You are on page 1of 16

ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

Main Campus

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


I. LAYUNIN
● Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang pagkakaiba ng mga aspekto ng pandiwa.
b. Nabibigyang halaga ang aspekto ng pandiwa sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan;
c. Nakagagawa at nakabubuo ng makabuluhang pangungusap o maikling sanaysay na
ginagamitan ng aspekto ng pandiwa.

II. PAKSA
Paksang Aralin: Aspekto ng Pandiwa
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8. p. 246-266.
Kagamitan: Plaskard, Gadyet, Telebisyon, at Iba Pang Panturong Biswal

III. PAMAMARAAN
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral

A. Paunang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ang ating
talakayan, inaanyayahan ko kayong tumayo
para sa isang panalangin na pangungunahan
ni Acel.
Sige po ma'am.
Maraming salamat. (Panalangin)

2. Pagbati
Magandang araw sa ating lahat mga
ginigiliw kong mag-aaral!
Isang mapagpalang araw sa iyo, ma'am
Vilog!
Bago natin simulan ang ating talakayan sa
araw na ito ay atin munang gawin muli
PAKSA tsek. Kung ganoon ay inyo na itong
basahin at gawin, maliwanag ba?

Opo ma'am! Narito na po ang PAKSA tsek


Una ay ang letrang,
P-ulutin ang mga kalat sa sahig.
A-yusin ang hanay ng mga upuan.
K-amustahin ang mga katabi,
S-abay sambit ng magandang araw at
A-lisin ang mga bagay na nasa lamesa na
walang kaugnayan sa talakayan.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Mahusay klas!
3. Pagtala ng Liban
Kung gayon klas, "Hanap, hanapin ang
liban, tingnan, tingnan ang kaliwa't kanan."

Okay, klas, kung ganoon ay may lumiban ba


ngayong araw?
Wala po ma'am.
Aba'y mabuti kung ganoon!

4. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating aralin sa araw
na ito tayo muna ay magbalik-aral. Kung
ganoon, ano nga ba ang tinalakay natin
noong nakaraang pagkikita? Ma'am, ang tinalakay po natin ay tungkol
sa isang uri ng bahagi ng pananalita na
pang-uri.
Tama! Kung gayon ano nga ba ang pang-uri
Daisy? Ma'am ang pang-uri o (adjective) sa Ingles
ay isang bahagi ng pananalita na
nagbibigay kahulugan o turing sa ngalan ng
bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami
pang iba.
Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para
bigyan linaw ang isang uri ng pangngalan
(noun) o panghalip (pronoun).
Mahusay, maari bang magbigay ng
halimbawa ng pang-uri na naglalarawan ng
isang pangalan klas. Mga Posibleng Kasagutan:
Pangngalan Pang-uri
1. Kulay Pula
2. Bilang Anim
3. Dami Apat na kilo
4. Hitsura Maganda
5. Hugis Bilog
Magaling! May karagdagan pa ba klas?
Ma'am tinalakay rin po natin ang tungkol
sa kayarian ng pang-uri.
Tama, at ano-ano ang mga ito Ladylyn?
Ma'am mayroon pong apat na kayarian ng
pang-uri at ito ay ang payak, maylapi,
inuulit, at tambalan.
Tumpak Acel, may karagdagan pa ba Erica?
Wala na po ma'am.
Kung gayon ay magbigay ng isang payak na
pangungusap na ginamitan ng pang-uri klas.
1. Ma'am, ang bunga ng mangga ay
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

hinog na.
2. Kunin mo ang basang pamunas sa
ibaba.

Mahusay klas, may karagdagan pa ba? 3. Ang taas ng paraalang ito.

Wala na po ma'am.
B.Pagganyak
Ngayon ay dumako na tayo sa bagong
aralin, pero bago iyan ako ay may
inihandang gawain na makakatulong sa inyo
upang magkaroon kayo ng kaalaman
tungkol sa ating paksa.

Inaanyayahan ko ang lahat para tumayo


sapagkat ating aawitin ang "Kahit ayaw mo
na" na kanta. Susundin ninyo lamang ang
aking gagawing kilos.

Handa na ba klas?
Opo ma'am.
(Play music)

Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo


Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?


Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?

Lapit nang lapit, ako'y lalapit


Layo nang layo, ba't ka lumalayo?
Labo nang labo, ika'y malabo, malabo

Bumalik at muli ka ring aalis


Tatakbo ka nang mabilis, yayakapin nang
mahigpit
Ang hirap 'pag 'di mo alam ang 'yong
pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan o nalilito lang
kung saan

Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo


Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?


Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Okay klas, hinihingal ba ang lahat? Inom
muna kayo ng tubig mga anak.

Inhale, exhale. Handa na ba ang lahat?


Opo ma'am.

Kung ganoon klas, ano ang mahihinuha


ninyo sa kanta o ang ating ginawa kanina?

Ma'am sumayaw po tayo.


Mahusay, ano pa Mylene?
Ma'am tayo po ay kumanta, tumakbo,
tumalon-talon ma'am.
Tumpak na tumpak, may karagdagan pa ba
klas? Ma'am atin ding pong ginawa ang lumihis,
huminto, yayakapin, at nag iisip ma'am.
Magaling ang iyong tinuran Althea!

B. PAGLALAHAD

Base sa aktibidad na ating ginawa kanina,


Jerico ano sa tingin mo ang tawag sa mga
salitang inyong binanggit? Ma'am ito po ay nagpapakita ng mga
salitang kilos.
Mahusay. Kapag sinabi nating salitang
kilos, ano ang tawag dito Acel?
Ma'am ang tawag po rito ay pandiwa.
Maraming salamat sa iyong sagot Jerico,
tunay ang iyong sinabi. Ngunit para maging
ispesipiko ang ating talakayan klas ay narito
ang isang set ng nagulong letra (jumbled
letters) na siyang magiging gabay upang
malaman natin ang paksang tatalakayin
ngayong araw.

Maari bang buuin ito Nicole at ipaskil sa


taas ng tsart na nasa pisara.

Kung ngayon ay dumako na tayo sa


pagpapakilala sa ating aralin. Ayusin at
buuin lamang ang mga nagulong salita
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

(jumbled letters) na nasa ibaba upang


malaman kung ano ito. (AKESOTP)

Ma'am ang aking nabuong salita ay


ASPEKTO.
Tama! Ito ay aspekto!

C. PAGTATALAKAY

Ano nga ulit ang mga salitang nabuong


salita sa ginawa nating aktibidad kanina?
Ang mga nabuo pong salita ma'am ay
ASPEKTO.
Tama! Ang paksang ating tatalakayin
ngayong araw ay patungkol sa aspekto ng
pandiwa.

May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang


kahulugan ng aspekto?
Hindi po namin alam ma'am.
Okay, ang aspekto ay tumutukoy sa
kalagayang panahon ng kilos o pangyayari.

Nakakasunod ba klas?
Opo ma'am.
Kung ganoon klas ay dumako na tayo sa
ating talakayan. Ang pandiwa ay nabanghay
sa tatlong aspekto, ito ay ang naganap o
pekpektibo, nagaganap o imperpektibo, at
magaganap o kontemplatibo.

Unahin nating talakayin ang aspektong


naganap o perpektibo.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng perpektibo o


naganap na? Ang ibig pong sabihin ng perpektibo o
naganap na ay nagsasaad na ang kilos o
galaw ay tapos nang nangyari ma'am
Tama! Sa aspektong naganap ang isinasaad
ng bawat kilos ay nangyari na. Kadalasang,
ang unlaping "nag-", "-um-", "-in" ang
dinudugtong sa salitang ugat.

Paki basa ang halimbawa ng salitang ugat at


unlaping naikabit Arlene. Halimbawa:
um+ alis = umalis
na+kinig= nakinig
nag+ dilig= nagdilig
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Sa kabilang banda, nakatutulong sa


pagkilala ng pandiwang naganap na ang
mga salitang pamanahong kanina, kahapon,
kagabi, noong isang araw, noong nakaraan
at iba pa.
Narito ang ilan sa mga halimbawa kung
saan nagamit ang mga ito sa pangungusap.
Pakibasa Daisy.
1. Umalis ang aking ina noong
nakaraang araw para
maghanapbuhay sa ibang bansa
2. Nakinig ako ng mabuti sa aming
leksyon kahapon.
3. Nagwalis si John kanina sa bakuran
ng kanyang lola.
Naiintindihan ba klas?
Opo ma'am.
Kung gayon ay ating suriin ang lyrics ng
kanta kanina, maaari bang magbigay ng
salitang kilos na nakaagapay sa perpektibo?
Ma'am makikita natin sa kanta ang salitang
umalis po.
Tama! Ano pa?
Ma'am lumihis po at huminto po.
Mahusay Sophia! Mayroon pa ba klas?
Wala na po.
Kung ganoon, narito ang tatlong mga
salitang pasok sa aspekto ng naganap na
sapagkat makikita natin ang mga unlaping
-um.
umalis

lumihis

huminto

Kung ganoon klas, kinakailangan ko ng


tatlong boluntaryo na siyang gagawa ng
pangungusap gamit ang mga pandiwang ito.
Itaas lamang ang inyong mga kamay kapag
kayo na ay handa na.

Hayaan, para sa unang salita ay sasagutin ni


Mylene, sunod ay si Junie, at ang panghuli
ay si Sophia.
1. Kami ay patakbong umalis sa kubo
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

kanina sapagkat nakakita kami ng


asong gala.
Mahusay!
Ang ikalawang salita ay lumihis.
2. Lumihis ako sayo noong nakita kong
may kasama kang iba.
Tumpak!
3. Huminto ang sinasakyan naming
tricycle dahil nabutas ang gulong
nito.

Mahusay! Kung ganoon klas ay dumako na


tayo sa ikalawang aspekto ng pandiwa. Ito
ay ang imperpektibo. Pakibasa Junie. Ang aspektong imperpektibo ay nagsasaad
ng kilos na kasalukuyang nagaganap o
nangyayari. Tinatawag din itong panahunang
pangkasalukuyan.

Nabubuo ang aspekto ng nagaganap o


imperpektibo sa pamamagitan ng pagsasama
ng "-um, na, nag at nang +unang pantig+
salitang-ugat.

Gumagamit ng salitang pampanahon gaya


ng araw-araw, palagi, tuwing, kasalukuyan,
ngayon at iba pa para ipahiwatig na ang
kilos ay ginagawa pa o nagaganap pa.
Salamat. Paki basa ang mga halimbawa
Christy. Mga Halimbawa:

luto nag+lu+luto= nagluluto


inom um+ i+ inom= umiinom
tawa um+ ta+ tawa= tumatawa
Kung ganoon klas, pumili ng isa sa mga
nailahad na salita at gawan ito ng
pangungusap. 1. Nagluluto ngayon si Mama ng adobo
sapagkat iyon ang hiniling ni bunso
na aming ulam.
Mahusay na kasagutan Erica, ngunit ano
nga ba ang ginamit na salitang pamanahon
sa iyong ginawang pangungusap?
Ma'am ang ginamit po na salitang
pamanahon ay ngayon habang ang pandiwa
naman po ay nagluluto.
Magaling! Dumako naman tayo sa
ikalawang pangungusap.
2. May nadatnan akong mga bata na
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

umiinom ng alak sa kalye.


Ano ang pandiwang ginamit?
Ma'am umiinom po, nagpapahiwatig na
ginagawa pa lamang ang kilos sa
kasalukuyan.
Tumpak! Dumako naman tayo sa huling
salita. 3. Lahat ng mga bata sa klase ni Bb.
Vilog ay tumatatawa dahil sa
Aba'y tunay ngang naiintindihan ninyo ang ipinanood niyang dulang komedya.
ating paksa! Kung ganoon ay ating balikan
ang mga salita na nasa lyrics kanina. Ito ay
ang: umalis, lumihis, at huminto.

Kung ganoon klas, ninanais kong ang mga


batang nasa likuran ay pumaharap at
gawing imperpektibo ang mga salitang ito.
Isulat lamang sa tsart ang wastong mga umalis
kasagutan.
lumihis

huminto

Maari na kayong magsimula.


umalis umaalis

lumihis lumilihis

huminto humihinto

Ayan! Tumpak na tumpak! Kung ganoon ay


ninanais kong ang mga batang may
nakasuot ng kulay pula ay tumayo.

Magbigay ng pangungusap na ginagamitan


ng aspektong imperpektibo. 1. Naglalaba sa sapa si Marikit.
Ang salitang naglalaba ay ang
Nasaan ang ginamit na pandiwa? imperpektibong pandiwa sa pangungusap.

2. Ang mga magkakapit-bahay ang


tumutulong sa paggawa sa bulwagan
sa plaza.
Ang salitang tumutulong ay ang
imperpektibong pandiwa sa pangungusap.

3. Hinahanap ng tatay ang susi ng


kaniyang motosiklo.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Ang salitang hinahanap ay ang perpektibong


pandiwa sa pangungusap.

Magaling klas! Tunay ngang naiintindihan


ninyo ang ating paksa.

Kung ganoon ay dumako na tayo sa


panghuling aspekto ng pandiwa. Pakibasa
klas. Aspektong magaganap o kontemplatibo- Ito
ay nagpapakita na ang kilos ay hindi pa
nauumpisahan at gagawin o mangyayari pa
lamang sa hinaharap.

Ito rin ay ginagamitan ng salitang


pamanahon tulad ng sa darating na, bukas,
mamaya at iba pa, para ipahiwatig na ang
kilos ay gagawin pa lamang.

Nabubuo ang aspekto ng magaganap sa


pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig
Naiintindihan ba klas? Kung ganoon, ng pandiwa o salitang kilos.
tumayo ang nakaputing damit at basahin
ang halimbawa.
Mga Halimbawa:
lakad la+lakad= lalakad
iyak. i+iyak = iiyak

Ito ay maaari ring may unlaping mag-


+unang pantig+salitang-ugat.

Halimbawa:
luto mag+lu+luto= magluluto
Mahusay! Kung ganoon klas ay ating tulog ma+tu+tulog= matutulog
balikan ang kanta kanina.

May nakikita ba kayong mga salitang kilos


na maaaring maihanay sa kontemplatibo o
magaganap?
Mayroon po ma'am.
Kung mayroon, maaari bang tumayo ang
mga naka-itim na damit at ibigay ang mga
salitang matatagpuan rito.

Mga Kasagutan:
-tatakbo
-tatalon
-sisigaw
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Tumpak na tumpak! Ang iyong mga -lalapit


kasagutan ay tama sapagkat ang bawat kilos
na ito ay nagsasaad na gagawin pa lamang.

Para sa mga batang may suot ng ID, pumili


ng isa sa mga salitang nailahad at gawan ito
ng pangungusap.
1. Ang aking tiyo ay tatakbo bilang
Ano ang ginamit na kontemplatibong salita? punong baranggay sa darating na
eleksyon.
Ma'am ang ginamit po na salitang kilos ay
Tama! Sunod Mylene. tatakbo.

2. Tatalon ako mula sa tuktok ng


Baluarte falls bukas.
Ang ginamit po na salitang kilos ay tatalon.
Tunay nga ang iyong tinuran Daisy, ngunit
huwag mo sanang totohanin anak sapagkat
ito ay sobrang delikado.
3. Sisigaw ako ng malakas sa dagat
bukas upang mailabas ko ang
hinanakit na aking kinikimkim.

Ang salitang kilos po na nakapaloob ay ang


sisigaw.
Parang may pinaghuhugutan ka Erica. Kung
ganoon ano ang salitang kilos na
nakapaloob sa iyong pangungusap?

Dumako na tayo sa panghuli. 4. Lalapit na sana ako sa puntod ng


aking lola ngunit biglang lumakas
ang hangin kung kaya't umuwi na
lamang ako.
Ma'am, base po sa aking ginawang
pangungusap ang salitang kilos po na
magaganap pa lamang ay ang lalapit.

Magaling! Para mas lalo pa ninyong


maintindihan ang aspekto ng pandiwa ay
may inihanda akong salitang ugat na
naisulat sa plaskard at sabihin niyo ang
salitang kilos sa bawat aspekto ng pandiwa
gamit ang pagkumpleto sa tsart na nasa
pisara.

Halimbawa:
Salitang Perpekti Imperpe Kontem
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

-ugat bo ktibo platibo

inom uminom umiino iinom


m
Handa na ba? Kung ganoon pumaharap ang
Salitang Perpektibo Imperpekti Kontemplat
tatlong mag-aaral na nakasuot ng relo. ugat bo ibo

hugas

sipa

sakay
Narito na po ang mga kasagutan ma'am.
Salitang Perpektibo Imperpekti Kontemplat
ugat bo ibo

hugas naghugas naghuhugas maghuhuga


s

sipa sumipa sumisipa sisipa

sakay sumakay sumasakay sasakay

Magaling klas! Tama ang lahat ng inyong


mga kasagutan!

D. PAGLALAPAT

Mahusay at naunawaan ninyo ang ating


aralin sa araw na ito. Ngayon ay ihanda
ninyo ang inyong mga sarili dahil
magkakaroon kayo ng pangkatang gawain
at hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.

Ito ay pinamagatang "Bunot ko, Akto ko,


Hula ninyo"
"Bunot ko, Akto ko, Hula ninyo! "
Paki basa ang panuto o mekaniks ng laro
Christy. Mekaniks:
- Ang bawat grupo ay mabibigyan ng
2 minuto upang mahulaan ang bawat
salitang ugat na mabubunot at iaakto
ng miyembrong nasa harapan.
- Kinakailangang magpalit ng
miyembrong aakto sa bawat
pagbunot.
- Kinakailangan rin ng isang
tagapaglista ng mga salitang
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

nahulaan upang malaman ang


kabuuang bilang nito.
- Ang grupong may pinakamaraming
nahulaan ang siyang ligtas sa larong
ito.
Paalala lamang klas na ang tatanghaling
may talo o mas mababa ang bilang ng
nahulaang salitang ugat ay may kaakibat na
parusa.

Handa na ba ang lahat? Opo ma'am!

(Isinagawa ang aktibidad)


Time's up!

Bigyan ng 5 palakpak ang nanalong grupo


habang 2 palakpak naman sa ibang grupo.

Kung ganoon klas ay maaari ko bang


malaman nasaan ang listaan ng mga salitang
ugat na nahulaan ng natalong grupo.

Dumako na tayo sa parusa ng grupong


nakakuha ng mas mababang bilang ng
nahulaan. Pakibasa klas. Panuto:
Ang mga nahulaang salitang ugat ng
natalong grupo ay ipapaskil nila sa pisara at
ilagay ang akmang unlapi rito para maging
perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo.

Halimbawa:

Salitang Perpektibo Imperpekti Kontempla


ugat na bo tibo
nabunot

kain kumain kumakai kakain


n
Mahusay klas!

E. PAGLALAHAT

Ating balikan ang naging paksa natin


ngayong araw, sino sa inyo ang maka
pagbibigay kung ano ang tinalakay natin sa
araw na ito? Ma'am ang ating tinalakay po ay ang tungkol
sa pandiwa na nagsasaad ng salitang kilos o
galaw.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Mahusay, may karagdagan pa ba klas?


Ma'am atin din pong tinalakay ang tatlong
aspekto nito. Una ay ang perpektibo,
imperpektibo, at ang kontemplatibo po.
Tumpak ang iyong sagot Junie! Kung
ganoon Mylene, maaari niyo bang ilahad
ang kaibahan ng tatlong aspektong ating
tinalakay? Ma'am base po sa aking sariling hinuha,
tunay pong magkakaiba ang perpektibo,
imperpektibo, at kontemplatibo sapagkat
kapag sinabi po nating perpektibo ito ay
tumutukoy sa mga salitang kilos o
pangyayari na naganap o nangyari na.
Habang ang imperpektibo naman at
nagsasaad ng mga kilos na ginagawa pa
lamang o mga kilos na nasa kasalukuyang
panahon. At ang panghuli ay ang
kontemplatibo na nagpapakita ng mga kilos
na hindi pa naganap o magaganap pa
lamang.
Tumpak na kasagutan Nicole! May
karagdagan pa ba klas?
Ma'am ang isa pa pong maaaninag na
kaibahan ng mga aspekto ay ang ginagamit
na salitang pamanahon gaya ng kanina para
sa perpektibo, ngayon para sa imperpektibo,
at sa darating na Lunes sa kontemplatibo.
Magaling ang inyong mga tinuran klas!

Kung ganoon, Arlene magbigay ng salitang


ugat at gawin itong pangungusap gamit ang
mga aspekto ng pandiwa.
Ma'am, ang maibibigay ko pong salitang
ugat ay nood. At narito po ang mga
pangungusap gamit ang aspekto nito.

1. Nanood kami ng sine kahapon.


(Perpektibo)
2. Nanonood kami ngayon ng pelikula
ni Fr. Poe Jr, sapagkat ito ang
paborito ng aking ama.
(Imperpektibo)
3. Sabi ni mama matutulog daw ako ng
maaga upang isasama niya akong
manonood sa pista bukas.
Nagagalak ako sa inyong mga kasagutan!
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

Hindi maikakaila na ang aspekto ng


pandiwa ay mahalaga. Bilang isang
mag-aaral, ano ang kahalagahan nito sa
ating buhay o sa pakikipagtalastasan?
Ang wastong paggamit ng aspekto ng
pandiwa ay mahalaga sapagkat ito ay
nagbibigay-kahulugan at buhay sa mga
pangungusap.

Ito rin ay nagbibigay-diin sa kung paano


naganap o nangyari ang isang kilos o
gawain, at nagpapahayag ng tamang
mensahe o impormasyon sa tagapakinig o
mambabasa.
Magaling! May karagdagan pa ba klas?
Ma'am mahalaga rin ito sa
pakikipagtalastasan upang hindi tayo
magkakagulo at mahihirapan pa sa wastong
pagpili ng mga salitang akma rito.
Tumpak na tumpak ang inyong mga
kasagutan klas! Tunay ngang naunawaan
ninyo ang ating paksa ngayong araw.

F. PAGTATAYA

Kung gayon mga anak ay ihanda na ang


mga gadyet sapagkat ako ay may
inihandang gawain para sa tayahin ang
inyong mga kaalaman. Pakibasa ang panuto
Erica. Panuto:
-Buksan ang Google ng inyong mga gadyet
at i-type ang quizizz.com
-Ilagay ang code na nasa pisara.
-Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
ng tahimik at buong husay.
Paalala lamang klas na ang quizizz lamang
ang dapat na nakabukas sa inyong mga
selpon. Kung wala kayong load, maari
kayong maki-hotspot sa inyong mga katabi
o di kaya'y maglabas ng isang kalahating
papel upang doon ilagay ang mga
kasagutan.

Maliwanag ba klas? Handa na ba ang lahat?


Opo ma'am.
A. Tukuyin ang pandiwang hindi dapat
mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang
aspekto nito.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

1. naglaro, naghahabulan, nagtago


2. nagsukat, magbabasa, magbibigay
3. kakanta, umaawit, sasayaw

B. Gamit ang nasalungguhitang mga salita,


tukuyin ang aspekto ng pandiwa na akma sa
bawat pangungusap. Pindutin lamang ang
tamang sagot.

4. Ang mga ibon ay kumakanta sa sanga ng


puno.
5.Hiniram ni Jennylyn ang aklat ni Rachel.
6. Mamamasyal kami sa Dagat mamayang
hapon.

C. Tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang.


7. Ito ay tumutukoy sa kilos na naganap na
o tapos na.
8. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kilos o
pangyayari.

D. Magbigay ng dalawang pangungusap


gamit ang aspektong imperpektibo at
kontemplatibo.
Tapos na ba ang lahat?
Opo ma'am.
Mabuti kung ganoon! Binabati ko kayo sa
inyong partisipasyon sa araw na ito. Ako ay
nagagalak sa inyong ipinakitang
katalinuhan at kagalingan.

IV. TAKDANG ARALIN


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng dalawampung (20) salitang kilos
tungkol sa kahalagahan ng pagiging malusog. Ang bawat mga nakapaloob na pandiwa ay
ihahanay sa wasto nitong lugar sa tsart ng mga aspekto. Ilagay ito sa buong papel at ipapasa
sa susunod na pagkikita.
Aspekto ng Pandiwa

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

1. 8. 15.

2. 9. 16.

3. 10. 17.

4. 11. 18.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Main Campus

5. 12. 19.

6. 13. 20.

7. 14.

Pamantayan sa Pagbuo ng Sanaysay


Kategorya Higit na Nakamit Bahagyang Hindi Iskor
inaasahan ang nakamit ang nakamit ang
(5) inaasahan inaasahan inaasahan
(4) (3) (2-1)
Organisasyon Lohikal at Naiapakita ang Lohikal ang Walang patunay
ng mga Ideya maayos ang development ng pagkakaayos ng na organisado
pagkakasunod-s mga talata mga talata ang sanaysay.
unod ng mga subalit hindi subalit hindi
ideya; gumamit masyadong sapat ang mga
din ng mga malinis ang ideya ay hindi
transisyunal na pagkalalahad. ganap na
pantulong nadebelop.
tungo sa
kalinawan ng
ideya.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakaraming


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa Walang
baybay, baybay, baybay, pagkakamali sa
kapitalisasyon, kapitalisasyon, kapitalisasyon, baybay,
at mga bantas. at mga bantas. at mga bantas. kapitalisasyon,
at mga bantas
na siyang
dahilan upang
magkagulo-gul
o ito.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakaraming


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng estruktura ng estruktura ng estruktura ng
mga mga mga mga
pangungusap at pangungusap at pangungusap at pangungusap at
gamit ng salita. gamit ng salita gamit ng mga gamit ng salita
salita.

Nilalaman Ang sanaysay Ang sanaysay Ang sanaysay Ang sanaysay


ay kakikitaan ay kakikitaan ay kakikitaan ay kakikitaan
ng kumpletong ng lamang ng lamang ng ilang
dalawampung kulang-kulang mahigit salitang
pandiwa o dalawampung sampung nagsasaad ng
salitang kilos. pandiwa o pandiwa o kilos.
salitang kilos. salitang kilos.

You might also like