You are on page 1of 7

Si Usman, ang Alipin

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna

isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang

nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si
Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng

namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at
pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang
ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang
mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad
na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya
agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang
amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang
anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit
hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng

lalaking labis niyang iniibig.

Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y
ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan.

Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong
din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman
at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan
para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang
lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang
pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan.

Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan
ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga
naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si
Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre
Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre
Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging
sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong

kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.
ANG MAHIWAGANG MATANDA
Author:Fiona

Si Ana ay isang napakabait na bata.Lagi nyang tnutulungan ang kanyang mga magulang sa
gawaing bahay.Isang araw,inutusan sya ng kanyang ina na bumili sa tindahan.Malayo palang sya
ng may nkasalibong syang matanda.Madungis ang matandang babae,habang papalapit sila sa
isa't isa ,lumapit sya sa matanda para alalayan ito mglakad
Ana:Lola,hatid ko na po kau sa hauz nyo
Lola:salamat ija,duon lmang ang bahay ko(sabay turo sa malagubat na lugar)
Ana:cge po!
Ng makaratng na cla sa tinutukoy ng matanda,sabi nga matanda,
Lola:salamat maraming salamat ija sa paghatd mo sa hauz ko.
Ngtaka c Ana kung anong bahay ang tnutukoy ng matanda dhil wala nmng kaht isang bahay don.
Ana:lola,nasan po d2 ang bahay nyo?
Lola:ija hndi tlga aq matanda(sabay palit ng anyo)
Ana:hala! Isa kaung dwata?!
Dwata:oo Ana,dahl mabuti kang bata ano ang iyong hiling?
Ana:ang gusto ko lang po ay makaahon kmi sa khirapan,un lng po
DwatA:matutupad ang iyong hiling.paggising mo ngaung umaga,nasa isa knang malaking
mansion!
At nagising bgla si Ana,PANAGINIP LNG PALA! Ngunit paggising nya,nsa isa na nga syang
malaking mansion!
ANG WAKAS......
"Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae"

Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Noon din ay nagbago ang
anyo ng dalawa, naging paru-paro at nakita na lamang ng mga taong-bayan na may kakaibang
kulisap na aali-aligid sa mga bulaklak.

PANIMULA:
May isang matandang babae na nag-aalaga ng mga bulaklak sa kanyang hardin. Madalas
siyang pinupuntahan ng mga tao sa karatig-baryo upang bisitahin ang mga magagandang
bulaklak.

PANGUNAHING TAUHAN
*matandang babae

IBA PANG TAUHAN

*mangingisda
*mag-asawa
*taong-bayan
Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilya sa matandang
babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mababangong bulaklak mula sa
hardin. Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang hardin
ng mga bulaklak sa tabi ng lawa.Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang
naninirahan sa kalapit na baryo.

GITNA:
Nagdadala ng isda ang mga tao kapalit ng mga magaganda at mababangong bulaklak ng
matanda. Sinabi ng mga tao na may kasamang dwende ang matanda na nag-aalaga ng mga
bulaklak sa hardin, ngunit ayon sa matanda ay wala siyang kasama. Isang araw ay may isang
mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang hardin.

WAKAS:
May mag-asawang pumasok sa hardin at pumitas ng mga bulaklak ng walang pahintulot.
Sinaway ito ng matanda ngunit nilapastangan lamang siya kaya sa isang kisap-mata sila ay
naging isang paru-paro na aali-aligid sa mga bulaklak.

TAGPUAN
*hardin
*baryo
Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala silang kasama.
Dahil sa kalapastanganan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Naniniwala ang mga
mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging
nagliliwanag ang kapaligiran at may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa
pag-aalaga ng tanim. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan
lamang dahil sa pangit nitong anyo.
Tulalang (Epiko ng Manobo)
Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang pagkain.
Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya
ang matanda at ang wika: Huwag kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon
ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo. Simula noon, ang
magkakapatid ay nanagana sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang kanilang
kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa iba’t ibang tribu ang
nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o palasyo.

Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang
mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang
mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.

Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at mahabang buhok.
Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang
baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at ang pantalon niya ay
hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing.
May balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging
nakayapak lamang.

Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na

babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng
silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may
kapangyarihang mag-anyong iba’t-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang habang
nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa.

Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali
ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may
darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas.
Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang
nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang nagsalita at
pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na labanan ang
mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay
na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing.
Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli.

Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang kanyang

balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga kaaway.
Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg
ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging hawakan
ng balaraw.

Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan ni
Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siya
ng kapatid niyang si Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati ng mga
kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo kaya siya ay hinalinhan naman
ng pinakabunso sa magkakapatid, si Minalisin. Nangamatay ng lahat ang mga kalaban maliban
kay Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si Agio. Nagbalik sa
dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya ay naging isang
makisig na binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng
kapatid na babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila
pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.

Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo
sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak
na may darating na isang napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung
paano ito matatagpuan.

Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may
nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at sa
magandang dilag na bihag nito.

Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Ang bahay
ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang
higante at nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang higante. Sino
ang nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa aking
pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong kagaya mo. Kinuha ng
higante ang panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang
kamay, dalawang paa at ulo ng higante.

Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang pangalan ng
magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang
pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil
pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga.
Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at
nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang
musala. Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro
ng mga ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad
ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang
puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga.
Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw
siyang makauwi sa kalangitan.

Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay
namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang
pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating
sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin ang kanyang
kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan niya ang
pangako kay Macaranga.

Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari ng mga
Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat
hindi siya nakikita. Nagapi ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae
naman ay dinala sa kaharian nito. Nang tumangging pakasal ang babae sa hari ng mga Bagyo ay
nilaslas ang kamay niya.

You might also like