You are on page 1of 56

Layunin:

F7PN-Ia-b-1
Nahihinuha ang kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kuwentong
bayan batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan
Module 1:

Si Usman,
Ang Alipin
Maguindanao

Mga taong taga-


kapatagang bahain o
People of the Flood
Plains
Maguindanao
Ito ay tinatawag ding
Maguindanaon,
Maguindanau, o
Magindanaw
Maguindanao
Matatagpuan sila sa gitna ng
katimugang bahagi ng
Mindanao at ang kanilang
rehiyon kilala bilang Cotabato,
isang lambak na napaliligiran
ng mataas na kabundukan
maliban sa bahaging kanluran.
(Stewart, 2016)
Mindanao
Ang Mindanao na pangalawang
pinakamalaking pulo ng bansa at sinasabing
tahanan ng maraming Muslim sa bansa ay
tinatawag ding Lupang Pangako ng Pilpinas.
Ito ay binubuo ng mismong pulo ng
Mindanao at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati
ito sa anim na rehiyong kinabibilangan ng
Peninsulang Zamboanga, Hilagang
Mindanao, Rehiyon ng Davao,
SOCCSKSARGEN, Caraga, at Autonomous
Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Mindanao
Sa panitikang Mindanao
masasalamin ang kultura at paniniwala
ng mga Muslim at mga pangkat-
etnikong maninirahan dito gaya ng
Mёranao, Tausug, Bagobo, Yakan,
T’boli, Badjao, at iba pa. Karaniwang
paksa ng kanilang panitikan ay may
kinalaman sa kanilang relihiyon at
paniniwala gamit ang kanilang lingua
franca, wikang Bisaya, at Cebuano.
Mindanao
Layon ng araling ito ang makilala
ang kaugalian at kalagayang
panlipunan sa Mindanao gamit ang
kanilang mga Kuwentong-Bayan
upang magkaroon tayo ng higit na
malalim na pang- unawa sa ating
mga kapatid na taga-Mindanao.
Sino
Ako!?
Ano-ano kaya
ang mga
katangian na
dapat taglayin
ng isang lider o
pinuno?
Pagsusumamo
P M AK WA
Pagmamakaaw
a
Panangis
P - I K
Pag-
iyak
Nasawi
N AT Y
Namatay
Napagtanto
AL M N
Nalama
n
Maglaho
M W A
Mawal
a
Kuwentong-
Bayan
Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga
kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng
katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar.
Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong kulay
(local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay,
lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o
nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan
ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
Kuwentong-
Bayan
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa
mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na
babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng
isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Si Usman,
Ang Alipin
Muling pagsasalaysay ni Arthur
Cassanova batay sa
pagkukwento ni Datu Abdul
Sampulna isang Maguindanaoan
mula sa lungsod ng Cotabato
(1983).
Ano-ano kaya
ang mga
katangian na
dapat taglayin
ng isang lider o
pinuno?
Nang mga nagdaang
panahon, may isang
nagngangalang Usman.
Pinaniniwalaang
nananahanan siya sa
malayong sultanato at isa
siyang alipin. Matapang,
mataas at kayumanggi si
Usman. Higit sa lahat,
siya’y matapat.
Isang umaga, nagpasiya si
Usman na bumisita sa
palengke malapit sa palasyo
ng namumunong sultang
nagngangalang Zacaria.
Masama ang ugali ni Zacaria.
Siya’y malupit at pangit ang
hitsura. Dahil hindi niya
matanggap ang kanyang anyo,
nagsagawa siya ng kautusang
ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong
pisikal ay dapat kitlin at
maglaho.
Sa palengke, nakita si
Usman ng mga tauhan ni
Sultan Zacaria. Mabilis na
nag-ulat ang mga tauhan sa
sultan sa pagkakita nila kay
Usman na sa tingin nila’y
mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos
ang sultan na ibilanggo si
Usman at pagkatapos ay
patayin ito. Agad na sinunod
ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang makita ni Potre
Maasita, ang dalagang
anak ng sultan si Usman
ay nakadama siya agad
ng pag-ibig sa unang
pagkikita nila ng binata.
Nagmamadali siyang
pumunta sa kanyang
amang sultan at
nagmakaawang
patawarin at pakawalan si
Usman.
“Para mo nang awa,
Ama, pakawalan mo si
Usman. Wala po siyang
kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng
dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit
ang sultan. Hindi siya
nakinig sa pagsusumamo
ng kanyang anak. “Walang
sinumang makapipigil sa
akin,” ang wika niya sa
sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana
kay Usman, Ama,” ang
panangis ni Potre Maasita
ngunit hindi siya pinansin
ng sultan. Nagmatigas ito
sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang
mag-isip ng paraan upang
mapigilan ang kamatayan ng
lalaking labis niyang iniibig.
Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya
ngunit ang lahat ng ito’y
ipinaparating nila sa sultan.
Bunga niyon, nagpupuyos sa
galit ang sultan. Dahil nga sa
siya’y tunay na malupit,
kanyang iniutos na pati si Potre
Maasita ay ikulong din
Sa bilangguan, nagkaroon
ng pagkakataong maging
mas malapit sa isa’t isa
sina Usman at Potre
Maasita. Higit na tumitindi
ang pagmamahalan nila sa
isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang
pinal na kautusan. Kamatayan ang
inihatol ng sultan para sa kanila.
Habang nasa daan ang sultan
patungo sa silid na pagbibitayan sa
dalawa, biglang lumindol nang
malakas. Yumanig sa palasyo at
nagiba ang pook. Napulbos ang
buong palasyo.
Isang malaking bato ang
bumagsak sa ulo ng sultan na
naging sanhi ng kanyang biglaang
pagkamatay. Isa itong malupit na
kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina
Usman at Potre Maasita na
makalya mula sa bilangguan.
Nang makalabas sila’y hindi
nagdalawang-isip si Usman.
Mabilis pa sa kidlat niyang
tinutulungan ang mga sugatan
at ang mga nasawi. Sa
kabilang dako, tumutulong din
si Potre Maasita sa mga naulila
at mga nangangailangan ng
tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang
sitwasyon ay ipinagbunyi sila
ng taumbayan. “Mabuhay si
Potre Maasita!” ang
pagbubunyi at labis na
pagpapasalamat ng mga ito
kina Usman at Potre Maasita.
Labis ang kanilang kasiyahan
nang matanto nilang mabait
na tao si Usman at si Potre
Maasita nama’y may
mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang
kasalan ang naganap. Si Usman,
na isang alipin, ay naging sultan
at si Potre Maasita naman ang
itinalagang sultana.
Ano-ano ang mga
katangian ni
Usman?
Bakit kahit wala
naman siyang
nagawang
kasalanan ay
ipinabilanggo
siya ng sultan?
Paano mo
mailalarawan
ang sultan
bilang isang
pinuno?
Ano kaya ang
mangyayari sa
isang
pamayanan
kung katulad
niya ang
magiging lider
o pinuno?
Bakit
nagmakaawa si
Potre Maasita,
ang anak ng
sultan, upang
pakawalan si
Usman?
Paano
makatutulong sa
pagkakaroon ng
maayos na
relasyon sa
kapwa ang
paggalang o
pagrespeto at
pagiging tapat?
Sino-sino nga
ba ang mga
USMAN at
ang
SULTAN sa
kasalukuya
ng
panahon?
Ano ang
KUWENTONG
BAYAN?
Ayon sa PanitikangPinoy, ito ay mga
salaysay na mula sa mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan tulad ng hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae.
Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat
at mga mito. Ang mga akdang ito ay
karaniwang may ibinibigay na
mensaheng ubod ng kaalaman katulad
ng salawikain.
Ang mga kuwentong bayan o
poklor ay mga kuwentong
nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang lugar.
Think-Pair-Share
1.
Itala ang mga katangian
ng mga tauhan
2.
Magtala ng kalagayang
panlipunan sa binasa.
3.
Mga kaugalian at
tradisyin Maguindanaw
4.
Pumili ng kapareha at
ibahagi ang inyong
kasagutan sa isa’t isa.

You might also like