You are on page 1of 8

CLAVERIA RURAL AND VOCATIONAL SCHOOL

Claveria, Cagayan

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VII

Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Inihanda ni:

RHEINZ AGCAOILI
Student Teacher

Iwinasto ni:

ZENAIDA E. QUILALA
Cooperating Teacher

Pinamatnugutan ni:

MELANIE C. PALACAY, Ph. D.


Head Teacher, RS Department

____________________________________
Petsa ng Pagpasa

__________________________________
Petsa ng Pagtuturo
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VII

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga mahalagang impormasyon patungkol sa kasaysayan ng Ibong Adarna sa
pamamagitan ng interaktibong pagbuo ng puzzle;
b. naitatanghal ang mga natatanging kaugalian na sumasalamin sa Ibong Adarna sa pamamagitan ng
tableau, pantomina, at 3-minute role play; at
c. naihahanda ang sarili sa paggawa ng tamang desisyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng reaksiyon
sa mga piling senaryo mula sa Ibong Adarna.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7, (Baisa-Julian et. al 2014), pp. 397-401
KAGAMITAN: aklat, larawan, visual aids

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang umaga klas!


Magandang umaga rin, Sir!

Manatiling nakatayo para sa ating panalangin.


Mark, pwede mo bang pangunahan ang ating
panalangin?

Ama namin… Amen.


Meron bang mga lumiban klas?

Mabuti kung ganun.


Wala, Sir!

B. PAGGANYAK
Ngayon klas, nais kong kilalanin ninyo ang nasa
larawan.

Sino ang nasa larawan klas?


Si Marcelito Pomoy, Sir.

Tama. Alam niyo ba ang balita patungkol sa


kanya?
Opo. Sumali po siya sa America’s Got Talent Sir.

Tama ka anak. Namangha ang mundo sa


kanyang talento. At tunay ngang prawd na prawd
ang buong bansa sa kanya. Isa na namang
KASAYSAYAN ito para sa Pilipinas.

Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano ang ibig


sabihin ng KASAYSAYAN?
Ito po yung mga pangayayari sa nakaraan, Sir.
Tama ka anak, at ang mga pangyayaring ito ay
hindi mga ordinaryong pangyayari lamang,
kundi mga pangayayaring nakapagdulot ng mga
kakaibang pagbabago sa mundo na hindi
malilimutan kailanman. Naintindihan?
Opo, Sir.

C. PAGLALAHAD
Ngayon, pag-uusapan natin ang kasaysayan ng
isang halimbawa ng korido na nagdulot ng
malaking impluwensiya sa mga Filipino—Ang
Ibong Adarna.

D. PAGTATALAKAY

Ngayon, para malaman ang mga mahahalagang


impormasyon patungkol sa kasaysayan ng Ibong
Adarna, papangkatin ko kayo sa limang pangkat.
Para sa pagpapangkat gagamitin natin ang mga
pantig ng salitang IBONG ADARNA.( I-Bong
A-Dar-Na). Simulan na natin ang pagpapangkat.

I, Bong, A, Dar, Na,…

Ang lahat ng I ay pupuwesto dito sa harapang


kanan.
Ang mga kabilang sa BONG ay dito sa harapang
kaliwa.
Ang mga mag-aaral naman sa A ay sa kanang
likuran.
Yung mga kabilang sa DAR ay kaliwang likuran.
At ang mga NA ay sa gitna.

Maaari na kayong pumunta sa inyong mga


pangkat nang tahimik.

Ngayon bibigyan ko kayo ng mga envelope.


Bawat envelope ay nagtataglay ng mga naputol-
putol na salaysay na magsisilbing puzzle na
inyong bubuin. Bawat salaysay ay naglalahad ng
impormasyon patungkol sa kasaysayan ng Ibong
Adarna. Sa loob ng tatlong minuto, iaayos ninyo
ang mga ito para malaman ang mga
impormasyong ito. Naintindihan?
Opo, sir.

Maaari na kayong magsimula.

Tapos na ang tatlong minuto. Nabuo na ba klas?


Opo, Sir.

Magaling. Ngayon tatalakayin natin ang bawat


salaysay na inyong nabuo.
Sisimulan natin sa pangkat I. Ano ang inyong
salaysay?
Walang tiyak na impormasyon kung sino ang may-
akda ng Ibong Adarna.

Malinaw klas na walang tiyak na impormasyon


kung sino talaga ang may-akda o sumulat ng
Ibong Adarna.

Sa pangkat BONG, pakilahad ang inyong


salaysay.

Hinango lamang sa ibang sa kuwentong-bayan ng mga


bansa sa Europa.

E. PAGLALAHAT

Mabuti kung ganun. Napag-usapan natin ang


patungkol sa tulang pasalaysay at ang dalawang
uri nito. Ano ulit ang tulang pasalaysay klas?

Isang uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito ay


kadalasang naglalahad ng mga mahahalagang
pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan sa pag-ibig,
mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan
ng mga bayani.
Magaling!

Ano ang dalawang uri ng tulang pasalaysay?

Opo, Sir.
Ano ang pagkakaiba ng dalawa batay sa anyo?

Mahusay. Ano naman ang kanilang kaibahan


batay sa paksa?

Magaling anak. At paano naman nahahambing


ang dalawa batay sa mga tauhan?

Mahusay!

F. PAGLALAPAT

At para mapaunlad pa natin ang ating kaalaman


patungkol sa awit at korido ating gawin ang
aktibiting ito. Papangkatin ko kayo sa apat. Para
malaman ninyo ang inyong grupo, Magbilang
kayo ng isa hanggang apat. Simulan na ang
pagbibilang.

Lahat ng kabilang sa unang pangkat dito kayo sa


harap, sa kanang bahagi. Pangalawang pangkat Apat po.
sa kaliwang bahagi dito sa harap. Pangatlo sa
kanang bahagi sa likod. At pang-apat naman ay
sa likod din sa kaliwang bahagi. Malinaw?
Labindalawa, sir.

Maari na kayong pumunta sa inyong mga


pangkat.
Awit sir.
Ngayon bibigyan ko kayo ng mga liham. Ang
bawat liham ay naglalaman ng inyong mga
gagawin.
Apat po, sir.

Bawat pangkat ay may paksang gagawan ng tula. Walo po.


Narito ang ating pamantayan sa inyong gagawin.

Estruktura- 50%
Nilalaman- 30%
Kooperasyon-20%
Kabuuan- 100%
Opo, sir.
May mga tanong?

Mayroon lamang kayong labinlimang minuto


para gawin ito. Maari niyo nang simulan.

Tapos na ang labinlimang minuto. Maaari niyo


nang isulat ang inyong mga ginawa sa pisaran
para sa presentasyon ng inyong mga awtput.

Suriin natin ang inyong mga isinulat…


Mahuhusay kayong lahat, nakamamangha ang
inyong mga tula. Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.

Ilagay na sa tamang ayos ang mga upuan at


maaari na kayong bumalik sa inyong praper sits.

F. PAGPAPAHALAGA
Ngayon klas, nalaman na natin ang
dalawang uri ng tulang pasalaysay at nakagawa Opo.
rin kayo ng mga halimbawa sa mga ito. Ang
tanong ko ngayon, kung gagawan niyo ng tula
ang kuwento ng buhay niyo, ano ang magiging
pamagat nito? Bakit?

Isang uri ng tula na nagsasaad ng kuwento, sir.


Magaling! Sino pa? Ito po ay kadalasang naglalahad ng mga
mahahalagang pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan
sa pag-ibig, mga suliranin at panganib sa pakikidigma
o kagitingan ng mga bayani.
Salamat anak. Dito natin makikita na sa
pamamagitan ng tula maaari nating maisalaysay
ang kuwento ng ating mga buhay. Katulad na
lamang ng tulang pasalaysay. Palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili. Awit at korido po.

Ang awit po ay may 12 pantig sa bawat taludtod


habang ang korido ay may 8 pantig sir!

Ang paksa po sa awit ay patungkol po sa mga bayani


samantalang sa korido ay patungkol po sa mga
pananampalataya, alamat at kababalaghan.

Sa awit po ay hango sa tunay na buhay Sir. Sa korido


naman ay hindi makatotohanan sapagkat may
kapangyarihang supernatural po ang mga ito.

Isa, dalawa, tatlo, apat…

Opo.

“Sa inyong pangkat bumuo kayo ng isang saknong na


tula.
Para sa Group 1- gumawa kayo ng Awit patungkol
sa pagkabigo sa pag-ibig.
Group 2- bumuo ng isang awit na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan.
Group 3- bumuo ng isang korido patungkol sa inyong
kaibigan.
Group 4- bumuo ng isang korido patungkol sa inyong
pangarap.

Wala po.

Okay po, Sir.


Sa akin po ay “Ang Lapis.” Dahil kahit marami po
akong pagkakamali ay may pambura ako para itama
ito.

“Ang Taong May Pangarap” Dahil ako po yung taong


maraming pangarap sir.

IV. PAGTATAYA
Ilabas ang inyong mga quiz notebook at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong tawag sa uri ng tula na nagkukuwento o nagsasalaysay? (Tulang pasalaysay)
2. Anong tawag sa uri ng tulang nagkukuwento na nagtataglay ng labindalawang pantig sa isang taludtod?
(Awit)
3. Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ang tulang Korido? (walo)
4. Ilang taludtod mayroon ang tulang Korido? (apat)
5. Ano ang akdang pampanitikan na nauuri bilang Korido. (Ibong Adarna)
TAMA o MALI. Isulat ang SANA ALL kung ang pahayag ay tama, at E DI WOW naman kung mali.
6. Ang mga tauhan sa awit ay may mga superpowers. (EDI WOW)
7. Ang paksahin ng isang korido ay kadalasang may kababalaghan. (SANA ALL)
8. Ang awit ay mas mahaba kaysa sa korido. (SANA ALL)
9. Ang awit at korido ay parehas na nagtataglay ng apat na taludtod sa isang saknong. (SANA ALL)
10. Ang korido ay may mga tauhang hango sa tunay na buhay. (E DI WOW)

V. KASUNDUAN

I. Tukuyin kung ang mga sumusunod na taludtod ay hango sa awit o korido.

1. Si Don Pedro ang panganay (KORIDO)


2. Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo (AWIT)
3. sa kay Sihesmundo’y huwag ding matulad. (AWIT)
4. Sa pag-ibig ng magulang (KORIDO)
5. magigising ng may lumbay (KORIDO)

II. Magsaliksik patungkol sa kasaysayan ng Ibong Adarna (Tignan sa Pinagyamang Pluma


7, Baisa-Julian et. al 2014, pp. 397-401)
PAGTATAYA
Ilabas ang inyong mga quiz notebook at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong tawag sa uri ng tula na nagkukuwento o nagsasalaysay? (Tulang pasalaysay)
2. Anong tawag sa uri ng tulang nagkukuwento na nagtataglay ng labindalawang pantig sa isang taludtod?
(Awit)
3. Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ang tulang Korido? (walo)
4. Ilang taludtod mayroon ang tulang Korido? (apat)
5. Ano ang akdang pampanitikan na nauuri bilang Korido. (Ibong Adarna)
TAMA o MALI. Isulat ang SANA ALL kung ang pahayag ay tama, at E DI WOW naman kung mali.
1. Ang mga tauhan sa awit ay may mga superpowers. (EDI WOW)
2. Ang paksahin ng isang korido ay kadalasang may kababalaghan. (SANA ALL)
3. Ang awit ay may mabagal na himig na tinatawag na andante. (SANA ALL)
4. Ang awit at korido ay parehas na nagtataglay ng apat na taludtod sa isang saknong. (SANA ALL)
5. Ang korido ay may mga tauhang hango sa tunay na buhay. (E DI WOW)

Tukuyin kung ang mga sumusunod na taludtod ay hango sa awit o korido.

1. Si Don Pedro ang panganay (KORIDO)


2. Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo (AWIT)
3. sa kay Sihesmundo’y huwag ding matulad. (AWIT)
4. Sa pag-ibig ng magulang (KORIDO)
5. magigising ng may lumbay (KORIDO)

You might also like