You are on page 1of 15

MGA PAMAMARAAN NG

PAGTUTURO NG WIKA
 
1.Paglilipat-Baybay (Grammar Translation

Ang pamamaraang ito ay maituturing na kadugtong ng mgapamamaraang
ginagagamit noong klasikal na panahon hanggang sakasalukuyang panahon ng
pagtuturo ng wika. Ito ay nakatuon sapagkakabuo ng mga salita, pangungusap,
etc. Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit ang sinusong wika ng mga mag-
aaral. Kakaunti lamang ang pangangailangan sa pag-gamit ng wikang ninanais
matutunan. Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng balarila,
baybay, at pagkakabuo ng isang mensahe. Maagang pinapabasa ang mga mag-
aaral ng mahihirap na babasahing nasusulat sa nais matutunang wika. Ang
kadalasang pagsukat ng kakayahan ng mga mag-aaral ay base sa paglilipat ng
wika mula sa sinusong wika papunta sa wikang nais matutunan.
Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mga
mag-aaral na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa pasalita sa
kadahilanang ang kasanayan ng mga mag-aaral ay sa pasulat na
pamamaraan.
 
2. Direktang Pamamaraan (Direct Approach)

Ang pamamaraang ito ay reaksyon mula sa pag-gamit ng paglilipat-baybay
(grammar-translation) at sa kawalang kakayahan nitong makapagturo sa mga
mag-aaral na gamitin ang target na wika sa pasalitang komunikasyon. Sa
pamamaraang ito, hindi pinapayagan ang pag-gamit ng sinusong wika. Ang
mga aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo o kasabihan na
gagamitin upang magkaroon ng ugnayang-komunikasyon o pag-uusap. Ang
pagkumpas, pag-gamit ng katawan, at mga larawan ay ginagamit upang
lubos na maunawaan ang nais iparating ng komunikasyon. Ang pagtuturo ng
balarila ay hindi direkta at kung kinakailangan lamang. 
  Ang mga gawang pampanitikan ay pinapabasa sa mga mag-aaral
upang maglibang lamang at hindi upang analisahin ang nilalaman
nito. Ang kultura ng wikang ninananais matutuhan ay hindi
dindirektang itinuturo sa mga mag-aaral. Ang guro ay dapat may
lubos na kakayahan sa pagtuturo ng target na wika ng mga mag-
aaral.
3. Pabasang Pamamaraan (Reading
Approach)
Ang pamamamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang lumutang sa
paggamit ng direktang pamamaran ng pagtuturo ng wika. Ito ay nababatay
sa paniniwalang ang kakayahan sa pagbasa ay ang
mas magagamit na kakayahan sa pag-aaral ng ibang wika lalo na sa
paglalakbay. Ito rin ay nabuo sa dahilang kakulangan ng mga guro sa
kakayahan na gamitin ang direktang pamamaraan. Ang mga aralin sa
balarila na kinakailangan lamang sa pagbabasa ang tanging itinuturo sa mga
mag-aaral. Ang mga aralin sa pagpapalagum ng mgasalita ay dahan-dahang
ibinabahagi sa mga mag-aaral.
Ang pagsasaling wika ay muling ginagamit bilang isang kapakipakinabang na
paraan. Ang pagkaunawa sa mga binabasa ang tanging tuon ngpagsasanay sa
mga mag-aaral. Hindi kinakailangan ng guro ang lubos na kasanayan sa
pagtuturo ng wika.
4. Audiolingualism
Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa problema at
kakulangang nakita sa reading approach. Mula sa kabiguan ng reading
approach na makapagsanay ng mga mag-aaral na nakakapagsalita at
nakakapakinig sa komunikatibong antas. Ito ay nagmula sa reporma ng
direktang pamamaraan ngunit dinagdaganlamang ng saklaw ng
structural linguistics. Ang mga aralin ay sinisimulan sa paglalatag ng
mga dayalogo.
Ang pagmememorya at panggagaya ng mga salita ay ginagamit bilang isang
mabisang teknik dahil sa paniniwala na ang wika ay natutunan mula sa
pagkasanay na gamitin ito. Ang pagsasanay sa pagbaybay ng mga salita ay ang
tuon mula sa simula ng pagaaral. Masidhi ang pagpigil sa pagkakamali ng mga
mag-aaral sa pag-gamit ng wika. Ang wika ay itinuturo sa pamamagitan ng
pagmamanipula ng guro at hindi tinutuunan ng pansin ang pakahulugan ng
mensahe. Ang guro ay dapat may lubos nakakayahan sa pagtuturo ng balarila at
pagbibigkas (ponolohiya).
 –
 5. Oral - Sitwasyonal

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa paggamit ng pabasang
pamamaraan ng pagtuturo ng wika dahil sa kakulangannito na bigyang diin
ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsasalita at pakikinig. Ito ay sumikat sa
Britanya noong 1940 hanggang 1960.Sa pmamaraang ito, ang sinasalitang
wika ay ang pundasyon. Ang wikang nais matutunan ay ipinipresenta sa mga
mag-aaral sa pasalitang paraan bago sa pasulat. Tanging ang wikang nais
matutunan ang ginagamit sa loob ng silid aralan. Ang pagtuturo ng balarila ay
mula sa simple hanggang sa komplikado. Bagong mga salita ang itinuturo sa
mga mag-aaral base sa bawat sitwasyon.
6. Kognitiv
Sa pamamaraang ito, ang pag-aaral ng wika ay pinaniniwalaang nangyayari sa
pagkatuto ng mga batas at alintunin ng balarila at hindi sa pmamagitan ng
pagsasanay na gamitin ito. Ang pagtuturo ay kadalasang isahan kung saan ang
mga mag-aaral ang pangunahing dahilan ng kanilang sariling pagkatuto. Ang
balarila ay itinuturo sa mga mag-aaral. Ang pagtuturo ng baybay ay itinuturo
din sa mag-aaral ngunit hindi nakatuon sa pagpapalinis ng pagbigkas. Ang
pagbasa at pagsulat ay mga pinakamahalagang paraan ng pagkatuto kapantay
ng pagkatuto sa pakikinig at pagsasalita. Ang pagtuturo ng mga salita ay
kinikilala ding mahalaga. Ang kamalian ng mag-aaral sa pag-gamit ng wika ay
kinikilala ding hindi maiiwasan ngunit malilimitahan. Ang guro ay inaasahang
magaling sa pag-gamit ng wikang nais matutunan ng mga mag-aaral.
7. Afectiv-Humanistik
Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon sa pangkalahatang kakulangan ng
ibang mga pamamaraan sa pandamdaming aspeto ng pagtuturo ng wika. Sa
pamamaraang ito kinikilala ang mga mag-aaral bilang isang indibidwal na
may damdamin at kakayahan. Angpagtuturo ng komunikasyon ay base sa
kakayahan ng mag-aaral. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng dalawahan o
pangkatang pagsasanay. Ang klima ng emosyon sa loob ng sild aralan ay
kinikilalang mas mahalagang kagamitan sa pagtuturo ng wika kaysa sa
anumang material. Ang suporta ng kaibigan at kamag-aaral ay kinikilalang
mabisang pantulong sa pagkatuto.
8. Comprehension-Based
Sa pamamaraang ito, ang pakikinig ay kinikilalang pinakamahalagang
kakayahan upang matutong magsalita, bumasa at magsulat ng maayos ang
mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay nagsisimula sa pakikinig ng mga
makabuluhang salita at nagbibigayng fidbak sa makabuluhang paraan ng
komunikasyon. Ang mga mag-aaral ay hindi nakakapagsalita hanggang
hindi sila handa. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nagmumula sa mga
makabuluhang karanasan na kanilang ikinokonekta sa pag-aaral ng wika.
Ang pagwawasto ng istruktura ng pagkaunawa ng mag-aaral ay kinikilalang
hindi mahalaga. Ideya ang kinikilalang mahalaga sa pagkatuto ng mga mag-
aaral.
9. Komunikatibo (Communicative)
Sa pamamaraang ito, kinikilala na ang layunin ng pag-aaral ng wikaay ang
pagsali sa gawaing kumunikasyon. Pinaniniwalaan sa pamamaraang ito na
ang pagbuo ng kahulugan at ang kaugnayan nitosa balarila ay mas mabisang
paraan ng pagkatuto ng buo sa wikangninanais matutunan. Ang mag-aaral ay
madalas na nag-aaral ng wikasa pangkatang paraan. Ang mga gawain at
pagsasanay ng pagkatutoay kadalasang otentik. Ang mga gawain ay dapat
repleksyon ng tunay na buhay at pangyayari upang maikonekta ng mga mag-
aaral sa kanilang karanasan. Ang guro ay isa lamang tagasubaybay sa
pagkatuto.
Sanggunian
Espina, L. et al. 2007. Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong
Filipino.Mindshapers Co., Inc. Intramuros Manila.
Murcia, M. 2006. Teaching English as a Second or Foreign Language.
ThomsonLearning Asia, Australia.
Reyes, S. 1997. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de
ManilaUniversity Press. Manila, Philippines.

You might also like