You are on page 1of 5

Sa pagtuturo ng wika o balarila ay isang hamon para sa mga guro at isang istratehiya sa

pagtuturo ang pagkakaroon ng tinatawag na palaro upang maging interaktibo ang pagtuturo ng
wika o balarila.

Sa pag-aaral na ito, ang gagawing pag-aaral ay kung ano magiging epekto ng pagtuturo ng
balarila sa pamamagitan ng interaktibong palaro sa loob ng silid-aralan. Maaaring matuto at
malibang ang mga bata habang sila ay natututo sa wika at balarila kung saan sila mahihirapan.
Ang pag-aaral na ito ay mas mabatid pa ng mga tagapagturo ang ibat-ibang istratehiya sa
pagtuturo ng balarila.

Sa metodolohiyang gagamitin sa pag-aaral na ito sa qualitative na ekspermental na maaring


gumamit ng survey.
Kabanata 1

Ang suliranin at ang sandigan nito

Panimula

Ang tao ay katulad ng isang halaman ito ay lumalago at kailangan ng kalinga ng isang
mapagpalang kamay upang magpatuloy sa kanyang kariktan patuloy din ang paglinang nito na
nagiging daan upang matuto sa mga bagay-bagay.

Likas na sa tao ang matuto sa ibat-ibang larangan, simula pa lamang ng pagiging sanggol
hanggang sa maging paslit na ang unang natutunan ay ang pagsasalita at pagkatuto sa wika. Wika
ang ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan at pakikipagdiskurso na
bahagi na ng ating pag-iral na hindi mawawala sa atin, isang mahalagang kabatiran kung ano
ang wika na ating ginagamit at nililinang.

Ang wika ay patuloy na nagbabago at lumalago alinsunod sa takbo ng panahon at pag-


usbong ng paligid na ating ginagalawan. Ayon kay Lope K. Santos, ang bawat wika ay may sariling
palabuuan o sintaks, kaakibat nito ang anyong kultura sa bawat daymensyon na sa pag-aaral nito
ay may mahalagang misyon upang matutunan ng bawat indibidwal. Ang wika ay kaakibat din ng
kultura na bahagi ng ating pagkatao. Ayon din kay Fe Otanes kapag namatay ang wika ang kultura
rin ay mamamatay at kapag nabuhay din ang wika ang kultura rin ay patuloy na mabubuhay, ang
mga ito ang bumubuhay sa paggamit ng ating wika sa larangan ng ibat-ibang aspekto sa
akademiko.

Sa pagpapalalim nito ang wika ayon kay Henry Gleason ay ang masistemang balangkas
na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang abitraryo upang ito ay maging daan sa
pagbabatid ng mga mahahalagang kabatiran, ito ay tagapagpahayag ng damdamin o saloobin ng
isang tao kung saan maaring masalamin ang kamalayan na mula sa mabungang isipan ng isang
nilalang. Ayon kay Wordhough ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa kasarian ng taong
gumagamit nito. Ipinapaliwanag na ang kaalamang pangwika ay nakabatay sa pang-unawa sa
kasarian ng isang tao dahil nakabase ito sa kanilang interes at hilig lalo na sa pag-aaral ng wika.
Sa pananaw ni Hudson ang wika naman ay nakasalalay sa karanasang natatangi ng isang
nilalang, nababatid ng isang tao ang karunungan batay sa kasanasan ng pagkatuto ng wika. Sa
paniniwala ni Bernstein na ang wikang ginagamit sa isang lipunan at nagiging batayan upang
mabatid ang mga kodang ginagamit dito. Ayon naman kay Wolf ang wika ay payak na salitang
nalilikha bunga ng patugon ng mga indibidwal sa kanyang kapaligiran.

Malaki ang ginagampanan ng pag-aaral ng wika at balarila lalo sa mga mag-aaral ito ay
mahalaga lalo na sa pag-unawa sa mga wastong gamit ng mga salita sa pang-araw-araw na
buhay. Batid natin na mas binibibigyang pansin ang pag-aaral ng panitikan kaysa sa balarila kaya
nagiging mahina sa larangan ng pag-unawa nito. Kaya naman nararapat na pag-tuunan ng pansin
ang pagpapalalim ng mga kasanayan ng mga mag-aaral sa wika at balarila dahil makatutulong ito
upang mapaunlad ang sarili sa larangan ng pakikipagtalastasan.

Paglalahad ng suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay : Mabatid ang kung ano ang epekto sa pagtuturo
ng paggamit ng palaro sa pagpapataas ng antas ng kasanayan sa pagtuturo ng wika sa mga mag-
aaral sa ikawalong baitang sa Immaculate Conception For Boys sa taong-aralan 2017-2018.

Batay rito ay sinisikap na matugunan ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano - ano ang mga kaalaman hinggil sa pag-aaral ng wika batay sa mga sumusunod:

1.1 Pag – unawa sa Wika at Balarila

1.2 Nakatutukoy ng mga mali sa isang pangungusap at wastong gamit ng mga salita.

1.3 Interes sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa Wika at Balarila

1.4 Kinahihiligang gawain na may kinalaman sa Wika

1.5 Kinahihiligang laro ng mga mag-aaral

2. Paano nakaaapekto ang interes ng mga mag – aaral sa pag – aaral ng Wika at Balarila

3. Mayroon bang direktang kaugnayan ang paggamit ng interaktibong palaro sa pagtuturo ng


Wika at Balarila?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong at magdudulot ng positibong pagbabago sa


mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang maging maalam sa
mga bagay hinggil sa kasanayan sa wika o balarila sa pamamagitan ng mga palaro. Sa tulong din
ng pananaliksik na ito, mapagmumuni-muni nila ang kanilang sarili ukol sa pagkatuto sa wika o
balarila. Maiuugnay ang kanilang sarili sa kinalabasan ng pag-aaral na ito. At magagamit nila ito
sa kanilang kasalukuyang pag-aaral.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro upang malaman ang mga kakulangan
ng mga mag-aaral sa kasanayan sa wika at balarila. Ito rin ay magagamit nila sa kanilang sariling
pag-unlad sa pagtuturo sapagkat magiging maalam sila sa mga bagay na higit nilang dapat gawin
para mas mabilisang pagkatuto ng kanilang mag-aaral lalo na sa balarila. Sa tulong din ng pag-
aaral na ito, malalaman ng mga guro ang mga paksa kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral
sa wika. Sa madaling sabi, magiging malakas ang pundasyon ng mga guro sa pagtuturo sa tulong
ng pag-aaral na ito at malalaman nila ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral ukol sa
kasanayan sa pag-aaral wika at balarila.

Administrasyon. Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral


hinggil sa kasanayang pambalarila, gayundin ang mga pangangailangan ng mga guro tungo sa
epektibong pagtuturo ng wika sa interaktibong paraan sa pamamagitan ng mga istratehiya lalo na
sa mga palaro. Magbibigay ito ng pagkakataon sa kanila na maglaan ng pondo lalo na sa
departamento ng linggwistika at sa mga ekstra-kurikular o gawaing nauukol sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa wika o balarila at sa ikalilinang ng kakayahan ng mga guro sa pagtuturo ng
pantikan tungo sa katuparan nito.

Tagapagplano ng Kurikulum. Magiging gabay ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga
tagapagplano ng kurikulum ang kalakasan at kahinaan ng mga guro gayundin ng mga mag-aaral
sa larangan sa pagkatuto ng balarila. Magiging mulat sila sa mga bagay na makatutulong sa mga
mag-aaral upang magkaroon ang mga ito ng higit na pagkatuto, gayundin sa mga guro, upang
sila ay magkaroon ng higit na kaalaman sa mga paraan ng pagtuturo.
Sakop at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kasanayan ng mga mag-aaral sa Wika at Balarila. Tutukuyin
nito ang epekto ng paggamit ng interaktibong palaro sa pag – aaral. Ang mga mananaliksik ay
lilikumin ang mga impormasyon sa tulong ng pagsasagawa ng sarbey at panayam. Ang mga
respandens ay magmumula sa mga mag-aaral sa ikawalong baitang ng Immaculate Conception
School for Boys sa taong – pampaaralan 2017-2018.

Jayson F. Hilario

MAE- Filipino

You might also like