Professional Documents
Culture Documents
SLK Berna
SLK Berna
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang
paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang
pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
Inuri sa tatlo ni Dr. E. Arsenio Manuel ang mga epiko batay sa nilalaman o saklaw nito:
Biag ni Lam-ang
Epiko ng mga Ilokano, Pedro Bukaneg
Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang
nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan
ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa
kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.
Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang
pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking
lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang
ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa
tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa
laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa
kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si
Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na
nasa sarukang, isang haliging kawayan.
Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag
siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang
mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya’t dumating ang
maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan
si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot
niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay
niya ang mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at
nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang
dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at
mahiwagang aso.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang
mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling
tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay
silang maligaya sa mahabang panahon.
Q N A I T U N A L A K D A M M N O B E R K A H A N
A O M I G O R O T U M I L A O K S I S A N S A H U
R O B E A U T N O D A D A L A N D G U R A A M A D
N C U S M D O P P O E M H I H U M I M A M D D S O
B M R A B B R A M N A M S I L A T K A K O O O K N
N L A G N I R A M J O N E P A N H I R A N O G I E
S A Y A S N A L B U A N D O A R A R A N G O O N M
I G A T U N L A M A N G S M N O T O N S A K I E D
T A N G A B A R A N A T M A H I W A G A N G A S O