You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 8

PAMANTAYAN NG Naipamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-


PROGRAMA iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya.

l.LAYUNIN

DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO


PAG-UNAWA SA Naipaliliwanag ang mga;kaisipan,layunin at paksang natalakay.
BINASA
PAGLINANG NG Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit sa bugtong.
TALASALITAAN
PANONOOD Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw sa paraan ng paglalahad ng
nagsasalita.
PAGSASALITA Naipapahayag ang sariling opinion o pananaw tungkol sa napapanahong
isyu.
PAGSULAT Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinion o pananaw tungkol
sa napapanahong isyu o paksa.

ll.PAKSANG ARALIN

PAKSA:Anyo ng Kontemporaryong Panitikan-Pahayagang Tabloid

KAGAMITAN:Laptop,PowerPoint Presentation

SANGGUNIAN:Panitikang Filipino 8 pp.128-131


lll.PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A.PANIMULANG GAWAIN

Magandang Umaga klas. Magandang umaga rin po guro.

Maari na kayong umupo. Maraming Salamat po guro.

Bago natin simulant ang ating bagong


talakayan,may inihanda akong Gawain para sa
inyo.
Bago riyan,papangkatin ko muna kayo ng lima.
Ang mga nakaupo sa una at pangalawang hilera
sa aking kanan ay ang grupong BALITA,ang
mga nakaupo sa pangatlo at pang-apat na hilera
ay grupong TSISMIS,ang mga nakaupo naman
sa una at pangalawang hilera sa aking kaliwa ay Yehey!
ang grupong ISPORTS,ang mga nasa pangatlo
at pang-apat na hilera ay ang grupong
LITERATURA,at ang mga nasa hilerang likod
ay grupong PALAISIPAN.

Pakibasa nga ng panuto Roger.


Panuto.Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong
sa ibaba.Pagkatapos,isulat ang mga letra ng iyong
sagot sa mga kahon upang mabuo ang
crossword puzzle.Gawin lamang ito ng
sampung minuto.
Maraming Salamat.
Handan a ba ang lahat? Opo guro.

Kung gayon,ang oras niyo ay magsisimula na.

Tapos na ang sampung minute klas,magpalitan na (Sumasagot sa crossword puzzle)


ng papel sa kabilang grupo at atin nang alamin
ang inyong mga sagot.

(Ipakita sa t.v. ang crossword puzzle na


sasagutin)

Klas,basahin nga ng unang bugtong (Nagtsetsek ng sagot)

Ano ang sagot? 1.Pinipilahan ng mga manonood,sa pinilakang


tabing ito’y itinatampok!
Magaling,ang susunod na bugtong ay…
Pelikula guro.

2.Kahong puno ng makukulay na larawan at


Ano ang sagot? usapan ng mga tauhan,tunay na kinagigiliwan ng
kabataan!
Tama,pakibasa ang pangatlong bugtong…
Komiks guro.

3.Ako ay itinuturing,na pang masang pahayagan.


Ano ang sagot? Tabloid guro.

Mahusay,ang pang-apat pakibasa nga. 4.Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok
na parang mag-FB,Twitter,o magsaliksik pa.

Internet guro.
Ano ang sagot?
5.Musika’t balita ay mapakikinggan na.Sa isang
Magaling,at ang pang huli pakibasa nga. galaw lamang ng pihitan,may FM at AM pa!

Ano ang sagot? Radyo guro.

Mahusay!

Mukhang handa na kayo para sa ating aralin.Bago


riyan,may isa pa akong bugtong na
ipapasagot.Ang makasagot nito ay may Yehey!
karagdagang limang puntos sa susunod na
pagsusulit.
Opo guro.
Handa na ba kayo klas?

Ang bugtong na ito ay.”Maliit na diyaryong


inilalako sa daan:balita,tsismis,at iba pa ang (Nagtataasan ang mga kamay)
laman.”
Sino ang makakasagot? Tabloid guro.

Subukin mo nga Katrina. (Pak,pak,pak,pak,pak)

Tumpak!Bigyan natin siya ng limang palakpak.

B.LINANGIN
Tungkol po sa pahayagang tabloid guro.
Ngayon klas,ano ang ating paksa sa araw na ito?
Subukin mo nga Jestony.
Tama.Ano nga ba ang tabloid klas?Basahin mo Tabloid.Maliit at abot-kaya kumpara sa isang
nga Maricel. broadsheet.Sapagkat mas maliit ang espasyo ng
tabloid,mas maliit din ang inaasahang
pagkonteksto sa mga balita.May puntong
naisasantabi na ang mga pambansang isyu.Sa
kaunting espasyong ito,nagkakasya ang
maraming sambahayan para sa balita at
impormasyon.Higit na binibigyang pokus ng
Mga tabloid ang mga police stories at mga
kwentong ikamamangha ng mga mambabasa
kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga
broadsheet.Sa anyo ng balita hanggang sa
paggamit ng termino,pumapasok ang isyu nga
tama o mali.
Maraming Salamat.Naintindihan ba klas?
Opo guro.
Batid kong naunawaan ng lahat.Kung gayon ay
mayroon akong ibibigay na babasahin ninyo
tungkol sa tabloid.Basahin ng tahimik.

(Ibibigay ang babasahin) (Magbabasa ng tahimik)

Nabasa niyo na ba klas? Hindi pa guro.

Ipagpatuloy ang pagbabasa.

Tapos na ba klas? Opo guro.

Ngayon,batid kong masasagot ninyo ang aking


inihandang mga tanong.

Ang unang tanong,pakibasa at pakisagot nga 1.Bakit itinuturing na pangmasa ang pahayagang
Carla. tabloid?
-Itinuturing itong pangmasa dahil ito ay nakasulat
sa tagalog.
Magaling!Dumako naman tayo sa ikalawang
katanungan.Subukin mo nga Loren. 2.Sa iyong nabasa,anong pamagat ng tabloid ang
nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag?
-PINAS po guro.

3.Ito ay tawag sa uri ng tabloid na sagad sa


Tama,at ang panghuling katanungan,subukin mo kalaswaan?
nga Ilaiza. -Smut tabloid po guro.

Tumpak!

C.PAGPAPAYAMAN (Manonood ng bidyo)

Ngayon,manonood naman kayo ng isang bidyo.

(Ipapanood sa klase ang bidyo tungkol sa isyung


same sex marriage sa binitawang salita mi Manny
Pacquiao.
Para sa panghuling Gawain,sa dating mga
grupo,gumawa ng headline mula sa napanood na
bidyo.Ang gawaing ito ay tatapusin sa loob ng
tatlong minuto.Ang oras ay mag-uumpisa na.
(Magbabasa ng nagawang headline ang bawat
grupo)
Natapos na ang tatlong minuto,maaari na
ninyong ibahagi sa klase ang nagawang headline
ng bawat grupo.Umpisahan natin sa grupong
BALITA,sa grupong TSISMIS,sa grupong
ISPORTS,sa grupong LITERATURA,at ang
grupong PALAISIPAN.

Mahusay ang lahat.

D.PAGTATAYA

Bago ko iwan ang inyong takdang aralin ay


magkakaroon muna kayo ng maikling
pagsusulit.Maglabas ng isang kapat na papek at
(Sasagutin ang pagsusulit)
alamin kung ang pahayag ay TAMA o MALI.

Tapos na ba klas?

Maari na kayong magpalitan ng papel sa inyong


katabi. Opo guro.

Ito ang mga kasagutan sa mga katanungan.


(Magpapalitan)

(Ipakita ang mga sagot)

Pakipasa ang mga papel. (Magtsetsek)

E.TAKDANG ARALIN
Para sainyung takdang aralin.Kumuha ng isang (Magpapasa)
kopya ng tabloid.Ilista,ilarawan,at suriin ang mga
bahagi o pahina nito.Sa pagsusuri,magiging
pangunahing bagay kung bakit inilagay ang iyon
at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa.
Pangalan ng tabloid:
Petsa ng pagkakalathala:
Bahagi Deskripsyon Pagsusuri

Iyan lamang para sa araw na ito.Paalam!


Paalam din po guro.

You might also like