You are on page 1of 14

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay maaaring:
 Tukuyin kung ano ang isang maikling kwento?
 Tukuyin ang 8 elemento ng isang maikling kwento.
 Pag-aralan kung paano ayusin para makabuo ng isang maikling kuwento.

II. PAKSANG-ARALIN:
PAKSA: Mga Elemento ng isang Maikling Kuwento
KAGAMITAN: Laptop, Projector, Ppt, Whiteboard Marker, Activity Sheet, Videos,
Pictures, 5 manila papers and Permanent Markers.

III. SANGGUNIAN:
 Ghaz, S. (2019, July 19). Elemento ng Maikling Kuwento. Philippine News. Retrieved

from https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-

kahulugan/.

 (2021). Maikling Kuwento: Mga Elemento, Bahagi, Uri at Halimbawa. Pinoy

Collection. Retrieved from: https://pinoycollection.com/maikling-kwento/.

ESTRATEHIYA: Pasaklaw ng Paraan

IV. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO: GAWAIN NG MGA MAG-AARAL:


Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga po sa inyo Bb. Negru.

Bago tayo tatalakayin ang ating paksa natin

ngayon, magdasal muna tayo.


PANALANGIN:

Sa ngalan ng Ama…..

Ama Namin.

Ama Namin, sumasalangit ka, sambahin ang

ngalan mo, mapasaamin ang kaharian Mo.

Sundin and loob mo dito sa lupa para nang sa

langit. Bigyan mo po kami ng aming kakanin

sa araw-araw at Patawarin mo kami sa aming

mga sala; para nang pagpapatawad sa amin.

At huwag mo kami ipahintulot sa tukso at

iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Sa Ngalan ng Ama… Magandang Umaga po Ma’am Negru!

Muli, magandang umaga sa inyo lahat.

Maaari kayo umupo. Salamat po Guro.

CHECKING OF ATTENDANCE:

Bago tayo mag-umpisa, icheck natin muli ang

attendance. Sino lumiban at naroroon?

Pwede ba maireport? Simula na natin kay J: Magandang umaga po ma’am,

John? iginagagalak ko po sabihin na walang


lumiban po sa unang grupo ko.

Magaling, John!

Susunod si Maika. M: Magandang umaga po ma’am,

iginagagalak ko po sabihin na walang

lumiban sa ikalawang grupo ko.

Salamat, Maika!

Susunod si Gabriel. G: Magandang umaga po ma’am,

iginagagalak ko po sabihin na walang

lumiban sa ikatlong grupo ko.

Salamat, Gabriel!

Susunod si Carlo. C: Magandang umaga po ma’am,

iginagagalak ko po sabihin na walang

lumiban sa ikaapat grupo ko po.

Salamat, Carlo!

At ang huli ay si JP. JP: Magandang umaga po ma’am,

iginagagalak ko po sabihin na walang

lumiban sa ikalimang grupo ko po.

Salamat, JP!

At dahil dyan, bibigyan ko kayo ng reward

Ninyo saakin. At ano yun? Malalaman ninyo

pagkatapos ang ating klase. Naiintindihan nyo Opo ma’am! Salamat po ma’am!

mag-aaral?
Walang anuman mga mag-aaral.

PAGBUO:

PAGGANYAK:

Bago tayo masimulan natin ang ating paksa na

tatalakayin ngayon, may tanong ako sa inyo

mga mag-aaral,

Nagbasa kayo ng libro? Opo ma’am!

Magaling!

Mahilig ba kayo na maishare ang kuwento nyo

para sa iyong pamilya, mahal sa buhay, mga Opo ma’am!

kaibigan, atbp.?

Mahilig ba kayo magsulat ng iyong kuwento? Opo ma’am!

Magaling! Sige nga, maaring kayo kumuha ng

isang pirasong papel at sumulat kayo ng isang (Ang mga mag-aaral ay nagsusulat sa isang

kuwento tungkol sa iyong mga Pamilya. pirasong papel tungkol sa kanilang

Meron kayong 15 minuto para maipasa ang pamilya).

iyong papel.
Maaaring ipasa ang papel sa harapan.

(Ang mga mag-aaral ay naipasa ang

kanilang papel sa harapan).

PAGLALAHAD:

Ano ang napansin mo sa aming aktibidad na

ginawa natin kanina? Lester? L: Nagsusulat ng ating kuwento na maiaalay

sa Pamilya.

Tama, Lester! At, yan ang tatalakayin natin

ngayon ay tungkol sa Maikling Kuwento.

Ano nga ang Maikling Kuwento?

Maari kayo panoorin ninyo ang maikling (Ang mga mag-aaral ay napanood nila ang

bidyo? maikling bidyo).

Ano ang napansin mo tungkol sa maikling

video clip na ito? Maika? M: Ang maikling kuwento ay anyo ng

panitikan na nagsasaad ng isang buong

kuwento na kayang tapusin basahin sa isang

upuan lamang at may maraming element din

Magaling, Maika! sa maikling kuwento.

Ang maikling kuwento ay anyo ng panitikan


na nagsasaad ng isang buong kuwento na

kayang tapusin ito sa isang upuan lamang.

Sa maikling kuwento; may tinatawag ng 8

elemento at ano yung mga walo? Isa-isahin

natin:

Mga elemento ng Maikling Kuwento:

1. TAUHAN: Ito ay tinutukoy sa mga

panauhin sa kwento.

Hal: Crispin, Crisosotomo Ibarra, Sisa, Padre

Damaso, atbp….

2. TAGPUAN: Ito ay tumutukoy kung

saan naganap ang kwento.

Hal: Si John ay natagpuan sa Palengke upang

makabili siya ng pagkain para sa maysakit ng

nanay niya.

3. BANGHAY: Ito ay tumutukoy sa

pagkasunud-sunod ng mga pangyayari

sa kuwento
Sa Banghay, mayroong limang bahagi:

1. PANIMULA: Kung saan at paano

nagsimula ang kuwento.

2. SAGLIT NG KASIGLAHAN: Ito ay

ang pananadaliang pagtatagpo ng mga

tauhan sa kuwento.

3. KASUKDULAN: Dito ay

nangayayari ang problema sa kwento.

4. KAKALASAN: Ito ay tumutukoy sa

parte kung saan unti-unti nang maayos

ang problema.

5. WAKAS: Ito ay tumutukoy kung

paano nagwakas o nagtapos ang

kwento.

4. KAISIPAN: Ito ay mensahe ng

maikling kwento sa mambabasa.

5. SULIRANIN: Ito ay tumutukoy sa

problemang ikinakaharap ng tauhan sa

kuwento.

6. TUNGGALIAN: Ito ay maaring tao

laban sa tao, tao laban sa sarili; tao

laban sa lipunan; tao laban sa


kalikasan.

7. PAKSANG-DIWA: Ito ay ang

pinaka-kaluluwa ng kwento.

Ayan, mga mag-aaral, yan ang mga elemento

ng maikling kuwento. Naiintindihan nyo ba

mga kaklase? Opo ma’am!

GENERALIZATION:

Ang maikling kwento ay isang masining na

anyo ng panitikan na naglalaman ng isang

maiksing salaysay tungkol sa isang

mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng

isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang

kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN:

Ang guro ay ihahati sa klase sa limang grupo. (Ang mga mag-aaral ay may participasyon

Ang guro ay ididstribute ng mga activity sa group activity).

sheets. Ang bawat grupo ay iassign sa lahat ng

mga ss:

PANGKAT 1: Squid Game

PANGKAT 2: Avengers: End Game


PANGKAT 3: White Chicks

PANGKAT 4: Jurrasic Park

PANGKAT 5: Spider-Man the Movie.

TAKE NOTE: Bawat grupo ay manood ng

mga pelikula na nakaasigned sa inyo

pagkatapos, panoorin nalang sa Youtube at

Tukuyin ang mga sumusunod:

 Panimula

 Saglit ng Kasiglahan

 Kasukdulan

 Kakalasan

 Wakas.

Ilagay ang mga sagot niyo sa activity time

frame sheet:

PAGTATAYA:

PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ang pinakamadulang bahagi ng

maikling kwento kung saan

makakamtan ng pangunahing tauhan

ang katuparan o kasawian ng kanyang

ipinaglalaban.

A. Kakalasan

B. Tunggalian

C. Kasukdulan

D. Wakas

2. Bahagi ng maikling kuwento na siyang

ginuguhitan ng mga pangyayari sa

kwento.

A. Simula

B. Banghay

C. Gitna

D. Wakas

3. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng

pangunuhaing tauhan at sumasalungat

sa kanya.
A. Suliranin

B. Kakalasan

C. Tunggalian

D. Kasukdulan

4. Isa itong anyo ng panitikan na may

layuning magsalaysay ng mga

pangyayari sa buhay ng pangunahing

tauhan.

A. Pabula

B. Maikling kuwento

C. Epiko

D. Dula

5. Ito ang problemang kakaharapin ng

tauhan sa kuwento.

A. Suliranin

B. Kasukdulan

C. Tunggalian

D. Kakalasan

PART 2: TAMA O MALI.


6. Tinatawag na tema ang

pangkalahatang kaisipang nais

palutangin ng may-akda sa isang

maikling kuwento.

A. Tama

B. Mali

7. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na

pinangyayarihan ng mga aksyon o mga

insidente, gayundin ang panahon kung

kailan naganap ang kuwento.

A. Tama

B. Mali.

8. Ang paksa ang pinakamensahe ng

kuwento.

A. Tama

B. Mali

9. Ang kasukdulan ay ang tulay ng

wakas.
A. Tama

B. Mali

10. Ang maikling kuwento ay may isa o

ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa

maikling panahon, may isang

kasukdulan at nag-iiwanan ng

kakintalan o impresyon sa isip ng

mambabasa.

A. Tama

B. Mali

PART 2: TIME FRAME (for nos; 11-20).

PANUTO: Gumawa ng timeline frame

tungkol sa iyong buhay. Sundin ang mga ss:

 Panimula

 Saglit ng Kasiglahan

 Kasukdulan

 Kakalasan

 Wakas
PART 3: ESSAY (10pts)

Kung ikaw ay isang kang magaling

manunulat; ano elemento ng maikling

kuwento? Ano ang pamagat na gusto mo

isusulat sa papel? At bakit?

GAWAING-BAHAY:

Magsulat kayo ng isang kuwento tungkol sa

kung paano ititigil ang pandemya sa Pilipinas?

Ilagay sa 1 whole sheet of paper.

You might also like