You are on page 1of 7

SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL

San Mateo, Rizal


LINGGO 1
A. Panitikan : Anekdota - Akasya o Kalabasa ni Consolation P. Conde
Mula sa mga Anrkdota ni Saadi - Persia ( Iran)
B. Uri ng teksto: Naglalahad

Basahin mo at unawain ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sa binasa na may
kaugnayan sa pagdedesisyon.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang
naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong
pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At
ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga
pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang
upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang
sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-
kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan
ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama
     “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at
nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
     “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
     “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
     “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni
Mang Simon.
     “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
       “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling
kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang
kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang
kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
        Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan
ay nagbulungan ang mag-ama.
         At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-
tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera.
Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
  - Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
Sagutan ang mga tanong:
1. Sino- sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan patungo sina Mang Simon at anak niyang si Iloy?
3. Anong kurso ang nais ni Mang Simon para kay Iloy?
4. Naging makabuluhan ba ang ginawang representasyon ng punongguro para
maipaliwanag kay Mang Simon ang pagpili ng tamang kurso para sa kaniyang anak?
Bakit? Ipaliwanag.

Basahin ang isa pang halimbawa ng anekdota. Pagkatapos, isagawa ang mga Gawain sa pagkatuto na
nasa ibaba.
Mula sa mga Anekdota ni Saadi
Persiya ( Iran) ni Idries Shah
Isinalin sa Fuilipino ni Roderic P .Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag- iisa.


Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan
naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga
tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay
nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”
1
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para
hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para
sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et.al.2008. Texas, USA

Gawain sa Pagkatuto Blg. 2


Punan ng kasagutan ang hinihingi ng nasa kahon at isulat ang sagot.
Anekdota ni Saadi
Tauhan
Tagpuan
Paraan ng pagkakasulat
Mensahe/ Aral
Paksa

LINGGO 2
A. Panitikan : Mitolohiya ( Maaaring Lumipad ang mga Tao)
B. Gramatika at Retorika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling -Wika
C. Uri ng teksto: Naglalahad

Ang aralin sa linggong ito ay isang mitolohiya mula Africa. Alam mo ba na…
ang kontinente ng Africa ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente, sunod sa Asya. Ito
ay pangalawa din sa may pinakamaraming populasyon sa lahat ng kontinente, at may
pinakamaraming bansa.
Ang kontinente na ito ay matatagpuan sa ibaba ng Europa at timog-kanlurang bahagi naman ng Asya. Ang
lupain ng kontinente ng Africa ay mag tinatayang sukat na 30.3 million km².
Mahahalagang Imporasyon tungkol sa Africa
• Ang Sahara desert ang pinakamalaking disyerto sa buong mundo at mas malaki pa sa bansa na Estados
Unidos.
• Ang Africa ang pinaka mainit na kontinente sa buong mundo, na may 60 porsyento na disyerto at tuyong
lupain, tulad ng Kalahari, Sahara and Namibia.
Ngayon naman ay basahin mo ang isang mitolohiya na nagmula sa bansang Nigeria.

Maaaring Lumipad ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang
kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong
mga tao mula sa Africa na may malitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang
nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang
batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod.
Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay
ng lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag
nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa
matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal
magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang
paggawa.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang
likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba
niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.
"Patahimikin mo iyan," sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si
Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak
naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. "Aalis ako nang mabilis," sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha.
Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. "Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami." Malungkot si Sarah dahil sa
nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil.
"Tumayo ka, ikaw, maitim na baka" hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang
hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay
humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
"Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat."
"Sige anak, ngayon na ang panahon," sagot ni Toby "Humayo ka, kung alam mo kung paano ka
makaaalis."
"Kum... yali. Kumbuba tambe." at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na
nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang ang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di
maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang
mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo'y
balahibong umillanlang sa hangin.
2
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah, at ang kaniyang
anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng
tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong
nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa malinit na palayan, isang
batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya
ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad
maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha
niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay
idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang
bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay "kumkumka yali, kum... tambe!" Pabulong
niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at
may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa
palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig.
"Bihagin ang matanda," sabi ng tagapagbantay.
"Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya."
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si
Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi "heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako?
Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan." At muli niyang naibulong ang
mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang
nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
"Buba... Yali... Buba... tambe..."
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at batang mga
alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita habang nakabilog animo singsing, umaawit pero
hindi sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga
ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang
napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo
sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa,
siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay
makalilipad na tulad nila.
"Isama ninyo kami sa paglipad," kanilang wika, pero sila'y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo
"paalam" ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, "Kausapin mo sila ulilang kaluluwa!" At siya ay
lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. "Ito ay isang
kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag." Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam
niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang
pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng
kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA
Ang pagsasaling –wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo
rito.
Gabay sa Pagsasaling- wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga
para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang
pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng
pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
3.Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging
hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.

Gawain sa Pagkatuto Blg. 1


A. Panuto : Isalin sa Ingles ang sumusunod na salita.
1. Tagapagbantay _______________________________
2. Misteryo ________________________________
3. Nagpagulong- gulong ________________________________
4. Mahika ________________________________
5. Kumikinang ______________________________

B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata.

3
There was a great outcryin. The bent backs straighted up, old, and young who were called slaves
and could fly joined hands. Say like they would ring- sing but they didn’t shuffle in a circle.

LINGGO 3
A. Panitikan : Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ( Tula mula sa Uganda
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
B. Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa pagpapahayag ng Layon
Damdamin
C. Uri ng Teksto ; Nagsasalaysay

` Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang onaawit. Hitik
ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit – ulit upang ipahayag ang pagmamamahal ng
ina sa nagsisilbi ring pang- alaiw at pampaamo sa anak. Ito’y isang kaugalian ng tribong lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling aty tila imortalidad ng kanilang magulang.
Sa linggong ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag- unawa at pagpapahalaga sa tulang Hele
ng Ina sa Kaniyang Panganay . kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina
sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa magandang
kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.

Basahin at unawain ang akda upang iyong matuklasan at makita ang kultura ng bansang Uganda na
pinagmulan nito.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mababatid sa tulang ito ang magkakaibang damdamni ng isang ina, kasabay ng walang kapantay
niyang kaligayahan, sa pagsilang ng kaniyang unang anak.
Ayon sa ina, nais niyang makita ang anak sa kaniyang paglaki na maging isang mandirigma upang
matuwa ang ama nito.
Ang anak niya raw ay magiging isang mahusay na pinuno sa hinaharap. Ngunit kahit ano pa raw
ang marating nito ay hindi pa rin niya malilimot ang mga panahong musmos pa ito.
Iniisip din ng ina ang magiging buhay ng kaniyang anak sa hinaharap. Kung ano ang magiging
pagtanggap ng mundo sa mga katangian nito na hindi pa niya batid sa kasalukuyan. Ayaw niya raw na
mayroong masamang masasabi sa anak.
Kaligayahan ng isang ina na magsilang ng anak. Ngunit inilahad sa tula na yumao na pala ang
asawa ng ina na tumutula sa kaniyang panganay.
Sabi nitong ina sa kaniyang anak, katulad ng pagmamahal na ibinigay ng kaniyang asawa noong
nabubuhay pa, ganitong pagmamahal din ang ibibigay niya sa kaniyang anak. Sinabi rin nito na hindi nila
malilimot ang ama at habambuhay na gugunitain ito kahit nahihimlay na.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Paglinang sa Talasalitaan


Panuto: isaayos mula bilang 1 -5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayg ng bawat isa,
ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin
kagalakan 5.
katuwaan 4.
kaluwahaltian 3.
kaligayahan 2.
kasiyahan 1.

Batayang mga Salita Ayos ng mgs Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


lungkot 5.
lumbay 4.
dalamhati 3.
pighati 2.
pagdurusa 1.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na…
iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o
damdamin?
1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo at/o pagmumungkahi.
• Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
• Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
• Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
• Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
• Higit na mabuting ito ang unahin mo.

4
• Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw na basura.
2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pag-aanyaya o pag-iimbita/
panghihikayat.
• Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.
• Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
• Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
• Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.
3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay ginagamit sa pagbababala na
maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may
kasamang inilalarawang sitwasyon).
Babalang may kasamang pananakot
• Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
• Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!
Babalang may kasamang pag-aalala
• Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
• Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.
4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa at/o pangangako.
• Pangako, hindi kita iiwan.
• Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
• Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
• Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.
5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsangayon at pagsalungat .
• Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
• Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating kinaharap.
• Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.
• Walang pakinabang na maidudulot iyan.

Gawain sa Pagkatuto Blg. 2


Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang tititk ng tamang sagot.
1. Siguro mas mainam kung pakikinggan moa ng payo ng iyong nakatataas.
A. Pagkainis B. Pag-aanyaya C. Pagbabala D. Pagmumungkahi
2. Lumayas ka!
A. Pagkagalit B. Pagdaing C. Pagkatakot D. Pagkayamot
3. Sumpa man, hindi talaga ako ang nagsabi niyan.
A. Pagkatakot B. Panunumpa C. Pagkagalit D. Pananakot
4. Mali yang iniisip mo.
A. Pagrereklamo B. Pagtatampo C. Pagsalungat D. Pagsang-ayon
5. Ganyan din ang aking palagay, naiinggit siya sa akin.
A. Pagkainis B. Pagtatampo C. Pagtataka D. Pagsang-ayon

LINGGO 4
A. Panitikan : Nelson Mandela : Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa) Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Paglisan ( Buod) Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Uri ng Teksto: Naglalahad

Ang unang aralin para sa linggong ito ay nakatuon sa isang sanaysay, particular ang isang talumpati
na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon
ng talumpating ito na gisingin ang damdamin ng mga taga- Africa sa pagsulong ng kapayapaan,
katarungan at kalayaan.

Alam mo ba na…
ang sanaysay ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-
kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong
saloobin sa isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.

Basahin ang akda.


Nelson Mandela:Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Ang talumpati ni Nelson Mandela ay tungkol sa matagumpay na pagkamit ng kalayaan sa South


Africa. Hiniling niya na bigyan ng pagpapala ang mga taong umaasa sa kalayaan at mga nagdiriwang ng
kalayaan sa buong mundo.
Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay sa ang kalayan ng kanilang
bansang minamahal. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya sa bansa. Maituturing na isang
malaking tagumpay ito para sa mga mamamayan ng isang bansa na ang mapagkalooban ng kalayaang
political, kalayaang pulili din ng lider kalayaang hindi matutumbasan ng kahit anong material na bagay dito
sa mundo. Bahagi rin ng kalayaang pinupunto niya dito ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa

5
tinatawag na diskriminasyon sa knilang bansa, ang ibig sabihin ay pantay- pantay na kalayaan ng bawat
isang mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang kulay ng balat nila.
Pinasalamatan niya ang mga tao, organisasyon, at bansa na naging instrumento sa pagkamit nila ng
minimithing kalayaan. Sinabi rin niya na ang espiritwal at pisikal na pagkakaisa ay nagbigay liwanag sa dilim
dulot ng rasismo.
Ang mga mamamayan kasi ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling kalayaan na nakakulong
ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon sa kanilang bansa. Kaya naman masasabing ito ay
isang malaking tagumpay ang nakamit nila.
Sinabi rin niyang ang panahon upang gamutin ang mga sugat ng nakaraan at tapusin ang
paghihirap ay dumating na. Sa huli, hiniling niya ang patuloy na pagkakaisa para sa ikauunlad ng bansa.
Ang Ibig sabihin niya dito ay panahon na para sila na ang mamamayan ng Timog Afric o tao dun ay tumayo
na sa sarili nilang mga paa upang sila ay bumuo ng kanilang panibagong bayan na kung saan ay malaya
silang lahat sa kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Kapayapaan na kung saan
ito ay maihahalintulad natin sa malayang paglalakad sa mga daan na walang takot sa bawat puso nila,
karapatan na kung saan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang maituturing
pansarili at pambansa.
- Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


1. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga- Timog Africa?
2. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati?

Pagkatapos mong pag-aralan ang isang sanaysay, isa pang genre ng panitikan ang iyong pag –aaralan
ang nobela.
Alam mo ba na…
ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay
may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawiliwiling balangkas na
siyang pinakabuod ng nobela.

May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:


1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda
a.) una - kapag kasali ang may-akda sa kwento,
b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayari

Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan,
maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng
mga bansa sa Kanluran.
Basahin ang buod ng nobela.
Paglisan
Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo ay isang respetadong tao sa mga taong Igbo, ngunit namumuhay siya sa takot na
maging tulad ng kanyang tamad, duwag at kahiya-hiyang ama. Sa takot niya na maging katulad ng kanyang
ama, gumawa siya ng kanyang unang pinakamalaking kasalanan sa pamamagitan ng pagpatay sa kanyang
ampon na anak na si Ikemefuna. Di naglaon ay nakagawa si Okonkwo ng kanyang ikalawang malaking
kasalanan sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagpatay sa isang kanayon at dahil dito ay kinakailangan
na maabswelto siya sa pamamagitan ng paglalaan ng pitong taon sa kanyang inang-bayan dahil sa
pagpapatapon sa kanya. Sinunog ang mga natitirang hayop , kubo at mga naiwang pag- aari ni Okonkwo
tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito.

Pagkatapos ng pitong taong pagpapatapon, bumalik siya sa Umuofia ngunit ang pagtanggap sa
kanya ay hindi kasing ganda ng inaasahan niya. Ito ay dahil dumating ang mga misyonero at binago ang
estilo ng pamumuhay ng Igbo. Naging mga kapatid laban sa mga kapatid at ang pagpapatupad ng mga
labag sa batas na pamahalaan at sistema ng hustisya ay lumaganap. Kalungkutan at pagkagalit ang
nararamdaman ni Okonkwo sa mga pagbabago na nakikita niya na gawa ng mga puting kalalakihan kaya
hinikayat niya ang mga pinuno ng Umuofia na magsagawa ng agresibong aksyon laban sa mga misyonero.
Si Okonkwo at iba pang mga lider ng komunidad ay sinunog ang simbahan ngunit sila din ay nabilanggo at
6
pinahiya ng mga puting kalalakihan at dahil dito ay naghangad si Okonkwo ng digmaan, ang pagpatay sa
isa sa mga puting opisyal ng gobyerno. Noong napagtanto niya na ang Umuofia ay hindi kailanman
maghihimagsik laban sa mga mang-aapi, siya ay nagpapatiwakal.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 :Tradisyong Africa, Pahiwatig Ba?


Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel
1. pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon
2. pagsunog sa mga ari- ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay ipinatapon

Binabati kita ! Matagumpay mong naunawaan ang mga aralin at natutuhan ang mga kasanayang
nakapaloob sa Modyul 3. Matapos nito, pagtutuunan moa ng walang- kamatayang nobelang El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal.
Inihanda nina:

OFELIA P. AÑO ARMINDA D. VALDEAVILLA

LESLIE MARIE Q. ANTONIO ELOISA V. SAN JUAN

ERLINDA C. LARIEGO
Pinagtibay ni:

ELVIRA CONESE
Punongguro IV

You might also like