You are on page 1of 10

PAMAMARAAN SA

PAGTUTURO NG WIKA
1.PAGLILIPAT-BAYBAY(GRAMMAR
TRANSLATION)
• Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng
balarila,baybay,at pagkakabuo ng isang mensahe.
• Ito ay nakayuon sa pagkakabuo ng mga salita,pangungusap,etc.
• Ang kahinaan ng pamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng
mga mag-aaral na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa
pasalita sa kadahilanang ang kasanayan ng mga mag-aaral ay sa
pasulat na pamaraan.
2.DIREKTANG PAMARAAN(DIRECT APPROACH)

• Ang pamaraang ito ay reaksyon mula sa pag-gamit ng paglilipat


baybay at sa kawalang kakayahan nitong makapagturo sa mga
mag-aaral na gamitin ang target na wika sa pasalitang
komunikasyon.
• Sa pamaraang ito,hindi pinapayagan ang paggamit ng sinusong
na wika.Ang aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo
o kasabihan na gagamitin upang magkaroon ng ugnayang-
komunikasyon o pag-uusap.
3.PABASANG PAMAMARAAN(READING
APPROACH)
• Ang pamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang
lumutang sa paggamit ng direktang pamamaraan ng
pagtuturo ng wika.
• Ito ay nakabatay sa paniniwalang ang kakayahan sa pagbasa
ay mas magagamit na kakayahan sa pagaaral ng ibang wika
lalo na sa paglalakbay.
• Ito rin ay nabuo sa dahilang kakulangan ng mga guro sa
kakayahan na gamitin ang direktang pamamaraan.
4.AUDIOLINGUALISM

• Ang pamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang


lumutang sa paggamit ng direktang pamamaraan sa pagtuturo
ng wika.
• Mula sa kabiguan ng reading approach na makapagsanay ng
mga mag-aaral na nakakapagsalita at nakakapakinig sa
komunikatibong antas.
• Ito ay nag mula sa reporma ng direktang pamamaraan ngunit
dinagdagan lamang ng saklaw ng structural linguistic.

5.ORAL-SITWASYONAL

• Ang wikang nais matutunan ay ipinipresenta sa mga mag-aaral


sa pasalitang paraan bago pasulat.
• Tanging ang wikang nais matutunan ang ginagamit sa loob ng
silid aralan.
• Ang pagtuturo ng balarila ay mula sa simple hanggang sa
komplikado.
• Bagong mga salita ang itinuturo sa mag-aaral base sa bawat
sitwasyon.
6.KOGNITIV

• Ang pagbasa at pagsulat ay mga pinakamahalagang paraan ng


pagkatuto kapantay ng pagkatuto sa pakinig at pagsasalita.
• Ang pagtuturo ng mga salita ay kinilala ding mahalaga.
• Ang kamalian ng mag-aaral sa pag-gamit ng wika ay kinikilala
ding hindi maiiwasan ngunit malilimitahan.
• Ang guro ay inasahang magaling sa pag-gamit ng wikang nais
matutunan ng mga mag-aaral.
7.AFECTIV-HUMANISTIK

• Ang pamaraaang ito ay isang reaksyon sa pangkalahatang


kakulangan ng ibang mga pamaraan sa pandamdaming aspeto ng
pagtuturo ng wika.
• Sa pamaraang ito kinikila ang mga mag-aaral bilang isang indibidwal
na may damdamin at kakayahan.
• Ang pagtuturo ng komunikasyon ay base sa kakayahan ng mag-aaral.
8.COMPREHENSION-BASED

• Ang pagkatuto ng mag-aaral ay nagmula sa mga makabuluhang karansan na


kanilang ikinokonekta sa pag-aaral ng wika.
• Ang pagwawasto ng isstruktura ng pagkaunawa ng mag-aaral ay kinikilalang
hindi mahalaga.
• Ideya ang kinikilalng mahlaga sa pagkatuto ng mag-aaral.
• Sa pamaraang ito,ang pakikinig ay kinikilalang pinakamahalagang kakayahan
upang mtutong magsalita,bumasa at magsulat ng maayos ang mga mag-aaral.
9.KOMUNIKATIBO(COMMUNICATIVE)

• Sa pamaraang ito,kinikilala na ang layunin ng pag-aaral ng wika ay ang


pagsali sa gawaing komunikasyon.
• Pinaniwalaan sa pamaraang ito na ang pagkabuo ng kahulugang at ang
kaugnayan nito sa baralila ay mas mabisang paraan ng pagkatuto ngg buo
sa wikang ninanais matutunan.
• Ang mga Gawain at pagsasanay ng pagkatuto ay kadalasang otentik.
• Ang mga Gawain ay dapat repleksyon ng tunay na buhay at pangyayari
upang maikonekta ng mga mag-aaral sa kanilang karanasan.
• Ang guro ay isa lamang tagasubaybay sa pagkatuto.

You might also like