You are on page 1of 9

BANGHAY – ARALIN

Inihanda ni: Jhun Mark Siete

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na makamit


ang mga sumusunod:

a) nailalarawan nang maayos at malinaw ang mensahe na nais iparating ng may


akda;
b) naiuugnay ang mensahe at diwa ng tula sa sariling buhay;
c) nakabubuo ng sariling tula batay sa kaisipan ng tulang binasa.

II. Paksang Aralin: Kalikasan Saan Ka Patungo?


III. Sanggunian: Arroroy,A.(2012,January 23).Kalikasan Saan Ka
Patungo?.scribd.https://www.scribd.com/doc/79064836/kalikasan-saan-ka-
patungo
Kagamitan: PPT, kartolina,chalk,pandikit,bidyu at iba pa
Kasanayan: Panonood, pakikinig,at pagbasa
Kakayahan: pagkamalikhain

III Pamamaraan: Pagsasatula

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda

Magandang umaga klas. Magandang umaga din po sir.

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (panalangin)

Bago kayo magsiupo ay ayusin muna


ninyo ang hanay ng upuan at pakipulot ( gagawin ng mga mag-aaral)
ang kalat sa sahig.

Ngayon klas ay itatala ko ang mga lumiban sa


klase. Pag tinawag ang inyong pangalan ay
sumigaw ng “Darna” nang may emosyon.

(pagtala ng lumiban)

a. Balik-aral

Klas, noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin Ang kwento po na ating tinalakay ay ang
ang tungkol sa isang kwento. Ano nga ulit ang kwentong “ Ang Sundalong Patpat”
kwentong iyon?
Ang kwento po ay tungkol sa pakikipagsapalaran
ni Sundalong Patpat sa paghahanap niya sa
Mahusay! Tungkol saan ang kwentong iyon? nawawalang ulan.

Magaling! Sapagkat inyo pang natatandaan ang


kwento na ating tinalakay noong nakaraan.

b. Pagganyak

Ngayon klas ay may inihanda akong bidyu na


nais kong inyong pakinggan at panuorin. Ito ay
ang awiting “Anak ng Pasig” na inawit at
binigyang buhay ng bandang Smokey Mountain.
Pakingganng mabuti at unawain ang nilalaman
ng kanta.

( magpapakita ng bidyu)

https://www.youtube.com/watch? Ang awitin po sir ay tumatalakay sa kapabayaan


v=NR6cZwn3gsw nating mga tao sa dating malinis at magandang
ilog Pasig.
Ano ang nahinuha ninyo sa bidyu klas? Tungkol
saan ba ito?

Tama! Ang bidyu o ang awitin na ating


napanood ay pumapatungkol sa pagkasira ng Malungkot po sir.
ilog pasig.

Ano naman ang naramdaman niyo matapos


mapanood ang bidyu klas?

Maraming salamat, mahihinuha natin klas na


ang bidyu ay nagdudulot ng kalungkutan sa mga
nakakapanood ang nakikinig nito.
Opo sir.
Ang bidyung iyon klas ay patikim o pasilip sa
ating tatalakayinng paksa sa araw na ito. Kaya
klas, handa na ba kayo sa panibagong
kaalamang inyong matututunan sa ating tagpo
ngayong araw?

B. Paglalahad

Sa oras na ito klas ay ating aalamin ang Kalikasan Saan Ka Patungo?


sitwasyon ng ating kapaligiran at aalamin din
antin kung sino ba ang dapat managot sa mga
pangyayaring ito.

Kaya naman sa puntong ito ay ating tataalakayin


ang tulang ginawa ni Avon Adarna na
pinamagatang, basahin ng lahat.

a. Paglalahad ng Nilalayon a. nailalarawan nang maayos at malinaw ang


mensahe na nais iparating ng may-akda;
Para maging matuwid ang ating daang tatahakin b. naiuugnay ang mensahe at diwa ng tula sa
tungo sa nais nating kamtin sa ating talakayan sariling buhay;
ngayong araw ay may inihanda akong layunin c. nakabubuo ng tula batay sa kaisipan ng tulang
na nais kong makamit ninyo pagkatapos ng ating binasa.
pag-aaral.

Basahin ng sabay-sabay

C. Paghahawan ng Sagabal

Klas, sa ating pagtatalakay sa tula ay may ( Babasahin ng mga mag-aaral)


mahihirap tayong salitang matatagpuan. Kaya
naman bibigyan natin ito ng kasing-kahulugan
nang sa gayon ay mas madaling maintindihan
ang tula.

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga


kasingkahulugang salita ng mga
sinalungguhitang salita sa mga sumusunod na
pangungusap.

Naglilibot

Maputik

Natumba
Hindi sariwa

Sakim o gahaman
1. Si Juan ay masayang naglilimayon sa loob ng
paaralan.
2. Sanhi ng malakas na ulan ay naging maburak
ang daan.
3. Nabuwal ang mga puno dahil sa malakas na
hangin.
4. Bilasa na ang iilang isda sa palengke.
5. Ang pagiging ganid sa kapangyarihan ang
naging mitsa ng kanyang buhay.

D. Pagpapakilala sa Awtor

Si Avon Adarna ay isang Filipinong manunulat


na sumulat ng mga akda sa Wikang Filipino.
Ilan sa mga kilalang akda niya ay ang Tatag ng
Wikang Filipino, Ipinagpalit mo, Ako Pala Itong
Ililibing Niyo, at Mukha ng Pag-ibig.
E. Unang Pagbasa

Ngayon klas ay buksan ang inyong isipan at


talasan ang inyong pandinig sapagkat babasahin
ko na ang tula.

Kalikasan – Saan Ka Patungo?


Tula ni Avon Adarna

Nakita ng buwan itong pagkasira,


Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig – marumi, lutang ang basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,


Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,


Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sabana,


Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi… naroon… mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,


Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tula po sir ay mayroong pitong saknong po.
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! Ang bawat saknong po sir ay binubuo ng apat na
taludtod.
F. Pagtatalakay Pangkaisipan

Sa oras na ito klas ay ating bigyang pansin ang


istruktura ng tula. Klas, kapag istruktura ng tula
ang pag-uusapan ito ay binubuo ng saknong, Ang pantig ay ang bawat saltik ng dila.
taludtud ,at pantig.

Ang saknong klas ay ay ang tinatawag na stanza


sa ingles. Binubuo ito ng dalawa o higit pang Labing dalawa po sir.
mga linya ng salita. Ang tanong klas, ilang
saknong meron ang tula?

Tama, ang tulang ating binasa klas ay binubuo


ng pitong saknong.

Sa kabilang banda klas, ang mga linya na


(Binasa ng mga mag-aaral)
bumubuo sa isang saknong ay tinatawag na
taludtod o verse sa wikang ingles. Ilang taludtud
kaya meron ang bawat saknong klas?

Sa unang saknong po ay nais nitong ipahiwatig


Tama, ang bawat saknong ay binubuo ng apat na ang labis na pagkasira ng ating kalikasan.
taludtod . Sa kabuuan klas, ang tula ay may
dalawamput-walong taludtod.

Ngayon dumako naman tayo sa pantig. Alam


niyo ba kung ano ang pantig klas?
Sa pangalawang saknong po sir ay nais nitong
Tama, ang pantig klas ay ang bawat saltik ng
ipahayag ang pagluha ng buwan na siyang saksi
ating dila. Nangyayari ito kasabay ng paggalaw
sa nagyayari sa ating kalikasan.
ng ating bibig. Dito sa tula klas, ilang pantig
meron ang bawat taludtod kada saknong?

Mahusay, kada taludtod bawat saknong ay


binubuo ng labing dalawang pantig klas.

G. Ikalawang Pagbasa Dito po ay ipinapakita ang maling gawain ng tao


at ang mga negatibong epekto nito sa ating paligid
Ngayon klas ay tapos na nating talakayin ang po.
istruktura tula. At muli ay atin itong babasahin.

H. Pagtalakay pangkaisipan

Sa unang saknong klas, ano sa tingin ninyo ang


Nais pong ipahiwatig ng ikaapat na saknong ay
nais nitong ipahiwatig?
ang pagtatapon ng basura ng mga tao sa mga
Tumpak! Ipinapakita sa unang saknong ang anyong tubig na siyang sanhi ng pagkamatay ng
kagimbal-gimbal na nangyayari sa ating mga lamang dagat po.
kalikasan.

Dumako naman tayo sa ikalawang saknong Nais po nitong ipakita kung ano ang nangyari sa
klas.Sa inyong hinuha ano ang nais ipahayag mga dating luntiang kagubatan sir.
nito?

Tama! Ang buwan ay lumuluha sa nasasaksihan


nito. Ang pagkasira ng kalikasan sa dulot ng Ipinapakita po sa ika-anim na saknong ang
mga tao. kapalaluan ng mga tao. Ang mga dati malinis na
ilog ,ngayon ay naging ilog ng basura na. At sa
Ngayon klas ay dumako tayo sa ikatlong
tuwing darating ang sakuna o bagyo ay
saknong. Ipaliwanag ang kahulugan nito.
nagdudulot ito ng pagkabara ng mga daanan ng
tubig.

Mahusay! Siyang tunay klas. Ang mga gawain


ng tao ay siya ring nakakasira sa kalikasan.

Ang ikaapat na saknong naman klas, ano ang


nais ipahiwatig nito?

Nais nitong ipabatid sir na ang lahat ay may


ibubunga. Darating ang araw na lahat ng
masamang ginawa ng tao ay babalik din sa kanila.
Atin namang suriin ang ikalimang saknong klas.
Ano naman ang nais nitong iparating?

Tama! Ipinapakita nito kung ano ang ipinalit ng


tao sa mga dati’y mayabong na kagubatan.

Ngayon ay atin namang bigyang diin ang ika-


anim na saknong klas. Ano ang inyong
nahihinuha mula dito klas?

Tama, kung ating nakikita ngayon klas. Lalong-


lalo na sa mga lungsod, madali ng umapaw ang
tubig pag umuulan kasi nababarahan ang mga
kanal ng basura na tinapon ng mga tao.
(gagawin ng mga mag-aaral)
At syempre ang panghuling saknong klas. Ano
ang kaisipang pumasok sa inyong isipan sa
huling bahagi ng tulang ito?
Mahusay! Talagang inyong naintindihan ang
nais na iparating ng tulang binasa natin at Opo sir, naranasan ko na rin pong magtapon ng
tinalakay. basura kung saan-saan. Sa tuwing ito po ay aking
naaalala, lalong-lalo na po ngayong pagkatapos
I. Ikatlong Pagbasa ng ating talakayan ay nakakaramdam po ako ng
hiya at pagsisisi sapagkat naging isa ako sa
Sa puntong ito klas ay kayo na ang dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran.
magbabasa sa tula. At ito ay idadaan natin sa
malikhaing pagbasa. Ang klase ay hahatiin sa
dalawang grupo. At bawat grupo ay salitan sa Ako rin po sir ay aminadong nakagawa ng ganon
pagbasa sa bawat saknong. Ang unang grupo ay na kung saan ako ay nagtapon ng basura sa di
babasahin ang tula na umiiyak at ang ikalawang tamang taponan. Hindi po siya nakakatuwa kung
grupo naman ay ialalahad ang tula na galit.Lahat ito’y maaalala ko po. Sapagkat bilang isang
ng ito ay gagawin ng dalawang pangkat habang mamamayan ay dapat nating alagaan ang ating
kumekembot pataas at pababa. kalikasan.

Bibigyan ko lamang kayo ng isang minuto para


mag-ensayo.

(Pagkatapos ng isang minuto ay ipapakita na ng


mga mag-aaral ang aktibiti)

Pagpapahalaga

Sa tula klas ay ating nabatid o mas namulat


pa tayo sa problemang pangkapaligiran na
nararanasan ng mundo. Kayo klas, naranasan
niyo na bang magtapon ng basura kung saan-
saan? At kung aalalahanin ninyo ito ngayon ano
ang inyong nararamdaman?

Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng


iyong karanasan. Sino pa ang gustong
magbahagi?

Maraming salamat, talagang totoo naman klas


na iilan sa atin dito ang nakaranas ng magtapon
ng basura kung saan-saan. Aminado din ako
klas. Tayong mga tao ang pumapatay sa ating
kalikasan. Inaabuso at minamaltrato. Pero
dumarating tayo sa punto na nagkakaroon tayo
ng kamalayan sa kamaliang ating nagawa. Tulad
ngayon, na kung saan sa pagbabahagi ko ng tula
ay nabuksan ang ating mga mata at isipan sa
katotohanan na ang kalikasan natin ay
sinasadlak natin sa pagkasira. Kaya nais kong
mahinuha ninyo na tayo ang salarin sa
kaganapang ito, kaya tayo rin ang dapat maging
solusyon upang iligtas ang ating tahanan, ang
ating mundo, ang ating inang kalikasan.

J. Paglalapat

Sa dakong ito klas ay nais kong kumuha kayo


ng isang buong papel at kayo ay gagawa ng
isang tulang pangkalikasan.

Panuto: Sa isang buong papel ay sumulat ng


isang tula na pumapatungkol sa kalikasan. Ang
tula ay dapat may apat na saknong at apat na
talutod sa bawat saknong. Malaya kayong pumili
kung ilang pantig ang inyong gagamitin sa
inyong tula. Gawin ito sa loob ng labinlimang
minuto.

Pamantayan sa tula:

Mensahe at nilalaman - 10
Orihinalida - 10
20 puntos
IV Ebalwasyon

Panuto: kumuha ng isang buong papel at sagutin ang katanungan na nasa loob ng
grapikong pantulong na nasa ibaba

Ano ang mensahe na nais Bilang isang mag-aaral


iparating ng tula? paano ka makakatulong sa
Ipaliwanag. sa paglutas sa suliraning
KALIKASAN SAAN KA pangkapaligiran na
PATUNGO? kinakaharap natin ngayon?

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng isang minutong bidyu na naglalaman ng inyong repleksyon


tungkol sa talakayan natin sa araw na ito. Ipasa ito sa Biyernes ( Nobyembre 11,
2022)

You might also like