You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALAN NG BAGUMBONG

Lungsod ng Kalookan

BANGHAY – ARALIN sa FILIPINO 9


IKALAWANG MARKAHAN – IKAPITONG LINGGO
IKA-23 ng PEBRERO, 2021

I. LAYUNIN
Kasanayan Pampagkatuto 1. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa ( F9PD-IIg-h-48 )
2. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang pangkat ng tao sa ilang bansa sa Asya (F9PU-IIg-h-51)
3. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula (F9WG-IIg-h-51)
II. NILALAMAN / PAKSA
Panitikan: Bullied Boy likes Suicidal Girl (DULA MULA SA KOREA) isinalin mula sa Dubbing
Meteor Garden 1st Season (DULA MULA SA TAIWAN) isinalin mula sa Dubbing
Wika: Pang-ugnay
Sanggunian: Modyul – Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo
Pagpapahalaga: “Maging matapang at malakas ang loob na ipaglaban ang sarili at karapatang pantao.”
MGA GAWAIN
III. PROSESO NG PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin/ Pagbati
Pagtala ng liban
B. Pagbabalik-aral
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang isinasaad ng bawat pahayag tungkol sa mga elemento at katangian ng dula at ekis (X) kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ang mga aktor/karakter sa dula ay ang mga kumikilos at nagbibigay—buhay sa dula.
2. Maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito napanood.
3. Ang tema ang pinakakaluluwa ng isang dula.
4. Ang dula ay karaniwang nagkakaroon ng puro pataas na aksyon sa kwento lamang.
5. Maaaring magkaroon ng higit sa isang suliranin ang isang dula.
C. Paunang Pagsubok
1. Panonood ng mga Dula - Bullied Boy likes Suicidal Girl (DULA MULA SA KOREA) at Meteor Garden 1st Season (DULA MULA SA TAIWAN)
https://www.youtube.com/watch?v=ObTdXTy0kiY https://www.youtube.com/watch?v=Pj2u2NTU_EA&feature=youtu.be
Gabay na tanong:
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Sa dalawang dula na iyong binasa o napanood, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian nina Andrew at San Chai?
a. Mabait si Andrew samantalang si San Chai ay mahilig sa basag-ulo.
b. Di-hamak na mas mayaman si San Chai kaysa kay Andrew.
c. Top student si Andrew di-tulad ni San Chai.
d. Pareho silang produkto ng broken family.
Ang tagpuan ng dalawang dulang binasa ay _____.
a. palengke
b. parke
c. paaralan
d. simbahan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang buhay ng mga tauhan sa dula maliban sa isa.
a. Ang mga tauhan ay nagpapakita ng katatagan ng loob.
b. May karamay na kaibigan sa kabila ng pambubuska ng iba.
c. May mapagmahal at sumusuportang magulang.
d. Mayayaman at matatalino lamang ang nakakapag-aral.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na binigyang pansin sa dulang binasa?
a. Pagmamahal ng mataas na antas sa mababang antas ng tao sa lipunan
b. Pagkakaroon ng impluwensiya ng mayayaman sa lipunan
c. Pambubuska ng mga malalakas sa mga mahihina
d. Paglaban sa karapatan ng bawat tao
D. Paglalahad ng Aralin
2. Pagbibigay kaalaman o mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Dula.
Ang dula o drama ay isang uri ng panitikan na kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin sa pang-araw -araw na nangyayari sa buhay ng tao sa
pamamagitan ng makatotohanang pagganap ng mga karakter o tauhan.

3. Pagtalakay sa Pang-ugnay

You might also like