You are on page 1of 9

ST.

PETER BAPTIST COLLEGE FOUNDATION


(FORMERLY ST.PETER BAPTIST ACADEMY)
LUPI, CAMARINES SUR
S/Y 2022-2023

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6


I. LAYUNIN
a. Naipapakita ang pagkakaiba ng mga kilos ng mga tauhan sa
napakinggan pabula.
b. Nabibigyang kahulugan ang mga kilos ng mga tauhan sa napakinggan
pabula.
c. Mapapahalagahan ang aral na mapupulot sa napakinggan pabula.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA : PABULA: SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG
REFERENCE: F6PN-Ic-19
Other reference:https://youtu.be/vT7Y70EvtUE
Kagamitan: Video presentation ng pabula , activity sheet, visual
aids,larawan ng mga hayop.
Integrasyon:Edukasyon sa Pagpapahalaga

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
a. Pagbati
-Magandang Araw mga bata. -Magandang Araw din po Maam.

b. Pagpanalangin.
- Magsitayo muna ang lahat
para sa pag panalangin.
-Rica, maari bang ikaw ang - Opo
manguna sa pagpanalangin?
- AMEN

c. PAGTALA NG LUMIBAN
- Sino ang lumiban sa klase?
- Wala po Maam !

d.PAGBABALIK- ARAL

- Baybayin ang mga


sumusunod na salita na napag- - Sustansiya
aralan sa binasang kuwento - Poong Maykapal
kahapon. - Kapaligiran
- Magbubukid
- Repolyo
- Bago natin ipagpatuloy ang
aralin, maari ko bang
malaman kung ano ang -Ang pang-uri ay salitang
naaalala ninyo sa salitang naglalarawan o nagbibigay turing
pang-uri? sa pangalan o panghalip.

- Maaari bang magbigay ng


halimbawa?
-Panlarawan: tatsulok, masarap,
mabango, berde,malapit, malayo

- Pamilang
- Patakaran:
isa,lima,pito,dalawampu
- Panunuran: una, ikalima,
ikasampu
- Pamahagi: tigawalo,
tigasiyam
- Palansak: isahan, tatlohan
- Pahalaga: tatlong piso,
dalawampung piso
e.PAGGANYAK

-Mayroon akong mga larawan


ng ibat ibang hayop na ipapakita
sainyo.
- Kung anong hayop iyon
sasabihin niyo ang tunog
nila sa harap ng klase. - Sasagot ang mga bata.
- Larawan ng :
Ibon,ahas,aso,pusa,baboy.

B. PAGLINANG NA GAWAIN

a.PAGLALAHAD

- Tayo ng dumako sa ating


aralin ngayon.

- Marunong ba kayong mag - Opo! Mahilig po kaming mag


ipon ng pera o ng mga ipon.
kagamitan?
- Sino sainyo ang mayroon - Estudyante 1. Ako po meron
alkansya ng pera? dalawang alkansya

- Ano kaya ang kahalagahan


ng pag iipon?
- Mahalaga na magkaroon ng
- Magaling tama iyon.!!! Bigyan ipon upang sa oras ng
ng tatlong bagsak. pangangailangan ay mayroon
magagamit.

- Mayroon na ba kayong
nabasang mga kwento
tungkol sa dalawang tauhan
na magkaiba ng hilig,pag
uugali at galaw? - Opo. Si Pagong at Si Matsing

- Magaling.

- -Sa aralin natin ngayon ating


tuklasin sa isang pabula ang
mga tauhan ,at kung paano
nila pahalagahan ang bawat
bagay na mayroon sila.

b. PAGTATALAKAY
- -Mayroon akong maikling
video presentation manood
ng mabuti

- ANG PABULA may pamagat - Tahimik na manonood at


na makikinig ang mga bata.
- SI LAGGAM AT SI
TIPAKLONG

- Naintindihan ba ang
napakinggang pabula?
- Ngayon, maari niyo bang - Opo , Maam.
tukuyin kung sino ang mga
pangunahing tauhan sa
napakingggang pabula? - Si Langgam po Maam.

- Wow mahusay na mga bata.

- Magaling. Tunay na nakinig


sa binasa.
- Ano ang madalas na - Maghakot at mag impok ng
ginagawa ni Langgam na pagkain po.
paghahaanda?

- Mayroon pa bang ibang


pangunahing tauhan sa - Mayroon pa po.
napakinggang pabula?
- Si Tipaklong po.
- Magaling si Tipaklong ay isa
sa mga tauhan.

- Ano naman ang hilig gawin ni - Mahilig siyang maglaro at


Tipaklong? patalon talon sa damuhan.

- Mahusay mga bata.

- Magbibigay ako ng Indibidwal


na Gawain.

UNANG GAWAIN:

Panuto. ISULAT ANG KASALUNGAT


NA SALITA NG MGA NASA IBABA.

1. TAG ULAN
2. KAIBIGAN
3. MATULIN - Sasagot ang mga mag-aaral
4. MASINOP
5. MALUNGKOT BASEHAN NG SAGOT.
1.TAG ULAN- TAG INIT
- Tapos na ba ang lahat? 2.KAIBIGAN-KAAWAY
3.MATULIN-MABAGAL
4.MASINOP- MAGULO
5.MALUNGKOT-MASAYA
Opo maam

- Magaling na mga bata


nasagutan ninyo ng maayos
ang mga tanong.

Sa inyong ikalawang Gawain.


Gumawa ng Venn Diagram at
ilarawan ang pagkakaiba at
pagkakahalintulad ng bawat tauhan
sa napakinggang pabula.

IKALAWANG GAWAIN.
Panuto; Gumawa ng Venn diagram
at ilarawan ang pagkakaiba at
pagkakapareho ni LANGGAM AT
TIPAKLONG .

- Magbibigay ako ng activity - Sa loob ng 5 minuto sasagot


sheets at doon kayo sasagot ang mga bata.
sa loob ng 5 minuto.
- Maari ng ipasa ang inyong
mga activity sheets sa
unahan.

Muli ating subukan ang inyon


natutunan sa binasang pabula.
- Sino sainyo ang - Si Tipaklong ay mahilig
makapaglarawan kay tumalon talon,lagi siyang
Tipaklong? naglalaro at nagsasaya pero
tamad siyang mag impok ng
- Tama. pagkain.

- Ngayon ilarawan niyo rin si


Langgam base sa - Si Langgam ay isang
napakinggan pabula? masipag at masinop araw
araw din siyang naghahanap
- Mahusay. ng maiimpok na pagkain.
Matiyaga siyang ng iimpok
ng pagkain at lagi niyang
piangsasabihan ang
- Sa tingin ninyo sino kaya kaniyang kaibgan na
sakanila ang mayroong matutong mg ipon kagaya
paghahanda sa panahong niya.
magkaroon ng sakuna?
- Si LAGGAM po.
- Bakit si LAGGAM?
- Dahil siya po ay isang
masipag at marunong mag
impok ng mga bagay na alam
- Mga bata ang pagiging isang niyang kakailangainin.
masipag ay nakakatutulong
upang tayo ay lagging handa
lalong lalo n kung ito ay para
rin satin.

- Matulungin din si Langgam


dahil di siya ng atubiling
tulungan c Tipaklong sa oras
ng kaniyang
pangangailangan.

- Isang tunay silang


magkaibigan dahil sa oras ng
kagipitan ng isa hindi
nagdalawang isip tumulong
kung sino ang may
kakayahan.

- Saating napakinggan pabula


natutukoy natin ang ibat
ibang kilos nila na kung saan
nalaman natin na ang mga
tauhan ay mayroon ibat
ibang kilos at base iyon sa
kung ano ang kanilang
sariling kagustuhan. At
maari rin na ito ay dahil sa - Opo mam
mga bagay na nag uudyok
upang tayu ay mas lalo pang
maging mabuti masipag at - Dahil ang paggamit ng pang
mapag unawang kaibigan. uri ay naka depende sa
bagay na ating ilalarawan.
- May naunawaan ba kayo sa
ating tinalakay?

- Mahusay. Mga bata ngayon


mgbibigay ako ng pagkatang
Gawain.

- Ihahati ko kayo sa dalawang


grupo at gumawa ng isang
talata tungkol sa mga tanong
na ito.

- Unang grupo ANONG


KATANGIAN MERON SI
TIPAKLONG?
- Ipenresenta ng bawat grupo
- Pangalawang grupo SINO ang bawat sagot.
ANG DAPAT TULARAN?

- MAKALIPAS ANG 3
MINUTO…

c.PAGLALAHAT

- Sa ating pagtatalakay ating


napakinggan ang isang
pabula patungkol kay
Langgam at Tipaklong .
- Ang pabula ay isang uri ng
panitikan na gumagamit ng
mga hayop bilang tauhan
kung saan kumikilos at
nagsasalita sila na parang
mga tao.
- Ito ay kalimitang nagpapakita
ng mga karaniwang
kaganapan sa araw araw na
buhay. Nag iiwan rin ito ng
mabuting aral sa
mambababasa at
tagapakinig.
- Ang mga hayup na ginagamit
na tauhan sa mga pabula ay
sumisimbolo sa mga
kaugalian o katangian ng
mga tao, mabuti man o
masama.
- Ang kwento ni Langgam at
Tipaklong ay isang
halimbawa ng pabula at isa
sa mga sikat na pabulla ito
ay tungkol sa mapag impok
na si Langgam at sa
kaibigang niyang si Tipaklong
na walang ginawa kundi ang
magpakasaya sa buhay. Ito
ay isang kathang isp lamang
ngunit nag iiwan ng
magandang aral sa
magbabasa.

d.PAGPAPAHALAGA

- Para sainyo mabuti kaya ang


maidudulot ng pagigng
mabilis gumawa.Bakit?

- Opo Maam dahil po ito ay


isang kahanga hanga at
- Tama ! nagpapakita ng magandang
pag uugali bilang tao lalong
- Nabibigyang halaga ang lalo na sa mga bata.
bawat kilos ng mga tauhan
sa pabula at naiuugnay ito sa
sariling karanasan at
maaring magamit sa pang
araw araw na pamumuhay.

- Ugaliing mag impok upang


kapag may pangangailangang
dumating ay may
madudukot.

- Sa oras ng kagipitan ay
nakikilala din natin kung
sino ang ating mga tunay na
kaibigan.

- Hindi masama ang magsaya


paminsan minsan. Ngunit
palaging pakatandaan na
hind isa lahat ng
pagkakataon ay kailangan
mo itong gawin. Magbanat ng
buto at paghandaan ang
hinaharap.

- Maging masipag. Huwag


tatamad tamad. Mas mabuti
sa tao ang nagtatrabaho
kaysa tumambay at maging
pasanin sa iba.

- Mag impok habang maganda


ang sitwasyon upang maging
handa sa anumang suliranin
sa hinaharap.

IV.PAGTATAYA.

Sagutan ang mga sumusunood na tanong mula sa napakinggang video


presentation na pabula tungkol kay LANGGAM AT TIPAKLONG

PANUTO: PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ISULAT ITO SA PATLANG.

___________1. SINO ANG DALAWANG PANGUNAHING TAUHAN SA PABULA?


a. Sina Langgam at Tipaklong
b. Sina Bertong Kalabaw at Wena Maya
c. Sina Paro Paro at Alitaptap
d. Sina Pagong at Matsing

____________2. ANO ANG SINABI NI LANGGAM KAY TIPAKLONG KUNG BAKIT DI SIYA
PWEDENG MAGLARO?
a. Akoy mag iipon muna para may makain kapag sumama ang panahon.
b. Salamat aking kaibigan ngunit marami pa akong hahakuting pagkain.
c. Maglalaro ako mamaya pagkatapos kong mag impok.
d. Sinasamantala namin ang magandang sikat ng araw upang magsaya

___________3. BAKIT KAILANGAN NI LANGGAM MAG IMPOK KAHIT MAGANDA ANG


SIKAT NG ARAW?
a. Dahil naging libangan niya na ito
b. Dahil masaya siya na gawin iyon.
c. Dahil maraming kaibigan si langgam na bibigyan ng kaniyang iniimpok.
d. Upang mayroon siyang sapat na pagkain pagdating ng ulan at sa gayon di
siya gugutumin.

__________4.ANO ANG HINDI MAKIKITANG PAG- UUGALI NA IPINAMALAS NI


TIPAKLONG SA PABULA?
a. Masayahin
b. Mabait
c. Maunawain
d. Mapag impok

__________5. ANO ANG NAPAGTANTO NI TIPAKLONG NANG NAKITA NIYANG


MADAMING NAIMPOK NA PAGKAIN SI LANGGAM??
a. Humahanga si Tipaklong kay Langgam.
b. Humingi ng paumanhin si Tipaklong
c. Ngayon alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon
dapat mag imbak ng maraming pagkain.
d. Nakipaglaro sa iba si Tipaklong
V.TAKDANG ARALIN:
Panuto: Isulat ang tamang sagot sainyong kwaderno.

1.Sino ang dalawang tauhan sa pabula?


2.Saan naganap ang kwento ng pabula?
3.Ano ang magandang aral na iyong nakuha mula sa napakinggang pabula?

Inihanda ni:

HAZEL MAY B. BLANQUEZA


BEED -2

Nabatid:

FARREL DL. ALTAMARINO MAEd


INSTRUCTOR

You might also like