You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education- Region X


Division of Valencia City
CENTRAL BUKIDNON INSTITUTE, INC.
S.Y. 2022-2023

FILIPINO –Grade 7
Learning Module- 1
1st Quarter

_____________________________________
Learner’s Name

_________________________
Parent’s Name & Signature

Teacher:
Bb. Decie Joy E. Albon
Cellphone Number: 09359244078
Email: albondeciejoy@gmail.com
Facebook: Decie Joy Suico-Esquerdo Albon
Week 1.1: Si Usman, ang Alipin
Memory Text: “at huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at
hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo’y palalayain:” Luke 6:37

Enabling Outcomes: (MELC)


Base sa gabay pangkurikulum, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

Concepts (Generalization)
Ang mababasa mo ay isang kuwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding Maguindanaon,
Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring katawagan. Ang mga taga-Maguindanao
na nangangahulugang ang mga taong tagakapatagang bahain o people of the flood plains ay itinuturing na
pinakamalaking pangkat-etniko ng mga Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila sa gitna ng katimugang bahagi ng
Mindanao at ang kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang lambak na napapaligiran ng mataas na
kabundukan maliban sa bahaging kanluran. Isang ilog, ang Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng
tubig at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi ng lambak ay nagmimistulang
mababaw na lawa.

“Si Usman, Ang Alipin”


Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pakukuwento ni Datu Abdul
Sampulna, isang Maguindanaoan mula sa Lungsod ng Cotabato (1983)

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa
malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang
nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya
matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang
anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa
sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang
sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng
sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-
ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at
nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng
dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.


“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin
ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis
niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y
ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit,
kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre
Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila.
Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas.
Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay.
Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan. Nang makalabas
sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga
nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at
pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!”
ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang
kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si
Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian.
Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan
namayani ang kapangitan at kalupitan.

Be Active (Pagsasanay)
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.


a. pagdadabog c. pagkainis
b. pagmamakaawa d. pagsigaw
2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinansin ng ama.
a. pagsigaw c. panunuyo
b. pag-iyak d. pagkagalit
3. Nagpuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.
a. nagmamalaki c. galit nag alit
b. nanghihina d. nauupos
4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian.
a. nasaktan c. nahirapan
b. nasugatan d. namatay
5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong sultan.
a. naitanong c. napagpasiyahan
b. nalaman d. napag-usapan
Ignite (Pagtataya)
Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga
pangyayari o usapan ng mga tauhan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar
ng sultan ay…
a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. ginawang pasyalan ng iba pang mga tao.
c. katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.
d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.
2. Dahil hindi matatanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagpatupad siya ng kautusang ang lahat ng mga
lalaking nakahihigit sa kanyang pisikal na anyo ay dapat kitilin at maglaho. Sinusunod lahat at hindi man lang
ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito…
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan.
b. kinatatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan.
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan.
d. masipag at mapagmalaki ang sultan.
3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre
Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan ay…
a. matigas ang kalooban. c. mapagtimpi
b. mapaghiganti d. matalino
4. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang
iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na…
a. matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok
b. mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan
c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
d. malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko
5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nadalawang isip sina Usman at Potre
Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila
ng taumbayan. Mahihinuhang ang taumbayan ay…
a. nagagalak sa pagkakaroon ng mabuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno.
b. nag-aalala nab aka ang susunod na pinuno ay ay malupit ding tulad ng nauna.
c. namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura.
d. nagbabakasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang maging mayaman ang
bawat isa sa kaharian.

IFL (Integration of Faith & Learning)


Experiential:

Ang pinunong nasa kapangyarihan ay di dapat umabuso pagkat ang kapangyarihan ay maaaring mailipat sa mas
karapat-dapat dito anumang sandali.
Week 1.2: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng
mga Patunay
Memory Text: “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay
hindi ginawa kung wala siya.” John 1:3

Enabling Outcomes: (MELC)


Base sa gabay pangkurikulum, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay; at
 Nakilala kung ang pahayag ay nagbibigay-patunay o hindi.

Concepts (Generalization)
Kasanayang Pangwika

Sa nagdaang taon ay nasa sentro ng mga balita ang Mindanao partikular ang Davao, dahil sa
pagkakapanalo ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte sa nagdaang pambansang eleksiyon bilang ikalabing-
anim na pangulo at kauna-unahang pangulo mula sa Mindanao. Basahin ang isang balitang kaugnay nito.

Pag-isipan at Pag-usapan:
Ayon sa balita, bakit nasa sentro ng mga balita ang Mindanao partikular ang Davao?
Anong ebidensya mula sa binasa ang makapagsasabing malakas at popular na pangulo si Rodrigo Duterte?
Simula na nga kaya ito ng mabuting pagbabago para sa lugar na tinatawag na “The Land of Promise” o Lupang
Pangako”? Ano-anong bagayang magbibigay-patunay rito?

Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa tanong sa itaas, ano ang kailangang ibigay ng taong
sasagot nito?____________
Kung ebidensya o datos ang sagot mo ay tama ka. Sa pagbibigay patunay sa isang bagay ay mahalagang
masundan ito ng ebidensya o datos. May iba pang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay. Halina’t
basahin ang mga ito sa Isaisip Natin.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang
mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o
ebidensyang lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:


 May dokumentaryong ebidensya- ang mga ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat,
nakalarawan, o naka-video
 Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip na datos ay
kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay
 Taglay ang matibay na kongklusyon- isang katunayang pinalalakas ng ebidesya, pruweba, o
impormasyong totoo ang kongklusyon
 Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan
 Nagpapakita- salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay
 Nagpapatunay/katunayan/patunay- salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinahayag
 Pinatutunayan ng mga detalye- makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag.
mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag

Be Active (Pagsasanay)
Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito nagsasaad
ng patunay.

1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na
nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.

2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.

3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito,
ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of the
house) ay pawing mga taga-Mindanao.

4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng


bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng alawang taon.

5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.


6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa
mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang dala
ng mga bagyo.

7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippines Area of Responsibility.

8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.

9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang


minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng
DENR o Department of Environment and Natural Resources.

10. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating
Saligang Batas. Katunayan, may karapatan para sa malusog na kapaligiran.
Ignite (Pagtataya)
Basahin ang maikling teksto tungkol sa isa pang lugar sa Mindanao, ang Lanao del Sur. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.

ANG LANAO DEL SUR


Ang Lanao del Sur ay isa sa limang lalawigan kabilang sa ARMM o Autonomous Region in Muslim
Mindanao. Ang Lanao del Sur ay binubuo ng 39 na bayan at bayan at isang lungsod, ang lungsod ng Marawi na
siya ring kabisera ng lalawigan.
Ang pangalawang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang “lawa.” Matatagpuan kasi
rito ang Lawa ng Lanao na siyang pinakamalaking lawa sa Mindanao at pangalawang pinakamalaki sa buong
Pilipinas (sumusunod ito sa Lawa ng Laguna). Apat na ilog ang bumubuhay sa lawa habang angIlog ng Agus
lamang ang ilog na dumadaloy mula rito. Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito
kaya naman, ang mga Meranao na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding “mga tao sa
lawa.” Kapag araw ng palengke, makikitang ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng Lanao na labis na
abala sa dami ng mga bangkang nagyayao’t dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga
pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao del Sur.
Meranao rin ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigang ito. Ang nakararaming
mamamayan sa Lanao ay mga Muslim. Kilala ang mga Meranao sa pagiginga malikhain. Makikita sa kanilang
kagamitang panseremonya at iba pang mga kagamitan ang mga ukit na tinatawag nilang okir kung saan ang
pinakakilala ay ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas na madalas makita sa hawakan o
puluhan ng kanilang mga kampilan.
Mapalad ang mga Merano sa pagkakaroon ng magandang klima, hindi masyadong mainit at lihis din sila
sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong nasasalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa.

Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.

1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao sa buhay ng mga Meranao?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may katutubong sining ang mga
Meranao?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng klimang umiiral sa Lanao del Sur?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

IFL (Integration of Faith & Learning)


Experential:

Sa lahat ng pagkakataon, karamihan sa ibang tao mas naghahanap ng patunay upang sila’y paniwalaan.

Reference/s:

Julian, A., Lontoc, N., Jose, C., et. al, (2018 ). Pinagyamang Pluma: Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan. Ikalawang Edisyon. 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

You might also like