You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-2

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng animnapong minutong talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang matatamo
ang walongpo’t-limang porsyentong pagkatuto ng mga sumusunod:

a. Natutukoy ang tauhan sa kwento

b. Naibabahagi ang pagiging huwaran ng kanilang pamilya

c. Naidurogtong ang mga larawan ng kasapi ng pamilya

II-PAKSANG ARALIN

a. PAKSA:Aralin 2: Ang Huwarang Pamilya (Maikling Kwento)pahina 22-23

b. SANGGUNIAN: Filipino 2 Ang Bagong Batang Pinoy

c. KAGAMITAN: Bond paper,construction paper, glue at mga larawan

d. ESTRATEHIYA: HULA KO SAGOT KO

III-PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A.PANIMULANG GAWAIN
1.PANALANGIN
-Maaaring tumayo ang lahat para sa ating -Ang mga mag-aaral ay tatayo at mananalangin
panalangin

2.PAGBATI
-Magandang umaga mga bata -Magandang umaga po Titser Nahdy,
magandang umaga kamag-aral
3.PAMBUNGAD NA AWIT
-Manataling nakatayo at sabay-sabay nating -(Ang mga bata ay kakanta)
awitin ang “Ako ay May Lobo”
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
‘Diko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako
Magaling,ngayon ay maaari na kayong umupo
4.PAGTATALA NG LUMIBAN SA KLASE
-May lumiban ba sa klase natin ngayong araw? - Wala po Titser
- Mabuti naman kung ganon

5.PAMANTAYAN SA KLASE
Ano ang ating pamantayan sa klase? -Maupo ng maayos
-Huwag maingay pag nagsasalita si titser sa
harapan
-Makinig ng mabuti
-Itaas ang kanang kamay pag gustong sumagot

-Tama,maaasahan ko ba iyan mga bata? -Opo, titser

6.PAGPASA NG TAKDANG ARALIN


-Mga bata pakipasa ang inyong takdang aralin -Ang mga mag-aaral ay dahan-dahan ipinasa
sa inyong harapan ng dahan-dahan at walang ang kanilang takdang aralin ng tahimik
maingay.

7.PAGBABALIK ARAL
-Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa
pabula
-Ano ang pamagat ng pabula na binasa natin -Ang pagong at ang kuneho
kahapon?
-Ano nga ang katangian ni pagong? -Mabagal kumilos titser
-Ano naman ang katangian ni kuneho? -Mabilis tumakbo titser
B.PANLINANG NA GAWAIN

1.PAGGANYAK

GAWAIN: PUNAN MO ANG NAWAWALANG


PIRASO NG BUHAY KO

PANUTO : May ginawa akong Gawain para sa


inyo na kung saan hahanapin ninyo ang mga
nawawalang piraso para mabuo ang larawan.
-Larawan ng pamilya po titser
1. Ano ang napapansin ninyo sa larawan?

-Pagiging responsible po sa bawat isa


2. Ano ang katangian ng pagiging mabuting
pamilya?

2.PAGLALAHAD

Gabay na tanong:

1.Sino-sino ang tauhan sa kwento?


2.Ano ang tawag sa pamilya nila Mang Piolo at
Aling Cristy?
3.Dapat bang tuluran ang pamilya nila?

(Ipapabasa ng guro ang kwento sa mag-aara)

“ANG HUWARANG PAMILYA”

Si Mang piolo at Aling cristy ay may huwarang


pamiya.Ang kanilang anak na sina
Arcy,Elvie,Nancy at Frank ay masisikap na mag-
aaral.Ang panganay na si Arcy na nasa ika-anim
na baiting ay nangunguna sa klase,ang kambal
na sina Elvie at Nancy ay masigasig sa
pagpasok,aktibo sa talakayan at napapasali sa
lahat ng paligsahang pang-akademiko.Ang nag-
iisang lalaki na si frank ay gumagaya sa
masisikap niyang mga kapatid.Naitataguyod
naman ang kanilang pag-aaral sa pagiging
masigasig ng kanilang mga magulang,ang mag-
asawa ay responsableng
gumagabay,nagdidisiplina at doble kayod sa
paghahanap-buhay para itaguyod ang
edukasyon ng mga anak .Ginagawa nilang araw
ang gabi para mapag laanan ang
pangangailangan ng pamilya.Kahanga-hanga
ang pamilya nina Mang piolo at Aling cristy.

3.PATATALAKAY

Pag sagot sa Gabay na Tanong:


-Si Mang piolo,Aling cristy,Arcy,Elvie,Nancy at
1.Sino-sino ang tauhan sa kwento? Frank
-Ang Huwarang Pamilya titser
2.Ano ang tawag sa pamilya nina Mang piolo at
Aling cristy?
-Opo,titser
3.Dapat bang tulurangan ang pamilya nila?

Ngayon naman ay tatalakayin na natin ang


Maikling kwento.Handa na ba kayo?

MAIKLING KWENTO

Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng


panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni
ng may akda.Ito ay maaaring likhang isip
lamang o batay sa sariling karanasan na nag-
iiwan ng isang kakintilan sa isip ng bumabasa o
nakikinig.

(Ipapabasa ng guro sa mag-aaral ang mga


Sangkap ng Maikling kwento at ang mga bahagi
nito) Mga Sangkap ng Maikling Kwento

1.Tagpuan-Pook o lugar na pinangyarihan ng


kwento
2.Banghay-Ang kabuuan ng isang kwento.
3.Tauhan-Ang mga taong nagbibigay buhay sa
takbo ng mga pangyayari sa kwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento

1.Panimula-Nilalahad dito ang tagpuan upang


ipakilala ang mga tauhan,pook at panahon ng
kwento sa mambabasa.
2.Saglit na kasiglahan-Naglalarawan ng
pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng
lunas.
3.Suliranin-Ang mga suliranin ay kinakailangan
magkaugnay mula simula hanggang sa
paglalapat ng karampatang lunas sa bawat
suliranin.
4.Kasukdulan-Ang bahaging kinapapalooban ng
pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng
pangyayari.
5.Kakalasan O Wakas-Dito binibigyan ng
pakakataon ang mga mambabasa na tapusin
ang kwento at magkakaroon ng pagkakataon na
gamitin ang kanyang pag-iisip.

4.PANGKATANG GAWAIN

Sa Dakong ito,magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat,ang
bawat pangkat ay magdidikit ng larawan hanay
sa mga isinulat na mga pangalan.

Panuto:Idikit ang mga larawan ng mga tauhan


hanay sa mga isinulat na mga pangalan.
1.Mang piolo

2.Aling cristy
3.Arcy,Elvie,Nancy at Frank

RUBRIKS

PAMANTAYAN 10 5
KOOPERASYON Naipamalas Naipamalas
ng buong ng halos
myembro lahat ng
ang myembro
pagkakaisa ang
pagkakaisa
KALINISAN Naibabahagi Naibabaha
ang gi ang
kalinisan ng kalinisan ng
pagkakadikit pagkakadiki
ng buong t ng halos
gawa lahat ng
gawa
KAWASTUHAN Naipapakita Naipapakita
ang ang
kawastuhan kawastuha
ng buong n ng halos
gawa. lahat ng
gawa.
KABUUAN:30
puntos

ISKORING BOARD
BATAYAN P-1 P-2
KOOPERASYON
KALINISAN
KAWASTUHAN
C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1.PAGLALAHAT

-Mga bata naintindihan ba ang tinalakay natin sa


araw na ito? -Opo,titser

-Kung lubos niyong naintindihan,anong mga


katangian ang nakuha ninyo sa binasa nating -pagiging masipag po sa pag-aaral titser.
kwento kanina?

Magaling,ano pa? -Maging responsable po

-Dapat bang tularan ang pamilya nila Mang piolo -at aktibo sa klase titser.
at Aling cristy? -opo,titser

2.PAGLALAPAT

Panuto: May naipaskil na papel sa ilalim ng


inyong upuan,may tatlong mag-aaral lamang
ang sasagot.Ang mga mag-aaral na walang
papel na naipaskil sa upuan ay maswerteng di
makakasagot.

Tanong:

1. Ano ang tawag sa pamilya nina Mang piolo at


Aling cristy?
2. Sino ang nag-iisang lalaking anak nina Mang
piolo at Aling Cristy?
3. Sino ang kambal ni Elvie?

IV-PAGTATAYA

PANUTO:Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa malinis na papel

1.Sino-sino ang mga anak nina Mang piolo at Aling cristy?

a.Arcy,elvie,nancy at frank

b.Nancy,frank at elvie
c.frank at arcy

2.Ano ang tawag sa pamilya nila Mang piolo at Aling cristy?

a.Masayang pamilya

b.Huwarang pamilya

c.Masipag na pamilya

3.Bakit maituturing na huwaran ang kanilang pamilya?

a.Mayaman sila

b.Marami silang kakilala

c.Matatalino at masisikap ang kanilang mga anak at responsableng mga magulang

4.Dapat bang tularan ang pamilya nila?

a.Oo

b.Hindi

c.Pwedi

5.Ilan ang anak ni Mang piolo at Aling cristy?

a.lima

b.Apat

c.Anim

V-TAKDANG ARALIN

Takdang Aralin : Isulat sa isang malinis na papel ang mga katangian ng pamilya ni Mang piolo at
Aling cristy.

You might also like