You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Layunin:
Sa loob ng 60- minute ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang Iba’t-ibang pukos ng pandiwa.
 Nasusuri ang tatlong pukos ng pandiwa.
 Makasagot sa pagsasanay sa pagbuo ng mga pangungusap gamit ang iba’t-ibang
pukos ng pandiwa.

II. Nilalaman:

Paksa: Pukos ng Pandiwa: Tagaganap at Layon, Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at


Kagamitan.
Sanggunian: Aklat sa Wika at Pagbasa sa Filipino, pahina 01-111
Kagamitan: Aklat, TV, Laptop
Kahalagahan: Pagpapahalaga sa paggamit o pagbuo ng mga pangungusap o mga
salitang kilos na gamit ang pukos ng pandiwa.

III. Pamamaraan:
a. Introduksiyon
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala sa mga Dumalo
 Sa pagsisimula ng talakayan ipaliwanag sa mga mag-aaral ang patungkol
sa pokus ng pandiwa: tagaganap at layon, pokus ng pandiwa:
pinaglalaanan at kagamitaan. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ano nga ba ang pandiwa o pokus ng pandiwa: tagaganap at layon?
2. At ano naman ang pokus ng pandiwa: naglalaanan at kagamitan?
3. Maari bai tong gamitin sa pangungusap?
4. Sino ang maaaring makapagbigay ng halimbawa ng pandiwa?

b. Interaksiyon
 Palihang Pangwika
 Pagtatalakay sa paksang pandiwa
 Mga uri ng pandiwa
c. Integrasiyon
 Pagtatanong sa mga mag-aaral sa kanilang naintindihan sa klase.
1. Anong uri ng pokus ng pandiwa na ang paksa ng pangungusap ay
ang pinatutungkulan ng kilos na isinasaad ng Pandiwa?
2. Anong uri ng pokus ng pandiwa na ang paksa ng pangungusap ay
sumasagot sa tanong na “sino at ano”?
3. Uri ng pokus ng pandiwa na ang paksa ng pangungusap ay
tumutukoy sa bagay na naging instrumento sa pagsasagawa ng kilos
na isinasaad ng pandiwa.
4. Ito ay nagbibigay diin sa layon/tunguhin/bagay na isinasaad ng
pandiwa.
5. Magbigay ng dalawang uri ng pokus ng pandiwa .
IV. Ebalwasyon
a. Tukuyin ang pokus ng pandiwa ayon sa paksang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat
sa patlang kung ito ay pokus sa tagaganap o pokus sa layon.

_____________1. Gumuhit si Eddie ng isang magandang larawan ng isang diyosa.


_____________2. Ipinaglaban ng kanilang mga anak ang kaharian
_____________3. Nagbigay si Borr ng mga kapangyarihan.
_____________4. Nilikha nila ang daigdig.
_____________5. Tinawag ni Jen ang mga artista para mag-ensayo ng dula.

b. Tukuyin ang pokus ng pandiwa sa bawat bilang. Isulat ang patlang kung ito ay pokus sa
pinaglalaanan o pokus sa kagamitan, salungguhitan ang pariralang nagsasaad ng sagot.

____________1. Ikinuha ni Bb. Sindayen ang mga estudyante ng mga buto ng sunflower
upang kanilang itanim.
____________2. Ipinambili naman ng walis ang mga donasyon upang magamit sa aming
klase.
____________3. Ipinangisda nila ang dinamita kaya nasira ang mga coral reef na
tahanan ng mga isda.
____________4. Pinagsilbihan ng mga estudyante ang mga mangingisda upang
makapahinga kahit isang araw.
____________5. Ipinantali nila George ang kanilang mga sinturon sa mga gamit ng mga
nasalanta ng bagyo.

c. Gumawa ng pangungusap na may kaugnay sa mga uri ng pokus ng pandiwa.

You might also like