You are on page 1of 8

CLAVERIA RURAL AND VOCATIONAL SCHOOL

Claveria, Cagayan

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VII

Paksa: Tulang Pasalaysay

Inihanda ni:

RHEINZ AGCAOILI
Student Teacher

Iwinasto ni:

ZENAIDA E. QUILALA
Cooperating Teacher

Pinamatnugutan ni:

MELANIE C. PALACAY, Ph. D.


Head Teacher, RS Department

__________________________
Petsa ng Pagpasa

__________________________
Petsa ng Pagtuturo
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VII

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. napaghahambing ang dalawang uri ng tulang pasalaysay na awit at korido sa pamamagitan ng
malayang talakayan;
b. nakabubuo ng isang saknong na tula bilang halimbawa ng awit at korido sa pamamagitan ng
pangkatang gawain; at
c. nabibigyang halaga ang kaugnayan ng pagsulat ng tula sa kanilang buhay sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na, “Kung gagawan mo ng tula ang kuwento ng buhay mo, ano ang magiging pamagat
nito?”.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Tulang Pasalaysay (Awit at Korido)
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7, (Baisa-Julian et. al 2014), pp. 397-401
KAGAMITAN: aklat, larawan, visual aids

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang umaga klas!


Magandang umaga rin, Sir!

Manatiling nakatayo para sa ating panalangin.


Jaylord, pwede mo bang pangunahan ang ating
panalangin?

Ama namin… Amen.


Meron bang mga lumiban klas?

Mabuti kung ganun.


Wala, Sir!
B. PAGGANYAK
Ngayon klas, may bisita tayo ngayong umaga.
Sabik na sabik siyang makadalaw dito sa klase
ninyo. Siya ay walang iba kundi si?

Sarah Geronimo, Sir.

Tama, si Sarah Geronimo ang nakadikit na


larawan sa pisara at meron siyang gustong
sabihin sa inyo ngayon.
Kumusta Grade 7? Nagawa niyo na ba ang
Tala Challenge? Meron akong ibang
challenge sa inyo! Maaari niyo bang
isalaysay sa akin kung anu-ano yung mga
ginawa ninyo bago kayo pumasok sa
eskuwelahan?

Ano yung gusto niyang ipagawa klas?


Gusto po niyang isalaysay namin kung ano po yung
mga ginawa namin bago po kami pumasok, Sir.

Magaling! Nais kong ang ilan sa inyo ang


sumagot sa tanong niya. Anu-ano ang mga
ginawa ninyo bago kayo pumasok sa
eskwelahan?
Maaga po akong nagising, Sir. Tapos nagchat muna sa
mga kaibigan ko kumain tapos naligo po, nagbihis at
pumasok po.
Mainam! Sino pa?
Ganun din po, Sir pero hindi po ako kumain. Naglakad
lang po ako pagpasok ko.
Salamat anak. Pero sa susunod kailangan kumain
ka muna bago ka papasok. Para sa panghuli?

Sir pagkatapos ko pong bumangon ay nagdasal po


ako. Tumulong sa pagluluto kay Nanay. Naligo po ako
pagkatapos ay nagbihis at nag-abang ng masasakyan,
Magaling anak! Ang inyong mga sinabi ay Sir.
pagsasalaysay o pagkukuwento sa mga ginawa
ninyo bago kayo pumasok. Sigurado akong
masaya si Sarah G. ngayon dahil pinagbigyan
ninyo siya.

C. PAGLALAHAD
Ang pagsasalaysay na ginawa ninyo ay katulad
din ng ating tatalakaying aralin ngayon. Ito ay
ang Tulang Pasalaysay.

D. PAGTATALAKAY

Ano ang Tulang Pasalaysay? Pakibasa ang


nakadikit sa pisara.

Isang uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito ay


kadalasang naglalahad ng mga mahahalagang
pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan sa pag-ibig,
mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan
ng mga bayani.
Salamat anak. Katulad ng sinabi ko kanina, ito
ay pagkukuwento rin ng mga pangyayari, ngunit
sa paraang patula, ibig sabihin mayroong
taludtod at may saknong. Naintidihan?

Opo, Sir.
Mayroon tayong tatalakaying dalawang uri ng
tulang pasalaysay. Ang awit at korido.
Para mas maintindihan natin ang kanilang
pagkakaiba, tatalakayin natin ang mga ito batay
sa anyo, paksa, at katangian ng mga tauhan nito.
Magbibigay din ako mamaya ng halimbawa ng
bawat isa.

BATAY SA ANYO

Awit- binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang


taludturan, at may apat na saknong
Korido- binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang
taludturan, at may apat na saknong

Halimbawa.

Ating bigyang pansin ang ilang mga halimbawa.

Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod,
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

Ilang taludtod mayroon ang tula?


Apat po.

Tama. Ilang pantig ang mayroon sa bawat


taludtod?
Labindalawa, sir.

Magaling. Ibig sabihin ito ay isang halimbawa


ng?
Awit sir.

Magaling! Tignan naman natin ang susunod na


halimbawa.

Noong mga unang araw,


sang-ayon sa kasaysayan,
sa Berbanyang kaharian
ay may haring hinahangaan.

Ilang taludtod mayroon ang tula?


Apat po, sir.

Tama! At ang mga ito ay nagtataglay ng ilang


pantig?
Walo po.

Magaling. Kayan naman ang tulang iyan ay


halimbawa ng Korido.

Naintindihan?
Opo, sir.
BATAY SA PAKSA

Awit- Tungkol sa mga bayani at mandirigma at


larawan ng buhay
Korido- Pananampalataya, alamat at
kababalaghan

BATAY SA KATANGIAN NG MGA


TAUHAN

Awit- walang taglay na kapangyarihan


supernatural at makatotohanan o hango sa tunay
na buhay.
Korido- may kapangyarihang supernatural may
kakayahang gumawa ng kababalaghan na hindi
nagagawa ng karaniwang tao.

MGA HALIMBAWANG AKDA

Awit- Florante at Laura


Korido- Ang Ibong Adarna

Naintindihan klas?
Opo.

E. PAGLALAHAT

Mabuti kung ganun. Napag-usapan natin ang


patungkol sa tulang pasalaysay at ang dalawang
uri nito. Ano ulit ang tulang pasalaysay klas?

Isang uri ng tula na nagsasaad ng kuwento, sir.


Ito po ay kadalasang naglalahad ng mga
mahahalagang pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan
sa pag-ibig, mga suliranin at panganib sa pakikidigma
o kagitingan ng mga bayani.

Magaling!

Ano ang dalawang uri ng tulang pasalaysay?


Awit at korido po.

Ano ang pagkakaiba ng dalawa batay sa anyo?


Ang awit po ay may 12 pantig sa bawat taludtod
habang ang korido ay may 8 pantig sir!

Mahusay. Ano naman ang kanilang kaibahan


batay sa paksa?
Ang paksa po sa awit ay patungkol po sa mga bayani
samantalang sa korido ay patungkol po sa mga
pananampalataya, alamat at kababalaghan.

Magaling anak. At paano naman nahahambing


ang dalawa batay sa mga tauhan?
Sa awit po ay hango sa tunay na buhay Sir. Sa korido
naman ay hindi makatotohanan sapagkat may
kapangyarihang supernatural po ang mga ito.

Mahusay!

F. PAGLALAPAT

At para mapaunlad pa natin ang ating kaalaman


patungkol sa awit at korido ating gawin ang
aktibiting ito. Papangkatin ko kayo sa apat. Para
malaman ninyo ang inyong grupo, Magbilang
kayo ng isa hanggang apat. Simulan na ang
pagbibilang.
Isa, dalawa, tatlo, apat…

Lahat ng kabilang sa unang pangkat dito kayo sa


harap, sa kanang bahagi. Pangalawang pangkat
sa kaliwang bahagi dito sa harap. Pangatlo sa
kanang bahagi sa likod. At pang-apat naman ay
sa likod din sa kaliwang bahagi. Malinaw?
Opo.

Maari na kayong pumunta sa inyong mga


pangkat.

Ngayon bibigyan ko kayo ng mga liham. Ang


bawat liham ay naglalaman ng inyong mga
gagawin. “Sa inyong pangkat bumuo kayo ng isang saknong na
tula.
Para sa Group 1- gumawa kayo ng Awit patungkol
sa pagkabigo sa pag-ibig.
Group 2- bumuo ng isang awit na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan.
Group 3- bumuo ng isang korido patungkol sa inyong
kaibigan.
Group 4- bumuo ng isang korido patungkol sa inyong
pangarap.

Bawat pangkat ay may paksang gagawan ng tula.


Narito ang ating pamantayan sa inyong gagawin.

Estruktura- 50%
Nilalaman- 30%
Kooperasyon-20%
Kabuuan- 100%

May mga tanong?


Wala po.

Mayroon lamang kayong labinlimang minuto


para gawin ito. Maari niyo nang simulan.

Tapos na ang labinlimang minuto. Maaari niyo


nang isulat ang inyong mga ginawa sa pisaran
para sa presentasyon ng inyong mga awtput.
Okay po, Sir.

Suriin natin ang inyong mga isinulat…


Mahuhusay kayong lahat, nakamamangha ang
inyong mga tula. Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.

Ilagay na sa tamang ayos ang mga upuan at


maaari na kayong bumalik sa inyong praper sits.

F. PAGPAPAHALAGA
Ngayon klas, nalaman na natin ang
dalawang uri ng tulang pasalaysay at nakagawa
rin kayo ng mga halimbawa sa mga ito. Ang
tanong ko ngayon, kung gagawan niyo ng tula
ang kuwento ng buhay niyo, ano ang magiging
pamagat nito? Bakit?
Sa akin po ay “Ang Lapis.” Dahil kahit marami po
akong pagkakamali ay may pambura ako para itama
ito.

Magaling! Sino pa?

“Ang Taong May Pangarap” Dahil ako po yung taong


maraming pangarap sir.
Salamat anak. Dito natin makikita na sa
pamamagitan ng tula maaari nating maisalaysay
ang kuwento ng ating mga buhay. Katulad na
lamang ng tulang pasalaysay. Palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili.

IV. PAGTATAYA
Ilabas ang inyong mga quiz notebook at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong tawag sa uri ng tula na nagkukuwento o nagsasalaysay? (Tulang pasalaysay)
2. Anong tawag sa uri ng tulang nagkukuwento na nagtataglay ng labindalawang pantig sa isang taludtod?
(Awit)
3. Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ang tulang Korido? (walo)
4. Ilang taludtod mayroon ang tulang Korido? (apat)
5. Ano ang akdang pampanitikan na nauuri bilang Korido. (Ibong Adarna)
TAMA o MALI. Isulat ang SANA ALL kung ang pahayag ay tama, at E DI WOW naman kung mali.
6. Ang mga tauhan sa awit ay may mga superpowers. (EDI WOW)
7. Ang paksahin ng isang korido ay kadalasang may kababalaghan. (SANA ALL)
8. Ang awit ay mas mahaba kaysa sa korido. (SANA ALL)
9. Ang awit at korido ay parehas na nagtataglay ng apat na taludtod sa isang saknong. (SANA ALL)
10. Ang korido ay may mga tauhang hango sa tunay na buhay. (E DI WOW)

V. KASUNDUAN

I. Tukuyin kung ang mga sumusunod na taludtod ay hango sa awit o korido.

1. Si Don Pedro ang panganay (KORIDO)


2. Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo (AWIT)
3. sa kay Sihesmundo’y huwag ding matulad. (AWIT)
4. Sa pag-ibig ng magulang (KORIDO)
5. magigising ng may lumbay (KORIDO)

II. Magsaliksik patungkol sa kasaysayan ng Ibong Adarna (Tignan sa Pinagyamang Pluma


7, Baisa-Julian et. al 2014, pp. 397-401)
PAGTATAYA
Ilabas ang inyong mga quiz notebook at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong tawag sa uri ng tula na nagkukuwento o nagsasalaysay? (Tulang pasalaysay)
2. Anong tawag sa uri ng tulang nagkukuwento na nagtataglay ng labindalawang pantig sa isang taludtod?
(Awit)
3. Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ang tulang Korido? (walo)
4. Ilang taludtod mayroon ang tulang Korido? (apat)
5. Ano ang akdang pampanitikan na nauuri bilang Korido. (Ibong Adarna)
TAMA o MALI. Isulat ang SANA ALL kung ang pahayag ay tama, at E DI WOW naman kung mali.
1. Ang mga tauhan sa awit ay may mga superpowers. (EDI WOW)
2. Ang paksahin ng isang korido ay kadalasang may kababalaghan. (SANA ALL)
3. Ang awit ay may mabagal na himig na tinatawag na andante. (SANA ALL)
4. Ang awit at korido ay parehas na nagtataglay ng apat na taludtod sa isang saknong. (SANA ALL)
5. Ang korido ay may mga tauhang hango sa tunay na buhay. (E DI WOW)

Tukuyin kung ang mga sumusunod na taludtod ay hango sa awit o korido.

1. Si Don Pedro ang panganay (KORIDO)


2. Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo (AWIT)
3. sa kay Sihesmundo’y huwag ding matulad. (AWIT)
4. Sa pag-ibig ng magulang (KORIDO)
5. magigising ng may lumbay (KORIDO)

You might also like