
ang isa pang grupo na pakukuwentuhin na naman kami nang nangyari sa amin hanggang kami’y
maiyak!’ Ewan ko ba pero noong una, parang nahihiya akong tumayo sa harap nila.
Pakiramdam ko ba’y napapalibutan ako ng mga taong higit pa ang kakayahan kaysa sa akin. Ang
mga batang kaharap ko ay mga batang nakayang lampasan ang kahindik-hindik na delubyong
dumating sa Quezon! Hindi sila mga ordinaryong bata.
Sino nga ba kami para makialam sa kanilang buhay? Dumating lamang kami sa kanilang
lugar nang walang kaabog-abog. Pero inari nila kaming mabuting kaibigan, waring mga piling
panauhin sa isang magarang piging. Kapag ibinabahagi na sa amin ng mga bata ang kanilang
karanasang sakit o takot, ramdam kong yun ang kanilang paraan ng pagsasabi ng mahalagang po
sa amin na nandito kayo.’ Sa pagbubukas nila ng loob sa amin, nasaksihan ko ang dakilang
himala ng pakikipagkapwa-damdamin.
Sabi ng isang kaibigan ko,’ ang mga bata raw ang nagsisilbing barometrong panukat ng
isang komunidad.Kaya makabubuting pagmasdan ang kanilang hitsura galaw, at mapakinggan
ang kanilang sinasabi o di sinasabi.
Totoo yun. Dahil paano ba maitatago ang nararanasang paghihikahos ng pamilyakung ang kilik
ng mga bata maputla ang balat, malaki ang tiyan, hitaw ang butihing dibdib, at walang kislap ang
mga mata? Paano ng aba maililihim ang bunga ng nagdaang sakuna sa mga bata samantalang
may mga gabing dinadalaw sila ng bangungot, pag-ihi sa banig, at pangangatal sa pagkaalala ng
sakuna? Mahirap lukurin ang kalagayan ng isang komunidad kung ang pagbabatayan ay ang
sinasabi ng kanilang tatay, nanay, at iba pang matatanda sa pamilya. Kayang kaya kasing itago
ng mga magulang ang lahat ng kanilang nararamdaman. Kaya nila kaming papaniwalaan na ayos
lang ang lahat kahit hindi. Iba ang mga bata.
“Nadaganan po siya nang gumuho ang Repador Building,” paliwanag agad ng isang guro
nang makita niyang waring nagtatanong ang aking mga mata sa hitsura ng batang kaharap ko.
“Hindi po siya nakita agad. Akala nga po nila ay patay na si Bunso. Mabuti’t nadala sa Maynila
para maoperahan ang nabasag niyang bungo.”
Mula noon, tuwing titingnan ko si Bunso, mahahabag ako. Kung ako kaya ang nasa
katayuan niya, makakaya ko kaya ang sinuong niya? Walang sinabi sa mga tahing nasa mukha at
ulo ni Bunso ang aking nag-iisang keloid bunga nga inoperahang sebaceous cyst sa aking likod.
E, paano pa kaya ang mga pilat ni Bunso na di ko nakikita? Pihadong mag-iwan ng malalalim na
pilat sa kanyang murang puso ang sakuna.
Kung nasa ibang lugar lamang si Bunso, pihadong panay tukso ang matatanggap niya
mula sa ilang pilyong bata dahil sa kanyang kakaibang itsura. Pero dito sa Real, walang
nangahas bumiro kay Bunso. Siguro kasi kasi’y ang karanasan ni Bunso ay karanasan din ng
buong bayan. Ang bawat isang tahi sa mukha at ulo ni Bunso ay nagpapalutang lamang sa
kanyang katapangan.
Hindi sinasadya’y naalala ko ang mga batang may kanser sa aming pagamutan. Sila man
ay parang si Bunso rin sa maraming pagkakataon. Nasa isang sitwasyon sila na kahit tayong
matatanda na ay mahihirapan din. Hindi biro-biro ang diagnosis na kanser para sa sinumang
kaanak. Angaming mga anghel, di pa man nakababasa ng alpabeto, ay hindi rin ipinuwera ng
sakit na ito. Sinong magulang ang hindi madudurog ang puso kapag nakita niyang tinitiis ng
minumutyang anak ang hapdi ng turok ng karayom sa kemoterapi?
Pero kagaya ng mga batang nakaligtas sa trahedya ng Quezon, ang mga bata ring ito ay di
mawawalan ng pag-asa na gagaling sila. Kapag nasimulan na ang kanilang kemoterapi,
nagsisimulang malagas ang kanilang buhok kasabay ng pagpatay ng gamut na mababagsik na
cancer cells. Pagkatapos, mistulang isang komunidad nana-wash out ang hitsura ng ulo ng aming
mga paslit. Pero nandun ang pag-asa na maaaring malampasan nila ang sakit na kanser.
Hitik sa kuwento, games, at activity ang tatlong araw na kasama namin sila. Nakatulong
din na palaging kong bitbit ang aking digital camera. Manipis kasi ito at maliit lang kaya
madaling ilagay sa bulsa. Sa tuwing pipindutin ko ito, una-unahang nagpopose ang mga bata
para sa ‘kodakan’. Pagkatapos ay titingnan din agad ang picture nila, magtatawanan o
magtutuksuhan ayos sa nakitang hitsura sa kamera. Minsan nga ay sila pa ang nagpiprisintang
magpakuha ng litrato. Agad kong nakuha ang loob nila. Laking pasasalamat ko sa aking digital
camera. Nakapasok ako sa mundo ng mga bata ng di sinasadya. Sa bawat klik ng kamera, palapit
nang palapit ang loob namin sa isa’t isa.
Noong unang araw, sinadya naming huwag munang sumalat ng trahedyang sinapit nila.
Gusto lang naming magbukas sila ng kanilang mga sarili. At dahil mga lupa at banlik ang
tumabon sa kanilang mga bahay at buhay, ninais na sa pagpapakilala nila sa kanilang sarili ay
dumampot sila ng isang bagay mula sa paligid nna kumakatawan sa kanila. Gusto naming
bumalik ang tiwala nila sa bundok, lupa, puno, at bato.
“Kagaya po ako ng batong ito,” pakilala ni Cynthia.“ Ang ibig ko pong sabihin matibay
po ako, hindi kaagad madudurog. At saka, noong tumatakas po kami, mga matitigas na batong
kagaya nito ang hinahanap naming tuntungan para hindi kami malubog sa banlik.”
May mga dala rin kaming librong pambata para ikuwento. Subalit sa bawat kuwentong
isinasalaysay ko, humuhugot sila sa nagdaang sakuna upang idugtong sa aming kwento. Kung
tutuusin, walang kinalaman sa bagyo o baha ang isang kwentong isinasalaysay ko. Tungkol ito
sa pagmamahal ng isang sapaterong ama sa isang anak na ipinanganak na putol ang dalawang
paa. Sa naturang kwento, palihim palang gumagawa ng sapatos ang ama upang ialay sa anak
niya. Kapag malalapit na ang kaarawan ng bata, pilit na iniimadyin ng ama ang lumalaking
sukat ng paa ng anak niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ama, napapanaginipan pala ng anak na
walang paa ang mga sapatos na nililikha para sa kanya sa tuwing bisperas ng kaarawan niya.
Matapos ang pagkukuwento, hiniling ko sa mga bata na lumikha nga isang pares ng
sapatos para sa bidang batang babae sa kuwento, at kailangang kumbinsihin nila ako na ang
kanilang sapatos ang dapat kong piliin. Nagulat ako nang makitang karamihan ay bota ang
iginuhit. Yung isang grupo ay nagdrawing ng botang may mataas na takong. Yung isang grupo
pa ay gumuhit nng sapatos na convertible sa bota at ipinagdiinan pang ang sapatos nila ay water
resistant. Kasi raw, nang mga sumusunod na araw matapos ang sakuna, mga bota na ang
kanilang sapin sa paa. Natuwa ako na iginawa nila ng pambihirang bota ang batang bida sa libro.
Ayaw raw nilang marumhan ng banlik ang bago nilang kaibigan.
Tinatanong namin ng kasama kong facilitator kung ano ang limang mahalagang bagay na
ililigtas nila sakaling may mangyaring sakuna. Maraming sumagot na ang ililigtas nila ay ang
kanilang uniporme at gamit sa eskwelahan (na para bang maglalakas-loob pa ang mga principal
ng mga eskwelahan na ideklarang may pasok kinabukasan). ‘Yung iba, TV at pridyider ang
gustong iligtas, na syempre pa’y sinundan ng tawanan. Kahit yata sanrekwang adrenaline ang
ipundar ng katawan, hindi kakayanin ng mga paslit na ito na buhatin ang kanilang pridyider!
Pero ilan, mga tao ang kanilang binanggit na ililigtas Sa kanila, hindi mahalaga na “ano”
ang tanong kundi “sino” ang ililigtas nila. Mula sa mga sagot na damit, pagkain, notebook,
telebisyon, at pridyider, lumabas ang pangalan ng kanilang lolo’t lola, tatay, nanay, kapatid, at
pamangkin.
Hanggang ngayon, hindi mawala sa isip ni May kung paanong nakabitaw ang lola niya sa
kanyang kamay noong tinatangay sila ng rumaragasang aos. Hindi na nakita pa ang lola niya,
nalibing na sa natuyong banlik sa kung saan.At si May, hindi niya mapatawad ang sarili na hindi
niya nailigtas ang lola niya. Di lang si May an nagbahagi nito kundi ilan pang batang pipituhin o
wawaluhing gulang na pawang nakangabitaw sa mahigpit na pagkakakapit sa mga kaanak nila.
Nandu’n ang masidhing pagnanais na mailigtas ang kapamilyang miamahal. Kung tutuuisin,
kasama sa mga karapatan ng mga batang kagaaya nina May ang unang mailigtas sa panahon ng
trahedya. Pero para sa mga batang kagaya nila, higit na mahalagang mailigtas nila ang mahihina
nilang lolo’t lola o ang mga nakababatang kapatid na karga-karga nila. Gusto nilang maging
tagapagligtas. Gaya ng napapanuod nilang cartoons sa TV na inililigtas ng superhero ang mga
biktima.
Nang inaakala naming palagay na ang loob nila sa amin, hiniling namin sa kanila na
isulat o idrowing ang naganap noong gabi ng Nobyembre 29, 2001. Naupod ang mga krayolang
kulay-brown sa kanilang mga iginuhit. Nagkulay-tsokolate ang kanilang mga papel.
Nagmistulang dagat iyon ng tsokolate, parang mga kumunoy na walang katapusan, inaangkin
ang bawat batang nahuhulog doon.
Sabi ni Raymond, nagulat na lang sila sa napakabilis na pagtaas ng tubig. Wala na silang
panahon pang maka-tapok (lengguwaheng uezon para sa ‘paglikas sa matataas na lugar’). Ang
tanging nakita ng Nanay niya na mataas ay ang magkatabing puno ng abokado sa kanilang
bakuran. Agad nila itong inakyat.Mahigpit na kumapit doon habang ginaw na ginaw, kasama
ang isa pa niyang pamangkin. Ngunit hindi naging mabait sa kanila ang mga punong ito. Nabali
ito at sapilitang tinangay ang Nanay niya at dalawang pamangkin. Sila na lamang ng kaniyang
ate ang natira.
Nanlambot ako nang marinig ng kuwento ni Ramond. Hindi sila nnailigtas ng matayog na
puno sa kanilang bakuran. Nag-uunahang pumatak ang luha sa mga mata ni Raymond sa
pagkaalala sa ina at mga kalarong pamangkin. Paano pa ako kakain ng abokadogayong sa bawat
pagbanggit ng prutas na ito ay ibinabalik sa aking gunita ang alaala ng pamilya ni Raymond?
Iisa ang hitsura ng kanilang drowings mga bahay na nakalubog sa banlik at bubong lang
ang makikita, mga taong nakatalungko sa bubungan, mga taong nakakapit sa mga sanga ng puno,
mga bahay na inaaanod ng rumaragasang banlik, mga nabunot na puno at torso, nalulunod na
kalabaw, baboy, at aso. Nagulat pa ako dahil kahit stick figure lamang ang iginuhit ng
karamihan, malinaw pa ring nakasaad doon kung ano ang kasarian o kung bata o matanda ang
nakita nilang nalulunod!
“Matandang babae po itong nalunod na ito,” sabay turo sa drowing. “Ito naman po ay
batang lalaki.”
Hindi rin nakaligtas sa drowing ang mga bata ang buwan, ulan, at kidlat. Napansin ko
agad ang kakaibang hitsura ng buwan. Nilagyan nila ito ng mukha. Nakalabi ang buwan!
“Mabuti naman at nakaligtas ang buong pamilya mo sa sakuna,” sabi kokay Jenny.
Maingat ang pagkukwento ni Jenny. Hindi niya binanggit ang kinahinatnan ng kanyang
magulang. Kung ang pagbabatayan ko lamang ay ang isinulat na sanaysay ni Jenny, hindi ko
iisiping may matinding nangyari sa pamilya ni Jennny. Sinadya niyang iwasan sa kanyang
kuwento ang sinapait ng kanyang ina.
Sabi ng nanay ko, kapag sobrang masakit na raw ang nangyari sa atin, di man sinasadya
ay pilit tumatakas ang gunita. Gumagawa ito ng sariling paniniwalaan para malampasan niya ang
personal na trahedya. Ayaw na ni Jenny na isiping may nawala sa kanya kaya hind na niya ito
ikinuwento pa. Pero nasukol na si Jenny ng aking tanong kaya napilitan siyang magtapat. Noon
lamang niya inamin ang pagkamatay ng nanay niya. Nang mga sandaling ‘yun, pakiramdam ko,
napaka-pakialamero ko. Nabulabog ko nang di sinasadya ang kanyang pananahimik.
Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ang batang Frankentien na si Bunso ay ayaw
magbigay ng salaysay. Ayaw nitong magsulat ng kahit ano. “Baka puwedeng magdrowing na
lamang,” payo ko pa. Pero iniwasan din nito ang mga krayolang ibinigay namin. Hinayaan na
lamang namin si Bunso na sumali sa lahat ng aktibidad namin: kasali sa larong “Open the
basket”, kasama ring umaawit sa kanilang “group cheer”, kasabay na kumakain ng iba pang bata,
nagtataas ng kamay para sa libreng kopya ng libro matapos ang aking pagkukuwento. Kapag
makakasalubong ko siya, matipid siyang ngingiti kapag binabati. Pero ang kapansin-pasin sa
kanya, kung ako’y nagpapahinga sa isang sulok basta na lamang itong tatabi sa aking
kinauupuan, hahaplusin ang aking braso, o hahawakan ang aking palad. Minsan naman,
napapansin kong nakakapit siya ng kamay ng iba pang nakakatanda sa kanya.
Iginagalang ko ang pananahimik ni Bunso. Walang kaso kung wala siyang maalala sa
nangyari na hindi nakalulugod sa atin. Hanggang sa nakita niyang nagtapat ang lahat ng kanyang
kasama sa nangyari sa kanilang buhay. Nakita niya kung paanong umiiyak at humahagulhol ang
mga kapwa bata matapos ibahagi sa grupo ang kanilang isinulat o iginuhit. Noon naglakas-loob
siBunso na basagin ang pananahimik.
Siya ang pinakahuling batang pumunta sa harap at nagkuwento ng buhay. Wala siyang
artwork o sinulat na sanaysay. Pero naikuwento niya, sa pagitan ng hikbi, ang nangyari.
Nagpunta sila sa Repador building sa pag-aakalang ligtas dito kasama ang kanyang tatay, isang
kapatid, at lola. Bigla na lamang daw may gumuho sa loob ng building, at basta na lamang
siyang tumalsik. Naiwan sa guho ng Repador ang kanyang magulang at kapatid. Hindi na niya
nalaman kung ano ang nangyari sa kanila.
Dinugtungan na lamang ng mga guro ang nangyari kay Bunso. Kung paanong ito’y
natagpuang nakaipit sa mga guho. Kung paanong inilipad ito ng helikopter patungong Maynila
para operahan ang bungong nabasag. Hindi na nahukay pa sa guho ang mga mahal ni Bunso,
sama-sama nang nalibing doon. Masisisi ko ba si Bunso kung waring nabura na sa kanyang
gunita ang sinapit ng mga kaanak?
Ang dalagitang si Julie ay napaiyak din nang maalala kung paanong pakatapos ng sakuna
ay nakikipag-agawan siya sa mga relief goods na dumarating sa kanila. Walang namatay sa
kanyang kapamilya. Pero nawalan sila ng bahay, nabuwag ng mga trosong humampas doon.
“Habol po kami ng habol sa mga trak na may dalang pagkain. Nagkakagulo po ang lahat
kasi’y gutom na. Kahit po ang mga kalalakihan, di na kami iginagalang, itinutulak o hinahawi
kami para lang makakuha ng relief goods.”
Ramdam ko, nagtatapang-tapangan ang mga bata habang nagsasalaysay. Ayaw nilang
umiyak. O mas dapat yatang sabihing pinipigilan nilang umiyak. Nang may magsimulang
umiyak, hindi ko pinatahan ang bata. Hinayaan ko lamng siyang umiyak. Hinayaan kong tumulo
ang kanilang luha para sa mga kaanak na lumisan. Sabi ko sa kanila, okey lamang umiyak. Kahit
lalaki, walang kaso kung umiyak. Hindi nakakahiya ang pag-iyak. Ikinukuwento ko sa kanila na
nang namayapa rin ang tatay ko, umiyak ako nang umiyak. Hinayaan ko silang umiyak upang
kahit paano’y mahugasan ng luha ang nakakapit na banlik sa kanilang gunita.
“Umiyak ka na ba?” gayon ang tanong na isinalubong sa akin ng isang kaibigan ilang
araw matapos na manggaling ako sa Real.
Hindi ako agad nakasagod alam niya kasing mababaw ang aking luha.Kayang-kaya nga
akong paiyakin ng isang magandang pelikula. Pero pagkatapos kong marinig ang kuwento ng
mga bata sa Quezon, hindi ako makaiyak. Ewan ko kung bakit. Napagod ba ako? Na-drain sa
narinig kaya walang maluha? O baka ang dahilan kung bakit hindi ako makaiyak ay sapagkat
nasaksihan ko ang katapangan ng mga batang ito habang sila ay naglalahad ng kani-kanilang
kuwento? At ang tapang na ‘yun ay sumaakin na.
Aaminin kong hindi ako gaanong binabanggit ang tungkol sa Diyos sa aming mga
aktibidad. Nakita ko kasi sa kanilang mga sinulat na dasal sila nang dasal nang nagaganap ito.
Lahat daw ay tumatawag sa langit nang mga oras na iyon. Pero walang nangyaring himala.
Paano ko ngayon sasabihin sa mga bata na kasama na ng Diyos ang kanilang mga kaanak doon
sa langit? Paano nila maiintindihan ang grasya ng Diyos samantalang kitang-kita nila kung
paanong walang-awang tinangay ng rumaragasang agos ang kanilang ama’t ina, lolo’t lola, at
mga kapatid?
Pero hindi mawawala ang sampalataya ko sa mga batang ito. Alam kong pansamantala
lamang ang kanilang pagtatampo. Unti-unti, muli silang kakapit sa Diyos. Muli silang hahabi ng
mga panalangin. Hanggang sa tuluyang bumalik ang tiwala nila sa Dakilang Lumikha.
Natuwa ako na iniisip nilang iligtas, kung bibigyan ng pagkakataon, ang mga gamit at
uniporme nila sa eskwelahan. Iisa lang ang ibig sabihin noon. Na ang sakunang nagdadaan sa
buhay nila ay iniisip nilang pansamantala lamang. Na matatapos din ang lahat ng ito. Na
pagkatapos ng bagyo at baha, umaasa silang babalik sa normal ang lahat. Muli silang papasok sa
eskwelahan, muling pupunta sa simbahan tuwing linggo, at muling maglalaro sa plasa ng bayan.
Iisa ang mukha ng mga bata sa panahon ng sakuna. Hindi man sila nagbubukas ng
kanilang bibig, alam kong marami silang tanong na nakalutang sa hangin at nakasulat sa tubig.
Pero hindi para sa akin ang pagsagot dito. Gusto ko lang silang samahan at pakinggan, at
iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa sa karanasang ito.
Sabi ng isa kong kakilala, “may pambihirang spirit daw sa loob ng bawat nilalang, bata
man o matanda, na di kayang buwaginng kahit anong sakuna. Na kahit daanan pa natin ang
pinakamatinding trahedya, mananatili itongdi natitinag.”Sa mga nagdaang araw na inilagi ko sa
Quezon, nararamdaman ko ang sinasabing spirit na ito ng mga bata. Ito siguro ang dahilan kung
bakit sa lahat ng panahon, sa kahit anong sakuna, maraming bata ang nakaligtas mula rito. Muli
silang nakakaigpaw, muling nagpapanibagong-sigla.
Mula sa mga batang napiit sa concentration camp sa Terezin, hanggang sa mga batang
nasa gitna ng digmaan sa Afghanistan, at hanggang sa mga batang dumanas ng landslide sa
Quezon, ang mga bata ng sanglibutan ay hindi kaagad-agad sumusuko.
Taglay nia ang kpangyarihan na makabangon at malampasan ang mga trahedyang ito ng
sangkatauhan.
Suson-Susong Suso
Ni: Jing Panganiban Mendoza
Booba ang bansag sa akin ng aking mga kaibigan at kabiruan, hindi dahil boba ako at
lalong hindi dahil pulpol akong detektib o superhero tulad ng karakter ni Rufa Mae Quinto sa
pelikulang bumulabog sa takilya at sa tahimik kong mundo. Hindi rin naman masasabing
kamukha ko ang hubaderang naging komedyante (laking pasalamat ko lang kung ganoon ang
kaso), kahit ilang umaga ko ang napeste ng pagsasabi ng guwardiya sa tinutuluyang paupahan na
naaalala niya ang aktres tuwing nakikita niya ako. Hindi ko siya masisi. Hindi maikakailang
pareho kami ng aktres na "masikip sa dibdib." Sa madaling salita, malaki ang suso.
Kung mata ang kay Elizabeth Taylor at ilong ang kay Panchito, suso ang pinakapansining
bahagi ng katawan ko. Sabi ng isang kaibigang palabiro, nasa dulo pa lang ako ng pasilyo, tanaw
na niyang ako ang paparating kapag naaninag niya ang aking harapan. Lalong prominente ito
kapag malapitan. Hindi iilang ulit akong nakahuli ng taong nakatingin sa aking dibdib. Iba't
ibang istilo: may palinga-linga, may panakaw kung sumulyap, at mayroon din namang walang
pagtatangkang pagtakpan ang pagkakapako ng mga mata. Noong una, naiilang ako at naiinis.
Nababastusan ako pero hindi ako makapalag. Natatakot manita dahil baka lalo lang akong
mabastos. Pero may mga pagkakataong halos mapagot ang aking pisi sa pagngingitngit tuwing
may mga lalaking akala mo noon lang nakakita ng suso sa buong buhay nila. Minsan, sa MRT,
may isang patpating de-kuwelyo ang siksik nang siksik sa akin at ngingisi-ngisi habang patingin-
tingin sa aking dibdib. Sa loob-loob ko, kung magkakamali ang palitong tsansingan ako,
isusubsob ko siya sa suso ko sabay sigaw ng "Ayan, magpakasawa ka, manyak!" bago ko tuhurin
ang kanyang bayag.
Maaga akong pinamuklan. Nasa ikatlong baitang pa lang ako nang sumibol ang mga
bayabas sa patag kong harapan. Naglalaro kami ng chinese garter ng mga kaibigan ko nang
punahin ng nanay ng kalaro ko ang pagbabago sa aking katawan. Naiinggit siya dahil naunahan
ko pa raw ang anak niyang mas matanda sa akin ng dalawang taon pero patag na patag pa ang
kaha na akala mo lalaki. Ibinili ako ng nanay ko ng malalambot na sandong isinusuot ko sa ilalim
ng aking pang-itaas. "Lumalaki ka na, kailangan mo nang magsando para hindi bumakat ang
suso mo sa damit mo," paliwanag ng aking ina. Isang taon lang ang nagdaan, ipinamigay na sa
mga pinsan ko ang mga sandong iyon. Pinalitan ito ng nanay ko ng sandong butas-butas ang tela
at hugis-bra ang gawing itaas. Dalaginding na raw ako, at ito ang nababagay na pang-ilalim para
maitago ang tumutubo kong suso.
Lihim kong kinaiinis noon sa aking ina ang pagbanggit niya sa salitang "suso." Bastos.
Naeeskandalo ako. Katulad din ng pagkakaeskandalo ko noong ipamalita ng aking kaklaseng
lalaki sa ikalimangbaitang na naka-bra na ako. Sabi-sabi noon na malalandi ang nagbabra habang
nasa elementary pa. Kapag nag-bra raw, gusto nang magpaligaw ng babae. Sa galit ko, kinabog
ko ng kamao ang likod ng tsismoso. Hindi ako malandi. Ang nanay ko ang nagpasyang
kailangan ko nang magsuot ng bra at hindi ako.
Ang nanay ko ang bumili ng mga bra dahil kailangan ko na raw ito para suportahan ang
lumalaki kong suso. Size 32A ang kinuha ni nanay sa tindera ng Avon. Iba't iba ang kulay at
disenyo ng mga inorder ng aking ina: may kulay rosas na may guhit na mga bulaklak, may kulay
puti na may disenyong maliliit na tuldok, at mayroon ring kakulay ng aking balat na may laso sa
pagitan ng dalawang cups. Nang dalhin ng Avon Lady ang mga bra, nagkulong ako sa kuwarto
ko kinagabihan. Nang matiyak kong tulog na ang lahat, isa-isa kong isinukat ang mga bra at
sinipat ang katawan ko sa harap ng salamin nang walang pang-itaas kundi ang kakapiranggot na
telang tumatakip sa aking mga suso. Masikip ang pakiramdam, mahigpit sa gawing dibdib.
Mainit at makati rin ang telang nakakapit sa aking katawan. Halos isang buwan akong kamot
nang kamot sa tagiliran at sa aking suso kapag walang nakakikita dahil sa paninibago sa
estrangherong panloob bago nakasanayan itong isuot.
Hindi nasulit ang unang dosena ng bra na iyon. Pagkatapos lang ng isang taon, masikip
na ito para sa aking dibdib. Pagtuntong ko sa mataas na paaralan, 34B na ang sukat ko.
Mapapalitan ito ng mga brang sukat 36A pagsapit ng huling taon ko sa high school, hanggang
lumobo pa ito sa kasalukuyang 36C o 38B, depende sa klase ng bra.
Puro kami babae sa mataas na paaralan kaya hindi naging isyu ang suso. Walang pinupuri
dahil sa mayamang hinaharap katulad ng wala ring pumapansin sa mahahabang biyas at hita.
Ginagawa pa ngang biruan ng ilan ang hipuan ng suso na madalas mauwi sa pikunan. May iilang
tinutukso ng mga alaskadora dahil sa sobrang laki ng dyoga. Madalas, mga maliliit na babae ang
mga ito na nahuhukot dahil sa bigat ng kanilang "dinadala". Napagdidiskitahan sila dahil bukod
sa alangan sa edad namin ang yaman ng dibdib, lalong nagiging pansinin ang laki ng kanilang
suso dahil sa kakapusan sa tangkad. "Napunta sa boobs ang sustansya kaya hindi na lumaki,"
pang-inis sa kanila.
May dahilan para matakot akong lumawlaw ang aking suso. Bata pa ako, sari-saring
jokes na ang naririnig ko kung saan ginagawang katatawanan ang mga babaeng malalaki ang
suso. Pinakakinatatakutan ko ang tungkol sa paliligo, kung saan iminomonstra ng mga kalaro ko
kung paano maligo ang isang babaeng malaki ang suso. Paramakapaghilod ng mabuti, isasampay
ng kaliwang kamay ang kanang suso sa balikat para makaskas ang libag na namuo sa hugpungan
ng suso at katawan. Pagkatapos banlawan, tatanggalin sa pagkakasampay ng suso sa balikat
gamit ang kanang kamay, na para bang tuwalya lamang ang ginagalaw. Uulitin ang gawaing ito
sa kabilang suso para matanggal ang "kookoorikaboo," ang tawag sa libag na naipon sa ilalim ng
malalaking suso. Pinatiim ang takot ko ng pagkakaalala ng laylay na suso ng aking lola na
kasabay kong maligo noong bata pa ako. Karaniwang tao ang lola ko, maliit lang ang kaha ng
katawan, at hindi naman kalakihan ang suso. Pero sa kanyang edad, laylay ang kanyang dating
palalong bundok, katulad ng laman sa kanyang braso at hita. Kapag idinagdag pa rito ang imahen
ng isang babaeng lagpas sa beywang ang nakalambiting suso, hindi ko miminsang madasal na
sana tumigil na sa paglaki ang aking dibdib, o kung maaari, umimpis na lang ito at maging maliit
para hindi maging takaw-pansin.
Kapintasan para sa aking ina ang pagkakaroon ng malaking suso. Tuwing namimili kami
ng damit, ayaw na ayaw niya ng kasuotang humahapit sa aking dibdib. "Pangit, napakalaking
tingnan ng suso mo! Mukha kang nagpapadede ng sanggol!" Ito ang tingin niya sa mga babaeng
mayayaman ang dibdib. Mukhang bagong panganak na may pasusuhin. Losyang. Minsan man,
hindi ako nakarinig ng magandang bagay mula sa bibig ng aking ina tungkol sa suso. Sa halip,
tinuruan niya akong pipiin ang aking suso sa ilalim ng mga brang sakop ang halos buong dibdib
at maluluwang na blusa.
Dahil sa aking liga ng tagapayo, binasag ko ang aking alkansya at bumili ng mga bagong
damit sa unang pagkakataon. Buong buhay ko, isinusuot ko lang kung ano ang binibili ng nanay
ko dahil siya ang nakaaalam ng bagay sa akin. Pumili ako ng ilang blusang naaayon sa
preskripsiyon ng mga doktor ng moda at isinuot ito sa paaralan. Noong una, ilang na ilang ako sa
aking sariling balat. Panay hila ko sa aking blusa para tumaas nang kaunti ang neckline. "Ateng,
V-cut ang blouse mo, hindi turtle neck," pagtataray sa akin ng mga kaibigang bakla na
humahampas sa kamay ko kapag ginugulo ko ang aking blusa o kapag humuhukot ako para hindi
gaanong mahalata ang aking dibdib. Kalaunan, nakasanayan ko na rin ang aking bagong istilo ng
pananamit, lalo pa't pinalalakas ang loob ko ng mga bati ng mga kakilala at kaibigan na
pumupunang "blooming" ako. Minsan, isang bading ang nagtanong sa akin kung nagpalagay ako
ng silicone sa suso dahil bigla raw ang aking transpormasyon. Pinahiga niya ako sa isang bench,
at nang sumunod ang dibdib ko sa galaw ng aking likod, napabulalas siyang "Walang himala!
Totoo at hindi retokada ang dyoga!"
May mga pakinabang na kakabit ang pagkakaroon ng malulusog na suso. Alas ito sa
pananamit. Maganda ang lapat ng bestida sa katawan ko, lalo na ang ng mga pormal na gown
dahil nalalamanan ko ang espasyong nakalaan para sa dibdib. Kapag nagsusuot ako ng tank top,
tube, o blusang may spaghetti straps, hindi ko kailangang mapraning kung nililingon ba ako ng
nakakasalubong sa escalator para tiyakin kung babae ako o bakla. Naisasalba rin ako ng aking
bumper sa kalansay o waif fashion. Hindi ko kailangang gutumin ang sarili ko para humumpak
ang pisngi at mangayayat ng mala-Palito para lang magkahubog ang katawan. Binibigyan ako ng
aking suso ng lisensiyang magdagdag ng timbang, dahil kahit bumigat ako kaysa sa karaniwan,
itinuturing pa rin akong voluptuous at malaman. Magsuot lang ako ng damit na may plunging
neckline, presto! Wala na sa bilbil ang atensiyon ng mata kundi nasa kaaya-ayang sumisilip sa
itaas ng aking blusa. Kung nagkataong flat-chested ako, walang aberyang mataba ang magiging
deskripsiyon sa akin, at kung nuno pa sa pamimintas ang tumatawag, baka bansagan pa akong
lumba-lumba.
Hindi rin birong salapi, panahon, at tiyaga ang inuubos ng mga babae sa mga produkto
tulad ng breast massager na nakapagpapalaki umano ng suso sa pamamagitan ng electronic
vibrations na ipinadadala ng silicon caps na nakakabit sa mga elektrikal na kawad. Hindi
nalalayo rito ang silicone gels at enlarging creams na ipinapahid para lumaki ang suso. Maging
ang kulay ng utong at ng aureola ay nagiging alalahanin ng mga kapitalistang gumagawa at
nagbibili ng mga areola cream na naglalayong gawing mala-rosas ang may kulay na bahagi ng
suso. Di tulad ng mga pampalaki ng ari ng lalaki na patago o hindi hayagan ang pagbebenta,
inilalako ang mga naturang gamit sa pagpapaganda ng suso sa cable sa telebisyon. Umakyat ang
dugo sa bumbunan ko nang makita kong nilalamutak ng pamangkin kong aanim na taong gulang
ang pitis na pitis pa niyang dibdib. Nang tanungin ko kung bakit, bahagi lang daw ng paglalaro
ang paggaya sa babaeng singkit na napanood sa telebisyon. Nadaanan marahil nito sa paglilipat
ng istasyon papuntang Cartoon Network ang patalastas na kinatatampukan ng mga modelong
Koreana at Intsik na lumalamas sa kanilang suso para imonstra ang paggamit ng ibinebentang
produkto.
Mainam kung may ganoong paninindigan ang lahat ng doktor. Ang kaso, parang
kabuteng nagsulputan na ang mga cosmetic center, ni hindi nga tiyak kung doktor nga ba ang
lahat ng nagsasagawa ng mga operasyon. Hindi iilan ang kaso kung saan napatunayang dating
assistant lang pala ng doktor ang humahawak sa maselang proseso ng paglalagay ng breast
implant. Gayon din, gaano kasigurado na sinasabi nga ng pasyente ang totoo nilang motibasyon?
Napakadaling sabihing kaganapang pansarili ang dahilan (napakapang-Miss Universe) ng
pagpapalaki ng suso, kahit na sa likod ng ulo niya ay ang asawang nangangaliwa ang hahalinahin
kaya magdaraan sa patalim.
Kahit hindi ako aktibista o anti-imperyalista, wala akong ibang maisip sisihin kundi ang
mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Kung pagbabatayan ang mga antropolohikal na pag-aaral
sa mga katutubong Pilipino, makikitang walang damit-pang-itaas ang mga babae sa maraming
tribo na nangangahulugang walang takip ang suso at maaaring makita ng lahat. Sa kontekstong
ito, walang libog na binubuhay ang mayamang dibdib sa kalalakihan, katulad ng walang init na
pinupukaw ang pisngi ng puwit na pinakaaabangan sa mga lalaking artista sa mga pelikulang
bomba. Ang isang diyosa ng mga Manobo at Bagobo, si Mebuyan, ay isang diyosang may
napakaraming suso na nagpapala ng gatas sa mga sanggol na hindi pinalad na mabuhay sa
mundo. Kapanatagan at kaginhawaan ang dulot ng kanyang suson-susong suso sa mga sanggol
sa kabilang daigdig. Walang pagnanasa ng lamang tinatawag ang yaman ng dibdib sa daigdig ng
mga katutubo. Tanging pagkalinga at pagmamahal ang katumbas ng nakaumbok na laman sa
dibdib ng babae. Pumasok lang sa bayan natin ang petisismo sa suso nang dumating puwersang
kolonyal. Kung walang maaaninag na malisya sa suso sa ating mga katutubo, sa Kanlurang
dumidiyos sa mga katulad ni Dolly Parton at Ann Nicole Smith (na 42 D ang ga-lobong dyoga)
nagmula ang seksuwal na pagpapahalaga sa bahaging ito ng katawan ng babae.
Kung surreal ang dating ng anim na suso, isang realistikong trahedya naman ang
pagbabawas sa karaniwang bilang na dalawa. Isang hilamos ng malamig na tubig ang
pagkakatanggal ng isang suso ng aking ate dahil sa malubhang kanser sa suso. Isang taon na pala
siyang may nakakapang bukol sa kanyang dibdib pero hindi niya ito inilapit kaagad sa
espesyalista. Minsang pinasalat niya sa kanyang gynecologist, sinabing baka dahil lang sa
contraceptive pills na iniinom niya kaya ipinagsawalang-bahala na. Nang idulog niya sa isang
bihasang manggagamot ang kaso dahil hindi na matiis ang sakit, nalamang malignant at
cancerous ang lamang namuo sa dibdib niya. Kailangang operahan kaagad. At upang maisalba
ang buong katawan, hindi lang ang bukol ang kailangang alisin. Damay ang kaliwang suso na
pinamuklan ng nakamamatay na laman.
Kitang-kita ko ang takot sa mukha ng ate ko noong hapon pagkagaling ng check-up niya
sa ospital. Bukod sa alalahaning gastos, pamilya, at iniindang sakit, alam kong niyanig siya ng
napipintong pagtatanggal ng kanyang suso. Dalaga pa ang ate ko, pansinin na ang dibdib niyang
alanganin ang proporsiyon sa kanyang halos limang talampakan lamang na tangkad. Malusog at
mapipintog ang mga iyon, at tinukso pa ngang papaya. Mutilasyon, isang pagkitil at pagbabawas
ang magaganap. Tatabasing parang tela o laylay na sinulid ang kanyang suso. Higit sa sugat ng
katawan, iniinda ng ate ko ang iniisip niyang kabawasan sa kanyang pagkababae. Sa mga oras ng
desperasyon, naisip niya ang asawang bata at matikas pa: paano pa niya pag-aalabin ang kamang
pinagsasaluhan nila kung wala na siyang suso? Kung natutuksong mangaliwa ang ibang lalaking
may magaganda at buong asawa, paano pa ang sa kanyang tabingi na ang dibdib dahil tapyas ang
isa? Buong buhay niyang pinangarap ang isang buo at masayang pamilya dahil lumaki siya sa
kalinga ng kapatid ng kanyang ina. Katuparan ng pangarap na pinagsumikapan ang magandang
samahan nilang mag-asawa at ang malulusog at mababait nilang anak. Paano kung kasamang
matanggal ng suso ang tibay ng kanyang pamilya? May anim na buwang chemotherapy pa siya
pagkatapos. Lalagasin ng gamot ang buhok at tutuyuin ang katawan. Saan huhugutin ang
kumpiyansa at paniniwala sa sarili sa mga sandaling katulad nito? Sa huli, nanaig ang pagiging
ina ni ate. Pumayag siyang tanggalin ang kanyang suso. Kahit pa nga pareho na lang, para raw
isang operasyon na lang. "Apat ang anak ko. Tatatlong taon pa lang ang bunso ko. Napadede ko
na silang lahat. Mas kailangan nila ako ngayon kaysa ang suso ko," aniya habang namamalisbis
ang luha.
Magtatatlong taon na mula noong isagawa ang mastectomy ni ate. Mag-iisang taon nang
tapos ang chemotherapy niya at patuloy pa rin ang kanyang medikasyon para sugpuin ang cancer
cells sa kanyang katawan. Hilom na ang mapulang pilat sa dating kinalalagyan ng kanyang suso.
"Kung nagpatalo ako sa depresyon o banidad sa pagdedesisyon ko sa operasyon, baka hindi ko
na kapiling ang pamilya ko ngayon," pagbabalik-tanaw niya. Sa halip na makasira sa kanilang
pagsasamang mag-asawa gaya ng kinatakutan niya, naging paraan ang pagtatanggal ng kanyang
suso para mapalalim at mapatatag ang relasyon nilang mag-asawa. Higit kailanman, ngayon niya
napatunayang wala sa dibdib ang pagmamahal sa kanya ng asawa kundi nasa puso, at hindi ito
mawawala kasama ng kanyang alindog o kabataan. Ilang buwan pa lamang ang nakararaan,
natuklasang may bukol na rin ang natitirang suso ni Ate. Maaaring tanggalin rin ito sa hinaharap
kapag kinailangan na pero wala na ang pangamba sa dibdib ni Ate sakaling sumapit ang araw na
iyon.
Iniisip ko kung ano ang magiging pagtanggap ng mga babaeng ipinagdaramot ang
kanilang suso sa sariling supling sakaling biruin sila ng pagkakataon tulad ng nangyari kay ate.
Tinutukoy ko ang mga inang ayaw magpasuso ng kanilang sanggol dahil sa alalahaning lumaki
ang utong at aureola at lumaylay ang suso. Lalong nakabubuwisit ang mga lalaking pinipigil ang
kanilang esposang magpadede ng sariling anak sa takot na lumawlaw ang suso ng asawa at
malosyang nang husto. Kahit pa ala-Jennifer Lopez na nakaseguro ang puwitan, hindi ko
maunawaan ang pagkakait ng mga ina sa kanilang anak ng nararapat na gamit ng bahaging ito ng
katawan. Sa pangalang-pangalan pa lamang, mammary glands ang suso, para sa pagbabahagi ng
gatas sa supling. Ano't may ilang nagagawang ipagdamot sa sanggol ang kinakailangang
sustansiya mula sa gatas ng ina sa ngalan ng kagandahan at kariktan? Sa akin, walang pinagkaiba
ang ganitong mga babae sa kinamumuhiang mga lalaking nasa pundilyo ang pag-iisip.
Aaminin kong malaki ang pasasalamat kong biniyayaan ako ng pares ng malulusog na
suso. Ipinagpapasalamat ko ang maraming pagkakataong nakalulusot ako sa alanganin tuwing
nagkakatotoo ang kasabihang lumiliit ang utak ng lalaki habang lumalaki ang boobs na
nakakaharap. Gayon pa man, hindi magiging kabawasan sa aking pagkatao at pagkababae kung
nagkataong 32A ang ipinagkaloob sa aking dibdib. Flat-chested ang idolo kong si Audrey
Hepburn na nagningning ang ganda sa panahong malaman at makurba ang ideyal na katawan ng
babae. Halos diyosin ng mga fashionista ang modelong si Kate Moss at ang aktres na si Gwyneth
Paltrow. Ang dalawang pinakasikat na artista sa bansa, si Judy Ann Santos at Jolina Magdangal,
ay kapwa walang dibdib na nag-uumapaw subalit nasapawan nila ang mga lulubog-lilitaw na
sexy stars. Walang boobs ang mga balerina subalit kay ririkit at aalindog nila. Sa gitna ng
susosentrismo sa panahong ito, mapanganib maipagkamali ang suso bilang sisidlan ng
kaganapan bilang tao at babae. Boobs, dyoga, bumper, hinaharap, dinadala, boobey, bubas, o sa
anumang pangalan, walang pinagkaiba ang suso sa siko, mata, leeg, bibig, daliri, o talampakan.
Isa lamang itong bahagi na may ispesipikong gamit sa kabuuan ng katawan, at hindi batayan ng
pagkatao at halaga katulad ng isinusulong ng hibang nating lipunan.
Isinusulat ko ito habang hinihintay ko ang kaganapang inaasam ko para sa aking mga
suso. Ilang buwan mula sa sandaling tinitipa ko ang sanaysay na ito, mamimigat ang lamang
nagpapalalo sa aking harapan. Marahil mahihila ito ng puwersa ng grabidad at lalaylay sa bigat.
Hindi ko kinatatakutan ang sandaling iyon. Pinananabikan ko ang pagkapuno ng aking mga suso
ng gatas. Tulad ni Mebuyan, babalong sa aking dibdib ang suson-susong pagsinta at pagpapala
para sa sanggol na kakalingain ng aking suso, ang pinakamamahal kong anak.
Ang Pinakamagandang Pamato sa Larong Piko
Ni: Jason Renz D. Barrios
Batang-kalye man kung tawagin, hindi ko iyon ikinahihiya dahil masaya kaya maging
isang batang kalye. Biruin mo sa iyong pang-araw-araw na paglalaro ay hindi lang tuwa ang
iyong madarama pati na rin ang aksyon sa pakikipagpatintero sa mga dumadaang
pampasaherong sasakyan. Kung may isang pinakapaborito akong laro noon, ang piko na iyon,
sunod lang ang luksong bakang paborito naman ng kapatid ko at tagu-taguang palaging ako ang
nagiging taya, marahil dahil mahilig akong gumuhit ng mga hugis at larawan. Sa bawat
pagkaskas kasi ng bato sa sementadong daan, nakalilikha ako ng isang panibagong mundo mula
sa aking imahinasyon. Naaalala ko nga noong minsang napagalitan ako ni inay dahil ginabi na ko
ng uwi matapos lang yung laro namin ng piko, isang linggo din akong hindi pinalabas ng bahay
at kinulong sa kwarto noon para magtanda. Isa pa sa masayang parte ng piko ay ang paghahanap
ng magandang pamato, maaari itong maliit na bato mula sa construction site na katabi ng
tindahan ni Mang Greg o parte ng basag na pinggan o ‘di naman ay bote. Sa totoo lang di ko
alam kung ano ang pinakamagandang pamato sa paglalaro ng piko. Minsan tama lang dapat ang
bigat, minsan naman dapat hindi gaanong kalakihan. May mga pagkakataon na maganda yung
makinis at malambot sa balat.
Maswerte nga raw ako ayon sa aking ama dahil nagawa kong maranasan ang lahat ng
ito noong bata ako bago tuluyang maging uso ang teknolohiya, hindi tulad ng mga bata ngayon
na hindi mo na makikitang lumalabas ng mga bahay dahil buong araw na lang nakatutok sa mga
computer nila. Wala na rin akong nasisilayang mga magkakaibigang paslit na naglalaro doon sa
dati naming tambayan, tindahan na lamang ni Mang Greg ang nananatiling matibay sa lugar.
Wala na ring mga kaskas ng bato sa sementadong daan. Malaki na nga ang naging sakop ng
teknolohiya kumpara noong bata pa ako. Ngayon, marami nang bago, iba’t iba na ang nauuso.
Hindi na ang mga larong kalyeng kinahumalingan ko ang nagiging pampalipas oras ng mga bata
ngayon, napalitan na ito ng internet.
Hindi maitatangi ang pagiging malaking parte ng internet sa ating buhay ngayon, dahil
dito nagiging mas kawili-wili ang mga pang-araw-araw nating gawain. Sa pamamagitan nang
isang simpleng click lamang ay nagagawa nating maipahayag ang nilalaman ng ating isipan. Isa
na ang Social Media sa mga naging pinakapatok na bunga nang pag-usbong ng internet, sa
kadahilanang bumubuo ito ng koneksyon sa bawat isa magkaiba man ang lugar na pinagmulan,
lumilikha ito ng tulay upang makakilala ng mga indibidwal na pwede nating matawag na
kaibigan at higit sa lahat nagsisilbi itong daan upang makamit natin ang ating mga pansariling
kaligayahan. Sa katunayan humigit kumulang 40 milyong Pilipino na nga ang may sariling social
media accounts ayon sa pinakabagong estatistika, kaya hindi na kataka-takang tinagurian ang
Pilipinas bilang isa sa pinaka-aktibong bansa pagdating sa paggamit ng internet. At ako mismo
aminadong hindi nakatakas dito, eh sino ba sa panahon ngayon ang wala pang Facebook o kaya
naman ay Twitter? Halos lahat na ata ng kilala ko ay meron at karamihan sa kanila ay kabataan
rin na tulad ko.
Napakalawak ng social media. Isa itong freedom wall na kung saan ang lahat ay may
kakayahang ipahayag ang kani-kaniyang naiisip nang walang humahadlang. Isang pampublikong
talaarawan ng bawat tao, kung saan ang bawat kaganapan kahit ang simpleng paghinga ay
ibinabahagi rito. Isa rin itong tanghalan ng mga litrato na repleksyon ng kalagayan sa
kasalukuyan. Pero sa gitna ng magagandang benepisyo nito sa kabataan, isa rin ito sa malalaking
rason na pumipigil sa kanila upang higit na makilala ang sarili.
2,645 friends sa Facebook, 525 followers sa Twitter, 5,021 na tagasubaybay sa tumblr at
409 na tagasunod sa Instagram. Iyan ang mga numerong araw-araw kong tinitignan sa pagmulat
ko pa lamang ng dalawa kong mga mata. Mga numerong patuloy na nadaragdagan sa paglipas ng
oras. Naging parte na ng sistema ko ang minu-minutong pagtingin kung may dumadagdag ba sa
bilang ng mga ito o kung ‘di naman ay may bagong notification akong matatanggap. Alam kong
hindi lang ako ang naging ganito na ang pamumuhay. Paniguradong marami sa kabataan ngayon
ang maiintindihan ang mga pinagdaraanan ko.
Ang mundo ng social media ay isa ring napakalaking kompetisyon ng iba’t ibang
indibidwal kung saan ang mga sumusunod sa kung ano ang uso ay siyang umaangat, at ang
tumataliwas ay napag-iiwanan. Nagtatakda ito ng limitasyon sa isipan ng kung ano lamang ang
mga dapat gawin. Marami sa mga kabataan ngayon ang inaayon ang paraan ng pamumuhay sa
kung ano ang trending sa world wide web dahil dito naisasantabi na nila ang kanilang mga tunay
na potensiyal at kakayahan. Kung ano lang kasi ang maganda para sa nakararami ayon lamang
ang nagiging katanggap-tanggap.
Aaminin ko kabilang rin ako sa malaking porsyento ng kabataan ngayon na mas madalas
pang nakatingin sa Facebook, kaysa sa totoong mga libro. Sa dami ba naman ng magagandang
pangako nitong hatid, sinong hindi maeengganiyo? Dito pwede ka maging kahit sino mang
gustuhin mo nang walang nakakaalam, maaari kang sumigaw nang hindi napapaos at hinahayaan
ka nitong makipagsalamuha sa iba nang hindi kinakailangang umalis ng tahanan. Ngunit may
isang bagay akong napansin sa lampas sampung oras kong pag-oonline at pagkukulong sa aking
silid linggo-linggo tulad ng parusa ni inay noong minsang ginabi ako ng uwi kakalaro ng piko, at
iyon ay ang pakiramdam ng hindi pagiging sapat. Ayon sa kanila meron akong kalayaan sa
internet, ngunit bakit pakiramdam ko isa akong ibong nasa kulungan, isang alipin ng mga salita
ng iba. Kausap ko nga ang lahat ng tao sa mundo, ngunit kapag lumingon ako sa paligid mag-isa
pa rin ako sa aking kwarto naghihintay ng pagsang-ayon mula sa iba. Pinagmamasdan ko ang
pagdami ng mga numero at pagdagdag sa bilang ng mga kamay na nakataas ang hinlalaki
simbolo ng pag-apruba. Hindi na ako masaya dahil hindi ko pa rin magawang mahigitan ang iba.
Sa bawat pag-scroll ko pababa, inggit ang nadarama, inggit sa mga bagay na meron sila. Gusto
ko rin maging katulad nila.
Sa aking palagay bilang kabataan, nababago ng social media ang pagtingin natin sa ating
mga sarili base sa kung paano tayo tinitignan ng mga taong ating inuugnayan dito. Dahil sa
pagiging desperado sa atensyon at pagtanggap mula sa iba, hinahayaan na lamang ng kabataan
na depinihin sila ng mga bagay na nakikita nila sa internet. Ngunit ang tanong, gaano ba
karaming likes ang kakailanganin upang mapatunayan natin sa ating mga sarili at mapagtanto na
hindi dito nasusukat ang ating pagkatao?
Sa totoo lang hanggang ngayon patuloy ko pa ring hinahanap kung ano ang
pinakamagandang pamato sa paborito kong larong piko tulad ng paghahanap ko sa aking sarili.
Siguro wala naman talagang pinakamagandang pamato, dahil hindi naman talaga iyon ang
mahalaga. Kahit maging isang maliit na bato man ito o parte ng basag na pinggan o di naman ay
bote. Magaan man o mabigat. Malaki man o maliit. Magaspang man o makinis. Nasa paraan pa
rin ng paglalaro kung paano tayo mananalo katulad ng buhay ng tao, hindi mahalaga kung ano ka
pa o saan ka nagmula, hindi importante ang idinidikta ng iba, nasa kung paano mo haharapin ang
buhay nang matatag at maligaya.
Ika nga ni Simon Tam, isang pamosong musikero at manunulat “Ang pagiging kakaiba
mo ang iyong pinakamatinding kalakasan, hindi kung gaano mo kahusay tularan ang iba.” Kaya
naman hindi masamang paminsan-minsan ay mag-log-out muna tayo at lisanin ang magulong
dimensyon ng social media, at muling balikan ang mga bagay na tunay na sa atin ay nagpapasaya
dahil hindi natin sa internet makikita ang kasagutan sa tanong na “Sino ba ang talaga ang totoong
ako?” kung hindi sa ginagalawan nating tunay at makulay na mundo.
Sina Bunso at ang mga Batang Preso
Ni: Mark Gil M. Caparros
Nakakatamad.
Kamot sa ulo, kunot noo, hikab nang bahagya, singhot dito, sipat sa malayo, buntong
hinga
nang malalim at marami pang paulitulit na ritwal ang senyales na nagpapakita ng kawalan ko ng
interes sa mga bagaybagay. Mahigit apat na taon na ako sa Pamantasan ng Pilipinas (UP) at inip
na inip nang tanggapin ang pinaka aasamasam na diploma. Isama pa ang katakottakot
nanakalinyang gawain sa iniiwasan kong pakitangturo sa kulungan ng mga batang preso na
bahagi
ng aking praktikum bilang isang guro sa kursong Special Education.
Ang aking gagawin kasama ang mga menor de edad na bilanggo?
Kumain, matulog, makipagasaran,magguhit kung ilang araw pa ang ipamamalagi sa
kulungan, magbasa ng komiks, magsulat sa pader, magmasid sa trip ng mga presong kabataan
dapat lang ay bigyan ko sila ng mga gawain na kapakipakinabang. Nakakatamad pa ring gawin
ngunit pipilitin ang sarili pagkat alam kong ito naman ay may kabuluhan.
Kinakabahang manatili sa loob at makulong?
Natatakot na mapagtripan, excited sa panibagong karanasan, bahagya ring
napipilitan,kinukumbinsi ang sarili na makakatagpo ng kaaliwan sa mga batang preso na
matuturuan.
Unang araw sa piitan.
Tumatagaktak ang malagkit na pawis sa aking buong katawan. Nabibingi ako sa kanilang
pagkalampag sa rehas na bakal at sa dumadagundong nilang hiyawan. Ang mga karanasan at
eksenang sa mga liham ng bilanggo sa isang pitak ng tabloid ko lang dati nababasa ay ganap ko
nang nararamdaman.
Buhay sa loob.
Ang katamaran ko ay bahagya nang nabawasan dahil sa panibago na namang karanasan.
Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko sa unang araw ko sa Molave. Saya pagkat alam
kong marami akong bagay matutunan mula sa kanila at marami rin naman ang nakapiit na aking
matutulungan. Bahagyang kaba rin ang kumakabog sa aking dibdib. Marahil ay natural lamang
ito dahil hindi ko alam ang maaaring mangyari sa mahigit anim na oras bawat araw na pananatili
ko sa kulungan.
Matatagpuan sa likod ng Quezon City Hall ang Molave Youth Home, ang kanlungan ng
mga kabataang naligaw raw diumano ng landas sa lungsod ng Quezon. Nakikisilong ito sa
ikalawang palapag ng gusali ng DSWD. Bago makarating sa makipot na hagdan ng tanggapan,
arawarawko ng ritwal ang pagpapakapkap at pagpapasiyasat sa mga security escorts. Maliban sa
ibang bansag at uniporme ay katulad din sila ng tipikal na mga jail guards. Sa halip na ang
karaniwang suot ng mga bantay ay nakapostura sila ng malamlam na asul na polo, itim na
pantalon
at kumikinang na sapatos. Nalaman ko na ito raw ay upang mabawasan ang impresyon ng mga
bata na sila ay nasa kulungan.
Sa pagsisimula ng aking praktikum ay isinaulo ko muna ang mga batas sa loob na dapat
kong sundin. Bawal magbigay ng mga matatalim na bagay tulad ng bolpen at gunting maliban
kung kailangan sa klase at titiyakin na maibabalik din pagkatapos. Hindi rin sila maaaring
gumamit ng sipilyo nang magisa dahil maaari raw itong ipanaksak at makapatay ng tao. Marami
pang ibang bilin si Gng. Cayco, tagapangasiwa ng Molave na maingat ko namang isinama sa
aking mahabang listahan. Upang ganap raw akong mabinyagan bilang isang tunay na
tagaMolave, kinain ko (habang nakapikit) ang inihain sa akin na palakang bukid at salagubang
na mula pa sa malayong probinsya ng Cagayan. Kahit hindi nakakatakam sa aking pihikang
panlasa ay sinaid ko ito upang mapatibay ang sikmura bilang paghahanda sa iba ko pang
mararanasan.
Habang binubuksan ng nakatalagang security escort ang naglalakihang mga kandado
patungo sa pasilyo ay untiunti ko na silang nasilayan. May batang nakahubad at nagkakamot pa
ng kanyang galising mga binti. Ang isa naman ay nanlilimahid na dahil sa kakulangan ng
maayos na ligo. May ilan naman na halata kong bagong ligo at tila handanghanda na sa
pagpasok. Lahat
ng bata sa loob ay nakasuot ng putáng (tawag sa madungis na puti) tshirt bilang kanilang
pagkakakilanlan.
Isaisa ko na ring nakilala ang mga gurong nakatalaga sa bawat klase. Si Gng. Gonzales
namahilig umindak at umawit habang nagpapalaro sa mga eskwela. Ang bigay na bigay ang mga
emosyon sa pagkukwento sa klase na si Gng. Ballon. Ang masayahin at hindi nauubusan ng
kwento na si Gng. Vargas. At gayundin ang katuwang kong guro sa hayskul na hindi
matatawaran ang galing sa Matematika na si Gng. Cuevas. Silang tatlo ay pawang mga guro ng
Jose Fabella Memorial School at naatasan ng Kagawaran ng Edukasyon na magbigay ng
alternatibong mga kaalaman sa mga nakapiit na kabataan.
Mahirap malaman kung ilan ang eksaktong bilang ng mga paslit na naninirahan sa
Molave.
May araw na 120 ang mga lalaki at 10 lamang ang mga babae. Pabagobago ang mga datos na ito
pagkat marami ang nadaragdag bawat araw samantalang ang ilan naman ay tuluyan nang
nakakalaya. Karamihan sa mga batang nakilala ko ay may gulang na 10 hanggang 17. Ang
katotohanang ito ay tila nakakaalarma dahil sa pabata nang pabata ang mga nakakasalamuha ko
paglipas ng mga araw.
Hindi magkamayaw ang mga bago kong kaibigan nang ipasyal nila ako sa kanilang
pansamantalang tahanan. Humigit kumulang ay anim ang nakita kong selda. Ang mga
socialworker ang nagtatalaga kung saang silid sila mapapabilang. Karaniwang pinagbabatayan
ang edad at kaso na kinasasangkutan. Nasa bungad ng mga silid ang isang pasilyo na
pinagdarausan ng mga pang arawaraw na programa tulad ng 3 o'clock habit, siesta pagkatapos
ng pananghalian at maging ang mga pagtatanghal tuwing may mga pagdiriwang. Matatanaw
naman sa pasilyo ang kusina at mahabang mesa na kayang iokupa ang lahat ng mga batang
naninirahan dito. Mga limang hakbang din mula sa pasilyo ay mararating na ang malaking
espasyo kung saan isinasagawaang mga klase.
Habang tumatagal ay higit ko nang nakikilala ang bawat bunso na aking nakakasama. Sa
kanilang mga kwento ay nalaman ko ang iba't ibang kadahilanan kung paano sila napadpad sa
kasalukuyan nilang kinalalagyan. Karamihan sa kanila ay kumuha ng mga bagay na walang
pahintulot ng may ari. Ilan daw sa paborito nilang umitin ay mamahaling cellphone, pera, mga
paninda at maging ang tanso na nakalagay sa metro ng tubig. Ang ilan ay napapangiti pa habang
sinasabi ang kanilang natatanging mga istilo sa paggawa ng mga ito. Matapos magbida ng sarili
ay iginigiit din nila na sadyang gipit lang sila at kailangan lang ng pantawid ng gutom. Ang ilan
sakanila ay nasangkot na sa pagtutulak ng droga. Bahagya naman akong napaplunok ng laway
kapag naririnig na sila ay nakapatay na ng tao.
Tuwing may bagong dating na bunso ay nakagawian na nilang magpakilala sa bagong
mga kakosa. “Anong pangalan mo?” “Saan ka nakatira?” “Anong year ang narating mo sa
labas?”Ang unang tatlong tanong na ito ay walang kagatulgatolnilang sasagutin ngunit
bahagyang matitigilan pagdating sa ikaapat. “Bakit ka nandito?” Karaniwan ng sagot ang
'nagbabakasyonlang' ngunit sa huli ay sasabihin din ang gusot na kinasangkutan. Labas sa tenga
ng mga kamagaaral nilang nakakarinig ang mga kasong pagnanakaw at pagpatay. Higit na
nakakakuha ng atensyon at nagiging tampulan ng tukso ang sinuman na nakasuhan ng
panggagahasa. Para sakanila, ito ay sadyang nakakahiyang kasalanan.
May mga oras na tinatamad pa rin ako ngunit unitunti na itong napalitan ng paghanga
samga batang preso.
Sina bunso at ang mga batang preso…ay untiuntingnatuto.
Hindi lahat ng nasa Molave ay may nagawang kasalanan. May ilan na dinampot dahil sa
Pakalatkalat daw diumano sa lansangan at namamalimos. Nariyan din ang mga totoy na sadyang
isinuko na ng kanilang mga magulang. Matigas daw ang ulo at ang iba naman ay wala nang
makain. Kasama rin sa mga nahuhuli ang mga binatilyong nababagansya dahil sa pagpapalipas
ng
oras at pagtambay sa kalsada tuwing diyes oras na ng gabi.
Tuwing umaga ay nagmamadali akong sumakay ng jeep mula Cubao papuntang City
Hall. Daig pa ang pagmamadali ko tuwing may klase o kaya naman ay meeting na dapat
puntahan. Karaniwan ay alas otso ako dumarating ng Molave maliban kung mga araw ng Martes
at Huwebes
dahil may klase pa ako sa UP hanggang alas diyes ng umaga. Bitbit ang naglalakihang mga
abubot
ay humahangos ako sa paglalakad upang hindi mahuli. Gusto kong maging parehas sa kanila.
Katulad ng mga bata sa ibang paaralan ay karapatan din nila ang maayos at dekalidad
Na edukasyon. Maliban sa mga visual aid ay nakagawian ko na ring bumili ng diyaryo upang
magkaroon sila ng ideya sa mga nagaganap sa labas.
Sina bunso at ang mga batang preso…ay may samu’t saring mga kwento.
Mabilis kong nakagaanan ng loob ang mga itinuturing kong bunsong kapatid sa panibago
kong tahanan. Isa sa kanila ay si Dan*, may gulang na 17, may hitsura at matikas ang
pangangatawan. Panggagahasa ang kanyang naging asunto. Aniya, nagsisimula ang kanilang
araw
pagpatak ng alas singko ng umaga. Kahit pikit pa ang mga mata ay pumupila na sila para sa head
count upang matiyak na walang tumakas sa nakalipas na magdamag. Sumunod dito ay ang
walang
patid nilang pag eehersisyo na magpapatibay raw ng kanilang mga buto at kalamnan. Matapos
kumain ng bochow na almusal ay wala ring pwedeng lumiban sa kanilang morning meeting. Dito
sinasabi ng kanilang mga house parent ang kanilang mga gusot o atrasong nagawa at maging ang
ilang mahahalagang paalala.
May ilang nadagdag sa aking bokabularyo mula sa mga pagbibida ng isa pang bunso. Si
Carlo*, 13 anyos pa lamang ay marami nang alam na salitang kanto sa labas na nadala hanggang
sa selda nito. Isa siya sa mga kusang loob na dinala ng magulang sa tanggapan ng DSWD. Una
kongnarinig ang salitang bochow at malamalahabang isinisigaw nila ito sa Jingle Competition sa
loob noong Buwan ng Nutrisyon. Bagama't hindi sila nanalo ay nalaman ko na ang bochow ay
ang
malilinamnam na pagkain na pinapangarap nilang matikman. Ilan sa mga natatakam nilang
kainin
ay ang kumikinang sa mantikang lechon, malinamnam na pritong manok o kaya naman ay crispy
pata na sadyang malutong. Malamala naman ang tawag sa ulam na walang lasa at idinaan lang sa
bumabahang sabaw. Kapag hindi nakakasagot ang isa sa klase, binibinyagan naman nila ito ng
tolongges na ang ibig sabihin ay mahinang umintindi. Madalas din nila akong tawagin
namalalim
dahil sa aking mga bago at kakaibang ideya na ibinabahagi ko sa buong klase. Palasak din ang
T.B.S. o True Brown Style at maging ang B.N.G. Na mas kilala bilang Bahala Na Gang na
samahan ng mga kabataan sa Molave at maging sa labas nito. Hindi maikakaila na nagkaroon na
rin ito ng sangay pagkat bumubulaga na rin ang kanilang mga bandalismo sa mga lansangan ng
Cubao, sa eskinita ng Quiapo at maging sa matulaing bayan ko sa lalawigan ng Quezon.
Samasama sa aking klase na animo'y lata ng sardinas ang mga nakatungtong na
nghayskul. Dahil sa hindi mapigil na pagtindi ng masangsang na amoy, hinati sila sa dalawang
grupo. Palitan ang dalawang pangkat sa pagpasok bawat araw. Wala itong pinagkaiba sa mga
paaralan sa labas na may dalawa o higit pang shift ng klase sa isang araw. Kalaban naming lahat
ang matinding init at ulan. Hindi sapat ang laki ng pinaglumaang trapal na nagsisilbing bubong
upang kaming lahat ay makanlungan. Kapos din kami sa mga kagamitan. Natural lamang na ako
ang umaako ng bolpen at papel nila. Upang makatipid, ginagalugad ko ang makitid na kalsada ng
Sto. Cristo sa Divisoria upang makuha ang mga ito sa murang halaga. Hindi naman ito bago
pagkat karaniwan na itong senaryo sa ibang mga pampublikong paaralan sa bansa na nadalaw
ko.
Pagkatapos ng bawat klase ay isaisa kong binibilang ang mga bolpen upang matiyak na
walang maipupuslit sa kanilang mga selda. Minsan ay hindi na ako makatulog buong gabi nang
maalala na humiram si Carlo* ng bolpen at hindi nito naibalik. Iba't ibang posibilidad ang
naglalaro sa isip ko ang higit na nagpapakaba sa akin. Halimbawa ay ang isang krimen
samagdamag dahil sa saksakan ng bolpen. Mabuti na lang at hindi ako binigo ng aking
estudyante. Si Carlo* mismo ang nagbigay sahouse parent ng bolpen upang maibalik sa akin
kinabukasan.
Tumataba ang puso ko tuwing maririnig ko mula sa kanilang dila na marami silang
natutunan sa akin. E paano ba naman, mas madalas daw silang nasa kalsada noon sa halip na
nasa paaralan. Tulad ni Jay*, 15 anyos na mula pa sa Cagayan ay naglayas at napadpad sa
Maynila.Dahil sa matinding gutom ay nagawa niyang magnakaw. Nang madakip ay una siyang
dinala sa
City Jail ngunit dahil nga menor de edad pa kaya inilipat sa Molave. Salat man sa pagmamahal
ng
mga kapamilya sa probinsya, pinunan ito ng Molave ng sapat na pagkain, makabuluhang
mgaprograma at edukasyong humuhubog sa mura pa nilang kaisipan. Hindi maipaliwanag
nakasiyahan ang aking nadarama tuwing matatapos ang bawat klase. Sa loob ng anim na oras na
pagtuturo ay may ilang bunso na naman ang aking napasaya at nabigyan ng panibagong pagasa.
Minsan ay nagugulat na lang ako sa pagdating ng mga security escorts sa gitna ng aming
talakayan. Ibibigay nila sa akin ang kapirasong papel na naglalaman ng excuse slip ng isang
bunso.
Karaniwang natatapat sa oras ng klase ang kanilang pagdinig sa korte. Mahabahabang proseso
ang pagusad ng kanilang kaso. Umaabot sa tatlo ang kanilang hearing bilang akusado. Si
Kevin*, may gulang na 17 at may kasong pagpatay ay madalas kinakabahan sa pagpunta sa
husgado. Madalas daw siyang pinagpapawisan nang malamig tuwing humaharap sa hukom, sa
mga naghabla sa kanya at maging sa mga usiserong naroroon. Aniya, mapalad na kung hindi
makarating ang mga naghabla sa pagasang madismissang kaso. Dagdag pa niya, kailangang
masarhan ang kaso habang wala pa siya sa edad na 18. Sa oras na mabinbin ang pagdinig at
dumating siya sa legal na edad, wala na siyang magagawa kundi ang bunuin ang paghihintay ng
sintensiya sa Quezon City Jail.
Kinakatakutan ng bawat bunso ang mapiit sa City Jail. Giit pa ni JR*, 16 at kinakaharap
ang bintang na pagtutulak ng shabu na bangungot para sa kanya ang malipat sa kulungan ng mga
may sapat ng gulang. Bahagya siyang nanginginig tuwing inilalarawan ang madilim at
mabahong
selda na maaari niyang kasadlakan. Para sa kanya, langit nang maituturing ang pamamalagi niya
sa Molave. Maging sa pagharap sa hukom, kailanman ay hindi niya naranasan ang maiposas.
Nawala rin ang tensiyon sa kanya dahil sa pagpapayo ng mga Social Worker at maayos na
pangangalaga ng mga security escort na itinuturing na niyang nakatatandang mga kapatid.
Kabaliktaran ito ng tunay na kalagayan sa ibang mga kulungan. Madalas ngang biro ni JR*,
“Kahit na nakalulong, may aral at pagkain naman.”
Marami na rin ang nakalaya na mas pinipili pa ang bumalik sa Molave. Tulad ni Alvin*,
17 at may ilang ulit nang nabagansya. Mahirap paniwalaan ang katotohanan na higit daw siyang
nagiging malaya sa loob. Pinakagusto raw niya ang pagdalaw ng mga bago niyang katropa.
Katropa ang tawag niya sa mga internship students na nagagandahang mga nurse at
mababangong magaaral mula sa St. Mary's at Claret School. Bochow rin parasa kanya ang mga
regalo nilang pagkain na pansamantalang nagpapangiti sa kanya. Minsan ay nakita ko siyang
nanlumo nangdumating ang ilang magaaralng CWTS mula sa isang kolehiyo. Nanliliit daw ang
tingin niya sa
sarili kapag tila pinagkakatuwaan siya ng iba. E, hindi raw naman siya unggoy upang
pagkaguluhan dahil sa kanyang seldang kinalalagyan. Ang nais lang daw niya ay sapat na
respeto
at tamang paggalang.
Bagama't langit para sa ilan ang pananatili sa Molave, matinding pagkabagot naman ang
kailangang bunuin ng ilan. Ito ang karaniwang pinapasan ng mga batang hindi na dinadalaw ng
magulang at magisa na ring humaharap sa paguusig ng katarungan. Paggawa ng pato at sisidlan
mula sa tinuping mga papel ang nakagawian nilang pampalipas ng oras. Si Dave*, 17 at kilalang
mahilig sa basag ulo ang nangunguna sa pagkaaliw sa mga makikinang na bagay na ito.
Napapakamot ako ng ulo tuwing maririnig ang mga matitikas at maaangas na bunsong ito na
humihiling ng glitters na palamuti raw nila sa mga ginagawang sisidlan at pato. Upang
mapagbigyan ay sinusugsog ko pa ang pinakamurang glitters sa kahabaan ng Kalye Juan Luna sa
Divisoria upang bumili nang maramihan. Ilang oras din ang aking ginugugol sa gabi upang
matakal ito isaisa. Ito ang ibinibigay kong insentibo sa nakakasagot sa mga tanong ko nang
wasto.
Kakaibang samahan din ang nabubuo sa Molave sa mga oras na malaya silang
maglaro.Karaniwang libangan ng mga bunso ang basketball, table tennis, badminton at maging
ang weight
training. Napapakunot ang noo ng mga bunso dahil walang makatalo sa akin sa larong table
tennis. Ilang ulit na rin akong nakasaksi ng rambol habang may nagkakatuwaan. Nagtalo
kungsino ang unang titira, Pak! Hindi sumunod ang nakatalagang pupulot ng bola, Blag!
Nagkahampasan ng raketa, Kapaw! At maging ang simpleng biruan ay nauuwi rin sa
matindingsuntukan. Pak! Blag! Kapaw! Susundan pa ito nang maaanghang na sagutan na
animo'y bahaging isang maaksiyong pelikula. Nananagot naman sa mga kinauukulan ng Molave
at binibigyan ngkarampatang disiplina ang nagumpisang gulo.
Sa isang umpukan ng mga astigin na gumagawa at nagdedekorasyon ng pato ay nakilala
kosi Patrick*, 17 taong gulang na tila nangungusap ang mga matang may nais sabihin. Sa ilang
palitan ng salita ay nalaman kong magkapitbahay pala kami sa Kalye ng Lantana sa Cubao.
Walang kagatulgatol niyang ibinabahagi na isa siya sa mga batang kumukulimbat ng cellphone
sa matataong lugar sa Cubao. Buong pagpapakumbaba niyang iniisaisa ang mga gawi na nais na
niyang talikuran. Sa pakiusap ni Patrick* at pahintulot ng kanyang house parent ay naranasan ko
na rin ang maging mensahero. Ilang sulat din ang nadala ko palabas at papasok ng Molave mula
sa isang nangungulilang bunso at sa bahagyang nakalimot niyang pamilya.
Kabilang din sa mga bunso ang mga bulaklak ng Molave na mabibilang lang sa aking
mga
dalari ang dami. Tumatak sa isip ko ang bisayang si Joan* (Dyuan kung ipakilala ang sarili niya)
na sa murang gulang na 15 ay namasukan na bilang kasambahay sa Maynila. Upang
pansamantalang makalimot sa malungkot na nasadlakan ay minabuti niyang maging abala sa
mga
gawain sa loob. Animo'y isa siyang ganap na artista habang binubuhat na parang ibon sa saliw ng
'Bayan Ko' nang ginanap ang Buwan ng Wika. Hindi korin malilimot na manghangmangha sa
nangingibabaw niyang tinig ang mga kapwa niya bunso sa Jingle Contest noong Buwan ng
Nutrisyon. Tulad ng isang tipikal nateenager ay hindi rin nawawala ang pagpaparehas ng mga
bulaklak sa mga bubuyog nilang mga kasama sa klase.
Sina bunso at ang mga batang preso…ay mayroon ding pangarap.
Matatayog na pangarap ang karaniwang nabubuo sa loob ng Molave. Ito ang nagsisilbing
inspirasyon nila para sa ninanais na pagbabago. Sa mga nakausap ko, karaniwan ng pangarap ang
maging pulis, bumbero, sundalo, guro, doktor, nars, pari at ang pagiging Pangulo ng Republika
ng Pilipinas. Ang ilan naman ay nanganagarap na makapagasawang mayaman at mayroon ding
nagnananais na maging alalay ng isang artista o kaya naman ay ng isang maimpluwensiyang
pulitiko. Upang makuha ang mga pangarap na ito ay hinihikayat ko silang kumuha ng pagsusulit
na PEPT o Philippine Educational Placement Test. Mapalad sila pagkat nagtalaga na ng testing
center ang Kagawaran ng Edukasyon sa loob mismo ng Molave Youth Home. Sa
pamamagitannito, maaari na silang makapagtapos ng elementarya at hayskul kahit hindi
dumadaan sa pormal na edukasyon.
Bukambibig ni Gng. Cuevas ang dating magaaralna nakakuha ng iskolarsyip sa La Salle
Greenhills kamakailan. Isama pa ang ilang mga bunso na naging matagumpay na at pawing
nakarating na sa malalayong mga bansa. Hindi naman maipaliwanag ni Gng. Gonzales kung
lungkot o saya ang kanyang mararamdaman nang muling makita sa labas and dating eskwela.
Hinihingal daw niyang tinatahak ang matarik naoverpass sa Cubao nang harangin siya ng ilang
gusgusing kabataan. Sa takot na mapahamak ay ibibigay na niya ang kanyang pera at ilang gamit
nang biglang dumating ang isang munting bayani. Siya ay isang dating tagaMolave na habang
humahangos pagtakbo ay sumisigaw ng “Tigilan nyo yan! Hindi kami talo ni Mam Gon!” Sa
mga
sandaling iyon ay hindi raw naging ganap ang kasiyahan ni Gng. Gonzales nang makita na
patuloy
pa rin pala sa maling gawi ang ilang bunsong nakalaya na. Mula noon ay paulitulit niyang
sinasabi na hindi sukatan ng tagumpay ang yaman at sa halip ay higit na mainam na pamumuhay
na may karangalan.
Sadyang kay bilis ng oras at hindi ko na namalayan na kailangan ko na palang
magpaalam.
Maraming sandali na mas gusto ko pang manatili sa loob kaysa gumimik sa labas. Ito marahil ay
dahil sa pagiging simple at totoo nila kumpara sa labas na kadalasan ay mapanlinlang na mundo.
Baon ang ilang sulat ng pasasalamat at ang nagkalalakihang regalo nilang mga kumikinang na
pato
ay may ilang gumugulo sa isip ko. Ano na kaya ang susunod na kabanata sa buhay ng mga
bunsong nakilala ko? Makapagbabago pa kaya silla gaya ng inaasahan sa Republic Act 9344 na
mas kilala bilang Philippine Juvenile Justice Welfare Law? O matutulad din sila sa mga bunsong
nakita ko sa dokumentaryong Bunso ni Ditsi Carolino? Nanghinayang at nalungkot ang mga
manonood sa kanyang dokyu nang malaman na ang bidang bunso ay nalamon ng maling sistema
sa loob ng kulungan ng matatanda at hindi nagtagal ay binawian ng buhay at nawalan na ng
pagkakataong makapagbago.
Sina bunso at ang mga batang preso…ay muling nakalabas.
Nagkamali ako sa pagaakalangtapos na ang misyon ko sa Molave. Ilang buwan matapos
ang pamamalagi ko sa minsan ay itinuring kong tahanan ay muli kong nakita ang isang kaibigan
sa tapat ng palengke ng Arayat sa Cubao. Nagulat ako nang may narinig akong tumatawag sa
aking
pangalan at sabay akbay sa akin mula sa gawing likuran. Hindi ko na matandaan ang pangalan
dahil sa nangangayayat at tila kulang sa tulog niyang mukha. Ang tanging naaalala ko lamang ay
magaaralsiya ni Gng. Ballon. Sa aming kamustahan ay nalaman kong itinuloy niya ang kanyang
pagaaralsa laya. Bahagya akong napangiti sa panibagong pagkakataon na naghihintay sa kanya.
Kabaliktaran naman ito nang muli kong makita ang kapitbahayko sa bunso sa Cubao na si
Patrick*. Patuloy pa rin siya sa raket na pagkuha ng cellphone sa kahabaan ng Aurora Boulevard
at EDSA Cubao. Hindi miniminsan ay binigyan pa niya ako ng diskwento nang ialok sa akin ang
kanyang mga nakulimbat. Sa mga sandaling iyon ay bahagya akong natigilan at nanlumo.
Tinanong ko ang aking sarili kung sino ba ang higit na responsable sa malungkot na senaryong
ito? Ang mga magulang ba na minsan ay nagkukulang din sa kanilang mga anak? O kaya naman
ay ang sistema mismo ng pamahalaan ang may pananagutan? Marahil ay mayroon din akong
magagawa upang ang mga katanungang ito ay magkaroon ng kasagutan. Sinubukan kong alamin
ang ilan sa mga sanhi ng hindi mapigilang pagdami ng mga tinatawag na youth offender upang
kahit paano ay mabigyan ito ng pansin sa lalong madaling panahon.
Sina bunso at ang mga batang preso…handa na nga bang magbago?
Sinikap kong puntahan ang iba pang kanlungan ng mga kabataang naligaw ng landas
tuladng Manila Youth Reception Center na nasa pamamahala ng Manila City Hall at ang Manila
Boystown sa Fortune, Marikina. Sa maikling panahon ng pamamalagi ko roon ay nalaman ko na
ang karamihan sa kanila ay pawang napadpad lamang sa Maynila. Ang matinding pagkauhaw sa
oportunidad ang nagtulak sa kanila sa lungsod. Sa halip na matagpuan ang liwanag ay bahagyang
nalihis ng daan at ngayon nga ay pawang nagsisikap na muling makahaahon at makabangon.
Nabatid ko rin na ang higit na bilang ng mga batang nasa Molave Youth Home, Manila
Youth Reception Center at Manila Boystown ay pawang nagmula sa mahihirap na pamilya.
Isang
halimbawa ay ang mga gang na nabuo sa Bagong Silang sa Kalookan noong Dekada Sesenta.
Talamak sa naturang lugar ang lahat ng uri ng krimen na kinasasangkutan ng mga kapuspalad na
kabataan. Sa isang pambihirang pagkakataon ay pinaunlakan akong makapanayam ang isa sa
dating lider ng mga gang. Kabilang siya sa Pamilya Adduro na kaunaunahang maganak na
nakapagbagong buhay dahil sa bagong buhay at mga programang ipinagkaloob ng Gawad
Kalinga. Sa tulong ng nga makabuluhang gawain na pinasimulan ng GK, ang dating
kinatatakutang gang
lider ay isa ng empleyado at mapayapa nang namumuhay sa ngayon. Hindi ko makakalimutan
ang
kanyang munting ibinahagi, “Noon kilala ang Bagong Silang na isang lugar na puno ng
kaguluhan. Ngunit ngayon, pag sinabing taga Bagong Silang, ang bagong pagtingin ng mga tao
ay nagbagonh buhay na 'yan!”
Habang pauwi mula Bagong Silang ay nagkaroon ako ng panibagong pagasa.Pagasa para
sa mga kaibigang bunso at sa lahat ng mga batang presong nakapiit ngayon dito sa
Pilipinas.Marahil ay mahirap nang mapantayan ang mga pagpapanibagong buhay na pinasimulan
ng Gawad
Kalinga ngunit batid kong marami pa tayong maaaring magawa. Ang isang simpleng pagsilip sa
tunay nilang kalagayan ay sapat ng halimbawa. Sapagkat ito ang magtutulak sa ating mga sarili
upang ibigay ang kontribusyon sa munting mga bagay na maaari nating maiambag. At kapag
pinagsamasama ito ay makapagbabago na ng buhay ng isang bata at maging ng isang buong
komunidad.
Tuwing makikita ko ang medalya ng karangalan na isinabit sa akin ng magtapos ako sa
Pamantasan kamakailan, bumabalik sa akin ang mga alaala ng Molave. At upang maging ganap
ang kislap at halaga ng medalyang ito, nagdesisyon akong magturo sa isang Community Based
Rehabilitation Center o lugar ng pagpapanibago at pagkatuto ng mga mahihirap sa lungsod
ngMandaluyong. Sa pamamagitan nito, makasisiguro ako na ang mga batang matuturuan ko ay
hindi
na mararanasan ang maging bunso at hindi na rin mapapabilang sa mga tinatawag na batang
preso.
Kamot sa ulo, kunot noo, hikab nang bahagya, singhot dito, sipat sa malayo, buntong
hinga
nang malalim at marami pang paulitulit na ritwal ay madalas ko pa ring nararamdaman. Ngunit
ang natatanging mga karanasan ko sa loob ng piitan ay tatatak na sa aking isipan.
“Sa third floor ho, ser,” sagot sa’min ng isang matandang lalaki na tila inis na inishabang
winawalisan ang mga pinagbalatan ng kendi na nakakalat sa sahig ng kantinang aming dinaanan.
Nang marating namin ang ikatlong palapag, ramdam ng aking likod ang pagod. Halos makuba na
ito dahil sa mga librong pambata na nakapaloob sa aking asul na bag. At kungnakapagsasalita
lang ang aking mga braso; malamang nagrereklamo na ang mga ito sa bigat ng mga makukulay
na aklat na nakapaloob sa kahong hawak nito. Hindi na maipinta sa aking mukha ang
pagkangawit. Napakainit pa man din noong mga oras naiyon kaya lalong nadagdagan ang aking
panghal.
Para maisakatuparan ang isang proyekto, pinili namin, kasama ng mga kapwa
koestudyante, na bumisita sa isang pampublikong paaralan. Sa isang silid na mayroong
limampung magaaral, ang mga bata ay nasa ikatlong baitang na. Ano ang aming pakay? Basahan
sila ng mga kuwento mula sa dala-dala naming mga libro. Sa pagdating namin sa kanilang silid-
aralan, bumungad sa amin ang isang klase na parang mata ng bagyo. “Jusko Lord!” Ang unang
mga salita na binitawan ng aking bibig. May mga nagdadaldalan, may mga umaakyat sa lamesa
ng guro, at may nagsusulat ng noisy at standing sa pisara (Wala naman yata silang pakialam
kahit nalista na sila.) Napakagulo. Akala ko hindi namin sila mapagsasama-sama nang maayos,
pero nagkamali ako.
“Mga bata, gusto niyo bang basahan ko kayo ng isang kuwento?” masigla kong
itinanongsa kanila. “Opo,” tugon ng mga maliliit na boses na sabik na marinig ang aking istorya.
(Ang kanilang tunog ‘o’ sa ‘opo’ ay hindi maikakailang mas mahaba kaysa sa aking
pagkakasulat nito na siyang mas kinasigla ko.) Lahat sila ay nakapirming nakaupo sa kanilang
mga upuan. Tahimik.Maayos. Ang mga mata nila’y sa akin lang nakatingin; sinusundan ang
bawat salita na binibigkas ng aking bibig.
“Kuya, pwede ka pa bang magbasa ng isang kuwento?” hirit ng isang batang babae.
Bilang isang mag-aaral na mahilig magkuwento, parang biglang tinangay ng bagyo ang kunot sa
noo na idinulot sa akin ng pagbubuhat ng mabibigat na libro. Napakasarap pala sapakiramdam na
sa pamamagitan ng panitikan ay naging organisado ang limampung mga bulinggit. Kung nagawa
ng mga bata na magkaisa, magagawa din kaya ng ating bansa?
Sa Pagkakaisa
Nais kong ibahagi ang isa sa mga matagal ko nang pangarap. Hinihiling ko na kahitisang
araw man lamang ay makita kong nagkakaisa ang lahat ng Pilipino. ‘Yon bang manonood ako ng
balita, at puro magagandang kaganapan ang sasabihin. Walang masamang naganap. Ni isa.
Walang problema sa gobyerno. Walang mga senador na nagbabangayan. Walang
pinapatay.Walang ninanakawan.Walang nagaaway-away. Payapa at maayos lahat, sana.
Minsan nakakalito, pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang ‘pagkakaisa’?
Itoba’y pagkakasundu-sundo ng lahat ng tao sa iisang lugar? Isang simpleng pagtutulungan?
Maayos na pakikipagkapwa-tao? O hindi ba’y, pagkakapantay-pantay? Maaaring lahat ng iyan
ay tama pero hindi sapat na bigyang kahulugan lamang ang pagkakaisa―dapat ito’y ginagawa,
isinasabuhay at pinapatunayan. Paano?
Noong ako’y munti pa lamang, lagi akong nagpapabili sa aking mama ng mga
storybook.Yung mga aklat na may mga makukulay na guhit. Hindi pa kasi ako marunong
magbasa noon kaya binabase ko sa mga drawing ang pag-intindi ko sa kuwento. Isa sa mga
paborito ko ay ang kuwentong “Si Pagong at si Matsing.” Makikita dito na tuso at makasarili si
Matsing, at si Pagong naman ang laging nalalamangan. Bilang bata, marami akong natutuhan na
mga aral at tamang asal sa pamamagitan ng mga kuwentong kinahumalingan ko noon, tulad na
lang ng hindi pagiging makasarili. Lumipas man ang panahon, hindi ko malilimutan ang mga
istorya na humulma sa aking pagkabata; ang mga kuwento na nagpakilala sa akin ng literaturang
Pilipino.
Nais kong ihalintulad ang bawat isa sa atin sa mga mag-aaral na binisita namin para
saaming proyekto. Akala ko nung una ay hindi na sila maaawat. Ang mga batang iyon ay
nagmula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Kung lahat sila ay nagawa naming pagsama-samahin
sapamamagitan ng panitikan, paano pa tayo? Noong una, naisip ko na mga bata kasi ang mga
iyon kaya madali silang napasunod, pero kung kaya ng mga mga estudyanteng nasa ikatlong
baitang na maging organisado at magkaisa, paano pa tayong mga nakatatanda na mas...
nakakaintindi?
Balang araw, naniniwala ako na may isang kuwento na maisusulat na parang binalutanng
salamangka. Isang kuwento na maiintindihan ng lahat: bata, matanda, mayaman, mahirap. Isang
kuwento na agad ipararating sa kanyang mambabasa ang kahalagahan ng pagiging isang
Pilipino. Isang kuwento na sa isang iglap ay maibibigay ang pambansang pagkakaisa na matagal
na nating hinahangad. Ngunit sino kaya ang magsusulat nito? At saan kaya makikita ang
kuwento namayroong hinga ng mahika?
Nagbibihis na si Nanay
Ni: Rosario Torres-Yu
Pantas man si Balagtas, mahihirapan siguro siyang sagutin ngayon ang bugtong ng
transnasyunalisasyon ng kalinga na malakas na humahatak sa mga kababaihan sa mga kasuluk-
sulukan ng mundo. Binabago ng kasalukuyang dibisyon ng gawain sa pagitan ng mga bansang
mayaman at mga bansang hirap sa buhay ang serbisyo ng kalinga. Umaasa sa lakas ng kanilang
kababaihan, tinutugunan ng Pilipinas ang mga paraan kung paano maidedeliber ang serbisyo
ng inang may kulay sa mga batang iba¬iba ang kulay at hugis ng mata. Hindi marahil
maubos¬maisip ni Balagtas kung paano gagawin ng isang inang tagakalinga ng mga
batang ito, ang Filipinong koda sa pagpapalaki ng bata na kontra sa “layaw, luho, saya’t
likong pagmamahal” Ngunit, ibang¬iba na ang panahon ninyo, sasabihin ni Balagtas.
Wala pang “virtual reality” sa panahon namin, idudugtong niya marahil.
Nagkatinig na ang mga inang lumuluwas para magtrabaho kahit nawiwindang ang
kanilang mga dibdib sa paglayo sa mga anak na inihahabilin ang pagkalinga sa mga kaanak.
Makapangyarihan ang diskurso ng pagsisiwalat sa mga nasulat na tungkol sa kanila at lalong
makabagbag¬damdamin ang pagbibigay¬buhay ni Vilma Santos sa pelikula tungkol sa kanilang
pambihirang sakripisyong hanggang noong hindi naisasapelikula ay nalalambungan pa.
Kamakailan, saksi ang buong bansa sa pighati ng pamilyang nawalan ng ina at ng anak dahil sa
pagbitay sa isang ina ( kasama ng iba pa) sa China dahil sa pagkakasangkot sa pagtatrapik ng
droga. Testamento ang liham ng pumanaw na ina sa dalisay na pagmamahal sa mga anak na
kapakanan nila ang tanging inaalala hanggang sa huling hibla ng hininga.
Babalik ako sa mga tanong ko kanina tungkol sa mga ina ng mga nandarayuhang mga
anak. May pakiwari akong may saysay din ang salaysay ng mga inang katulad nila na kailangan
marinig. Isa ako sa kanila at ito ang aking sarilaysay.
Mahigit sa tatlumpung taon ang pagitan namin ng nanay ko nitong sumampa na ako sa
sesenta. Maliban sa mataas na presyon ng dugo na binabantayan ng gamot at ng manaka-nakang
pagsablay ng gunita, panatag siya at patuloy na nagdarasal na mabigyan pa ng mahabang
buhay. Ngunit, hindi tulad noon, kami na ang kumakalinga sa kanya ngayon. Pito kaming
buhay sa siyam na mga anak niya na naririto sa Pilipinas at nagtutulong¬tulong na
lampasan pa niya ang 96 na taon niya ngayon. Wala ni isa sa aming magkakapatid ang nakaisip
na manirahan sa ibang bansa kaya “masuwerte” ang nanay sa paglalagi namin dito; sagana siya
sa kalinga.
Ibang iba ang panahon ng nanay sa panahon ng pagiging nanay ko. Noon, samasama
kami sa isang bahay, at lumalaking namumulat na ang ina ay naiiwan sa bahay at nag-aaruga ng
mga anak at ang tatay ay umaalis ng bahay para magtrabaho at magdala ng pagkaing ihahain sa
mesa. Pero hindi lubos na karaniwan ang nanay; kahit wala siyang regular na trabaho,
lumalabas siya ng bahay para magtinda¬tinda o maghanap ng mga “biyaya” para sa pamilyang
kulang ang eneentregang suweldo ng asawang manggagawa sa pabrika para sa mga bibig ng
siyam na lumalaking mga bata. Kaya naging modelo naming mga babae ang nanay___
maparaan, kumikilos, masipag, at makalinga. Hindi siya nakatapos ng pag¬aaral pero para
siyang abogado o di kaya ay social worker sa aming lugar na pinupuntahan ng mga kapitbahay
para sa ganito at ganoong tulong. Sa gitna ng hirap, binusog niya kami ng mga “aral” na ang
nauukol sa dangal ang pinakabanal sa lahat. “ Hindi baleng tayo’y mahirap, hindi naman namin
kayo pinakain ng nakaw.” Madalas naming naririnig habang nagkakaisip. May
kinalaman siguro itong pagmamahalaga sa dangal kaysa sa luho’t layaw kaya hindi kasama
sa mga pinangarap ko ang maging mayaman.
Pangatlo ako sa mga babae na nag¬asawa. Nang magkasunod-sunod na rin ang pag-
aasawa ng iba pang mga kapatid, naiwang kasama ng nanay ang tatlo kong kapatid na hindi nag-
asawa. Nagkapamilya na nga ako’t nag¬anak ng tatlo. May trabaho ako bago mag-asawa at
nagpatuloy sa pagtuturo hanggang ngayon. Hindi ako kasama sa tribu ng mga babaeng
tumitigil sa trabaho kapag nag¬aasawa. May bagong kamalayan ako at mga ka-dekada setenta
na ang pagtatrabaho ng babaeng may¬asawa ay isang bagong pahina sa kasaysayan ng mga
babaeng “malaya.” Inupa ko sa ibang babae o kasambahay ang mga gawaing bahay at ang
araw¬araw na pag¬aalaga sa mga anak ko habang nasa unibersidad ako at nagtuturo.
Umaalalay naman ang nanay ko’t biyenan na parehong byuda na sa tuwing manganganak ako at
m iba pang anak nila. Ikinatwiran ko sa sarili na hindi importante ang mahabang oras na
kasama ang mga anak. Mas importante ang kalidad sa mga oras na kasama sila. Panggamot
ang katwirang ito sa sinasabing nararanasan ng maraming inang nagtatrabaho____ ang sumbat
ng budhi o guilt na sinasabi ng mga sikolohista. Sang¬ayon naman sa karaniwang pag¬iisip,
bumabalong ang damdaming ito sa kamalayang hinulma ng nakagisnang diwain ng pagka¬ina.
At wala namang tunay na nakaliligtas sa hurnuhan ng diwaing ito. Napakahusay nitong
hinihigop ang mga batang babaeng lumalaki’t nangangarap na maging ina pagdating ng takdang
panahon.
Hindi ako nakaligtas sa hurnuhang ito. Kaya nang kailanganin ako ng anak na nasa
Amerika, walang pagdadalawang isip akong bumiyahe para samahan siya at alagaan
matapos ang pagpapaospital niya. Ganito siguro ang pagbabayad ng utang sa hindi
naibigay na panahon sa lumalaking mga anak na mas mahaba pa ang oras na kasama ang ibang
taong nag-aalaga dahil ang inang dapat kumalinga ay kailangan ding maghanapbuhay
at magkabuhay.
Nag¬umpisa na ang pangingibang bayan ng Filipino para magtrabaho. Noong dekada
setenta at mga sumunod dito, inakit ang mga lalaki palabas ng Pilipinas patungo sa Middle East
para maging construction worker o di kaya ay hinalina ng mga barko para maging seamen.
Mga tatay ang karaniwang lumuluwas samantlang na¬iiwan ang maraming nanay na
gumaganap ng dobleng metapora ng ilaw at haligi. Ni minsan, hindi sumagi sa isip naming
mag¬asawa na sumanib sa hukbo ng mga nag¬aral na ang tuloytuloy na pagluwas ay lumilikha
ng brain drain. Nakapagtataka na ako, na sabi ng nanay ay may nunal sa talampakan ang hindi
nag¬isip na magturo sa ibang bansa, gayong hirap sa maliit na suweldo ng empleyadong
gobyerno. Ipinirmi kami, marahil, sa pagbubulay bulay ko ngayon, ng paniniwala naming
mag¬asawa na kailangan kami ritong kumilos para sa minimithing pagbabagong lilikha ng
pantay na pagkakataon para sa pinakamaraming Filipinong naghihirap dahil sa kakulangan
ng panlipunang katarungan. Sa madaling salita, kimkim namin ng aming henerasyon ang
pananaw na ang ang mundo namin ay hindi ang pamilya lamang kundi ang buong
sambayanang naghahanap ng kalinga.
Pumutok ang lobong mundong kinaroroonan namin pagkatapos ng isang taon. Uuwi na
ang panganay namin para ipagpatuloy ang pag¬aaral niya sa Pilipinas. Ito ang umpisa ng
kawing ng mga pangyayari sa buhay¬pamilya na magdudulot ng lungkot at ligalig na dulot ng
mga “paghihiwalay.” Dati rati’y long distance ang kumbersasyon, ngayon ay long distance
ang magiging mga relasyon.
Matapang at matigas ang kalooban ni sensei. Iyan ang nababasa ng mga tao sa
pakitang-tao ko. Ngunit minsan, habang nagkaklase ako, parang gate ng napunong dam na
nabuksan ang bumabalong na lungkot at parang along rumagasang winasak ang dibddib.
Humagulgol ako sa harap ng klase ko at nagtataka ang mga estudyante kong Hapon kung ano
ang nagawa nila’t tila namatayan ang kanilang guro. Ipinaliwanag ko, pagkatapos na naalala ko
lamang ang aking panganay dahil sa pinag¬uusapan naming sanaysay. Nahihiya naman akong
napag¬usap¬usapan pa sa maliit na sirkulo namin doon ang pangyayaring ito na hindi na naulit.
Transnasyunal na pamilya na
Makaraan ang dalawang taon, maiiwan ako at ang bunso para sa isa pang taon ng
kontrata ng pagtuturo. Uuwi na ang asawang kailangan nang bumalik sa pagtuturo niya sa
Maynila at balik¬eskuwela na rin ang pangalawang anak na babae. Sa pagkakataong ito, isa
na kaming estadistika sa bilang ng mga tinawag ng mga iskolar na pamilyang transnasyunal.
Isang dati rati’y nukleyar na pamilyang binubuo ng tatay, nanay at mga anak, naging migranteng
pamilya at nabiyak pa sa dalawa: may tatay at absent na nanay na pamilya sa Pilipinas at may
nanay at absent na tatay na pamilya sa Japan. Paano ko ilalarawan ang idinulot nitong
paghihiwalay sa aking pamilya sa Pilipinas? Hindi ko halos nakilala ang aking asawa nang
umuwi kami ng bunso ko para magpasko. Nangalahati ang pangangatawan niya’t namuti ang
buhok. Mas nakakaangkop o resilient ang mga bata. Hindi ko sila naringgan ng anumang
reklamo. O marahil, hindi nila naramdaman ang pagiging absent kong nanay dahil sa
ginampanan ng kanilang tatay ang papel ko. O marahil, hindi lang nila naramdaman ang
pagiging absent kong nanay dahil mas nakatuon ang pansin nila sa kani¬kanilang sariling
paglalakbay. Isang nasa hayskul at isang nasa unang taon sa kolehyo, nasa edad sila na tapos na
sa pagdungaw, gusto na nilang galugarin ang mundo sa labas ng bahay. Anuman ang dahilan,
natutuwa na rin ako.
Walang iniwan na rin ngayon para sa akin ang pangarap na tumama sa loterya at ang
pangarap na magkasama-samang muli ang lumaki nang pamilya. Hindi na
pinahihintulutan ng mga espesipikong kalagayan ng mga anak ang pagkakataong ito. Ang
pangalawang anak na babaeng hindi kapwa Filipino ang napangasawa ay malayong
manirahan sa Pilipinas. Malaking pasasalamat na ngang ang Europeong manugang ay
nagdesisyong manirahan sa Asya para magkasama sila ng aking anak. Naroon kasi ang
hanapbuhay at pag¬unlad na ipinatatanaw sa mga katulad nilang labas¬masok sa mga
bakuran ng kompanyang buong mundo ang kalakalan. May higing ng pagbabalik –bayan ang
panganay at pamilya niya, bagay na nagbibigay sa akin ng lihim na ligaya. Ngunit, nagbabanta
rin namang bawiin ito sa sandaling matuloy nga sila. Natuklasan ko nitong nagtratrabaho na
silang lahat na may pinagkasunduan pala silang magkakapatid. Tinawag nila itong “one child
policy.” Hindi ito kinopya sa patakaran ng bansang China sa populasyon. Nakuha
pala nila ang ideya sa itinawag nila sa noong bata pa sila na ipinatupad naming patakaran sa
paglabas¬labas nila para dumalo sa party o iba pang gawain. Isa¬isa lamang kasi ang
pinapayagan at hindi maaaring magsabay¬sabay. Ngayon, sila naman ang nagpapatupad ng
patakarang ito para sa amin. Maiiwan ang isa, samantalang nasa ibang bansa ang
dalawa. At ngayon ngang nahihigingan ko ang bakasakaling “pag¬uwi” na ng isa,
naroon naman ang malaking pagkakataong humalili ang isang hindi pa nakakaalis. Mapipigilan
ba ng isang ina ang anak na naghahanap ng kapalaran niya? Hindi man naisin, ang mga
“bata’’ay aalis at aalis na paris ng mga bata sa ating mga kuwentong bayan para galugarin ang
kagubatan, makipagsapalaran, matutong mabuhay sa kanilang sariling talino’t huwisyo at
maging isang baguntao. Lamang, sa panahon ngayon ng lumiliit na mundo, hindi na
lamang Pilipinas ang gubat nilang tutuklasin kundi mga sulok-sulok ng mga kontinente
ng mundo.
Pinaaalala sa akin ng retrato ng nanay kong karga¬karga ang wala pang tatlong buwang
panganay ko ang paroo’t parito niya sa bahay namin araw¬araw sa Malabon mula sa Almeda
para alagaan ang unang apo niya sa akin. Halili sila ng biyenan ko noonmorning shift ang nanay
at afternoon shift naman ang biyenan ko dahil hindi sila panatag na sa katulong lamang iniiwan
ang pag¬aalaga. Hindi ko hiniling sa kanilang gawin ito. Sila ang nagkusa. Nang ako naman
ang magka¬apo, bumiyahe ako at tinawid ang international dateline para alagaan ang nanganak
na anak at kasisilang na apong babae. Hindi ako talagang nakakatulog sa eroplano kahit matagal
ang biyahe, pwera na lang kung sinasamahan na ng pagod ang antok, pero sa pagkakataong ito,
pananabik sa apong akala ko’y hindi na darating sa buhay naming mag¬asawa ang gumigising sa
akin. Halos tatlong buwan iyon ng malalim na sayang hindi kayang tapatan ng mga salita.
Inilaan ko na ang sarili sa pagpupuyat dahil naaawa sa mag¬asawang kulang na kulang sa
pahinga. Magaan ang katawan ko kahit mahina ako sa puyat at binubusog sa hele’t karga ang
apo hanggang sa makatulog. Habang bumibigat siya, nakakaramdam din ako ng pananakit ng
likod, pero balewala ito at isang ngiti lang o hagikgik sa di malamang dahilan o tunog, at parang
white flower na itataboy nito ang ngalay. Siguro kung me nakakarinig sa akin sa oras na
kinakanta ko ang “ Ugoy ng Duyan,” ni Lucio Sanpedro at Levy Celerio, sa interpretasyon ni
Lea Salonga, iisipin nilang may nagprapraktis para sa isang konsiyerto. Ang tinis kaya ng boses
ko o ang lamyos ng mga salita ang nagpapatulog, lalo na sa parteng:
Paano na sa pagtanda
Ilang taon na lamang at magreretiro na rin ako. Parang masaya, pero may
pangamba. Inaalala ko na kung hindi na ako nag¬oopisina at abala, titingkad
ang pangungulila sa mga anak at sa apo. Kaparis ng nanay ko, idinadasal kong maging ligtas sa
sakit at laging may sigla para sa “bakasakaling” pagbabago ng ihip ng hanging magdadala sa
mga anak at sa apo’t magiging mga apo pa, sa Pilipinas, para magbalik¬bayan na.
Nakikini¬kinita ko na kung paano ako magiging “abalang masaya” sa tuwing dadalaw sila sa
amin, paris nang ginagawa naming pagdalaw sa mga lola nila noong maliliit pa sila. Kung
magkakaganito, daig ko pa ang nanalo sa superlotto. Aber mawaldas pa ang inipon ko noong
kumikita pa. Kung hindi naman, kailangan ko pa rin ang lakas at sigla para magparoo’t parito
saan mang lupalop naroon sila para sa mga panahong kailangan nila ang kalinga o kasama.
Amado V. Hernandez
Hanggang nasa hayskul ako, hindi ko kaagad-agad sinasabing taga-Tundo ako kapag
naitatanong kung saan ako lumaki. Lagi kong isinasagot na taga-Biak na Bato ako, na ngayo’y
Almeda Extension na, na nasa boundary ng Santa Cruz at Tondo, Manila. “Mas malapit kami sa
Santa Cruz Kaysa sa Tundo”, lilinawin ko para mailayo ang pag-aakalang lumaki ako sa lugar ng
mga oxo at sige-sige, magkakaaway na grupo ang mga maton na laman ng mga balita tungkol sa
sagupaan at patayan sa Maynila. “Mga harang ang bituka.” Sabi ng nanay ko, kapag hanggang
sa aming lugar ay nagpapang-abot sila.malayu-layo kami sa pinakapusod ng magulong Tundo.
Isang sakay sa jeep ang layo namin sa bangkusay, Velasquez o North Bay Boulevard. Mas gusto
kong mailapit sa Snata Cruz ang lugar na kinalakihan ko para mailayo agad ang koneksyon ko sa
Tundo. Nahihiya akong malaman na taga-Tundo ako at baka isipin ng iba na dahil “laking
Tundo” ako eh, matapang ako’t palaaway o lumaki sa lansangan at basagulera ang hindi ko alam,
kahit naman pala ang Santa Cruz na dating Pueblo noong panahon ng Kastila ay may dalawang
isla na ang isa, ang Isla de Sibacon ay nagging taguan ng masasamang loob, palibhasa ay malapit
sa Binondo na maunlad at sentro ng kalakalan. Kung kalian nagsiulang makilala ang Tundo na
pook ng krimen at karahasan ay hindi ko alam.
Dahil kaya mahilig sa mga pusang sanay na makipagbasag-ulo sa mga aso, ang
unang mga nanirahan sa Tundo?
Natitiyak kong may kinalaman sa paglaganap ng ganitong larawan ang mga action
movies na dumakila sa mga sagganong may ginintuang puso. Kundi man sa mga sagganong may
siyam na buhay paris ng isang pusa. Nariyan ang mga sikat na pelikulang “Asyong Salongga”,
“Totoy Golen”, at “Boy Tutpik” na nagpasikat din sa mga action star na katulad ni Joseph
Estrada. Mga “inapo” sila ng mga “sumikat” na “basagulero” noong panahon ng Kastila paris ni
Carlos Padilla, 23 taong gulang, walang asawa, at isang talabartero na naglabas masok sa
kulungan dahil sa pagnanakaw. Pagnanakaw ang karaniwang krimen noong panahong iyon sa
Maynila at dahil inakala noong masyadong maluwag ang parusa kung kaya’t hinigpitan at ang
mga katulad ni Padilla ay pinatapon sa malayong lugar paris ng Davao at Balacbac, sang-ayon sa
mananalaysay na si Camagay. Noong panahon daw ni Padilla, ninakaw ang limampisong
metaliko, paynetang gawa sa kartutso at ginto, rosaryong ginto, camisa de china at tiket sa
loterya. Hindi pa noon kasama sa listahan ang pagnanakaw ng alagang hayop. Sa amin sa Biak
na Bato, lumalaki akong naasanay sa mga balitang nagkakanakawan ng mga alagaing baboy.
Mismong mga pinsan namin ang naisahan ng mga matatalinong katawan dahil kahit na nilagyan
pa nila ng kawad na may kuryente at palibot ang bahay ng baboy, nagising sila sa isang umaga
na wala na ang inaasahang inahing baboy na laang pangmatrikula ng panganay nila.
May maitim at may puti; may maganda, may walang hitsura; may walang-wala at
may nagtatamasa.
Tayuman sa dulong kaliwa ang daang humahati sa Biak na Bato. Dito sa Tayuman
makikita ang ilang lugar na nagging muhon sa paglaki ko. Bago dumating sa palengke ng pritil,
pagkatawid ng Jose Abad Santos, sa kaliwa nito ang daang Antonio Rivera. Ginagaygay namin
ang daang ito tuwing Disyembre, para mamasko sa mayayamang pinsang buo ng nanay ko.
Natatandaan ko na uunahin naming ang malaking bahay doon ng Tiyo Peles, kilalang doctor
Nehal, na gustong gustong umampon kay ate Poy, noong nasa elementary pa siya at
pinakamaganda sa mga kapatid kong babae. Sa lahat ng pinupuntahan naming malalaking bahay,
dito kami hindi naliligaw dahil maraming beses na kaming paroo’t parito. Libre ang patingin kay
Tiyo Peles at sakit sa baga ang espesyalisasyon niya. Maraming beses din niyang tiningnan ang
tatay.
Bago dumating ng simbahan makikita ang isang maliit na tindahan ng lutong ulam na
pag-aari ng Kabise, kung tawagin ng nanay. Nagpupunta kami dito, kung araw ng Sabado ng
hapon, pagdating ni tatay ko mula sa trabaho. Espesyal na araw ito dahil sweldo (noong hindi pa
nagwewelga sa pabrika) at makakatikim kami ng dinuguan at ng paborito kong ginisang sitaw sa
tokwa. Liban sa araw na ito, pangat ng isda at gulay ang araw-araw na alok ng mga plato sa
hapag-kainan. Sabi ng Tiya Uba, tuwing Sabado at kung araw ng Pasko’t Bagong Taon lang
namamantikaan ang mga nguso namin.
Sa kaliwa bago dumating sa Dagupan, makikita ang simbahan sa Katedral. Kapangalan
lang nito ang katedral ng Maynila sa Intramuros. Maliit lamang ang simbahang ito na isa sa
dalawang sinisimbahan naming kung araw ng Linggo. Ang isa pa ay ang simbahan ng Espiritu
Santo sa may Avenida Rizal. Walang playa ang pagsisimba namin, sa umpisa hanggang sa
matapos ang misa. Kahit noong nag-aaral na ako sa UP, dadaan at dadaan sa simbahan ng
Quiapo o kaya naman ay sa simbahan ng Santa Cruz para magdasal, bago umuwi. Hindi lamang
pook ng pagsamba ang simbahan ng Katedral sa akin; ito, lalong higit ang pook ang
nagpapaalala sakin ng kahirapan, kahihiyan, ngunit sa kabila nito, na kabutihan ng tao. Patapos
na ako ng elementary ng maranasan kong pumila, kasama ng maraming iba pang pamilyang
mahihirap para sa rasyon ng madre. Isa kami sa pinalad na pamilyang karapat-dapat tumanggap
ng tulong ng mga madre’t pare sa simbahan, dahil walang trabaho ang tatay ko at may sakit pa.
Walang trabaho ang tatay dahil nagwelga ang union nila sa pinapasukang Bataan Cigar &
Cigarette Factory sa San Francisco del Monte. Minarapat pa rin kami sa tulong ng mga madre
dahil siyam kaming mga anak na pakainin. Tuwing sabado ng umaga pagkatapos ng misa,
tumutuloy kami sa bahay ng pari sa gawing kaliwa ng simbahan. Pipila kami sa rasyon ng bigas,
trigo, gatas, dinurog na mais at harina. Kung magpapasko mayroon pang tipak ng keso. Sa haba
ng pila lumiligwak ito sa haba sa labas ng simbahan. Kapag ako ang nakatokang pumila, deretso
ang tingin kong malayo sa kalsada dahil baka may makakita sa aking kakilala. Ang rasyon ng
mga madre ang nagsalba sa amin sa tiyak na pagkagutom kaya bata pa ako ay namulat na sa
kabutihan ng iba. Hindi lamang kami natulungan ng rasyong ito na hindi sumala sa oras; may
panahong binigyan pa kami ng hotcake at pulburon mula sa harina’t gatas, na pinagkukunan
naman ng pambili ng bigas at pang-ulam.
Dito rin sa Tayuman, sa kaliwa nito, kung galing sa Biak na Bato, papunta sa direksyon
ng Avenida Rizal (may LRT NA NGAYON ), makikita ang Bonifacio Elementary School. Dito
ako at ang mga kapatid ko nag-aaral. Nilalakad lamang namin ito mula sa bahay namin. Sa
kuwento ng nanay, ito raw kinatitirikan ng aming eskwelahan at mga paligid ay dating pag-aari
ng lolo Pedro ko. Mat tanim daw itong zacate na damong pinapakain sa mga kabayong
nagpapasada ng mga kalesa nila, samantalang ang iba naming damo’y ibinebenta, kasama ng
darak at pulot. Ang laki-laki naman ng lugar na ito at hindi ko masilid sa imahinasyon ko na
bukirin ang lugar na ito noon. Siguro nga, hanggang sa manirahan na dito ang lolo ko’t mga
kamag-anakan ay taniman pa ang bahagi ng Santa Cruz, Sampaloc at Tundonoong panahon ng
Kastila. Binansagan nga raw na “hardin ng Maynila” ang Tundo dahil sa prutas na nagpakilala
rito tulad ng manga, dalandan, mandarin at saging. Naging bantog din daw ang Tundo dahil sa
kanyang mantekilya at keso. Kahit pala ang Bangkusay ay naging gawaan ng apog na importante
sa pagtatayo ng mga gusali at bahay, bukod pa sa gamit ito sa pagnganganga. Ibig sabihin, noong
panahong iyonay hindi pa pook ng kahirapan ang Tondo. May kabuhayan at ikinabubuhay
dito.Hindi ko malubos-maisip na nag-umpisang may kabuhayan ang pamilya ng nanay ko na
nauwi sa paghihirap ng mamatay ang lolo. Hindi raw kasi maalam ang mga babae noon sa
paghahanapbuhay, sabi ng nanay ko, kaya hindi napatakbo ng nanay niya ang kanilang
negosyong kalesa’t pagbebenta ng damo. Hindi man lamang siguro naisip ng lolo na itatawid sa
gutom ng matsakaw ang kanyang mga apo.
Hindi ko rin makalimutan noong una akong makasama sa isang palabas ng klase sa greyd
tri. Meron kaming mga suot na kostyum, mga iba’t ibang hayop at kinanta namin ang “ Old
Mcdonald Has a Farm.” Tuwang-tuwa ang nanay sa panonood sa amin at kami ang nanalo sa
mga nagpalabas sa greyd tri. Ni sa hinagap hindi ko naisip noon na balang araw, magkakaroon
pala kami ng sariling farm at mga hayop dito, sa pag-aasawa ko ng mahilig sa bukid. Naalala ko
rin ang masasayang araw ng aming pag-aani ng mga tanim. Pag ganitong panahon, lahat ng mga
nag-aaral sa Bonifacio, naglalakad sa kahabaan ng Tayuman, o sa Biak na Bato na may bitbit na
petsay o kaya’y labanos. Kaya alam ng mga taga-amin na nag-ani na ang mga eskwela. Kasama
sa pinag-aaralan naming noon ang pagtatanim at may sari-sarili kaming plot ng mga tanimna
gulay. Dito rin siguro nagsimula ang pagkahilig ko sa paghahalaman, bukod sa bata pa ako ay
naliligid na ako ng mga halaman sa aming bahay, mahilig sa paghahalaman ang Tiya Uba.
Sa dulong kanan ng Biak na Bato naman ang daang Quiricada na papunta sa San Lazaro
Hospital at sa Bambang. Dito sa kahabaan ng Quiricada kami nag-aabang ng madaling araw,
kapag Linggo ng Pagkabuhay dahil sa “Salubong”. Pinapanood namin ang pagtatagpo ng Mahal
na Birhen at si Hesus na hihinto sa malapit sa Rey Bakery, pag-aari naman ng isang Tagalog.
Lalapit ang isang batang anghel na nakabitin na siyang mag-aalis ng belo ng Mahal na Birhen at
pagkatapos ay magpapakawala ng kalapati. Susunod na kami sa prusisyon hanggang simbahan.
Bago ang salubong, sa tapat ng Balagtas Elementary School naman kami gabi-gabi nanonood ng
Senakulo. At kung araw ng piyesta, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, bitbit ang sari-sariling
bangko, ginagabi-gabi kami sa panonood ng mga palabas sa entablado. Kasama na rito
angpanonood ng pelikula sa trak ng Pepsi cola.
Ito ring palengke ang dakilang palengke ng aming pagtawid sa kahirapan. Sa kaunting
halaga, makakabili na kami ng gulay, yung gulay na pinagpilian o kaya’y dahong lagas na inalis
ng tindera kung repolyo o petsay, na pwede nang mahingi. Ang tawag ng nanay ko rito, gulay sa
“pitong hinero” o iba ibang gulay na tinabas ang mga parting malapit nang mabulok.
At dito rin sa palengkeng ito ako namimili ng mga paninda kong mani, tsokolate at kendi
na itinitinda ko sa mga kaklase ko noong nasa hayskul pa ako. Natutunan ko sa aking Tiya Uba
na kinagisnan ko nang nagtitinda ng mga prutas sa harap ng bahay namin, ang pagnenegosyo
tuwing hapon, naglalakad akong pauwi simula sa Arellano Public Highschool sa Doroteo Jose,
ang daan sa binanggit ni Edgar Reyes sa kanyang nobela Maynila, sa kuko ng liwanag. Dadaan
ako sa suki kong bilihan ng isang salpo ng maning hilaw. Dadaan ako sa bilihan ng mantika at
supot. Pagdating sa bahay, pagkahapunan at bago mag-aral, ibubusa ko na sa kawaleng bakal na
may kumukulong mantika ang dinurog ng bawang, isusunod ang mani, palalamigin habang
pinapatulo ang sobrang mantika at isusupot. Araw-araw, habang nagkakaklase sa history, ipapasa
ko ang supot sa mga kaklaseng suki ko na. hindi ko alam hanggang ngayon kung bakit sa klaseng
ito nagkakabentaham ng mani. Noong 4th year na ako hindi ko na ginawa ito. Kung oras ng Pe
nalang ako nagbebenta, mahirap naman kasing magpasa ng suha, singkamas at binalatang
manggang hilaw. Hinahango ko ito sa Tiya Uba, mula sa paninda niya at pag-uwi sa hapon ay
iniintriga ko ang napagbentahan, labas na ang kita kong patong na singko hanggang diyes sa
presyo niya. Naalala ko pa nang minsang nagreyunyon kami at nagkakabidahan na. Biniro ako
ng kaklaseng si Isidro, suki kong pamangkin ng isang konsehal sa Maynila at ngayo’y pari na,
“Rosario, pabili nga ng mani mo,” na madalas naman niyang sabihin sa akin kapag bumibili siya
noon at tigas ng hagalpakan. Minana naman ni Boy, sumunod sa akin, ang hilig sa pagtitinda
noong nasa hayskul na siya, kaya hindi namin problema noon kung wala kaming baon, dahil
naghahanapbuhay na kami para may pambili ng kailangang sa mga project sa eskwela sa tulong
ng palengke ng Bambang.
Hindi lang pala kaming mahihirap ang naitawid ng Bambang noong “Peace time” na.
Kahit pala noong panahon ng Giyera, sumikat na ang Bambang dahil hindi lang ito ang orihinal
na ukay-ukay, nagging sentro pa ito ng di karaniwang negosyo. Noong mga panahon ng hapon,
mabibili raw ang segunda manong polo shirt, modernong bestida at mga pantalon dito at sa
daang anak bayan. Sa mga binebenta pa nga raw na mga damit na ito ay kasama ang mga
ninakaw sa patay na nakalibing sa sementeryo ng La Loma o Norte, ayon kay Agoncillo.
Pagkagiyera, mga donasyong damit na ang makikitang ibinebenta sa isang seksyon ng palengke,
na kung tawagin ay relief goods. Nakabili rin kami ng ilang mga damit dito. Naalala ko pa nang
isang beses umuwi ang nanay mula dito, dala-dala ang ilang pirasong pantalon para sa aming
mga babae. Isang araw na malabhan at maplantsa, suot-suot na namin nina ate Tangge at ate Poy
na lumabas sa daan para ipakita sa mga kalaro ang mga bago naming pantulog. Nagulat sila’t
namalikmata sa akalang mga diwatang naligaw sa kalsada.
Mula sa Biak na Bato, nilalakad ko ang kahabaan ng Quiricada, bitbit ang bag at paninda,
dadaan sa Bambang, liliko sa mga iskinitang short cut papuntang Lope de Vega at Doroteo Jose.
Hanggang 2nd year ako sa Annex ng Arellano Public Highschool, at sa ikatlo at pang huling taon
naman sa main building sa kalapit ng Doroteo Jose. Kahit sa public ako nag-aaral noon ay
damang-dama ko naman ang swerte na sa isang mahusay na eskwelahan ako nag-aaral. Salamat
nalang at noon, at pampublikong paaralan ang mas mahusay ang standard.
Noong nasa kolehiyo na ako, UP at saka lamang nagbago ang pakiramdam ko tungkol sa
Tundo. Ipinabasa sa amin ni Mrs. Patricia Melendrez-Cruz, titser ko sa maikling kwento at
nobela, ang nobelang “Tundo Man May Langit Din” ni Andres Cristobal Cruz. Pagkatapos kong
basahin ito at pag-usapan sa klase, doon nagsimula ang naiiba kong pagtingin sa Tundo, naisaisip
kong may kadakilaan sa pook na kinalakihan ko at hindi koi to dapat ikahiya. Noon, ang dating
sa aki’y nobelaay pagbubukas ng isip sa maraming tapyas ng buhay ng mga taga Tundo. Ang sa
akin ay isa lamang manipis ng hibla ng habi na pagtunggali sa kahirapan upang mangibabaw dito
at magkapuwang ang pangarap. Pinangarap kong hinding hindi ako tutuntong sa pabrika ng
sigarilyo; kaparis ng mga kapatid kong nauna sa akin at sa halip ay magiging guro ako. Kung
papaano, hindi ko inisip, nag-aral ako nang nag-aral at umasang mangyayari ito.
Habang pumapalaot ako sa pag-aaral ng panitikang Tagalog, (pinili kong maging medyor
ko, katuwang ng pag-aaral ng kasaysayan na siya ko namang maynor sa kursong Bachelor of
Education sa UP. Sa tulong ng iskolarsyip ng samahan ng alumni ng Arellano Public
Highschool, na ang president noo’y si Attorney Teodoro, tatay ng magkapatid na propesor sa UP
na sina Luis at Noel). Saka unti unting nagbago ang tingin ko sa Tundong sinilangan ko.
Nahalinhinan na ang dating pagkahiya ng unti unting pagmamalaki nang isa-isa ko nang
makilala ang iba pang manunulat na mga anak ng Tundo na pinagmamalaki nito.
Nanalaytay nga sa mga lugar ng Tondo ang diwa’t salaysay ng paghihimagsik. Buhay
palibhasa ay espirito ni rahang soliman na nakipaglaban sa pwersa ni Martin de Goiti noong
subukan niyang sakupin ang Maynila. Dito sa Tundo naganap ang isang pangyayaring ipinalagay
na kauna-unahang sagupaan sa pagitan ng mga kastila at ng mga katutubo. Sang-ayon sa tala,
alas-dos ng hapon nang walang kaabog-abog na sinugod ng mga rebolusyunaryo ang kwartel na
malapit sa aduana. May mga namatay sa kanila ngunit napasok nila at nalimas ang mga armas at
baling natagpuan sa loob. Anim na oras raw tumagal ang labanan nang dumating ang mga kawal
ng hukbong kastila. Ito na nga raw ang nagpatunay sa kumakalat na balitang may napipintong
pag-aalsa na kasangkot ang mga taga-Tondo. Karahasang bugso ng dakilang pag-ibig sa bayan
ang pinula sa pook sa aking sinilangan.
Hindi ako nagagawi dito sa tulay ng Moriones noong bata pa ako. Ang simbahan ng
Tundo ang minsan isang taon ay pinupuntahan namin.Dinadayo ang simbahan kapag araw ng
piyesta dito, dahil dumadating ang arsobispo ng Maynila at biansbasan ang lahat ng mga
kinumpilan. Naalala ko rin isa ito sa mga panahong nagliligalig ang nanay at mahigpit na
binabantayan ang isa kong kapatid na lalaki mahilig bumarkada para hindi makidayo sa piyesta.
Taon-taon raw, walang mintis na magkakagulo dahil sa bahagi na ng selebrasyon at may
nagbubuwis ng buahy sa piyesta ng Tundo
Nakaratay pa rin sa kahirapan ang Tundo.Sa kabila nito, uuwi at uuwi ako para dalawin
ang annay kong pinaparaiso ang lumang bahay naming sa Biak na Bato.
Retorika ng Luksa
Ni: Magdalena Dayang Nirvana T. Yraola
Paano nga ba magluksa? Mayroon bang formula? Gaano karami ang dapat pumatak na
luha, bago mo masabing solve na ako. Ok na. Move on na. Dapat ba pagkatapos ng pa-siyam o
40-days? Pagkababang-luksa, makalipas ang isang taon? O pwedeng after 5 minutes. Ito ang
mga tanong na paikot-ikot sa isip ko ng mga nakaraang araw. Di ko tiyak. Di ko alam ang sagot.
Kaya nga marahil kinailangan ko ng tutor nuong panahong namatay ang tatay ko, pinsan, tiyo,
lolo at dalawang kaibigang tinaon-taon ang pagpanaw. Napapanahon ang muling pagtatanong
dahil ang kaibigan kong nagturo sa akin kung paano daw tamang magluksa ang siya kong
kasalukuyang ipinagluluksa. Ngayon nasasalikod ng utak ko ang mga tanong na ito. Paminsan-
minsan natutulala. Napapabuntong-hininga. Napapatingin sa malayo. Tapos pagminsan iiyak pa
rin. Parang ganito naman talaga. Yata. May kakaibang pagkalito ang pagluluksa sa kaibigan
kong nagturo sa akin kung paano magluksa. Dahil siguro parating pinapaalala sa akin ng isip ko
at ng mga taong nakakaalam ng pinagdaanan naming magkaibigan ang kabalintunaan ng
situwasyon. Ako din ay di nakakalimot. Kabisado ko pa ang laman ng kanyang lecture
natatawagin na lang nating “Luksa for dummies.”
Sabi nya, “Una, kailangan mong malungkot.” Yung pagitan ng galit, panghihinayang,
pagtataka at pagkagulat, naroon yung tinatawag na lungkot. Kailangang hanapin sya sa mga
pagitan, ayon sa kanya. Naruon sa kuyukot at singit-singitan ang tunay na kahulugan ng tunay na
lungkot. Hindi ito lumbay na lungkot. Ang lumbay ay lungkot na mas malapit sa
panghihinayang. Hindi ito tangis o lungkot na magkaakibat na gigil. Ito yung lungkot na
nararamdaman mo kapag yung inipit mong libro sa bookstore ay wala na sa pinagtaguan mo sa
panahong may pera ka na. Alam mong hindi ito ang katapusan ng mundo. Pero alam mo ring
mayroong nawala. Na bagamat minutya mo ng sapat, sa paraang alam mo, nawala pa rin ito
sa’yo. Isang bagay na nawala bagamat hindi rin naman talaga naging sa’yo. “Pangalawa,
kailangan mong umiyak, kahit may tao, OK lang yan.” Iba’t ibang klase ang iyak. Merong
palahaw. Ito yung bongga. Ito yung may kasamang sigaw, hikbi, uhog at iba pa. Nakareserba ito
sa mga taong di alintana ang poise. At ginagawa lang ito sa sitwasyong maraming nakakakita,
dahil kung hihimatayin ka, kailangan siguradong may sasalo. Meron din yung demure. Luha
lang. Pwede pa nga itong samahan ng bahagyang ngiti. Pero pang-beauty pageant yan. Ganyan
ang ginagawa pagkatapos kang itanghal na Ms. Philippines. Ang pinaka-effective ay yung
luhang may kasamang lungkot. Ito yung hinuhugot sa apdo. Mapait sa alat ang luhang babaha sa
pisngi. Sasaluhin ito ng dalawang kamay na itatakip sa mukha. Nakatakip ang mukha di dahil sa
kahihiyan, kundi dahil sa pagsurrender, sa kung anuman ang iyong nararamdaman. “Pangatlo, at
ito ang pinakamahalaga, tanggaping hindi ikaw ang dahilan ng pag-inog ng mundo.” Ito na
marahil ang pinakamahirap. Pero kapag nagawa mo ‘to, bahagya mo nang mauunawaang hindi
lahat ng dahilan ay maiintindihan mo. Hindi ito panalanging hindi sinagot. Hindi lahat ng tao,
lunan at pangyayari ay isasaalangalang ang nararamdaman at kahihinatnan mo. Hindi lahat ng
bagay ay tungkol sa’yo. Hindi ikaw ang isyu dito. At bago ka pa mahulasan, tapos ka nang
magluksa. Sa huling yugto ng aming pagkakaibigan, mayroon pa palang mga bagay na hindi ko
akalaing ituturo pa rin nya sa akin. Paano mo ipagluluksa ang isang patay na ilang milya ang
layo sa iyo? Binawian ng buhay ang kaibigan ko sa isang probinsya. Pinag-aantay kami ng
dalawang araw bago sya naiuwi. Gawain nya yan. Ang pag-antayin ako. Lagi’t lagi, pag may
usapan kaming magkita, isang oras, dalawang oras, apat na oras nya akong pinag-aantay. Kaya
nga sya ang may hawak ng koronang “Ms. Leyte (late eh!)”.Isang Huwebes Santo, may usapan
kaming pumasyal sa probinsya dahil may bisita kaming kaibigan mula sa Amerika. Sabi ko wag
na wag syang magpapa-late dahil ang isang oras na deperensya ay isang kilometrong karagdagan
sa traffic ng NLEX. Awa ng Dios, ang alas singko namin ay naging alas otso. Umabot na sa
harap ng subdibisyon namin ang haba ng traffic. Kaya ang ending, nag-Visita Iglesia na lang
kami sa Maynila, kung saan walang tao. Naglista ako ng simbahang pwede naming puntahan.
Yung mga paborito ko siempre. Pero makapananghalian, sya na ang nagmamando sa driver
namin kung saan pupunta, saang kanto liliko, at kung aling kalsada ang tutumbok sa gusto nyang
puntahan. Bumaba kami sa isang maliit na simbahan. Nganga ako ng makita ang stained-glass ng
altar. Ang marble works ng pader at sahig. Sabi nya, “Alam kong magugustuhan mo ito, kaya
kita dinala dito. Siguro naman sapat na ito para palampasin mo ang pagka-late ko kanina?” Tama
sya. Iyon ang isang pag-aantay na di ko nakuhang magalit ng matagal, dahil alam kong kahit
parati nya akong pinagaantay, babawi at babawi sya sa paraang di maiisip ng iba. Pero ang pag-
aantay sa kanyang bangkay ay napakahabang dalawang araw, dahil hindi ko talaga alam kung
anong dapat gawin. Alam na ng maraming tao, pero tinatanong pa rin nila ako. Tinatanong nila
kung ano ang nangyari, kung paano nangyari, kung ano ang mangyayari. Lahat ng tanong sa
totoo lang ay di ko alam ang sagot. Unti-unting pumasok ang impormasyon. Paunti-unti rin
akong nakasagot sa mga tao. Paulit-ulit, parang walang katapusan. Napakahaba ng dalawang
araw. Dito, hindi nya ako naihanda. Pero hindi ako nagalit, dahil alam ko sa huli babawi at
babawi pa rin sya. Naisip ko nga, pwede na ba akong umiyak? Ito na ba ang simula ng luksa o
aantayin ko munang makita sya sa kabaong. Sa morgue na kami muling nagkita. Ok naman.
Muka naman syang peaceful. Muka naman syang di nahirapan. Bumawi nga! Siguro dala na rin
ng sentimentalismo, tingin ko nga mas maganda sya ngayon kaysa nung nabubuhay pa sya. Oo
tama, muka lang syang natutulog. Naalala ko tuloy nuong minsang nagbyahe kami sa ibang
bansa. Isa sa napakarami. Pero espesyal ito, dahil hindi sya pangturista. Isa syang bansang
kabubukas pa lang sa madla mula sa maraming taon ng pagkakapinid politikal, kultural at
sosyal.Hindi namin alam kung ano ang aming daratnan, dahil bukod sa propaganda ng kanilang
gobyerno nanagpapakita ng magagandang pagoda ay walang ibang impormasyon tungkol dito.
Ni hindi naming alam kung marunong bang mag-English ang mga tao o naka-Google translate
lang ang mga natanggap kong sulat imbitasyon. Sa sobra nitong remote, limang minuto lang para
kumuha ng Visa at pakiwari namin ay di lalampas sa isandaan ang tao sa airport. Napagkamalan
ng host na mag-asawa kami kaya’t nilagay kami sa isang kwartong iisa ang kama. Honeymoon
suite kumbaga. Nakakatawa ang arrangement. Pero higit na nakakatawang napagkamalan
kaming mag-asawa gayung mas malagkit pa ang pilantik ng baywang nya kaysa sa akin. “Oh
Dios na Mahabagin sa langit, ito po ay dala lang ng pagtitipid, wag nyo po sana munang
gunawin ang sangtinakpan!” Bulalas naming pareho ng makita ang tsokolate at pusopusoang
unan na nakahain sa isang king size bed. Hindi naman nagunaw ang earth. Katulad ng madalas
naming schedule, pagkatapos ng maghapon kong pakikipagkomperensya at pakikipagtalamitam
sa mga artist at curators, dadatnan kong walang laman ang kwarto. Nasa kung saang rayrayan
ang aking mabait na kaibigan. Sa pagkakataong ito, hindi ko na inalam kung nasaan sya.
Malamang dahil sobrang pagod din ako at alam ko naman sa totoo lang kung nasaan sya. Sa
Chinatown, kung saan maraming vegetarian selection. Oo, ang vegetarian selection ay literal na
tumutukoy sa mga restoran na puros halaman lang ang hinahain, at talinhaga para sa mga poging
intsik na mabilis ang expiration date. Sakto lang para sa one-night stand ika nga. Nagising ako sa
kalagitnaan ng gabi dahil may mahinang huni akong naririnig sa lalim ng aking tulog. Pagdilat
ko, naroon sya, tulog, nakangiti, humihilik ng mahinhin. Ayos, solve, nakapang-okra nanaman si
Bakla! Hinugot ako pabalik sa morgue ng umaalimbukay na amoy ng pormalina. Ang sakit sa
mata, ilong at balat. Isabay ko na kaya ang pag-iyak para hindi halata. Pero di pa pala pwede.
Mahirap tingnan kung pantay ang foundation kung pagod na ang mata sa kakaiyak. Saka ko
napansin na kailangang palitan ang barong! Di maganda! Sigurado akong di nya type ang outfit
nya. Crucial pa naman yun. Sa burol, isang oras na kaming dalawa lang sa kapilya. Sya,
nakahilata sa harap ng altar at ako nakaupo sa pinakahuling bahagi ng hilera ng sopa. Balak ko
rin sanang humilata dahil pakiramdam ko’y napagod ako sa stunts naming kanina sa morgue.
Binalak ko ring hugutin na ang lungkot sa puso ko. Tutal kami lang naman. Sanay na syang
makita akong basag. Pero di ko pa rin nagawa, kasi napansin kong di pantay ang lay-out. Off-
center ang kabaong. Naka-flush left. Isa ito sa mga bagay na pinagtatalunan naming madalas
nuong may bookstore pa sya at ako naman ay may coffeeshop sa iisang pwesto. Ang kape ko ang
pang-akit sa mga costumer. At ang mga libro nya ang dahilan kung bakit sila tatagal sa shop para
umorder ng umorder pa ng maraming kape. Hanggang manginig na sila at maisipang bilhin na
lang ang libro at umuwi na. Business strategy. Linggo-linggo yata ay pinaglilipat-lipat naming
ang mga estante, bookshelves, counter, mga upuan, lamesita at iba pa. Matama naming
pinanonood ang mga taong labas masok sa aming maliit na tindahan. Parang mga guinea pig sa
gumagalaw na maze. Nakakaaliw. Iba ang off-center sa asymmetric. Ang debate nya lagi, ang
mga Pinoy, mahilig sa tuwid na linya. Ang diagonal lay-out at asymmetric lay-out na pinipilit ko
ay bagay lang daw sa London o kaya ay sa America kung saan ang mga tao ay may panahon para
pansinin ang mga inanimate objects, dahil ang mga tao sa kanila ay hindi masyadong interesante.
Binigkas nya yan ng walang halong pang-iinsulto, kumbaga, matter-of-factly ang delivery.
Kaya’t sigurado akong di nya type ang 2 feet off-center positioning na nagaganap sa
kasalukuyan. Gusto kong iurong ang kabaong nya pakanan. Pero nag-aalala naman akong
mailaglag ko sya. Sa laki nya, malamang sa malamang, babaliktad kami pareho. Di bale,
mamaya, pagdating ng mga bulalaklak mapapantay ko rin yan. Napansin ko ang gold trimmings
ng kabaong. Kakaloka! Parang belyas na laos ang dating! Di ko type. Tatanggalin ko yan
mamaya pagkatapos manghingi ng permiso sa mga kapamilya. Malay ko naman kung sila ang
pumili nyan. Nagdatingan na ang mga tao, bago pa man natapos ang production design ko. Tsk!
Hindi pa rin yata pwede. Ilang araw, laging maraming tao. Mayroong mga nag-aalok na
ipagpatuloy naming ang naiwan nyang mga gawain, negosyo at trabaho. Pwede ba! Lubayan nyo
nga ako. Yan ang gusto kong sabihin. Sa tonong mala-Bella Flores, dahil pakiramdam ko ay
pinangungunahan nila ang pamilya sa pagdedesisyon kung anong gagawin sa mga iniwan ng
kaibigan ko. Parang mana. Pero sa kung anong himala, ngumiti lang ako at nasabi ng buong
kalma na mas mainam kausapin nila ang pamilya pagkatapos ng lahat ng pinagkakaabalahang
kaugnay ng kanyang biglaang pagkamatay. Best in calmness! Sya din ang nagpa-uso ng best best
na yan. Best in Bright, Best in Outfit, Best in Hair. Na sa katunayan ay wala namang kahulugan
kundi isang pabirong pang-iinsulto kapag nasasatisfy ang kanyang mapanlait na taste. Natural
akong mainitin ang ulo. Napakaigsi ng pisi ko. Nitong mga nakaraang araw, bago sya namatay,
may inaaway ako sa Facebook. Pinadalhan nya ako ng PM, pasakalye nya, “Ok ka lang?”
Siempre hindi ako Ok. Pero tinuloy pa rin nya ang pakay sa pagPM. Burahin ko daw ang aking
status dahil nanggagalaiti nanaman ako. Sa maraming salita, sinabi nyang, umaatake nanaman
ang ugali kong hindi nag-iisip pagnagagalit. Binura ko, hindi dahil kalmado syang tao at ang sa
kanya ay paalala ng mas matibay ang wisyo. Kundi dahil alam kong tulad ko, matindi rin ang
kanyang topak, mainitin din ang kanyang ulo, at madalas din itong nagdudulot ng kapahamakan
sa kanya. Alam kong alam nya ang sinasabi nya. Sa mahaba naming pagkakaibigan yan ang
extra challenge, to live each day with tact and grace. Kaya paano? Paano nga kaya dapat
inaatupag ang mga naiwang gawain, negosyo at trabaho, with tact and grace? Oo, parang beauty
pageant pa rin. Saklaw pa ba ito ng pagluluksa o off-shoot na lang pagkawala? Mahirap. First
time kong nagkaroon ng ganitong karanasan. Ang lagay, lahat ng mga naunang namayapang
mahal ko sa buhay ay walang naiwang unfinished business. Kundi man, hindi ako ang nilapitan
ng mga tao tungkol dito. Sa burol pa rin, duon ko nakita kung gaano kalawak ang network nya.
Di ko sasabihing maraming nagmamahal sa kanya. I guess, given na yun. Sa isang social
butterfly na katulad nya, malamang mas magtataka ako kung ako at ang immediate family lang
nya ang nagmamahal sa kanya. Pero ang lawak. Nung huling nagkita kami, mayroon syang
minamadaling project, journal para sa dati nyang opisina. Tinanong ko kung bakit pa nya
ginagawa yun? Kung malaki ba ang bayad? Kung hindi ba naman sya busy? Sagot nya lang, “di
kasi at par ang ginawa ni Dexter sa dating ginagawa ni Martin.” Di nila tunay na pangalan, dahil
nakalimutan ko na kung ano-anong pangalan ang kanyang binanggit. Tanong ko naman, “Sino si
Dexter at sino naman si Martin?” Nagtatakang tanong nya sa akin, “Ha di mo sila kilala? Akala
ko kilala mo.” Pagbaba namin sa waiting shed, may bumati sa kanyang poging mama na naka-
bike, inaaya syang mag-inom sa Sarah’s. Sumagot sya ng oo, at sinabing ihahatid lang ako. So
ngumiti na rin ako kay poging mama para i-acknowledge ang kanyang presence. Pagtalikod
biniro ko ang aking kaibigan. Pinaratrat ko ang aking armalite ng pangiintriga—Sino sya? Single
ba?Mukang matalino ha! Straight? Ay straight, anong silbi nya sa’yo? Ang sagot nya ay
abridged version ng CV ng poging mama. Sabay sabing, “Ha, di mo sya kilala? Akala ko kilala
mo sya.”Ganyan nga, akala nya lagi ay kakilala ko lahat ng kakilala nya. Sa dalas naming
magkasama parang dapat nga ay ganun, pero ako kasi ay may tendency na limitahan ang bilang
ng taong kinakausap dahil madali akong malito. Hindi dahil takot ako sa tao. Pero sa dami ng
iniikutan nyang grupo, napakahirap nang sabayan. May ilan kaming salasalabit na kaibigan.
Marami rin yun. Pero parang imposibleng lahat ng taong kakilala nya ay kakilala ko rin. Sa
tulong ng isang pang kaibigan, kinailangan naming ilista kung ano-ano ang networks nya para
iparating sa kanila ang mga impormasyong tungkol sa kanyang lamay, padasal, cremation, atbp.
Ito, feeling ko, di na kasama ng pagluluksa. Parang resulta na lang ito ng OC-ness ko, isang
katangiang alam kong hinahangaan nya ng lubos. Paano pinapakikiharapan ang pamilya? Lalo na
ang paboritong tyahin na nagsilbing pangalawang ina. Kilala ko na ang kanyang pamilya.
Nagkasama-sama na rin kami sa ilang okasyon. Pero paano sa ganitong pagkakataon? Sasabihin
ko bang nakikiramay ako sa kanilang pagluluksa, gayong alam nila na ako rin ay nasa ganuong
estado? Di pa nagsisimula ang lamay, pinakilala na ako ng mga kapatid nya bilang syang
nabyuda nya. Maluwag at pabirong tinanggap ito ng pamilya. Marahil alam nila kung gaano
kami ka-close. Inalo at inaliw din nila ako. Sa harap ng napakaraming pagkain ay walang
humpay na tawanang kaakibat ang aking pagsusumbong, kung paanong ang tampalasan nilang
kapatid ay inaabuso ang aking kabaitan. Pero siempre lahat ng iyon ay biruang may katotohanan.
Bagamat hindi napag-uusapan, nagkaintindihan kaming, hindi kami uupo at mag-iiyakan. We
will celebrate his life ika nga. Naiitawid din pala ang mga ganitong sitwasyon. Ang “hindi ko
matanggap…” Ito na ang isang extra challenge. Paano ka tutugon sa ganitong hinagpis? Para
lang ba itong variant ng “hindi ako makapaniwala…” Pero ang isang hindi naniniwala ay maari
mong kumbinsihing na entitled naman sya sa sarili nyang opinyon. Ok lang, push mo yan teh.
Ang hindi makatanggap ay parang may mas malalim na pinaghuhugutan. Hindi yun parang nag-
aantay ng regalo sa Pasko o birthday na hindi natanggap. Ibang “tanggap” ito at ibang “hindi”.
Pero ano ang hindi matanggap? Ang biglaang pagpanaw? Ang paraan ng pagkamatay? O na ang
tao ay namamatay? Paano sya nakarating sa desisyong hindi nya matanggap? Alam na alam ko
ang linyang ito. Linya naming lahat itong magkakaibigan noong namatay ang isa pa naming
kaibigang itago na lang natin sa pangalang Chinchansu. Actually, hindi yun pagtatago sa
pangalan nya. Chinchansu ang palayaw namin sa kanya. Dahil samantalang lahat kami ay
nagpapakahirap na ma-achieve ang malaporselanang kutis ng manikang Hapon o ng Empress of
the Great Wall of China, sya naman ay pinagpala ng balat na walang pores. Sya lang yata ang
may wagas na karapatang magsabing “oiliness is next to ugliness!” bilang pangunutya at hindi
paalala. Hindi nga pala namatay si Chinchansu. Pinatay sya. Tatlumpong saksak sa harap, likod,
tagiliran. Tiniyak na sa bawat sulok ng makinis nyang katawan ay may butas na pagsusulakan ng
berde nyang dugo. Na dahil sa pangyayaring ito ay nalaman naming pula rin pala. Metaphor lang
pala ang berdeng dugo…how disappointing! Nakahandusay sya sa sariling kama, sa sarili nyang
kwarto, sa sarili nyang apartment. Ganun sya natagpuan, isang hapon na parang walang
katapusan ang hapis. Ano ang hindi namin matanggap? Na sa ganitong paraan sya kailangang
mamatay. Para sa taong ang main order of business ay maging maganda, magpaganda at
panatilihing maganda ang paligid, napakapangit ng ending. Hindi naming matanggap na tuwing
babanggitin naming ang pangalan nya hanggang ngayon ay bumabalik kami sa kung paano sya
pinatay. Hindi kung paano sya nabuhay. Nang dumating ang balita ng kamatayan nitong si Ms.
Leyte, ang balitang natagpuan sya sa sarili nyang kwarto at wala ng buhay, di naming
maiwasang balikan ang pinagdaanan ni Chinchansu. Pati na rin ang pinagdaanan naming
magkakaibigan sa mga panahong yon. Para syang sakit na di gumagaling. Hindi sapat na wala
naman daw sugat si Ms. Leyte at hindi naman daw sya naliligo sa sarili nyang dugo. Kinailangan
naming lahat antayin ang resulta ng autopsy bago yakapin ang sarili at sabihing, “ito, ngayon,
kailangan na nating tanggapin.” Sa pagkakataong ito dapat i-focus ang energy sa mga bagay na
dapat asikasuhin. Ang mga habilin ay isa pang alalahanin. Sa lawak ng network nya, halos sa
lahat ng iyon meron syang ibinilin na kung sya ay mamatay ganito o ganire ang gusto nyang
mangyari. May pinagbilinan sya na dapat may scarf! Dios mahabagin! Saan naman kayang
fashion magazine nya nakitang may scarf ang naka-barong Tagalog?! Nuong nakaraang taon
nag-pictorials na sya kasama ang isang kaibigan. Ang mga litratong iyon daw ang gusto nyang
nakadisplay sa burol nya. In fairness, magaganda ang kuha! Pero ang mga posing. Nanangkupo!
Inaalala kong hihimatayin ang kanyang prim-and- proper na tiyahin kung makikitang paliyad-
liyad syang parang si Pilita Corales o papout-pout pa. Anong sinabi ni ate Angelina Jolie sa haba
ng nguso nito. Sa akin, sa panahong nakaburol sya, sa totoo lang, wala akong maalala sa mga
bilin nya. Siguro dahil napakarami rin naman talaga. Ang naalala ko lang ay ang palaging nyang
pagbanggit na “Pag namatay na ako…”. Madalas sinasabi kong mauna ako sa kanya, dahil
masama syang tao. Sa isang seryosong usapan naming, matapos syang mabloodpoison nuong
nakaraang taon dahil sa sobrang kalasingan, sabi nya, “pakiramdam ko mauna talaga ako sa’yo.”
Pinalampas ko iyon at hinayaang tapusin ang gusto nyang sabihin. Wala akong natatandaan sa
sinabi nya. Marahil dahil ayaw ko ng ideya. Gusto kong tumanda kaming magkakasama, sya,
ako at ang isa pa naming matalik na kaibigan pinagpala rin ng mga diwata, in other words, artist
na bakla. Gusto kong magtayo kami ng home for the aged artists. Para kahit ugod-ugod na kami
ay may creative outlet. Iwas buryong yun, hanggang ready na kaming mamatay tatlo— sila sa
AIDS at ako malamang sa AIDS na rin, masyado naming predictable kung lung cancer. Sa burol,
alam kong marami pang ibang habilin. Pero yung scraf at pictures lang ang pinansin ko. Yung isa
ay sinunod ko at yung isa ay nagpanggap na lang akong nakalimutan ko. Inisip ko tuloy dapat ba
pinakinggan ko syang mabuti? Dapat ba gumawa ako ng listahan in the spirit of OC-ness?
Magtatampo kaya sya dahil wala syang scarf? Nagtatampo pa ba ang taong patay na? Sa pagitan
ng pagtatanong, naisip ko, parang hindi na matutuloy ang home for the aged artists. Parang di ko
kayang gawin yun mag-isa. Saglit ko pa lang naiisip yun, dumating ang the-other bakla, si
Second Princess. Yung isa pa naming matalik na kaibigang kasama naming nagbabalak ng
pagtanda at mategi sa aida. Basag na basag si bakla. Parang nabyudang may labing dalawang
ulila. Tulala. At paulit-ulit ang sabing, “Patay na talaga sya. Hindi pa rin nag-si-sink-in.” Sa
aming tatlo, parati naming sinasabing itong si Second Princess ay mabagal ang utak. Hindi bobo,
mabagal lang talaga. Parang diesel. Kaya siguro ganun, tatlong araw na ang nakalipas ay di pa
rin nag-si-sink in sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ng Second Princess at ipinaalalang ang tao
ay namamatay. Pero hindi ko alam kung tama bang yun ang sabihin. Hindi ako sigurado kung
dapat ko ba syang aluin o bigyan ng lecture tungkol sa ephemereal nature of the human body to
accommodate evolution. Naintindihan ko biglang, ito na siguro ang isa sa kanyang mga huling
habilin. Ako na ang bahala sa aming Second Princess. At bahala na akong intindihin ang
kanyang Best in Slowness. Habang lumalapit ang araw ng cremation, papahirap ng papahirap
intindihin ang lungkot. Marahil malungkot dahil pagkatapos ng gabi ng pag-alala, at nakarinig ng
magagandang kwento tungkol sa kanya, naiisip ko na huli na ito. Hindi na sya ulit makagagawa
ng mga pakwela. Hindi na nya ulit maipagtatanggol ang maton na kaibigang inaaway ng
dalawang lasing na kolehiyala. Hindi na nya ulit maiinsulto ang isang konyong batang hindi
naiintindihan kung bakit ginagawang katatawanan ang kanyang pagiging konyo. Hindi na ulit
sya makapaglalambing sa mga nakatatandang propesor. Hindi na nya malilito ang mali-mali
naming kaibigan. Hindi na sya mahihingan ng payo. Hindi na nya ako mapipilit tumawid i-swipe
ang credit card ko dahil gusto nyang sumama sa byahe ko. Hindi na nya kailangang
pagpasensyahan ang mga topak ko at ipaalala kung gaano kaganda ang buhay at kinabukasan ko.
Hindi na kami makakabuo ng bagong pangarap. Huli na yun. Akala ko, iyon na ang simula ng
pagluluksa. Sinubukan kong pumalahaw ng palihim. Para lang i-test, dahil baka mas effective
yun. Maraming beses akong umiyak dahil sa lungkot, yung hinuhugot ang luha mula sa apdo. At
takpan ang mukha ng dalawang kamay hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil tinatanggap ko na sa
pagkakataong iyon hindi nila kailangang isasaalangalang ang nararamdaman at kahihinatnan ko.
Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa aking. Hindi ako ang isyu dito. Pero hindi ko pa rin mawari
kung ito na ang pagluluksa. Parang hindi pa rin. Basta ang alam ko nagawa ko nang lahat ito.
Nalungkot na rin ako. Yung pagitan ng galit, pagtataka, gulat at panghihinayang. Minsan sabay
sabay. Minsan panghihinayang lang. Minsan pagtataka pa rin. Minsan galit din. O kung
nagtatanga-tangahan ako, gulat din. Kaparis kanina umaga, matapos kong isulat ang huling
artikulo ko para sa taon, ipapadala ko ito sa kanya, katulad ng dati, dahil sya ang aking unofficial
editor. Nagulat ako sa ginagawa ko, dahil alam kong ilang linggo na rin syang patay.
Pakiramdam ko, wala naman itong kahulugan. Mahirap lang talagang tanggalin ang mga
nakaugalian. At ito pa, sa mga nagdaang panahon, iniiwasang sabihing patay na ang isang taong
namatay. Ang ginagamit nati’y “namayapa” o dili kaya’y “wala na”. Pero sa pagkakataong ito.
Sa maraming pagkakataong ako ang nagbahagi ng balita, ang sinasabi ko ay “patay na sya”. Na
para bang ibinabalita kong “kumakain lang sya,” o di kaya’y “antayin nyo, tumatae pa.” Hindi ko
pa marahil mapoproseso ng tama o baka naman naproseso ko ng mabilis, kaya’t madali para sa
aking ibahagi ang balita. Hindi ako sigurado. Napagdaanan ko na ang prosesong itinuro nya sa
akin. May mga bonus points pa. Magaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay walang nawala
sa akin. Pakiramdam ko ay kaya kong ituloy ang laban sa buhay, kahit wala na sya, gayung
naging magkaibigan kami dahil hindi ako makabangong mag-isa. Ito kaya ay isang lesson of
irony? O pwede rin namang naihanda nya ako ng tama at sapat. Sa dami ng hindi ko
naiintindihan sa pangyayaring ito, gusto ko na lang isipin na ang pagluluksa ay isang retorika na
walang katumbas na praxis. At marahil, ang huling proposisyon ang panghahawakan ko, dahil sa
haba pa ng lalakbayin ko, samantalang karay-karay ang Second Princess, kailangan kong maging
matatag, mabuhay sa kasalukuyan at hinaharap, habang patuloy na humuhugot ng inspirasyon sa
mga pinagdaanan namin ng mahal kong kaibigan—ang nag-iisang Ms. Leyte—na sa unang
pagkakataon ay nauna na sa aming lahat.
Anim na Sabado ng Beyblade
Ni: Ferdinand Pisigan Jarin
(This essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards)
Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip.Iyan ang paulit-
ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita
upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na
nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga
siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin
kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na
nangyari sa ating paligid.
Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano
naman kaya ang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong
katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila
sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating
ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa
iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong nakauunawa sa bawat pagkumpas
ng kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga
simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin ang mga
gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatang makapagsalita?
Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang
ilang mga bagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi
ang mga nais kong sabihin, maaari ko namang maisulat ang mga ito.
Gamit ito, naipaparating ko sa aking mga kaibigan ang aking kasalukuyang kalagayan, opinyon,
pananaw at mungkahi ukol sa ilang mga isyung personal at panlipunan.
Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa Facebook. Nanghihingi siya ng
mga mungkahi sa kung anong magandang gawin ngayong bakasyon. Marami ang nagbigay ng
kanilang mga opinyon. May mga nagsabing magbabad na lamang sa pagfe- Facebook. May mga
nagsabing maglaro na lamang daw sila ng mga computer games.
Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang tumaas
na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayonsa mga mungkahi nila. Sa una’y nag-aalinlangan
akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi nila magugustuhan ang sasabihin
ko o baka hindi maganda ang magiging reaksiyon ng mga makakapansin sa aking isusulat.
Ngunit, maya-maya ay napagpasyahan ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip ko, wala
namang masama kung susubukan kong magtipang mga nais kong sabihin. Iyon ang unang
pagkakataong nagbigay ako ng opinion maliban sa mga madalas kong iminumungkahi na
”hahaha,” ”tama,” at kung ano-anong
“Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o ’di kaya’y mag-swimming kapara ma-enjoy
mo ang init ng panahon. Kung gusto mo’y pwede ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan.
Sumulat ng blogs tungkol sa iyong sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman
ngayong tag-init.”
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang naglike ngunit may
ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil marami ang nagsabing maganda
ang mungkahi kong iyon. Kahit papaano’y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong
sa iba, hindi ba? Kaya simula noon ay ganap nang natanggal ang mga pag-aalinlangan kong
magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay madalas
ko na ring ipinopost sa Facebook at Twitter.
Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni
Mama.
Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nagaalangang
maghayag ng aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita
walang diskriminasyong nagaganap sa mundong ito. Lahat ay puwedeng gumamit nito. Bukas
kasi sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit.
Mapabata, estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mgatagapag-ulat,
manunulat, mga lolo’t lola, maging ang mga may kapansanan – sinuman aymamamangha sa
dami ng pakinabang nito.
Siyempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraanko at ng iba
pang kabataan para ipaalam sa lahat ang reaksiyon, opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga
nangyayari sa aming paligid – pamilya, pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na
itinitipa namin sa kompyuter ay may mahalagang mensahe.
Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming mga blogs sa internet, na kahit sa
mundo ng cyberspace ay puwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tama
ang ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang kami bastabasta nagpapalipas
ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito.
Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba’t iba naming reaksiyon at
kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na
namin ipino-post ang mga naglalakihan naming plakards ng reaksiyon at hinaing. Dito na namin
ipinapakalat ang mga nalilikha naming mga tula, sanaysay, at artikulong magbubukas ng isip sa
kapwa-kabataan namin.
Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-Facebook na lang ang inaatupag ng lahat ng
mga kabataan ngayon. Siguro nga’y napapansin na halos ‘di kami matinag sa harap ng
kompyuter pero hindi naman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami.
Dala na rin siguro ng modernisasyon kaya nakasanayan na naming gumamit ng internet para
maipahayag namin ang aming mga sarili – ang aming mga saloobin, mga pananaw, reaksiyon, at
mga opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na rin namin makontrolang aming mga sarili
sa paggamit ng internet, at inaamin ko na nagkakamali kami, pero sana’y maunawaan ninyo na
sa mga edad naming ito ay masyado kaming sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa totoong
mundo at sa mundo ng cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan
ng internet.
Tuwing kinakausap ako ni Mama noon ay nakikinig lamang ako sa kanya. Para akong piping
hindi nagsasalita kapag tinatanong niya ako kung ano ang opinyon at pananaw ko sa isang bagay.
Hindi ko alam kung nag-aalala ako na baka mali ang masasabi ko o natatakot ako sa magiging
reaksiyon niya. Pero ngayon, panatag ko nang nailalahad ang aking mga opinyon, pananaw, at
mga nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit sa aking buhay. Para akong
piping natutong magsalita. Salamat kay Mama sapagkat natuklasan kong maging Mendiola ang
internet na naging dahilansa pagsasatinig at pagsasatitik ng aking mga saloobin. Malaking bagay
na natuto akong ibahagi ang aking nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam kong
makatutulong din ang mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang pakiramdam ko sa
tuwing naipahahayag ko ang aking nararamdaman dito.
Segunda Mano
Ni: Eugene Y. Evasco
“Abo na kaya ang mga daliring minsang bumuklat sa pahinang ito?” tanong ko sa sarili
habang hinahaplos ang sinagip na aklat mula sa tindahan ng mga linimot at ibinasura.
Kinamihasanan kong bumili ng mga aklat na may kasaysayan. Sa aking kabataan ang binabasa
ko’y pinaglumaang aklat at magasing ibinigat ng may kayang ka-opisina ng aking magulang.
Nagkataong may kaibigang libriarian ang aking ina at kami’y naambunan ng mga sobrang aklat
ng Books for Asia-- mga aklat ukol sa siyensya, aklat pambata, aklat ukol sa gramatika at mga
lumang almanac. Nakatatak sa mga aklat na ito, “Gift of the United States of America.” Siguro’y
naibibida ng aking magulang na ang kanilang panganay ay laging nauubusan ng binabasa, o
naghihimutok na nawawala ang kanilang supling sa binabasang aklat. sinuyod kong lahat ang
mga mapa at impormasyon sa bawat bansa , maging ang skabisera sa estado sa Amerika, at
resulta sa nakaraang Olimpiyada. Iyon ang dahilan kung bakit ako nahilig sa General
Knowledge. Sa pagtatapos ng klase, humingi ako sa kapitbahay ng mga lumang textbook na
kanilang itatapon. Ginugogul ko ang tag-araw sa mga aklat na ito, habang akibng mga
kababata’y nagpapakadalubhasa sa patintero, piko, taguan, habulan-- humahabol sa naaltala
nilang paglalaro kapag pasukan.
Aklat na may kasaysayan ang pinaganda kong termino sa segunda mano. Sa tuwing binubuklat
ko ang mga nalikom na aklat, naamoy ko ang naptalina, usok ng tabako, cinnamon, giniling na
kape, ginisang baawang, pipimo, curry, lemonasa o kinchay. Nabubuo sa aking isipang ang
kaligirang minsang nagng bahagi ng aklat. MAdalas, nasusumpingan ko sng bookplate,
dedikasyon, petsa ng pagkakabili, zodiac sign ng may-ari, munting larawan sa inside cover ng
aklat. Naghuhumindig ang mga titik na “personala property of” at “from the library of” kaya
napagdududahan kung dapat isalansan sa amking estante ang mga aklat na ito. Kung ang
tindahan ng mga segunda mano ay ampunan, labag ito sa patakaran sa pagpapaampon. Marapat
na walang bakas ng orihinal na may-ari ang inabandonang aklat. Maaaring lumikha iyon ng
komplikasyon.Sa tuwinay ginigisa ko sa tanong ang sarili, “Ibinenta kaya ang aklat dahil hindi
ito nagustuhan? nagkamali kaya sa pagbili? yumao na kaya ang may-ari at ayaw ng kahinlog sa
kanyang gunita?”
Bago at habang nagbabasa ng aklat, hindi ko mapigil ang sariling basahin ang mga
nalalakip. May hibla ng buhok, piraso ng tuyong anit, mga bakas ng daliri, tarheta, bookmark,
larawan, at mumo ng tsitserya. Natutukoy ko rin ang pinagmulan ng aklat: regalo sa Pasko,
graduation, Easter, kaarawan, o simpleng paghahandog. Nakalagda nga sa pahina, “I hope you
like this as much as I do.” Naiisip ko, hindi ko sinasadyang iligtas ang mga mensaheng iyon.
Naangkin ko maging ang pagbati. Ang mga aklat ding ito’y magandang ebidensya sa arkeolohiya
ng kinabukasan. Sa hulma ng Jurassic Park, makalilikom rito ng mga tirintas ng DNA para sa
cloning ng magiging sinaunang tao sa malayo-layong hinaharap.
“Baka may dalang mikrobyo ang mga iyan,” pagdududa ng aking kasintahan, bukod pa
sa reklamong “nag-uumapaw sa mga aklat ang silid.” Ayaw na ayw niyang dadalhin ko sa silid-
tulugan ang mga “binhian ng sakit”, baka mahawa ang mga orihinal na biniling aklat. May
konsepto siya ng mga aklat na nararapat isalansan sa estanteng may salamin, ibalandra sa sala, o
itago sa kahon sa ilalim ng kama. Sunud-sunod ang paratang niya sa mga aklat: takaw-sunog,
takaw-agiw, takaw-alikabok, takaw-sakit, takaw-anay. Sumasakit ang kaniyang mata sa hitsura
ng lumang aklat. Naririnig kaya niya ang kasabihang pinakamagandang muwebles ng tahanan
ang mga aklat? Ito ang peligro sa paghalukay ng henyong pampanitikan, lalo na sa panahong
iniuugnay sa ukay-ukay ang meningoccemia. Naisasantabi ang pangambang ito sa pagtunghay
ko sa pakikipagdialogo ng unang may-ari sa aklat. Madalas mas interesante ang dialogong ito
kaysa sa nilalaman ng isang aklat. Tila ako’y mamboboso sa pagtatalik ng mambabasa sa
binabasa, ng binabasa sa mambabasa; sinusubaybayan ko ang mga marka ng unang naghimaton
sa mga pahina─mga talaan ng mahihirap na salita, mga pagsasanay sa pirma, mga salungguhit,
mga binilugang salita, mga tala sa gilid nga pahina, mga puna sa mga pangungusap, pagkakabit
ng tandang pananong sa malalabong pangungusap, komentaryo sa mga idea. Bigla ko tuloy
naisip, nakikita kaya ng sinomang kaibigang himihiram ng naibigan kong aklat ang bakas ng
aking labi sa pabalat? Napakainteraktibo ng aklat kung pagkakaisipin, maiuugnay sa
pakikisangkot ng mga manunuod sa pelikula, radio at telebisyon. Nariyang sinasagot ang linya
ng artista, nakikihagulgol sa iyakan, hinahalikan ang artista sa iskrin, sinisigawan at minumura
ang kalaban, at minsa’y binabaril ang kontrabida sa telon. Patnubay sa aking pagbabasa ang mga
pakikipagdialogong iyon—sa ganitong bahagi nabighani ang mambabasa, dito siya naiyak, dito
siya humalakhak, Malabo ang imaheng ito, sariwa ang metapora, o dapat nang harapin ang
diksiyonaryo. May lumalabis naman sa pakikipagdialogo. Madalas, ginagawang sanayan sa
pagdrowing ang mga pahina. Sa kasong ito, pinapatawad ko ang mga bata sa kanilang mga aklat.
Napapansing kinukulayan nila ang mga ilustrasyon, ginagawang bungi at bungal ang mga
larawan ng tao, at naglalagay ng thought balloon sa mga tuod na ilustrasyon. Matagal ko nang
tinganggap na ang aklat ay laruan ng mga bata. Hindi pinagbabawalan ang mga bata na
romansahin ang mga pahina para maging bahagi ang aklat sa kanilang kultura hanggang
pagkagulang.
Sa pamamakyaw ng mga segunda manong aklat pambata, naisip kong masakit mawalan
ng aklat. Ang mga aklat kayang ito, tulad ng damit, ay napaglalakhan; tulad ng musikang
nalalaos o sapatos na nalilihis sa moda? Sinaliksik ko ang mga aklat pambata naming
magkakapatid. Iilan na lamang ang natitira. Yaong iba’y itinapon na dahil nawawala ang ibang
pahina; ginawang eroplano o bangkang papel. Yaong iba’y nilamon ng amag, tagulamin, at
alikabok. Yaong iba’y hiniram at hindi na isinauli. Hanapin ko kaya ang mga nawawala kong
aklat? Hanapin ko kaya ang mga batang orihinal na may-ari ng binili kong aklat? Manunulat
kaya siya ngayon, o masugid na mambabasa? Pinagsisihan kaya niya ang pagwawalang-bahala
sa aklat ng kanyang pagkabata? Nag-asawa na kaya at may mga anak? May pamahiing walang
aklat na nawawala; napupunta lamang sa maling lugar. Nasa mga kamay ko ang mga
nawawalang aklat na iyon. Ayaw kong isiping maling lugar ang nasa aking pangangalaga. Akon
ang tamang lugar.Nasa aking pag-iingat ang napaglakhang mga aklat.
Ang tahanang walang aklat, wika nga ni Cicero, ay katawang walang kaluluwa. Ginamit
ito ng Amazon.com sa pagbebenta ng mga aklat. Mautak nga rin ang mga patalastas, sinasalakay
ang mga panitikan ng mga poeta ng kapitalista. May mga islogan at panghikayat ding “there is
no such thing as too many books: at “walang mahal na aklat” para hindi manghinayang sa mataas
na presyo ng babasahin. Hindi ganito ang kaso sa pamimili ng segunda mano. Sa sweldo kong
katumbas ng apat na bagong hardbound na aklat, pinaiiral ko ang prinsipyong “mahahanap ko
ang aklat sa mga hindi inaasahang lugar.” Nais ko’y salakayin ang warehouse ng Booksale, o
salubungin ang mga barko ng segunda manong aklat sa dagat Pasipiko bago dumaong sa
baybayin ng Pilipinas. Pero saan pa?Nasa pagkakagitla at sorpresa ang ligaya ko sa paghalukay;
yaong may kakaibang uri ng nginig at kilig kapag nakita ko sa kailaliman ang pabalat na
minsang tiumakam sa akin. Tila ako ay antic-hukay na nananalig sa isang alamat, na nasa
dakong ito ng bansa’y matatagpuan ang kayamanan ni Yamashita. Wari pang aso na nakatagpo
ng butong malaman sa basurahan. Dahil dito, sa tuwing naglalakbay ako, lahok na sa aking
itinerary ang pakikiwagwagan sa tindahan ng mga aklat. Kapag umaakyat ako sa lungsod ng
Baguio, ukay-ukay capital ng Pilipinas, hindi damit at sapatos ang aking pakay kundi ang mga
aklat sa Diplomat sa SM City at sa Center Mall. Wala naman akong fetisismo sa mga damit na
may pangalan o popular na tatak na maisusuot lamang ng alta-sosyedad. Wala naman akong
pantasyang mag-asal-pabo sa damit buhat sa winter/spring/summer/autumn collection ng kung
sino-sinong taga-disenyo. Mahalaga’y may naisusuot pa akong matino-tino.
Tumuklas ng ako ng aklat, naghahanap ako ng mga mababasa, nagtuturo ako ng mga
paraan sa pagbasa, sa isang bansang kumakayod para mat maihain sa mesa. Pagkain, tahanan,
tubig, koryente muna bago ang lahat.Idagdag pa ang cellphone at cellcard. Habang ginagalugad
ko angtindahan ng aklat, siya namang ng mga kabataan sa call center, sa doctor na nag-
aambisyong maging isang caregiver, sa mga dalagang nagpapasipsip ng bilbill, sa mga
matronang magpapatala sa facelift, sa mga bagets na nag-eensayong mapansin sa artista search.
Paano uunlad ang bansa kung namimilipit sa gutom ang kamalayan? Aklat ang katapat ng inu-
ulcer na utak.
Kung ituturing kong texto ang mga tindahang nabanggit, kapansin-pansing isinantabi ang
espasyong pinaglalagakan ng segunda mano. Mahahanap ko ang ilan sa basement (Diplomat, SM
City, Baguio; BS, Fairmart; BS, Glorietta; BS, Megamall; BS, Starmall; BS, Festival Mall; BS,
Shoppesville; BS, SM Fairview), sa pinakamataas na palapag (POB, National Cubao; POB,
Crossings Quezon Ave.) at sa annex (BS, SM City North EDSA). Ang Karamihan ay nakatayo
sa espasyong mumurahin ang renta (Diplomat, Center Mall Baguio; Diplomat, P. Tuazon Cubao;
BS Alimall), sa espayong madadaanan ng masa (Recto;BS, EDSA Central; shopwise cubao;
BFL, Tandang Sora), sa mga tila abandonadong gusali (BS, Rustan’s Cubao; BS, Katipunan; BS
Quezon Avenue). Lahat ay maliliit na kahong ilang dipa lamang ang lawak. Masisiko ang isang
lumang isyu ng magasin, o ang kolohiyalang nagtitipon ng nobelang popular. Hindi ko rin
masusumpungan ang magagarang mall tulas ng Rockwell, Greenbelt, at Eastwood. Palibhasa’y
class ang mga pumupunta doon, kayang kayang bumili ng mga mamahaling aklat saA Differeent
Bookstore, Fully-booked, BIbliarch at Ink & Stone. Sa pangalan pa lang ng tindahang iyon,
napakarangal pakinggan na kumpara sa BOoksale at Book for Less.
Walang konsepto ng customer service sa mga tindahang ito. Walang artipisyal na pagbati
sa aking pagpasok. Tila banderitas ang anunsyong “This way to treasure hunt.”Walang
guwardiya at aparating maghuhudyat ng sino mang mangungupit ng aklat. May Pagkakataong sa
Booksale sa Quezon Avenue umiidlip ang anak ng kahera sa mga kahon ng aklat. Sa Booksale sa
likod ng Shopwisea ng Araneta Center, nadatnan ko ang kaharang kumakain ng piniritong
galunggong, itlog ns pula at kamatis. Nakilala niya ako dahil sa mukha at binate ako ng “Kain
tayo.” Wala naman talagang alam sa mga aklat ang tumatao sa Booksale. layon lamang nila ang
maka-quota.
Madalas kong marinig ang reklamong “Mahina ang benta ngayon.” Minsan, sinumpong
ako ng kapilyuhan. “Miss, may kopya ba kayo ng The Very Best of (pangalan ko) at His Worst?”
Kinagat ko ang aking dila; ayaw kong humagalpak sa sarili kong biro. At kagila-gilalas, sinagot
niya ako, “Ay, naubos na. Baka may dumating sa susunod na linggo.” Mula noo’y naging urban
legend sa mga kakilala ang pangyayaring iyon. Madalas, pakiramdam ko’y ako ang naisasantabi.
Tulad ng minsang bumisita ako sa kalulunsad na Powerbooks Live! sa Greenbelt 3. Tunay
namang napahanga ako sa disenyo nito. “First world na first world,” puna ng aking kaibigan.
Malamig sa loob. Amo’y kapupulak na kahoy ang paligid. Dini gang musika ni Antonio Carlos
Jobim. May malambot na sopa para kilatisin ang aklat bago bilhin. Ganito raw ang mga
bookstore sa Hong Kong at Singapore, kawangis ng Page One at Kinokuniya. Hanggang titig-
pag-ibig na lamang ako sa aklat hanggang sa matuklasan ko ang bargain books section nito.
Malaking bulto ang mga pinaglumaang library book ng Amerika. Ayos! sa isip-isip ko. Sa lugar
na ito sa Makati, walang mga katulad kong segunda mano ang pakay. Wala akong
makakalaban.Hindi pa ito nasusuyod. Hinihintay ko ang tamang pagkakataon para mawala ang
mga nakapormang yuppies, na lagpas alas-singko na’y kay aayos pa ng damit, parang bagong
plantsa. O sa mga naka-party dress. Palibhasa’y gimikan ng mga Kabataang nagsasayang ng
pagkabata ang Greenbelt.Baka isipin nilang hanggang segunda mano lamang ako. Ayaw kong
mahabag sa maaabot ng aking bulsa. Malimit kong tanungin ang sarili, kung bakit ako asal-
mayaman?
Tuwing pumapasok ako sa tindahan ng mga segunda mano, pakiwari ko’y ulilang kuting
o ligaw na tuta ang mga aklat. “Palayain mo ako!” hiyaw ng isang aklat. “Iahon mo ako!” sigaw
ng isa habang nakasiksik, hindi makahinga. “Naririto lamang ako,” taghoy pa ng isa buhat sa
kailaliman ng kahon. May pagkakataong sementeryo ang turing ko sa tindahan. Sementeryo ng
mga limot na aklat. O morgue ng mga pinaslang na aklatan. O kanlungan ng minaltratong akda.
Parikalang maituturing na pampasikip tahanan ang mga bagay na pampalawak-utak. Bigla tuloy
akong kinilabutan sa natuklasan, likha ng aksidente sa pagtipa ng keyboard, na kapag nabaligtad
ang unang dalawang letra ng “aklat” ay magiging “kalat”. Hindi ko rin matanggap ang dahilang
“nabasa na” ang aklat. Ang mainam na mambabasa, ang pangunahing mambabasa, ang aktibo at
malikhaing mambabasa ay ang mga muling nagbabasa.” May isa pang teorya na upang maging
ganap na nilalang, kailangang makabasa ng 400 na aklat. Kung pagsasamahin ito sa idea ni
Nabokov, 800 o mahigit ang kailangan kong bunuin habang nabubuhay. Ilang pulgadang kapal
ng lente ang aking antipara kapag natapos ko ang proyektong ito?
Dahil bihira akong makabili ng nais na aklat at walang konsepto ng book allowance ang
aking mga magulang, ang pamamakyaw ko ng segunda mano ay maitutumbas sa galak sa eat-all-
you-can, bottomless na inumin, sa presyong Divisoria o Tutuban, habang tinuttubos ang aking
pagkabata. Di tulad ng kahel na kapag piniga’y wala nang halaga, ang aklat ay mananatiling
aklat kapag magpasalin-salin man sa iba’t ibang kamay. Hindi ito tulad ng segunda manong
kotse, cellphone, muwebles, bahay. Alay ito sa mga sanay sa diskwento, sa mga bagsak-presyo,
sa mga sale at midnight madness, at sa mga pinalalagpas ang aklat na may factory defect, yaong
mga bumagsak sa quality control ang pisikal na kaanyuan, hindi ang nilalaman. Ginagawa nitong
demokratiko ang pag-aaral at pagbabsa, lalo na sa panahong isasangla ang lahat para
makapagtapos ng kolehiyo. Natataguyod nito ang edukasyong walang hangganan, ang
pamantasang walang gusali at kaguruan.Sa mga tindahan ding ito mababakas hindi lamang ang
pinaglumaan kundi ang binasa ng isang bansa. Ilan ang nagsabing ang ugali ng mga Pilipino sa
segunda mano ang dahilan kung bakit nababansot ang pambansang paglalathala. Pinaiikli rin nito
ang buhay ng bagong aklat dahil kinamishanang pasa-pasa ang babasahin sa pamilya, kaibigan,
kakilala. Lalo na sa bansa, noong una pa man, ang Liwayway, Pasyon, mga komiks, nobela ng
pag-ibig at mga munting aklat ng awit at korido na mabibili sa tabi ng simbahan ay
pinagkakaguluhan ng pamilya, barkada, at komunidad. Kolektibo ang tradisyon ng pagbabasa sa
bansa kaya bibihira ang maging bestseller na manunulat sa aking bayan.
“Bili ka naman nang bili,” reklamo ng aking kasintahan, “basahin mo muna ang tambak
diyan.” Nais niya’y magdiyeta ako sa mga segunda mano. Mag-uumpisa raw ba ako ng tindahan,
magtatayo ng publikong aklatan, magpapasinaya ng eksibit? Bakit hindi ko i-donate sa
nangangailangang paaralan? Medyo natauhan ako sa sinabi niyang iyon. “Mababasa mo bang
lahat iyan? Baka yumao ka na’y hindi mo pa natatapos ang mga iyan.” Halos 80% ng aking
koleksiyon ay hindi ko pa nababasa, lalong lumalaki ang bilang habang namamakyaw kung saan-
saan. Iyong iba, pabalat na lamang muna, hindi ko pa nasusuri. Iyong iba, mabulunan sa
maikling buod at mayayabang na blurb sa likod. Iyong iba, hindi ko pa naaalis sa supot. Sa
ganitong ugali, kadalasa’y nagiging doble o triple ang kopya ko ng aklat, na may iba’t ibang
edisyon. Aanhin ko raw ang ibang kopya? Sa kanilang mukha, mababasa ang pakiusap na “akin
na lang ang isa.” Magaan kasi ang pakiramdam, kapag sinusumpong ako sa pagbabasa, na
madadampot ko ang kailangang basahin. Sa madaling sabi, abot-kamay. Panahon at damdamin
ang nagtatakda kung ano ang aking makakaulayaw. Ang mga kahon at estante ng segunda mano
kong aklat ay hindi bodega kundi botika. Nakahanay na parang bote ng mga gamut ang aklat. Sa
panahong nauso ang “detox” at kailangang isaayos ang mga sukal-agiw-surot sa utk, lunas sa
patong-patong na iskedyul at deadline ang mga bestseller. Popcorn book ang tawag ko rito.
Pahinga sa mga required reading, sa hangaring erudisyon sa mga klasiko at kanonisadong aklat,
sa mga pretensiyon sa akademya. Palibhasa’y para akong naunuod ng pelikula sa bilis at pihit ng
mga pangyayari. Lisensyado naman ang mgabasa ng bestseller ang mga guro ng panitikan. Nais
kong maiugnay sa panlasa ng aking mag-aaral na nahuhukot sa mga iniismirang aklat nina John
Grisham, Sidney Sheldon, o Dan Brown.
Kapag sinusumpong sa adiksyon sa pangangalakal,dagli akong bibisita sa mga tindahan.
Nasuyod ko naman ang mga branch noong nakaraang linggo. Pero babalik pa rin ako. Baka may
nakaligtaan ako. Taimtim akong nananalangin sa mga aklat, parang naghahanap ng nawawalang
kamag-anak. “Magpakita ka, magpakita ka.” Baka may mga bubuksang kahon; anak ako ng
isang balikbayang naghihintay sa mga kahon ng pasalubong. Walang bago, sasabihin ko sa aking
sarili. Inaasahan ko na ito. Pero may mga kayamanang dapat sagipin. Lilikumin ko ang mga aklat
na mayroon na ako. Magte-text sa mga kaibigan. “Mayroon ka na ba nito?” Text back ASAP.”
Sorry, mayroon na raw. Pero maghahalukay pa rin ako. Dampot dito, kalkal doon. Dito ko
ginugugol ang aking maghapon. Sa huli’y ilalagak ko ang aking ani sa isang tabi. Sana, sa loob-
loob ko, mayroong isang nilalang, na kawangis ko ng panlasa, makatagpo nitp. Ituring sana niya
itong jackpot. Patawad kung pinadali ko na ang proseso. Ipinagkait ko sa kaniya ang pagtuklas
ng sorpresa.
Basura’t kalat nga ng ilan, kayamanan ko naman. Ito ang aking ambag sa kultura nating
ukay-ukay, wagwagan, at pagpag. Laging nag-aabang ang mga taong lansangan ng aking
lungsod sa iluluwang pagkain ng mga restawran. Kaniya-kaniyang teritoryo ang mga maralita,
maghihintay ng hatinggabi at saka Mg-uunahan sa mga itim na supot. Dali-dali nilang iipunin
ang maisasalba, itatapon ang mga napapanis, pag-aagawan ang karne, at muling pasasayarin sa
apoy para kahit papaano’y mapuks ang mikrobyo. Lalagyan ng kaunting toyo, paminta, sibuyas.
Dagdagan ng tubig para may mahigop na sabaw. Pagpag, minsa’y batchoy, ang tawag nila sa
segunda manong pagkain. Dagli ko ring naalala ang pamimili ng nalaos na modelo ng telebisyon,
washing machine, at VCDplayer mula sa mauunlad na bansa sa Asya. Save on Surplus, ang
ipinagmamalaki ng mga tindahang ito. Kakatwang tinawag ang mga tindahan na Sayonato at
Nakamura. Ang Pinoy nga naman, kaytatalas ng siste. May kakilala akong iskolar ng
mombushu , naglilinot sa kapitbahayan, naghahanap ng maisasalbang sopa, kutson, mesa,
telebisyon, lampara, radio sa basurahan ng Tokyo para punan ang anemiko niyang dormitoryo. O
ang aking isang propesor, ibinida ang kaniyang mga nailigtas na “discarded books” mula sa
isang unibersidad sa Hawaii. O ang aking ama na dinayo pa ang bayan ng Dau sa Pampanga,
pagkaraang isara ang mga base militar, para makamenos sa mga kasangkapang stateside.
Kuwento nga niya’y nakahanay sa gilid ng highway ang mga pinagbebentang inidorong ginamit
ng sundalong Kano. O ang mga “buraot vendor” sa Divisoria, nangangalkal ng binasurang gulay
at prutas, tatapyasin ang mga bahaging nabubulok, huhugasan para muling ipagbenta. O ang
aking ina, pinuntahan pa ang Ilocos sa kanilang outing, para silang magkakaopisina’y
makahanap ng segunda manong scooter mulang Taiwan. Sa Hong Kong, ang mga pinaglumaang
damit na dapat sana’y karidad, ginagawang negosyo ng mga mautak na domestic helper. Sa
katunayan, ang orihinal na tawag sa ukay-ukay ay “rilipan” buhat sa salitang “relief goods” ng
mga maalwang bansa para sa biktima ng sakuna.
Kung isinilang kaya ako sa ibang panahon, sa ibang lipunan, maghahanap pa rin kaya ako
ng segunda mano? Bilang guro, kipkip ko ang prinsipyong “nasa kalipunan ng mga aklat ang
pamantayan ng pamantasan.” Alagad ako ni Desiderius Erasmus na nagsabing “When I get a
little money I buy books; and if any is left I buy food and clothes.” Isinilang ako sa lipunang
bibihira ang pagpapahalaga sa mga palaisip, sa mga panday na salita, sa mga tagahubog ng
kamalyan. Sa kakarampot na pabuya’t pagkilala, ang kaligayahan ng guro’y bagsak-presyo ang
mga aklat sa pang-unibersidad na palimbagan. Manghiram habang wala pang bonus. Mas mabuti
kung mayaman ang yumaong propesor. Pumasok sa aking isipan na ipamamana ko sa aklatan ng
aking unibersidad ang mga aklat ko kapag ako’y yumao na. Pinagkakasya ang sweldo sa
pagpapa-photocopy ng mga akademikong aklat. kung okey sa budget pwedeng ipa-ringbind o
ipa-bookbind, ipa-colored Xerox pa ang balat. Hitsurang orihinal na. Ganito na yata ang
kapalaran ng guro sa Ikatlong Daigdig--mapaparatangang nabubuhay sa iskolarship na
photocopy at cut &paste. Matutong mamaluktot kay segunda mano ang hinahakot. Hindi naman
pwedeng dahilan ang kahirapan sa klase. Hindi ko pwedeng sabihing “ Ito lang ang maibibigay
ko sa inyo. Tinapatan ko lang ang sweldo.” Sapagkat tungkulin kong paunlarin ang kamalayan.
Kapanabay nito’y hadlanging agawin ang aking utak sa akdemiya; sa pagtuturo ng batayang
dalumat ng texto, intertexto, subtexto at kontexto sa panahon ng text messaging, sa panahon ng
tigpipisong kompersasyon na may limitadong bilang ng titik.
Sa kwento ng aking kaibigan sa Chicago, iniiwan ang mga nabasang aklat sa mga
estasyon ng tren. “If you want a book, take one. Donated books appreciated,” sabi sa karatula.
Sabi ko’y ipunin niya ang magaganda. “Magdala ka ng sako at ipadala mo sakin,” udyok ko.
Talagang ganoon daw sa States. Bihira ang magtago ng aklat, lalo na kung paperback. Ang
turing nila sa aklat ay magasin o peryodiko. Disposable ang lahat. Land of plenty., ‘ika niya ang
bansang iyon, umaapaw ang gatas at pulot. lipunang Supersize Me. Labis ang paglalathala, daan-
daang baging pamagat ang nailathala bawat buwan. Salamat kay Noam Chomsky sa pagturing
niya sa bansang Amerika ay may bulimia, isang kondisyong bundat na bundat ang tiyan at
kailangang kalkalin ang lalamunan para isuka ang dapat isuka. Ang Pilipinas ang isa sa napili
nilang sukahan: mga patapon,pinaglumaan,labis, nilangaw, di binasa at di nabiling aklat. Heto
namana kong sumusubaybay sa barko-barkong aklat, isinantabi muna ang dignidad at
pagpapahalaga sa sarili. wala akong pinagkaiba sa dalagang Pilipina na “hanggang pier” lamang.
Bumukal sa aking katawan ang daloy ng kuryente kung nakatyempo ako ng first edition
ng pangarap na aklat, dili kaya’y signed copy na gayong inaalay sa orihinal na may-ari.
Nangangaligkig ako sa mga hardbound na aklat. Pumipitlag ang akingpuso kapag nakatagpo ng
leatherbound at clothbound na mga nobela at katipunan ng mga tula; amoy na amoy kong katad
ang ginamit, kaparang ng mga sinaunang aklatng musika, yari sa pinatuyong balat ng kalabaw,
sa antigong simbahan ng Loboc sa Bohol. Maging ang mga limited editing ng dinidiyos kong
manunulat--ginintuang titik ang pabalat, tubog sa mga ginto ang gilid ng papel, at may ink
illustration sa bawat kabanata. Ito ang segunda manong aklat na aking pag-aari ngayon,
nakalagak sa retablo ng akingn pagbabasa. Mga aklat na ayaw kong buklatinn sa takot na
mangulubot ang gulugod at mangalagas ang mga pahina. Obserbasyin nga ng mga kalkilala,
ako’y dakilang “author’s reader.” Ayaw kong magalusan, maanggihan, matupi, magasgasan,
masulatan ang mga aklat. Parang sarili kong sanggol ang aklat, pagtatanggol sa lamok, ipis,
anay.
Habang tila mga tinapa sa dalayran ang mga akalt ng banyagang manunulat, pinipiga ko
ang aking sarili sa kakaiisip kung sino-sino at ilan ang maghihintay ng mga obrang Filipino. Ito
ang malungkmot na parikala sa aking panahon. Tanggap na katotohanang ang aklat ng Filipino’y
nilalangaw--walang buhay, may amoy na, hindi gumagalaw at hindi ginagalaw, nabubulook ang
laman hanggang pagpistahan ng uod. Gawin kayang pabalat ang larawan ng kung sinong sikat na
artista, tulad ng ginagawa sa kuwaderno? (e.g. larawan nina Angel Locin at Richard Gutierrez
para sa mga aklat ng mga alamat at kwentong bayan) Puwera nalang kung ito’y kalipunan ng
mga kasbabalaghan ng ngayo’y programang subaybayin sa telebiyon. Puwera na lang kung ito’y
textbook na may edorso ng DepEd. Malaon na naming pinagtatalunankung may sumikat na
manunulat sa PIlipinas. Sa pagkakaalam ko’y wala. Kung mayroon man, sa hanay rin lamang ng
mga kapwa manunulat. Iba ang kaso nina Balagtas at Rizaldahil nasa batas na ituro ang kanilang
mga akda. Mabuti pa sina Joanne Rowling, hindi pa nga naiprenta ang kanyang ikaanim na
installment sa Harry Potter, number 1 bestseller na. Kauntibng libot-libot pa, natanaw ko ang
isang tambakan ng mga aklat sa Filipino. Sinalakay ako ng malisyosong idea na ito ang Payatas
o Smokey Mountain ng pamitikan -- ibinibenta ng beinte pesos ang mga nalamog na kopya ng
panitikang-bayan at katipunan ng mga dula at tula. Insulto sa manunulat na tatakan ang sariling
obra ng “sale,” “marked down price,” “buy one take one” at “discount.” Ewan ko hindi ko
mawari, parang nais kong maduwal noon panahong iyon.
Panata ko’y tuklasin sa mg a binabasang aklat ang Pilipinas ng Panitkang Pilipino, tulad
sa pagsasaliksik ni Helene Hanff sa Inglatera sa panitikang Ingles. Sa 84 Charing Cross Road,
pamagat ng aklat at pangalan ng tindahan ng mga aklat antikwaryan, hindi hadlang ang Dagat
Atlantiko para mapasakamay ni Hanff, sa tulong ng Britong bookseller na si Frank Doel, ang
marikit na prosa sa talaarawan ni Samuel Pepys, sa mga sermon ni John Donne, sa mga aral sa
bersiyong Vulgate Latin na Bibliya. Hindi ko ring masagot ang hamon sa sarili kung mayroon
bang ibang nilalang sa lupalop na tinutuklas ang Pilipinas ng Panitikang Filipino. Kung saang
daigdig ako dinada ng mga segunda mano kong aklat, kung ano-anong kultura anvg aking
naranasan, ngunit hindi ko pa lubus na natutuklasana ng salamangka ng mga etnoepiko ng aking
bayan. Gusto kong sisihin ang mga nagkalat na murang kopya ng Bulfinchn’s Mythology at ang
aklat ni Edith Hamilton. Kasama ako sa henerasyon ng mga PIlipinong masuyong makalilikaha
ng mapa ng Middle Earth ni Tolkien at ang archipelago ng Earthsea ni LeGuin, gayong hindi ko
batid ang istruktura ng lupang pangako s Nalandangan ni Agyu. Kung bakit naman kasi masakit-
sa-bulsang bumili ng mga seryeng panitikang-bayab ni Damiana Eugenio at ang Ulahingan ng
Gitnang panay ni Elena Maquiso. Gusto ko ring sisihin ang mga Thomasitesna dumaong sa
kapuluan at ng mga pensionadong naging kolonyal na guro sa bansa, na nagpunla sa mga
katutubo ng panlasang Kanluranin, ang Sistema ng edukasyong naghasik ngn estetikang maka-
kanluran, ang globalisasyog sumira sa hangganan at teritoryo ng mga kultutra at nasyon. Kung
wL ito, hindi dudumugin ang mga tindahan ng segunda manong banyagang aklat. Kung walang
segunda manong aklat o materyal na kultura, wala rin itong segunda manong kultura: Kasumpa-
sumpa ang panahong ito na instant at de-lata ang aliwan at kultura-- mga pinalumaang Mexican
telenovela, Chinovela, Koreanovela; pelikulang horror ng Thailang, Korea at Japan; mg anime at
manga mula Japan. Ang mga paslit na aming kapitbahay, umagang-umaga’y bumibirit ng
awiting Intsik sa F4 at sumasayaw sa saliw ng Braziliang Chopeta. Maging gupit ng buhok ay
nakapadron sa mga artistang Taiwanese. Ugat na panggaya tulad ng ibong papagayo ang segunda
manong kultura: si Bayani Casimiro bilang Fred Astaire of the Philippines; si Eddie Mesa, Elvis
Presley; Canuplin, Charlie Chaplin, Jaya, Whitney Houston; at Regine Velasquez, Maria Carey
(Maaari pang humaba ang listahan). Gaya-gaya, puto maya, Segunda manong kultura, segunda
klaseng artista. Kapag nanunuod ako ng paligsahan sa pagkanta, kumurap lang ako sandali, akala
ko’y orihinal na singer ang bumibirit. Nakakapangilabot ang paligsahan ng mga walang sariling
tinig.Sa seginda manong kultura’y isinilang ang mga uring jologs sa lipunan—silang mga hindi
naman baduy, silang hindi naman promdi, silang hindi naman hikahos. Sapagkat ang mga tunay
na jologs ay iyong mga Pilipinong nagpipilit maging Afro-American sa Harlem (Egoy na Egoy
sa porma at pananalita), mga Jamaican kunwari na tipong Bob Marley, at iyong mga skinhead na
Neo-Nazi. Inakup! Batid ba nila ang kulturang kanilang ginagaya? Naramdaman ba ng mga
jologs na ito ang kasaysayan ng exodo, ethnocide, ghetto, at Holocaust habang ibinabalandra ang
kanilang mga kuwintas ng swastika? Ilang mag-aaral ko ang nagsusuot ng kamisetang
nakadisenyo ang mukha ni Che Guevarra. Gusto kong itanong, “KIlala mob a iyang suot mo?”
Ganito rin ang kaso sa unibersidad na aking kinamulatan. May isang propesor-sosyologo
na nang makatapak sa Amerika’y namakyaw ng lumang akademikong dyornal na hindi makikita
sa aklatan ng aming unibersidad. Ipinagyabang niya ang kaniyang nalikom, na ibinebenta lang
daw sa gilid ng daan. Pakitang-gilas si propesor sa lektura niya sa social anthropology. Sa
pagkakatuklas naming, ang mga halimbawa niya ng mga tribo’y matagal nang nabura sa daigdig.
Biktima an gaming propesor hindi lamang ng segunda manong babasahin kundi ng segunda
manong kaalaman. Ang resulta’y segunda klaseng pagtuturo, edukasyon, at mag-aaral.
“Nahanap mo na,” deklara ni Dattatreya, nagluluningning ang mga mata. Iginabay niya
ang aking paningin sa paanan niyang bumubukal ng mga akda. Sumalok siya, gamit ang
magkasalikop na palad, buhat sa agos at inihasik sa dakong iyon ng daigdig. “Naranasan mo na.
Nasa pagdanas ang karunungan.
Mapalad pa rin akong isinilang sa panahong ito, sa isang lipunang hindi hinahadlangan
ang pagbabasa. Hindi sinusunog ng mga kawal ang mga aklat na sumasagka sa political na
ambisyon ng mga pinuno. Hindi ipinagkakait sa kababaihan ang mga aklat. Hindi katulad sa
Tehran at Libya na ipinagbabawal ang Lolita. O sa Tsina noong kanilang Cultural Revolution
mula 1971-1974, sa hangaring re-edukasyon ni Mao Zeding sa daang libong palaisip, pinagsunog
ang mga akdang Kanluranin tulad ng kay Honoré de Balzac. O sa Singapore at Malaysia ma
itinuturing na subersibo ang Satanic Verses no Salman Rushdie. O noong panahon ng Batas
MIlitar sa bansa, dinarakip ang sinumang may dalang mapangahas na libro at manuskrito. O sa
pagsusunog noong ika-2 ng Marso, 1940 sa mga akda ng “tinaling” manunulat sa Plaza
Moriones ng Tondo, na walang pagpapahalaga sa tradisyon at kasaysayan sa panitikan. Maswete
ako panahong sumibol sa pagbabasa.
Mga Birtwal na Karahasan
Ni: Laurence Marvin S Castillo
“Tol, video ng pinupugutan ng ulo,” bulong sa akin ng isa kong kamag-aral, sabay nguso
sa isang grupo ng mga binatilyo na nagkakagulo sa inupahan nilang PC na halos tatlong units
ang layo mula sa unit na pinagkukumpulan namin. Walang aircon ang internet café na
kinaroroonan namin kaya naman napakalagkit ng hangin na lalo pang pinakapal ng naghahalong
amoy ng naipong pawis ng mga estudyanteng naroroon at ng nagbabagang hininga ng mga
hinihingal na makina ng mga PC units. Ngunit tila hindi iniinda ng mga binatilyong ito na
nakasuot din ng mga uniporme ng high school namin ang nakababanas na halumigmig sa loob ng
shop dahil nang sinulyapan namin sila, hindi sila natitinag sa kanilang maiigting na pagtitig na
tila kayang humukay ng isang malalim na portal papasok sa monitor ng kanilang inupahang PC.
Walang anumang partisyon sa pagitan ng mga PC units kung kaya‟t malaya kaming
nakapuslit ng mga silip doon sa daigdig na kanina pa nila pinupuno ng nagsasalimbayang ingay
ng paghagikgik at pandidiri. Nahagip ng aming mga paningin ang mga gumagalaw na anyo na
nakapaloob sa isang napakalabong video. Narinig naming nagpakawala ang napapaos na speaker
na katabi ng monitor ng isang kahila-hilakbot na sigaw na kalaunan ay pinalitan ng
nakangigilong tunog ng nanggigigil na paghiwa ng punyal sa laman.
Ito ang hudyat ng pagpasok namin sa tarangkahan ng mga birtwal na bangungot. Nang
sumunod na araw, natunton naming magkakaklase ang website na www.ogrish.com kung saan
matatagpuan ang nasilip naming video. Sa pagkakataong ito, armado kami ng mga nakatuhog na
isaw, barbeque at proven upang subukin kung kaya ba naming sikmuraing panoorin ang marahas
na tagpo habang kumakain.
Sa sandaling nakumpleto ang pagbubuffer ng video, dinala kami ng aming mga titig
papasok sa aming monitor, patungo sa loob ng isang mapanghi at masikip na warehouse. Sa
harap namin, nakatali sa isang monoblock ang isang balbas-saradong lalaking nakasuot ng kulay-
dalandang damit pampreso. Sa tantiya namin ay tatlumpung-taon ang kanyang gulang. Sa likod
niya, limang matatangkad na mga lalaki ang matikas ang pagkakatindig, lahat ay nakaitim, may
mga nakasukbit na mahahabang baril at may mga takip sa mukha na tanging mga mata at bibig
lamang ang naiiwang nakalitaw.
Bahagyang humakbang paharap ang isa sa kanila at naglabas ng isang pirasong papel.
Sinimulan niyang basahin ang nakasulat dito at bagamat hindi namin maintindihan ang wika ng
kanyang binabasa, nakapa namin ang galit at pang-uuyam sa tinig niya. Matapos iyon, ibinulsa
niya ang papel at kasama ng iba pang lalaki sa likuran, sinunggaban niya ang lalaking nakakulay-
dalandan. Sa simula ay halos hindi nagpupumiglas ang kanilang biktima, hanggang sa
magpakawala ito ng isang marahas na atungal nang sinimulan siyang gilitan gamit ang isang
maliit na punyal.
Makalipas ang ilang pigil-hiningang minuto ng panonood, nakatakas kami mula sa
warehouse na iyon pabalik sa nakapanlalagkit na internet café, pabalik sa nagsasalimbayang
ingay ng aming pagnguya, paglunok at pagpipigil na dumuwal.
Snuff films ang tawag sa ganitong mga videos na nagpapakita ng aktwal na pagpatay sa
isang tao. Sa kaparehong paraan na ang pornograpiya ay pamboboso sa pribadong espasyo ng
pagtatalik, ang snuff films ay paninilip sa mismong tagpo ng marahas na pagkitil ng buhay.
Marahil kahit sino ay magigimbal sa ideya ng pagsasapelikula ng pagpaslang sa isang tao, ngunit
maniwala man kayo o hindi, tigib ang ating espasyong kultural ng maraming halimbawa ng mga
snuff films – mula sa mga footages ng digmaan kagaya ng black and white na kuha ng pagtudla
sa mga sundalong tila ngiping nalalagas mula sa hanay ng mga pagal na katawan sa Martsa ng
Kamatayan noong WWII o ng imahe ng mga nagpira-pirasong bahay at katawan ng tao matapos
ang air-raid sa ilang mga pamayanan sa Vietnam noong 1960s, hanggang sa di-inaasahang
pagkahagip ng kamera sa pagpaslang kay JFK. Kung tutuusin, maaari nga yata nating ilagom ang
kasaysayan ng daigdig sa isang slideshow ng mararahas na imahe ng pagpatay.
Snuff films ang nagpakilala sa akin sa tinaguriang Ikatlong Digmaang Pandaigdig noong
nasa ikaanim na baitang ako. Ganito ko naaalala ang ika-11 ng Setyembre, 2001: Kagaya ng
nakagawian ko na tuwing recess, sumaglit ako sa kantina upang makinood sa telebisyong
nakaupo sa piling ng mga kaldero ng inilalakong ulam, habang nagmemeryenda ng isang
pinggang pansit malabon. Sa kalagitnaan ng aking panonood, biglang naputol ang pagpapalabas
sa pang-umagang kartun na sinusubaybayan ko, kasabay ng biglaang pagkapawi ng likot at sigla
ng mga nag-aangatang takip ng kaldero, kalansing ng mga barya at kubyertos, at aligagang kilos
ng mga serbidora at mga estudyante sa kainan. Lahat ng titig namin ay nahatak ng pag-ere ng
sari-saring anggulo ng magkasunod na pagsalpok ng dalawang hinijack na eroplano sa matatayog
na Twin Towers. Nilamon ng magkahalong apoy at usok ang napupulbos na kambal, habang
kapansin-pansin ang mga tuldok na tumatalsik palabas sa mga palapag, nahuhulog sa karimlang
naghihintay sa paanan ng guho. Sa isang mas malinaw na kuha ng mga gumuguhong gusali,
nakita kong ang mga tuldok na iyon ay may mga nagpupumiglas na paa at kamay.
Nagluksa ang Amerika at nagimbal ang buong mundo sa televised na karahasang ito,
ngunit sa aming mga magkakaklaseng malayo sa espasyo ng pagdadalamhati, higit na namayani
ang magkahalong pagkagulantang at pagkabighani sa ideya na ang karahasan at kamatayan ay
maaaring magsilbi bilang isang nakaaaliw na panoorin, isang pagtatanghal na may kakayahang
maghatid ng pananabik tulad ng isang maaksyong pelikula. Sa loob ng ilang linggo o marahil,
buwan pa, paulit-ulit na ipinalabas sa iba‟t ibang istasyon ng telebisyon ang mga kuha ng
trahedya ng 9/11, at kung maririnig ninyo ang mga kuwentuhan naming magkakaklase tungkol
sa mga palabas na ito, aakalain ninyong isang eksena sa isang Hollywood action blockbuster ang
aming pinag-uusapan.
Kagaya nga ng anumang tagpo sa isang pelikula o isang kuwento, nakasilid ang imahe ng
karahasang ito sa isang masalimuot na naratibo. Ang mga sumisirkulong kuha ng pagguho ng
Twin Towers ay hindi lamang mga imahe ng libu-libong nasayang na buhay; ang mga ito mismo
ay snuff films ng simbolikong pagkamatay ng isang makapangyarihang bansa. Kung kaya‟t ilang
araw matapos ang malagim na trahedya ng 9/11, ipinakita sa telebisyon ang isang luhaang
Pangulong Bush habang ipinapahayag sa mataginting na tinig ng paghihiganti ang „War on
Terror‟ bilang tugon sa agresyon ng mga rebelde mula sa Gitnang Silangan at marahil, upang
isalba na rin ang kadakilaan ng kanyang imperyo mula sa mga imahe ng kamatayan.
Kasabay ng mas umigting na opensiba ng Estados Unidos sa mga lupain sa Gitnang
Silangan upang maghiganti habang ipinagpapatuloy ang pag-agaw sa mga batis ng langis dito,
naging malawakan ang pagdakip ng mga sundalong Amerikano sa mga kahina-hinalang Arabo
na kasapi diumano sa Al-Qaeda. Ipiniit ang ilan sa mga pinaghihinalaang „terorista‟ sa Abu
Ghraib sa Baghdad at doon, hindi na dapat natin nalaman kung paano nilasap ng mga nakapiit
ang poot ng isang mapaghiganting imperyo.
Ngunit may mata ang mga dingding ng kulungan. Dalawa, tatlong taon makalipas ang
nakamamanhid na agos ng mga imahe mula sa trahedya ng 9/11, lumitaw sa internet ang mga
larawan at videos mula sa Abu Ghraib na nagpapakita ng mga tagpo ng tortyur at panggagahasa
sa mga preso. Nakatakip ang mga mukha ng mga preso ngunit sila ay nakahubo‟t hubad,
nakalitaw ang mga katawang karaniwang naikukubli ng tradisyunal na dishdasha ngunit ngayo‟y
nalilimbagan na ng mga kagat ng makakamandag na ahas, mga mantsa ng ihi, mga paso ng
ibinuhos na asido, mga hiwa na iniwan ng lubid o kawad ng kuryente, at pulu-pulong mga pasa.
Sa tabi ng mga biktima, naka-pose ng peace sign ang mga Amerikanong sundalo, maluluwang
ang mga nagmamalaking ngiti.
Sa puntong ito, naging malinaw ang birtwal na katangian ng War on Terror. Habang patuloy ang
sagupaan sa mga disyerto ng Gitnang Silangan, mayroong larangan ng digma sa loob ng internet
kung saan mga imahe ang nagsisilbing armas-pandigma. Bilang tugon sa bigwas ng mga
imaheng iniluwal ng mga karahasan sa piitan ng Abu Ghraib, dinukot ng mga rebeldeng Arabo
ang ilang mga Amerikano at Europeo na namamalagi sa Gitnang Silangan. Noong 2004, lumitaw
sa internet ang mahigit limang minutong video na pinamagatang “Abu Musa'b al-Zarqawi
slaughters an American.” Kung ano ang laman ng video, iyon ang natunghayan namin sa
www.ogrish.com.
Pamimirata sa Karan/hasan
Inilalakong Pagtitig
Sa puntong ito ay tila hindi na nga susing usapin ang awtentisidad. Higit na mahalaga
ngayon ang kapangyarihan ng karanasan, pinirata man o hindi, na tugunan ang pagkagutom ng
ating mga mata. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang pagkagutom na ito? Ano ang nagluluwal sa
pangangailangang tumitig sa karahasan?
Marahil, halos lahat sa atin ay pamilyar sa ganitong mga tagpo: mga nakapiit na pagsilip
mula sa bintana ng ating mga sasakyan upang matingnan ang pagpunit ng latigo sa hiwa-hiwang
balat ng mga nagpuprusiyong Kristo tuwing Semana Santa, mga nakaw na sulyap sa mga
katawang nayupi sa salpukan ng mga sasakyan sa kahabaan ng ating mga lansangan, at mga
walang-tinag na pagmamasid sa basagan ng mga mukha sa suluk-sulok ng mga eskinita, doon sa
mga umpukang nakapaikot sa mga bote ng alak. Kung pakalilimiin natin, hindi na nga natin
maitatatwa na lagi tayong may mekanismo na pumuslit ng titig sa iba‟t ibang tagpo ng
karahasang matatagpuan sa ating reyalidad.
Kagimbal-gimbal mang pakinggan, ang mga ipinuslit na pagtitig na ito ay tuwirang
nakakatagpo ng paglaya sa birtwal na espasyong nagkakanlong sa mga snuff films at iba pang
mga piniratang karahasan. Sa bisa ng malaya at malalim na pagtitig, ang daigdig ng birtwalidad
rin ang nagsisilbing espasyo ng paglaya at pagtakas para sa madlang namanhid na sa
pagkalulong sa panganib at kamatayan.
Tayo nga raw ay nabubuhay sa isang mundong laganap ang kultura ng kamatayan. Batbat
ito ng mga tagpo ng marahas na pagpaslang – mula sa mga tinudlang obrero at magsasakang
nakikipaglaban para sa maayos na sahod at benepisyo, sa mga walang-pangalang katawang
nagkalat sa mga larangan ng digma at maililista na lamang sa mga tala ng kasaysayan bilang mga
numero, sa mga bangkay sa loob ng mga kabaong na pinatungan ng mga sisiw na sumisiyap para
sa paghahanap ng katarungan, sa mga umuuwi tuwing hatinggabi at minalas na napagtripan
lamang, hanggang sa mga ordinaryong mamamayang biktima ng mga personal na poot at
paghihiganti – at sa ganitong kalagayan, ang kamatayan ay nagiging isang karaniwang tagpo na
lamang. Sa kasalukuyan, ang isang buhay ay katumbas na lamang ng isang katawang iniluluwal,
pinapalaki, pinag-aaral, inilalako bilang lakas-paggawa, bilang produktong nadidikitan ng price
tag, isang katawang madaling palitan sa sandali ng pagyao.
Mula sa loob ng ganitong kaayusan, umuusbong ang pangangailangan nating bawiin ang
ating mga katawan, at gisingin ang ating mga pandamang minanhid ng dikta ng walang-
hanggang pagpapaalipin, pagtitimpi, pagkakimi. Ito ang pangangailangang tinutugunan ng ating
pagtitig. Sa espasyo ng birtwalidad, pansamantalang itinatakas at inihahatid tayo ng ating mga
titig patungo sa mismong tagpo ng karahasan upang maramdaman natin sa loob ng ilang saglit
ang lupit ng pagpaslang, upang gisingin ang ating sindak, takot, gulat, pandidiri.
Ngunit may kaakibat na panganib ang saglit na paglaya (o pagtakas) na ito. Kaninang tanghali,
habang binabarena ng Tatay ko ang aparador namin sa kusina, nagmamalaking binanggit ng
pinsan kong walong-taong gulang na kamukha ng barenang iyon ang nakita nilang nakasubo sa
isang lalaki sa isang video na napanood nila sa internet. Para sa mga matang napadako na sa
kasukdulan ng karahasan, ang mga bagay sa ating reyalidad ay nagiging mga instrumento na ng
panganib at dahas. Hindi nga ba‟t indikasyon ito na tila hinahanap na rin natin dito sa ating
ginagalawang reyalidad ang mga karahasang naitampok sa atin sa mga limitadong sandaling
inilagi natin sa daigdig ng birtwalidad?
Sa puntong ito, lumilinaw sa akin ang tunay na kinalalagyan ng birtwalidad sa ating
ginagalawang reyalidad. Sa huli‟t huli, ang mga birtwal na karanasang napapanood natin sa
cyberspace ay mananatiling mga kopya lamang ng mga aktwal na karahasan. At kagaya ng
magkakahawig na pakete ng mga sabon, at mga de-lata sa mga pamilihan, nakalako na ang iba‟t
ibang kopyang ito ng piniratang karanasan, nakalatag upang tangkilikin ng madlang nais
makaranas ng karahasan. Subukan ninyong silipin kung gaano karami ang mga kabataang
nanonood ng mga mararahas na videos sa mga internet cafés o di kaya‟y taluntunin ang haba ng
pila sa mga sinehang nagpapalabas ng mga splatter films at torture porn, at mapapatunayan ninyo
na masiglang negosyo ang pamimirata ng karahasan.
Ito na nga marahil ang katumbas na halaga ng paglikha sa kamatayan bilang isang
piniratang karanasan na maaaring kopyahin ng hindi-mabilang na ulit. Sa panahong inilalako na
ang katawan ng tao, maging ang kanyang mga ideya, mga karanasan, at mga pangarap, bakit nga
ba hindi na rin ikalakal ang pagpaslang sa kanya?
Pag-uwi mula sa Daigdig ng Birtwalidad
Hindi ko maintindihan kung bakit marami sa mga kaibigan ko ang ilap na pumuntang Quiapo.
Minsan kasi pag niyayaya ko sila sa lugar na iyon, medyo umaangat ang isa nilang kilay na para
bang nagsasabing ‘Bakit mo kami niyayaya roon? Mayroon namang mall ah’ o di kaya’y ‘Ano
naming gagawin natin doon? Wala tayong makikita sa Quiapo kung hindi mga damit at anting-
anting.’ kung hindi’y ‘Ayaw! Baka mawala pa ang isa sa mga cellphones ko.’ Parati na lamang
may dahilan.
Ako? Hindi ako takot sa Quiapo. Sa katunayan, alam na alam ko ang pasikut-sikot ng lugar na
iyon at kabisado ko na rin ang galaw ng mga tao, kung mapagkakatiwalaan ba sila o hindi.
Bakit? Dahil sa nanay ko.
Marahil para sa inyo, ang Quiapo ay Quiapo lamang. May simbahan, may mosque. Maraming
bilihin, maraming manghuhula.Puro nagtitinda, puro namimili.Maingay.Magulo. Pero para sa
akin, higit pa diyan ang Quiapo. Kabilang na sa childhood memory ko ang lugar na ito. Hindi
kasi masyadong mahilig si Mommy sa mall kaya noong maliliit pa kaming tatlong
magkakapatid, mas madalas niya kaming dalhin sa Quiapo. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi rin
naman ako makatanggi sapagkat siya ang may pera. Siya ang boss, ‘ika nga.
Ilap ako sa tao noong bata pa ako. Hindi ako kumportableng makipag-usap sa mga taong hindi
ko kakilala. Kaya naman manghang-mangha ako sa kakayanan ng nanay ko na makipag-usap sa
ibang tao. Halimbawa na lamang sa Quiapo. Ang isang daan at limampung pisong bagay ay
natatawaran niya ng hanggang isang daan na lamang. Hindi ko alam ang taglay niyang mahika sa
pakikipagtawaran sa tindera, basta ang alam ko noon, gusto kong maging kagaya niya: walang
kahirap-hirap makipag-usap sa tao.
Naisip ko lang, sa buhay pala, lakas ng loob ang kailangan dahil hindi habambuhay, may
magsasalita para sa akin. Minsan, mas masarap ang pakiramdam kapag nagagawa kong mag-isa
ang mga bagay-bagay nang walang tulong ng ibang tao. At mas masarap ang pakiramdam kapag
nakakatawad ka sa mga barat na tindera.
Parating sinasabi ni Mommy na huwag daw akong mahihiyang magtanong sa ibang tao. At
talaga naming pinanghawakan ko ang payong iyon. Sa tuwi-tuwinang natatakot akong
magtanong, iniisip ko ang Quiapo.
Kung binabalak mong dumalaw sa Quiapo para mamili, tatlong bagay lang ang pinakakailangan
mong dalahin: pera, pasensya at disiplina.
Sa Quiapo, tabi-tabi ang mga tindahan. Kung titingnan mo, halos pare-parehas lang din ang mga
tinda nila, sa presyo lang nagkakatalo. Dito papasok ang pasensya at disiplina na kailangan mo
talaga. Para malamang-lamangan mo ang mga tindera, kailangan kang maghanap ng tindahang
magbibigay sayo ng parehas na produkto sa posibleng pinaka-mababang halaga (nagiging tunog
negosyante na ako!). Sabi kasi ng Mommy ko, sa ganitong paraan, malaki ang matitipid mo. Ang
sampung piso kasi sa Quiapo ay malaking halaga din.
Kapag namimili si Mommy noon sa Quiapo, minsan, inaabot kami ng siyam-siyam bago siya
maligayahan sa bibilhin niya. Kasi ba naman, lilibutin talaga namin ang lugar para sa ‘Search for
the Bargain’ na trip ng nanay ko. Ilang beses ko nang nasabing ‘Mommy, uwi na tayo… puwede
na yan … pagod na ‘ko’ Pero parati rin siyang sumasagot ng ‘Marami pa diyan … sandali na
lang … naku, sa susunod, wag ka nang sumama kung madali kang mapagod’ Pero parati naman
akong isinasama ulit ng aking ina. At parati pa rin akong nagrereklamo.
Sa ilang taon din nang pamimili sa Quiapo kasama ang aking inay, natutunan ko na ang disiplina
at pasensya ang maaaring magdala sa akin sa ano man ang nais kong marating o makuha. Hindi
ko man ito makamit nang madalian, pero alam ko naman na may kasiguraduhan. Pag nawawalan
ako ng disiplina at pasensya, naaalalako ang Quiapo.
May gimik ka sa Sabado kasi kaarawan ng kabarkada mo. Nais mong bumili ng bagong damit
kasi limampung beses na nila nakikita ang dilaw mong t-shirt. Mayroon kang isang daang
piso.Saan ka pupunta?Mismo.Sa Quiapo.
Nakakatawa sa Quiapo ang mura nitong bilihin. Mas mababa ang presyo kung ikukumpara mo sa
mall. Kung ikaw naman ang tao na mahilig sa may pangalan na damit, o hindi nabubuhay nang
walang Bench, Penshoppe o Human, hindi ka nga para sa Quiapo. Pero kung iisiping mabuti,
hindi ba’t pareparehas lamang iyang damit?
Ano ang natutunan ko rito? Hindi ang pagiging kuripot.Hindi rin ang pagtitipid. Kung hindi ang
pagiging simple at praktikal. Simula pa noong bata kami, sa Quiapo binibili ang mga gamit
namin. Sa pagkakataon palang iyon, natututunan ko ang kahalagahan ng pagiging praktikal.
Kailangan pala na utakan mo ang mundo paminsan-minsan para hindi kabaliktaran ang
mangyari. Sa tuwi-tuwinang naiisip ko ang buhay-buhay, naaalala ko ang Quiapo.
Marahil ang pinaka dahilan kung bakit ayaw sumama sa akin ng mga kaibigang niyayaya ko sa
Quiapo ay dahil sa talaga naming magulo ang lugar. Magulo sa paraang sobrang daming tao at
sala-salabid ang mga kalye. Minsan naiisip ko na paano kaya nakakatagal ang isang ina at tatlong
maliliit na bata sa paglilibot sa Quiapo nang isang buong araw. Hindi ko maalala ang eksaktong
paraan, pero ang alam ko, ang tatag ng nanay ko.
Sa Quiapo, hindi mo alam ang takbo ng paligid. Puwedeng ang katabi mo pala ay mandurukot, o
di kaya’y mamamatay tao. Maaaring sabihin na ang bawat minuto mo pala rito ay ang mga huli
ng buhay mo. Maraming hindi inaasahan ang nangyayari. Hindi mo masasabi sa unang tingin
kung sino ang kaibigan at kung sino ang nanlilinlang. Hindi ka pwedeng magreklamo kasi
tataasan ka lang ng kilay. Ang salitang ‘unfair’ ay hindi uso rito. At hindi mo alam kung
makakauwi ka pa sa bahay sa kondisyong gusto mo.
Ang madalas na pagdadala niya sa akin sa Quiapo ay naging tulay para makilala ko ang mundo,
sa mas maliit na aplikasyon, sa mas murang pag-iisip. Dahil dito, mas maagang namulat ang
noo’y sariwa kong kamalayan sa tunay na ikot ng buhay. Kaagad kong nakilala si Manloloko, si
Mandaraya, si Magulo at si Mahirap, at dahil dito, naiiwasan ko sila kaagad o di kaya’y
natatagalan. Dahil sa madalas na pagpunta namin sa Quiapo, humigpit ang hawak ko sa Diyos, at
naging matatag ako na indibidwal. Kung napansin ito lahat ng nanay ko, hindi ko alam.
Tuwing naasar na ako sa buhay at pakiramdam ko’y hindi patas ang mundo, naaalala ko ang
Quiapo.
Hindi na kami madalas pumunta sa Quiapo ngayon nang magkakasama. Minsan na lamang kasi
pumupunta si Mommy sa Quiapo dahil may pinagkakaabalahan na siyang tindahan.ngayon.
Marami na talaga ang nagbago. Hindi na ako ang anak na akay-akay ng ina at sabik na sabik
mamasyal. Nakakapanghinayang na tapos na ang mga inosenteng parte ng buhay ko. Pero kapag
pinag-isipan palang mabuti, hindi ako dapat malungkot. Katulad ng halos lahat ng pelikula,
palaging may natututunang aral ang bida. Hindi nga lamang ito diretsahang sinasabi sa kanya.
Kailangan munang gumawa siya ng sanaysay para mamulat ang kaisipan niya sa kwentong nasa
likod ng Quiapo na ikinuwento sa kanya ng kanyang ina.
Ako? Madalas pa rin naman akong dumalaw sa Quiapo. Pero, isa na lamang ang ibinabayad ko
sa jeep.
Sa tuwi-tuwinang nakakaramdam ako ng kahit anong klaseng kahinaan, naaalala ko ang aking
ina at ang aming pakikipagsapalaran.
Malimit kang naroon sa may sala. Nakaupo ka’t hindi mo namamalayan kung ano ba
talagang iyong ginagawa. Hindi mo namamalayan sapagkat wala ka naman talaga sa sala.
Naroroon ka sa alulod ng inyong bahay. Ikaw ang malaking bara na sanhi ng pagtulo sa kisame
ng mga kabahayan kapag umuulan. Sa panglilimahid ng katawan ay napapadpad ka sa banyo.
Ngunit lagi ay hindi mo nararamdaman ang iyong katawan, kahit pa sa madiing pagkuskos ng
sabon at matinding pag-ire kapag nagbabawas. Ito’y dahil wala ka naman talaga sa banyo
kundi nasa may kanal sa labas ng inyong tahanan. Kasama mo ang mga sachet ng sabon,
shampoo, gel at iba pa na ginagawang barado ang kanal kaya kapag may bagyo ay nakalulunod
ang tubig. Minsan naroon ka lamang sa iyong kuwarto, nakahiga sa kama’t nag-iinat at
niyayakap ang sarili na tila sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina. Malayo sa sinapupunan ng
ina ang may apat na sulok niyong bahay. Titig na titig ang iyong balintataw sa mga pader.
Naroon ka’t kumakapit, at kapag lumindol, unang-una ang mga itong magigiba.
Minsan ay kinakausap natin ang ating sarili sa isang lenggwaheng hindi kayang intindihin
ng kahit sinuman. Ayon nga sa sikolohistang si Carl Jung, ang isip ng tao ay hindi lamang
binubuo ng kamalayan. May mga bagay din ditong kay hirap isawika – samu’t saring alaala ng
mga larawan, na may kakabit na mga pakiramdam, na walang tigil na nagbabanggaan, bumubuo
ng mga bago pang larawan at nagtatakda ng daloy ng ating kamalayan. Magulo ang loob ng isip
datapwat hindi ba’t ang kaguluhang ito, ang mga bagay na hindi natin maisalin sa salita, ang
nagdadagdag ng kabuluhan sa buhay?
Kay dami-daming larawan sa aking isip. Hindi pa naman ako ganoon katagal nabubuhay
sa mundong ito, ngunit napadpad na ako sa iba’t ibang lugar – nagpaiba-iba ng tahanan gawa ng
mga kadahilanang hindi ako ang may hawak. Hindi ko mapagtagni-tagni ang mga larawan. At sa
mga saglit ng pagmumuni-muni, ng paghahanap at pagkilala sa sarili, wala akong maayos na
nabubuong kahulugan. Titig na titig ako sa mga pader ng aming bahay sapagkat iyon lamang ang
malinaw na nagsasabi ng kung ano ba talaga ang lagi kong nararamdaman at sumasakop sa aking
sarili: kawalan.
Natutunan kong mahalin at unawain ang bawat larawang nasasagap ng aking isip sa
araw-araw na pamumuhay na tila punung-puno ng paglalakbay. Natutunan kong ibaon silang
mabuti sa aking mga alaala, kasama ng mga pakiramdam na inihatid nila sa akin. Sa mga
pagsakay nga sa dyip o sa kung anumang sasakyan ay halos mapilipit na ang aking ulo sa
pagdungaw sa mga larawan sa bintana; pilit binibigyang saysay ang lahat, hinahanapan ng mga
pinakawagas na epekto sa pakiramdam upang maisama sa nais kong panghawakang tagnitagning
pagkakakilanlan.
Narito ang ilan sa mga larawang naaarok na ng aking kamalayan ang kabuluhan sa aking
pagkatao: ang ihip ng malamig na hanging dumarating bago ang mahina o katamtamang ulan ay
naghahatid sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan; ipinapaalala nito ang mga musmos kong
araw kung kailan ang mga malamig na tanghaling tapat ay ginagasta sa kwarto sa bahay kapiling
ang mainit na yakap ni Nanay, kumakalma sa puso’t isip na pagod sa pagharap sa mga parami
nang paraming pagsubok sa buhay. Narito rin ang eksena sa loob at labas ng dyip kapag masikip
ang trapiko. Kakabit nito ang isang pakiramdam ng labis na pag-iisa, sa pagkapalibot sa’kin ng
mga taong natutulog sa mataas na sikat ng araw, nakatulala o di kaya’y natatakpan ng panyo ang
ilong at bibig upang hindi makalanghap ng usok. Magkakadikit ang aming balat ngunit hindi ko
sila makausap. Sumisibol din ang isang malungkot na tanong: bakit kasing sikip ng upuan sa
dyip ang kalsada? Tila mahahagip na ng mga sasakyan ang mga tindero at barung-barong na
kabahayan sa gilid nito. Makipot ang kalsada at mabagal ang proseso ng pagtakas sa pag-iisa. Isa
pa sa mga larawan ay ang maraming puno’t malawak na palayang minsan lamang nakikita.
Tambak ang mga gusali at establisyamentong iba-iba ang hugis na masakit sa mata. Dito,
kapayapaan ulit ang aking nararamdaman.
Ang telebisyon at internet ay tila mga bintana rin ng dyip.Mabilis at masagana nitong
inilalatag ang mga samu’t saring larawan. Ngunit hindi gaya ng mga karaniwang ipinapakita ng
bintana ng dyip, ang mga larawan dito ay kay bilis nakararanas ng pagbabago. Naroon ang isang
tahimik at matayog na gusali na sa isang iglap lang ay gumuho’t nagkalagas-lagas dahil sa isang
7.5 magnitude na lindol. Nakahain din ang isang larawan ng hile-hilerang kabahayang halos
hindi pa lumipas ang isang minuto’y nagkatanggalan ang mga bubong sa malakas na hampas ng
hangin, at nayanig sa bugso ng baha. At ang aking mga mata ay uhaw na sumusubaybay.
Para pa rin akong sanggol sa sinapupunan. Tinatanggap ko ang mga larawang mistulang
nutrisyong kailangan ko upang patuloy na mabuhay ngunit hindi ko lubos na maintindihan kung
ano nga ba ang lahat ng mga ito. Madalas, natatagpuan ko pa rin ang aking sarili at ang aking
tagni-tagning pagkatao sa loob lamang ng bahay.
Malayo ang iyong tingin. Lumabas ka sa pinto ng inyong bahay ngunit di mo tiyak kung
ano ba talaga ang lugar na iyong pupuntahan at kung bakit. Naglakad ka sa isang
nakasanayang daan na hindi mo naman talaga nakasanayan sapagkat ni hindi mo napansin na
nagbago na ang kulay ng pintura ng isang gusali. Lalong hindi mo napansin ang hindi na
pagkapit ng hamog sa mga haligi nito. Nilamig ka at mas ninamnam mo ang awitin ng isang
sawing pag-ibig na nakasalpak sa iyong tainga. Lubos na sumikip ang iyong dibdib sa
pagbuntung-hininga. Walang mga puno sa iyong dinaraanan.
Sa buhul-buhol kong kamalayan, minsan ay kinakausap ko ang aking sarili na tila ba ako
at ang aking katawan ay hindi iisa. Sa ganitong uri ng paglayo, nasisilip ko ang isang larawang
nagpapakita ng aking kinalalagyan sa kalikasan at ang mga nangyayaring pagbabago sa paligid
ko. Ngunit minsan, pilit pa rin akong nananatili sa kaloob-looban ng aking sarili (kahit sa
panlabas ay makikitang magaslaw pa rin ang aking mga kilos at galaw). Dito, wala akong
masilip kundi ang mga tagni-tagning larawan na patuloy na lumalabo. Ang mga pakiramdam na
kakabit ng mga ito ay nagsasalpukan at walang ibang inihahain sa akin kundi kawalan...
Ang kabataan ay ang bahagi ng lipunang may bahid pa ng pagiging isang sanggol sa loob
ng sinapupunan. Ang paningin, pandinig, pang-amoy, panglasa at pandama na nais laging
kumonsumo ay nakatiwangwang – hindi pa gaanong nasasakal at nababarahan ng mga bagay
mula sa nakaraan. Ito ang panahon ng buhay kung kailan hinuhubog ang isang panghabangbuhay
na uri ng kamalayan na maaaring maipasa sa mga susunod pang henerasyon at siyang
magtatakda ng kapalaran ng daigdig.
Minsan, maliligaw tayo sa paglalakbay sa paghahanap ng ating mga sarili. Maaari ring
maligaw tayo sa kawalan dahil sa pananatili lamang sa loob ng sarili habang nililipasan ang mga
larawang ating nadaraanan. At ang higit na maaaring mangyaring pagkaligaw ay ang pagkaligaw
kapag nanatili tayong walang pakialam sa ating relasyon sa ating kapaligiran, kapag naging
makasarili tayo’t walang ibang iniintindi kundi ang mga akala nati’y pangangailangan ng ating
katawan pati na rin ng laging uhaw na kaluluwa. Hindi natin mapapansin ang mga senyales na
ipinapakita ng ating kapaligiran. Magigitla na lamang tayo sa biglaang pagbabago ng ating
‘nakasanayang’ mga larawan. At tayo’y magiging isang naliligaw na estrangherong hindi alam
kung saan kukuha ng pangtugon sa kanyang mga pangangailan sa isang lugar na sinalanta ng
isang kalamidad na siya rin mismo ang tumulong sa pagsasagawa.
Bata pa ako, kinahiligan ko na ang tubig. Minsan kung tumutulong ako maghugas
ngpinggan, pinagagalitan ako ng aking ina dahil ang tagal-tagal kong maghugas na tila
bangnaglalaro lang ako. Dahil sa aking pagmamahal sa tubig at walang sawang pangungulit sa
akingmagulang ay dinala nila ako sa dagat. Sa una kong pagtapak sa malamig na tubig-dagat,
agadkong nakitang lumitaw sa rabaw ang aking hulagway. Ito ang isa sa mga bagay na tumatak
saaking isipan hanggang ngayon.
Una kong narinig ang social media mula kay Papa noong walong taong gulang ako.Akala
ko isa itong site kung saan pwede akong maglaro o di kaya isang lugar kung saan pwedeako
makapanuod ng mga libreng palabas. Tuwang-tuwa ako nang binuksan niya ang
amingkompyuter upang ipakita sa akin ang Friendster – isang klase ng social media site na kilala
panoon. Hindi ko inaasahan ang naging itsura nito dahil inakala ko magiging makulay at
maykaakit-akit na disenyo ngunit ang nakita ko lamang ay may mga kahon sa loob ng isang
kahon atmga salitang Log In at Password. Tinanong ko nga muli si Papa kung niloloko ba niya
ako. Sahalip, ang sinagot niya lamang sa akin ay ang pag-iling ng kanyang ulo. Sinubukan ko
itonggamitin ngunit dahil sa aking musmos na pang-isipan, hindi ko pa alam kung ano ang
saysay atgamit nito. Subalit kinatagalan, dahil sa mga makikinang na litrato at ang kakayahang
palitan angbackground at font styles kaya ako ay nawili. Mula noon, dahan-dahang nagsimula
ang pagbagong aking pagkatao. Bago ko pa natuklasan ang social media, hindi ako mahilig
magsalita.Nakakalungkot dahil tuwing may recess kami, ako palagi ang naiiwan sa loob ng klase
habangang lahat ay naglalaro sa labas. Dahil siguro hindi ko sila kinakausap kaya naman hindi
rin nilaako niyayayang makipaglaro kasama nila. Sa pamamagitan ng social media, naging
kaibigan koang mga kaklase ko (sa mundo ng Friendster) at natuto akong makipag-usap sa kanila
dahilnagpapaturo sila sa akin kung paano magpalit ng layout. Doon ko napagtanto na kahit
tahimiklamang ako ay kaya ko ring makipagkaibigan sa iba. Ang bagong pagkatuklas na ito ang
nagging una kong hakbang upang makilala ko pa ang aking sarili.
Minsan takot akong tumingin sa tubig lalong-lalo na kung alam kong malalim
ito.Maaaring dahil maraming dikya o di kaya dahil hindi ko alam kung ano ang nandoon
sapinakaibaba. Ang dagat ay parang ang ating pagkatao na ninanais nating manatili hanggang
sarabaw lamang ng tubig dahil nanatiling isang misteryo para sa atin ang pinakamalalim na
bahaginito. Sabi nga ni Sigmund Freud sa kanyang modelo ng iceberg, maliit lamang ang
nakikitanating yelo sa ibabaw ng tubig (ang ating consciousness) subalit nagkukubli sa ilalim
ang masmalaki pang bahagi nito (ang ating sub-consciousness at unconsciousness). Sa social
media, angipinapakita lamang natin ang ating sarili bilang isang maliit na bahagi ng malaking
nagkukublingyelo. Dahil sa takot nating malaman kung ano ang nilalaman nito kaya hindi natin
itohinahayaang makita at malaman ng iba. “Lahat ay may isang sekretong mundo sa loob
nila”ayon nga kay Neil Gaiman.
Tuwing gagamit ako ng social media, may mga pagkakataong iniiwan ko ang
akingpagkatao at lahat ng aking mga lihim sa totoong mundo at pumapasok ako sa isang
bagongdaigdig kung saan gumagawa ako ng ibang pagkatao. Madalas sa Facebook, kapag
mayproblema ako, matapang kong hinaharap ang sanhi nito at kaya kong sabihin sa lahat ang
lahatng aking nararamdaman. Kaya naman, akala ng marami na ang tapang-tapang ko. Subalit
salikod ng maskarang suot ko ay umiiyak at nais tumakas na ako. Dahil dito, madalas na
nalilitoang mga tao sa akin (lalo na ang mga taong kilala ko) kung ano ba talaga ang aking ugali.
Ngayon, sino ang nakatingin pabalik sa akin sa tubig? Iyon ay ang mga lihim na hindi
kogustong maipakita sa iba sapagkat natatakot ako na maaaring masira ang tingin ng iba sa
akin.Mga lihim na hindi ko maunawaan dahil sa karuwagan kaya pinagmamasdan ko na lamang
itongnakakubli sa ilalim ng rabaw ng social media.
Noong dinala ako sa dagat ng aking magulang, hindi lamang ako lumangoy
kundisumakay rin ako sa isang bangka. Habang itinitikin ng bangkero ang bangka upang
makapuntaito sa mas malalim na bahagi ng dagat, naghahanap ako ng mga isdang lumalangoy o
di namankaya’y mga halamang dagat at bahura. Mahirap man silang hanapin ngunit nang may
nakitaakong isang grupo ng isdang lumalangoy palayo sa aming bangka, labis akong
nasiyahan.Kaparehas lamang ng paghahanap ko sa mga isda at mga bahura sa dagat ang ating
paghahanapsa sariling pagkakakilanlan. Hinahanap nating lahat kung sino ang gusto natin
maging at angsocial media ang pangunahing lugar na nagbibigay sa atin ng mga ideya.
Maraming bata anggustong maging astig dahil sa kanilang mga nakikitang litrato. Ang iba
naman ay gusting magkaroon ng isang talento katulad ng pagtugtog ng violin dahil sa mga
videos na kanilangnapapanuod dulot ng pag-share ng mga kaibigan nila nito. Aaminin ko na
ginusto kong magingmagaling sa paggamit ng Photoshop dahil binigyang inspirasyon ako ng
mga cover photos ngmga anime pages sa Facebook. Noong una, hinahangaan ko lang ang bawat
magagandangpagkagawa ng mga cover photos hanggang sa inudyok ako ng aking mga kaibigan
sa Facebookna subukan ko ring gumawa. Para bang mas naintindihan ko ang aking sarili dahil sa
mga kulayna aking madalas gamitin o mga textures na aking nilalagay sa Photoshop. Nahanap at
nakilalako ang aking masinig na pagkatao na hindi ko alam na mayroon pala ako noon.
Sa patuloy kong pagbagtas sa laot ng aking buhay, hindi ko pa rin lubusang nasasagotang
mga katanungang bumabagabag sa akin: Bakit inaalam ko pa rin kung ano ang nasa loob
ngtubig?, Bakit pa rin ako natatakot sa mga hiwagang kinakanlong ng lalim ng tubig? At;
Bakithindi pa rin ako masaya kahit nakakakita na ako ng mga isdang lumalangoy? Siguro
angmagandang gawin ay sisisid ako sa pagitan ng lupa at tubig upang hanapin ang misteryo ng
pagtataka. Kapag nahanap na, sisisid muli nang mas malalim patungo sa pusod ng
karagatangnagkakanlong sa mga hiwaga. Kukunin ko ito at muling papaitaas upang malaman na
kung angnahanap ay isang bagay na wala pa ako.
Kumander
Ni: Jing Panganiban-Mendoza
Pinakamatingkad na alaala ko ng aking lola ang hapong sumusugod siya dala ang mahabang
kutsilyong ginagamit niya pagkakatay ng manok at pagtitilad ng karne ng baboy at baka.
Kumikibot ang paligid ng kanyang mga mata at kumikinig sa galit ang mga brasong laylay ang
laman. Lakad-takbo ang kanyang mga hakbang. Napalis ang mga tao sa kanyang daan; natantiya
marahil ng mga ito sa higpit ng pagkakahawak ng kamay sa patalim na handa itong manigpas ng
ulo o manggilit ng leeg. Nang matanaw
niya ang pakay, waring tigre siyang dumaluhong para masakmal ang target.
Pero maliksi rin ang target. Nakapasok ito sa kotseng pula ng lolo ko bago pa ito abutin ng
kutsilyo. "Lumabas ka riyan, malandi!" sigaw ng lola ko sabay kalampag sa bintana. Sa puntong
ito, nakahabol na ang lolo ko at naagaw ang patalim mula sa nagwawala niyang asawa. Sa pag-
aakalang ligtas na siya, binuksan ng babae ang bintana ng kotse. Iyon ang kanyang malaking
pagkakamali. Nahablot ng tigre ang kanyang buhok at nahila ang kanyang ulo. Apat na taon pa
lang ako noon at natatakot akong baka
tumimbuwang ang lola ko tangay ang nakalas na ulo. Nang umawat ang lolo ko, nilubayan ng
lola ko ang ginagawa at saka hinarap ang asawa.
Hanggang baba lang ng lolo ko ang aking lola, pero pagkatapos bigwasan ng huli ang una, hindi
pa abot sa tuhod ni Andang Dela ang ulo ng namimilipit na Andang Simon ko.
Apat na taong gulang pa lang ako nang una kong marinig ang salitang “kabit.” Nang huminahon
na ang aking lola, ipinaliwanag niya sa pagitan ng paghitit ng sigarilyong La Campana na kabit
ng lolo ko ang babaeng sinugod niya. Matagal na raw niyang napatunayang may kinakasama ang
asawa niya sa kabilang bayan pero hindi niya ginulo minsan man ang mga ito. Umakyat raw ang
dugo sa kanyang ulo dahil walang
kahihiyan ang babae at nagpakita pa sa teritoryo niya. “Ano po ba ang “kabit?” tanong ko sa
kanya.
Walang kagatul-gatol ang sagot ng Anda sa akin: “Puta. Mang-aagaw ng asawa. Pakangkang sa
may pera. Mangwawasak ng pamilya.” Nang tanungin ko ang aking ina kinagabihan kung ano
ang ibig sabihin ng “pakangkang,” tinampal niya ang bibig ko at galit na nagbantang huwag ko
nang bibigkasin ang salitang iyon kung ayaw kong labasan ng kumukulong langis at asupre ng
impiyerno ang bibig ko. Noong araw na
iyon, nadagdag sa aking bokabularyo ang mga salitang “kabit,” “puta” at “pakangkang,” mga
singkahulugan ng “masama,” at lahat ng ito ay patungkol sa babaeng akala ko’y mapupugot ang
ulo sa sabunot.
Sa baryo ng Balayong, hindi si Gabriela Silang ang imahen ng babaeng matapang at palaban sa
kamalayan ng mga tao kundi ang aking Andang Dela. “Kumander” ang bansag sa kanya sa
nayon dahil kilala siyang giyerera. Hindi siya basagulera o takaw-away, pero huwag na huwag
masasaling ang kanyang mga anak o apo kung ayaw maghalo ang balat sa tinalupan. Nang
malaman niyang balak ipaampon ng kabalae niya ang mga apo ng kanyang nasirang anak dahil
nanghihinayang sa ipinapakaing
binusang mais at kamote, sinugod niya ito sa bahay at pinagbabato ang bubong nang ayaw
siyang harapin para ilabas ang mga bata. Nang nakatuwaang sampalin ng lasing na matandang
magsusuka ang kanyang apo, bumaha ng maasim na likido nang pinagbabasag niya ang isang
dosenang tapayang
pinagpapahinugan ng katas ng sasa.
Dating Maria Clara raw ang Andang Dela. Sa isla ng Babatnin, larawan siya ng karaniwang
babaeng tagapulo: mabini kung kumilos at malumanay kung magsalita subalit batak ang katawan
sa pagtatrabaho.
Naghunos ang Maria Clara at naging makamandag na kumander nang iuwi siya ng asawang
kauli sa bahay nito sa isang sulok ng Balayong na teritoryo ng magkakapatid na Castro. Kung
nakasusugat ang matatalim na tingin, puwede nang pang-embutido ang laman ng bagong kasal
na may karay-karay na limang anak sa una. Sa simula’t simula pa lang, ipinaalam na ng mga
kapatid ng Andang Simon ang mariin nilang pagtutol sa Andang Dela, at araw-araw nila itong
ipinaaalala. Nag-iisang bahay na pawid sa pulutong ng mga konkreto ang bahay ng bunsong
kapatid na napag-iwanan sa kabuhayan. Madali para sa kanila ang tuyain ang babaeng kay lakas
ng loob na mag-asawa pang muli gayong hindi na bata at kay rami pang anak. “Hindi makatiis
ng walang lalaki,” patutsada ng matandang dalagang kapatid ng lolo ko.
Noong una, pasok sa isang tainga, labas sa kabila ang ginagawa ng aking lola palibhasa’y
nakikisama pa. Hindi naman siya umaasa ng mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang mga
anak sa una. Bukod tanging siya lang ang hindi iniimbitahan sa mga handaan kahit pa ilang dipa
lang ang pagitan ng mga bahay nila. Hindi pinagmamano sa kanya ang mga pamangkin ng
kanyang asawa. Nang manganak na
siya ng tatlong Castro at patuloy pa rin sa pagpaparunggit ang kamag-anakan ng aking lolo,
nagulat na lang sila isang araw na sumasagot na ang kanilang pinasasaringan. Isang araw na
umuwing umiiyak at namumula ang braso mula sa palo ng kanyang tiyahin ang anak na bunso,
umusok ang tainga ng Andang Dela at sumugod sa atrebidang nanakit ng anak niya. Bitbit ang
itak na panagpas ng panggatong, hinamon
niyang lumabas ang hipag at harapin siya. Nang makita niyang nagsilabasan ang angkan ng
kanyang asawa mula sa kani-kanilang bahay, iwinasiwas niya ang kanyang itak at nagbantang
tapos na ang pananahimik niya. “Hindi ko kayo uurungan kahit magsuson-suson pa kayo. Huwag
kayong magkakamaling saktan pa ulit ang mga anak ko!” Walang pumalag o kumibo. Wala na
ring nagtangkang magbuhat ng kamay sa aking ina at sa kanyang dalawang kapatid.
Naging ibayo ang sigasig ng aking lola sa paghahanap-buhay sa ikalawa niyang pag-aasawa.
Hindi niya iniasa sa kanyang kabiyak ang pagbuhay sa limang anak niya sa una. Kumuha siya ng
puwesto sa Pamilihan ng Pritil sa Tondo at doon nagtinda ng kanyang mga kalakal na sariwang
isda tulad ng bangus, talakitok, ayungin, kanduli, biya at iba pa, pati ng mga alimango, alimasag,
talangka at alamang. Walang permanenteng trabaho ang lolo ko. Palibhasa’y bunso, matikas at
magandang lalaki, prente na ito sa
paahe-ahente lalo’t mahusay namang kumita ang kanyang esposa.
Bilang isang ina, tinitiyak ng aking lola na hindi aabutin ng gutom ang kanyang mga anak. Sa
dami ng mga ito, natuto siyang maging malikhain sa pagkakasya ng pagkain. Sampung kanang
kamay ang kukurot sa isang bangus. Bago pa naisipan ng Maggi at Knorr ang toyomansi,
ginagawa na itong pambahog sa kanin kalahok ng mantika. Minsan, ulam na ang kariba, ang bao
ng asukal na nagsasa-gintong pawis sa init ng
kanin. Hanggang abot ng kanyang kita, pinipilit niyang huwag magmukhang tanga ang kanyang
mga anak. Pinatitikim niya ito ng masasarap na pagkain bagamat kapi-kapiraso lamang. Minsan
isang linggo, tinitiyak niyang mamamantikaan ang labi ng kanyang pamilya sa nilagang baka o
pata ng baboy na naglalawa sa sabaw. Noong mahirap pa ang pag-angkat ng mansanas mula
Amerika, bumibili siya ng isa o dalawang piraso at pinaglilima ang isang prutas para kumasya sa
kanilang lahat. Para matikman ng mga anak niya ang peras na naririnig lang nila sa mga kuwento
at sa radyo, bumili siya ng ilang pirasong lamog na ang kalahati pero buo pa ang kabila at
ipinakain sa mga anak ang malutong pang kabiyak. Sa ganoong paraan, hindi mangangarap ang
kanyang mga anak kung ano ang lasa ng masasarap na pagkain.
Pinatitikim niya sa kanila ang mga ito, bagamat tikim na tikim nga lamang.
Magaan ang kamay ng Andang Dela sa pamamalo sa bawat pagkakamali ng kanyang mga anak.
Marumi ang pagkakalampaso ng sahig? Pak. Nananahilan kapag pinapagalitan? Pak. Nagsayang
at walang natirang panghugas ng pinggan sa sabong panlaba? Pak. Naglakwatsa, ginabi ng uwi o
hindi sumunod san utos niya? Pak pak pak. Giyera kapag sinaling ng ibang tao ang kanyang mga
anak pero may karapatan
siyang latayan ang mga ito sa pamamagitan ng tsinelas, sinturon o anumang pamalong
mahawakan. Katuwiran niya, siya ang nagpapakain sa mga ito, at pinapalo niya ang mga bata
para hutukin ang mga ito sa tama habang malalambot pa ang buto. Nang malaman niyang
marijuana pala ang tanim ng anak na nagsinungaling na African Rose raw ang halaman,
hinambalos niya ito kahit pa binata na. Nang magdalaga ang aking ina at nagtangkang
magpaliwanag minsang pinagagalitan niya, hindi niya tinigilan ang
pagpalatak ng de goma hanggang hindi pumuputok at namamaga ang labi nito. Nang ako na ang
inaalagaan niya, may nakalaang kininis na kawayan para sa mga sandali ng paglulurit at
pagkabatil. Nakasabit ang pamalong iyon sa tabi ng altar ng Sto. Nino bilang paalala na
nagkasala ako hindi lang sakanya kundi sa Diyos kaya kailangan kong tanggapin nang maluwag
sa aking dibdib ang bawat hagkis ng
kawayan.
Nalililiman ng mga puno ng bayabas, guyabano, saging, langka, atis at tsiko ang bakuran ng
Andang Dela. Malamig ang kamay niya. Sa gilid, may tanim siyang bataw, patola at upo na
ipinamimigay niya sa mga kapitbahay na kailangan ng panggulay o pang-ulam. Tatlong klase
ang kanyang tanim na saging: may tundan na panghimagas at sabang panahog sa nilaga, at ang
paborito kong matang baka na malalaki ang
pulang bunga at malinamnam ang lasa. Sa buong Balayong, siya lang ang nakapagpatubo ng
ubas at sitrus bagamat marami ang nagtangka. Maliban sa ilang puno ng San Francisco at santan,
hindi siya mahilig sa mga halamang ornamental. Kailangang may pakinabang ang lahat:
nakakain ang bunga ng mga punongkahoy, nakagagamot ang dahon ng kataka-taka at lagundi, at
nakapagpapabango ng paligid at
naiaalay sa poon ang ilang-ilang. Minsang dapuan ako ng tagulabay at namantal ang buo kong
katawan, pumitas siya ng sambong na kinulumpon niya para maging pamalis, at saka maingat na
inihampas mula ulo hanggang paa ko ang mga dahon para lumabas raw ang lamig. Kinabukasan,
nawala ang mga pantal na para bang panaginip lang ang mga pulu-pulutong na pulang umbok sa
aking balat. Nang magawi sa bahay niya sa pangangandidato ang kongresman na pamangkin
niya sa isang malayong pinsan, guyabano ang inilambing nito dahil ibinibida raw ng kanyang
ama ang tamis ng bunga ng puno ng Anda. Nang makikain sa bahay niya isang gabi ang mga
mamang may dalang baril, nanguha siya ng maraming manibalang na bayabas para ipabaon sa
kanyang pamangking si Kumander M., isang opisyal ng New People’s Army. Dinig na dinig ko
nang ipakilala siya ng huli sa mga kasamahan: “Ito ang Nana Dela ko,
ang Kumander ng Balayong!”
Kay Andang Dela ko nakuha ang ugali ng pagsasabon nang dalawang beses sa paliligo at
pagpapalit ng tuwalya araw-araw. Salaula sa kanya ang minsanang pagsasabon ng katawan. Ang
unang pagsasabon daw ay para tunawin ang dumi at mikrobyong kumapit sa katawan, at ang
ikalawang sabon ay para naman sa pangkalahatang paglilinis. Partikular siya sa puti ng laba at
sinsin ng pagkakaplantsa ng mga damit. Katuwiran niya, maaaring maging mahirap ang tao pero
kagalang-galang tingnan kung malinis ito sa katawan at pananamit. Istrikta siyang walang
makitang alikabok o bahid ng dumi sa kanyang bahay kaya bibihira ang nagtatagal sa kanyang
katulong nang tumanda na siya at inuupa na ng mga anak ng tagapaglinis.
Dala niya ang kalinisang ito maging sa pag-aalaga niya ng hayop sa kanyang bakuran. Dalawang
beses isang araw niya walisan at buhusan ng tubig na may sabon ang mga ipot ng manok at tae
ng baboy sa kulungan ng mga ito. Siya lang ang may alagang baboy na hindi naireklamo ng
kanyang mga kapitbahay dahil wala silang naaamoy na baho mula sa kural. Paano, dalawang
beses isang araw rin niyang pinapaliguan ang kanyang mga alagang baboy na sinasabon pa niya
ang katawan at pinatutuyo gamit ang tuwalyang nakatoka sa mga alaga. Naging biruan tuloy na
ang alaga lang ng Anda ang baboy na hindi baboy, at mas malinis pa ang mga ito sa ilang
naturingang tao.
Pagsapit ng alas tres, babangon kami at gagayak para sa ritwal naming panghapon. Paiinumin
niya ako ng isang basong gatas o kaya’y kape katulad ng sa kanya. Maglalakad kami sa
maalikabok na daan para dumayo sa ibayo kung saan mananaya kami sa sari-saring sugal:
krosing, buletse, bingo, lucky 7, lucky color, color wheel, beto-beto at iba pang larong perya.
Istasyon ng Anda ang krosing, samantalang
nakikigulo lang ako sa lucky 7 o beto-beto dahil dadalawang piso lang ang panaya ko. Bago
magtakipsilim, maglalakad kaming mag-lola pabalik sa bahay para hintayin ang pagsundo sa
akin ng aking mga magulang. Kinabukasan ng madaling araw, ilalagak akong muli ng aking
ama’t ina sa kanyang pangangalaga.
Sa sala, may isang lumang larawan kung saan nakaakbay si Andang Simon kay Andang Dela.
Tanging sa kuhang iyon ako nakabanaag ng lambing sa pagitan nilang dalawa. Ni minsan, hindi
ko nakitang niyakap ng Andang Dela ang Andang Simon, o bise bersa. Hindi ko minsan man
nakita ang isa sa kanila na humalik sa pisngi o labi ng asawa. Iilan ang alaala ko ng aking
Andang Simon sa Balayong, at maliban sa
eksena ng panunugod sa kabit niya, larawan na ng maysakit na nakaratay ang natatandaan ko sa
kanya. Pitong taon lang ako nang pumanaw ang Andang Simon; sampung taon naman ang
pinagsamahan naming ng Andang Dela.
Luminaw na lang sa akin ang mga pangyayari nang malaki na ako at husto na sa pang-unawa.
Noong dalaga na ang aking ina, sinuwerte raw ang Andang Simon at nakatagpo ng ginto sa taeng
manok. Pumatok ang pag-aahente niya ng ipot sa mga namamalaisdaan na ginagamit ang dumi
ng hayop na pampalablab. Nang malaunan, nakabili na siya ng sariling mga trak na panghakot,
bodegang naging garahe ng mga sasakyan, lupang pinagbababaan ng isinasakong taeng manok at
pati na tabako, at
maging ng sariling mga palaisdaan. Doon siya naglagi sa opisina niya sa Paombong para tutukan
ang kanyang bagong kabuhayan. Pinagawa niyang bato ang bahay sa Balayong at pinaganda ito
para maging pinakamagara sa lahat ng tirahan sa pulo ng mga Castro. Dumalang ang pag-uwi
niya sa Balayong gayong magkanugnog na bayan naman ang Malolos at Paombong. Iyon pala,
may kinakasama na siyang babae sa kanyang pahingahan sa kanyang opisina, isang babaeng balo
at may dalawang anak. Nagkaanak ng dalawa ang Andang Simon sa kanyang kabit, at ang mga
ito at ang nakinabang ng husto sa bagong tagpong kapalaran ng aking lolo.
Nang dapuan ng kanser sa bituka ang Andang Simon, umuwi siya sa Balayong at tinanggap na
muli ng kanyang asawa nang walang mahabang usapan. Inihanda ng Andang Dela ang kuwarto
sa baba para doon patuluyin ang kanyang asawa. Noong hindi pa gaanong malubha ang lagay ng
lolo, may mga linggong inililipat siya sa Paombong para makapiling niya ang kanyang babae at
anak roon. Walang narinig
ni katiting na angil mula sa Andang Dela. Pagbalik ng kanyang asawa, ipinaglalaga pa rin niya
ito ng piling itlog ng kanyang alagang manok at pinagkakatas ng sitrus na tanim niya. Hinuhunta
pa rin niya ito kapag hapon kapag dinadalhan niya ng lugaw o tinapay na panlaman sa tiyan bago
uminom ng gamot. Paulit-ulit kong pinalalabas sa sinehan ng isip ko ang panahong iyon para
alalahanin kung may kahit isang pagkakataon bang nakita ko man lang na nagdaop ang kanilang
palad bilang pisikal na manipestasyon ng
pagmamahal. Tanging alaala ng paghahawak-kamay kapag kinakanta ang “Ama Namin” sa mga
misa sa kuwarto noong nakaratay na at malapit nang mamatay ang aking lolo ang nahalungkat
ko. Nang bawian ng hininga ang Andang Simon, napabulalas ng “Asawa ko!” ang Andang Dela
at saka humagulgol. Iyon ang una at huling pagkakataong nakita kong umiiyak ang aking lola.
Hindi ko alam kung anong tibay ng loob mayroon ang Andang Dela para kayaning
makipagkaibigan sa babae ng kanyang asawa. Nang ayaw kong magmano sa babae ng aking
lolo, pinagalitan niya ako at inambahan ng palo. Ipinaliwanag niya sa aking para saan pa ang
galit gayong wala na naman ang aking lolo? Kaninong pagmamahal, panahon at katawan pa nga
naman ang pag-aagawan nila.
Nang hapong nanikip ang dibdib ng Andang Dela, nagawa pa nitong maglakad ng isang
baranggay papunta sa bahay namin para magdala ng itlog ng kanyang manok na Tagalog at
pahinuging guyabano. Nang idaing niya ang nararamdaman, nag-alok si Nanay na dalhin siya sa
doktor para magpatingin. Tumanggi siya; kaya raw niya ang kanyang sarili. Inisip ni Nanay na
dahilan lang siguro ng kanyang ina ang sakit para dagdagan niya ang sustentong pera na
ipinamumudmod naman ng Anda sa ibang anak at apo niya. Hinagkan niya ako sa pisngi bago
siya sumakay ng traysikel. Umuwi siyang lulan ng cadillac ng punerarya. Sumuko na ang
kumander.
Sa libing ng Andang Dela, kasama naming naghatid sa kanyang huling hantungan ang daan-
daang taong karamihan ay noon ko lang nakita. Napuno ang punduhan ng Atlag ng mga bangka
mula sa Babatnin dahil sa mga kamag-anak at kaibigan niya mula isla na nagsiahon para
magbigay-galang sa kanya sa huling pagkakataon. Nakipaglibing ang mayor, kongresman at
ilang opisyal ng bayan. Sa harap ng prusisyon, may mga pulis na nagpapatrol. Sa dulo, naroon si
Kumander M. at ang kanyang mga kasama. Sa pagitan ng dalawa ang napakaraming tao,
kabilang ang babae ng aking lolo at ang mga anak nito. Nanangis sa likod ko ang mga kapatid at
pamangkin ng Andang Simon. Sa musuleong pinaglibingan kay Andang Simon inilagak ang labi
ng Andang Dela. Gumawa ng nitso sa ibabaw ng sa asawa niya at doon ipinasok ang
kanyang ataul. “Hanggang sa kamatayan, nasa ibabaw pa rin si Kumander, ayaw magpailalim”
biro ng isang taga-Balayong nang nag-uwian na ang mga tao.
Hindi kasamang namatay ng Andang Dela ang bansag niya. Dalawampung taon mula sa pagyao
ng aking lola, ginagawa pa ring biro kapag ipinakikilala ako sa Balayong na huwag akong
kakantiin dahil apo ako ni Kumander Dela at baka tumimpiyad ang loloko-loko sa aking daan.
Susunod ang paglalahad ng mga kuwento ng pagwawasiwas ng patalim ng aking lola. Nangingiti
ako sa imahen ng aking lola bilang giyerera,
dahil sa isip ko, ang nagugunita ko ay ang mga hapong pinaghehele ako ng boses na pinaos ng
daang kaha ng La Campana, humihimig ng “Silayan, at bigyan ng pag-asa...lahat ng araw, kita’y
mamahalin.”
Pugon na De-Gulong
Ni: Christopher S. Rosales
NOONG BATA PA AKO, mga lima o anim na taong gulang, pangarap ko talagang
maging isang mahusay na mandirigma. Maging tulad ni Pedro Penduko na nakapapatay ng iba’t
ibang maligno, o ni Nardong Putik na hindi tinatablan ng mga bala, o ni Panday na nakagagapi
ng masasamang-loob sa isang wasiwas lang ng espada.
Makalipas ang halos isa’t kalahating dekada, natupad din naman ang hiling ko. Naging
isang mandirigma nga ako. Iyon nga lang, wala pa rin akong taglay na anumang natatangi o
nakabibilib na kapangyarihan. Hindi ko pa rin kayang iurong ang bundok sa pamamagitan ng
mga daliri, pagalawin ang mga bagay gamit ang isip, magbuga ng apoy o sapot sa palad, o
saluhin ang bumubulusok na eroplano sa kalangitan. Mandirigma akong ang tanging armas lang
ay tibay ng tuhod, lakas ng gulugod, at mahabang-mahabang pasensya. Mandirigma akong
walang tama ng bala o daplis ng kampilan mula sa mga kalaban, kundi mitig sa binti, gasgas sa
braso, at sandamakmak na paltos at kalyo sa paa. Mandirigma akong araw-araw na nakikibaka sa
trapik sa kalsada, araw-araw na nakikipagpatintero sa peligro ng pagsakay sa mga tren ng
Maynila. Maaaring ang tingin sa akin ng ilan ay isang simpleng komyuter lang. Ngunit sa tagal
na ng panahong nakikipagbuno ako sa dagsa at agos ng libo-libo, pulu-pulutong, bata-batalyong
mga pasahero ng tren lalong-lalo na sa Pambansang Daang-Bakal ng Pilipinas (PNR), masasabi
kong isa na akong magiting at full-blooded na Spartan (minus the abs syempre pa).
Kumpanyerong De-Gulong
Totoo, naging malaking bahagi na ng buhay ko ang mga daang-bakal ng Maynila.
Sa pitong taon kong pagiging komyuter ng tren, masasabi kong bihasa na ako sa
pagsakay dito. Kabisado ko na ang pangalan ng halos lahat ng mga estasyon sa lungsod. Aral ko
na ang lengguwahe ng pagal-sa-maghapong mga bagon, ang tamang tinis at tempo ng umuugong
nitong sipol, ang heometriya ng pakiwal-kiwal na kinakalawang na mga riles na
pinamumulaklakan sa gilid ng mga tambay at iskuwater, ang siyensya ng pagtitig sa wala habang
ngarag na pumipila sa kahera ng tiket. Kung magkakaroon lang siguro ng mga asignatura sa
eskuwela tungkol sa pagkokomyut, pwede nang i-ruler ang TOR ko sa dami ng uno. Kung saka-
sakali, baka nga nag-cum laude pa ako.
Ang LRT ang unang humubog at nagturo sa ‘kin ng “basic skills” sa pagiging komyuter
sa tren. Kumbaga sa regular na institusyon ng edukasyon, dito ako nag-kinder, elementary, at
high school. Sa LRT ako nahasang tumakbo nang ubod-tulin—parang Super Mario na naka-
turbo—sa tuwing sumisilbato na ng pag-alis ang tren at humahabol pa ako sa pagpasok sa
tumitikom na salaming-pinto ng mga bagon. Dito ko rin natutuhang magbalanse ng sarili tulad
ng isang sirkero—tumayo sa gitna ng tren nang hindi humahawak sa handrails, at hindi matumba
o makadagan ng iba sa biglang liko-talbog-kalabog-hinto ng mga bagon. (Ang teknik ay simple
lang: salungain ang direksyon ng puwersa. Kung hihinto ang tren sa kanan, itulak ang sarili
pakaliwa. Kung umalog ang tren at mahuhulog ka na paharap, itulak ang sarili patalikod.
Mahalaga rin na may sapat na espasyo sa pagitan ng iyong mga paa upang malubos ang
kakayahang mabalanse ang katawan. Dapat ding ituon parati ang lakas sa ‘yong binti, daliri ng
mga paa, at sakong upang hindi agad-arang mahulog). Sa LRT ko rin natutuhang matulog nang
nakatayo, at tantyahin kung nasaang estasyon na ako kahit nakapikit pa ako. Syempre pa, dito rin
ako naging malay sa iba’t ibang uri ng mga kawatan, kaya nga ni minsan sa buhay ko ay hindi pa
talaga ako nadudukutan. Kabisado ko na ang mga estilo nila. May Salisi Gang, may Laglag-Piso
Gang, may Gitgit-Sabay-Dagit Gang, at may Gawa-Tayo-Ng-Eskandalo-Para-Madistact-Ang-
Mga-Tao-At-Makadekwat-Ang-Kasamahan-Natin Gang.
Pagkalipas ng limang taon, nang lisanin ko na ang aking Alma Mater at grumaduate
bilang pasahero sa LRT, tumuloy naman ako sa bagong yugto ng buhay-komyuter ko. Ang inang
ugat ng lahat ng riles sa buong estado, ang kolehiyo ng mga nagsasa-barbarong pasahero—ang
PNR.
Sa PNR, kapag sinabing siksikan, SIKSIKAN talaga. Exaggerated man sabihin, totoong
mas close pa kayo ng mga katabi mo kaysa sa dalawang butas ng ilong mo. Gamit na gamit
maski ang pinakakatiting na milimetro kuwadradong espasyo sa sahig. Huwag na huwag kang
magkakamaling iangat ang isang braso mo dahil ‘di mo na ‘yan maibababa pagkatapos. Pati ang
paa mo ay huwag na huwag mo ring itataas nang kahit isang segundo. Tiyak, pagbaba mo niyan,
pulos sapatos, tsinelas, at sandalyas na ang maaapakan mo. Nangyari na kasi sa ‘kin ‘yan. Halos
sampung minuto rin ako noong nakakandirit sa loob ng tren. Nasa gitna pa man din ako kaya
wala akong makapitang anumang handrail. Nanginginig na talaga ang mga binti ko sa sobrang
ngalay at mitig. Wala akong choice kundi magpaubaya na lang sa pag-urong-sulong, pagpaling
pakaliwa’t kanan ng dagat-dagatang mga tao.
Kahit weekends, balyahan pa rin sa PNR, lalo na kung Linggo. Ang dating 30 minuto
kasing pagitan sa pagbiyahe ng mga tren ay nagiging isang oras. Kung kaya, naiipon nang
naiipon ang mga pasahero sa loob at labas ng estasyon na sa sobrang dami’y aakalain mong may
gaganapin na munting People Power Revolution.
Buti na lang talaga at una na ‘kong nahasa’t nahubog sa LRT. Hindi na gayon kabigat ang mag-
adjust sa serbisyo/perwisyong hatid ng naturingan pa namang pambansang daang-bakal ng
bansa.
Sa PNR, hindi uso ang beep card o anumang magnetic card sa entrance. Ang meron lang
dito’y munting papel na tiket na kalimitang pinambabalot ng tsiklet o sinusulatan ng Can u be
my textm8? Walang anumang makina o detektor dito na makahaharang sa mga ‘di nagbayad ng
pamasahe, kaya umaasa na lang talaga ang buong pamunuan sa Pinagkakatiwalaan Kita System.
Mayroon namang inspektor kung minsan na nag-iikot-ikot sa mga bagon at naniningil ng
kaukulang multa sa mga nahuling ‘di nagbayad. Ang kaso, dahil para ngang San Marino corned
tuna ang mga tao sa loob ng mga bagon, madalang pa sa blue moon at umento sa sahod at
regularisasyon ng mga kontraktwal kung maglibot ang inspektor.
Upang makasakay agad sa PNR - Buendia, isa sa mga ninja moves na ginagawa ko ay
ang pag-angkas sa pinakadulong bagon nito. Doon kasi bahagyang mas kaunti ang mga tao.
Kung bakit ay dahil ang bahaging ito ay hindi naman nakatapat sa elevated platfrom kundi sa
kalsada na mismo. Kaya naman tanging ang mga alagad lang ni Taguro ang nangangahas na
magtungo rito. May munting hagdang-bakal naman sa gilid na pwedeng sampahan upang
makaakyat. Pero sa oras na balyahan na talaga at pumipito na ang guwardiya tanda ng pag-
arangkada muli ng tren, kailangan mo na talagang humingi ng tulong at magpaakay sa mga nasa
itaas. Syempre pa, kung pahirapan ang pag-akyat, pahirapan din ang pagbaba. Dahil ilang dipa
rin ang taas ng tren mula sa lupa, kailangang matibay ang tuhod mo upang kayanin ang grabedad
ng paglundag. Sa karanasan ko, parang tinatambol na gong ang bayag ko sa tuwing lumulukso
ako mula sa itaas. Para na rin akong nagpa-parkour. Ang problema pa, sa estasyon ng FTI kung
saan ako bumababa, hindi patag ang tatalunang lupa kundi mistulang burol na may mga bato-
bato pa. Minsan nga ay nagkamali ako ng bagsak at bigla akong natapilok pagkaapak ko sa lupa.
Ilang araw din ako nu’ng parang bagong tuli na iika-ika habang naglalakad.
Noon, wala ring mga plakard sa PNR na nagsasabi kung nasaang estasyon ka na.
Kailangan talagang maging alerto ka’t mapagmasid, kung hindi’y baka sa Tutuban o Alabang ka
na makarating. Bawat preno ng tren ay required ka talagang maghagilap ng anumang
palatandaan o landmarks. ‘Di kasi gaya sa LRT at MRT na sa bawat hinto ay ibubunghalit ng
drayber/announcer ang kasalukuyan at susunod na estasyon ng tren, sa PNR ay madalang itong
mangyari, lalong-lalo na tuwing gabi. Ang totoo niyan, mas ipinapanalangin ko pa nga minsan
na huwag nang magsalita ang drayber/announcer ng PNR. Kalimitan kasi, kapag narinig na ang
garalgal niyang tinig sa lumang speaker, tiyak na pagkasira ng makina at pagkaantala ng biyahe
lang naman ang iaanunsyo niya. So shut up na lang sana siya, hindi ba?
Nagkaroon lang ng mga bagong pintang plakard sa mga estasyon ng PNR nang
magkaroon ito ng renobasyon bunsod na rin ng aksidenteng kinasangkutan nito nang minsan
itong tumagilid at madiskaril sa may gawing Magallanes at magtigil ng operasyon sa loob ng
halos tatlong buwan. (Naglalakad ako ng lisensya ko sa PRC noong hapong iyon ng Abril 29.
Mabuti na lang talaga at may dinaanan pa ako sa SM Manila kaya hindi na ako nag-PNR. Kung
hindi, marahil ay naging isa ako sa humigit-kumulang 80 na nasugatan at napilayan sa
nakahihindik na insidenteng iyon.) Nang magbalik-riles ang mga bagon ng PNR noong Hulyo
23, 2015, isa ako sa mga unang nakasaksi at nakaramdam ng pagbabago rito. Mas naghigpit na
ang mga guwardiya sa paligid. May mga nangangasiwa na rin sakaling may mga sumisingit sa
pila ng tiket. Mas maaliwalas na ring tingnan ang mga himpilan. Sa loob ng tren ay hindi na rin
gaanong siksikan at damang-dama ko pa ang napakalamig na bugso ng aircon sa kisame. (Dati
kasi ay maligamgam na hangin ang lumalabas dito at parang bentilador lang na naka-number 1.)
Tuwang-tuwa talaga ako noong araw na ‘yon. Sabi ko sa sarili ko, shet, ang sarap-sarap, sana
araw-araw ganito, damang-dama ko ‘yung pinatutunguhan ng tax ko.
Pero hindi rin pala ‘yon magtatagal.
Na-Colombia ako.
Sa kabilang banda, tulad ng MRT at LRT, natatakdaan din kung sino ang mga
pasaherong maaaring sumakay sa bawat bagon ng PNR. Ang unang dalawang bagon ay para
lamang sa mga babae, matatanda, at may kapansanan. Ang mga natitira naman ay malaya nang
sakyan ng lahat, subalit ang karamihan ng mga pumipisan dito ay pulos kalalakihan. Pero kung
minsan, lalo na sa katirikan ng rush hour, may mangilan-ngilan pa ring mga dalagita na
nangangahas na makisiksik sa isinumpa-sa-sikip na bagon ng mga lalaki. Ewan kung dahil nahuli
lang sa pagbili ng tiket, o sadyang punuan na rin sa puwesto ng mga babae, o sadyang single lang
at naghahanap ng ka-sparks sa tren. Sa mga ganitong sitwasyon sumusulpot na parang kabute
ang mga guma-galawang Breezy na pobre. May ilang pasimpleng nang-aakbay o nanggigitgit
upang madikit sa porselanang braso/balikat/binti ng dalaga. May ibang hayagang nang-iipit
upang mamasdan nang masinsinan kundi man lubusang makadaupang-katawan ang
nanunuksong ‘hinaharap’ ng morenang kolehiyala. Mayroon ding matitindi—humu-Hokage
level. Sinasadyang itapat-ilapat ang tigang nilang ‘bukana’ sa maumbok na likuran ng kaawa-
awang dalagita. Bagamat paminsan-minsan ay makasusumpong sa bawat bagon ng mga
nakapaskil na babala ukol sa R.A. 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act
of 2004”, ang mga ganitong uri ng karumal-dumal na insidente ay patuloy pa ring nagaganap.
Hindi naman fatal ang trapik, sabi nga ni DOTC Sec. Jun Abaya. Hindi naman fatal ang
maging isang regular na komyuter sa Maynila. Hindi mo naman ikamamatay kung ma-late ka at
makaltasan ang gamumo mo na ngang sahod na nauna na ring kinaltasan ng gobyerno na hindi
mo rin malaman kung saang bulsa ng impaktong malignong demonyo napupunta. (Sa
ipinapatayong mansyon ba ni senador o sa mga pa-jueteng ni gobernor o sa mga kerida ni
mayor? O baka naman sa air-conditioned na babuyan ni Nognog?) Hindi mo naman ikamamatay
kung ma-suffocate ka ng kung ilang minuto tuwing sira ang naghihingalong aircon, samantalang
kasuklam-suklam ang bentilasyon sa loob ng mga bagon at hindi mabuksang ganap ang mga
salaming-bintana upang may makapasok namang sariwang hangin mula sa labas (na kung
tutuusin ay hindi naman talaga sariwa dahil malaon nang giniyagis nang buong bangis ng
polusyon sa kalsada). Hindi mo naman ikamamatay kung matuyuan ka ng gabaldeng pawis sa
‘yong likod, kung mabilad ka sa gitna ng tirik na tirik at ‘sing-init ng bagong kulong tubig na
araw, kung magsulputang parang mapa ng Ermita ang mga ugat sa ‘yong binti at eyeballs sa
kapipila, kapipila araw-araw, araw-araw. Hindi iyon ikamamatay ng mga pasaherong sakitin,
hikain, may kumplikasyon sa puso, may kapansanan, at uugod-ugod na. Pa-espesyal? Nag-
iinarte? Nagmamaselan? Anak-mayaman? Hindi nila ‘yun ikasasawi, ano ba. Hindi rin
ikamamatay ng mga babae kung mahipuan sila’t madungisan ang puri gayong wala silang
magawa kundi magtiis, manahimik, at magsawalang-kibo kesyo rush hour, kesyo ganun talaga at
siksikan, kesyo choice nilang sumakay sa tren kaya magdusa sila. Hindi, hindi naman fatal ang
maging komyuter. Anong fatal dun? Sa’n banda dun ang fatal? Pakituro nga.
Fatal ng ina niya.
Mabuti na lang talaga, nu’ng nagpaulan ng ka-witty-han ang Diyos, may dalang
palangganang ‘sinlaki ng La Mesa Dam ang mga Pilipino. Tingnan mo, subukan mong bigyan ng
sunod-sunod na delubyo/sakuna/pasakit/problema ang mga Pinoy. Tiyak, iiyak siya saglit sa
isang tabi, magsasara ng pinto, hihikbi, mag-eemote, magbabato ng vase o naka-plastic na
stuffed toy sa ibabaw ng kabinet, magwo-walling kung may malapit na dingding, pero maya-
maya’y ngingiti na, magdyo-joke na, at sa tinig ng komedyanteng may sa-kabayo ay sisigaw ng
isang nag-uumigting, tumataginting na “E ‘di wow!” Kung ibang lahi ‘yan, malamang ay
matagal na silang nagbigti, tumalon sa gusali, o kaya’y nasiraan na ng ulo’t palaboy-laboy sa
mga kanto at humihiyaw na hindi bilog, hindi oblate spheroid, kundi octagon ang mundo.
Totoong hindi matatawaran ang pagiging resilient, masayahin, at bibo ng mga Pilipino. Lalo
pang tumitingkad ang kulturang ito sa mga panahon na walang-wala, wasak na wasak, basag na
basag na tayo. Kumbaga, imbis na malungkot at magmukmok at magpakapangit ka sa isang
sulok, piliin mo na lang na maging masaya. Idaan mo na lang ang nararamdaman mo sa paggawa
ng mga nakakatawa ngunit sarkastikong memes, sa pagda-dubsmash, sa pagha-hashtag, sa
pagpa-pabebe wave, sa paglikha ng mga hugot line. O kung artist ka, sa pagsusulat, sa pag-awit,
sa pagtugtog, sa pagpinta. Hindi naman ito isang uri ng karuwagan, ng kahinaan, ng pagtakas sa
bagsik ng realidad. Isang coping mechanism ito ng mga Pinoy upang sabihin sa sariling okey
lang ‘yan, kaya mo ‘yan, ‘yung bida nga sa pelikula sinuntok-sinapak at binaril na’t lahat-lahat,
nakatayo pa’t nabuhay at may 3-minute monologue pa. Ikaw pa kaya? All is well, kapatid!
Kaniya-kaniya rin ng paraan ang mga pasahero ng tren upang hindi maasar o mayamot o
mabato sa loob ng kabit-kabit, kakarag-karag na mga bagon ng Maynila. May ilang nagbibisi-
bisihan sa pagsi-COC, o nanonood ng telenobela sa I-Want TV, o nakatanghod sa bagong torrent
na anime series. May ibang nagse-selfie, naggu-groufie. Maraming nagpapakalunod na lang sa
pakikinig ng music. May ilan ding pirming umiidlip, kulang na lang ay latagan mo ng banig,
kumot, at kulambo sa himbing ng kanilang tulog. May ibang panay ang chat at pakikipaglandian
sa FB at Viber. May mangilan-ngilan ding dakila’t uliran na nagbabasa ng nobela o ‘di kaya’y
nagbubuklat-buklat ng kanilang teksbuk. (‘Di ko malilimutan ang isang bagitong estudyante
noon na armado ng bolpen at Casio scientific calculator na kuntodong nagpapraktis mag-solve
ng iba’t ibang Thermodynamics problems habang umaalog-alog ang tren na ‘di mo malaman
kung sadyang nagsisipag-sipagan lang o nagpapaka-ideal student o sadyang mamabi lang. As in
mamabida. Takot ko lang kapag nagawi siya sa Luneta. Baka barilin siya doon!)
Madalas, para na ring isang malaking entablado ng comedy bar ang mga bagon. Sa mga
panahong sikip na sikip ka na, pawis na pawis ka na, pagod na pagod ka na sa loob ng kulob at
nanggigitatang tren, may mga bigla na lang hihirit-babanat na kung sino d’yan sa tabi-tabi na
pihadong magpapahagalpak sa ‘yo hanggang sa kaibuturan ng ingrown mo. At sasabihin mo sa
sariling shet, ayos na ‘ko, solb na ‘ko, masaya na ulit ang mundo. Ilan sa malulupit at palong-
palong punch lines na narinig ko sa loob ng PNR ay ang mga ito:
Tapos na New Year, a. Bakit may paputok pa rin?
Oy, ate, kalma lang, huwag ka masyadong manulak. Sige ka, baka ma-“fall” ako sa ‘yo.
Kanina ‘pag pasok ko, kamukha ko pa si Alden. Nu’ng paglabas ko, kamukha ko na si
Jose!
Putsa, ‘yung matris ko naipit! Baka reglahin ako nang wala sa oras!
Hoy, totoy, huwag kang ilusyonada! Gusto mong masapak at nguso mo ang magregla?
Minsan pa, isang grupo ng mga kabataan ang naringgan kong nakapag-akda ng parodiya
habang nakasalampak sa maalikabok na sementadong sahig ng estasyon at naghihintay sa
karimlan ng gabi kung kailan susulpot sa guhit-tagpuan ng langit at lungsod ang matang-
bumbilya sa noo ng PNR.
Tren, tren desarapen
Bandila na, wala pa rin.
Awts, awts, laging sira’t
Tumitirik.
Braso’y pili-pilipit,
Haggard, losyang
Pag-uwi sa bahay!
Syempre pa, hindi rin mawawala ang mga nakakaaliw na eksena sa PNR na ala-Banana
Split o Bubble Gang. Minsan, may mga aleng parang nasa bahay lang na pirming nagkukutuhan,
naglilisaan. May isang lalaki rin dati na sa katatawa sa pinanonood niyang video sa YouTube ay
bigla siyang nauntog nang matunog na matunog sa matigas na hawakang-bakal, subalit imbis na
hipuin ang bukol sa ulo ay tumikhim lang siya at humagikhik muli at nagpanggap na walang
sinuman ang nakasaksi sa naganap na 5 seconds na kahihiyan sa buhay niya. Gayunpaman, ang
pinaka-epic talaga sa lahat ay ang lalaking muntikan nang ma-GOMBURZA. Noon kasi,
tinatawag ng mamang ito ang mga kapwa niya pahinante (na kumakaripas ng takbo sa pagbili ng
tiket) dahil maluwag-luwag pa roon sa puwesto niya. Ang kaso, biglang-bigla, sumara ang pinto.
Talagang napapikit at napasigaw ang lahat dahil naiwan sa labas ang leeg at ulo ng pobreng
mama. Mabuti na lamang at may sensor ang pinto na sa oras na may pumipigil sa pagsara nito ay
agad-agaran din itong bumubukas. Alangang napapangiwi na napapangisi ang lahat habang
hinahaplos-haplos ng mama ang namumula niyang leeg. Biglang may dumaang anghel. May
kuliglig sound. May moment of silence. Pero maya-maya pa’y may ‘di na nakapagpigil at
malutong na napahalakhak. Natawa na rin ang lahat. Pati ang mama ay napahagalpak na rin dahil
sa sarili niyang kasutilan (o katangahan). Ayan, tawag pa more! hirit ng isa. ‘Tikan ka na pre
ma-Samurai! segunda ng isa pa. Sa bandang huli ay hindi rin naman nakaaabot sa tren ang mga
kasamahan niya. Ang mga katropa niyang inalayan niya na nga niya ng pagmamagandang-loob
ay siya pang nagpaulan ng katakot-takot na pang-aalaska sa kaniya.
Benepisyo De-Bobo
May choice naman talaga akong hindi sumakay ng PNR. Mula sa opisina ay pwede
naman akong sumakay ng dyip pa-EDSA Ayala at doon na pumara ng bus pa-FTI. Ang kaso,
kapag ganu’n ang sinunod kong ruta, walang katiyakan kung anong oras pa ako makakauwi sa
bahay, o, mas malala pa, kung makakauwi pa ba ako nang buhay sa bahay. Pahirapan kasi
talagang sumakay. Bago pa mag-alas singko ay punuan na ang halos lahat ng mga bus sa EDSA.
Minsan ay sinubukan kong ipagsiksikan nang todo ang sarili sa sinapupunan ni Joanna Jesh.
Kasama ng mga kapwa pawisang obrero ay sumabit ako sa pinakabungad mismo ng pinto. Kaso,
para naman akong nakasakay nu’n sa Star Flyer ng Star City nang walang anumang harang o seat
belt. Buwis-buhay talaga kaya ‘di ko na inulit. May isang Biyernes din na talagang nag-effort
akong maglakad mula Ayala hanggang Guadalupe makasakay lang sa buwakananginang bus na
‘yan. Pakiramdam ko nu’ng gabing ‘yun, ang dumi-dumi ko. Para na akong taong-grasa.
Tangan-tangan ko na ang lahat ng polusyon sa EDSA.
Kung kaya, mas pinipili ko pa rin talagang makisiksik at masiksik ng kung ilang minuto
sa PNR kaysa naman ma-stranded nang kung ilang oras sa kalsada. Biro nga minsan ng isang
kakilala, sa sobrang hirap sumakay at sa labis na trapik sa EDSA, kapag bumiyahe ang isang
buntis mula Magallanes hanggang Trinoma, pagbaba niya, Grade 6 na ‘yung nasa loob ng tiyan
niya. Partida, marunong na rin ng Physics at Algebra.
Kahit papa’no, malaking tulong pa rin naman talaga para sa marami ang PNR.
Halimbawa na lang, noong bumisita si Pope Francis sa Pilipinas at isinara ang maraming kalsada
sa Maynila, operasyunal pa rin ang PNR kaya’t nakapasok pa rin ako sa walang hintuang review
classes noon para sa board. Noong mag-surprise strike ang mga tsuper ng dyip sa Taguig na
bukod sa hindi na bumiyahe ay hinarangan pa ang malaking bahagi ng East Service Road,
nand’yan ang PNR upang magsakay ng mga na-stranded na obrero’t mag-aaral at umakay sa
lahat ng bad vibes ng umaga. Maaga rin akong nakauwi sa bahay noong panahon ng APEC
Summit kung saan nagkaroon ng part 2 ang penitensya at Mahal na Araw ng karamiham dahil
naging isang dambuhalang parking lot ang kalsada at wala silang ibang choice kundi ang mag-
on-the-spot alay-lakad nang tatlo, lima, sampung kilometro makarating lang sa kani-kanilang
tahanan. (‘Di ako informed, magpa-fun run pala ako pagkaalis sa opisina, post ng isa kong
kaibigan gamit ang hashtag na #APECtado.)
Sa lahat ng mga nagnanais na magpapayat, mabisang solusyon din ang PNR. Hindi mo na
kailangang mag-enroll pa sa kung saang mamahaling gym na kung tutuusin, ang tunay na pakay
mo lang naman ay magpapawis nang kaunti pagkatapos ay poporma sa harap ng salamin at
magse-selfie at magpo-post sa FB ng #StartingTheYearRight #ForABetterMe
#BalikAlindogProgram #ParaSaEkonomiya #Page1Of365 na agad-agaran mo ring ie-edit at
gagawing #Page1Of366 dahil leap year nga pala ngayong 2016. Hindi mo na rin kailangang
parusahan ang sarili sa pagsa-South Beach Diet o Atkins Diet o Dukan Diet o Hanggang-Tingin-
Na-Lang-Sa-Lechon Diet. Hindi mo na rin kailangang tumungga ng tatlong pitsel ng Fit ‘n Right
at uminom ng kung ano-anong slimming pills na sa tindi ng tama sa tiyan mo ay para ka na ring
Harry Potter na may septology araw-araw sa kabanal-banalang trono. Sa sobrang siksikan,
tulakan, at balyahan kasi sa PNR, pihadong matutunaw-matatagtag ang lahat ng fats at calories
sa ‘yong braso, hita, at kalamnan. Para ka na ring binoksing ng sampung Donaire, benteng
Mayweather, at trentang Pacquiao. Para ka na ring naging isang buhay na stress ball na pinitpit-
pinilipit ng pawisan at pasmadong kamay ng Maynila. May libre pang hard massage kung
nagkataong ‘singlaki nina Big Show o Dumbo ang makakasiksikan mo. Pati nga kaluluwa mo ay
para na ring na-exercise (o na-exorcise) sa tindi ng makanginig-gilagid na galit at kunsomisyon.
Gayundin, sa sobrang init sa loob ng bagon, na animo’y isang kalawanging pugon na
tinubuan ng gulong, daig mo pa ang nag-intensive steam & sauna sa Ace Water Spa. Tiyak na
bubukas ang lahat ng pores mo sa katawan. (Oo, pati ang pores sa ‘yong ear drums).
Magtatampisaw ka hindi lamang sa sariling pawis, kundi maging sa rumaragasang anghit at
lagkit ng mga katabi mo. Sa tindi ng amoy, daig mo pang nakadroga. May kasama pa minsang
libreng paligo kung nataong nasa tabi ka ng bintana at magbuhos ng kung ano mang
mapanghi/malansa/maasngaw na likido ang mga nasa gilid ng riles mula sa kanilang marurungis
na arenola’t plangganita. Aabutan (o pupukulin) ka pa minsan niyan ng mga batong panghilod na
kasinglaki ng hollow blocks. Sa mga makasalanan naman, may libre ring pabasbas ang PNR
kapag natapat ka sa palyadong aircon sa kisame na umuuha ng dilaw na likidong benditado ng
alikabok at kalawang. (Pati ba ang makina’y nahihirapan na rin at marunong nang magdrama?)
Marahil, kung guguhitan ko ng bibig ang mauka at tuklap-na-ang-pinturang mukha ng PNR,
uusalin nito ang pinakamalalim na buntooooong-hininga matapos magsa-armalite ang bibig at
magpakawala ng katakot-takot na mura at sumpa sa bulok/bugok/ugok na gobyerno.
Lokomotibong Paurong
Ayon sa isang matandang kasabihang Tsino, kung nais mo raw magkaroon ng isang
maunlad na bayan, magtayo ka muna ng mga kalsada’t daang-bakal.
Nobyembre 24, 1892 nang ganap na buksan ang kauna-unahang tren sa Pilipinas—ang
Ferrocaril de Manila-Dagupan. Ito’y batay na rin sa plano ni Don Eduardo Lopez Navarro at sa
dekreto ni Haring Alfonso ng Espanya. Totoo nga ang kasabihan. Hindi lamang naging daanan
ang 195.4 kilometrong riles na ito ng libo-libong mamamayang tangan-tangan ang kani-kanilang
bagahe’t kargamento, naging daluyan din ito tungo sa kalinangan ng lipunan at kaunlaran ng
buong estado. Sa pagsasanga-sanga ng iba’t ibang lunan at ruta ay yumabong din ang komersyo’t
kalakalan sa mga lugar na dati’y liblib, madawag, magubat. Sa paglipas ng mga taon ay
nadagdagan pa ang mga estasyon ng tren mula sa San Fernando, La Union hanggang sa Legazpi,
Albay. Samantala, sa panahon ng mga Amerikano ay pinalitan ng Manila Railroad Company ang
pangalan ng tren, na paglao’y naging Philippine National Railways noong Hunyo 20, 1964 sa
bisa ng Republic Act No. 4156. Ito na ngayon ang kilala nating de-diesel na tren na araw-araw
sinasakyan ng humigit-kumulang 70,000 pasahero sa Maynila at Laguna araw-araw.
Pagkalipas ng 123 taon mula nang buksan ang PNR, matapos ang kung ilang digmaan,
bagyo, lindol, sakuna, pagkaraan ng kung ilang dekadang pagpapabaya ng pamahalaan, ang
dating 161 na operasyunal na estasyon ng tren, ngayon ay 24 na lang. Ang dating 1,100
kilometrong nilalandas ng mga bagon mula hilaga hanggang timog-Luzon, ngayon ay 56.138
kilometro na lamang. Imbis na maging pasulong ang takbo ng lokomotibo, tila naging paurong
pa. At dahil hindi na nga (raw) kayang sustentuhan ng gobyerno ang gapiranggot na ngang
pondo para sa operasyon ng mga tren, ang PNR ay nagbabadya nang ipraybatisa at ipaubaya sa
mga kapitalista, gaya ng malaon nang kinasapitan ng LRT, MRT, at ng marami pang
pampublikong eskuwelahan at ospital sa bansa.
Sa panahon ngayon kung saan parang spaghetting pataas nang pataas ang presyo ng mga
bilihin, pababa rin nang pababa ang pagpapahalagang iniuukol ng pamahalaan sa sambayanan.
Imbis na i-“boss” ang mga Pilipino’y inaabuso’t binubusabos pa nga. Noong 2015 ay tinaasan
ang pamasahe sa LRT at MRT ng 50 hanggang 87% subalit ni gamunti mang ginhawa ay hindi
dito nadama. Mas tumindi pa nga sitwasyon. Saan ka nakakita ng mga taong pinaglalakad sa
tulay, sa gilid ng riles dahil biglang tumirik sa gitna ang mga bagon? Saan ka nakakita ng tren na
kuntodong humahagibis samantalang bukas ang pintuan at isang maling hakbang lang ng mga
pasahero’y maaari na silang malamog, malasog, at maitsa sa ere nang kung ilang talampakan
mula sa lupa? Nasa 600,000 ang sumasakay sa MRT araw-araw kahit pa 350,000 lang ang
kapasidad nito. At ngayon sasabihin nila na taasan din ang pamasahe sa PNR upang gumanda
ang kalidad ng serbisyo nito, at tutal dalawang dekada na rin naman ang nakakaraan buhat nang
magtaas-pasahe ito? Maski ata ‘di edukadong galunggong ay hindi maniniwala sa kagunggungan
nila. Napatid na ata sa makikitid nilang isip na ang pampublikong transportasyon ay isang
serbisyong panlipunan at hindi isang negosyong pampuhunan.
Imbis na paigtingin ang iba’t ibang programa para sa kapakanan ng buong bayan, mas
gusto pa ng gobyernong suportahan ang pagtatayo ng mga mall at condo na iilan lang naman ang
nakikinabang, bakbakin-aspaltuhin ang kay ayos-ayos namang kalsada, magtindig ng flag pole
na nagkakahalaga ng 7.8 milyong piso (kapag itinaas ba ang bandila, bigla ‘yang magbubuga ng
confetti at fireworks?), at mamigay ng buwanang P500 na limos sa bawat pamilyang
naghihikahos samantalang 10 milyong Pilipino pa rin ang walang trabaho noong 2015 (ayon sa
SWS), at 7 sa bawat 10 ang nagsasabing nagdarahop pa rin sila (ayon sa Ibon Foundation). Hindi
ko talaga alam kung saang brand ng semento humuhugot ng kakapalan ng mukha ang mga
pulitiko. Siguro, kung pagsasama-samahin ang kara ng lahat ng mga tiwaling opisyal sa bansa,
pwede nang makagawa ng earthquake-proof na gusali sa sobrang tigas ng balat nila.
Panglima na ang Pilipinas sa may pinakamalalang trapik sa buong mundo. At simple lang
naman ang solusyon dito—ang pagpapalawak at pagsasaayos ng mga daang-bakal sa lungsod.
Kung magiging mura, de-kalidad, at maaasahan ang mga tren sa bansa, magiging bulto-bulto pa
rin ba sa dami ang mga pribadong sasakyan na kakaunti lang naman ang laman subalit kumakain
ng napakalaking bahagi ng kalsada? Tatangkanin pa ba ng marami na ilabas ang kani-kanilang
kotse’t van gayong ‘di naman kalayuan ang opisina at may kamahalan ang bayad sa pagpa-
parking at gas? Ang bawat isandaan o higit pang mga sasakyan na mababawas sa kalsada ay
napakalaking tulong na sa pagluluwag ng trapiko sa kalunsuran. Kung maghihigpit ang gobyerno
at kapulisan sa pagpapatupad ng mga batas, hindi naman malayong ganap na malutas at mautas
ang matinding trapik sa Maynila.
Naalala ko bigla ang kumalat na larawan noon sa social media na nagpapakita ng mga
linya ng tren sa iba’t ibang bansa. Halos bawat kanto sa Paris, London, Seoul, at Tokyo ay kris-
krusang nadaraanan ng mga riles ng tren. Napalilibutan ang buong lungsod ng daan-daang
nagsasalimbayang mga himpilan. Samantalang sa Pilipinas ay kayang-kayang bilangin ng Grade
3 ang dami ng mga estasyon, kahit pa halos isang milyon ang kabuuang bilang ng mga
sumasakay dito buong maghapon.
Sign of progress naman daw ang trapik, hirit ni Noynoy. Nagsisiksikan sa kalsada ang maraming
manggagawa, ibig sabihi’y gumagalaw, lumalago, nananagana ang ekonomiya ng bansa. Kahit
pa halos 3 bilyong piso ang nalulustay at nasasayang araw-araw dahil sa trapik, tanda pa rin ‘yan
ng growth. Hindi ko lang alam kung nu’ng bata siya ay kinulang siya sa iodized salt, o kung
ganu’n lang talaga siya mag-isip dahil sa lumalala niyang pagkapanot.
Digmaan sa Daang-Bakal
Isa sa pinakahindi ko malilimutang karanasan sa PNR ay ang naganap noong Enero 22,
2016. Biyernes nu’n. Gabi. Gaya ng dati, naging ilog ng mga nakatirik at nagngingitngit na
sasakyan ang kalsada, kaya sa PNR ko piniling sumakay. Nasa estasyon ako ng Pasay Road.
Dalawang tren din muna ang pinalampas ko upang pansamantala akong makapagpahinga sa
upuang bato. Nang paparating na ang tren ay isinukbit ko na sa harapan ko ang aking bag bilang
paghahanda. Ano’t bago pa man makarating sa platform ang tren ay bigla itong huminto.
Nagkagulo ang mga tao. May mga pulis na dali-daling pumito’t tumakbo. Hinubad ko ang suot
na headset upang makiusisa. Biglang-bigla, sa ‘di kalayuan, sa gilid ng kalawanging riles,
malapit sa may checkpoint, natanaw ko ang anyubog ng isang lalaking nakahandusay sa
damuhan. Sinaklot ng kaba ang dibdib ko. Pinalibutan ng mga pulis ang lalaki. Panay ang satsat
nila sa kanilang radyo ngunit wala namang maihandog na saklolo. Gusto ko sanang lumapit
upang makisimpatya, makibalita ngunit bigla nang umandar ang tren at nagsakay ng mga
pasahero. Pumisan akong may nagdadabog-nangangalabog pa ring tambol sa dibdib ko. Baka
naman nadaplisan lang ang mama. O nadulas lang. O baka may shooting pala ng pelikula. Maya-
maya pa’y isang lalaki ang humahangos na humabol sa pagsasara ng pinto. Nakiusyoso pala ito.
Tinuldukan niya ang mga tanong at agam-agam sa isip ng lahat sa loob lamang ng tatlong
pangungusap:
Noon ding gabing iyon hanggang sa sumunod pang mga araw ay pilit kong hinanap ang
balita tungkol sa lalaki. Ang lalaking iyon na wala marahil ibang nais kundi ang makahabol sa
paparating na tren, makauwi nang maaga sa bahay, at makasama sa hapunan ang kaniyang
pamilya habang nakatutok sa paborito nilang telenobela. Matiyaga akong nag-Google ng
anumang artikulo tungkol sa aksidente ngunit wala akong nakita. Maging sa TV at radyo ay wala
rin. Ang meron lang ay ang tungkol sa pagkaka-link ni Pia Wurtzbach kay Noynoy, at ang
kawalan ng love life ni Kris Aquino. Sino nga naman kasi siya? Hindi naman siya isang sikat na
pulitiko, o boksingero, o artista. Hindi naman siya kamag-anak ng kung sinong matagumpay at
maimpluwensiyang businessman. Karaniwang tao lang siya. Bakit pa pag-uusapan?
‘Singkaraniwan ng nasagasaang kiring pusa sa kalsada ang nangyari sa kaniya. Sino pa ang mag-
aatubiling sumubaybay sa kuwento niya? Sino pa ang magtatapon ng kapiranggot na awa sa
isang hamak na layak na gaya niya, na gaya ko at ng iba pa’y suki ring pasahero sa mga tren ng
Maynila?
Matatandaang sa mga riles ng PNR minsang naglandas ang mga bagon ng digma. Dito
noon sumakay ang daan-daang Katipunero upang makipaglaban sa mga sakim at mapang-aping
dayuhan. Dito binaril, nabuwal, namatay ang maraming Pilipino sa ngalan ng hinahangad na
kalayaan. Mahigit isang siglo na ang nagdaan ngunit patuloy pa rin ang digmaan sa daang-bakal.
Libo-libo pa ring mandirigma ang sumasakay dito, at isa na ako rito—nakikibaka sa hirap ng
buhay, binabata ang lupit ng hagupit ng opresyon sa lipunan. Ang masaklap pa’y hindi na mga
dayuhan ang katunggali ng mamamayan, kundi ang mismong gobyerno na nag-aasal banyaga.
Silang nagpapanggap na makamasa ngunit may pusong imperyalista. Silang nangangako ng
tuwid na daan, na ang dulo pala’y diretso sa bangin ng kamatayan.
Lagi’t lagi, bago pumasok sa loob ng estasyon ng tren, mamamasdan ang mga
guwardiyang panay ang pag-iinspeksyon sa bag ng mga pasahero. Kung makakapkap ay parang
may ipinuslit o itinatago ka na kung ano. (Subukan kaya nila minsang sa Malacañang at
Kongreso mangapkap?) Madalas ay nanggigigil pa sa kahahanap sa kasuluk-sulukan ng bag
kung may nakatagong anumang patalim o bomba. Ang hindi nila alam, nasa puso ng mga
pasahero ang patalim at bomba. Araw-araw na humihiwa, lumalaslas, sumusugat, sumasabog sa
ubod ng mamamayang ganap nang tinalikuran ng pamahalaan.
Noong ako’y punggok pa lamang na paslit, kasama ko lagi siya sa isa sa mga
paborito kong libangan – ang pagtatampisaw kasabay ng pagbuhos ng ulan. Kapag
nagsimula nang lumakas ang pagbugso, magtatatalon na kami sa labas ng bahay at
dadamhin ang pagkiliti ng mga butil ng ulan sa aming mga maninipis na balat at
mumunting mga katawan. Kakaripas din kami ng takbo patungo sa mga dulo ng alulod
ng bubong ng mga bahay upang lasapin ang malakas at tila ba ‘waterfalls’ na pagbuhos
doon. Hindi namin alintana na maaaring may halong dumi ng pusa at ng kung anu-ano
pa ang pagbuhos ng ulan mula sa matataas na ‘alulod falls’. Naniniwala kami noon na
malinis iyong ibinubuhos ng mga alulod, o kung marumi man, hindi naman siguro kami
mamamatay. Ang mahalaga ay nakapagguguhit ang buhos ng ulan ng malalaki
bagaman bunging mga ngiti at bungisngis sa aming mumunting mga labi.
Kapag tag-araw naman at sadyang madalang ang pag-ulan, kasama ko rin ang
matalik kong kaibigan sa pag-‘shake’ ng mga prutas gaya ng mangga, melon at
abokado. At dahil wala kaming ice cube maker sa bahay, bumibili na lang kami sa
tindahan ng tigpi-pisong yelo a.k.a. ‘iced water’. Mura at sapat na ang dami ng yelong
iyon para sa amin. Mabubuhusan na ng nakagiginhawang ginaw ang aming uhaw na
lalamunan.
Lumipas ang ilang mga taon at nasaksihan ko kung paanong mabilis na nabago
ang lahat. Saksi ako sa tila ba pagkabalisa at pananamlay ng aking kaibigan sa iba’t iba
nitong kaanyuan. Hindi ko na halos namalayan kung ano na ang nangyari, kung bakit
nagkaganoon na hindi ko na magawang masayang makipaglaro sa kanya. Nanamlay
ang aming samahan; mula sa malakas na pagbuhos, naging isa na lamang matamlay
na pagtulo.
Naging dalawang piso na ang ‘iced water’. Doble na raw ang presyo kasi
nagmahal na ang tubig na tumutulo sa mga gripo at ang kuryenteng binabayaran sa
pag-gamit ng ref.
Pakiramdam ko talaga’y tinalikuran na ako ng aking matalik na kababata. Ewan,
pero… nais ko sanang maibalik ang dati naming samahan.
Sa hinaharap, nais kong magkaroon at magtaguyod ng isang pamilya. Gusto
kong magkaanak ng isang malusog at malditong lalaki at ipamamana ko rin sa kanya
ang aking pangalan. Siya ay magiging ‘the III’ at kikilalanin (at alam kong mas
gugustuhin niya ito) sa simpleng tawag na ‘Third’.
Gusto kong makilala niya agad ang dalisay at banal na tubig sa oras na siya’y
binyagan. Gusto ko siyang hayaaang magtampisaw sa gitna ng ulanan kasama ang
kanyang mga kaibigan. Gusto kong maranasan niyang magta-takbo nang hindi
nangangambang wala siyang maiinom na malinis na tubig kapag siya’y nauhaw.
Sa ngayon, marahil ay tilamsik na nga lamang ang natitira para kay Third at sa
kanyang henerasyon. Nangangamba akong baka wala pa sa kalingkingan ng
masasayang karanasan namin ng aking kababata ang maranasan niya. Mamayang
gabi, sa saliw ng mga patak ng mahiyaing tubig, muli kong hihilingin sa aking kababata
na huwag niyang pababayaan si Third.
Nariyan pa rin naman ang mga ulap na palaging magpapa-alala sa atin at
magbibigay ng kaunting tilamsik ng pag-asa. Nariyan pa rin ang silver lining sa gitna ng
tuyot at baliw na kulimlim. Sisilay pa rin ang pag-asa subalit kailangan ng kumilos.
Mahal na Selma,
Tinnitus ang tawag sa kanya sawikang Ingles ng mga doctor subalit dahil wala naman
itong direktang katumbas sa wikang Pilipino, binibinyagan ko ito sa pangalang kuliglig.
Halos tulad din ito ng Insektong kuliglig kung sa nalilikha nilang huni o ingay ang pag
uusapan. Alam mo marahil na karaniwang maririnig ang mga insektong ito na sama-samang
humuhuni sa kagubatan, kakahuyan, halamanan, o kabukiran lalo na sa pagsapit ng dapit hapon
hanggang sa mag litawan ang mga bituin sa kalangitan. Mga lalaking kuliglig an gang
kadalasang tila nag-aawitan na animo’y nanghaharana ng mga dalagang kuliglig. Ikikiskis lang
nila ang kanilang pakpak at presto, nakalilikha sila ng mga tunog. Masarap silang pakinggan at
nakalilibang pakinggan lalo na kung nasa isa kang liblib na baryo na nakabibingi ang
katahimikan sa magdamag. Tuwing magbabakasyon ako sa Santa Fe, ang nakakabagot na pag
usad ng orasan sa kabukiran lao na pagkatapos maghapunan ay pinalilipas ko sa pagtulay sa mga
pilapil, pamamasyal sa kaparangan at pakikinig sa “kantahan” ng mga kuliglig na nagmumula sa
kakahuyan.
Ngunit may isang klase ng kuliglig na hindi nakikita pero maingay kahit anong oras. Sila
iyong kasa-kasama at naririnig ko araw-araw, oras-oras, maghapon , magdamag, minu-minuto at
bawat Segundo. Nararamdaman at naririrnig ko sila kahit nasaan ako – sa bahay, sa nayon, sa
lungsod, trabaho, bangketa, lansangan, dyip, traysikel, taksi, bus, LRT, shopping malls, fastfood,
bundok ,kaparangan, karagatan at kahit sa gitna ng maraming kaabalahan sa buhay araw
arawtulad ng pagbutingting ng kompyuter, pagluluto ng pagkain at paglalaba ng damit. Hindi
sila tumitigil sa pag iingay kahit abalang abala ako sa pinagtatrabahuhan kong kompyuter shop,
kahit nanonood ako ng telibisyon o nakikinig na bakita sa radio o nagbabasa ng pahayagan at
aklat o nnonood ng sine o kumakain. Patuloy parin silang umaalingawngaw sa paligid ng aking
utak kahit sa oras ng aking pag iisa, kahit naghahanap ako ng katahimikan sa baybayin ng roxas
Boulevard, Fort Santiago o Luneta o sa Paco Park kung nasa lungsod ako o kahit sa bukid at
dalampasigankapag nagpapasyal ako sa nayon ng Santa Fe. Wala silang humpay sa “pangugulo”
sa aking katahimikan o kahit nasa matatahimik na lugar ako. Daig ko pa ang naiipit sa giyera
dahil sa mistualang walang patumanggang barilan at bombahan. Ni hindi ko magawang idaing
ang problema ko sa mga oraganisasyong nagtataguyod ng karapatang mapanira sa sarili kong
katahimikan.
Ni hindi ko nga alam kung anong klase ng mga kuliglig ang naririnig ko kapag nasa
bukid ako o kakahuyan. Iyon bvang mga insektong padapo dapo sa mga halaman at kakahuyan
o iyong aaligid aligid sa utak ko?
Humihinto lang ang “giyera-pataning kantahan” ng mga nkuliglig na ito kapag natutulog
na ako. Ngunit tulog nga ako, malay ko kung nagkakalampagan pa sila na katulad ng ginagawa
ng mga Rock music habang namamsyal ako sa mundo ng panaginip ngunit pagbalik ng aking
kamalayan at pagdilat ng mga mata ko kinaumagahan, naririnig ko na naman ang ingay ng mga
kuliglig na ito na nagmimistulang kakambal na ng anino ko na kabuntot ko kahit saan at kahit
kalian.
Nasubukan mo na bang pumasok sa isang imprenta o pabriks at makipag usap sa mga tao
roon habang “nagrerebulosyon” ang kanilang mga makina? Ganoon ang ginagawa sa akin ng
mga kuliglig na ito. Kapag may kausap akong tao, malimit na aakalain na hindi ko siya marinig
kaya itataas pa niya ng boses niya para maintindihan ko. Siyempre’y nakikita niya ang laruang
nakakabit sa tenga ko kaya may imprensyon agad siya na may kapansan ako sa pandinig. Dapat
nga ay naiintindihan ko siya dahil nga sa laruang nakakabit sa tenga ko pero dahil nga sa
pesteng mga kuliglig, hindi ko gaanong maunawan ang mga sinasabi niya lalo na kung maingay
pa ang kapaligiran. Ngunit mas naiitindihan ko siya kung marahan siyang magsasalita at nasa
isang tahimik na lugar kami na walang kasbay sa ma kalampagang nililikha ng mga anino kong
kuliglig.
Ngunit buti kung kuliglig lang na umaalingawngaw sa utak. Lumalabas din sa tenga ko at
nakikisabay ang tila kalansing ng isang bungkos ng mga tansan ng sftdrink na tulad ng isang
instrumentong ginagamit ng mga batang nangangaroling sa mga bahay bahay tuwing
kapaskuhan. Tila sla musikirong nagduduwelo o bumubuo ng koro na pinangungunahan ng
kuliglig.
Kaya nga bahagyang lumuluwag ang pakiramdam ko kapg tinatanggal ko ang Hearing
Aid mula sa tenga ko. Paano’y bahagyang nababawasanang mga ingay umaatake sa loob ng
katawan ko lalo na sa tenga at paligid ng utak ko. Wala na akong iabng naririnig kundi ang mga
kuliglig at tansan. Naglalaho ang pagmumura ng mga motor ng mga sasakyang humaharurot sa
kalsada, ang labu-labung pag –uusap ng mga taosa mga bangketa, opisina, malls, kalsada,
pampasaherong sasakyan, ang makukulit na komersyal sa telebisyon, ang tilian ng mga tindera
sa palingke at mga ingay sa iba pang pampublikong lugar. Hindi ko nga lang madidinog ang mga
huni ng mga ibon kapag naliligaw ako sa Santa Fe, ang ragasa ng mga alon sa dalampasigan, ang
agos ng ilog patungo sa talon, ang ihip ng hangin sa mga puno ng niyog at sa bukid at martsa ng
mga patak ng ulansa bubong ng mga bahay. Hindi ko rin maririnig nag si Regine Velasquez sa
aking CD player at hindi ko maririnig ang balita sa telibisyon kahit may nakikita akong mga
imahe. Dati rati noong kabilang pa ako sa mga ‘normal’ na tao, laging may nakakbit na kable sa
tenga ko na konektado sa isang CD player. Ngunit nang pautaktihin ako ng mga kuliglig sa aking
utak, itinapon ko na nag mga earphone dahil hindi ko na naiintindihan angnapapakinggan kung
awitin. Ni hindi ko na maramdaman ang katahimikan ng kalooban ko kapag nag iisa ako sa
kaparangan o sa aming bukirin habang nagpapalipas ng oras kinagabihan sa piling mga bituin at
sa tanglaw ng buwan. Dahil hindi talaga ako matahimik. Hindi ako nagkakaroon ng ganap na
katahimikan kahit nasa tahimik na lugar ako. Ipinagkakait sa aking ng mga kuliglig at tansan ang
katahimkang ito.
Kaya nga malimit kapag umuuwi ako galling sa trabaho ko sa maynila at nag-iisa rin lang
akong naglalakad at sumasakay sa bus o dyip, hinuhubad ko ang “laruan’” sa aking tenga. Hindi
ko maririnig ang busina ng mga sasakyan o pagtatanong ng drayber ng dyip o konduktor ng bus
kung saan bababa pero nababawasan ang ingay na kumakalampag sa utak ko (huwag nga lang
mahoholdap ang sinasakyan ko). Kahit nanggugulo ang mga kuliglig at tansan, nakadadama ako
ng katiwasayan at katahimikan.
Sa mga fstfoof restaurant , hindi kami magkaintindihan ng mga empleyado rito hinggil
sa inoorder ko kahit nakasabit ang “laruan” sa tenga ko. Dahil nga sa maingay ang paligid at
nakikiingay sina kuliglig at tansan. Sasabihibn ko halimbawa ng hamburger pero itatanong
naman nila kung anong klase(marami nga kasing klase ng hamburger. Bakit naman kasi may ibat
ibang klasepa?) pipalad lang akong may magsasabi ng isang halimbawa ng hamburger at tatango
nalang ako at magugulat na lang ako sa isusukli nila sa ibiniyad ko. Sa mga department store,
napapaaway ako minsan sa mga sales lady dahil ibang aytem ang ibinibigay nila sa halip na ang
binibili ko. Napapagtanto ko nalang na may tinatanong sila s akin katulad ng sukat o bilang ng
uri ng pantalon halimbawa pero tango lang kasi ako ng tango. Inakala kong hindi nila ako
maintindihan. Ako pala ang hindi makaintindi sa kanila.
Kapag umuulan naman. Kapag naabutan ako sa daan ng pagpatak ng ulan at kahit na
amabon pa lamang, tatanggalin ko na sa tenga ko Hearing Aid at itatagi ito sa ligtas na lugar ng
aking katawan. Masisira kapag nabasa ng tubig ang laruang ito(hindi rin siya perpekto) kaya
kailangang iligtas kapag umuulan. Ngunit hindi lang dahil masisira siya kaya tinatanggal ko.
Gusto ko ring madamang muli kahit sa mga oras na iyon kung paano mabuhay ng normal na
tulad noong malakas ang pandinig ko. Iyon bang, kahit may dala akong payong, sasagasa ako sa
ulan at walang kiber na magpapakabasa.
Minsan, may kaopisina akong niyaya akong lumabas at tumawid ng kalsada para
magmeryenda sa katapat na karinderya. Hindi ako maktango dahil umaambon. Pinuna niya ako
na hindi naman ako matutunaw a ulan. Isinagot ko na naman na hindi nga ako matutunaw sa ulan
pero masisira naman ang Hearing Aid ko.
Hindi ko inaalintana iyong napapabalita hinggil sa ilang mga binging nasagasaan ng mga
sasakyan dahil hindinila narinig ang busina ng mga ito. Nabalitaan mo na iyong kaso ng isang
beauty queen doon sa Texas sa Amerika na namatay kamakailan nang masagasaan ng tren? May
kapansanan din siya sa pandinig at minsang naglalakd siya sa gilid ng riles ng tren, hindi niya
namalayan ang rumaragasng dambuhalang sasakyang bakal mula sa kanyang likod. Hinihinalang
hindi niya narinig ang babalang busina ng tren hanggang sa masagi siya nito,tumilapon at
nagkalasog –lasog ang kanyang mga buto. Marami din ganyang kaso sa bansa natin. Huwag ka
ng magtaka kundg bakit tampok napapabalita sa mga pahayagan. Radio, telibisyon, at internet
ang kaso ng mga ordinaryong mamamayang may kapansanan sa pandinig na nasasagasaan o
biktima ng trahedya. Mas lao ka ng huwag magtaka kung bakit nagiging balita iyong mga
babaeng pip’t bingi na nabibiktima ng panggagahasa. Mukhang kailangang ipagdiinan sa mga
balita a ng kanilang kapansanan para sila maging balita.
Wala akong pakialam kung magkasakit man ako sa inagawa ko. Nakakadama ako ng
kalayaan kapag sumusugod ako sa ulanan. Hahayan kong mabasa ang buhok ko, ang mukha ko,
ang damit ko, at ang buon katawan ko. Patuloy akong naglalakad. Tuloy-tuloy ang hakbang ng
mga paa ko kahit kahit namimigat na ito dahil sa basing pantaloon, mga medyas at sapatos. Wala
akong naririnig kundi alingangaw ng mga kuliglig at kalansing ng mga tansan. Hini ko
maririrnig ang takatak- katakatak takatak ng bumubuhos na ulan sa sementadong kalsada at mga
bubungan at mga payong ngunit nakikita ko at nadarama ko ang malalaki at masisin niyang mga
patak sa aking katawan at sa lupa. Hindi ko naririnig ang dagundong na tumatambol na mga
kulog sa himpapawirin pero nababanaag ng mga mata koang pagguhit ng matatalim na kidlat sa
mga singt ng mga nangingitim na ulap. Nakakadama ako kahit paano ng kaginhawan at munting
kalayan, kahit saglit, mula sa de-kahong buhy na itinakda ng “laruan” sa aking tenga. Para itong
selda na nagtatakda ng limitasyon sa mga kilos ko. Daig ko pa ang ibong nakakulong sa hawla.
Hindi ko namn siya binabaliwala dahil kailangan ko rin. Sa lahat ng klase ng selda sa mundo, ito
ang tiyak na hindi gugustuhinng taksan ng mga may kapansanan sa pandinig.
Kapag na sa trabaho ako, hindi mawawala ang biro ng ilang kaopisina na para raw akong
nagmula sa ibang planet o kaya nagpapahaging na para akong isang robot dahil sa nakasabit na
munting aparato sa tenga ko. May mga katrabaho na hindi malamn kung nag aral ng sign
language dahil mahilig na isensyas ang gustong sabihin sa akin( kung alam lang nila hindi ako
marunong ng sign language) tulad ng pagkumpas ng kamay kapag pinapalapit nila ako o kaya
ipinipaypay ang palad para sa salitang “wala” o itinatango o iniiling ang mukha para sa mga
salitang “oo at hindi.” Iyon ngang supervisor ko, malimit sinusulat niya sa kapirasong papel ang
maikli niyang tagubulin o utos kahit alam niya na naririnig ko siya. Ano ba naming malay niya
kung naririnig ko siya pero mawawalan naman ako ng trabaho kung babarahin ko siya.
Mamalagkit din ang titig sa akin ng mga custumer na magpapagawa o bibili ng computer
o piyesa kapag ako ang nautusang humarap sa kanila. Kung hindi lang sa laruang nakaabit sa
tenga ko, aakalain kong naguguwapuhan sa akin o may dumi sa mukha ko. Kung magandang
babae, magkakamalisya kang may gusto sa akin. Magkakaiba naman ang ekspresyon ng kanilang
mga mukha. May halatang nagpipigil matawa, may naiinis, ang iba ay nagtataka at nag iisip ng
malalim, merong naawa at may ilan naming nagkukunwari na walang napapansin. Meron namng
ibang magtataas ng boses kapag nakaramdam na may kapansanan ako sa pandinig. Nagiging
sensitibo ako sa ekspresyon ng kanilang mukha kahit hindi kailangang maging sensitibo.
Gayunman, pare-pareho silang nbabto balani sa aking laruan. Ilang bata ang maliligaw at
itatanong kung ano yong aparatong naksabit sa magbilang gild ng ulo ko. Isasagot ko lang na
Mini CD player iyon. Sintomas ba ito ng atrasadong agham sa ating bansa kaya parang isang
malaking kababalaghan para sa ilan nating kababayan ang Hearing Aid? May mgsandaling , sa
mga pampublikong lugar tulad nf plingke, malls, may ale o mama na mapapatitig sa akin o
biglaang lalapit sa akin at magtatanong kung saan nakakabili ng hearing aid o para saan itong
maliit na aparataong nalakagay sa tenga ko.
Tumututol ang isip ko na nasasaktan ako sa ganitong lagayan pero hindi ako magiging
totoo kung sasabihin ko s iyo na hindi lumuluha ang damdamin ko. Kapag natotoka ako sa
pagkumpuni ng kompyuter sa opisina , nasisyahan akong makuntentong magtrabaho ng mag isa
sa isang sulok ng opisina. Walang kausap a walang kumakausap maliban sa monitor, hard drive,
power supply, video card, memory, cd-rom, floppy, mainboard at processor . hindi namn
maingay sa sulok na iyon kung pagbabatayn ang normal na pandinig ng isang tao. Walang ibang
maririnig maliban sa alingawngaw ng mga kuliglig at kalansing ng mga tansan. Kung pwede
ngalang kausapin ang mga kuliglig na ito. Magkakarinigan kya kami?
Hindi ko napapansin dahil nga nakakagamit ako Hearing Aid. Ang alam ko lang,
maraming pagkakataon na kailangan kung ipagdiinan ko sa iba ang kalagayan ko. Kulang na
lamang ay pagmalaki ko na isa akong bingi. Personal ko ring naranasan na kapag ako ang
naksagot ng telepono sa opisina kapag kumikiriring ito hindi ko agad maiintindihano gaanong
marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya, magtataas ito ng boses at inis na itatano kung
myembro ako ng organisasyon ng mga bingi. Hindi ko siya sinagot dahil baka hindi siya
maniwla sa isasagot a lalo siyang magalit. Isusumbong ko nalang siya kay Alexander Graham
Bell kung nabubuhay pa sana ito sa panahon natin. Isipin nalang na inimbento niya ang telepono
para sa mga bingi.
May pagkakataon sa bus o dyipni, lumalagpas ako ako sa dapat kong baban dahil hindi
ko naririrnig ang sinasabi ng drayber o ng kondukror hinggil sa mga nadadaanan na nitong lugar.
Ako pa ang nasisisi dahil hindi ko raw naririnig ang sinasabi nila. Sinisisi ko naman ang mga
kuyliglig at tansan sa kabiguan kung makuha ang isinisigaw ng mga drayber at konduktor. Sa
sobrang ingay nila, hindi narinig na dumaan na pala ang sinasakyan ko sa destinasyon ko.
Nagawa ko naring makiusap sa ilang jeepney driver na lakasan ang boses nila sa pagtatanong
nila kung saan ako bababa o kung may kasama ako dahil bingi ako. Mapapatingin sa akin ang
lahat ng kapwa ko pasahero. Napapatingin din ako sa kanila at nagtataka rin ako. May naawa
naman at uuitin sa akin ang itinanong ng drayber
Nakakaiyak ba?
Hindi. Ayokong umiyak. Siguro, ang kaluluwa ko minsan kapag napapag-isa ako o wala
akong ibvang mapagpipilian kundi ang mapag-isa. May mga kasama ng akong mga kuliglig pero
mukhang hindi ako maririnig ng mga ito at mukhang wala silang balak humingi ng paumanhin sa
pamumuwersiyo nila sa buhay ko. Napipilitan akong lumayo sa kaibigan at kakilala hangga’t
maaari dahil umiiwas ako sa pakikipag usap na sila sila lang ang nagkakaunawaan. Hindi ko sila
mapagsasabihang mag aral ng sign language dahil hindi rin ako marunong nito. Sa trabaho, mas
kampante akong lumalabas at kumaing mag- isa kapag oras ng pananghalian dahil hindi ko ito
poproblemahin na may kailangan aakong kausapin at pakinggan.
May nabubuo ring palaisipan sa isip ko. Maaari ngang hindi ko marinig at maintindihan
ang sinasabi ng ibang tao. Pero sila kaya naririnig kaya nila ako? Naririrnig kaya nila ang mga
hinanakit sa buhay ng mga katulad ko?
Hindi kita tatanungin kung pamilyar ka sa mga salitang “ha?” “ho?” at “ano?” alam kong
alam mo ring bukambibig ito ng marami lalo na iyong may mga normal na pandinig kapag may
kausapa silang ibang tao. Alinman sa tatlong katagang ito ay biglang nasasambit ng isang
Pilipino kapag hindi niya agad naintindihan o narinig ang sinasabi ng kanyang kausap. Maaring
mahina o utal a ng boses o masyadong mabilis ang pagsasalita ng kanyang kausap o
mrong ibang pumupukaw ng kanyang atensyon o lumilipad ang kanyang isip kaya hindi niya
nakuha ang sinasabi nito.
Ngunit may nababsa akong mga pag aaral na lumalabas na nakasisira sa pandinig ng tao
ang pag pagbababad sa maiingay na lugar tulad sa mga pabrikang may pinapaandar na makina,
disco house, o ibang bahay-aliwan dahil nga sa sobarang lakas ng pinapatugtog na musika rito at
kahit ang mga butok ng baril at ng mga rebentador o paputok (ilan kaya ang nabibingi tuwing
ipinagdiriwang natin at sinasalubong ang bagong taon at ilang sundalo ang nagkakaproblema
matapos sumabak sa maraming labanan?)
Kaya nga isang malaking kuwestiyon kapag biglang itinatanong ng isang tao ang mga
salitang “ha” “HO?” at “ano?” kapag hindi niya naintindihan ang kausap niya. Sino ang may
problema? Ang nagtatanong ng “ha?” “ho?” at “ano?” o iyong kausap niya? Mahina ang panding
ng una o utal lang magsalita ang huli? May mga tao talagang likas na mahina magsalita at may
mga tao namang mahinang makaintindi sa kanyang mga naririnig. May mga tao ring masyadong
mabilis magsalita at may mga taong mabagal sumagap sa sinasabi ng iba. Kya, kung magiging
sensitibo ang isang nakikinig, mapapansin niyang siya lang ang hindi nakakarinig ng mabuti sa
isang nagsasalits halimbawa samantalang ang iba ay nakakarinig dito.
Kaya itinatanong mo sa emailmo sa akin kung nakakdama ako ng pagkaawa sa sarili ko.
Oo siguro kung hindi ko iisiping ako lamang ang may problema sa pandinig. Kung hindi ko
iisiping mas mapalad ako kaysa sa mga bulag, pipi, lumpo,paralisado, komang,kuba, at unano at
may mga taong nasasabing normal ang pandinig pero hindi paren nakakrinig. Huwag na nating
isama ang ilang opisyal ng pamahalaan na hindi makarinig sa karaingan ng mga naaagrabyadong
mamamayan
Kung tutuusin mas mapalad ako kaysa kay Hellen kelle. Nasaan na kaya siya? Kasi
nakakakita pa ako pero siya, hindi na nakakarinig at hindi pa nakakakita. Nadaanan mo siguro
noong hayskul ka pa ang tungkol sa buhay niya. Kung paano niya magsikap matutong magbasa
at magsulat kahit wala siyang nakikita at may kapansanan siya sa pandinig. Nangampanya pa
siya para sa edukasyon ng mga bulag, bingi at pipi. Nakapagsulat ng mga libro. Sinikap niyang
maging produktibo. Nag aral siyang magbasa at magsualt kahit bingi at bulag siya. Naglekyur
siya sa ibat ibang bansa at tuamngging maging pasanin sa mundo. Hindi siya nagpakulong sa
hindi nakikitang selda na tila itinakda ng lipunan para sa mga katulad niya. Nagsilbi siyang
modelo ng mga taong hindi nagkaroon ng oportunidad na magkaroon ng normal na buhay at
pangangatawan. Saying nga at hindi ko naabutan ang panhon niya.
Kung buhay pa san si Helen Keller, papayuhan kitang siya na lamang ang hanapin mo at
kapanayamibn para sa tesis mo. Tiyak din marahil na may e-mail address at website siya kay
maari siyang makaugnayan kahit nasa amerika siya. At din na makikipagkaibigan ako sa kanya.
Mas marami siyang masasabi hinggil sa kalagayan ng mga katulad kko. Gayunman, may mga
naiwan naman siyang mga akdang kapupulutan n mga aral at mahahanguanng kanyang kaisipan,
paniniwala at paninindigan sa buhay.
Gumagalang,
Lean
Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako
Ni: Reuel Aguila
Wala lang.
Todo-unat, basta iniangat ng isang estudyante ang kanyang kamay, litaw-braces na ngumiti, at
pinindot ang tangang cell phone na nagsisilbi ring camera. Wala pang isang kurap, nakisiksik na
ang ilan pang kaklase, dikit-dikit ang mukha, nakabungisngis din at may impit pang tili.
At naglitratuhan sila nang naglitratuhan: funny face, wacky pose, seductive, emo, serious, pa-
cute … paulit-ulit; palibhasa’y digital, walang film, halos di maubos ang kodakan at tawanan …
walang pakialam kung pinapanood sila ng ibang tao; sa tambayan sa school, sa mall, sa kalye, sa
gimikan, sa outing; at kahit saan man, kahit walang okasyon.
Ipo-post ang mga litrato sa blog site, nag-aanyaya na silipin ng buong sandaigdigan, sa
pamamagitan ng world wide web, ang mga digital na tala ng kanilang kabataan, na kung tutusuin
ay “walang lang”; ngunit nanggaganyak na mag-iwan ang sinuman ng kahit anong comment na
kadalasan ay: ahahahaha, o ahihihihihi, o LOL, OMG, ü, : ) , : (, at iba pang J smiley.
Tuwi-tuwina o maging ilang taon makatapos, marahil, iki-click nila upang balikan ang kanilang
buhay-kolehiyo; maaaring matatawa pa rin sila o mangingiti o basta wala lang ding muli sa
sangkatutak na litratong nagdokumento ng kanilang murang kaisipan.
Napakaraming litrato.
Ngunit wala akong litrato noong nasa kolehiyo ako… dekada 70. Panahon iyong laganap na
laganap ang pangmasang camera, ang Kodak Instamatic.
Ito ‘yong parang maliit na kahon na sa isang pindot ay bubukas ang likod ng camera para
maisalpak ang naka-case na film. Hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili sa pag-spool ng
film; na pag nagkamali ka sa halos bulag na pag-sprocket ng negative ay wala kang makukuhang
litrato.
Ito ‘yong camerang hindi mo na kailangang i-focus, i-adjust / bigyan ng kumbinasyon ang timpla
ng aperture at speed; tandaang mas maliit ang numero ng F-stop ay nangangahulugang mas
malaki ang opening ng lens, samantalang kabaliktaran ang para sa speed o bilis ng pagbukas-sara
ng shutter. Sa Kodak Instamatic, basta, tutok at shoot.
Ito ‘yong hindi mo na kailangang sukatin ang distansya ng kukunan at kalkulahin ang lakas ng
dating ng flash; na hindi nalilimutang ang speed ng shutter ay constant na nakalagay sa pinaka-
synch ng film. May flashcube ito na may apat na bumbilya; na kusang umiikot pagkatapos mag-
flash.
Mura: ang camera, ang film, ang development. Nagkaroon ng pagkakataon ang sinuman na
makapag-may-ari nito. Kaya, naidukumento ng karaniwang mamamayan ang mga pangayayari,
maliit man o malaki, na sa pananaw niya’y mahahalaga para sa kanya.
Di tulad noong ang camera ay pangmayaman lamang; panahon ng Single Lens Reflex, ng box
camera na mabigat , na kung minsan ay kakailanganin ng tripod para di mangawit ang leeg na
pinagsasabitan ng camera; at ng pag-iilaw o ng lumang de-apog na flash. Kailangang pag-
ipunan, magbihis at pumunta sa studio ang mga nais magkaroon ng litrato. Kung hindi man ay
arkilahin ang serbisyo ng mga nagbabahay-bahay na potograpo, o ‘yong umiistambay sa mga
simbahan at sa Luneta. At pagkatapos ay ikuk’wadro, at isasabitsa salas, o ilalagay sa album.
Di tulad noong kakaunti pa ang camera at di pa ganoong napeperpekto ang mekanismo, ang mga
labis na mayayaman lamang ang nagkakaroon ng kanilang ipinintang portrait at painting ng mga
tanawin.
Sa pagdating ng murang instant camera, ang buong paglalakbay sa buhay ng karaniwang Pinoy
ay kaya niyang itala sa mga litrato, sa pinakamadali at pinakamurang paraan. Naging palasak ang
karanasan ng paglilitrato.Naging palasak ang gamit ng Kodak instamatic.Naging palasak ang
bagong salitang Kodakan.
Ngunit wala akong litrato noong nasa kolehiyo ako, sa panahon ng Kodakan.
Ngunit wala akong litrato noong nasa kolehiyo ako, sa panahon ng Kodakan.
Ngayon-ngayon ko lang nalaman ‘yan, halos 40 taon na ang nakalilipas.
Sa hindi ko maintindihang dahilan, biglaan, parang isang kating dapat kong kamutin, dahil
bakasyon, parang kailangan kong linisin ang aking files: mga kinagawiang notebook na dala-dala
kung saan man; mga pinasulat ng kung sinong titser; mga clipping, reading at mga test paper;
draft ng kung anong tula, sanaysay, dula, maikling kuwento; mga souvenir gaya ng ticket ng bus
at kung anong sine o dula, tuyong bulaklak, ribbon, balat ng candy; mga sulat; mga litrato.
‘Ayun akong ipinaghehele ng aking ama.‘Ayun akong tatlong taon at naliligo nang hubad.‘Ayun
ako sa unang bisekleta. ‘Ayun ako sa grade one sa isang munting bayan sa Quezon, bihis na bihis
at may kapareha para sa isang folk dance. ‘Ayun ako sa nilipatang bahay sa Sampaloc, sa Cubao,
sa camping ng mga boy scout, sa birthday ng aking mga kapatid, sa Baguio kasama ang pamilya,
sa excursion sa Balara, sa kung anong lugar na hindi ko na halos maalaala, kasama ng kung
sinong marahan na ring naglalaho sa aking gunita.
Biglang lumundag ang panahon. Walang litrato noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo.
Maliban sa nag-iisang ID sa kolehiyo, kupas at gurlis-gurlis na, wala na akong iba pang litrato sa
pinakamakulay pa namang panahon sa aking buhay.
Freshman ako nang salubungin, isang maagang umaga, ng mga basa pang pulang pintura sa
bawat pisara ng aming kolehiyo.
Walang masulatan ng aming guro dahil sa naglalakihang slogan. Pagkadismaya ang aking
naramdaman, ng aming naramdaman. Sobra na
ang mga aktibistang ito. Hindi porke’t araw ng eleks’yon ng council ngayon ay hihirit pa sila ng
kanilang mga slogan upang tiyaking maaalaala sila at iboboto naming mga freshman.
Unang pagkakataong pinayagang makaboto ang mga freshman. At ang nagsusumigaw na slogan
ang binyag sa amin.
Hindi namin ibinoto ang mga aktibista. Hanga pa naman ako sa kanila, sa kanilang tapang at
talas ng isipan. Ngunit kung ang mga nanlalagkit pang mga slogan sa pisara ang magiging
batayan ng darating na lipunan, ayaw ko na sa kanila.
Huli na nang mapag-alaman ko, namin, bilang freshman, na kagagawan iyon ng kalaban.
Ang binyag na iyon ang siyang magsasabi sa aking higit na maging mapanuri. Hindi lahat ng
pula ay pula, manapa, ang mga pulang letra sa pisara ay itim; isang black propaganda.
Ang binyag ay naging kumpil. Ikalawang semestre nang magingguro ko ang matandang iyon.
Malinaw sa aking alaala ang kanyang larawan: may band-aid ang gawi ng nguso niya nang
unang humarap siya sa klase, nagurlisan di umano sa paggamit ng labaha; namumuting buhok,
basag na boses, plantsadong pananamit, mayabang na pamumustura.
“Lahat ng babae, sa harapan umupo.”Iyon ang unang utos ng gurong iyon.At panahon iyon ng
mini-skirt. At kaming kalalakihan ay sa likod pinaupo.
May gana pang nagsabi ang matandang guro na benepisyo niya ang ganoong larawan ng mga
dalagitang nakamaikling palda. Humalakhak pa at tumalsik ang nanlalagkit na laway.
Ang ikalawang utos niya ay nangunyapit sa aming kaisipan: “Walang aabsent kapag may rally.
Singko, bagsak, ang sinumang aabsent.”
Galit siya sa mga aktibista. Galit siya sa ipinaglalaban ng mga ito. Galit siya sa sinumang galit sa
pamahalaan, sa kapitalismo, sa panginoong may-lupa, sa pasismo. Galit siya sa pagkakapantay-
pantay ng mga tao.
Para sa kanya, ang pagiging guro niya ay pagiging hari. At ang utos niya ay hindi maaaring
mabali.
Kaya nga’t isang araw ay matiyaga kaming naghintay sa kanyang pagdating. May rally noon at
ayaw naming ma-singko. Lampas na ang dalawampung minutong palugit, maaari na kaming
umalis. Ngunit hindi pa rin kami umalis. Ayaw naming ma-singko.
Mag-iisang oras na nang may nagkalakas ng loob sa amin na magyayang kung tatakas kaming
lahat, wala nang magagawa ang gurong ito.
Ang sarap ng pakiramdamn ng pagtakas; sama-sama, parang hindi ako natakot sa singko. Naisip
kong hindi kayang i-singko ang buong klase. Walang magagawa ang guro.
Wala na ring tao sa gusali namin. Parang nagbakasyon ang lahat ng tao. Kami lang ang
naglalakad sa dating maingay na lobby ng gusali.
Sa labas ng gusali, wala pa ring tao. Wala ring sasakyan. Isang larawan iyon ng hating-gabing
walang tao; ngunit maliwanag dahil magtatanghali pa lamang.
Nagpasya kaming maglakad patungo sa bukana ng aming unibersidad. May ingay sa gawi roon
habang papalapit kami. May ilang tao rin kaming nakikita habang papalapit kami.
At paparami nang paparami ang aming nakikitang mga tao.Palakas nang palakas ang aming
naririnig.Larawan ng isang barikada.
Binarahan ng mga aktibista, isang human barricade, ang University Avenue.Nagpasya kaming
manood muna. Hindi rin naman kami makakalampas agad sa barikadang iyon. Pumuwesto kami
sa parang tulay sa ikalawang palapag ng Adminstration Building. Tanaw na tanaw namin ang
pagbabarikada.
‘Ayun, isang kotse ang nagtangkang makapasok.Binarahan ng mga aktibista.Nag-u-turn ang
kotse.‘Ayun, isa namang jeep, isang bus, isang kotse, jeep, bus, kotse.Isa-isa, nag-aatrasan,
nagb’weltahan; walang makapasok ng unibersidad.Nagpalakpakan kami.
‘Ayun, isang kotseng itim, lumang modelo, parang tangke.Tumigil.Bumaba ang nagmamaneho.
Kamukha ng aming gurong matanda na mahilig sa babaeng nakamini-skirt. Nagtawanan kaming
magkakaklase.
Ngunit ilang minuto lang ay nagbalik ang lumang kotseng itim na may nagmamanehong
kamukha ng guro naming may band-aid sa nguso.
Ngunit ngayon, ang nagmamaneho ay nakahelmet na. May dalang baril. Walang kaabog-bog,
itinutok ang mahabang baril sa mga nagbabarikada. Lumakas ang pagsigaw ng mga slogan.
Larawan iyong sunod-sunod. Parang slow motion sa pelikula: ang pagbuga ng usok mula sa
baril; ang parang kinoryograpong pagpulas ng mga aktibista; ang pagkatangi sa isang bumulagta,
parang close-up sa aking isipan; ang pagtakas ng bumaril sakay sa mobile ng mga pulis; ang
pagkaiwan sa lumang kotse; ang pagsugod ng ambulansya; ang pagsunog sa kotse; ang pagdagsa
ng mga aktibista sa Administration Building; ang pagbatok sa presidente ng aming unibersidad;
ang pagbubo ng pinturang pula sa Oblation, simbolo ng pagdanak ng dugo.
Sa kinalaunan ay napag-alaman naming ang guro nga namin ang namaril. Malinaw ang mga
larawang iyong hindi naitala ng camera.
Napakaraming larawan: ang mga kwitis na tumutugis sa nagsu-suveilance na helicopter; ang mga
kaklase at kaeskwelang ginawang dormitoryo na ang mga silid-aralan; ang gabing paglusob ng
mga pulis sa dormitoryo ng mga babae; ang mga teach-in; ang DZUP na pinanghawakan ng mga
aktibista at naging pinakasikat na estasyong pangradyo sa mga panahong iyon; ang mga pillbox
at molotov na ginagawa sa Chemistry Pavilion; ang mga pag-awit ng mga rebolusyonaryong
himig; marami pa, marami pa.
Ngunit hindi pa ako nakikisangkot noon. Isa lamang akong sabit sa estribo, isang kamanlalakbay,
wika nga.
Sabay-sabay ang paglusob ng mga pulis at militar sa harapan at likuran ng UP. Parang isang
album ang mga larawan sa aking isipan ng sunod-sunod na putok ng baril; ang mga
pangungulata; ang desperadong pag-itsa ng mga pillbox at molotov; ang pagkasukol ng mga
aktibista; ang pagkabuwag ng barikada.
NANG MAGSARA ANG ALBUM NG BARIKADA, nagbukas ang marami pa. Nasa library
ako noon sa first pavilion nang isang aktibista ang nagsabing sinuspinde na ang Writ of Habeas
Corpus. Hindi ko batid ang kabuuan ng implikasyon ng suspensyong ito ngunit sapat na ang
balita para lumabas ako ng library at tumungo sa nag-uumpukan nang estudyante sa lobby.
Nandoon ang halos buong eskwelahan, nagtatanong: paano na? Isang martsa patungong
Maryknoll ang naging sagot. Nakimartsa na rin ako.
Kalabisan na ito, wika ko sa sarili ko. Binomba na ang Plaza Miranda, tapos ngayon ay
sinuspinde pa ang Writ?
Sa unang pagkakataon ay nagtaas na rin ako ng aking kamao. Ngunit walang litrato nito.
At ‘ayun na akong kasali na sa iba pang martsa, bilang pagtutol sa karahasang ito ng estado.
Parang sawang malaki at mabalasik ang mga martsa; patungong Plaza Miranda, Embassy,
Mendiola.
Sunod-sunod na rin ang mga pangayayari. Naging organisado na ako; isa nang ganap na
aktibista.
Sana’y may mga larawan ng pagpapahaba ko ng buhok, ang sandalyas, ang army jacket na may
maraming bulsa upang paglamnan ng mga manifesto at pillbox.
Sana’y may larawan ang mabilisang pagpipinta o pagdidikit sa pader ng mga larawan at slogan
ng panahong iyon, ang pagsusunog ng mga effigy, ang dagsa ng laksa ng mga estudyante, ang
galit sa aming mga mukha. May nakita naman akong mga larawan, sa dyaryo, ngunit wala ako
kahit pa dinaluhan ko ang lahat ng ito.
‘Ayun ako, malinaw sa aking gunita, sa harap ng riot police; mukha sa mukha.‘Ayun ako,
umiilag sa hataw ng truncheon.‘Ayun ang pagtutok, pagpaputok ng mga baril ng pulis.‘Ayun ang
aming pagpulas.‘Ayun ang ganti ng pillbox.‘Ayun akong nasubsob.Ngunit walang litrato.
Walang litrato ang mga magdamagan at sunod-sunod na pulong, ang mga paglubog sa batayang
masa, ang mga pag-oorganisa, ang piket line at welga, ang puyatan sa paglikha ng mga manifesto
at iba pang propaganda, ang mga punahan, ang walang katapusang pagsusuri at pag-aaral.
Walang litrato, ngunit nangyari ang lahat ng ito.
Inorganisa namin ang mga silent march, na sa kinalaunan ay nailabas namin mula UP tungko sa
mga lansangan. Paingay nang paingay, parami nang parami. Walang tigil ang mga lihim na
pagpupulong, lihim na pagpaplano, lihim na pagkilos, lihim na pagtulong sa kapwa.
Lahat ay palihim sa mga panahong iyon dahil ganoong kabagsik ang Batas Militar.
Biglang-bigla ay ang mga larawan ng tortyur at salvaging. Mga kaibiga’t kasama ko silang
kinoryente sa bayag, pinahiga sa bloke ng yelo, nilagyan ng hose sa ilong, binugbog, plinantsa
ang talampakan, nilaslas ang suso, nilamog sa bugbog, ni-rape, pinaslang.
Ngunit lahat ‘yan ay walang litrato. Lihim din kung bumanat ang kaaway. Ngunit buhay na
larawan ang mga kaibigang nakaligtas.
Ang mga sugat at pasa ay naghihilom ngunit ang mga sugat sa alaala ay kailanman nananatiling
sariwa.
‘Ayun akong piniringan, pinosasan at isinakay sa isang lumang kotse, dinala sa safehouse. ‘Ayun
ang kanilang kamao sa dibdib ko; ang kanilang palad sa mukha ko; ang kanilang paa sa alulod
ko. ‘Ayun akong bumulagta kasama ng silyang kinaposasan ko. Dinig ko ang daing sa kabilang
k’warto, kasamahan ko ring pinapahirapan. Pati tenga ko’y naging camera ng lihim na eksenang
iyon. Nang pakawalan ako sa safehouse na iyon, nagtungo ako sa kampo militar upang gaya ng
sinabi nila ay kailangang mag-report. Walang record ang pagkakahuli ko, ‘yon ang giit ng
militar. Para sa kanila, hindi ako nahuli, hindi ako pinahirapan, hindi nila ako kilala.
Ay, kung may litrato lamang na magsisilbing ebidensya ng kahayupan nilang ginawa sa amin. Ni
hindi namin alam kung makakalabas pa kaming buhay sa safehouse na iyon.
Ay, kung maipoproseso lamang ang larawang nakaimprenta sa aming isipan, ipapaskil ko rin ang
lahat ng larawan kahit saan man para gumitaw ang katotohanan.
HINDI NASASAGKAAN ang paglilingkod sa bayan. Lalong tumindi ang aking pakikisangkot
makatapos ng tortyur na iyon.
Kakaiba ang ngiti ng isang kasama.Sa gitna ng pagod at pagtugis, ang ngiti niya’y singdalisay ng
umagang nagbubukang-liwayway, laging may tinatanaw na pag-asa ng pananagumpay.Kakaiba
ang ngiti ng organisadong masa. Sa gitna ng gutom at karalitaan, ang ngiti niya’y sing-init ng
rubdob ng paglaya. Kakaiba ang simpleng hapunang pinagsamahan, ang mga balita ng paglawak,
ang tagumpay sa larangan ng pagkilos.
Lahat ng mga ito ay nakalarawan pa sa aking isipan, at puso. Ngunit walang litrato.
Nasa kolehiyo ako noon nang kunan ko ang lahat ng mga larawang ito sa pamamagitan ng aking
alaala.
Ngunit ang panahon at gawain namin ang nagtakda na dapat ay wala kaming iiwang bakas sa
aming pinagdaanan. Pagkapahamak o kamatayan ang mag-iwan ng bakas; litrato pa kaya.
Kayat iba-iba ang aming mga pangalan.Iba-iba ang aming gayak.Iba-iba ang aming ruta.Iba-iba
ang aming personalidad.
Para kaming mga hangin, laging naririyan; hindi nakikita ngunit nadarama.
Ngunit higit na mayaman ang mga larawan sa isipan; at patuloy pa rin ako sa pagkuha ng mga
ganitong litrato.
Utang Ina
Ni: Elyrah Salanga-Torralba
Isang kahibangan nang maituturing ang mabuhay dito sa Pinas. Lahat ay may
halaga.Lahat ay may bayad. At maraming bawal.Bawal tumawid.Bawal magkasakit. Bawal
umihi sa pader. Bawal ang pork. Bawal ang beans. Bawal manigarilyo.Bawal dumura. Bawal
magpalaki ng anak dahil sa mga gastusin. Bawal ang magprotesta. Kulang na lang na ipagbawal
ang huminga, kumain, at matulog. Tunay nga namang hibang ka kung pipiliin mo pang tumagal
pa sa bansang ito.
Pero sa lahat ng ito, kahit maraming bawal, hindi pa rin ipinagbabawal ang mangutangat
magpautang. Hindi ka pa naisisilang, may utang ka na, pambayad-utang pa. Kahit krisis nasa
bansa’y business as usual pa rin pagdating sa usapin ng utangan.
Wais ang mga Pinoy kung pera ang pag-uusapan. Lalo na pagdating sa estilo ng
utangan. Kung may kurso nito, maraming mag-e-enroll at papasa. Mag-eksam tayo.Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
Kung isa man lang sa apat ang nasabi mo o ang lahat ay nagamit mo, magkapatid
tayo.Kapamilya.Kapuso. Anuman ang tawag, kapwa tayong magkadugo sa utangan. Tulad ko,
ikaw na nagbabasa, ay isang utangera/utangero.
Sentimo man o milyon, hinihiram pa rin natin. At dahil nasa panahon tayo ng krisis,hindi
lang pera ang maaaring utangin. Kapag inutang, may kinukuha na hindi atin nakailangang
kilalanin at ibalik. Wala itong pagkakaiba sa pagsasauli ng gamit na ‘di iyo. Kung ang rosas sa
ibang pangalan ay nananatiling rosas pa rin, ang utang sa anumang paraan ng pagbabansag o
tawag ay utang pa rin, daanin man ito sa lambing.
Pero kahit wala sa banal na aklat ang buhay natin bilang utangero/a, may mga
kilalaakong may M.A. at Ph.D. na sa pangungutang. May Angas kung umutang. Phwedeng
Delay ang pagbayad?ang laging tanong.
Kung ika’y uutang, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin? Piliin ang tamangsagot.
a. Magpanggap na Kristo
Sa mga hinihiraman mo, hindi good ang kanilang morning. Kuha kaagad ngkapitbahay
mo ang tatlong daliri.Tulad mo, nakapag-aral rin siya.Alam niyang hihiram ka ng tatlong
daan.Pagbibigyan ka ba?
b.Magkunwaring nahihiya
Kilala mo si Boy Bastos.Kabisado mo ang lahat ng mga green joke. Paborito moang
inmortal na kuwentong nagpapapahabaan ng ari sina Boy Bastos, isang Amerikano, at isang
Aleman. Mabilis mong nasasagap ang mga tsismis tungkol sa seks, kahit hindi mo kakilala, basta
bastos, naikukuwento mo. Pero pag usapin na sa pera, tikom ang bibig mo.
Hindi mo alam kung paano mo kakausapin ang kaibigan mo. Lagi mongkakuwentuhan sa
trabaho, sabay pa kayo kumain. Minsan, panay rin ang pagpapalitan ninyo ng mga mensahe sa
cellphone. At ngayong gipit ka,hindi mo na alam kung paano mo sasabihin na nangangailangan
ka.
k. Maghanap ng tagapamagitan
Ito ang mga panahong kinahihintakutan mo. Mayo na naman at alam mo na ang
ibigsabihin nito. Enrollment na ng mga bata sa kanilang pribadong eskuwelahan. Kahit anong
pagtitipid at paghahanda, kulang pa rin ang naipon mo. Ano ang gagawin mo? Nagsawa nasa’yo
ang nanay mo sa pagpapadala ng pera mula sa Amerika. Pero bigla na lang sumagi sa isip mo
ang kakilala mong may-ari ng sanglaan sa kanto. Kaya lang hindi kayo malapit sa isa’t isa. Mas
tsika ng matalik mong kaibigan ang may-ari ng sanglaan. Siya na ang makikipag-usap para sa
iyo. Tutal, kampante kang pagbibigyan ka ng may-ari dahil pareho kayong biyuda at lamang lang
siya ng isang anak.
Ngayon, iisipin mo na lang: kailan ang balik ng matalik mong kaibigan mula sabakasyon
niya sa Baguio?
d.Maging kuwentista
Nangyari na ang ayaw mong mangyari. Ayaw ka nang pautangin ng suki mongbumbay.
Galit na siya sa ’yo. Ilang beses ka nang nangakong magbabayad pero hindi mo pa rin magawa-
gawa. Hindi dahil sa wala kang pambayad kundi dahil inuna mo ang iba pan bayarin.
HINDI KA PA BA NAHIHIYA?
Bakit ganito ang turing ng Pinoy sa pera? Papel lang naman ito. Kung sino-sino
anghumahawak.Lahat ay nagmamay-ari.Marumi pero ‘di pinandidirihan ng tao. Ito na ang
kabalintunaan natin pagdating sa pera at utang. Pag seks na ang pinag-uusapan o kung anumang
tsismis, maaaring ibunyag. Maaaring maipagmalakai.Maaaring ikalat.Maaaring ipagsabi.Pero
‘pag utang na o pera, tikom ang bibig ng mga tao.Nakakahiya.Nagiging sikreto.Dapat
bumulong.Dapat magpaligoy-ligoy muna bago sabihin.
Nakakaeskandalo pag nalaman ng mga tao na mukhang pera ka. Okay lang kungmaarte
ka o malibog, huwag lang magmukhang pera o palahanap ng pera. Kakaiba ang tingin sa ’yo ng
mga tao. Parang may galis. Parang palaboy.Parang pakawala. Parang di ugali ng tao kung
kumilos. Kaya ang gagawin mo, kung maaari, itatago mo ito. Matututo kang maging
mapamaraan.
Halos hindi na makita ang buong tindahan dahil sa dami at haba ng mga listahan. Atpara
personal ang dating ng mga listahan, nakasulat sa malalaki at makukulay na letra ang pangalan
ng sinumang nangutang. Bago pa ang pagpipintura ni Mayor Lim sa Maynila para masugpo ang
pagkalat ng ilegal na droga, nauna na ang tinderang ito.
Sa pinagtuturuan ko, uso rin ang listahan ng mga pautang. Isa na ang pangalan ko
samadalas na maisulat sa mga listahan ng pautang. Hindi lang ako utangera, Ina rin ako. Ina
akong nangungutang para sa kapakanan ng iba. Kung sa ibang tao, nakakahiya ang umutang, sa
opisina namin, uso ang umutang dahil sa mababang sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Noong pumasok ako sa opisina namin, ideyalistiko pa ako’t buo ko pang naiuuwi
angaking suweldo. Ibig sabihin: walang ito kaltas. Takot akong mangutang dahil sa mga
kahindikhindik at nakapangingilabot na mga kuwento’t sabi-sabi tungkol sa utang.
Ayon sa ilan, kapag nag-umpisa ka nang umutang, para kang nasiraaan ng brake
sasasakyan. Hindi ka makakapreno kahit gustuhin mo. Nakakaadik kung minsan dahil alam mo,
kahit alam mong ubos na ang inutang mo, maaari kang umulit. Ayon nga kay Vilma Santos, not
just once, but twice. Kung minsan pa nga, di mo na mabibilang ang pag-uulit mo.
Pero kahit imbisibol ang listahan ng nabayaran, hindi pa rin nawawala ang
listahan.Hangga’t wala kang pambayad, puwersadong mangungutang o magpapalista. Dahil
aminin man natin o hindi, kahit masaklap, ganito ang naging kalakaran ng ating buhay. Apektado
ang lahat.Walang sinasanto. Kahit sa amin. Kahit may doktorado. Bata man o matanda.Payat
man o mataba. Single man o Committed to. Private o Public.
Noong nadukutan ako ng selpon sa loob ng dyip, akala ko ay mabubuhay pa rin akokahit
hindi ko nate-text ang mga kakilala. Pero noong pinagalitan ako kung bakit hindi ako nakapunta
sa pulong, balewala ang dahilang nawalan ako ng telepono. Sa katunayan pa nga, nag-text sila at
sumagot daw ako na pupunta ako. Langhiya, ginamit pa ng magnanakaw ang load ko!
Sanay na sa ganitong estilo ang aming tagalista. Tila siya ang aming San Pedro saopisina.
Bihasa na siya pagdating sa mga listahan.Tuwing may mga pulong, halimbawa, siya ang
naglilista kung ano ang kakainin ng mga tao. Siya rin sa atendans. Siya rin sa liquidation. At siya
rin sa load.
Pag malapit na ang suweldo, parang siyang nanay na nagpapaalala sa kanyang mgaanak.
Madalas pa nga, nagbibigay na ng presyo o kung alam niyang mahiyain ang tao’y ipapakita ang
listahan. May tamang etiquette siya sa paninigil. Hindi tulad ng mga nasa palabas na nagpapakita
ng mga maniningil na may pangil. Always smiling ang aming San Pedro saopisina. Kaya kung
minsan, iisipin mo na baka talagang may kurso nga sa pangungutang at siya ang batch
valedictorian.
Organisado ang listahan. May petsa, may halaga. Hindi mo malaman kung matutuwaka o
maiinis. Hindi mo mawari kung dapat siyang purihin dahil sa pag-iingat ng iyong inutang o
maiinis dahil ipinapaalala sa ’yo na kailangan mo na ngang bayaran dahil malaki na ang halaga.
Ito rin minsan ang nagiging nitsa sa mga tsismis at samaan ng loob.
Madalas nang marinig ang mga linyang “kay bilis ng pera” (Eh di, habulin) at
“parangtubig ang pera” (kailangang inumin). Pero mas masayang gawing pulutan ng usapan ang
mga nangungutang. Ewan ko kung bakit. Hindi lang naman ang opisina namin ang ganito.
Nangyayari rin ito sa maraming ahensiya’t opisina. Siguro ay dahil bawal pag-usapan ang
pera.Masyadong personal. Ugali pa naman nating mga Pinoy na panggigilang kung minsan ang
kung ano ang bawal. At dahil personal, pag-uusapan talaga.
BAKIT AKO MAHIHIYA?
Para sa akin, positibo ang ganitong pagtingin. Senyales ito ng pag-aalala namin saaming
kapwa guro. Nakakagutom naman talaga pag sunod-sunod ang turo. Walang break. Ako nga
mismo, pag gutom, nanghihina at nagsusungit kung minsan. Kaya mapalad ako kapag may
pagkain sa opisina. May laging nagdadala ng mga kakanin mula sa Angono. May isaw, itlog ng
pugo at fishball. Kung may umalis ng bansa, madalas may pasalubong sa opisina ng mga
tsokolate o biskwit. Walang pinipili o diskriminasyon sa sinumang nagugutom. Walang hiya-
hiya.Walang kaartehan.Lahat ay maaaring makisalo.Lahat maaaring humingi. Pantaypantay na
parang noong sinaunang kultura ng ating mga ninuno.
Pero pag ang pagkain ay kailangan bayaran, nagkakahiyaan na. Takot maglabas
ngpera.Umiiwas dumukot. Kung maaari, uutangin na lamang ang mga ito. Mas masarap kasi ang
kumain o pumili ng kakainin nang hindi mo iniisip kung paano ito babayaran. Kaya nga ako
lalong tumataba sa opisina.
Ang mga matamis tulad ng mga prutas o ang mga muling inirepakeng mga mallows,oreo
at pretzel ang madalas utangin. Paborito kasi ng marami sa opisina. Pasalubong sa mga anak.
Pampagana sa iba.
Nang lumaon, umasenso na kami. Hindi lang load o pagkain ang maaaring
utangin.Maaari nang utangin ang mga beauty products, pabango, unan, damit, bag at maging
angipapabiling pasalubong. Noong huling seminar nga, nagpabili ako ng ube jam sa Baguio.
Utangmuna para sa pamilya ko.
Utang naman kaya hindi na dapat problemahin. Pero may mga pagkakataon naman
nakailangan mong problemahin ang mga nangungutang.
Sa Pinas lang maaaring mangyari ito: kahit hindi dapat, ang nangungutang pa angsiyang
mayabang. Nakakainis pero nangyayari.
Isa sa mga naging bisita namin sa opisina si X. Big-time kung mangutang. Walanghindi
bababa sa isang libo. Dadaanin sa ngiti, konting sundot ng biro at magugulat ka na lamang,
mangungutang na pala. Idadahilan ang anak. Para sa graduation. Para sa uniporme. Para sa
project sa eskuwelahan. Bato ka na lang kung hindi ka maaawa. Kaya lang, nang minsang
humiram, naging bali-balita noon na hindi nagtatali ang kanyang mga kuwento. Pag siningil mo,
biglang magkakaroon ng selective amnesia.Sa isang iglap, nagiging bingi, nagiging bulag. Kahit
anong tawag mo sa telepono, hindi sasagutin. Kung masalubong, hindi ka nakikita. Dahil sa
utang, napuputol na rin ang mga daliri. Hindi makapag-text back sa mga tanong o paniningil mo.
Sa huli, pati ikaw, mahahawa na rin sa selective amnesia niya. Pipilitin mo ang sarili na
kalimutan na may inutang sa ’yo. Para wala ng away. Masikip lang ang mundo.
Magkakabungguan kung di mag-iingat.
Minsan, kung iisipin mo nang maigi, magtataka ka kung bakit takot ang mga tao sautang.
Maaari naman itong taguan o takasan. Marami-rami na rin ang gumagawa nito. Lalo napag upa
na ang pinag-uusapan. Hindi mo matatakasan ang bahay, pero maaari mong takas an ang may-ari
ng bahay.
May kakilala ako na tatlong buwan na niyang hindi nababayaran ang bahay. Napatid
naniya ang pisi ng may-ari. Isang araw, habang nagbabawas sabanyo, narinig niyang kumakatok
at sumisigaw ang may-ari. Nagmamadali siyang patayin ang gripo, pinatay ang ilaw at
nagkunwaring wala siya sa loob ng bahay. Halos mabingi siyasa lakas ng mga katok at sigaw ng
may-ari. Naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi at kahit nangangamoy,sinikap
niyang tiisin. Magmula noon, kahit alas diyes pa angklase, naging gawain na niya anggumising
ng alas kuwatro para maiwasang makita siya ng may-ari na umalis ng bahay.
Pero mayroon talagang tatakas sa pagbayad. Minsan, kapag nananadya ang tadhana,
sakakaiwas mo sa inutangan mo, magugulat ka na lang sa inyong pagsalubong. Galing sa mental
ang isa ko pang kapitbahay. Nang gumaling at pinalabas, ipinagdiwang niya ang kanyang
kalayaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa mga catalogoue tulad ng Avon.
Iba naman ang estilo ng kapitabahay naming si Ginang R., may-ari ng tindahangmalapit
sa amin. Bago pa man kami nakalipat sa Bliss noon, mahaba na ang kasaysayan ni Ginang R. at
ang kanyang suking bumbay. Madaling malaman kung may pera o wala si Ginang R. Kung
maraming laman ang tindahan, nakahiram siya kay bumbay. Kapag oras nang singilan at hindi pa
handa ang ipapambayad, magdadahilan siya na inatake siya ng kanyang high blood at ipinambili
niya ng gamot. Minsan, natututo na ring magsuspetsa ang bumbay. Nagsimula itong manmanan
si Ginang R. Nagbabayad pa ito ng mga espiya. Desperado siyang singilin si Ginang R. Sa mga
ganitong pagkakataon, hindi siya lalabas ng bahay at ipapaharap ang kanyang mga anak na
lalaki. Lahat ay may edad na at malalaki ang kaha ng katawan.
Nang lumaon, sinuwerte rin siguro siya sa kanyang pangungutang. Nakapunta siya saU.S.
at iniwan ang kanyang mga utang sa Pinas. Nang singilin ulit siya ng bumbay, tinarayan niya ito
at ipinagmamalaking hindi siya magbabayad ng inutang niyang limampung libong piso sa
dahilang ilang taon na rin siyang ginagatasan ng bumbay.
Kung tutuusin, ang lahat ng tao’y dumadaan dito. Kahit siguro sila na magreretiro
na’ydumaan sa ganitong kalakaran noong panahon nila. Upang maiwasang mabansagan kang
masama o walang utang na loob, kailangan mong makisama, makatutulong man ito sa pagunlad
mo o hindi. Bilang ina, titiisin mo ang lahat para masiguro ang trabaho mo. Ano na ang
mangyayari sa pamilya ko kung mawawalan ako ng trabaho?
Pero bakit ganoon? Pag utang na loob sa trabaho, kay daling hanapan ng butas at
mgatapyas. Pero pag utang na loob na sa sarili mong kadugo, kahit nakikita na’t nadarama’y
tatakpan mo ang butas at tatanggalan ng tapyas. Mas mabigat ang responsibilidad
sa“pagbabayad” ng utang na loob bilang anak sa magulang kesa maging “anak-anakan” sa
opisina.
Kahit mismo ang mga Presidente ng bansa’y malalim at makasaysayan ang kanilang mga
pinagkakautangan ng loob. Isa na rito ang dating Pangulong Corazon Aquino. Nang mabigyan
ng pagkakataong mabigyan ang bansa ng amnestiya sa ating mga utang sa IMF-WB, tinanggihan
ito ng Presidente. Dahil sa utang na loob sa mga dayuhan at sa ating palabra de honor,
ipinagmamalaki ng Pangulo na kaya nating bayarin ang ating mga utang. Huwag nanatin
kalimutan pa ang diumano’y utang na loob ng Pilipnas sa U.S.
Hanggang ngayo’y kahit hindi pa naisisilang, binabayaran natin ang utang. Kamatayanna
lang ang maaaring magpawalang bisa nito. Noong namatayan nga kami sa opisina’y nagkaroon
ng biruan na dala-dala hanggang kamatayan ang inutang. Ito na lang ang magiging sistema sa
Pinas, hangga’t may hininga, mananatili ang utang. Kaya maswerte si Huli. Mabuti na lang at
pinatay siya ni Rizal para hindi tumagal ang kanyang paghihirap.
Dapat nga siguro ay may kurso tungkol sa pangungutang. Kailangan nating mga Pinoyng
survival skills sa usapin ng pera. Umaabot na kasi sa puntong nakakasama sa kalusugan ng tao
ang utang at pera. Madalas mabalitaan sa telebisyon ang mga nagtatangkang magpakamatay sa
pamamagitan ng pagtalon mula sa matataas na overpass at billboard, para lang iwasan ang utang.
Kung minsan pa nga, may mga taong nababaliw dahil sa dami ng kanilang utang, sa laki ng
kailangang bayaran. Ang iba nama’y pumapayat nang husto, ginagawang diet pills ang mga
nakaambang na bayarin. Samantalang ang iba’y nagkakaroon nang insomnia sa kakaisip kung
paano mangungutang o kung papaano iiwasan ang inuutangan. Dagdag pa natin ang paranoia at
phobia sa listahan.
Ito ang parikala ng pangungutang: nangungutang tayo para mabuhay nang matiwasay.
Nangungutang tayo para tumagal ang ating buhay. Nangungutang tayo para hindi tayo masiraan
ng bait. Nangungutang tayo dahil pinagkakautangan natin ng loob ang mga taong bumubuhay sa
atin.
O, ang Utang. Kay sarap sigurong mabuhay kung wala kang ganitong problema.
Biruinmo, maaari ka nang matulog nang mahimbing. Hindi mo na kailangan pang intindihin ang
credit card, ang recruitment agency, ang naisanlang alahas, ang mga produkto ng Avon at iba pa.
Pagkatapos ng walong taon pag-aaral at pagtratrabaho sa Ateneo, kung saan inakala kong
makakukuha ako ng conyo accent mula sa aking mga mestisong kaeskuwela subalit puntong
bisaya at bikol ang aking napala, nagpasya akong magbitiw mula sa pagtuturo para bigyang daan
ang isang bagaong kabanata ng aking buhay: ang pagpapamilya. Hindi akma ang siyudad para sa
katulad namin, sabi ng kabiyak kong manunulat. Lumulobo na noon ang ulo niya sa sikip ng
trapik at usok ng tambutso papasok sa kanyang opisina sa Ortigas, at kating-kati na siyang tirisin
ang mga batang kay lulutong magtungayaw sa kapit-kuwarto ng kanyang inuupahan. Kahit na
Masaya ako sa pagtuturo sa magaganda’t mababangong kolehiyala, inempake ko ang aking mga
aklat, CD, damit, sapatos at lahat ng laman ng aking kondominyum para umuwi sa Bulakan.
Hinakot ng isang trak ang kahun-kahong kagamitan at aaala ng halos isang dekadang
pamumuhay sa Maynila.
Ang mga magulang ko ang pinakamasaya sa desisyon naming mag-asawa. Matagal na nila akong
hinihimok na umuwi para tumulong sa aming kabuhayan kaysa mangamuhan sa ibang tao, isang
bagay na makailang ulit kong tinanggihan. Maraming palaisdaang pinatatakbo si Tatay habang
itinataguyod namin ni Nanay ang konsignasyon at yeluhan. Kahit alam kong mas maganda ang
kita sa aming negosyo, iniwasan kong parang salot ang posibilidad na ako ang uupo sa mesa ng
konsignasyon mula hatinggabi hanggang umaga. Marangal na hanapbuhay iyon pero hindi ko
pinangarao mamunduhan. Hindi ako nag-Ateneo para lang magtrabaho sa talipapa. Pero nasunod
ang batas Murphy. Naganap kung ano ang pinakaiiwasan kong mangyari. Kinain ko ang aking
salita. Panahon na para suklian ko ang lahat ng ibinigay aa akin ng mga magulang ko sa paraang
ikalulugod nila. Masukal man sa loob, pinili kong maging praktikal sa unang pagkakataon.
Pagkatapos ng ilang linggong pamamahinga, nagsimula akong mag-opisina sa aming
konsignasyon sa punduhan ng Panasahan.
Sa aking bagong trababo, COO ako sa Central Business District. Iyon nga lamang, ang COO ay
nangangahulugang "child of owner" at ang CBD ay sa nibel ng baranggay. Ang Panasahan Fish
Port ang sentro ng kalakalang pandagat sa Lungsod ng Malolos. Ito ang dahilan kung bakit isa
ang Panasahan sa pinakamaunlad na baranggay sa usapin ng kita at kabuhayan. Araw-araw,
dinadaungan ito ng hindi bababa sa limampung bangkang pangisda ng ng mga manunudsud
(iyong
restawran ng Rockwell at Manila Hotel. Pagkatapos maipamudmud ang kalakal sa mga tindera
babayaran ng konsignasyon ang may dala ng isda. Sa termino na lamang ang pagiging
"tagapamagitan" o middle man ng konsignasyong kumikita sa pamomorsiyento dahil masingil
man o hindi ang mga tinderang nagsihango, kailangang mabayaran ang may-ari ng isda.
Pagpatak ng alas dose, nabuhay ang buong paligid. Simula na ng bilihan ng isda. Iniakyat ng
mga tauhan ang mga isdang laman ng bangka at ibinuhos sa sahig ng talipapa. Kumulumpon ang
mga tindera sa paligid ng tumpok ng isda. May agad nagpakilo ng limang banyera sa tauhan,
may dumampot muna ng tilapya para salatin kung mataba, mayroon namang parang bubuyog na
bumubulong sa tindig na inis na sa walang habas na pambabarat. Nakangingilo ang ingay ng
pagkaskas sa sahig ng banyera ng bangus na hinihila ng talipapa boy papunta sa sasakyan ng
tindera. Sa isang sulok, pinauulanan ng mura ng isang namamaklad ang isang lalaking nahuling
nagsisilid ng isdang sinipa papuntang gilid, habang namimili ng huhulugang bra sa katalog ng
Avon ang sekretarya sa loob ng opisina.
Inilagay ako ng aking ina sa kaha. Katatanggal lang niya sa dating tagapangingil na nahuling
nangungupit sa mesa. Kailangan niya ng isang taong mapagkakatiwalaan na hahawak sa singil at
titingin sa takbo ng konsignasyon kapag hindi siya makatutugpa ng madaling araw. Bukas rin
kasi ang konsignasyon sa umaga, mula alas siyete hanggang gabi, kaya hindi halos
nakapagpapahinga ang aking ina. Nang nagsimula akong tumugpa, nagkaroon siya ng
pagkakataong umidlip ng dalawa o tatlong oras.
Bagung-bago ang lahat sa aking pandama: ang lamig ng hangin sa hatinggabi't madaling araw,
ang sangsang ng putik at lansa ng isda, ang malalakas na boses ng mga taong akala mo nasa
kabilang pulo ang kausap kahit kaharap lang naman ang tumpok ng itim at pilak na mga kaliskis
na nagpupusagan kapag binuhusan ng tubig, ang mga talipapa boys na batak na batak ang hubad
na katawan sa paghila ng banye-banyerang isda, at ang walang kaselang-selang mga tindera na
nakakatuwa-nakakainis depende sa oras at araw. Dahil wala akong naging trabaho bukod sa
magturo at magsulat, nailang ako sa paghawak ng pera sa kaha, pati sa pagsusuma ng maraming
halaga kahit pa may calculator. Napakaigsi pa naman ng pasensya ng mga tindera sa paghihintay
ng sukli. Isa ito sa mga natuklasan ko sa pagtugpa: napakahusay sa matematika ng mga taga-
palengke. Kahit gaano kalaki ang numero, kaya nilang sumahin sa isip lang. Para sa isang
katulad kong nagtapos kuno pero laging nakaasa sa makina sa usapin ng komputasyon,
nakabibilib ito at nakamamangha.
Sa unang sipat, madali lang naman ang aking trabaho. Kailangan ko lang tumanggap ng bayad
ng mga tindera at isulat ang mga ito sa record book. Binibigyan ko rin ng autograph ang tindera
sa kanyang maliit na kuwaderno bilang patunay ng halaga at petsa ng kanyang pagbabayad.
Pagkatapos, mamarkahan ko ang listahang inihahanda ng aming auditor kung saan nakalagay
ang bilang, klase, at halaga ng isdang hinango. Dito malalaman kung tugma ang lista ng
tinderang humahango at ng tindig ng konsignasyon. Makikita rin kung gaano kahaba na ang lista,
na nangangahulugang naiipon ang pautang ng konsignasyon. Madalas at sa hindi, kapag nalaon
na, nauuwi sa kalimutan ang mga ganoong pautang. Kapag baon na sa utang, maglalahong
parang bula ang ilang tindera, at susulpot sa punduhan sa ibang lugar para doon naman humango
ng kalakal.
Hindi uso ang data sheet sa punduhan na may pangalan at tirahan ng mga taong pinauutang. Dito
lang sa buong mundo marahil nakapangungutang nang di nagbibigay ng tunay na pangalan at
tirahan. Nakabatay ang lahat ng transaksyon sa tiwala. Palayaw lamang ang ginagamit sa lista, na
karaniwang ibinabansag ng tindig na nagbenta ng kalakal. May Mariang Sulok, Mariang Bukid,
Mariang Dokleng, Maria Daldal at Mariang Hagonoy. Madalas ni hindi alam ng tindera na
nabinyagan na sila ng pangalan na dadalhin nila sa buong panahong humahango sila sa
konsignasyon. May mga lista ring Martang Burara, Piring Panghi, Lasing, Pogi, Apoy at
Lastikman. Dahil sa impormal na pagpapangalang ito, napakahirap maghagilap tuloy kapag
biglang nagtago ang isang may utang. Napakahirap ipagtanong sa isang lugar kung may kilala
silang "lasing" o "pogi." Nagsisingil nang tuloy ang isang may utang na hindi na bumabalik sa
punduhan kapag natiyempuhan sa pinagtitindahang palengke.
Pinakamahirap para sa akin ang magresibo at magpakubra. Iniaabot sa akin ng may-ari ng isda
ang minotang ginawa ng tindig. Mula rito, gagawa ako ng resibo: 40x250 aligasin, 12x35
silinyasi, 45x180 lukaok, 29x60 bunggaong. Ang unang numero ay ang bilang ng kilo o kaya'y
lalagyan at ang ikalawa'y ang halaga. Susumahin ko ito, pagkatapos ay aawasin ko ang limang
porsyentong hunos ng konsignasyon, ang beinte pesos kada banyera para sa tulong-hakot ng mga
tauhan, ang sampung piso para sa tiket ng munisipyo at sampung piso muli para sa baranggay,
laawas rin ang mga gastos sa paghuli at pagdadala: 1500 para sa gasolina ng bangka, 200 para sa
pangkain sa kubo, 60 para sa load sa telepono. Kailangang nakadetalye ang lahat ng ito sa resibo,
saka ko ipakubra ng ipakukubra ang natirang halaga sa may-ari ng isda. Kapag hindi nagtugma
ang nailista ng tindig na nakuha ng mga tindera at ang pinakubra kong halaga, o kapag may mali
sa komputasyon (halimbawa'y naging 20 kilo ang 2.0 kilo minota), hindi lang kaltas sa suweldo
ang aabutin ko kundi katakut-takot na sermon ng ina kong paborito nang dayalog na pinag-aral
naman ako't pinahihigop ng sabaw pero napakalabnaw pagdating sa pagsusuma at pagpepera.
Gawain ko ring magpadala ng mga love letters sa mga humahango. Kapag umaabot na sa
ikatlong hango ang lista ng isang tindera, gumagawa ako ng lista sa isang minota na pinaaabot ko
sa tagapaningil bilang paalala na kailangan niyang magbayad. Nakapaghahatol rin akong huwag
bigyan ng kalakal ang isang taong mahaba na ang lista o malaking halaga ang huling nahango at
wala pang napapasok ni pauna. Dahil rito, ako ang kinukulit ng mga may utang na gusto pang
humirit ng isa pang hango. Noong una, madaling-madali akong pakiusapan kaya naiinis sa akin
ang aking ina. Nang malaunan, natuto na rin akong maging matigas dahil sa dami ng
pagkakataong hindi na nakabayad ang may mahahabang lista hanggang maging desaperacidos o
kaya'y magkaroon ng amnesiya.
Sa punduhan kami namulat sa pagnenegosyo ng aking asawa kaya rito namin piniling buksan
ang aming unang pakikipagsapalaran. Nang mabakante ang katabi ng aming konsignasyon,
inawitan namin ang may-ari na ibenta sa amin ang karapatan sa puwesto. Nagtayo kami ng isang
munting tindahan gamit ang natira sa aming ipon at ang kaunting pakimkim noong kasal namin.
Pero maliit man, hindi karaniwan ang tindahan namin. Kami lang ang may panindang panay
imported sa talipapa, kaya't nabansagan itong Talipapa PX Shop. May mamahaling shampoo,
sabon, lotion at pabango para sa katawan, pati mga delatang corned beef galing Brazil,
tsokolateng Hershey's, Cadbury at Toblerone, at sitseryang Pringles at Ruffles. Tama ang aming
naging tantiya sa mga mamimili sa punduhan. Iisiping ang babaho ng mga tinderang amoy-isda,
pero huwag ka, malalalim ang bulsa nila. Hindi sila nagaatubiling maglabas ng perang may
nakadikit na kaliskis para sa mga bagay na wala sa tindahang sari-sari.
Natuklasan ko ang malakas na purchasing power ng mga tindera noong nauso ang mga alahas na
gawa sa Swarovski crystals. Sinubukan kong magtuhog tuhog ng ilang beads at iniwan ko kay
Nanay. Kinabukasan lang, ubos na ang isang dosenang pulseras na isang libo dalawang daan ang
pinakamababang halaga, at may mga pasadya pang order ng gusto nilang disenyo at kulay! Noon
ko nalaman na hindi lang halata na bihis at porma pero may pambili ang mga tindera. Hindi tulad
ng nakaposturang window shoppers sa mga malls sa Maynila na mapoporma pero butas ang
bulsa, hindi nawawalan ng laman ang bulsa ng makukulay na tapadera ng mga bakulera.
Hindi namin pinalampas pati pagtitinda ng kape, tinapay, mami at samalamig. Sa unang
dalawang buwan, ang asawa ko ang siyang tumatao sa aming tindahan. Wala ni isang tao sa
punduhan ang may alam na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas ang minamadali nilang
magtimpla ng kape o magsalok ng samalamig. Minsan, napaisip kami kung ano kaya ang
sasabihin ng mga kaibigan at kakilala namin kung makita nila kami sa punduhan na naniningil
ako ng mga tindera at nagpiprito ng maling para sa tinapay ang aking asawa. Mababawasan kaya
ang respeto nila sa amin? Iisipin kaya nilang sumadsad na kami kaya pati ganoong trabaho ay
pinatulan na namin? May mga ganoong sandaling nagkakaroon kami ng pagdududa kung tama
ba ang naging pasya naming iwan ang trabaho namin sa lungsod para magpakahirap sa talipapa.
Pero kapag iniisip namin ang anak na ipinagbubuntis ko noong panahong iyon, napapalis ang
aming mga agam-agam. Alam naming may pinaglalaanan kami ng aming pagsisikap.
Isang kaibigang manunulat ang nagsabi sa akin ng magandang pagkakataon ang pagbabago ko
ng kapaligiran dahil maaari itong maging bukal ng mga ideya. Hindi raw lahat ng manunulat ay
may ganitong karanasan. Iyon nga lang, hindi isang exposure trip ang buhay-talipapa para sa
akin, kundi ang mismong inihihinga at iginagalaw ko.
Halos pinatay ng trabaho ko ang aking pagsusulat. May oras ang pagdalaw ng aking Musa,
laging pasado ala-una mg madaling araw dumarating ang enerhiya para kumatha. Dahil nasa
trabaho ako at hindi ako nagsusulat nang may maingay o may ibang tao, tigang ang panulat ko sa
panahon ng aking pagtugpa.
Para lang makapagsulat, gumawa ako ng tula tungkol sa mga interesanteng taong
nakakasalimuha ko sa talipapa. Tatlong beses isang linggo, pinupuno ko ang isang pahina ng
aking kuwaderno ng mga impresyon ko sa iba't ibang tao. Kung mayroong titik ang punduhan
bukod sa mga lamang-dagat, ito ay mga karakter. Nariyan si Ka Charing, isang maliit ay mabilog
na babaeng sabukot ang buhok at nakapulang lipstick na lampas sa pagkakaguhit. Wala siyang
kareber-reber sa pagkukuwento ng buhay nilang mag-asawa mula lambingan hanggang
umbungan habang inuunat isa-isa ang laman ng kanyang tapadera. Pagkalabas nia ng opisina,
susungaw naman sa bintana si Mareng Tina, ang nagkakaha sa katabing konsignasyon. Mula sa
tsismis sa simbahan hanggang sa isyu sa barangay, walang maiilihim sa aking tagapagsalita.
Espesyalisasyon niya ang mga magkalaguyo sa punduhan, tulad ng isang enkargado at isang
tinding na nahuli ng asawa sa isang atakeng gerilya sa motel, at ng isang talipapa boy at isang
babae na mangangapa na nahuling nagkakapaan ng “maselang tilapia” sa likod ng mga cooler sa
gilid ng yeluhan. Kung kuwentong beerhouse naman ang gusto, nariyan si Pido na
magpapatunay na sa halagang dalawang daang piso, guguwapo kahit ang mukhang tuko s mat
ang babaeng pangromansa sa kambingan. Sa halip na malinis sa nambubuska sa kanyang anghit,
ipinagmamalaki niyang iyin ang aromang kalahi gayuma niya sa mga kalahi ni Eba, bagay na
ikasusura ni Nana Cely na isang sitenta anyos na mestisang tinder na may kasintahang bente tres
anyos lang na binata. Sa lahat, pinakaoaborito ko si Kimo, isang matangkad na lalaking mala-
Jimmy Hendrix ang buhok na laging may yakap na manyika. Nambabae raw ito kaya iniwan ng
kanyang asawa at anak. Nawala siya sa katinuan dahil sa lungkot. Tangan ang bote ng Pepsi na
rhum ang laman, maririnig siyang kinakausap at kinakantahan ang anak niyang si Jen-Jen, ang
kanyang manyika. Klasiko naman si Nana Barang ang oulubing sosyal dahil laging may pulbos
ang likod, na naglalakad ng walong barangay makarating lang sa Panasahanara mamalimos. Sa
sipag niyang dumilinsya, napagtapos niya ang dalawang anak ng kolehiyo, pero wala a ring
balak ipahinga ang mga matang pinagigilid ang luha sa pagpapaawa.
Hindi mawawala sa bawat talipapa ang mga eksenang eskandalosa, tulad ng pagbabag ng
nagkakainisag tinder. Mahihiya si Dolphy sa eksena ng dalawang nag-aaway na bakulerang
nang magkainisan ay dumampot ng matabang tilapyang Tagalog ang isa at ibinusal sa bibig ng
ginigiyera. Pang- Regal naman ang production number ng mga nagsidayong GRO na naka-
tangga pa nang magsayaw sa gitna ng punduhan sabay pamigay ng discount coupons sa mga
tindero’t kargador para dumayo sa kanilang naghihingalong beer garden. Patok sa takilya ang
suguran ng asawa at kabit na pinapalakpakan ng mga tao para lalong ganahan sa pagsasabunutan
at pagpapagulong-gulong sa sahig habang may sumisigaw ng “May shooting!” May action din
bagay may nahuhuling magnanakaw ng pera at isda dahil tuloung-tulong ang mga talipapa boys
sa pagbugbog para bigyang-aral ang kawatan. At tuwing may namamatay na taga-punduhan,
gusto kong sumulat kay Tita Charo ng Maalaala Mo Kaya dahil animo isang kapamilya ang
pumanaw dahil sa lungkot ng mga tao, lalo pa’t maytagal nang tagaroon ang namalam.
Hindi lang ako ang tapos sa pag-aaral sa talipapa. Mayroong mga guro, inhenyero, nars,
arkitekto, medical technician, computer programmer at doctor sa malansang lugar na ito.katulad
ko, mga anak sila ng tinderang nangarap na huwag matalamsikan ang paa at binti ng malapot
naburak ng madulas na sahig.nagsumikap din sila sa kanilang karera para maiahon ang kanilan
magulang sa pagtitinda, para lang matuklasang higit pala iyong kapaki-pakinabang kaysa sa
piniling larangan. Kung sinasabi ng mga may junk shop na may pera sa basura, sasabihin kong
may pera sa lansa. Sa pananatili ko sa punduhan, wala akong nakilalang tindera na sumala sa
pagkain. Maging ang mahihinang magtinda, hindi inaabot ng gutom ang pamilya. Patunay din
ang daang anak na napagtapos ng kanilang mga magulang na taga-punduhan na pinagtatakpan
ito ng mga ilong ng mga pustoryosong nagsisidaan. Isa itong masiglang kabuhayan.
Hindi ko sinasabing para sa lahat ang pundhan. Marami ring mapagsamantalang tao sa larangang
ito. Nariyan ang mga maniningil na tumatanggap ng pera mula sa mga tinder pero hindi
ipinapasok sa mesa. Nariyan ang mga tahan ng Bangka na nagpupuslit ng isda at nagpapatakas
ng kalakal. Nariyan na ang mga namamalaisdaang mangungutang ng malaking halaga sa
konsignasyon pagkatapos ay sa ibang mesa ipupundo ang hinuling isda. Nariyan ang mga
tinderang hahango nang at magbibigay ng mga tsekenf post dated na kapag ipinasok sa bangko
ay panaytalbog. Nariyan pa ang walang pusong illegal recruiter na nakabola ng halos isang
buong barangay ng mga magbabaklad at maliit na mangingisda sa pangakong madadala ang mga
ito sa Amerika. Narityan ang mga pulis at militar na pag may natiphang tumpok ng isda ay
oblogado kang ibigay ang itinuro, at ang kalaban nilang NPA na hindi rin maaring tanggihan
kung hindi ka pa sawang mabuhay. Nariyanrin ang mga konsignasyon kahit walang dapat
pagtalunan. Siyempre, hindi mawawala ang mga tiktik na nagbibigsy ng tip sa mga holdaper na
abangan ang mga sasakyan ng tinderang may dalang pang-inttrega, pati ang oras ng alis ng
konsignitaryong may bitbit ng koleksyon sa magdamag. Ang mga taong ito ay tunay na
nakaksulasok sa punduhan. Hindi natatanggal ng paligo at pabango ang lansa at baho ng
kanilang pagkatao.
Napakinabangan ko rin naman ang aking edukasyon sa punduhan. Hindi ko man tahasang
nagamit ang mga degree mula sa pamantasan, nakatulong ang mga natutunan ko sa paaralan para
magsulong ng ilang mahahalagang pagbabago sa sistema ng pamamalakad ng aming negosyo.
Una na rito ang pagbibigay ng benepisyo sa aming mga tauhan. Bukod tanging ang
konsignasyon namin ang nagbabayad ng buong kontribusyon sa SSS at Philhealth para sa aming
mga regular na empleyado. Tuwing bayaran ng matrikula, naglalaan na kamu ng sampu
hanggang labinglimang libong pisong tulong pinansyal para sa bawat tauhan kaya napagpapaaral
ng mga ito ang kanilang mga anak sa magaganda at pribadong paaralan. Ilang taon mula ngayon,
balak naming ilunsad ang isang kooperatiba para sa mga tauhan ng konsignasyon upang
magkaroon ng mekanismong higit na magpapaluwag at magpapabuti sa kanilang buhay. Sumali
rin kami sa credit ng baranggay para sakaling may man fails gangs tauhan, may mahihiram na
halaga sa panahon ng kakapusan. Nakakalugod makitang makapagpupundar ang mga tauhan
namin: traysikel na pamasada, side car na kumikita ng boundary, maliit na bangkang panudsud,
segunda manong dyip na pambyahe ng isda, o kahiy isang videokeng ipinaaarkila. Mayroon ring
nakaipon ng pang-placement fee sa Israel at Japan kaya doon na nakipagsapalaran. Kapag iniisip
ko, sa ganitong paraan ko daig ang mga kasabayan ko sa mga kumpanyang multinasyonal.
Pinayayaman nila ang kanilang dayuhang amo, samantalang nabibigyan ko ng pagkakakitaan
ang kababayan ko.
Inakala kong tatanda na ako sa piling ng mga banyera at bilao katulad ng aking ina. Dumating
ang araw na nagpatung-patong ang mga kasong isinampa namin laban sa mga estapador na
nagbaon sa amin sa utang. Isang matagal nang biyahero ang nagpatalbog ng mga tsekeng
nagkakahalagang labingdalawang milyong piso. Dumami ang mga taong hindi takot
magpatalbong ng kanilang tseke, dahil alam nilang kung hindi abot ng milyon ang kanilang
pagkakautang, hindi namin sila pag-aakasayahan. Hulung bagsak nang subain kaming mag-
asawa ng mismong kapatid ng aking ina at ng isang propitaryong kumpare pa man din ng aking
mga magulang. Itinakbo ang tatlong milyong hindi pa man din namin kinikita. "Bakit hindi ka
mag-abogasya?" himok ng aking ina. "Kung magiging abogado ka, mas mapapangalagaan mo
ang interes ng ating konsignasyon at pamilya. Hindi na tayo manghihinayang sa acceptance fee,
appearance fee at iba pang bayaring legal sa pagsasampa ng kaso. Sa dami ng problema ng mga
konsignasyon sa punduhan, hindi ka mauubusan ng kaso."
Hindi pa ako tapos ng pag-aaral pero may mga natutunan na akong ginagamit na namin ngayon
sa punduhan. Sinimulan na namin ang pagpapapirma ng mga trust receipt agreement sa mga
humahango ng malaking halaga para may ebidensya sakaling magkaroon ng aberya. Nilimitahan
na rin namin ang pinalalaot na puhunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng limitadong credit line
ng mga tindera. Naghigpit na rin kami sa pagtanggap ng mga tseke lalo pa't matatagal ang petsa
at naiipon bago mapalitan sa bangko.
Ipinaubaya ko ang trono ko sa talipapa sa isang bagong kahera, pero nananatili pa rin akong
tagapamahala. Umalis ako pero hindi lubos, dahil kahit nasa pamantasan ako, naguguni-guni ko
palagi ang amoy ng isda at ang ingay ng ginigiling na yelo at kinakaladkad na banyera. Kapag
naging abogado ako, tiyak kong hindi ako mabibilang sa mga kamag-aral kong magsisiksikan
sanprestihiyosong law firm o mg kagawaran sa pamahalaan. Mag-aaral ako para tiyaking hindi
mamatay ang aming konsignasyon para sa aking pagbabalik, may nakaukit pa rin ang pangalan
ko, sa daan-daang berdeng banyerang nagkalat sa madulas at malansang sahig ng talipapa.
Sa isang pampublikong ospital namamasukan si Ate Elsa, may limang palapag subalit
walang Elevator kaya naman manganagalay ang sino mang magtatangkang umakyat-manaog sa
gusaling iyon. Dalawang beses sa isang araw kung puntahan ko siya sa pinapasukan nyang
ospital sa umaga upang kuhanin ko ang allowance ko sa eskwela at sa dapit-hapon naman kung
saan ay kinihkuha ko ang pambili ko ng hapunan. Kaming dalawa ay namumuhay lamang akong
mag-isa sapagkat madalas ginugugol ni Ate Elsa ang kanyang sarili sa pinapasukan niyang
ospital.
Kalimitang pinupuntahan ko si Ate Elsa sa may front desk ng ospital upang kuhanin ang
allowance pero minsan isang araw ay nangyari ang hindi ko inaasahan. Araw iyon ng aking
pagsusulit at hindi ko dinatnan si Ate Elsa sa front desk kaya naman tinanong ko sa isang nars na
nagbabantay kung saan naroon si Ate Elsa. Ang sabi niya’y nasa room 503 raw hindi na ko
nagdalawang isip na hintayin pa si Ate Elsa sa front desk dahil mahuhuli ako kapag ginawa ko
yun.
Pumunta ako sa ikalimang palapag kahit nakakapagod at tinungo ang room 503.
Pagbukas nakapinid na pinto, hindi ko matanaw si Ate Elsa pero pinilit ko pa ring suugin ang
loob ng kurtina ay hindi si Ate Elsa kundi isang matandang nakaratay sa kama, nanginginig ang
bibig at may nakakatakot gayundin nama’y nakakaawang hitsura. Pinagmasdan kong Mabuti ang
silid, maraming mga larawan na kung iisipin ay pawang mga kamag-anak niya ito. Maya-maya
pa’y nagising ang matanda at sumigaw ng Tubig! Tubig! Kasabay rin naman ng pagsigaw ko ng
Ate Elsa! Nakita kong ang matanda ay nakaturo sa baso at pitsel na nasa lamesitang malapit sa
tabi ko. Sa pagkakataong iyon, ako’y nagdalawang isip kung aabutan ko ba siya ng tubig o hindi,
pero ng nakita ko ang sugat niya sa ma’y braso’y biglang nanghina ang loob ko at natakot akong
lalo. Ilang sandali pa ay dumating na si Ate Elsa at siya mismo ang nag-abot ng tubig kasabay
nito ang pagsenyas niya sa aking lumabas muna ng silid.
Pagkalabas ni Ate Elsa ay iniabot niya sa akin ang pera at tinanong ko naman siya kung
saan siya galing, ang sabi niya’y may kinuha lang daw siyang gamit ni Aling Carmen. Doon ko
napag-alaman na si Aling Carmen pala ang pangalan ng matandang napasigaw sakin, ang taong
pinagkakabalahan ni Ate Elsa ng walang takot at pagdadalawang-isip at ang taong sadyang
tumatak sa aking isipan para mas maintindihan ko pa ang propesyong sinusuong ni Ate Elsa.
Tagapangalaga at tagabantay, ilan lamang sa mga gawain ng isang nars.
At buwan-buwan libu-libong mga nars ang tila ba mga produktong iniaangat sa ibang
bansa. Patunay na malaking papel na ginagampanan ng mga Pilipino sa buong mundo. Pero higit
pa sa isang nars ang nasasambit kung ginagampanan ni Ate Elsa dahil sa sensiridad na iniaalay
niya sa kanyang trabaho.
Habang patungo ako sa eskwela ay hindi ko maiaalis sa aking isip ang patuloy na
ginagawa ni Ate Elsa, pag-aalaga niya sa isang matandang hindi naman niya kaanu-ano o
kadugo. Parang hindi ko lubos matanggap na makakatagal ako sa ganung larangan dahil
naniniwala akong kailangan ng lubos na pagtitiwala at sakripisyo ang dapat maranasan.
Bansag sa mga nars ang pagiging katuwang ng mga doktora sa kanilang panggagamot sa
pasyente. Gayong mas mababa ang kanilang antas kumpara sa mga doktor ay tila ba mas
nagiging makahulugan ang kanilang propesyon partikular sa ibang bansa. Dahil sa unti-unti
nitong pinakilala ang Pilipinas bilang pangunahing pinanggagalingan na magagaling na nars.
Kung minsan pa nga’y nagiging partikular lamang sapagkat kahit na sila ay doktor sa Pilipinas
ay mas Malaki pa rin ang kanilang kikitain kung magtrabaho sila sa ibang bansa.
Hindi maikakaila na matiisin at matiyaga si Ate Elsa dahil ayaw niyang umalis sa ospital
na iyon kahit na kakarampot lang ang kanyang kinikita. Marahil ito’y sa kadahilanang laki siya
sa hirap at ako bilang nakababatang kapatid ay hindi naranasan ang mga paghihirap na naranasan
niya noong araw at bagkus nakapalad na lamang sa kung anong grasyang iniaabot niya sa akin.
Pero higit pa sa isang grasya ang dulot ng isang kalinga mula sa isang nars na kagaya ni Ate
Elsa. Hindi man nars ang kanyang obligasyon sa akin kundi nakatatandang kapatid ay dito ko
napatunayan kung bakit Pilipino ang kilala at pinipiling nars sa buong bansa.
Minsan mayroon kaming proyekto sa eskwela at kinakailangan ko ang tulong ni Ate Elsa.
Dinaanan ko siya sa ospital at iniwan ko ang materyales sa paggawa ng proyekto. Kinabukasan
ng dumaan ako sa ospital, nakita kong materyales pa rin ang iniwan kong mga bagay at ng
tinanong ko ang nars kung nasaan si Ate Elsa ang sabi ng kasama niya nasa room 503 daw. Doon
ay pansamantalang may namuong galit na hindi sadyang itanim ni Ate Elsa o ni Aling Carmen,
habang nanatiling sarado ang aking isipan sap ag-intindi ng mga bagay-bagay at paliwanag.
Dahil ditto wala akong proyektong naipasa sa aming guro at ang bukod tanging nasa isip ko ay
sisihin si Aling Carmen sa lahat ng nangyari.
Subalit mali pala ang sisishin ang isang taong wala na sa mundo. Nabalitaan ko ito dapit-
hapon mga dumaan ako sa ospital para kuhanin ang panghapunan kay Ate Elsa. Nabanaag kong
balisa at umiiyak si Ate Elsa. Sinabi niyang wala na si Aling Carmen at namatay daw ito dahil sa
katandaan. Sa mga oras na iyon ay walang ibang pumasok sa aking isipan kundi ang mga
sandaling nakita at nakilala ko si Aling Carmen ang nakaratay na katawan ang nanginginig na
bibig, ang sugat sa brasong minsan ko ng pinandirihan at nakakatakot gayundin nama’y
nakakaawang hitsura. Ang taong iniiyakan ng mahal kong Ate Elsa ang taong naging dahilan.
Upang makilala ko pa si Ate Elsa hindi bilang kadugo kundi isang mapagkalinga at mapagmahal
na nars; hindi bilang ordinaryong nars o tao kundi bilang isang Pilipinong kayang lumaban sa
mapangahamong mundo.
Sa gayong pangyayari ay gusto kong malaman na ito’y ilan lamang sa dahilan kung bakit
maraming Piipinong nars ang kinukuha ng ibang bansa, at kung bakit Pilipino ang nais nilang
maging tagapuno ng kakulangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang bawat magandang
pangyayari ay may kaukulang sakripisyo na dapat harapin. Doon ko naisip na kung sakaling
buhay pa si Aling Carmen sino kaya ang mag-alaga sa mga katulad niya kung sa pagdating ng
araw ay pumunta rin sa ibang bansa ang mga nars na kagaya ni Ate Elsa. Malamang magiging
marami ang mga mapapabayaang may sakit at pawang mga balong-mapaghanap ang
kakaharapin ng mga pasyente uhaw sa kalinga at pagmamahal.
Batid kong darating ang araw na iyon at hindi ko naman kayang pigilin ang maraming
nars na kagaya ni Ate Elsa na umalis pa sa ating bayan upang makipagsapalaran at kumita ng
Malaki sa ibang bansa. Alam ko rin na sadyang ginagawang bilog ang mundo upang magpaikot-
ikot lamang ang buhay ng tao. Natural lang na kung may aalis ay dapat na may pumalit at
marahil ito ang dahilan kung bakit patuloy na isinisilang ang mga kabataang katulad ko.
Sa totoo lamang ay sapat na ang mga karanasan kong ito upang masagot ko ang mga
tanong na pilit na naghahanap ng kasagutan sa eskinita ng aking pagkatao at pagka-Pilipino.
Aking napagtanto na hindi pala kailangang maging isang magaling na boksingero o manalo sa
isang patimpalak upang makatulong sa Pilipinas na maging isang bansang maipagmamalaki at
may sinasabi. Hindi rin kailangang pangarapin ng bawat kabataan ang maging isang nars
sapagkat naniniwala ako na kahit saang larangan basta’t pinagbubutihan at pinaiiral ang
magagandang kaugalian at aspekto ng pagiging Pilipino ay makatutulong tayo upang balang
araw ay lubusan pang makilala ng ibang nasyon ng Pilipinas.
Kaya ngayon pa lamang ay pinagsisikapan kong mabuti na lagpasan ang bawat pagsubok
na kinakaharap ko bilang kabataan. Pinipithaya ko na ring maging isang magaling na nars upang
sakali mang dumating ang panahon na lumisan si Ate Elsa ay maging handa akong pumalit sa
kanyang papel bilang tagapagbantay ng mga katulad ni Aling Carmen.
Sinong nagsabing ang magsasaka lang ang maaaring magtanim at sa bukid lang
itopwedeng gawin? Kung tutuusin, hindi hadlang ang ating kinaroroonan sa pagsusulong ng
isang maayos, malinis at luntiang komunidad. Gamit ang likas na pagiging mapamaraan,
malikhain at inobatibo ng aking Tatay, lumikha siya sa aming bakuran ng isang halamanang
bagamat simple ay mayabong naman. At sa kabila ng lilmitado’t minimal nitong espasyo ay
nagawa niya ditong makapagpatubo ng mga talbos ng kamote, patola, sili, kundol, malunggay,
ampalaya, alugbati, kangkong, oregano, puno ng bayabas at aratiles at marami pang iba.
Ang lubos na nakatutuwa dito, hindi gumagamit ang Tatay ng mga kemikal
sapagpapayabong ng mga ipinunlang binhi. Ang lahat ng proseso ay sa pamamagitan ng natural
na pamamaraan, kaya’t ang pagtatanim ay hindi makapagpa-aruy-bulsa. Ang mga patabang
inilalahog niya sa lupa upang maging fertile ito ay mga tuyong dahon, balat ng prutas, bulok na
gulay at kung minsan ay dumi ng hayop. Dahil dito, ang mga halamang umuusbong ay higit
namasustansiya at sariwang-sariwa.
Dati, tuwing umaga habang ‘nahihimbing’ pa ang kawan ng mga lumulutang na bangaw
sahangin, madalas ay kinakamusta ko (na parang sira-ulo bagamat patago) ang mga halaman
sa’ming bakuran samantalang sila’y tila mga munting batang tahimik din namang nakikinig
sa’kin. Ako parati ang nagdidilig sa kanila. Marahan ko silang sinasabuya’t binabasa ng
sariwang tubighanggang sa lalo pang tumingkad ang taglay nilang kaluntian. Malimit ko rin
silang haplusi’t handugan ng kalinga’t pagmamahal. Kung wala naman akong ginagawa’y sa
kanila ang tuloy ko upang makalasap ng katahimikan mula sa maghapong pakikipagbuno sa
kapalaran. Ang hindi ko alam, simula’t sapul, ang kada-araw kong pagbisita sa’ming gulayan ay
kada-araw din palang edukasyong impormal. Nitong huli ko lang napagtantong sa bawat dilig at
kalinga’t pagmamahal na inaalay namin sa kanila, kami pala ang siyang lubos na dinidilig at
kinakalinga’t minamahal nila noong una pa lang. At ganu’n nga ang gulayan namin—isang
metapora ng mutualismong ugnayan ng tao’t kalikasan.
Namangha talaga ako sa nadiskubre kong ito. Mula noon ay inari kong lihim sa’king
pusoang bagong tuklas na paraisong ito, ang matalinhaga’t mabugtong na ‘paaralang’ ito.
Ang edukasyon—sa tunay at buong kahulugan nito—ay sumasakop sa iba’t ibang uri
ngkarunungan. Halimbawa na nito’y ang kaalaman sa aklat, gayon din—at marahil itong
pangalawa’y matimbang din gaya ng una—ang kaalaman sa puso’t karanasan. Ito ang klase ng
kaalama’t kabatirang natatamo sa mga paaralang walang gusali’t kaguruan. Sa mga di-nakikitang
klasrum na siyang humuhubog sa’tin sa iba’t ibang aspeto nang di namamalayan. Kasabay
sapaglalakbay tungo sa pagtuklas nang hindi sinasadya.
At ito’ng mayroon ako ngayon.
Ang gulayan namin ang siyang nanindigang mga buhay na guro’t aklat ko dito
sa’king‘paaralan.’ Tinuruan niya akong ibigin ang aking kapaligiran, maging maka-kalikasan:
isang payak na simula na siyang pinag-ugatan ng higit kong pagtatangi sa’king lahi at sa
kalinangan ng aking pamayanan. Pinayabong niya ako. Inilaan niya sa akin ang isang uri ng
edukasyong bagamat kakat’wa, kakaiba’t Malaya ay siya namang nagpalalim ng aking
pagkatao’t nagpa-unlad ng kakayahan kong magsuri’t magpahalaga. At higit sa lahat, nagmulat
sa’king isip sa mga tungkuli’t pananagutan ko bilang tao sa kalikasan.
Bigla ko tuloy naalala ang Manila Bay. Nagtungo kami dati doon bilang mga
CWTSvolunteer para sa isang malawakang clean-up drive na kinalalahukan ng iba’t ibang
unibersidad sa Maynila. Umusli talaga ang mga mata ko nang masipat ang sitwasyon doon: isang
dalampasigan ng bulto-bultong basura ang pumapalibot sa look. Na syempre pa’y kaniigan ang
masangsang—napakasangsang—at nakapanlulumo nitong ‘halimuyak’ na umaangkas sa
maalinsangang hangin ng umagang iyon. Yuuuck! Eeew! Uuugh! ang bukambibig ng karamihan.
Pandidiri ang nakapinta sa mukha ng ilan habang isinasako ang nagsabog na mga diaper at
napking may langib, bondage na may nana, at basyo ng de-lata’t instant noodles. Subalit sa’king
utak ay iba ang kumakatok. Habang pinagmamasdan ko ang kaysaklap na anyubog ng Manila
Bay na akala mo’y minaltrato’t tinortyur. Naisip ko, may magagawa pa kaya tayo upang baguhin
ang laganap na kalugmukang ito? Baka naman wala na? Malalana ang suliranin nating ito sa
kalikasan. May lunas pa kaya?
SA NGAYON, WALA na ang aming gulayan. Pagkakataon na mismo ang nagwalay sa’kin sa
pinakatatangi kong ‘paaralan’ matapos naming maglipat-bahay ilang taon na ang nakakaraan.
Subalit habang buhay ko pa rin itong tataglayin sa’king ubod. Hindi nito kasamang mamamatay
ang alaala’t impluwensiyang nilikha nito sa’kin upang pithayain kong maging gaya ng Tatay—sa
kanyang dedikasyo’t pagpupunyaging mapalunti ang aming komunidad—dahil na rin sa
tradisyonng pagkalinga’t pagmamahal sa kapaligiran na aking nasaksihan sa kanya. Bitbit ko pa
rin kahit saan ang mga gintong butil na aking napulot. Lalo na dahil sa dami ng taong inilagi ko
dito, ngayon ko napaglimi na sumaaakin nang ganap ang ‘paaralan.’ Nakalimbag na ito sa’king
kaluluwa at higit itong matibay kaysa sa aking inaakala. Nasa akin na ang ‘paaralan’ at patuloy
ko itong payayabungi’t ihahandog sa ibang tao bilang pagtugon sa hamon ng aking panahon na
maging bahagi ng pagbabago’t pagsulong.
At upang tupdin ito, aking napagtanto na hindi pala kailangang maging Hero of the Year
nimaging isang bantog na lider ng kung anong sibikong pangkat-pangkalikasan. Sapagkat ang
pangangalaga ng kapaligiran—lahat ng lalamanin nito, saanmang pook, anumang anyo—ay
hindilang naman ang pag-alam at pagsasagawa ng tunay kahulugan at esensiya nito. Kundi ang
pagbabahagi rin sa kapwa—puso sa puso—ng inspirasyo’t inisyatibong ingata’t protektahan ang
Inang Kalikasan hanggang sa susunod na dantaon. Ito ang pinakamahalagang leksyong aking
natutunan sa ‘pinagtapusan’ kong Gulayan Klasrum.
Redempsiyon
Ni: Jing Panganiban-Mendoza
I’M SORRY.
Ito ang text sa akin ni M. Usapan namin, kung pasado ako, magte-text siya naang laman
ay Atty. Kapag hindi ako pumasa, sorry.
At I’m sorry nga ang natanggap kongtext.
Hindi ko makalimutan ang sandaling iyon. Hindi ako napaiyak. Hindi akonapasalampak,
dahil nakaupo naman ako sa harap ng computer. Parang hinipan ako ng masamang hangin:
gumapang ang lamig sa mga ugat ng aking katawan at naglandas pabalik sa aking dibdib, para
mamuo bilang isang napakabigat na yelo.
Ka-chat ko noon si H. Pareho kaming nakatutok sa website ng Supreme Courtpara sa
paglabas ng resulta ng bar exam, nang pumasok ang impormasyon mula sa paunang kopya ng
opisina ng isang Justice. I did not make it , mensahe ko sa kanya.
Sinasabing pinakamahirap na propesyonal na pagsusulit sa Pilipinas ang
barexaminations. Taun-taon, libu-libong nagsipagtapos ng abogasya ang bumubuno nito saloob
ng apat na magkakasunod na Linggo. Bukod sa pagiging nag-iisangeksaminasyong
pampropesyonal na hindi pinangangasiwaan ng ProfessionalRegulation Commission (ang
Supreme Court o Korte Suprema ang nagpapatakbo nito),may distinksyon ito bilang pagsusulit
na may pinakamababang passing rate. Mula 2007hanggang 2011, 24.05% lamang ng mga
kumukuha nito ang pumasa, kumpara sa64.34% na passing rate ng Physician’s Licensure
Examinations ng mga doktor. Ibigsabihin, sa apat na kukuha ng bar exam, halos isa lang ang
makakapasa at magigingabogado. Ang tatlo, lagapak ang bagsak. Dahil rito, naging prestihiyoso
ang paglabas
ng resulta nito na may garantisadong atensyon ng media, mapa-telebisyon man, radyo, o diaryo.
Dahil sa hirap ng pagsusulit at sa baba ng porsiyento ng pumapasa, ibayongpaghahanda
ang ginagawa ng mga sasabak rito. Karamihan ay nagpapalista sareviewcenters at nakikinig ng
lectures nang halos araw-araw sa loob ng limang buwan. May nagpapangkat naman at nag-aaral
sa mga aklatan, o kaya’y sa mga kapihang inookupahan para gawing pansariling library. Ang
ilan naman, pinipiling maglungga saisang lugar na malayo sa distraksyon. Iilan ang naglalagi sa
kanilang sariling bahay. Iba-iba man ang lugar na pinaglalagian, magkakatulad ang lahat ng
sasabak sa bar examsa pagbubuhos ng pinakamalupit na pag-aaral na nagawa nila sa buong
buhay nila.
Sareview centers, inirerekomendang magbasa ng hindi bababa sa walong oras saisang
araw ang isang reviewee, at hindi kasama sa panahong iyon ang pahinga at pantanggal-suyang
breaks. Ayon sa isang propesor, kasalanan para sa isang reviewee ang matulog ng walong oras sa
gabi, dahil pagsasayang iyon ng panahong dapat sana’y ipagbabasa. Mayroon ding nagmungkahi
ng labing-anim na oras ng pagbabasa simula
tatlong buwan bago ang pagsusulit. Ang payo ngkaramihan, sapat na ang walong oras ng
solidong pag-aaral sa simula ng review, pero dalawang buwan bago ang bar, hindi na puwedeng
bumaba sa sampung oras ang pag-aaral. Pagdating ng preweek, o iyong linggo bago ang aktuwal
na Linggo ng bar exam, kailangang sanay na ang katawan sa hindi bababa sa labingdalawang
oras ng pag-aaral. Pinagbabayaran sa oras at pagod ang apat na letrang ikinakabit sa simula ng
pangalan ng isang abogado.
Hindi langbilangan ng oras ang labanan sa paghahanda para sa bar. Kailanganng
matinding disiplina at konsentrasyon para masunod ang bar calendar na inihahanda ng bawat
isang reviewee. Sa simula ng pag-aaral, bibilangin ang lahat ng araw sa pagitan ng simula ng
review hanggang sa preweek. Ililista kung ilan ang araw ng pahinga at ang mga espesyal na
okasyong kailangang daluhan gaya ng kasal, kaarawan ng kasintahan o ng magulang para
makuha ang total ng rest days. Ibabawas ang rest days sa bilang ng araw sa loob ng review, para
makuha ang bilang ng araw na paghahati-hatiin sa walong bar subjects. Nakabatay ang
alokasyon ng mga araw sa hirap at haba ng subject, at sa kung ilang pagbasa ang puntiryang
matapos. May mga taong kampante na sa isang dibdibang pagbabasa, samantalang mayroong
nakakaabot ng limang ulit na pagbabasa ng para sa isang bar subject.
Higit sa pisikal na hirap, sikolohikal at emosyonal ang dusa ng paghahanda parasa bar.
Kailangangmatutunan ng isang reviewee ang magsakripisyo sa pamamagitan ng paglayo sa mga
kaibigan o kapamilya na maaaring makagambala sa pag-aaral. Habang lumalaon ang review,
mapapansin ang pagbabago ng ugali ng maraming tao. Marami ang sumusungit at nagiging
maiinitin ang ulo. Marami ang nakararanas ng depresyon,
na sa ilang pagkakataon ay nauwi sa pagpapatiwakal. Bali-balita nga, sa paghahanda para sa bar
exam naging “Brenda” (brain damaged) ang isang senadora dahil sa isang nervous breakdown.
Nagbuntis ako sa ikalawang anak ko noong huling taon ko sa law school atkinailangang
mag-bed rest nang ilang ulit dahil sa ilang pagkakataong dinugo ako o
kaya’y humihilab ang tiyan nang malayo pa sa petsa ng kapapanganakan. Dahil raw sastress,
sabi ng aking doktora, kaya pinayuhan akong magpahinga para sa kapakanan ng ipinagbubuntis
ko. Pagkatapos kongmagmartsa, nagpahinga ako ng ilang linggo para
maiwasang manganak nang wala sa oras.
Nanganak ako sa kasagsagan ng bar review. Habang nagbubuklat ng mga aklatang mga
kaklase ko, naroon ako’t umiiri sa isang maternity hospital sa probinsya. Habang nagsusunog sila
ng kilay sa pag-usal ng mga batas, naroon ako’t nagpapasuso ng aking sanggol. Ayaw kong
sumbatan ako ng anak ko paglaki niya na hindi ko siya binigyan ng pinakamahusay na nutrisyon
dahil lang sa aking ambisyon, kaya tiniyaga ko ang eksklusibong pagpapasuso kahit pa kumakain
iyon ng kalahating oras kadadalawa o tatlong oras. Noong una, lumalabas pa ako ng kuwarto
para mag-aral ngdalawang oras bago bumalik para magpasuso. Nang malaunan, sa kuwarto na
lang ako
dahil nasasayang lang din ang oras kakalabas-masok. Sa pagitan ng pag-aalaga sa bunso at pag-
aasikaso sa panganay kong nagseselos, nagbubuklat ako ng aking libro para lang may masabing
may nagawa ako sa araw na iyon para sa aking bar review.
Dahil ako lang ang pinagkukuhanan ng nutrisyon ng aking sanggol, kailanganko siyang
bitbitin kahit saan ako pumunta. Suot ko si Baby S. sa isang sling nang pumunta ako sa aking
paaralan para mag-ayos ng rekisitos para sa bar exam. Nang magpapirma ako ng isang
sertipikasyon sa isang propesor, tinanong niya ako kung sigurado ba akong tutuloy ako. Sabi
niya, wala namang masama kung ipagpapaliban ko muna ang pagkuha ng bar exam dahil
mahirap tumutok sa pag-aaral nang may iniintinding sanggol. Hindi ko raw maibibigay ang
aking siyento porsyento.
Kung nagpasya ako ng ayon sa katuwiran, ang payo ng aking propesor angpinakinggan
ko. Kalagitnaan na ng Hunyo noon, at higit kalahati na ng panahon na dapat nakalaan sa review
ang nakalipas. Iisa sa walong subjects pa lang ang natapos ko. Napako ako sa nakamamatay sa
pagkabagot na aklat para sa Civil Law. Nang maoperahan ang tuhod ng nanay ko at kailangang
magbantay ako, isa pang linggo ang nawala sa tipid na tipid na budget ng mga araw ng pag-aaral.
Tumuloy akong mag-bar dahil ayaw kong mabunton sa bunsong anak ko ang sisi kung
bakit hindi ako nakakuha ng pagsusulit gaya ng nakaplano. Ayaw ko siyang hawakan sa
madaling araw na iniisip na kung hindi dahil sa kanya, abogado na sana ako. Anim na taon
kaming nanalanging mag-asawa bago kami binigyan ng kasunod ng panganay namin. Biyaya
ang aking bunso, at hindi ako makapapayag na siya ang maging tampulan ng panghihinayang.
Natakot rin akong tumigil ng isang taon. Matanda na ako; pangalawang karerako na ang
pag-aabogado. Apat na taon na akong nagtuturo sa kolehiyo at nakapagmasteral na nang
magpasya akong iwan ang akademya para magpamilya. Nagtangka akong mag-negosyo, pero
hindi mala-Haring Midas ang kamay ko. Hindi naging ginto ang mga hinawakan kong negosyo
dahil napagloloko ako ng mga taong makakapal ang
apog na hindi nagsipagbayad ng utang nila sa akin. Udyok ng magulang ko, bakit hindi ka na
lang mag-abogado? Apat na taon kong binuno ang abogasya sa isang premyadongunibersidad,
sa pag-asang ito ang puhunan ko sa kinabukasan ng aking anak. Kunghindi ako kukuha ng bar
exam noong taong iyon, madadagdagan pa ng isang taon angpaghihintay ko.
Pinanghawakan ko noon ang salita ng aking ama: Kumuha ka lang ng bar.
Kungmakapasa, maganda! Kung hindi, hindi ka naman mamamatay. Sugalan mo na! Puwede ka
namang kumuha ulit sa susunod na taon kapag hindi ka sinuwerte.
Sinusugan naman ito ng mga taong nagpalakas ng loob ko. Kaibigan A:
Kayangkayamong ipasa iyan! Mas mahirap pa ang LAE kesa sa bar exam. Kaibigan B: Mas
mahirap pa ang finals ni Prof. X at Prof. Y kesa riyan! Kaibigan C: Kung nagawa mo ngang
matapos ang abogasya sa loob ng apat na taon nang hindi bumabagsak sa kahit anong subject,
iyan pa ba naman ang hindi mo kayanin? Kaibigan D: Kung si Mayor X nga na hindi naman
matalino, nakapasa ng bar, ikaw pa ba ang hindi? Kaibigan E: Siguradong papasa ka niyan,
kungnakakapasa nga ang mga nag-aral sa Tralala Law School, ikaw pa ba naman ang hindi e
graduate ka ng UP Law?
Hirap na hirap akong mag-aral habang nag-aalaga ng aking sanggol. Pagkatapos
magpasuso ng halos kalahating oras, hindi ko maiwanan basta-basta ang nakakagigil na si Baby
S. Ang balak na kalahating oras lang, nagiging isang oras dahil sa pag-amoy ko sa mabango
niyang bumbunan, at sa paghalik sa gilit ng siksik sa tabang hita. Magiging dalawa o higit pang
oras ito kapag naakit akong matulog habang binabantayan ang aking prinsesita. Sa huli,
masuwerte na ang makatapos ako ng dalawampung pahina kada araw kapag nasa kuwarto.
Produktibo na kung makaabot ako ng apat na oras ng tutok na pag-aaral, kabilang na ang
pagbabasa sa medaling araw. Kadalasan, basang-komiks o basang-pocketbook lang ang nibel ng
pag-aaral ko dahil sa dami ng distraksyon. Inabot lang ako ng walong oras kada araw noong
mismong preweek na.
Para makapag-aral ako ng diretso ng dalawang oras, kailangan kong mag-gotang gatas
para kay Baby S. Sa iilang araw na iniwan ko siya para dumalo ng ilang lecture,
kinailangan kong mag-pump ng isang 4ml na bote ng breast milk kada dalawang oras na wala
ako. Sareview center na pinuntahan ko, nakisuyo akong makilagay sa freezer ng
akingexpressed breast milk para makumpleto ang supply ng gatas ng anak ko. Nadagdagan lalo
ang hirap ko nang mag-agaw-buhay ang premature na sanggol ng pinsan ko, nadagdagan ang
nirarasyunan ko ng gatas. Para makapuno ng isang maliit na bote, kailangan ko ng dalawampung
minuto kung dual electric breastpump ang
ginagamit ko. Kung manual, kailangan ko ng tatlumpung minuto.
Kulang ang oras ng aral mo, sabi ni A., isang kaklase. Best effort na ito, sabi ko sakanya.
Wala akong magagawa. Ito na ang sitwasyon ko.
Kung ano ang ikinakapos ko sa oras, binawi ko sa pagdarasal. Sabi-sabi
nga,napakaraming nagiging relihiyoso dahil sabar exam. Nakarating ako sa Birhen ng
Manaoag sa Pangasinan, sa Pink Sisters sa Tagaytay, at sa Divine Mercy Shrine sa Marilao.
Walang linggong lumipas na wala akong binisitang simbahan o dasalan. Sa
suhestiyon ng isang tiyuhin, dumayo ako at napadalas sa Padre Pio Shrine sa Libis. Doon daw
niya ipinagdasal ang pinsan ko para pumasa sa medical boards, at nakapasanaman nga. Pagpunta
namin doon, naka-kuwadro ang mga testimonya ng mga himala ni Padre Pio. Naroon ang
patotoo ng bulag na nakakita, ng gumaling sa kanser, ng
naibalik ang na-karnap na sasakyan, ng mga nagkaanak matapos ng napakaramingtaon, at iba
pang himala ng dahil sa intersesyon ng paring santo. Sabi ko kay Padre Pio, kung nagagawa
niyang makakita ang bulag at gumaling ang mga may pambihirang karamdaman, hindi naman
siguro ganoon kahirap o ka-imposible ang hinihiling kong pumasa ng bar sa unang pagtatangka.
Ilang araw bago ang unang Linggo ng bar exam, minalas akong magkasakit. Akala ng
doktor noong una, dengue. Mabuti naman at trangkaso lang. Pero sa tanda konang tao, iyon ang
pinakamasamang dapo ng trangkaso. Nangiki ako sa lamig, nanakit ang buong katawan ko, at
parang nagbabaga ang init ng mga mata ko. Pinayuhan ako ng doktor na magpa-confine sa
ospital, pero tumutol ako. Apat na araw na lang at unang Linggo na ng bar exam. Noon pa ba
ako susuko?
Pag-uwi sa bahay, nagpilit akong bumangon para magbasa. Pinulot ako sa sahig dahil
natumba ako sa panghihina. Sabi ko noon, Panginoon, bigyan mo naman ako ng sign.Kung
gumaling ako bago mag-Biyernes, kukuha ako ng bar. Kung hindi, senyales iyon nahuwag
akong tumuloy.
Pagdating ng Biyernes, nilalagnat pa rin ako. Kina-Sabaduhan, nagligpit ako nggamit at
nagpahatid sa hotel sa Maynila. Tutuloy pa rin ako. Laban kung laban. Noong gabi bago ang
unang Bar Sunday, tinanong ako ni R., isang kaibigang abogado, kung handa ba ako. Sabi ko,
hindi. Hindi naman ako mamamatay kung hindi akopumasa. Hindi ka nga mamamatay, pero
para ka na ring namatay, sabi niya. Iba ang bigat; ibaang bagsak.
At tama siya. Lagum-lagom na ang lungkot, ang hiya, ang galit, na sa huli aynaging
panghihina na lang. Kung maaari lang bumuka ang lupa noong sandaling iyon, kusa akong
tatalon para takasan ang aking kalagayan.
Pero hindi bumubuka ang lupa para sa mga hindi pumasa ng bar. Hindi tayoganoon ka-
espesyal, mga katoto. Ang totoo, walang pakialam ang napakaraming tao sanararamdaman ng
mga bumagsak dahil wala silang pakialam sa mga abogado onagnanais maging abogado. Para sa
maraming tao, pampagulo lang ang mga abogado
sa mundo.
Umakyat ako sa kuwarto. Noon lang tumulo ang luha ko. Higit sa lungkot, gusto kong
matunaw sa kahihiyan. Wala akong mukhang ihaharap sa mga taong umasang
papasa ako. Nahiya ako para sa mga magulang ko, na nag-isip pang puwede akong makasama sa
Top 10. Nahiya ako para sa asawa ko, na bilib na bilib sa aking
makalulusot ako. Nahiya ako para sa panganay ko, na naipamalita na sa mga kaklaseng magiging
attorney na ang kanyang mommy. Higit sa lahat, nahiya ako sa sarili ko, sa kapal ng mukha kong
umasang papasa ako gayong hindi naman ako nakapag-aral nang maayos.
Tiningnan ko sa internet ang pangalan ng mga pumasa. Isa-isa, hinanap ko ang pangalan
ng mga kaklase at kaibigan. Sa bawat mensaheng pumapasok sa telepono ko
na naglalaman ng kapwa ko hindi pumasa, lumulubag kahit paano ang loob ko. At dahil nag-
aampalaya ako sa pagka-bitter sa pagbagsak ko, hindi ko magawang maging
masaya para sa ilang taong pumasa pero sa pagtasa ko ay hindi naman magaling ohindi karapat-
dapat. Sa isip ko, kung hindi naman pala ako mapapasama sa 20.26% na pumasa, sana hindi na
lang itinaas ng Supreme Court ang passing rate mula sa orihinal na 11%. Misery loves company,
ika nga ng kasabihan.
Noong panahong iyon, ang asawa ko lang ang gusto kong makasama. Walaakong
gustong makitang kaibigan o kaklase, at napapaiyak lang ako kapag kausap ko ang mga
magulang ko. Nilibang niya ako sa pamamasyal, sa panonood ng sine, sa pagkain sa mga
restawrang gusto ko. Pakiramdam ko, kahit saan ako pumunta, may naka-tattoo sa noo kong
BAR FLUNKER. Bar exam lang ‘yan. Huwag mo masyadongdibdibin, sabi niya. Hindi iyan
sukatan ng galing o talino mo. Nang magawi kami saStarbucks na dati kong pinag-aaralan, binati
ako ng barista. Ma’am, lumabas na raw angresulta ng bar exam? Kumusta? Sabi ko na lang,
hindi ko natapos ang bar dahil nagkasakit ako. Hindi ko kayang ipahiya ang sarili ko sa isang
taong hindi ko naman kaano-ano.
Nang mahimasmasan ako, isang ideya ang pumasok sa isip ko: bar flunker lang ako
hanggang hindi pa ako pumapasa. Kapag nakapasa na ako, mawawala na ang stigma. Hindi pati
ako ang nag-iisang hindi pumasa ng bar. Si Pangulong John F. Kennedy, Jr. ng Estados Unidos,
tatlong beses kumuha ng bar exam bago naging abogado. Flunker rin si Hillary Clinton sa
Washington Bar Exams. Sa Pilipinas, bumagsak muna sa bar si Claro M. Recto bago siya
naging abogado milagroso. Nabigomuna si FranciscoNoel Fernandez noong 1993, bago maging
topnotcher noong 1994. May isa ngang senador na nagbabandera ng pagiging numero uno sa
bar, ang nakalimot yatang ilagay sa kanyang propaganda na bagsak siya noong una niyang
pagtatangka.
Nang magpasya akong kumuhang muli ng bar, binago ko ang ayos ng isang kuwarto sa
bahay. Pinatanggal ko ang kama para walang tutukso sa aking matulog. Bumili ako ng
magandang reading lamp. Ini-spray paint ko ng rosas ang isang malaki at bilog na mesa para
maging aking aralan. Ang paa ng kinakalawang naoffice chair sa bodega, pinakulayan ko ng
matingkad na asul para magmukhang masaya. Pagpunta kosa mall, bumili ako ng stock ng
bagong sign pen, highlighters, at iba pang kagamitan sa pag-aaral. Sa isang sulok, inilagay ko
ang dilaw na single couch para puwede akong lumipat kapag magaan lang ang binabasa ko, para
lang maiba ang pagkakaupo.
Noong una akong kumuha ng bar exam, malinaw ang layunin ko: ang kumuha ng bar
exam. Sa ikalawang pagkuha ko, tumaas na ang pangarap ko: gusto ko nang pumasa.
Gumawa ako ng bar calendar, isang bagay na hindi ko nagawa noong unang kuhako.
Naglaan ako ng isang araw isang linggo ng pahinga, at isang araw kada isang subject na palugit
sakaling hindi ko matapos ang puntirya kong basahin. Dahil bago ang format ng pagsusulit,
naglaan ako ng ilang araw na para sa pagsasanay lang na magsagot ng multiple choice questions.
Dalawang araw ang para sapaghahanda atselebrasyon ng unang kaarawan ng aking bunso, at
dalawa rin para sa ikapitong kaarawan ng aking panganay. Gumawa ako ng dalawang bersyon:
isa para sadalawang pagbasa, at isa para sa tatlo.
Dahil unang pagkakataon pa lang na magiging multiple choice ang 60% ng bar, at 40%
naman ang Trial Memorandum at Legal Opinion, hindi ko sinunod ang mga payo ng mga dating
nag-bar. Napaso na ako sa pagiging gaya-gaya sa binabasa ng iba. Itinapon ko ang maraming
materyales para maging piling-pili ang aking babasahin. Nanalig akong tapat ang Supreme Court
sa garantiyang walang lalabas na tanong na wala sa detalyadong bar coverage na inilabas nila.
Inaral ko ang pinakamaigsing bersyon ng reviewer na sumunod sa balangkas na iyon, kahit pa
sinasabi ng mga kaklase kong
napaka-delikado ng ginagawa ko. Batas lang o codal provisions at ang manipis na reviewer ang
binasa ko, laban sa pagkakakapal na aklat na pinasadahan ko noong unang
kuha. Dahil kakaunti lang ang target kong basahin, mas nanamnam ko ang aking materyales, at
nagawang tapusin ang mga ito ng tatlong beses.
Habang nakakulong sa kuwarto, dambana ang mesang aking aralan.Nakapatong sa isang
kahoy na bookstand na karaniwang ginagamit para sa Bibliya ang
akingreviewer. Bawal akong gambalain kapag nasaloob ako. Pinupulis ng mga yaya ang mga
bata lalo ang makulit na panganay para huwag pumanhik sa taas, at nakikitako lang sila kapag
bumaba na ako para kumain o magpahinga.
Araw-araw, gumigising ako ng alas-otso ng umaga para mag-almusal. Nilalaroko ang
aking bunso habang gumagayak ang panganay ko para pumasok sa paaralan.
Bago mag-alas-diyes ng umaga, nasa kuwarto na ako para mag-aral. Titigil ako ng alasdose para
mananghalian. Pagdating ng alas-dos, nakakulong na ako ulit para mag-usal, hanggang umuwi
ang anak ko ng alas-singko ng hapon. Pagkatapos manood ng ilang palabas at maghapunan, nasa
kuwarto na ulit ako ng alas-otso hanggang alas- dose. Kapag may lakad sa araw, iniiba ko ang
oras ng aral at ginagawang alas-otso ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga. Pagdating ng
preweek, nagtala ako ng labing dalawang oras ng pag-aaral kada araw. Hindi ako natulog ng
higit sa apat na oras dahil
sa pagbabasa sa gabi bago ang mismong pagsusulit.
Hindi iilang ulit na dinalaw ako ng lumbay habang nasa kuwarto. Madalas kongmaisip
ang markang nakuha ko sa unang bar: kinapos ako ng 0.5 para pumasa. Ni hindi
inabot ng isang buong puntos. Lagi kong naiisip ang mga sagot na tamang binura pa, ang mga
maling sagot na hindi na pinag-abalahang itama para hindi maburara ang
papel, ang kakulitan sa pagsusulat ng Continued on the next page na may arrow, na hindi ko
naisip na maaaring ituring na marking ng nagwawasto. Naiisip ko na sayang, hindi
ko sana ginagawa ang pag-aaral muling ito, kung naglaan ako ng higit na oras sa pagrereview
noong una pa lang. Kung tinotoo ko ang pag-aaral, sana’y hindi kokailangangmagbitiw sa aking
magandang trabaho na sinusuwelduhan ako nang buo para sadalawa o tatlong araw ng trabaho sa
loob ng isang linggo. Sana, kala-kalaro ko ang mgaanak ko sa halip na nagkukulong ako sa
kuwarto. Pinanghinayangan ko ang mga orasna ginugol ko panonood kay Jack Bauer ng 24 at ng
kung ano-anong pelikulang hindiko nahintay panoorin. Ang hindi ko lang pinagsisihan, ang
pagtatangka kong kumuhang bar exam kahit pa kulang ako sa preparasyon.
Habang pinagdurusahan ko ang paghahanda para sa bar exam, madalas
akongmagpasalamat na sa kabila ng kabiguan ko, hindi ako nilisan ng aking pananampalataya.
Pero hindi na ako nag-pilgrimage sa kung saan-saan. Sinamahan ako ng nanay kong kumpletuhin
ang nobena sa Divine Mercy. Sumimba at nagdasal ako dahil nananalig ako, hindi lang dahil
mayroon akong kailangan.
Noong mismong Nobyembre na, tiniyak kong pula ang damit ko sa apat na Linggo ng
bar exams. Nakakasa na ang aking Brand’s Essence of Chicken, ang inuming lasang ipot ng
manok (kaya mapapaisip ka kung ang esensya ba ng manok ay ang kanyang tae) pero epektibo sa
paglaban sa mental stress. Pati ang BrainwaveEntrainment, isang modernong programa na mala-
hipnotismo, pinatulan ko para utusan ang utak kong magpahinga o maging aktibo kung
kailangan. Pumasok ako sagate ng UST na may kumpiyansa sa sarili hindi dahil umaasa ako sa
suwerte, kundi dahil alam kong kakasihan ako ng suwerte dahil handa ako.
Naaalala ko ang araw ng paglabas ng resulta noong nakaraang taon, na parang larawan na
may kulay at may mga tao sa kuwadro. Naaalala ko ang mga pangyayari,
na parang isang pelikulang may mga linya. Pero walang damdamin, wala nang emosyon.
Noong araw na lumabas ang resulta ngayong taon, pumasok ako sa opisina
paramakasama ko si J., ang kaibigan kong kasabay kong bumagsak at kumuha muli ng barsa
ikalawang pagkakataon. Sinamahan niya ako sa Church of the Gesu sa Ateneo para magdasal.
Ipinalangin kosa Panginoon na bigyan niya ako ng grasyang tanggapin kung anuman ang
kalooban Niya. Dinasal ko ang Serenity Prayer ni Reinhold Niebuhr:
God grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
courage to change the things I can;
and wisdom to know the difference.
Living one day at a time;
Enjoying one moment at a time;
Accepting hardships as the pathway to peace;
Taking, as He did, this sinful world
as it is, not as I would have it;
Trusting that He will make all things right
if I surrender to His Will;
That I may be reasonably happy in this life
and supremely happy with Him
Forever in the next.
Amen.
Nagpasya kaming mananghalian nang masarap sa Trinoma Mall. Iyon na yataang
pinakatensyonadong tanghalian ko. Para kaming mga presong bibitayin: kumakainng pagkaing
masarap na di naman nalalasahan bago bitayin.
Dumating ang sundo ko bago pa lumabas ang resulta. Mag-isa, bumaba ako ngescalator
palabas. Bago pa ako makatapak sa babaan, nag-ring ang telepono. Tumatawag
si R., ang kaibigan naming nagtatrabaho sa Supreme Court.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sinabi ni R. nang sagutin ko angtelepono.
Nagkakarambola ang utak ko habang dumadagundong ang dibdib ko. Bastamasaya ang boses
niya. Congrats, pasado ka, o parang ganoon. Sigurado na ba ‘yan? Oo, hawak ko ang listahan
at nandito ang pangalan mo.
Naiyak na lang ako. Akala siguro ng guwardiya, namatayan ako. O nababaliw.Gusto
kong umupo at doon maglupasay.
Isang daang araw bago ang bar, may nag-tweet na may hash tag na #100daystogo.Sabi
ko, 100 days to what? Sabi ni M., 100 days to redemption.
At araw-araw, inisip kong iyon nga ang tinatahak ko: ang daan patungongredempsiyon.
Naramdaman kong mula sa kinalalagyan ko, bumuka ang mundo paitaashanggang
masakop ang kalawakan ng langit. Napaupo ako at napahagulgol. Abogadona ako!
Dumating na ang redempsyon. Nang mga sandaling iyon, damang-dama ko, binalot ako
ng ga-planetang lugod ng uniberso.
Return Flight
Ni: Allan B. Lopez
NOONG 2011 LAMANG naging malinaw sa akin na matanda na nga talaga ang nanay
ko. Nasa airport kami ng Hong Kong. Biyernes ng hapon. Tanging kaming dalawa lang ang
nandoon sa malawak na hintayan ng pasahero sa harap ng check-in counter ng Philippine
Airlines.
Naging malinaw sa akin – matanda na nga talaga ang nanay ko. Alam ko naman siyempre
na ilang taon na lang siya'y magiging 70 na, pero sa pagkakataong iyon lang talaga naging
malinaw ang pagdating ng kanyang katandaan.
Sorry siya ng sorry, bagamat hindi ko naman talaga makuhang magalit. Siguro bahagya
na siyang natatakot sa akin, dahil buong linggong iyon – ang kanyang unang bakasyon sa labas
ng bansa – ilang beses ko na rin siyang kinainisan. Mangilang beses pa ngang napagalitan.
Mga maliliit na bagay lang naman. Halimbawa, noong tumawag siya sa cellphone na
natataranta dahil naliligaw daw siya sa loob ng isang Watsons. Sabi ko, kumalma ka lang,
susunduin kita mamaya, kasi nagyoyosi pa ako. Pinagpilitan niyang sunduin ko na daw siya
agad, kasi ang dami daw Intsik at hindi niya maintindihan ang nasa paligid niya. Sabi ko,
malamang, nasa China ka, at hindi naman ikaw ang pinaguusapan. Nagpumilit pa rin siyang
magpasundo.
Minsan naman, nahihirapan siyang gamitin ang cellphone na binigay ko sa kanya para sa
bakasyong iyon, maski ilang beses ko ng itinuro. Isang hapon, ng ako'y sumingit ng isang job
interview at binilinan siyang magrelax lang sa hotel, tinawagan niya ako na nagpapanic –
nawawala na siya. Iyon pala'y pumunta sa supermarket, nakarating doon sa pagtatanong-tanong
sa mga Pinoy, kasi nagtakam daw siya sa tsokolate at namahalan sa binebenta sa hotel.
NANINIWALA AKONG ANG mga utak natin ay parang filing system – isang photo
album kung mamarapatin. Bawat taong kakilala natin, may picture. Kalakip ng picture na iyon,
isang maikling profile. Maski paano pa magbago ang taong nabanggit, palagi tayong bumabalik
sa imahe at sa ideyang naka file.
Si Mama sa isip ko ay hindi iyong matandang nagmamadali ng pagkabagal-bagal papunta
sa banyo ng airport. Ang naka file na larawan sa isip ko ay isang babaeng may mataas na heels.
Sa profile, nakatala na mabilis siyang kumilos at sobrang listo. Umuuwi pa sa bahay para
mananghalian para makatipid lang, noong nakatira kami 20 minutes away from her office. Bale
uuwi siya, kakain ng sampung minuto, at babalik ng opisina sa loob ng isang oras lamang. Isang
pasko noong medyo gipit pa kami, nagluto siya ng 600 na cupcake para may dagdag na kita.
Minsan naman, nagtahi siya ng tig-walong uniporme ng anim na matatabang magkakapatid ng
isang kaibigan dahil sayang naman daw ang extra na kita.
Malayong-malayo ang babaeng 'yun sa nakita kong naglakad papuntang banyo. At noong
hapong 'yun, sa airport, habang nakikinig sa isang recording ng Bolero ni Ravel, na pinatugtog
ko sa aking cellphone para mabawasan ang inis, nakilala ko siya muli sa ilalim ng alon-alon na
kisame ng Hong Kong airport.
Isang pagbabago na hindi ko namalayan – hindi ko inasahan. Tatanda din pala ang
spunky na nanay ko. Kaya pala nitong mga huling taon mas nabubuo ang kuwento ng kanyang
buhay sa akin. Dahil mas madalas niyang balikan ang taon ng kanyang kabataan sa Cotabato
City – mga taong hindi ko naman kilala, mga kaibigang kahit kailan hindi ko nakita.
Sa totoo lang, akala ko nageemo-goth na siya, pero mukhang ito na nga at dumating na
ang pagtanda.
Kailangan ko na yatang mag file ng bagong larawan sa photo album ng aking isipan.
IYAN ANG ISANG bagay na hindi siya inclined gawin dati – ang bumalik sa nakaraan.
Kaya ang pagkakakilala ko sa kanya ay mas sa kwento ng ibang tao at sa mga nakikita ko. Alam
ko halimbawa na malakas ang loob niya dahil nag down siya ng para sa sariling bahay na wala
namang ipon – literal na tatlong buwan ko siyang hindi halos nakita, sa kaoobertime. Nagigising
na lamang ako ng sandali kapag hahalikan niya sa gabi.
Alam kong mataas ang pangarap niya sa akin – maski mag-isa lang na kumakayod sa
buhay (unempolyed hanggang mamatay ang kanyang asawa), gusto niyang makatapos ako sa
private school. Noong araw, hindi siya kumbinsido na mag UP ako kasi public, saka ilang beses
daw siyang nanaginip na mamamatay ako sa rally, pero sinamahan niya ako ng mag UPCAT at
sabay kaming napanganga sa ganda ng campus at siya ang nagsabing, anak, dito ka dapat mag-
aral. Medyo hindi kasi ganoon kaaya-aya ang mga tinirhan namin sa Pasay. Parang langit sa
amin ang UP campus.
Ang irony niyan, noong papasara na ang kanilang kumpanya noong nasa college ako,
siya ang nakita ko sa isang parang piket. Nagsasalita sa reporter ng Channel 4, ilang buwan
lamang pagkatapos matanggalan ng isang suso dahil sa cancer. Nawalan na siya ng trabaho after
that, at hindi na nakahanap muli.
“May nakita kasi ako na taong may dalang ganito. Sinundan ko kung saan siya galing.
Tapos may nakita ako na isa pa. Mukhang Amerikano. Kaya tinanong ko na lang. Isang linggo
tayong may hopia!”
Tinignan ko sa airport map. Ang layo pala ng pinuntahan niya. “Ang layo na naman ng
nilakad mo! Mabuti nakabalik ka!” Sabi niya, o huwag daw ako magagalit. Sabi ko, hindi naman
ako nagagalit. Tanong niya kung gusto ko. Sabi ko, ayoko. Nagbukas siya ng isa. Binanggit ko
na pumunta ako dun sa isang help desk, kalahati lang naman daw ang laman ng susunod na
flight, at wala na kaming problema. Napangiti siya, at binalik ko naman ang aking headset.
Maya-maya, andiyan na ang kamay niya sa bunganga ko, binubusalsalan ako ng hopia.
Kinain ko na lang. Napaisip ako: kung sa mata ko'y isang Mama mula nakaraan, ano kaya
ako sa isip niya?
Malamang, isang bata pa ring nanalo ng apat na libo for the first time, na hindi makakuha
ng certificate sa eskwela at walang naniniwalang kaya niyang gumawa ng ano mang kapaki-
pakinabang o maganda.
PAGKAIN ANG TEMA ng aming bakasyon, at siya ring unang mga pinagawayan namin
saHong Kong. Dito kasi umikot ang aming isang linggong pamamasyal; hindi kasi siya mahilig
sa shopping. Nilista ko ang lahat ng masasarap na restawran na alam kong kaya kong kainan
(maging iyong may mga Michelin star) at dinala ko siya sa mga iyon.
Noong una, napapalunok siya sa presyo ng nakikita niya. Pero kagagalitan ko. Sasabihin
ko,pinagipunan ko naman to, sa totoo lang kung hindi kita nanay, baka namundok na lang ako
onagtrabaho ng mababa ang sweldo, pero gusto kong matikman mo ang mga ito. Kaya
susubukanna rin niya. At kapag kanyang natikman, siya naman ay galak nagalak. Sasabihin niya,
ah, kaya pala mahal. Sasabihin ko, huwag mo isiping mahal. You deserve it.
Isipin mo mayaman ka, at lahat ng mga problema mo, sosi problems. Ako ang bahala.
Ngingiti
na lamang siya.
They are a cooking family, at alam kong marami silang kaanak sa Cotabato na may kaya.
Batapa man ako, nakikita ko kung paano siya sumasaya kapag may natitikmang masarap. Hindi
naman kami nagutom o naging hikaos, pero alam kong may bahagi ng kanyang nakaraan na
hindi na niya nababalikan dahil magtrabaho ka ba naman mag-isa para magtaguyod ng pamilya –
walang katuwang, walang kasama. Hindi man niya naikukuwento sa akin dati ito, malinaw sa
akin na merong mga bagay na kinailangan niyang talikuran para itaguyod ako.
Sabi niya, iyong mga kinain daw. Alam daw kasi niya, sina Medy (yung kaopisina niya),
kapag nagpupunta sa Hong Kong noong bata sila (may kaya kasi ang asawa noon), nagbabaon pa
ng pansit canton. At least siya, natikman niya ang masasarap na restawran daw. Tatawagan daw
niya at iinggitin paguwi, tapos tulungan ko din siyang mag email. Gusto niya i-email ang isang
tiyahin ko sa Seattle. Tumira daw kasi 'yun sa China ng matagal dati, at ng pagbalik sa kanila sa
Cotabato nagluto ng masasarap na Chinese food tuwing may party.
Magsesenti pa sana siya bago kami sumakay – salamat daw. Hindi naman daw niya
inakala namakapamamasyal pa siya sa labas ng bansa. First time kasi niya magkaroon ng
passport – para saisang practically ay single-mom, iyong mangarap na magbiyahe pa ay malayo
sa katotohan. Lalo na noon. Kung ngayon pa internet-internet na lamang ang marami
nangangarap na makapunta kung saan-saan, noong panahon niya, sa sitwasyon niya, isa itong
malaking kalabisan.
Thank you, anak, ha, thank you. Hinila-hila niya ang aking kamay. Kako, tse, huwag ka
nga magsenti. Ngumiti lamang siya.
NASA EROPLANO KAMI pauwi ng tanungin niya kung ano 'yung screen sa harap ng
upuan.Sabi ko, entertainment system. Dinikit ko ang headset, nilagay sa tenga niya. Sabi ko, sige
pindutin mo kung gusto mo makinig ng music.
Sinubukan niyang pindutin, lumabas ang mga album. Ginabayan ko ang daliri niyang
mag scroll.Sabi niya “Ay Frank Sinatra! Gusto kong makinig!” Sabi ko, i-scroll mo muli pataas.
Hindi niya magawa. Nagsalubong na naman ang kilay ko. Sabi niya, sige huwag na lang.
“Hmp. Ito naman... balat sibuyas,” kako, sabay kuha ng daliri niya para gabayan sa pag
scroll.Pinindot ko ang album ni Frank Sinatra. Nagsimulang tumugtog. “SALAMAT
ANAK!!!!!”Sigaw niya. Natawa ako. Tinanggal saglit sa tenga niya ang headset, sinabing ang
lakas niya magsalita. Napahagikhik siya. Tinanggal ko saglit ang headset at ginabayan ko ang
kamay niya para malaman niya kung ano ang pipindutin kung ayaw niya ng kanta, o kung gusto
niya hinaan o lakasan.
Napatingin ako sa mga daliri niya bago ko ito tuluyang bitawan. Sa isang mabilis
napagkakataon, parang gusto ko lang sana sabihin, na maski minsan maiinis ako sa kanya,
mawawalan ng pasensiya, hindi ko makakakalimutan na ang mga kamay na iyon ang parehong
mga kamay na nagtaguyod sakin. Maski mukha na silang string beans ngayon.
Napangiti ako ng may maalala, tungkol sa mga kamay niya –
Nasa Jollibee kami. May magandang nangyari noon. Hindi ko na matandaan kung ano.
Parang nakatanggap 'ata ako ng parangal. Habang kumakain ay may dumaang isang bata na may
dalang sundae. Napatingin ako – parang masarap. Hindi naman ako batang mahilig humingi.
Habang kumakain, nakikita ko sa salamin – pasimple niyang hinahanap sa bag ang mga barya-
barya, pasimpleng binibilang sa ilalim ng mesa. Malinaw na malinaw kong naaalala ang mga
daliri niyang nagbibilang, marahil ng pinakahuling pera.
Kulay pula pa ba naman kasi ang mga kuko niya noon. Magaganda, mapuputi, nakaayos
angmga kuko. Tapos inabutan niya ako ng pera. Sabi niya, bumili daw ako ng sundae.
May isa siyang kaopisina, kinuwento sa akin dati, ito daw si Mama, minsan
nangungutang pa kung merong magandang mangyayari sakin, para lang mapakain sa Jollibee.
Pagkain din pala ang naging bribery niya sa akin noon.
Kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. Nakakatulog na siya noon. Ang gaspang na
talaga. Ang igsi na ng kuko. Ang taba na.
Dyahe minsan makipag-holding hands sa matanda (pogi points sa iba - pero wala
namangnakakakita sa amin). Although, sa tingin ko, sa pagkakataong iyon, parang iyon ang
tama.
Our Lady of Imelda
Ni: Kristian Sedon Cordero
Malamang kung mangyari man itong aparisyon na ito sa ating panahon, tiyak na
mapagkakamalang white lady at kakaripas sa takbo ang mga batang uragon. Kung world peace
lang naman ang sasabihing mensahe tiyak na malalaos na kaagad ang birhen dahil gasgas na
itong linya sa mga beauty pageants na usong-uso rin sa Katolikong mundo ng Bikol, kung saan
ipinapanganak ang mga Little Saint Bernadettes, Little Santo Niños, hanggang sa mga Ginoong
San Antonio Ogbon, Reyna Elena for all ages, at ang taunang regional search na nangyayari rin
sa buwan ng Setyembre. Kasali rin siyempre dito ang gay at mga paminta (pa-mhen) editions.
Noong dekada ’90 na lamang nalaglag ang title na Miss Peñafrancia at Miss Gay Peñafrancia
dahil na rin sa pakiusap ng simbahan na huwag di umanong gamitin sa ganoong aktibidad ang
pangalan ng Inâ.
Marami rin daw buwaya sa ilog ngunit nang magsimula na ang debosyon sa
Mahal na Inâ ay bigla na lamang naglahong parang bula ang mga buwaya sa ilog.
Sinasabing ang ingay na nililikha tuwing Sakay (ang prusisyon sa Ilog Naga) ang
tuluyang nagpaalis sa mga buwaya sa dating nilang teritoryo.
Wala pang Basilica Minore noon, kaya ang sentro ng aksyon ay ang simbahan sa Francia,
ang orihinal na sityo ng debosyon. Nagsimula ito bilang isang kapilya na
ipinatayo para sa mga cimarrones o ang mga remontados “taong bundok”, na sa kabila ng
pagiging mga binyagan ay hindi rin naman nakumbinsi ng mga Kastila na manahan sa kanilang
itinakdang sentro. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ganap na naisakatuparan ng mga prayle ang
ilang mahahalagang muhon sa kanilang ebanghelisasyon at isa na rito ang ganap na
pagpapanatili ng mga cimarrones sa iisang lugar at ito ang sityo sa Francia, kung saan
magsisimula ang debosyong huhulma sa identidad ng mga Katolikong Bikolnon. Sa tala ng
simbahan, ang mga cimarrones ang humingi ng kanilang patrona na agad naman na pinabigyan
ng simbahan sa pamamagitan ng isang peninsulares na pari na may malalim ng panata sa Mahal
na Birhen ng Peñafrancia sa Espanya. Unang ipinalaganap ng nasabing pari ang debosyon sa
Peñafrancia sa Paco, Manila hanggang sa ipinatawag siya ng obispo sa Nueva Caceres at dito sa
Naga sinimulan niya ang pagpapakilala sa kanyang patrona na magiging isang malaking icon
para sa mga Bikolnon.
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon, ang debosyon sa Ina ang nanatiling sentral na
metapora sa pagiging Bikolnon, sa kabila ng pagsulpotan ng iba pang icons. Sa mga logong
ginagawa katulad ng mga conventions at conferences na ginagawa sa Bikol, kadalasan
nilalagyan lamang ng “halo” ang Bulkang Mayon at nagiging imahe na rin ito ng Mahal na
Birhen ng Peñafrancia. Kaya nga kapag ikinukumpara ang lungsod ng Legazpi sa Albay at Naga
sa Camarines Sur, hindi maiwasang laging ikinakabit ang
dalawang imaheng birhen at bulkan. May isang paring Katoliko ang pabirong nagsabing
hindi raw ganap na magpapakita ang Mayon kapag hindi na muna dumalaw sa Basilica ni Inâ.
Popular naman na biro na ang sinumang hindi raw pakitaan ng Mayon sa unang
dalaw nito sa Kabikolan ay maaaring hindi na “virgin”.
Dahil sa ganitong mga pakikialam ni Madam, kaya hindi raw talaga marahil
nagawang “mahalin” ng maraming mga taga-Naga si Imelda lalo na nang bumagsak ang
Colgante noong 1972, dahil tinitingnan pa rin ito ng marami na signos ng pagpasok ng buong
bansa sa madilim na kabanata ng Martial Law, na pormal na inanunsyo noong Setyembre 23,
pitong araw pagkatapos na bumigay ang tulay sa Naga. Tila palawit itong hinalbot ni Kamatayan
mula sa kwintas at tuluyang nahulog. Mga butod na bangkay, maiitim dahil sa burak at putik,
parang mga isdang nakuryente, ang tumambad sa ilang pahayagan. Mga tunog ng ambulansya at
plegaria ng kampana ng katedral ang narinig ng araw na iyon. Ngunit mabilis naman kaagad na
nilamon ang trahedya ng mas malaki pang balita, at agad na naibaon sa limot ang malagim na
pangyayari, dahil tumutok na ang buong bansa sa naging deklarasyon ng Martial Law. Kung
kaya wala na ring masusing imbestigasyon ang naganap na maaari sanang maglitis sa ilang tao at
institusyon na may tiyak na pagkukulang sa naging pamamaraan ng selebrasyon ng araw na iyon.
May mga nagsasabi pa ngang may kinalaman ang mga Marcos o ang mga militar, sa
pagkakaputol ng tulay upang maidagdag pa ito sa listahan ng mga pandemonium na sila rin
mismo ang nag-akda.
Sabi sa isang ariwagang Bikol, “An harani sa kuron, nauuringan nin dakulon,”
(Ang malapit sa kalan, mas makapal ang uling.) Kaya kanya-kanyang gapang ang mga
“dakulang tawo” (malalaking personahe) para makasakay sa pagoda ni Inâ. Kamakailan
balitang kinailangang bilhin ng isang senador ang isang t-shirt sa halagang isang daang
libong piso, upang mabigyan lamang siya ng access sa pagoda. Sa ibang bersyon,
boluntaryong ibinigay daw ng dating meyor ng Naga ang kanyang slot kapalit siyempre
ang ilang favorable graces mula sa senador na nagpakilala rin bilang deboto ni Ina.
Nakakuha ng entrance ang senador at habang umuusad ang pagoda sa matandang ilog, pakaway-
kaway pa ang senador, nakangiti, nakikipagkamay sa mga “dakulang tawo”, mga obispo at
tanang kaparian, mga sundalo at abogado, mga managers ng bangko at mga opisyal ng kung ano-
anong religious organizations at pastoral councils, samantalang sa pampang ng ilog naroroon ang
mga deboto at turista, naghihintay sa pagdaan ni Inâ.Marahil inisip ng estangherong senador na
sa kanya iwinawagayway ng mga tao ang
kanilang mga panyo at labis niya itong ikinatuwa. Dahil aktor din ang nasabing senador,
marahil inisip niyang nakasakay lamang siya sa isang float ng isa sa kanyang mga
pelikulang pang-Metro Manila Film Fest. Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya habang
palakas nang palakas ang sigaw ng “Viva La Virgen!” sa lahat ng sulok?
Laging nakakapanindig balahibo ang eksena sa Naga lalo na kapag dahan-dahan nang
kumakagat ang dilim habang lalo namang nagniningas ang mga itinirik na kandila at gasera sa
pampang ng ilog. Kapansin-pansin naman ang papitik-pitik na mga flash mula sa mga kamera na
parang mga batang kidlat, tumatama sa balat, sa rabaw, sa pagoda. May nakukunan. Muling
nagkakahugis ang ilog na biko-biko, parang isang naga o ahas na dahil sa mga ilawan sa gilid
nito ay tila kumikinang ang balat nito, patay-sindi dahil na rin sa hanging nagmumula marahil sa
Bundok Isarog. Parang kaliskis nin Oryol, ang babaeng ahas sa epikong Ibalon! Sa akin, ang
prusisyon sa ilog ay ang muli’t muling panunumbalik ng mga Bikolnon sa primodyal na
kalagayan. Ito ang panahon na pinaghahalu-halo ang mga dasal at awit, ang mga palakpak at
pagpipigil ng mga nais sasabihin, ang mga pagpipigil-hininga lalo na kapag tila nagkakaroon ng
sagabal sa pagsagwan ng mga voyadores, dala ng mababaw na tubig, makapal na putik, o ng
malakas na agos ng ilog.
May ilang pagkakataong tila hindi makausad ang pagoda, at sa ganap na muli
itong gumalaw, magsisimulang muling sumigaw at magpalakpakan ang mga tao, maging ang
mga nanonood sa telebisyon at nakikinig sa radyo. Ganito rin kapag Traslacion, urong-sulong
ang prusisyon at kapag halos mabubuwal na ang andas ni Inâ dahil na rin sa nangyayaring
agawan, tulukan, bangayan ng mga voyadores saka na lamang biglang may kung anong
puwersang kikilos para manumbalik ito, muling maitayo at makausad ang prusisyon. Sa aktong
ito muling magsisipagpalakpakan ang mga deboto, at sisigaw ng magkakasunurang “Viva!”
Sa isang banda, totoo sigurong ang “Sakay” ang gumambala sa mga buwaya at
kaya tuluyan na nilang nilisan ang ilog. Nangawala na lamang sila. Kailan nga ba
nagsimula ang sakay, kasabay ba ito ng Traslacion o una na itong ginagawa ng mga
Bikolnon bago pa ang nakagawiang paglipat ng birhen sa katedral? Kung gayon, maaari
kayang mas suanoy ang sakay dahil sa pamamagitan ng prusisyon sa ilog muling
bumabalik ang mga Bikolnon sa kanilang katutubong paniniwala, ang paglusong sa ilog,
sa ugat ng sinaunang sibilisasyon, na ginagawa minsan lamang sa loob ng isang taon
dahil sa mga darating na araw, muling babalik ang katahimikan sa ilog, sa “ordinaryong
panahon” ng simbahan, habang sa may Colgante na konkreto na ngayon, at tila hindi na muling
bibigay, may isang matandang babae na tapat na nagsisindi ng kandila sa may pampang malapit
sa bumagsak na tulay, walang mintis, sa loob ng apat na dekada, kasama ang kanyang isang itim
na aso na kung minsan ay tahol nang tahol na para bagang may mga nilalang itong nakikita sa
ilog.
Sa pagkakawala ni Ina, una munang lumabas ang imbentaryo ng maaaring parusa lalo na
nang nagsimula nang magbulungan ang publiko sa kung sino o sinu-sino ang maaaring may
pakana sa pagnanakaw sa imahe ni Inâ. Lumabas sa inisyal na report ng pulisya na isang
sindikato na nasa Daet, Camarines Norte ang nasa likod ng krimen. Para naman sa mga taga-
media ipinataw ang bintang sa mga treasure hunters at antique collectors sa Manila na tumitiba
ng limpak-limpak sa mga international black markets. Kung mga elephant tusks mula Africa at
India ang illegal na pinagpapasa-pasahan sa merkado, sa Filipinas, mga pugot na ulo at kamay ng
mga santo at santa ang ibinebenta. Agad namang kumalat o ipinagkalat ang balitang may
kinalaman ang Unang Ginang bilang siyang mastermind sa “pagkidnap” kay Ina. Idadagdag
diumano sa koleksyon ng mga alahas ni Imelda ang mga hiyas na nakasamyo sa Mahal na Birhen
ng Naga. Mga hiyas na unang ikinabit sa kanyang korona noong nagsimula na siyang maging
birhen ng katedral malayo sa kanyang unang pagiging patrona ng mga cimarroness. Mga
diamante at brilyanteng ibinigay ng mga taong may interes sa pagpapabor ng simbahang
Katoliko.
Sa bayan naman ng Nabua, Camarines Sur, una kong narinig ang kuwentong
nabubuhay ang imahen ni Santiago at ang kanyang kabayo at sinusundo pa di umano ang isa
pang santo sa karatig na baryo, si San Ramon, para magkasamang ligawan naman ang santang si
Eulalia sa bayan ng Baao. Bumabalik naman daw ang mga imahen sa kanikanilang altar bago
sumikat ang araw at ang patunay ng ilang matanda na talaga ngang nabubuhay si Santiago ay
laging may putik sa paa ng kabayo sa tuwing lilinisan na ito ng caretaker ng kapilya. May ilang
nagsabing lumalaki rin daw kasi ang bayag ng kabayo ng santo. Marami namang kuwento na
nagiging shapeshifter pa nga ang mga santong ito. Sa barangay Tapayas sa bayan ng Balatan,
nagiging manok daw ang patron na si San Antonio Abad tuwing kapiyestahan niya, kung kaya
ingat na ingat ang mga tao na katayin ang lahat ng manok at baka makatay nila ang kanilang
patron.
Sa loob ng ilang buwang paghahanap kay Ina, nagpatuloy ang drama na parang
isa itong telenobela, may ilang mga taong nagsabing katulad ni Simon Vela,
napanaginipan din nila si Inâ at sinabi sa kanila ng Mahal na Birhen ang kanyang
eksaktong lokasyon. Isa sa mga nangahas ang isang lalaking taga-Pasacao na nagsabing naroon
lamang raw si Ina sa likod ng simbahan kung kaya bigla na lamang itong nagpasimulang
manawagan na samahan siya sa kanyang paghuhukay sa sementeryo ng Francia, sa likuran ng
simbahan. Ang sementeryong ito ay libingan ng maraming prominenteng tao sa Naga katulad ng
mga Villafuerte, Arejola, Yllana at Almeda. Katulad nang inaasahan dinumog ng mga tao ang
okasyon sa pag-asang napanaginipan nga talaga ng taong iyon ang tunay na lokasyon ni Inâ.
Umasa ang marami na kahit nilimas na nila ang mga hiyas, basta’t makabalik lang sana ang
katawan ni Inâ, ang nililok na kahoy at “kinulayan” ng dugo ng aso, ngunit katulad ng mga
alagad ni Jesus, matapos ang buong araw na paghuhukay sa sinasabing napanaginipan at
itinurong lokasyon ni Ina, muling tumambad sa mga sumasaksi at nagmiron ang libingang
walang laman.
III. Setyembre 8, 1982: Ang Misteryo ng Chop-Chop Lady ng Peñafrancia
Kung misteryoso ang pagkawala ni Inâ, lalo namang nababalot ng samu’t saring
“manto” (katawagan sa damit ni Inâ) ang mga salaysay nang muli niyang pagkakatagpo. Sa
katanuyan maraming mga bersyon ang lumilitaw hanggang sa ngayon, katulad halimbawa na sa
Cebu raw talaga natagpuan si Inâ, at hindi naman talaga ito isinauli sa opisina ng CBCP, gaya ng
naging pahayag ni Msgr. Florencio Yllana, ang liason officer ng kapisanan ng mga obispo. Si
Msgr. Yllana ay dating rector at kura rin ng Peñafrancia Shrine sa Naga. Siya rin ang nagsulat ng
pangunahing dasal sa Mahal na Ina. Nakalibing siya ngayon sa kamposanto sa Francia, tumbok
sa mismong altar ng Mahal na Birhen.
Nang pumutok ang balitang muli nang natagpuan si Inâ, agad namang lumabas
ang news item na naging instrumental si Imelda sa muling pagkakahanap sa imahe. Isang bagay
na agad namang pinabulaanan ni Msgr. Yllana na siyang direktang nakipag-usap sa isa sa mga
magnanakaw na diumano’y napilitan nang isauli ang Mahal na Birhen dahil nagsisimula na
siyang “makonsensya at kung ano-ano nang kamalasan ang nangyari sa kanila”. Ayon kay Msgr.
Yllana, hindi raw lumabas o nabanggit man lamang ng magnanakaw ang pangalan ng Unang
Ginang at hindi rin totoo na nagkaroon ng pagbabayad sa ginawang pagsasauli sa imahe ni Inâ.
Nakuha sa santong dasalan ang lahat.
Nang ganap nang maisauli si Inâ sa mga opisyal ng simbahan, agad itong kinilala ng
Arsobispo ng Caceres at ng ilang mga matatandang pari. Sa testimonya ni Msgr. Yllana, wala na
ang mga dyamante at mamahaling alahas nang isinauli ang antigong imahe. Ganun pa man,
napuno ng galak ang puso ng mga saserdote at nagkasundo sila na ang chop-chop lady ay ang
kanila ngang nawawalang Inâ, dahil na rin sa mga particular na katangian nito: duling na mata,
uka sa ganitong bahagi, at iba pa. Dali-dali naming kinumisyon ang muling pagbubuo sa imahen
nang sa gayon agad itong maibalik sa kanyang tahanan sa lungsod ng Naga, kung saan
naghihintay na ang marami sa kanyang mga nangungulilang deboto. Nang taong iyon, tuluyan
nang natapos ang basilica at akmang-akma na sa kanyang pagbabalik ay may bagong tahanan
siyang uuwian. Tahanang binatikos ng maraming deboto lalo na’t umeksena na ang Unang
Ginang sa konstruksyon ng nasabing simbahan.
Sa pagkakasauli kay Inâ, agad na nagdaos ng misa ang mga pari sa opisina ni
Msgr. Yllana. Sa mga naunang balita, napaulat na mismong ang Unang Ginang ang pumunta sa
opisina ni Msgr. Yllana para sumama sa liturhiya ng pasasalamat. Maraming mga Bikolanong
pulitiko at opisyal ng gobyerno ang agad na sumugod naman sa CBCP upang dumalo sa
nasabing pagtitipon. May nagpakuha ng larawan katabi si Ina na magiging laman naman ng
pahayagan sa Bikol. Matapos ang mga naging pag-uusap ng mga opisyal ng simbahan at ilan
pang prominenteng tao sa Bikol, napagkasunduang ibalik si Inâ sa Naga sa mismong araw ng
kapiyestahan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria (Setyembre 8). Kaya nga perfect ang
timing, nagkakasunud-sunod ang mga pangyayari na parang orchestrated ang lahat simula sa
pagkawala ng imahe hanggang sa muli nitong pagbabalik noong 1982 na kasabay din ng
inaugurasyon ng kanyang bagong tahanan, ang basilica. At di lamang dito nagtatapos ang
kuwento ng pagbabalik ni Inâ, dahil sa mismong araw na iyon, sinasalanta ng Bagyong Ruping
ang Kabikolan, at mapaghimalang lumiliwanag diumano ang kalangitan sa bawat baying
nadadaanan ng convoy ni Ina. Hindi rin nakapagpigil ang mga taong lumabas at magtungo sa
katedral para sa Misa ng Pasasalamat sa kabila ng banta ng kalikasan. May ilan namang malayo
sa Naga ang patuloy na nag-abang na lamang sa balita tungkol sa pagbabalik ni Inâ.
Sa kauna-unahang panahon, hindi tungkol sa nagdaraang bagyo ang laman ng
balita, kundi si Inâ. Dagdag pang espektakulo ang balitang bigla na lamang humupa ang tubig-
baha sa mga mababang lugar tulad ng Minalabac, Milaor at San Fernando na
dadaanan ng convoy papasok ng Naga, at nang ganap na makapasok na sa Naga ang
convoy biglaang nagliwanag ang langit, at tuluyang humupa ang buhos ng ulan at tila
nagpigil na makahinga ang hangin, hanggang sa ganap na pinatunog batingaw sa katedral na
maluwalhating ibinibalita ang pagdating ni Inâ. Isang kakaibang traslacion ang nangyaring
homecoming na ito ng Birhen ng Peñafrancia.
Matapos ang misa, wala nang nangahas na magtanong sa kung sino at paano nga ninakaw
si Inâ, at ang mga saserdote na rin mismo ang sumupil sa anumang pag-uusap na maaaring
magturo sa mga tunay na salarin. Ayon sa hirarkiya, sapat nang nakabalik si Inâ. Higit na
mahalaga pa rin ang kahoy dahil ito si Inâ, at hindi ang kanyang mga dyamante na ikinabit
lamang sa kanya sa paglipas ng panahon. Madali namang tinanggap ng marami ang ganitong
paliwanag bilang “sabi ng pari, hindi mababali.”
Sa akin, ang pagbabalik ni Inâ noong 1982 ay ang Traslacion ng mga Traslacion
dahil nakilahok ang langit sa buong produksyon ng nagbabalik na patrona. Isang
homecoming na puno ng himala. Kung kaya noong mismong taong iyon, kinailangang
itampok din ang isang engrandeng prusisyon sa ilog na ganap na magtatapos sa bagong tayong
basilica, ang simbahang sinasabing regalo din di umano ni Imelda kay Ferdinand. Sina Jaime Sin
at Rufino Santos, dalawang kardinal, ang naging mga panauhing pandangal sa naging
selebrasyon noong 1982.
Masasabing ang grandyosong pagbabalik ni Inâ ay sapat na para kalimutan ang
nangyaring pagnanakaw sa nasabing imahe, at dahil ang hirarkiya pa rin ng simbahan ang ganap
na nasusunod sa pagsasakasaysayan ng naturang debosyon, sapat na ang itala ang nasabang
pangyayari bilang isang mahalagang detalye sa naratibo ng debosyon ng Peñafrancia sa Naga
katulad ng trahedya sa Colgante. Walang imbestigasyon, walang pagsubok at pagtatayang inilaan
ang simbahan man o ang awtoridad upang ganap na magbigay ng linaw at hustisya lalo pa’t may
mga buhay na nalagas sa proseso ng pagtatanghal ng trahedya sa Colgante at ang drama ng
pagkawala ni Ina. Dahil sa walang malinaw na konklusyon, kung kaya hanggang sa ngayon,
nananatili ang mga haka-haka at ang mga ipinapalagay na lamang na mga “himala” bilang
esensyal sa naratibo ng pagkawala at pagsasauli sa imahe ni Ina. At may kutob ako na
pinapanitili na lamang sa ganitong kalagayan ang buong salaysay ng Peñafrancia, dahil
nakapadron naman ang buong naratibo ng Katolisismo sa mga salaysay na apokripal, sa kagila-
gilalas, sa walang lohikal na pahayag upang makalusot pa rin ang mga pinaghihinalaang pusakal.
Sa madaling sabi, sinusunod na lamang natin ang pasya ng iba at tinatanggap na lamang ang mga
ito, kahit ang mga hindi natin maunawaan at maipaliwanag katulad ng pagkawala at muling
pagbabalik ni Inâ. Tinatanggap natin ang mga himala upang patahanin o di man
upang lusawin ang ating mga hinala, kahit na wala naman talagang pinagkaiba ang mga hinala o
himala sa marami sa atin.
Sa palagay ko ang dahilan ng naging pagturing sa mga Marcos bilang mga mitikal na
personahe ay nakagamot din sa di malinaw at walang kakayahan nating tingnan kung alin ang
kahina-hinala at kung ano ang sinasabi nating “himala”, at tunay nga naming matagumpay na
naisakatuparan ng mga Marcos ang metapisikal na representasyon ng “maharlika” at “bagong
lipunan” na nakapaloob naman sa ubod ng relihiyong monoteyismo, katulad ng Kristiyanismo na
nagtataguyod naman sa debosyon sa “isang” Ina, sa “isang” diwa at “isang” bayang pinili o
“pueblo amante Maria”. Nakapagtayo sila ng mga bagong templo katulad ng ginawa ni David at
Solomon sa Jerusalem. Naisulong nila ang pagbabagong lipunan sa pamamagitan ng pag-aalay
ng dugo sa altar ng bayan: militar man ito ang mga inaakalang rebelde. Naipakita nila ang
maraming palabas: kung ano ang “ubod”, ang “loob”, ang “esensyal” sa pagiging
Filipino/Kristiyano. Sa medaling sabi, nangusap din sina Ferdinand at Imelda Marcos sa wika at
sistemang itinataguyod ng Katolisismo kung saan ang buong salaysay ng pagnanakaw at
pagtubos, ng sakripisyo at kabayanihan, ng pag-alaala sa mabuti at paglimot sa kasalanan ay
nanatiling pinakaugat ng relihiyon, sa parehong paraan na ito rin ang diskursong pinapairal sa
pagtataguyod ng bagong lipunan. Ang lehitimasyon ng Martial Law ay nakapadron sa doktrina
ng purgasyon (Sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan) at ang kumbersyon ng bayan.
Naisakatuparan nila ang pagiging Malakas at Maganda, ang pagiging hari at reyna sa isang
bansang napakaraming mga obispo. Kung kaya masasabing matagal ring nakipagsayaw ang
simbahang Katoliko sa doktrina ng mga Marcos. Kaugnay ng kanilang propoganda ng
pagbabagong lipunan ang doktrina ng pagbabagong buhay. At huwag nating kalilimutan na ang
mga Marcos rin ang nangampanya at nagsulong upang sa unang pagkakataon nagkaroon ang
Filipinas ng unang beato sa katalogo ng mga kanonisadong mga banal.
Matatandaan na ang beyatipikasyon kay Lorenzo Ruiz sa Luneta Park noong 1981 ay ang
unang pagkakataon na ginawa sa labas ng Roma ang nasabing sagradong seremonya.
Matatandaan din na ang mga Marcos din ang nagpasimuno upang maghanap ng maaaring
maging gawing santong Filipino at ito’y bilang bahagi rin ng kanilang muling pag-aakda ng
bansa na sinuportahan naman ng buong aparato ng Simbahang Katoliko. Kasama rin daw sa
kondisyon na ibinigay ng Roma, na kailangan munang alisin ni Marcos ang Martial Law sa
Filipinas bago bumisita ang Santo Papa noong 1981. Sa pagbisita ni Gloria Macapagal Arroyo sa
Vatican noong 2006, ibinigay rin niyang “regalo” kay Ratzinger ang kopya ng batas sa Filipinas
na tinatanggal na ang parusang death penalty, ito’y sa kabila ng napakaraming kaso ng extra-
judicial killings sa panahon ni GMA. Samantalang marami namang mga bali-balitang mismong
ang mga kura at mga obispo ang pumipila sa Malakanyan noong panahon ni Marcos, upang
maghandog ng mga antigong gamit, mga kalis at siburyom at imahe ng santong yari sa garing, at
mula ito sa kani-kanilang mga parokya. Kung sa bagay, maging sa panahon naman ni Gloria
Macapagal Arroyo, mauulit pa rin naman ang ganitong eskima ng simbahan at ng pamahalaan,
halimbawa na lamang ang kaso ng Pajero bishops, at ang pagkakaroon niya ng Presidential
Adviser for Religious Affairs, na ang pangunahing tungkulin ay mag-abot ng donasyon sa mga
tuta ng Roma.
Sabi ng mga kaibigan ko, makulit daw ako. Sabi ko naman, ako ay sadyang mapagtanong
lang. Magkaiba ang makulit sa mapagtanong. Ang makulit ay walang napapala kung hindi ang
magpainit ng ulo ng ibang tao, habang ang mapagtanong ay nakatatanggap ng bagong kaalaman
at pagkaunawa.
Oo, mapagtanong ako, pero tila tama rin pala ang aking mga kaibigan.Sa mga
pagkakataong sumosobra na ang aking pagtatanong, hindi ko namamalayan na nagiging makulit
na pala ako. Heto nga at umiinit na ang ulo ng aking minalas na kaibigan. Bakas sa kaniyang
mukha ang kahanga-hangang pagtitimpi at bagamat inaasahan kong anumang oras ay bibigay na
siya at sisigawan ako, sa huli ay pinilit na lamang niyang ngumiti at makiusap, “I-Google mo na
lang ‘yan.”
Nang makauwi, agad-agad akong umupo sa harap ng computer at binuksan ko nga ang
naturang web search engine. Walang partikular na kaaya-aya tungkol sa lumitaw sa aking web
browser. Nasa gitna ang malaki at makulay na mga titik ng kaniyang pangalan. Sa ilalaim naman
nito ay isang mahabang patlang, naghihintay na mapunan. Simple lang ang representasyon at
simple lang din ang kailangang gawin upang mapakinabangan ito.
I-Google ko raw ang lahat ng mga katanungan ko. Sige, masubukan nga. Tingnan natin
kung kakayanin ng Google na ito ang aking pagiging makulit - este, mapagtanong pala.
Lumipas ang ilang taon. Naimbento na ang DSL (digital subscriber line) at ang
broadband Internet. At may WiFi na rin! Hindi na kailangan problemahin ang limitadong oras ng
paggamit. Hindi na naaapektuhan ang linya ng telepono sa tuwing gagamit ng Internet. Tunay na
malayo na ang narating nito mula noong una itong nalikha.
Ngunit, minsan na akong nagtaka. Sa madaling salita, umiral nanaman ang aking
pagiging mapagtanong. Hindi ba’t sa pagsusumikap na maghatid ng bisa at bilis, higit pang
humirap ang mga hakbang tungo sa ugnayan at komunikasyon? Hindi ba’t sa ating labis na
pamamalagi sa cyberspace, tila pinuputol natin ang ating ugnayan sa katotohanan, sa mundong
tunay nating kinabibilangan?
Marahil ay nasanay na ako kaya agad kong kinunsulta ang Google. Tulad ng dati, hindi
naman ako nabigo. Marami akong nakuhang iba’t ibang paliwanag tungkol sa Internet bilang
midyum ng ugnayan at komunikasyon, ngunit nauwi ang lahat sa iisang konklusyon: na hindi
maikakaila ang malaking tulong at benepisyong makukuha mula sa paggamit ng Internet.
Hindi ko magawang maging masaya sa sagot na ito. Kaya naman, nagbukas ako ng
maraming window at sabay-sabay na isinabak ang aking mga katanungan sa search engine.
Nagawa ko lang tumigil nang maramdaman ko ang pangangalabit ng aking kapatid.
Nakasimangot na siya, wari ay kanina pa sinusubukang mahuha ang aking atensyon. “Kanina ka
pa tinatawag ni Mommy!”
Sa sandaling iyon, ako na rin mismo ang nakatuklas sa sagot sa aking mga katanungan.
Ako ay sadyang mapagtanong. At marahil, dahil walang katiyakan ang takbo ng buhay,
marami pang ibang tao ang nagiging mapagtanong. Sila ay nagtatanong sa kagustuhang
makakuha ng kahit kaunting pahiwatig sa kung ano ang haharapin at pagdaraanan. Sila ay
nagtatanong sa kagustuhang maunawan ang mga kinahinatnan. Sila ay nagtatanong sa
kagustuhang malaman kung ano ang magagawa upang mabago ang kapalaran.
Kaya naman, habang patuloy na dumarami ang mga katanungan ukol sa bagay-bagay, tila
isang biyaya ang pagkakaroon ng isang batis na siyang maghahatid ng mga inaasam na mga
kasagutan sa isang madali at mabilis na paraan. Nahanap ko at ng aking mga kapwa
magpagtanong ang batis na ito sa anyo ng Google at iba pang mga search engine.Walang
kahirap-hirap. Isang pindot lang, nariyan na ang mga sagot. Isang pindot lang, abot mo na ang
mundo.
Ngunit, hindi cyberspace ang mundo ng kasagutan. Oo, may mga impormasyong taglay
ito na ating maaaring makuha sa isang madali at mabilis na paraan, ngunit hindi ito ang ating
tunay na kailangan.
Ang hindi natin alam, o marahil ang alam nga natin ngunit ayaw naman tanggapin, ay
mas mahalaga ang proseso ng paghahanap para sa mga kasagutan kung ikukumpara sa kasagutan
mismo. Sa pagdating ng mga pagsubok sa buhay, totoong hindi natin maiiwasan ang
pagkakaroon ng pag-aalinlangan tungkol sa nangyayari sa ating sarili at sa mundong ating
kinagagalawan. Walang kasiguraduhan ang mga bagay. Wala tayong nauunawaan, samantalang
naiipon na ang mga tanong sa ating isipan.
Sabi ng mga kaibigan ko, makulit daw ako. Sabi ko naman, ako ay sadyang mapagtanong
lang. Bakit ba lagi na lang akong napagsasabihang makulit? Makulit nga ba ako?
Hindi ko na susubukang i-Google ang mga tanong ko. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras
na paikot-ikot sa mundo ng cyberspace.
Wala roon ang mga sagot.Sa halip, igugugol ko na lamang ang oras ko sa pagharap sa
buhay, maging anumang hirap o pagsubok ang kaakibat nito. Ito ang mundo ng katotohanan.Ito
ang mundo ng kasagutan.
Madyik Bisikleta
Ni: Jueliand Peter A. Perez
Buong kabataan kong hiniling sa aking mga magulang na sana’y regaluhan nila ako ng
isang bisikleta. Mula pa kasi noon ay mahilig na akong pumunta kahit saan; lubos akong naaaliw
kapag mayroon akong nakikitang bago. Hilig ko ang maglakad, tumakbo at bumiyahe sa kung
saan man ako dalhin ng aking malilikot na mga paa. Ngunit hindi nila ako pinagbigyan sa aking
kahilingan, delikado raw para sa akin ang bisikleta, maari raw kasi akong maaksidente kapag
ako’y nagpaandar nito sa kalsada. Nakalulungkot man, naghanap na lamang ako ng isang
sasakyang maaari kong ipalit dito.
Nang lumaon, nadiskubre kong mayroon palang isang bagay na kayang-kaya akong dalhin sa
kahit anong lugar na aking naisin, makakilala ng mga taong mayaman sa karanasan, makasaksi
sasagot sa aking mapagtanong na isipan. Hindi sa lupa, dagat o hangin tumatakbo ang paboritong
sasakyan kong ito, lalong hindi rin kailangan ng gasolina upang gumana. Tanging imahinasyon
lamang at tiyak na lilipad na ang utak ko! Bawat paglipat ng pahina’y tila katumbas ng isang ikot
ng mga munting gulong ng isang bisikleta. Parang madyik, ‘di ba? Nasubukan niyo na rin bang
Kung dati’y hirap na hirap akong hanapin ng aking ina kung saan-saan, ngayon ay hindi
na. Lagi na lamang kasi akong nakaupo sa harap ng kompyuter at kadalasa’y nagbabasa ng
kakadownload ko lamang na libro mula sa internet. Kung noong kabataan ko’y tanging mga
aklat lamang ang aking laging hawak, ngayon ay mas nahihilig akong magbasa ng mga e-books
(electronic books). Tila mas nakahuhumaling ang mahika ng mga librong ito. Mas mura kasi
kumpara sa presyo ng mga nakalimbag na mga libro, kung minsan nga ay libre pa! Isang click
lang at napapasaakin na kaagad ang e-book na kailangan o gusto kong basahin. Kapag ako
nama’y nasa labas ng bahay, inililipat ko ang mga e-books ko sa aking cellphone. Mas madaling
basahin at hindi pa ganoon kabigat.
Isang maaraw na hapon, habang ako’y libang na libang sa pagbabasa ng isang nobelang
e-book sa aking kuwarto, may narinig akong isang napakalakas na tunog, boom! Pagkatapos ay
biglang dumilim at nawalan ng kuryente! Sobra ang pagkainis ko noong mga panahong iyon
dahil nasa climax na ako ng binabasa kong nobela. Ibang klase talaga kung humirit ang
pagkakataon! Naisip kong umupo muna sa harap ng bintana at magpahangin na lamang. Habang
ako’y patuloy na naghihintay sa muling pagkakaroon ng kuryente, nagmasid ako. Napansin kong
Tunay na mailap at kung minsa’y nakamamangha ang bawat eksena sa ‘ting buhay.
Mayroon talagang mga pagkakataong kung iisipin ay sinadya upang maimulat ang ating mga
isipan at maiparamdam muli sa atin ang halaga ng mga bagay na minsan ay atin nang tinalikuran.
Pinunasan ko ng basang tela ang aking munting istante ng libro. Napansin kong may mga
binili pala akong librong hindi ko pa nababasa. Doon napagtanto kong lubusan na pala akong
kung saan ba talaga ako unang natuto at namangha. Naalala ko kung gaano kasaya ang aking
kabataan noon; iyong mga panahong nag-uumaapaw sa kagalakan ang aking damdamin tuwing
mayroon akong bagong aklat. Kung gaano ako natutuwa sa tuwing naglilikha ng isang kakaibang
tunog ang bawat mabigat na librong aking isinasara at kung paano ko inililipat-lipat ang mga
aking cellphone o kaya’y pagii-scroll ng mouse sa tuwing ako’y nagbabasa ng mga e-books
ngayon. Sa pagkakataong muli kong binuksan ang mga tunay na librong aking tinalikuran, naisip
kong hindi pala dapat ipagwalang-bahala ang mga librong ito. Maling-mali ang ginawa ko.
Sumagi sa aking isipan iyong mga kabataang nasa remote areas ng ating bansa, kung saan
walang kuryente, simple lamang ang pamumuhay; nag-aaral gamit ang klasrum na gawa lamang
sa kawayan, at tanging mga dahon ng saging lang ang sinusulatan. Naisip kong lubhang
mahalaga para sa kanilang edukasyon ang mga librong aking binabalewala. Sa mga panahon
ngayon kung saan laganap na ang mga e-books, baka manliit sila sa kanilang mga sarili oras na
malaman nilang ang mga mahahalagang aklat gaya ng Encyclopaedia Britannica ay hihinto na sa
paglilimbag at gagawin nang digital ang produksyon ng mga susunod nitong edisyon.
teknolohiya sa panahon ngayon. Naisip ko na lamang na ayaw kong magising isang araw kung
saan lahat ay digital na, kung saan wala na halos mga publishing house ang naglilimbag ng mga
libro at binabalewala na lamang ng mga tao ang mga aklatan gaya ng National Library. Tiyak na
isa iyong bangungot.
Kung magkaganoon man, paano na ang pag-aaral ng mga kabataang kapus-palad kung libro pa
lamang ay butas na kaagad ang kanilang mga bulsa? Hindi kasi maaring makakuha ng mga
ebooks hangga’t walang kompyuter o kaya nama’y cellphone o tablet na mayroong access sa
internet. Kawawa ang mga batang ni minsan sa buhay nila’y hindi pa nakahahawak ng mga
produkto ng teknolohiya. Tsk, tsk… Naalala kong kung tutuusin pala’y sobrang laki ng naging
parte ng mga nakalimbag na librong ito sa aking buhay-estudyante. Noon, ako at ang aking ina
ay dumadayo sa mga kaibigan niyang mayroong anak na mas nakatatanda ng ilang taon sa akin
at hinihingi namin ang mga pinaglumaan nilang libro. Tinatakpan namin ng xerox copy ang mga
pahinang mayroon nang
sagot o sulat. Binabaybay din namin ang kahabaan ng Recto upang bumili ng second hand
books. Nakapapagod man, tiyak naman ng aking inang mas nakatipid kami. Nagpatuloy ang
diskarteng iyon ng aking ina hanggang sa ako’y makatapos ng elementarya. Naisip kong kung
ebooks ang tanging uri ng mga librong gamit ng aking paaralan noon, siguradong doble ang
hirap
na dinanas ng aking ama’t ina sa pagkayod mapaaral lamang ako; bukod sa wala namang second
hand e-books, ay sobrang mahal pa ng presyo ng mga gadyet na maaaring magpatakbo ng mga
‘ting bansa lalong-lalo na sa edukasyon. Sa mga printed books, nagiging masikhay ang isang
books sa nilalaman, naging mas nakahuhumaling lamang ang mga e-books dahil sa ito’y uso at
Ilang sandali pa, muli nang nagkaroon ng kuryente. Marami akong natutunan sa ilang
minutong tila may ipinamulat sa akin ang pagkakataon; na may mga bagay palang hinding-hindi
natin dapat ipagwalang-bahala, na hindi nangangahulugang mas higit ang halaga noong mga
bagong tuklas kaysa sa mga luma’t nakasanayan na. Ibang klase talaga kung humirit ang
Patuloy na nagbabago ang ating mundo. Hindi ba’t nasa modern information age na tayo?
Ang paglaganap ng mga e-books ay hudyat lamang ng mas mabilis na pagtuklas at pagpapalitan
ng mga makabagong kaalaman upang mas mapaunlad ang ating uri ng pamumuhay. Walang
masama kung tayo ay sasabay sa pagbabagong ito, lagi lang sana nating tandaan na ang mga
printed books ay naging malaking parte at nagsilbing tulay sa kung ano ang mayroon tayo sa
ngayon. Atin ding patuloy na alalahanin na hindi lahat ay kayang sumabay sa pagbabagong hatid
ng teknolohiya, kaya’t nararapat lamang na ating patuloy na pahalagahan ang mga printed books
Ang edukasyon ay isang patuloy na paglalakbay. Mula nang ako’y matutong magbasa,
napatunayan kong napakalaki ng papel ng mga libro sa paglalakbay na ito. Maging printed o
electronic book man, parehong uri ng libro’y patuloy akong tinutulungan sa aking pag-unlad
bilang isang mag-aaral, parehong nagsisilbing isang sasakyan sa tuwing ako’y maglalakbay.
Ngayong mas naging bukas na ang aking isipan, pakiramdam ko’y naglalakbay ako gamit
ang isang madyik bisikleta tuwing ako’y nagbabasa–kung saan ang isang gulong ay nagsisilbing
mga e-books at iyong isa naman ay mga printed books. Lubos ang pagpapahalaga ko sa madyik
bisikleta kong ito. Dahil dito, mas naging makulay at kawili-wili ang aking paglalakbay tungo sa
kumuha ako ng aklat mula sa munting istante. Kitang-kita ang muling pagkasabik sa aking mga
mata oras na mahawakan ko iyong libro. Ako’y napangiti at ilang sandali pa’y muling sinimulan
Click. Click. Click. Sino nga ba ang mag-aakala na sa isang pindot lang ng hintuturo sa mga
makabagong makinarya, abot-kamay na ang lahat ng kasagutan sa isang takdang aralin? Sa
isang pindot lang, lahat ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang asignatura, mga plataporma sa
politika, mga maiinit na balitang artista at lahat ng pwedeng malaman tungkol sa kung anu-
anong bagay. Maging ang pinakatatagong lihim ng nakatabi mo sa sakayan ng dyip habang
papunta ka sa dapat mong puntahan ay maaari mong malaman sa isang pindot lang. Malay
natin, sa isang pindot lang, baka nakita na ng buong mundo ang litrato mong palihim na
kinunan ng iyong mga kaibigan habang ikaw ay nakanganga at natutulog ng mahimbing.
Sa bawat araw na nagdaraan, patuloy na lumalaki ang bagong mundong gawa ng mga tao.
Araw-araw, dumarami ang impormasyong nagbibigay ng kasiyahan sa kulukuti ng tao at patuloy
na nagbibigay ng daan sa mga bago at mas komplikadong katanungan. Unti-unti nating
pinupuno ng ating mga ideya, pangarap, kuro-kuro at kung anumang pumasok sa ating isip ang
mundong ito. Bilang kapalit sa pagbabahagi ng ating mga nalalaman, tahasan din nating
sinisingil ito sa pamamagitan ng paghiram, o pagnakaw, at pagsasabuhay ng mga ibinahagi ng
ibang tao. At kung biglang gumana ang ating utak, lalo nating dadagdagan at paghuhusayan ang
mga kontribusyong ating ginawa at ang mga kontribusyong ginawa ng ibang tao. Sa bawat
paglubog at pagsikat ng araw, lalong napaglilinang ng mga bagong ideya ang Internet.
Kung titingnan natin sa ganintong pananaw ang Internet, masasabi natin na isa ito sa mga
napakahusay ng ginawa ng tao. Bukod sa pinapadali nito ang lahat ng bagay, sabi nga ng iba,
“Kumpletos rekados.” Tama, dahil sa sinasabi nating pagkakumpleto nito, hindi mo na
kinakailangang lumabas ng bahay at pasukin ang isang masukal na silid-aklatan upang magbasa
at maghanap ng impormasyon. Hindi mo na rin kinakailangan lusungin ang maalinsangang araw
upang makapamili ka ng iyong mga kinakailangan. Dahil sa Internet, hindi mo na rin kailangang
gumawa at magpadala ng napakahabang liham para sa mga kaibigan mong nasa malalayong
lugar. Kung gusto mo namang makakilala ng ibang tao, hindi mo na kinakailangang lumabas at
makipagkamay sa mga estranghero. Lalong hindi mo na kailangang magpawis at magbabad sa
araw kung gusto mong maglaro at maglibang kasama ng iyong mga kaibigan. Konting pindot
lang at pwede mo nang gawin ang lahat. Pero kung titingnan naman natin sa kabilang banda,
lahat ng ito ay balewala at wala pa sa kalingkingan ng ng pwede nating magawa sa tunay na
mundong ating ginagalawan.
Bilang isang tao ng parating gumagamit ng Internet, aking nalaman na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay pwede kong makilala ang nais kong makilala, makita ang nais kong makita at
malaman ang nais kong malaman. Hindi ako kailanman makukuntento sa mga ibinabahagi nito
sa akin. Kulang na kulang ang mga aral na aking napupulot. Kaya sa paglaon ng panahon,
namulat ang aking kamalayan nang dahil sa isang napakahalagang aral. Ang pinakamahalagang
aral na natutunan ko mula sa Internet ay hindi matatagpuan sa Internet ang lahat ng mga
kasagutan at aral na may tunay na kabuluhan sa ating buhay. Mas mainam na hanapin ang mga
kasagutan at aral na ito mula sa personal na pakikisalamuha sa ibang tao, sa sariling pagtuklas
mula sa mga maaaring pagkunan ng kaalaman at kasanayan maliban sa Internet, at sa
pagmamasid sa tunay na sitwasyon ng ating lipunan at pakikialam dito kaysa iasa lahat sa
Internet. Bakit? Dahil sa aral na ito, natutunan ko ang kahalagahan ng mismong pagharap sa
lipunan upang makipagpalitan ng ideya, ng masigasig na paghahanap ng kaalaman sa mga
bahay at lugar na hindi inaasahang magtataglay ng mayabong na karunungan, at ng pakikialam
sa mga bagay na talagang may kinalaman sa atin.
Sa isang mundong tumatakbong mabilis, lahat tayo ay nais ding mapadali ang lahat ng
bagay. Nakaliligtaan natin ang lahat ng mga alkat, pahayagan, magasin at mga litratong
inilimbag upang ating gamitin ng mga naghahanap ng karunungan, lalong-lalo na ang mga
kabataan na hindi tumitigil hanggang hindi nakikita ang katotohanan. Hinahayaan na lang ang
mga ito na takluban ng mga alikabok at pagpiyestahan ng mga anay sa mga silid-aklatang tila
isang siglo na ang nakararaan nang ang mga ito ay bisitahin ng mga kabataang sabik sa
pagtuklas. Nakalulungkot na iniaasa na lang natin sa teknolohiya ang paghahanap at pagtuklas.
Payamot na lang nating hinihintay na lumabas sa loob nang ilang segundo ang ating sinasaliksik
kaysa masigasig na binabasa ang bawat pahina ng isang aklat upang makahanap ng may-
kaugnayan sa ating hinahanap sa loob ng isa o higit pang mga araw. Dumadalas na rin ang ating
panininisi sa teknolohiyang nabuo lamang upang mapadali ang ating buhay kapag hindi natin
mahanap ang dapat na mahanap kaysa gumawa ng paraan upang matapos ng maayos ang isang
gawain. Aminin na natin. Nababawasan na ang ating pasensya at pagiging maparaan dahil sa
ating walang maliw na pagsandal sa teknolohiyang ito.
Sa patuloy na paggamit ng Internet upang pagkaabalahan ng panahon ang bagay na wala
naman talagang katuturuan at maitutulong sa ating buhay, hindi na natin nakikita ang mga
bagay na talagang may saysay. Nabubulagan na tayo sa mga balita at artikulong ang nais lang ay
ialis ang ating mga isipan sa totoong mundo, sa tunay na sitwasyon ng ating bayan at mundo.
Iilan ba sa atin ang nais talagang matuto upang isang araw ay masabi niyang handang-handa na
siya upang tanggapin ang hamon ng buhay? Kung nais mo talagang matuto, hindi mo dapat
isugal sa Internet ang iyong panahon upang malaman lang ang mga sagot sa mga katanungang
nagsisimula sa sino, kailan at saan. Mas kinakailangang sagutin ang mga tanong na may bakit,
paano at ano. Ang pagmamasid at pakikialam mismo sa mga suliranin ng lipunan lamang ang
makasasagot sa mga tanong na iyon. Ang lipunan at ang kakabit nitong mga problema’t
solusyon lang ang makakapagturo sa iyo ng kung ano ang mas nararapat na gawin sa tamang
panahon.
Marahil, ginawa ang Internet upang mapagaan ang pasaning dinulot ng pagnanais na
malaman ang lahat. Subalit hindi sapat na pindutin lang ang kung anumang resulta na lumabas
sa ginagamit na search engine at basahin o panoorin lamang ang mga ito. Kinakailangan na
pumindot din tayo sa ating kamalayan at buksan ang ating mga mata upang makita nating
maiigi kung ano ang mas mahalaga at mas tama, sa paraang hindi nating iniaasa lahat sa agham
at teknolohiya. Kapag nakita at naintindihan na natin ang tunay na kasagutan pagkatapos ng
mga paghihirap sa paraang tayo mismo ang gumawa, doon pa lang natin masasabi na natuto
tayo at kuntentong ipagpatuloy ang buhay.
Agaw-buhay
Ni: Eugene Y. Evasco
Kasisimula ng last full show. May kumirot, may matulis na kawayang tumarak sa aking
gulugod. Kumalat, dumaloy ang antak sa buo kong katawan. Waring pinupulikat ang aking
dibdib. Hindi ko maikilos ang aking mga braso. Gusto kong humiga para maibsan ang
nararamdaman. Hindi ko batid na nadaplisan ako ng karit ni Kamatayan.
Kaya kong tiisin ang anumang hadpi, kirot, at antak. Hindi ako agad dumaraing.
Nakapaglalakad ako kahit nagdurugo na ang aking mga daliri sa paa; hindi ko dinaramdam ang
sakit ng ulo o pagtubo ng aking wisdom tooth. Sa isip ko noon, may nagbuhol lamang na ugat sa
aking likuran. Pero habang lumalaon, kumakalat ang antak tulad ng tinta ng pusit sa dagat.
Nagpapawis ang buong katawan ko sa malamig na sinehan. Nais kong mahiga, mag-unat para
maibsan ang antak. Nanunuyo ang aking labi’t bibig. Pagkaraan ng sampung minuto, nag-text na
ako sa aking partner: “Sunduin mo ako. May sumasakit sa akin. Hindi ko na kaya.”
Muntik nang iyon ang aking mga huling salita sa daigdig. Hindi ako nagpasugod sa PGH
o Manila Doctor’s. Balak lang naming magpakonsulta muna sa infirmary ng unibersidad na
aking pinagtuturuan. Mukhang malayo sa bituka. Sa gitna ng EDSA, nagyaya pa akong umuwi
muna ng bahay sa Quezon City para maligo at magpalit ng damit. Pero lumalala ang aking
kondisyon. Nagpasiya na kaming sa St. Luke’s magtungo para maobserbahan ang aking kaso.
“Ano ang nararamdaman mo?” agad na pag-uusisa ng mga nars at mga estudyante ng
medisina. Kalahok sa kanilang pagsasanay ang imbestigasyon, bukod sa pagsusuri sa pisikal na
kaanyuan ng pasyente, para makapaglapat ng tamang lunas.
Tinukoy ko ang antak ng itinulos na kawayan sa aking gulugod, ang pawis, ang
pagmamanhid ng braso, ang umiikling paghinga, ang humahapding dibdib na binudburan ng mga
bubog. Tinanong ang eskala ng aking nararamdaman, mula isa hanggang sampu.Sa sampu bilang
pinakamasakit, sinabi kong labing-isa. Nakuha ko pang magbiro. Humihilab ang aking paghinga.
Nais kong mahiga. Pinipigang kinudkod na niyog ang aking dibdib. Kinuha ang aking
presyon.Hinubad ang aking basang-basang polo at sapatos. Pinahiga ako sa kama, nilagyan ng
oxygen mask, at isinugod sa Critical Care Unit. Sinalubong ako ng ECG (electrocardiogram)
machine, kinuha ang aking temperatura.Nilagyan ako ng suwero ng estudyante ng narsing. Apat
na ulit siyang nagtangka bago masapol ang aking arterial vein. Kung ako ang guro niya,
mababatukan ko ang mag-aaral. Pero sa mga sandaling iyon, kahit paulitulit niya akong saksakin
o gawing pagsasanay sa pag-iineksiyon, hindi ako papalag. Tumitindi ang pagkirot kahit pa
nakatatlong isordil (isosorbide dinitrate) na ako para maibsan ang angina pectoris (paninikip ng
dibdib) at para bumuka ang mga blood vessel at makadaloy ang oxygen sa aking puso.
Sunod-sunod na ang mga pangyayari. Nahintakutan ako sa mga ilaw sa aking mukha, ang
aking hubad na dibdib na sinusuri ng mga estranghero. Itinuring nila akong isang ispesimen sa
anatomiya; hinahanap sa aking bilbil at taba ang malinaw na pruweba ng mga naipong transfat,
triglycerides, saturated fat, sodium, nikotina, at low density lipoprotein (bad cholesterol).
Naririnig kong naglalaro sa isip nila ang mga ganitong pang-uusig: “Ang taba-taba kasi!” “Hindi
siguro nag-eexercise.”“Ang lakas sigurong magyosi.” “Wala pang trenta, inatake na?!” “Ano
kaya ang tinira nito?” Pakiramdam ko noo’y tinatalupan nila ang buo kong pagkatao.
Gusto ko nang umuwi sa aking kilalang silid para payapang humimbing ngunit sari-
saring kawad ang idinikit sa aking mga pulso at dibdib. Paulit-ulit ang mga pagtatanong sa aking
nararamdaman. Ano raw ba ang aking huling kinain? May ininom ba akong gamot? Uminom ba
ako ng alkohol? Ini-x-ray ang aking dibdib at kumuha ng sample ng dugo. Sinuri ang paglusong
at pag-ahon ng mga linya sa ECG. Pinangalanan ng doktor ang resulta ng mga pagsusuri:
myocardial infarction.
***
MAY BIGLANG DUMAGAN sa dibdib ng aking ama, kasimbigat ng isang sako ng bigas.
Akala niya’y nadudumi lamang siya o nakalanghap ng matinding usok. Kasalukuyan siyang
nagsasaing at nagluluto para sa pananghalian. Nasa itaas na palapag ang aking kapatid,
nagkukulong sa kaniyang kuwarto at nagpapakalunod sa paboritong musika. Hindi niya marinig
ang piping daing ng aking ama. Pareho kaming magama na matiisin sa kirot at sakit. Pero hindi
sa pagkakataong ito. Iniwan niya ang niluluto at inapuhap ang kaniyang cellphone. Pahirapan
ang sabay na pagpindot sa keypad at pagpintig ng puso. Mabuti’t may load at natutong mag–text
sa edad niyang 62. Tinext niya ang aking ina na nasa pulong ng homeowner’s association:
“SOS.” Hindi ito agad pinansin ng aking ina. Akala niya’y maling text lamang ito o nagsasanay
ang aking ama sa bago niyang cellphone. Mas maliwanag ang ikalawang text: “Di ko na kaya.
Uwi ka.”
Naabutan ng aking ina ang ama kong pawisan at hindi makagalaw. Hinihimas nito ang
sariling dibdib at hindi makapagsalita nang maayos. Dali-dali siyang humingi ng saklolo sa mga
kapitbahay. Gulat na gulat naman ang aking kapatid sa pangyayari; muntik nang manigas ang
aming ama nang hindi niya namamalayan. Mahirap ang ganitong sitwasyon. Ang ama ko lamang
ang marunong magmaneho sa aming pamilya. Hindi namin napaghandaan ang matutong
magmaneho sa oras ng pangangailangan.
Malayo sa disenteng ospital ang aming tahanan sa Antipolo. Nakatira kami sa isang
tinapyas ng bundok. Kamakailan lamang nagkaroon ng signal ng cellphone sa lugar. Wala pang
nangangahas na cable company dito. Bundok na bundok nga, kahit pa sabihing isa nang siyudad.
Unang dinala ang aking ama sa Antipolo Municipal Hospital. Unang hinala ng mga health
worker (hindi doktor) na asidiko ang kaniyang sikmura. Walang ECG machine sa center. Sinuri
ang presyon ng aking ama.Napakataas ng resulta. Pawisan ang aking ama at nagrereklamong
hindi makahinga.
Nagpasiya ang aking ina na dalhin sa tunay na ospital ang kaniyang asawa. Umarkila pa
siya ng bakanteng FX patungong Quezon City dahil walang maipahiram na ambulansiya ang
health center na iyon. Masikip ang daloy ng trapiko sa Marcos Highway tulad ng mga baradong
ugat sa puso. Busina nang busina ang FX para mapagbigyan ng ibang sasakyan. Mabuti’t batid
nilang may malubhang pasahero sa loob. Hindi na kinaya ng tatay ko ang mahabang biyahe.
Nakiusap siyang dalhin sa unang malaki-laking ospital na madaraanan ng ruta.
Sa Salve Regina Hospital, sa tapat ng Sta. Lucia Mall, dinala ang aking ama para sa
pangunang lunas ng sakit. Tulad ko, pinainom siya ng isordil at nilagyan ng suwero. Hanggang
ngayon, hindi ko maisip kung bakit mahalaga ang suwero sa mga kasong emergency. Hindi
naman ito makapagliligtas ng buhay. Matino na ang Salve Regina sa pagkakaroon ng tatlong
tunay na doktor sa emergency room at ang pagkakaroon ng ECG machine. Myocardial infarction
ang kanilang hatol sa aking ama.
Hinatulan din nila ang kanilang ospital: “Ilipat na po ninyo sa ibang ospital,” payo nila sa
aking inang di-mapigil ang luha, “Malala po ang kaso ng inyong asawa.”
Sa ganitong karanasan, hindi ko mawari kung bakit naglipana ang mga megamall sa
bansa pero nagkukulang naman sa mga matitinong ospital. Sa paglilibot sa Metro Manila, may
masusumpungang mall kada 30 minuto. May mga health center sa baranggay o munisipyo pero
hindi nito kayang magligtas ng buhay; wala ditong namamahalang doktor o nars; wala ring
laman ang mga kaha-de-medisina nito. Pakitang-tao lamang ito ng mga lokal na pamahalaan sa
malasakit nila sa mamamayan. Tigib sa korupsiyon ang mga health center at ang mundo ng
medisina— overpriced na gamot, doktor na kasabwat sa pagbebenta ng bato (kidney), doctor na
pumuporsiyento sa dagdag-presyo ng mga gamot at kagamitan, mga health worker na bata ng
politiko, mga ipinamamahaging gamot na sinasabing regalo ni mayor, at mga ghost employee na
lumilitaw lamang sa araw ng suweldo.
Mahinang uri ang mga pribadong klinika at maliliit na pribadong ospital. Kulang ito sa
mga makabagong aparato upang sagipin ang buhay ng taong naghihingalo. Kadalasang
nagrereseta lamang ang doktor ng mga gamot na mabibili sa sarili nilang botika. Tila hotel at
pangmayaman lamang ang mga pribado at malalaking ospital tulad ng St. Luke’s, Makati
Medical Center, at Medical City.Sa kanilang mga anunsiyo, nahihigitan nito sa kalidad ang mga
pagamutan sa US. Tiyak akong tatanggihan ng mga ito ang isang pulubi o taong-grasang
nasagasaan ng bus. Tanging pag-asa sa de-kalidad at kompletong ospital para sa karaniwang
mamamayan ang malalaking pagamutan ng pamahalaan.
Ginulat ako ng mahigit 20 missed calls at sunod-sunod na text ng aking ina. Kung bakit
pa kasi ako nagpuyat noong Biyernes at nagising na nang tanghali? Kung bakit pa kasi nasa
silent mode ang aking telepono? Hindi ko malaman ang gagawin. Agad ba akong susugod sa
ospital? Ano ang kailangan?Alin ang madaling paraan para marating ang emergency room?
Uunahin ko ba munang magwithdraw sa ATM?
Pinakalma ko noon ang aking sarili upang hawiin ang tumatalukbong na mga baka-sakali
sa aking isipan.
***
“BAKA MAKAGAAN SA inyo ang PGH.” Tinapat ako ng mga doktor sa St. Luke’s. Wala
akong health insurance kundi PhilHealth lamang. Wala akong health card mula sa pribadong
seguro. Wala akong doktor sa kanilang ospital. Sa madaling sabi, hindi ako bigating pasyente;
mamumulubi ako sa pagbayad sa kanila. Patay tayo riyan, sa isip ko. Malala ang aking
kaso.Hindi ito simpleng confinement o kasong outpatient. Kinausap ko ang aking mga magulang
at nagplano sa mga susunod na hakbang. Hanggang ngayon, ito pa rin ang aking himutok sa
kanila. Sa oras ng aking agawbuhay, ako ang nagdedesisyon sa aking kalagayan. Hindi
makapagdesisyon ang aking magulang. Hindi sila naging magulang sa mga panahong ito.
Marahil, nabigla sila sa pangyayari at hindi makapag-isip nang maayos. Binulabog sila sa
pagkakahimbing; niligalig ang kanilang bakasyon para sa pagtatapos ng taon.
Lumulutang sa isip ko noon na huwag sana akong operahan. Huwag sanang buksan ang
aking dibdib, talupan ng taba ang puso, at himayin ang bawat ugat nito.Takot akong harapin ang
totoo.Pinakakalma naman ako ng mga nars. “Baka naman nasobrahan lang kayo sa litson.” At
ngingiti-ngiti nilang binibilang ang aking pulso sa bawat minuto.
Isang oras ang pagpoproseso ng papeles mula St. Luke’s patungong PGH. Sa tatlong oras
kong pananatili sa pribadong ospital, mahigit P20,000 na ang aking nagastos. Sa ngayon, baka
magkaroon ako ng massive heart attack kung nagpasiya akong magpaopera sa St. Luke’s.
Dumagdag pa ang P3,000 arkila ng ambulansiya at karagdagang P500 kung lalagpas ng isang
oras.
Hindi ko inaasahang agaw-buhay ang kondisyon ng emergency room ng PGH noong
2005. Siksikan sa loob, naghalo ang amoy ng pawis, dugo, luha, libag, suka, at ihi.
Maihahambing ko ito sa mapagkalinga ngunit pagal na maybahay. Hindi gumagana ang aircon;
tila nasalanta ng digma ang mga kamag-anak na naghihintay ng mga anunsiyo ng kaligtasan. Sa
silid na ito isinisilang ang mga bagong biyudo, biyuda, at mga ulila. Aali-aligid tulad ng gutom
na buwitre ang mga ahente ng punerarya, naghihintay ng mga pagkakakitaang bangkay.
Walang kutson ang mga stretcher. Ginamit kong unan ang jacket ng aking ama.
Kinumutan ako ng dalang alampay ng aking ina. Sa siksikang espasyo ng mga naghihingalo at
dumaraing na estranghero, hindi ko matanggal ang kapit sa palad ng aking ina. Nais ko ng
pamilyar na haplos, ng pamilyar na mukha. Walang tigil siya sa pagmamasahe ng aking dibdib,
walang tigil sa pagpapaypay. Ayaw niyang Makita kong pinanghihinaan siya ng loob.
Nanumbalik ang alaala ng unang araw sa klase; sinusuyo niya akong pumasok sa silid ng mga di-
kilalang bata. Agad akong hahagulgol at yayakap sa kaniya, “Dito ka lang, ’wag kang aalis.”
Halos walang emosyon ang aking ama sa sitwasyong iyon. Matipid din siya
sapagpapakita ng takot o pangamba. Tradisyonal siyang lalaki na matipid magpamalasng
emosyon. Pero bakas ko sa kaniyang mata ang pag-aalala, pagod, at puyat. Masnamamayani ang
kaniyang pagod. Nagmaneho pa siya mulang Antipolo patungong Maynila, habang tumatangis
ang aking ina. Unti-unting nawawala ang adrenalin sakaniyang katawan. Kung ideklara man ng
doktor na namatay ako, baka tumango ang ang aking ama at saka mahimbing na matutulog.
***
MARIIN ANG PISIL ng aking ina sa aking palad; nangungusap ng kakayanin ko ito, kakayanin
natin ito. Massive heart attack ang hatol ng doktor sa aking ama. Mabuti’t naisugod daw agad sa
ospital kaya nakaabot sa tinatawag na golden hour (iyong unang oras pagkaraan ng atake). Luha
nang luha ang aking ina, paloob ang kaniyang hagulgol. Ayaw kong magwala siya o pumalahaw
tulad ng maybahay na maglilibing ng asawa. Inaalo ko siya para magpakatatag. Walang
maitutulong ang pag-iyak at pagwawala sa ganitong sitwasyon. Mas kailangan ng klarong pag-
iisip. Hindi kailangang sumugod ng PGH ang tatlo ko pang kapatid. Ako na ang nagplano sa mga
dapat isagawa.
Ako ang magiging runner, tagabili ng mga gamot, tagaayos ng papeles paramaipasok na
agad ang tatay sa mas maaliwalas na silid. Ang iba ko pang kapatid ang magtutulong-tulong sa
pagbili ng aming pagkain, sa pagdadala ng mga damit, sa pag-aasikaso ng bahay, at sa
paghahanda sa PhilHealth card at senior citizen card ng aking ama. May tiyak na iskedyul ang
bawat isa para hindi masayang ang puyat at pagod.
Nakapanghihina ang mga eksena sa ER. Dinig ang palahaw ng mga kamag-anakng isang
kamamatay. Nakaduduwal ang panghi sa loob. Nakita ko ang dating estudyanteng intern sa PGH.
Humingi ako ng tulong sa kaniya para mapabilis ang lakad sa confinement ng aking ama.
Mabuti’t naging mabuti rin akong guro kaya mainam ang pakitungo niya sa akin. Nais ko sana’y
semi-private na kuwarto para aircon at hindi lalabas na kaawa-awa ang aming pasyente. Pero
walang bakante.Malupit na buwan ang Disyembre. Panahon ito ng mga pagkaing magpapalala
samataas na presyon, kolesterol, blood sugar, at transfat. Kaysa naman sa maburo ang aking ama
at higit pang lumala ang kaniyang kondisyon sa ER, pumayag na kaming dalhin siya sa ward
para sa anim na pasyente. Pinapayagan ang dalawangtagabantay sa bawat maysakit. Siksikan sa
loob. Pinagsama-sama ang mga pasyenteng may kanser, altapresyon, may sakit sa puso, stroke, o
naaksidente—mga sakit na hindi nakahahawa.
Sa mga panahong iyon, masid ko ang panghihina sa mukha ang aking ama.Malayong-
malayo siya sa isang malupit at estriktong ama na may hawak na pamalo para kami disiplinahin.
Ramdam ko ang pamimilipit niya sa sakit, tulad ng pamimilipit naming magkakapatid noong
hinahambalos niya kami ng sinturon o baston ng arnis kapag may nagagawang pagkakasala.
Nagpadala ako sa aming mga kapatid ng mga kumot at unan para kahit papaano’y maging
maalwan ang kaniyang pakiramdam. Pinaamo ng atake sa puso ang isang mabagsik na haligi ng
tahanan.
***
Hindi ko dapat nararanasan ang ganito. Hindi ako pumapalya sa pagbayad ngbuwis.
Awtomatiko akong kinakaltasan ng 350 piso kada buwan para sa PhilHealth at ng GSIS. Kay
raming numerong nakatala sa aking payslip pero kakatiting lamang ang aking natatanggap.
Pataas nang pataas ang ipinapataw na buwis, paunti nang paunti ang serbisyo-publiko ng
pamahalaan. Bakit tila ako itinuturing na charity case ng PGH? Dapat kong maramdaman ang
kanilang serbisyo-publiko, lalo’t nasa pampubliko at ahensiya ng pamahalaan ang aking napiling
pagamutan.
Magaling ang pamahalaan sa pagkaltas ng sahod ng kanilang mamamayan.Saan
napupunta ang bulto ng mga buwis?Sa oras ng kagipitan, walang maihanda ang mga nars at
doktor kahit man lang isang kurot ng bulak. Paano pa kaya kunginatake ako sa probinsiya? May
mag-aasikaso basa akin kahit man lang hilot o baranggay health worker? May maipapainom
kaya sila sa aking isang tableta ng aspilet?
***
MASAKIT SA LOOB naming magkakapatid na dalhin ang aming ama sa PGH. Sa mahigit
tatlumpung taong paninilbihan niya sa pamahalaan, ito ba ang maigagawad na serbisyong-
medikal sa kaniya? Hindi naman sa tinitipid namin ang aming ama. Sentro ng kahusayan sa
medisina ang ospital na ito. Dito nag-aaral ang pinakamahuhusay na estudyante para maging
manggagamot o katuwang sa panggagamot. Narito ang mga kilalang propesyonalsa iba’t ibang
espesyalisasyon para ibahagi ang nalalaman sa mga residente at intern na nagpapakadalubhasa at
nagpapatalas ng kakayahan. Akmang itinayo ang PGH noong 1907 sa puso ng lungsod, sa hilera
ng abenida ng Taft, alinsunod sa bisyon ng urban planner at arkitektong si Daniel Burnham para
sa kabesera ng Pilipinas. Walang tigil ang pagdagsa ng mga malalang pasyenteng tinanggihan ng
maliliit na klinika at ospital. Sa ospital na ito isinusuko ang kaligtasan ng sarili o ng mahal sa
buhay.
Nag-iisa lamang ang PGH sa Pilipinas. Dito nagsisiksikan ang mga espesyalistaat ang
pinakamahuhusay sa iba’t ibang larangan. Ito ang pangunahing ospital nadapat tumugon sa
mahigit 90 milyong katao sa bansa. Sa laang P119 ng pamahalaan para sa taunang serbisyong-
medikal ng bawat Filipino, makikinita kung bakit ito dinadagsa. Hindi makasasapat ang maliliit
na ospital para sa mga malalang kaso. Mabuti sana kung nasa Maynila lamang ang pasyente.
Paano kung magmumula pa sa liblib na nayon sa Visayas at Mindanao?
***
PAULIT-ULIT ANG AKING panalangin. Huwag sana akong operahan. Takot ako
saheringgilya, sa iskalpel, sa karayom, at sa dugo. Bata pa lamang, iniiwasan ko ang bakuna at
bisita sa dentista. Huwag sana akong ma-triple bypass.
Mas malala pa sa simpleng hinala na naparami ang kain ko noong nakaraangPasko. Ayon
sa pagsusuri ng mga doktor, pagkaraan ng 2D echo, paulit-ulit na eksamen sa ECG, blood
pressure at creatine kinase, at anim na beses kada araw na pagmonitor sa aking blood glucose,
kinakailangan akong sumailalim sa operasyong coronary angiogram. May napakapinong kawad
o alambre—kasimpino ng mga hibla ng buhok—na ipapasok sa ugat ng aking singit paakyat sa
mga ugat sa aking puso para masuri ang antas ng pagkabara o arteriosclerosis. Kinakailangan ng
mahigit P40,000 para sa operasyong ito. Kung may makikitang malalang bara sa mga
pangunahing ugat sa aking puso, kinakailangang luwagan ito sa pamamagitan ng balloon
catheter para makadaloy nang maayos ang dugong nagdadala ng oxygen. Sanhi ng aking atake
ang pagkakabara ng mga ugat na iyon. Malala kung ang pagkakabara ay nasa ugat patungong
utak. Mahirap kalaban ang sakit sa puso at sa utak.
Mabuti’t may sapat akong ipon. Hindi ko kailangang mangutang o magsanglang mga ari-
arian. Hindi ako magagaya sa ibang mga pulubing namamalimos, hawak ang resibo ng gamot na
bibilhin. Hindi ako magagaya sa kapwa-gurong may kanser na isinalba sa pamamagitan ng
sapilitang film showing sa mga mag-aaral. Hindi namin kailangang dumulog sa programa ni
Rosa Rosal o ni Mel Tiangco ng Kapuso Foundation, pumila para makahingi ng tulong sa PCSO,
o kaya’y manghingi ng abuloy sa senador o kongresista. Kung mangyayari iyon, para na akong
pinagkaitan ng dangal bilang manlilikod sa bayan, para akong hinamak bilang guro sa mga
iskolar ng bayan.
***
KINIKIMKIM PA RIN ng aking ina ang hinampo niya sa aking ama. Pinabayaan kasi ng aking
ama ang altapresyon. Hindi naman kami nagkulang sa pangaral sa kaniya. Sagana naman siya sa
mga gamot; hindi nga lamang niya ito iniinom. Mas pinakinggan niya ang mga umaastang
siruhano niyang kaibigan, kaopisina, at kapitbahay. Kung sino-sinong doktor ang kaniyang
pinakikinggan. Noong ako’y isasalang na sa operasyon, nagboluntaryo ang tatay ko para mag-
ambag ng dugo para sa Red Cross. Iyon ang patakaran sa PGH. Kinakailangan ang donasyon ng
dugo dahil hindi sapat ang kanilang ipon sa blood bank. Tinanggihan ng Red Cross ang aking
ama dahil sa kaniyang kondisyon. Tinawanan lamang niya ito.Wala naman daw siyang
nararamdamang sakit.Hindi daw siya nahihilo. Hindi tulad ko, walang bisyo sa alak, sigarilyo,
puyat, at pagkain ang aking ama. Wala siyang bilbil para sa kaniyang edad. Tagtag siya sa mga
gawaing-bahay. May manukan siya sa likod-bahay. Ligid ng mga puno at kung ano-anong gulay
na itinanim niya ang mga bakanteng lote sa aming subdibisyon. Hindi madalas magluto ng
karneng baboy o baka sa bahay.
Anim na taon niyang pinabayaan ang altapresyon. Paulit-ulit ko pa siyangkinukumusta
noon. “Kumusta na kayo?Iniinom n’yo ba ang aspirin? Nagpatingin na ba kayo sa doktor?”
Binalewala rin niya ang pananakot ng aming ina, “Sige ka, mapupunta lahat sa ospital ang
retirement pay mo.” Tipikal na probinsiyano ang aking ama. Akala niya’y madadaan sa pag-
inom ng langis ng niyog, pagkaing may gata, at mga nilagang tuyong dahon ang kaniyang
karamdaman. Tulad marahil ng maraming Pilipino, magpapasugod lamang siya saospital kapag
malala na ang kondisyon. Hindi niya itinuring na karamdaman ang altapresyon dahil wala siyang
nararamdaman. Hindi ito katulad ng hika, bulutong, pagtatae, ulcer, allergy, o trangkaso na
makikita at mararamdaman ang sakit. Tahimik na karamdaman ang hypertension kaya’t unti-unti
nitong binubulok ang puso ng aking ama hanggang sa atakihin siya noong Disyembre ng 2007.
Laking pasasalamat namin at hindi naapektuhan ang kaniyang mga bato at hindi siya naitumba
ng stroke. Magastos na gamutan ang rehabilitation ng paralisadong katawan o ang madalas na
dialysis.
Naging matamlay ang aming Pasko at Bagong Taon; parang isang pasyentengmatagal
nang nakaratay at pinipilit muling makalakad.Nais naming ibalik ang mga masayang
pagdiriwang pero mahirap magpanggap. Hindi na natuloy ang plano ng mag-anak na
magbakasyon sa lalawigan, ang maglakbay, ang pumunta sa mga dampa para magpaluto ng
sariwang isda. Hindi na natuloy pa ang mga pasyal namin pagkaraan ng Noche Buena para
mamili ng mga regalo, bagong damit, at manood ng sine. Laging naiidlip ang aking amasa
tumba-tumba. Hindi tuluyang makahiga dahil laging may dumadagang sako sa dibdib kapag
nakaunat ang kaniyang likod sa kama. Nagmamanas ang kaniyang mga paa sa katiting na asin sa
kinakain. Bumagal na ang pagpintig ng kaniyang puso.
Hindi maiwasang maluha ng aking ina. Bilang asawa, ramdam na ramdam niyaang mga
pagbabagong ito. Masyado rin kasi niyang iniasa ang sariling kaligayahan sa aming ama. Hindi
siya natutong maglakbay nang mag-isa lamang.Wala siyang mga kaibigan kundi ang kaniyang
asawa.Hindi niya kayang aliwin ang sarili at maghanap ng mapaglilibangan. Kung dibdibin
koang mga ito, baka ako naman ang mawalan ng buhay. Mahirap magpalaki ng sariling
magulang.
***
NAWAWALA ANG AKING pagkatao habang nakasalang sa operating room. Sa tanang buhay
ko, noon lamang ako hinubdan, ginupitan at inahitan sa pubic area, hiniwa, at pinagbawalan sa
mga kilos. Dagdag pa ang pagsalsal ng nars sa aking ari upang maisuot ang condom catheter
habang nakasalang ako sa operasyon. “Pasensiya na po,” nahihiya niyang sabi sa akin.
Nakalulumpo ang sakit sa puso; para akong isang baldado. Maglalaho ang anumang selan at hiya
sa katawan. Sinasalok ng aking partner ang aking ihi saboteng arinola. Dumudumi ako sa silid na
puno ng tao. Hanggang ngayon, hindi ko maisip na nakaya kong dumumi sa bedpan nang
nakahiga.
Noong una, nahihiya talaga akong dumumi. Nakiusap ako sa mga nars nadalhin ako sa
banyo. Gusto ko ring maghugas at hindi lamang basta punas. Mga kamag-anak na ng ibang
pasyente ang nagpakalma sa akin. Nakilala nila ang alinlangan ko. “Maiintindihan namin, ospital
ito.” Pagkaraan, sabay-sabay silang magbubukas ng mga ponkan at dalanghita para mapagtakpan
ang masamang amoysa loob ng aming ward.
Inatake rin ang buo kong pagkatao. Hindi kasi makapaniwala ang mga doctor na sa edad
kong ito ay inatake ako sa puso. Hindi nila matanggap ang paliwanag kong naninigarilyo ako,
kumakain nang labis, nagpupuyat, labis magkape, walang ehersisyo, at addict sa fastfood. Paulit-
ulit nila akong pinipilit umamin nanagshashabu ako o addict sa anumang droga. Sa kanilang
pagsusuri, napakataas ng aking SGPT (serum glutamic pyruvic transaminase), isang enzyme na
dumarami kapag nasisira ang atay dulot ng mga kemikal, droga, taba, at alkohol. Paulit-ulit ang
tanggi ko. Totoo namang hindi ako gumamit at nalulong ng shabu o anumang amphetamine.
May ganyang superyor na pakiramdam ang mga doktor. Nagkamali sila saaking kaso.
Lahat ng mga ineksiyon at gamot na ibinigay sa akin ay tinatanong ko. Kinokonsulta ko ang mga
gamot na ipinapasok sa aking suwero. Sa ganitong karanasan, nagpakadalubhasa ako sa wika ng
medisina. Mainam ding kasangkapan ang internet para maipaliwanag ko sa sarili ang mga gamot
na iniinom. Maramikasing doktor, tulad ng aking mga cardiologist, ang tinatamad
magpaliwanag.Sadami ng kanilang pasyente at sa liit ng kanilang suweldo, kalabisan na ang
maglektura sa mga pasyente. Gusto pa yata’y babayaran ang bawat salitang kanilang
bibigkasin.Maaaring inaakala nilang gunggong ang kanilang pasyente na hindi maiintindihan ang
kanilang sinasabi. Ayoko pa namang kinakausap akong naparang bata o ginagamitan ako ng mga
analohiyang mauunawaan ng mag-aaral sa grade school. Nangyari ito minsan sa isang check-up.
Tinanong ko kung bakit lumalaki ang aking puso (cardiomegaly). Paangas na sumagot ang
doktor na ang puso ko’y tila gomang binatak, lumuwang, at hindi na maibabalik pa sa dating
kasiglahan. Pagkaraan, ibinigay niya sa akin ang reseta; walang paliwanag sa silbi ng mga gamot
na di ko mabigkas ang mga pangalan.
***
Para akong bagong silang muli noong Enero ng 2006. Sinipat ko ang daigdignang may
bagong perspektiba. Inilista ko ang mga librong nais basahin at mga siyudad na nais puntahan.
Nais kong subukin ang mga danas na hindi na nararanasan.
Nais kong tapusin ang mga nabinbing pangarap. Noong nakaraang taon, tinapos koang
aking programang doktorado. Nag-iisip ako ng bagong pag-aaral na malayo sa aking
espesyalisasyon. Napakaikli ng buhay para magpakahon sa iisa at limitadong gawain.
Nais kong maging makabuluhan ang nalalabing taon sa buhay ng aking ama’tina. Tulad
ng madalas kong sinasabi sa kanila, nagawa na nila ang dapat nilang gawin. Nakapagpatayo na
sila ng magarang bahay. Nakapagpundar na sila ng mga lote. May bahay na sila sa Baguio para
sa inaasam nilang buhay pagkaraang magretiro. Napag-aral nila kami at napagtapos. Lagi’y
ipinapaalala kong panahon na para magkaroon sila ng buhay. Kailangan nilang maglakbay
habang hindi pa sila pinagtataksilan ng sariling edad at katawan. Kailangan nilang maranasan
ang mabuhay at humulagpos sa matikid na mundo ng kanilang mga opisina.
Ayokong isiping nabubuhay ang tao para mamatay, nabubuhay nangnaghihingalo, o lahat
naman ay mamamatay. Hindi ko tatanggapin ang pilosopiyang “Maikli lang ang buhay.” Kung
magkakagayon, tulad ng isang sundalong sumuko, mabubuhay ang sinuman nang walang
kabuhay-buhay.
Sa ngayon, kapag kinukumusta ako, idinidiin kong buhay pa rin ako. Walanghalaga ang
mga salaping naipon, naipundar nakayamanan, lugar na napuntahan, kung sa bandang huli’y
maniningil at maghihiganti ang kalusugan. Hindi nasusukat ang buhay sa mga panandaliang aliw
at tagumpay, sa mga listahan ng naisakatuparan. Masusukat ang buhay sa kung papaano itatangi
ang isang buhay. Ito ang aking bagong pagkakataon, ang aking pangalawang buhay. Minsan
naakong nag-agaw-buhay; tinubos ko sa kamatayan ang aking buhay.