You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula;


b. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula;
c. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.

II. Paksang Aralin


Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
- Tulang Pastoral ng Egypt
- Tekstong Naglalahad

Sanggunian: Panitikang Pandaigdig, pahina 90

Kagamitan: Powerpoint Presentation at Laptop.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

(Panalangin)
Mag-aaral, maaari mo bang pangunahan Tatayo ang lahat at pangungunahan ng
ang ating pambungad na panalangin. Mag-aaral ang pambungad na panalangin.

(Pagsasaayos sa Silid)
Bago umupo ang lahat, maaari ba nating Pupulutin ng mga mag-aaral ang lahat ng
siguraduhin ang kalinisan sa paligid sa mga kalat na makikita nila at kanilang
pamamagitan ng pagpulot sa mga kalat. ihahanay ang mga upuan.

(Pagtala sa lumiban)
Tagatala, sin ang mga lumiban ngayong Sasabihin ng tagatala kung sinu-sino ang
araw na ito? mga lumiban sa klase.

B. Pagganyak

Batid kong karamihan sa inyo ay pawang


mga inaantok, kaya naman may inihanda
akong isang pampagising diwa.
May apat na salita akong inihanda, ang KABATAAN, SALOOBIN,
mga ito ay pawang mga nakagulo ang mga PAGMAMAHAL, PAGSUWAY.
mag-aaral ay paunahan sa paghula sa
tamang salita.
Ang bawat mag-aaral na makahula ay may
puntos na makukuha.
C. Paglalahad

Ang mga salitang inyong nahulaan ay


masusumpungan niyo sa kalagitnaan ng
ating talakayan.

Handa na bang madagdagan ang mga Handa na po!


kaalaman niyo?

Ang tatalakayin natin ngayong umagang


ito ay isang tulang liriko na nagmula sa
bansang Ehipto na pinamagatang ‘Ang
Tinig ng Ligaw na Gansa’.

Sino ang nakakaalam sa kahulugan ng Ang tula ay isang anyo ng panitikan na


tula? may sukat at tugma. Ang tula ay isang
kaisipang naglalarawan ng kagandahan at
kariktan, may taludtod at saknong.

Mahusay!
Ang tula ayon kay Balmaceda ay isang
kaisipang naglalarawan ng kagandahan,
kariktan, at ng kadakilaan.
Tandaan natin na ang tula ay isang uri ng
akdang pampanitikan na karaniwang
nahahati sa dalawang anyo, ang malaya at
taludturan.

a. Pag-alis ng balakid

Bago tayo dumako sa tulang ating


tatalakayin atin munang alamin at bigyang
kahulugan ang mga talasalitaan.
Kahulugan:
Talasalitaan: Makawala
Alpas Pain
Bitag Preso
Bihag Hawak
Karga

(Gagawa ng pangungusap ang mag-aaral


gamit ang talasalitaan.)
(Ipapabasa ang mga talasalitaan at
kahulugan nla sa mga mag-aaral ng sabay-
sabay.)
D. Pagtatalakay

Ngayon malinaw na ang mga talasalitaan,


dumako na tayo sa ating tulang ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA.
tatalakayin.
(Ipapabasa sa mga mag-aaral ang pamagat
ng tula.) Opo!
Isa po itong uri ng ibon na kahawig ng
Nakakita na ba kayo ng isang Gansa? bibi, pero mas mahaba lang po ang leeg
Maaari niyo bang ilarawan ang isang nito at may malaking pangangatawan.
Gansa.

Mahusay! Kaming mga kabataan po.

May ideya ba kayo kung sino ang


tinutukoy na Gansa sa ating tula?
Magaling! Ang mga kabataan ang
tinutukoy sa ating tula. Ito po yung mga saloobin o damdamin ng
mga kabataan.
Ang tinig naman kaya, sa palagay niyo
ano ang kahulugan nito?
Magaling! Ang tinig sa ating pamagat ay
patungkol sa saloobin ng kabataan. Ngunit
sa ating aktwal na tula, patungkol ito sa
nakatagong saloobin o damdamin ng isang
kabataan. Kung baga ito yung mga hindi
niya kayang isiwalat o ipagsabi kaya mas Opo!
pinili nalang niyang ikimkim at itago.
Maliwanag ba? Magkakaroon ng pangkatang pagbabasa
ang mga mag-aaral nang sa ganoon ay
(Ipapabasa ang tula sa mga mag-aaral) matukoy kung sino ang hindi nagbabasa.

Patungkol po ito sa mga dagok o


problemang kinakaharap natin sa pang-
Para sa ating unang saknong, ano kumintal araw-araw na buhay.
sa inyong kaisipan?

Mahusay! Opo!
Sakit po Mam, masakit po.
Naranasan niyo na bang madapa?
Ano ang naramdam niyo?
Lahat tayo naranasan ng madapa at Ah ano po, tumayo po ako.
matumba.
Ngayon, ano ang ginawa mo nang ika’y
madapa?
Tama!
Bawat isa sa atin ay may problemang
kinakaharap, ang kaibahan lamang ay iba-
iba tayo ng mga pinagdadaanan, may
problemang magaan at mabigat ngunit
kahit iba-iba pa iyan, nasa sa atin pa rin
kung paano natin ito hahawakan at
sosolusyunan.
Katulad ng ginawa ninyo ng kayo’y
madapa. Nasa mga kamay natin kung tayo Wala po!
ay tatayo at haharapin ang mga problema
natin sa buhay. Maaari po Mam.
May katangunan ba?
Sa panahon po ngayon marami sa mga
Sa palagay ninyo, maaari ba nating ipasok kabataan ang pumapasok sa
sa saknong na ito ang pag-ibig? ipinagbabawal na pag-ibig.
Maaari mo bang ipaliwanag sa klase kung
bakit?

Magaling!

Sa kapanahunan natin ngayon marami sa


mga kabataan ang pumapasok sa
ipinagbabawal na pag-ibig, yung tipong Marami po ang nakakaras sa ganoong
akala nila tama dahil masaya sila. sitwasyon, hindi alam kung ano ang tama
at mali dahil nagmamahal sila.
Maaari niyo bang ipaliwanang ang
pahayag na ito.

Mahusay!
Sa mga pumapasok sa ipinagbabawal na
pag-ibig, ang tama ay nagiging mali at ang
mali ay nagiging tama, sa mata ng mga Opo!
umiibig. Kasintahan po, magulang, mga kapatid at
marami pa pong iba.
Sino na sa inyo ang nakaranas ng pag-
ibig? At sinu-sino ang mga iniibig o
minamahal ninyo?
Magaling! Lahat tayo ay pawang mga
nagmamahal, sa iba-ibang paraan lamang.
Marami tayong pweding mahalin, ang
ating sarili, ang pamilya natin, mga Patungkol po ito sa mga kasalanang
kaaway at marami pang iba. nagagawa ng mga kabataan sa kanilang
mga magulang, sa mga lihim o kasalanan
Sa ating unang taludtod sa ikalawang na kanilang tinatago.
saknong, ano kaya ang nais nitong
ipabatid?
(Kasagutan ng mga mag-aaral.)
Mahusay!
Patugkol na po ito sa mga nagawa nilang
Sino dito ang mahilig magsinungaling o kasalanan o pagtatago nang kanilang
sumusuway sa kanilang mga magulang? lihim sa kanilang mga magulang.
Sa susunod na taludtod ano ang
naiintindihan niyo?

Dito sa taludtod na ito, masasalamin na Dito na po marerealize ng bata ang mga


ang mga kasalanang ginagawa ng mga kasalanang nagawa niya.
kabataan, maging ang mga lihimnilang
itinatago.

At para sa ating huling taludtod, sino ang


makakapagpaliwanag dito?

Magaling!
Normal na mga tao lang tayo, nakakagawa
ng mga kamalian at kasalanan ngunit sa
huli malalaman din natin na ayos lang ang
magkamali, ang mahalaga inamin nating Opo!
nagkamali tayo at natuto tayo sa Wala po Mam!
pagkakamaling nagawa natin nang sa
gayon ay hindi natin ulitin
Maliwanag ba?
Wala na bang katanungan?

E. Paglalapat

Batid kong tunay niyo ng naiintindihan


ang ating tinalakay, magkakaroon kayo ng
isang Pangkatang Gawain.

Hahatiin ko kayo sa apat na pangka.


Iisang gawain lamang ang inyong
gagawain, iisip kayo ng isang simbolismo,
na maaari niyong ihalintulad sa katangiang
mayroon kayo bilang isang kabataan.
Opo Mam!
Paalala, mayroon lamang kayong 7 minuto
para maghanda at 3 minuto naman para
magpaliwanag.
Nagkakaintindihan ba tayo?

Para makamit niyo ang inaasahan niyong


marka, narito ang pamantayang aking
inihanda.

Pagiging masinig at malikhain


(orihinalidad) – 10 puntos
Kasanayan sa pagpapaliwanag – 5 puntos
Kooperasyon ng grupo, kaayusan at
katahimikan – 5 puntos
Kabuuan – 20 puntos
F. Paglalahat Patungkol po ito sa mga kabataang
sumusuway sa kanilang mga magulang,
Batay sa ating tinalakay na tula, ano ang handang sumuway sa ngalan ng pag-ibig.
kakintalang bumalot sa kaisipan habang Sa mga kabataang naliligaw ng landas,
tinatalakay natin ang ‘Tinig ng Ligaw na tumatahak sa maling landas dahil mas
Gansa’. pinili nilang huwag makinig sa mga payo
ng kanilaang mga maagulang.
Ang kinaganda po ng tula, ipinakita nito
na hindi perpekto ang mga tao.
Nagkakamali tayo, nagagawang sukuan
minsan ang mga problema ngunit sa huli
tayo at tayo pa rin po ang tatayo sa sarili
nating mga paa upang solusyunan ang
mga problemang ating kinaharap.

Wala na po!
Napakahusay naman anak!
Wala na bang katanungan?

IV. Pagtataya

Ngayon, kung wala na kayong mga katanungan, kumuha kayo ing isang kapat na papel at
panulat para sa inyong maikling pagsusulit.

1. Anong aral ang napulot niyo sa ating tinalakay na tula? Hindi kukulang sa limang
pangungusap ag inyong gagawing sanaysay.

V. Takdang Aralin

Para sa inyong takdang aralin, sumulat kayo ng isang maikling tula na inihahandog niyo
sa inyong mga magulang.

You might also like