You are on page 1of 6

PANG-ARAW-ARAW NA BANGHAY NG PAGTUTURO SA FILIPINO

Paaralan Antas Anim


Guro Asignatura Filipino
Petsa / Oras UNANG Ikatlong Linggo
Inilaang Oras / MARKAHAN Ikatlong Araw
Minuto
Mga Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas
Kasanayan sa at pamatnubay na tanong MELC F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5.2
Pagkatuto at
Code
Susi ng Mahalagang mabatid ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
Konsepto ng kwentong napakinggan o nabasa upang maintindihan itong mabuti. Kinakailangan
Pag- unawa malaman ang simula, ang gitna o ang kasunod na mga pangyayari at ang wakas ng kwento.
I. Layunin:
Kaalaman : Natutukoy ang mga detalye sa kwento.
Kasanayan : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento.
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas
at pamatnubay na tanong.
Kaasalan : Nasasagot ang mga gawain nang may kawilihan at katapatan

Kahalagahan: Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan


II. Nilalaman: Pagbibigay ng mahahalagang imposrmasyon mula sa tekstong nabasa.
III.
Kagamitang
Panturo:
1. Mga Pahina MELC F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5.2
sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina SLK – Filipino 6 3.1 pahina 9-10
sa Kagamitan ng
Mag-aaral
3. Iba Pang mga larawan, video, tsart, powerpoint presentation, kwaderno
Kagamitang google: http://scribd.com/doc/Pagkasunod-sunod-ng-pangyayari
Panturo youtube: ANG KABAYO AT ANG KALABAW | KWENTONG PAMBATA, KWENTONG MAY-ARAL -
YouTube

IV.
Pamamaraan:
A. Panimulang 1. Pagbabalik-aral: Pagkilala at pagbibigay kahulugan ng sawikain sa pangungusap.
Gawain: 2. Pagganyak:
Itanong: Pagmasdan ang mga larawan. Ginagawa niyo rin ba ang ganito tuwing umaga?
Ano ang napansin nyo sa mga larawan? Isaayos ang mga larawan at salita batay sa
pagkasunod-sunod nito.

bumabangon naliligo
kumakain pumapasok sa paaralan

Ngayong napagsunod-sunod niyo na ang inyong gawain tuwing umaga, handa na ba


kayo sa ating kwento?
B. Paglalahad: Itanong: Anu-ano ang mga Pamantayan sa Pakikinig?
PAMANTAYAN SA PAKIKINIG

Ipakita at iparining ang kwento na nasa video.


ANG KABAYO AT ANG KALABAW | KWENTONG PAMBATA, KWENTONG MAY-ARAL - YouTube
 Itanong ang mga sumusunod:
 Sinu-sino ang nag-uusap sa kwento?
 Ano ang naging suliranin ni kalabaw ng oras na iyon?
 Tama ba ang inasal ni kabayo sa kwento?
 Bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baiting, ano ang aral na napulot mo sa
kwento?

C. Pagsusuri o Ngayong tapos nyo ng marinig ang kwento, kaya nyo bang ilahad ulit ang detalye ng
kwento?
Pagtatalakay: Upang magawa ito, kailangan muna nating malaman ang tatlong bahagi ng kwento.
Ano ang tatlong bahagi ng kwento? (simula, gitna, wakas)
Paano natin mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento?

Ang nakalarawang balangkas (diagram) – ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang


detalye o pangyayari batay sa pagsunod-sunod sa kwento.

Narito ang nakalarawang balangkas sa pagsunod-sunod sa pangyayari sa kwento.

Maaga pa ay sinimulan
na nila ang mahabang
paglalakbay
Ano ang unang pangyayari?
Ano ang sumunod na
Nais manirahan pangyayari?
sa ibang bayan
ang magsasaka
ANG KABAYO AT ANG
KALABAW

Ano ang suliranin?


Ano ang katapusan ng
kwento?
Nakaramdam ng
matinding pagod at
Nagsisisi si kabayo na panghihina ang kalabaw
hindi niya tinulungan dahil sa bigat ng
si kalabaw kaya ito kaniyang pasang gamit.
namatay

D. Paglalahat: Ano ang tatlong bahagi ng kwento?


Paano natin mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento?
E. Paglalapat Pangkatang Gawain: (Cooperative Learning)
na Aralin sa
Pang-araw- PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN AT PAG-UULAT
araw na buhay

Hatiin sa tatlo ang klase: (Differentiated Activities)


Bawat pangkat ay magtalaga ng isang lider at isang taga-ulat.

Unang Pangkat – Basahin ang kwento. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang ayon sa
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Si Noe

Ikalawang Pangkat – Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang


pagkasunod-sunod nito sa kwento. Lagyan ng A-E ang loob ng kahon.

A. Sa inis ay pinaghahampas ng leon ang lamok peru hindi nya ito matamaan.
B. Hindi niya matanggap na isang lamok lang ang naging katapat niya.
C. Nagpapahinga ang isang malaking leon nang guluhin siya ng isang lamok.
D. Hindi ito napansin ng isang sapot. Huli na. Hindi na nakaiwas ang lamok.
E. Lumapit ang isang gagamba upang kainin ang lamok. Nawalan na ito ng pag-asa.
Unang Pangyayari: Ikalawang Pangyayari: Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari: Huling Pangyayari:

Ikatlong Pangkat – Gamit ang balangkas, isaayos ang mga pangyayari sa kwento sa loob ng
kahon sa tamang pagkasunod-sunod.

Ipaskil ang mga awtput sa iba’t ibang lugar ng silid-aralan.


Sa patnubay ng guro, iuulat ng bawat pangkat ang kanilang gawa.
Sa pagmamarka, gamitin ang rubriks sa pangkatang Gawain.
F. Pagtataya: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Basahin ang maikling kwento at
lagyan ng bilang 1-5 ang mga patlang bago ang numero ayon sa pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Sa Darating Kong Kaarawan
Sa darating na Sabado ay aking kaarawan na at gusto kong maghanda at imbitahan
ang aking mga kaibigan. Para makapag-ipon ng panghanda sa aking kaarawan, ako ay
umisip ng maaaring pagkakitaan ng pera. Ako ay gumagawa ng pastillas upang makatulong
kay nanay sa pag-iipon ng aking panghahanda sa nalalapit kong kaarawan. Tuwing wla
kaming kalse ay nagbebenta ako ng pastillas. Sa loob ng isang Linggo ay nakaipon kami ng
panghanda sa aking kaarawan. Masaya ako dahil madami akong handa at maraming tao.
Kaya nagpapasalamat ako sa aking pamilya at sa Panginoon.

_______ Sa darating na Sabado.


_______Ako ay gumagawa ng pastillas.
_______Upang makatulong kay nanay sa pag-iipon ng aking panghahanda.
_______Kaya nagpapasalamat ako sa aking pamilya at sa Panginoon.
_______Sa loob ng isang lingo ay nakaipon kami ng panghanda sa aking kaarawan.

G. Takdang Pagpapalawak:
Aralin: Isulat sa iyong kwaderno ang wastong pagkasunod-sunod ng paglalaba ng damit.
H. Panapos na Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga pangyayari o pagsunod-sunod ng
Gawain mga pangyayari. Ang paggawa ng nakalarawang balangkas ay malaking tulong sa
pagsunod-sunod ng mga detalye sa kwento o ibang gawain. Nakatutulong ito sa ikauunawa
ng binasa.
Mga Tala:
Pagninilay: Ang buong klase ay napakaaktibo sapagkat ang mga mag-aaral ay tuwang-tuwang
nagbahagi sa kanilang kaalaman tungkol sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento.
Mga estratehiyang ginamit: Reflective Approach, Cooperative Learning, Differentiated Activities
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% pataas
B. Bilang nga mag-aaral na
nakakuha ng mas mababa sa 80%
at nangangailangan ng dagdag na
gawain
C. Nagtagumpay ba ang
karagdagan aralin?
Bilang ng mag-aaral na nakahuli sa
mga aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
dagdag na gawain.
E. Alin sa aking mga estratehiya sa
pagtuturo ang epektibo? Bakit ito
epektibo?
F. Anong paghihirap ang aking
naranasan na matutulungan ako
ng aking punong-guro na malutas?
G. Anong mga inobasyon o
localized na materyales ang aking
ginamit/natuklasan na nais kong
ibahagi sa ibang mga guro?

You might also like