You are on page 1of 8

Universidad de S ta. Isabel de Naga, Inc.

College of Arts and Sciences, Teacher Education, Social Work, Human Services and Music
Teacher Education Program
A/Y 2022-2023

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIII


ISANG PUNONG KAHOY

I. Mga Layunin
Sa loob ng 50 minutong aralin tungkol sa tulang “Isang Punong Kahoy” ni
Jose Corazon de Jesus, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at
damdamin ng tula; at
B. Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula

II. Paksang-aralin
A. Paksa
“Isang Punong Kahoy” ni Jose Corazon de Jesus
B. Sanggunian
Dayag, A. (2020). Ikalawang Edition, Pinagyamang Pluma: Wika at
Panitikan para sa mataas na paaralan. Phoenix Publishing House
C. Kagamitan
Laptop, Canva Powerpoint Presentation, Google Drive, Television

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

A. Paunang Gawain
a. Panalangin

Bago tayo mag simula sa hapong ito,


manalangin muna tayo. Sino na po
ang mamumuno ng panalangin sa
araw na ito? ● Si John Carl po, Sir!

Sige po, John Carl punta ka na po rito (pupunta sa unahan)


sa harapan.

Handa na ba ang lahat para sa ● Handa na po, Sir!


panalangin?

Sige na, John Carl (mananalangin na si John Carl)

Magandang araw, sa inyong lahat! ● Magandang araw din po, Sir!

Bago tayo umupo, pakipulot muna ng


mga basura sa inyong paligid at itapon
sa labas. Panatilihin natin ang
kalinisan sa ating silid aralan. (pupulutin ang mga basura sa paligid)

Ayan, kung tapos na, maaari na po ● Maraming Salamat po, Sir!


kayong umupo.

Bago tayo pormal na magsimula, nais


ko munang ipakilala ang aking sarili.
Pwede po ba yun? ● Opo, Sir!

Ako po si Sir Jomari Tumanda Sayson,


pero maaari ninyo akong tawagin na
Sir Joms. Sino nga po ulit ako? ● Si Sir Joms po, sir!

Aba, mahusay!

Baka nagtataka kayo kung bakit ako


ang nandito sa inyong harap at hindi
si Maam Aica. Bilang isang mag-aaral
na magiging ganap guro sa hinaharap,
parte ito sa aking pag eensayo.

Kaya ako ay nagagalak dahil ang klase


ninyo ang aking magiging mga
mag-aaral para sa araw na ito.

Parehas po ba tayo ng
nararamdaman? Kayo ba ay nagagalak
din na ako muna ang guro ninyo??
● Opo, Sir!
Nako, mukhang mahina ata ang tugon
ng klase ngayon. Isa pa nga, kayo ba
ay nagagalak na ako ang magiging
guro ninyo sa araw na ito?
● OPO, SIR!!!
Naku, yan ang energy level na
inaasahan ko sa inyong lahat.

b. Pagtatala ng liban

Bago tayo magpatuloy, maaari ko po


bang malaman kung sino ang lumiban
o mga lumiban sa araw na ito?
● Wala po, Sir!
Aba mahusay, pagbati sainyong lahat
dahil lahat kayo ay naririto sa ating
silid-aralan. Dahil diyan, bigyan natin
ang bawat isa sa atin ng tatlong
bagsak. Handa na ba kayo?
● Opo, Sir!
Handa, palakpak! ISA! DALAWA!
TATLO! (papalakpak ayon sa bilang)

Mahusay!

B. Pagtatalakay ng Aralin
a. Pagganyak

Ano nga ba ang nakasaad sa ating


takdang-aralin?

Nakalagay dito na, “Kung ilalarawan


mo ang iyong buhay, anong mga
bagay ang mabubuo mo sa iyong
isipan? Sabi nga ni Rick Warren sa
kanyang “The Purposive Driven Life”,
maaari tayong magkaroon ng isang
malinaw na larawan sa ating isipan na
magsisilbi nating “life metaphor” o
sariling pananaw sa buhay na
pinahiram sa atin ng Maykapal.

Bilang panimula, ilarawan kung paano


mo tinitingan ang iyong buhay rito sa
mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang imaheng biswal sa loob ng
kahon sa ibaba. Sa katapat na kahon
ay isulat mo naman ang iyong
paliwanag kung bakit ito ang iyong
napiling life metaphor.

Halina’t tawagin natin ang ilan sa mga


kamag-aral para ibahagi ang kanilang
takdang-aralin.

Sino ang gustong maunang


magbahagi?
● Ako po, Sir!
Sige nga binibining Maria Myr!

(isasalaysay ang kanyang


takdang-aralin)
Mahusay!, ayon ki binibining Maria
Myr, (pagpapaliwanag ng sagot ni
Maria Myr)

Bigyan natin ng tatlong bagsak si


binibining Maria Myr!

Isa, Dalawa, Tatlo!


(papalakpak ayon sa bilang)
Sino pa ang gustong magbahagi?
● Ako po, Sir!
Ayan, sige nga Norlan!
(isasalaysay ang kanyang
takdang-aralin)
Napakahusay, Norlan! Ayon ki Norlan,
siya raw ay (pagpapaliwanag ng sagot
ni Norlan)

Bigyan natin ng tatlong bagsak si


binibining Norlan!

Isa, Dalawa, Tatlo!


(papalakpak ayon sa bilang)
Syempre hindi ko hahayaan na ang
aking mga mag-aaral lamang ang
magbabahagi. Syempre ako rin ay
mayroong ginawa tungkol sa gawain
na ito.
Maraming Salamat sa lahat na
nagbahagi ng kanilang
mgatakdang-aralin. Ngayon, pakipasa
ng inyong mga takdang-aralin na nasa
½ papel ng bond paper.

(pagkolekta ng mga takdang-aralin ng


mga mag-aaral)

b. Paglalahad ng paksa

Bago tayo magpatuloy ay narito ang


ating mga layunin para sa talakayan
natin sa hapon na ito.

Naihahambing ang sariling saloobin at


damdamin sa saloobin at damdamin
ng tula at Nabibigkas nang wasto at
may damdamin ang tula

Ang ating tatalakayin na panitikan


ngayong araw ay isang tula na may
pamagat na “Isang Punong Kahoy” na
likha ni Jose Corazon de Jesus.

Makikita ninyo ang mismong tula sa


inyong mga aklat sa pahina 152.

Bago tayo dumako sa pagbasa ng tula


ay halina’t alamin muna ang mga
kahulugan ng mga malalalim na
salitang ito na inyong makikita sa tula.

Kunin ang mga kwaderno at sagutin


ang nasa telebisyon.

(MULA SA PAYABUNGIN NATIN B,


PAHINA 151)

(PAGKATAPOS NG LIMANG MINUTO)

Halina’t iwasto natin ang inyong mga


sagot.

(PAGWAWASTO)

Mahusay! Bigyan natin ang buong


klase ng tatlong palaklak, ISA,
DALAWA, TATLO!

Ngayon ay handa na tayong basahin


ang tula. Hahatiin natin ang ating
grupo sa dalawang pangkat. Lahat na
nasa kaliwa ay ang mauuna na
magbasa ng unang talata at ang mga
nasa kanan naman ang magbabasa ng
pangalawang talata, sa sunod naman
ay ang unang grupo ulit at sa sunod
ang sunod na grupo naman ulit.
Nauunawaan po ba ang panuto?
● Opo, Sir!
Ayan, tandaan natin na ito ay isang
tula kaya mainam na basahin ito ng
maayos gamit ang malakas na boses.
Nauunawaan po ba?
● Opo, Sir!
Handa na ba ang lahat?
● Opo, Sir!
Sige, Handa, Basa!

(Babasahin ang tula)


Magaling!! Bigyan natin ang lahat ng
tatlong bagsak! Isa, Dalawa, Tatlo!
(papalakpak ayon sa bilang)
Naunawaan ba ng lahat ang kanilang
nabasa??
● Opo, Sir!!
Sige nga, ano ba ang unang bagay na
pumasok sa iyong isipan pagkatapos
basahin ang tula?
● Ang tula po sir ay tungkol sa
buhay nating mga tao.
Mahusay! Ang tulang ito ay tungkol sa
buhay.

c. Pagpapalawak ng
kaalaman

Ano ang kalagayan ng puno noong


una? Sa anong yugto ng buhay
maaaring iugnay ang kalagayang ito?
● Sa unang saknong, mapapansin
natin ang mga salitang “kung
tatanawin mo sa malayong
pook” ay nagpapahiwatig na
tayo ay nagmumuni muni
minsan upang makapagisip o
makipagusap sa Diyos.
● Maaari po itong iugnay sa gitna
hanggang huling yugto ng
Mahusay! buhay ng isang tao.

Ano ang gustong ipahiwatig ng


ikalawang saknong?
● Sa ikalawang saknong,
maririnig natin ang musika ng
simbahan dahil sa nabanggit na
organo habang ang tinutukoy
namang “kandila sa sariling
buhay” ay ang naglalamay sa
patay. Dito ipinapakita ang
karaniwang eksena tuwing na
taong sumasakabilang buhay.
Mahusay!

Paano naman sa pangatlong saknong?


● Ang Ikatlong saknong ay
nagpapakita naman ng mga
taong nagluluksa o
nagdadalamhati. Ang linyang
“sa aking paanan ay may isang
batis” ay ang tumutukoy sa
mga taong ito. Sa kabilang
banda, isinasaad din ng may
akda na ang mga sanga ay
sumisimbolo sa kabaong at ang
mga ibon ang mga mahal neto
Mahusay! sa buhay.

Ano naman ang mahihinuha natin sa


ika-apat na saknong?
● Katulad sa ikatlong saknong ,
ipinapakita sa ikaapat na
saknong na ang mga
nakikiramay sa libing ay labis
ang pagiyak na nagpapakita ng
tunay na pagmamahal at
pagsama sa mga huling oras na
ang taong namayapa dito sa
ating mundo.
Paano naman nagbago ang
kalagayang ito? Ano ang ibig
ipahiwatig ng taludtod na “kahoy na
nabuwal sa pagkakahiga, ni ibon ni
tao’y hindi matuwa?” Paano ito
maiuugnay sa buhay ng tao?
● Dito makikita natin na parang
nagising sa katotohanan ang
isang tao at ang kanyang mga
guni guni or tumatakbo sa
isipan ay wala ng naidudulot na
maganda at di nakakatuwa.
(pagpapaliwanag ng sagot)

Sa iyong palagay, paano naiugnay sa


naging buhay ng makata ang taludtod
na “ngunit tingnan ninyo ang aking
narating, natuyo, namatay sa sariling
aliw”? Ano kaya ang kinahinatnan ng
kanyang buhay?
● Ang ikaanim saknong naman ay
nagpapakita ng kaganapan sa
tao kapag namatay na. Sa
linyang “ngunit tingnan niyo
ang aking narating, natuyo
namatay sa sariling aliw”,
masasaksihan natin na sa
buhay ng tao laging may
katapusan.
(pagpapaliwanag ng sagot)
Ano naman kaya ang gustong ihatid
ng huling saknong ng dula?
● Sa pang wakas o ikawalong
Maraming Salamat sa lahat ng saknong, makikita natin na ang
sumagot sa mga kataungan. mga panahon na tayo ay
parang isang kahoy na malago’t
malabay kapag tayo at bata pa
ngunit dadating ang ating
katapusan pero sa kabila neto
ay may maiiwan tayong mga
memorya na magiging
inspirasyon sa iba.
d. Paglalahat

Sa ating paglalahat, ano kaya ang


mensahe ng buong tula saatin?
● Ang buhay ay parang isang
puno, may simula at meron din
namang katapusan.
Nagsisimula ito sa pagkabata at
patuloy itong nagiging matayog
hanggang sa pagtanda. Ngunit
lahat ng bagay ay may
katapusan. Dumadating tayo sa
punto ng ating buhay na
kailangan na nating mamaalam
sa mga mahal natin sa buhay.
Mahusay! Mayroon pa bang ibang
sagot?
● Habang nabubuhay, matuto
tayong magpahalaga sa buhay
na binigay sa atin ng Diyos.
Mas maganda kung tatanawin
natin ang mga araw na tayo’y
nabubuhay kaysa sa araw ng
ating kamatayan.

● Hindi naman tayo ginawa nang


mag-isa. Mayroon tayong
makakasama na dadamayan
tayo sa mga problema na
kakaharapin natin sa buhay
kagaya ng ating mga pamilya,
mga kaibigan at mga mahal sa
buhay.
(Mga karagdagang katanungan)

e. Pagpapahalaga

Mayroon bang maidudulot ang tulang


ito saatin bilang mga mambabasa?
● Meron po Sir!
Magbigay nga ng mga halimbawa.
● Ang pagtuturo sa mga tao na
pahalagahan ang buhay na
meron ka ngayon. Kahit
nakakaranas ka man ng hirap
ay dadating parin ang na tayo
naman makakaranas ng
kaginhawaan o kung minsan
naman ay kabaliktaran.
Mahusay!! Mayroon pa po ba?
● Sa kabilang banda, naipapakita
din dito ang pag respeto sa
mga taong sumakabilamg
buhay na na ngayon nakaalis
nasa hirap ng buhay at ngayon
Tama! Ang ating buhay ay may masaya na.
hangganan lamang ngunit mas mabuti
kung itutuon natin ang ating oras at
pansin sa mga parte ng ating buhay
kung saan tayo ay nagkakaroon ng
magandang pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa tao, pamilya at Diyos.

INIHANDA NI:
JOMARI SAYSON

You might also like