You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 4

Inihanda ni: Edelisa E. Felipe

I. Layunin:
Naipahahayag ang pagmamahal sa hayop.

II. Paksa at Kagamitan


A. Paksa: “Si Kalabaw at Si Kabayo”
B. Teksto: Maikling Kuwento (Pabula)
C. Sanggunian: Hiyas sa Pagbasa Batayang Aklat p.42-44
D. Kagamitan: Larawan, Visual Aid, Lapis, Papel, Pangkulay

KBI: Huwag mawalan ng Pag-asa

III. Pamamaraan
Tungkulin ng Guro Tungkulin ng Mag-aaral
A.Paghahanda
1.Panalangin - Magsitayo ang lahat para sa - Opo, ma’am.
panalangin.

- Xian, maaari mo bang - Lord, Salamat po sa araw na ito.


pangunahan ang pagdadasal? Gabayan niyo po sana kami
ngayon sa aming kase. Salamat
po sa mga aral at Gawain na
aming matututunan ngayong
araw. Amen.
2. Pagbati
- Magandang Araw sa inyong - Magandang Araw din po, Bb.
lahat! Felipe.

- Bago magsiupo ang lahat ay - Opo, ma’am.


paki-ayos muna ang mga mesa
at upuan pagkatapos ay (Magpupulot ng mga kalat at aaausin
pakipulot ang mga basura na ang mga mesa at upuan)
nakakalat.
3. Pagtala sa mga
Lumiban - Pakitaas ang kanang kamay - Opo, ma’am.
kapag tinawag ang pangalan.

(Itetsek kung sino ang hindi lumiban


at ang lumiban sa klase.)
4. Balik-Aral
- Bago natin simulan ang
pagtalakay sa paksa natin
ngayong araw ay magbalik-aral
muna tayo.
- Ang tinalakay natin noong
- Jayvee, ano nga ba ang nakaraang klase ay tungkol sa
tinalakay natin noong sanaysay at ang dalawang uri
nakaraang klase? nito.

- Magaling! Nagpapatunay
lamang ito na may naaalala at
natutunan kayo sa ating
nagdaang klase.
5. Paggayak/
Motivation - Bago tayo magsimula sa (Tatayo ang mga bata)
pagtalakay ay sasayaw at aawit
muna tayo. Kaya’t magsitayo
na tayong lahat.

Sitsiritsit, alibangbang Sitsiritsit, alibangbang


Salaginto, salagubang Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang Kung gumiri’y parang tandang

- Magsiupo na ang lahat. (Uupo na ang mga bata)

- Ngayon ay mayroon tayo - Iba’t ibang uri po ng hayop na


ditong larawan sa pisara. Ano makikita sa zoo, sa bukid, at sa
ang nakikita niyo sa larawan? mga tahanan.

- Magaling!

- Ang babasahin natin ngayon ay


tungkol sa kuwento ng
dalawang hayop.

- Bago natin talakayin ang


maikling kuwentong ito ay
kilalanin muna natin ang may-
akda.
B. Presentasyon
1. Talambuhay ng PATROCINIO F. VILLAFUERTE
May-Akda - Ay isang guro at manunulat sa
Filipino. Sa kasalukuyan, siya
ang tagapangulo ng
Departamento ng Filipino.
- Nagtapos ng Batsilyer sa
Agham sa Edukasyong Pang-
elementarya at may sertipikong
gradwado, Masterado sa Sining
ng Pagtuturo sa Philippine
Normal College si Villafuerte.
Siya ay guro ng Filipino sa
lahat ng antas-elementarya,
sekundarya, at kolehiyo. Siya
rin ay manunulat na may 145
aklat, na ang karamihan ay
teksbuk at sangguniang aklat
sa Filipino.
2. Pakahulugan
- Narito ang sampung salita na
maaaring mahirap intindihin
para sa inyo.
1. Sikat ng Araw - ito ay ang ilaw
na nagmumula sa araw.
2. Lubha – salitang ginagamit
kung sobra, higit, masyado,
grabe o labis at malala.
3. Araro – kasangkapang
pambungkal ng lupa.
4. Tagapag-alaga – ang taong
nag-aalaga sa mga tao o hayop.
5. Kapalaran – tumutukoy sa
hindi maiiwasang takbo ng
mga pangyayari.
6. Kalesa – isang sasakyang
hinihila ng kabayo.
7. Traktora – isang may gulong
na sasakyan na may
malalaking gulong na
ginagamit sa pagsasaka at iba
pang mga aplikasyon.
8. Dyip o Jeep – ay sinasakyan ng
mga pasahero papunta sa mga
lugar na kanilang nais
puntahan.
9. Himutok – hinaing, daing,
tampo o pagdaramdam.
10. Kubo – isang maliit na bahay
na mayrong apat na haliging
kahoy o kawayan, parisukat
ang hugis at mayroong
patatsulok na bubong na
kalimitang yari sa anahaw.
3. Pagtalakay sa Paksa
- Ang kuwentong babasahin
natin ngayong araw ay tungkol
sa “Si Kalabaw at Si Kabayo”.

- Pakibuksan ang aklat sa pahina - Opo, ma’am.


42.

(Babasahin ang kuwento


tungkol sa Kalabaw at sa
Kabayo)

- Naintindihan niyo ba kung - Opo, ma’am.


tungkol saan ang kuwento?

- Kayo ba ay may mga alagang - Mayroon po, ma’am.


hayop sa bahay o sa sakahan?

- Paano niyo inaalagaan ang - Pinaliliguan po at pinapakain.


mga ito? Mabait ba kayo sa - Opo, mabait po kami sa kanila
kanila? kasi po kaibigan din po naming
sila.
4. Gawain
A. Pares - Ngayon ay maghanap ng (Maghahanap ng kapareha at gagawin
kapareha. Maghanda at isulat na ang Gawain.)
sa papel kung ano-anong
hayop ang mayroon kayo sa
inyong mga tahanan o sakahan
at pagkatapos ay ibahagi ninyo
kung papaano ninyo inaalagaan
ang mga ito.

- Naintindihan niyo ba kung ano - Opo, ma’am.


ang gagawin?

B. Pangkat - Ngayon naman ay gagawin


niyo ang gawaing ito ng grupo.
Papangkatin ko kayo at tulong-
tulong kayo sa paggawa.

(Papangkatin ang mga mag-aaral) (Pupunta sa kani-kanilang grupo)

- Ang gagawin ninyo ay


kailangan ninyong pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari sa
kuwento. Ibibigay ko ang mga
pangyayaring ito na hindi
nakaayos. At kapag naayos na
ninyo ang bawat pangyayari ay
ipepresenta ninyo ito sa harap
ng klase.

- Naintindihan niyo ba kung ano - Opo, ma’am.


ang inyong gagawin?
(Sisimulan na ang pangkatang Gawain)

5. Paglalahat
*Pagtatanong
1. Ano ang nagging kapalaran nina - Si kalabaw ay naging bantay ng
kalabaw at kabayo? kubo habang si kabayo ay gamit
sa pamamasyal.
SAGOT: Naging maganda ang
kapalaran nina kalabaw at kabayo sa
hulihan ng kuwento dahil sila ay
pinapagpahinga na ng kanilang amo.
Hindi na sila ginagamit sa sakahan.

2. Kung ikaw ang isa sa mga amo o - Oo, dahil kahit hayop sila ay
tagapag-alagang nabanggit, ganoon kailangan din nila ng pahinga
din ba ang iyong gagawin? Bakit? dahil sila ay napapagod din.

SAGOT: Ang sagot ay oo, sapagkat


ang mga hayop ay hindi lamang isang
kasangkapan sa ating mga gawain.
Sila ay parte na din ng ating pamilya
dahil inaalagaan at pinapakain natin
sila. Karapat-dapat din silang
papaghingahin sapagkat sila ay
napapagod din.

3. Anong mabuting kaisipan ang nais - Ang pabula ay nagpapa-alala sa


ipabatid ng pabula? atin na alagaan at huwag
sasaktan ang mga hayop.
SAGOT: Nais ipabatid ng pabula sa
ating mga tao na dapat nating alagaan
at mahalin ang mga hayop.

4. Anong aral ang inyong napulot sa - Ang aral na napulot ay ang


kuwento? huwag mawalan ng pag-asa
SAGOT: Ang huwag mawalan ng pag- dahil ang diyos ay may plano sa
asa sa buhay. bawat tao at hayop.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa isang buong papel ang mga pamamaraan sa tamang pag-aalaga ng mga hayop
at kung ano ang mga hindi dapat gawin sa pag aalaga ng hayop. Pagkatapos ay basahin ito sa
harap ng klase.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Iguhit ang iyong paboritong hayop sa bahay o sa sakahan at kulayan ito. Pagkatapos ay
ilarawan ang paborito mong hayop tulad ng kung ano ang pangalan nito, paano mo ito
inaalagaan, ano ang paborito niyong gawin at kung ano-ano pa.

You might also like