You are on page 1of 4

Banghay Aralin

sa
Filipino
PED10: Educational Technology 2

Pangungusap

Alpuerto, Monica P.
Marbella, Princess Lynor M.

BSEd-Filipino IIB

Abril 2017
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Grado 7

I. Layunin

a. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang mga iba’t ibang uri ng

patalinghagang pagpapahayag.

b. Nagkapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng ng patalinhagang

pagpapahayag.

c. Natutukoy kung anong uri ng pahayag ang mga ibinibigay na halimbawa.

d. Nailalahad ang pagkakaiba ng bawat tayutay.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga Patalinghagang Pagpapahayag

B. Sanggunian: Retorikang Filipino Pang-antas Tersyaryo Pahina 13-24

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector, Biswal na Materyal

III. Pamamaraan

A. Pagganyak

Magpapakita ng mga larawan mula sa mga piling pelikula na kaugnay sa

paksang tatalakayin.

Itanong: Ano ang inyong masasabi sa mga ipinakitang larawan?

May ideya ba kayo sa paksang ating tatalakayin?


B. Paglalahad ng Aralin

Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng matalinghagang paglalahad o

tayutay at ang iba’t ibang uri nito. Magbibigay din ang guro ng mga

halimbawa ng bawat uri ng tayutay.

C. Paglalapat

Magkakaroon ng isang palabunutan kung saan magbibigay ng kani-

kanilang halimbawa batay sa kung anong uri ng patalinghaga ang

kanilang nabunot. Bawat mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling

gawang halimbawa.

D. Paglalahat

Pagpapahalaga:

Itatanong: Bakit mahalagang matutunan ang tungkol sa patalinghagang

paglalahad o tayutay?

Nagagamit ba natin ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay? Sa

paanong paraan?
E. Pagtataya

Panuto: Salangguhitan ang matalinhagang pahayag na ginamit at ilagay

sa patlang kung anong uri ito. (2pts.)

__________1. Si Rodel ay parang isang maamong tupa nang humingi ng

tawad sa ina.

__________2. Kay sipag mong mag-aral, lagi kang bagsak sa pagsusulit.

__________3. Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.

__________4. Ang papuri ni Mario ay musika sa pandinig ni Leni.

__________5. Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng mga problema.

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Alibughang Anak at isa-isahin ang mga tayutay na ginamit sa

akda.

You might also like