You are on page 1of 1

LEKTYUR (Gr.

10)

Liongo- Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang bayang nasa
baybaying-dagat ng Kenya.

Toby- Siya ang matandang lalaking tumulong kay Sarah nang ito ay bumagsak sa lupa.

Pagsasaling-wika- Ito ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong
nasa wikang isasalin.
Hal.
electricity- dagitab window- durungawan eyeglasses- antipara

Anekdota- Ito ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Mang Simon- Siya ang amang noong una’y gustong pag-aralin ang kanyang anak ng limitadong karunungan at
ilang taon lamang upang makatapos agad.

Akasya- ito ay inihalintulad sa estudyanteng interes talaga ang kinuhang kurso at bagama’t mas matagal nag-aral
at nakatapos ay naging matatag at matagumpay ang kinabukasan

Kalabasa- ito naman ang tipo ng estudyante na praktikalidad at bilis ng kurso ang inuna kaya’t mabilis nakatapos
ngunit mababa o katamtaman lamang ang naabot sa buhay

Mullah Nassreddin- Kilala siyang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa Persia (Iran). Libo-libong
kuwento ang naiambag niya sa kanilang lipunan.

Saadi- Ang kanyang mga sulat ay naitala dahil sa paggamit ng direktang salita at mahusay na mga pahayag ng
paniniwalang Sufi.

Sufism- Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.

Nelson Mandela- Pinasinayaan siyang pangulo ng Africa noong Mayo 10, 1994.

Tuwirang Pahayag- Ito ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensya kaya’t kapani-paniwala.
Hal.
Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.

Di-tuwirang Pahayag- Mga pahayag ito na bagama’t batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.
Hal.
Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.

You might also like