You are on page 1of 4

Masusing Banghay

Aralin sa Pagtuturo ng Filipino lll

l. Layunin

a. Natutukoy Ang mga salita naglalarawan ng katangian ng tao, bagay o pook.

b. Makakapagbigay ng halimbawa ng salitang pang-uri.

ll. Paksang aralin

Paksa: Pagkilala sa mga salitang Pang-uri

Sanggunian: Landas sa wika at pagbasa po,80-83

Kagamitan: Manila Paper

lll. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Bata

Klas kayo ba ay may mga kaibigan?

Opo ma'am

Anong masasabi mo sa inyong kaibigan? Yes Minet?

Siya po ay mabait at masipag na kaibigan

Magaling!

Ano pa sige nga Cherry jane?

Ang kaibigan ko ay mapagmahal at palabiro.

Magaling!
b. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Klas ngayon ay may basahin akong kwento sa inyo.


Makinig lamang kayo ng mabuti at pagkatapos kong
basahin ay magtatanong ako tungkol sa nabasang
kwento. Maliwanag ba?

Opo ma'am.

(Babasahin ang kwento)

2. Pagtatalakay

Klas batay sa nabasang kwento ano ang pamagat ng


kwento? Milet?

Ang mabait na nuno ma'am

Tama!

Sinu Sino ang mga tauhan sa kwento? Suge nga Dimple


Si Jose at Nuno po ma'am
Tama!

(Isulat sa pisara Ang mga salitang naglalarawan kay


Jose)

Ngayon Naman ilarawan ang Nuno sa kwento. Ano ang


masasabi ninyo sa Nuno?

Mabait, Maliit na tao, mahaba ang balbas . Patulis ang


Eh sa damit ng nuno klas? kanyang tenga.
Magaling! Kulay asul ma'am.

Sa kaharian Naman ng Nuno, maari bang ilarawan niyo


ito?

Maraming ginto. May malaking gintong bato. Ang pinto


ay kumikislap at maliwanag ang paligid dahil sa ginto.

Magaling!

Ngayon basahin natin ang mga nakasulat sa pisara.

Alam niyo ba kung ano ang mga nakasulat sa pisara. (Sabay sabay na babasahin ng mga Bata)

Klas ito ang mga salitang naglalarawan sa katangian ng Hindi po ma'am


tao,bagay o pook. At tinatawag na Pang-uri.

Sigee nga klas mag bigay nga kayo ng halimbawa ng


mga salitang Pang-uri?

C. Paglalahad

Ano Naman klas ang salitang naglalarawan ng


kulay,hugis ng mga bagay,pool at katangian ng mga tao.

Ito ay Pang-uri ma'am

D.Pagsasanay

Klas mula sa naibigay kong halimbawa meron tayong


ilang mga salita Dito na bibigyan ninyo ng paglalarawan.

Halimbawa.Pusa- matapang,maliksi

1.Rosas-
2. Bahay-

3. Puno-

4.Lapis-

5.Watawat-

lV. Pagtataya

Panuto: Salungguhitan ang angkop na salitang nag lalarawan sa mga sumusunod.

1. Nanay- ( Puti, Mabait, Bilog)

2. Papel- ( Mabango, Matapang, Manipis)

3. Gulay- ( Sariwa, Masungit, Matakaw)

4. Ilog- ( Maingay, Malinaw, Masikip)

5. Sapatos- ( Masipag, Bago, Malawak)

V. Takdang Aralin

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.

1. Maliit 4. Matulungin

2. Parihaba 5. Malawak

3. Bulaklak

You might also like