You are on page 1of 5

CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION INC.

Paniqui, Tarlac
COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay
Aralin Sa
Filipino 8

Inihanda ni:

Jacquiline D. Abella
Mag-aaral

Sinuri ni:

Jona Rose L. Vinas


Gurong Tagapatnubay
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin:
a. Natutukoy ang salitang-ugat mula sa salitang maylapi at nabibigyang-kahulugan ito.
b. Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita.
c. Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Bayani ng Bukid
May-Akda: Al Q. Perez
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, ph.150-175
Kagamitan: kartolina, pandikit at sipi ng tula

III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
- Tumayo ang lahat at tayo’y manalangin. - Sa Ngalan ng Ama, ng Anak… AMEN.
 Pagbati
- Magandang umaga sa inyong lahat. - Magandang umaga rin po Ma’am!
- Maaari na kayong umupo. - Salamat po.
 Pagtala ng Lumiban
- Mayroon bang lumiban sa araw na ito? - Wala po!
- Mabuti.
 Balik-Aral
- Ano ang napag-aralan natin kahapon? - Ang napag-aralan po natin ay ang
maikling kwento.
- Tama, ano nga ba ang maikling kwento? - Ang maikling kwento po ay isang
maiksing salaysay hinggil sa
mahalagang pangyayarig
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan.
B. Pagganyak
- Bago natin simulan ang panibagong
aralin, magkakaroon muna tayo ng
masayang aktibidad tatawagin natin
itong “Apat na Larawan, Tatlong
Salita”.
- Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at
ang bawat grupo ay magkakaroon ng
kanya-kanyang representatib na siyang
manghuhula kung ano ang ibig sabihin
ng mga larawan na nasa pisara. - Opo, Ma’am!
- Maliwanag ba klas?

BAYANI NG BUKID
- Ano ang salitang inyong nabuo gamit - Bayani ng Bukid po, Ma’am.
ang larawang aking pinakita?
- Magaling! Ngayon may ideya naba kayo - Ang ating pong paksa sa araw na ito ay
kung tungkol saan ang ating paksa sa tungkol po sa Bayani ng Bukid.
araw na ito?
- Mahusay!

C. Paglalahad
- Ang ating tatalakayin ay tungkol sa
Bayani ng Bukid, ating aalamin kung
sinu ang tinuguriang bayani ng bukid.

D. Paghawan ng Sagabal
- Bago tayo dumako sa ating talakayan
atin munang tukuyin ang salitang-ugat
ng maylaping salitang nakasulat ng may
salungguhit na ginamit sa pangungusap
at bigyang-kahulugan ito para mas
maunawaan natin ito.

Talasalitaan: Sagot:
1) Bihira na ang gumagamit ngayon ng 1. Linang
araro sa paglilinang ng bukid.  Paglilinang – pagbubungkal
2) Tiyak na hindi na magdaranas ng 2. Dahop
pagdarahop sa pagkain ang balana kung  Pagdarahop – paghihirap
3. Lawak
ang ani ng mga sakahan ay sagana.
 Malalawak – maluluwang
3) Sa mga lalawigan ay iyong mamamalas
4. Gawa
ang malalawak na bukirin.  Gumawa – magtrabaho
4) Walang ibang layon ang mga magsasaka 5. Hagap
kundi ang gumawa at makatulong.  Hinagap – isipan
5) Laging nasa hinagap ng ulirang
magsasaka kung paano niya higit pang
mapagbubuti ang ani ng kanyang
bukirin.

E. Pagtalakay sa Paksa
- Papangkatin ang klase at ang bawat
pangkat ay babasahin ang bawat
saknong nang wasto at may damdamin.

*mga gabay na tanong*


- Ngayon sagutin na natin ang mga ilang
katanungan.
- Maituturing bang marangal na trabaho - Opo, dahil kung hindi po dahil sa
ang pagsasaka o pagiging magsasaka? magsasaka hindi po tayo magkakaroon ng
bigas, prutas at gulay. Kaya para po sa
akin ang pagsasaka ay marangal na
trabaho.
- Tama, dahil ang mga magsasaka ay
malaki ang naitutulong sa atin kaya isa
ring bayani ang mga magsasaka.
- Ano ang mga katangian ng magsasaka? - Ang magsasaka po ay masipag, malakas
at matibay ang katawan, mahusay mag-
araro at sanay sa init ng panahon.
- Magaling!
- Ano ang naitutulong ng mga magsasaka - Malaki po ang naitutulong ng mga
sa atin? magsasaka sa atin dahil sila po ang
nagbibigay ng ating mga makakain sa
araw-araw sa pamamagitan ng
pagtatanim.

- Tama, maganda ang sagot mo. - Tinawag po na pambansang hayop ang


- Bakit kaya tinawag na pambansang kalabaw dahil ito po ang pangunahing
hayop ang kalabaw? katulong ng magsasaka sa pagsasaka.

- Tama, dahil tulad ng magsasaka,


maituturing din na bayani ng bukid ang
kalabaw.

F. Paglalapat
- Para naman sa inyong pangkatang
gawain, hahatiin ko kayo sa dalawa.
Ihahambing ninyo ang sarili ninyong
saloobin at damdamin sa saloobin at
damdamin ng nagsasalita sa akdang DOUBLE ENTRY JOURNAL
binasa.
- Gamit ang double entry journal ay itala Mga Saloobin at Ang Aking Saloobin at
Damdamin ng Damdamin Kung
ninyo ang naghaharing saloobin at Nagsasalita Kung Paano Paano Ako
damdamin ng may-akda kung paano Niya Pinahalagahan ang Makatutulong Upang
Pagsasaka Muling Pagyamanin
niya pinahalagahan ang pagsasaka. ang Pagsasaka
1. 1.
Gayundin naman ay ilahad ninyo ang 2. 2.
inyong saloobin at damdamin kung 3. 3.
4. 4.
paano kayo makatutulong upang muling 5. 5.
mapagyaman ang pagsasaka.

G. Paglalahat
- Sa kabuuan, anong aral ang napulot niyo - Ang aral po na napulot ko sa tulang
sa tulang Bayani ng Bukid? Bayani ng Bukid ay ang mahalin at
ipagmalaki ang ating hanapbuhay maging
ito man ay maliit lamang ang kinikita.

- Tama, ano pang ibang aral mapupulot sa - Atin pong bigyang karangalan ang mga
tula? magsasaka dahil ang hanapbuhay na ito
ay hindi isang medaling trabaho lamang.
- Magaling. Lahat ng sagot niyo ay tama
at natutuwa ako na naunawaan niyo ang
ating tinalakay.

IV. Pagtataya

Piliin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang sandata ng magsasakang bayani ng bukid.


a. araro c. kalakian
b. balana d. sipag at tiyaga
2. Ito ang kaibigang laging nakahanda sa pag-aararo at paglilinang ng lupain araw-araw.
a. balana c. kasama
b. kalakian d. magsasaka
3. Ito ang laging nasa hagap o isipan ng magsasaka.
a. ang kanyang bukid c. ang kanyang araro
b. mahihirap na tao d. mamamayang Pilipino
4. Ito ang tanging hangarin ng magsasaka sa kanyang pang-araw-araw na paggawa.
a. Dumami ang kanyang ani upang makinabang ang lahat.
b. Maging masagana ang kanyang buhay.
c. Makilala siya bilang isang magsasakang bayani.
d. Mapaunlad ang agrikultura sa Pilipinas.
5. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng may-akda na bayani ang magsasaka sa tula.
a. Sapagkat hindi niya alintana ang hirap maging ang init at lamig sa kanyang maghapong
paggawa.
b. Sapagkat hindi siya natatakot sa ano o sinumang kalaban.
c. Sapagkat nagbebenta siya ng pagkain sa bayan.
d. Sapagkat gumagawa siya para guminhawa ang kanyang pamilya.

V. Takdang Aralin

Basahin ang “Balagtasan” ni Pablo Reyna Libiran sa pahina 180-188.

You might also like