You are on page 1of 45

FILIPINO 6

Q3 WK.8 DAY3
hila dahil kada dahilan kadahilanan
kata kamtan limit limitan kalimitan
sunod unos nasunod napag napagsunod
mahal laga halaga hala mahalaga
Tina ina tawag nata tinatawag
Mga pangungusap sa Filipino 6:
1. Ito ay isang paraan ng pahapyaw na pagbasa.
2. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon.
3. Isang teknik ito ng pagbasa nang madalian.
4. Hanggad nito ang makakuha ng pangkahalatang ideya.
5. N ilalaktawan niya ang mga hindi kawili-wili sa kanya.
PADIKTANG
PAGSULAT
1.Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga
datu o raha.
2.Ito ay kalipunan ng mga banwa na
pinamamahalaan ng isang sultan.
3.Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng
pamahalaang sultanato.
4.Sila ang may kapangyarihang maningil ng
buwis.
5.Siya ang unang sultan ng Maguindanao.
Basahin at unawain ang teksto
upang masagot ang mga tanong.
Pabula:
Ang pabula ay isang kuwento na gumagamit ng hayop
bilang pangunahing tauhan ng salaysay. Bahagi ang pabula
ng mayamang tradisyon ng panitikang oral sa ating bansa.
Hindi tulad ng panitikang nakalimbag,walang isang taong
nagmamay-ari ng mga panitikan oral sa bansa. Si
Aesop,halimbawa,ay kilala sa kaniyang mga pabula ngunit
hindi lamang si Aesop ang nagsambit at naglathala ng mga
ito. Sa Pilipinas,tinipon ni Damian Eugenio ang lahat ng
nakalimbag na pabula at kaniyang inilimbag ito sa isang
libro
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Ano ang pabula?
3. Sino sina Aesop at Damian Eugenio
sa teksto?
-Ano ang
nakikita niyo sa
larawan?

- Ano ang tawag


sa mga taong
namumuno sa
Sulu?
Buuin ang mga salita para mabuo kung ano
ang tinutukoy ng bawat kahulugan.

P L O N U 1. Tumutukoy sa partikular na
grupo ng mga tao na naatasan ng isang
organisasyon.
O S U T L T A N A 2. Pamahalaang
pinamumunuan ng mga Sultan.
SAGOT
Buuin ang mga salita para mabuo kung ano
ang tinutukoy ng bawat kahulugan.

P L O N U 1. Tumutukoy sa partikular na
grupo ng mga tao na naatasan ng isang
organisasyon. LUPON
O S U T L T A N A 2. Pamahalaang
pinamumunuan ng mga Sultan. SULTANATO
Ano ang
pamahalaang
sultanato?
Basahin at unawain ang
teksto at sagotan ang
mga sumusunod na
tanong.
ANG PAMAHALAANG SULTANATO
 
Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon
nang maliliit na pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu.
Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o raha.
Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta
sa Sulu.
 
Noong lumaon pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni
Raha Baginda. Nang mamatay si Raha Baginda, si Abu Bakr
ang humalili sa kanya bilang raha. Sa pamumuno niya, pinag-
isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu.
Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng
isang sultan. Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu.
Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang
sultanato. Siya ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-
pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga mandirigma.
Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan,
siya at tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama, panglima,
pandita at imam. Ang ruma bichara ay isang lupon ng
tagapayo na binubuo ng raha muda o tagapagmana ng
sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng
sultan, mga datung mayayaman at makapangyarihan, sharif
at iba pang taong iginagalang.
 Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga
bagay na may kinalaman sa batas, pananalapi at
pangangalakal. Ang kadi ay isang tao na
nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at
tinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga
batas. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay
payo sa sultan ukol sa relihiyon. Ang panglima ay
mga pinunong tagapaganap ng Sultan o
tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na sa
mga masjid o distrito.
Sila ang may kapangyarihang maningil ng buwis.
Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima.
Ang imam ay katulong naman ng pandita sa
pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang
sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang
pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at
mga Badjao. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng
sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong
timog ng Zamboanga, Palawan at Sabah na nasa
dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng limang
dantaon ang sultanato nito.
Noong 1475, dumaong sa Cotabato ang
misyonaryong Sharif Kabungsuan, mula sa Johare,
Malaysia. Napangasawa niya ang isang prinsesa ng
Cotabato. Siya ang unang sultan ng Maguindanao.
Kasabay ng pagtatag ng mga sultanato ang
paglaganap ng relihiyong Islam. Ang pamahalaan ay
naging sentralisado at matatag dahil sa
pangangasiwa ng iisang makapangyarihang pinuno.
Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na barangay
tungo sa pagkakaisa.
Ano ang
pamahalaang
sultanato?
1.Balikan ang kwento, saang lugar ng Sulu kung saan
pinamumunuan ng datu o raha?
2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo
noong 1450 na naging raha banwa ng Sulu?
3.Paano pinag-iisa ang pangkat etniko pag-isahin ang iba’t-
ibang pangkat etniko
gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao?
4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na dumaong at
nakapangasawa ng pinsesa ng Cotabato noong 1475?
5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato ang ng
relihiyon ng Islam?
Ang pahapyaw na pagbasa (scanning) ay
isang paraan ng pagbabasa na tumutukoy sa
paghahanap ng tiyak na impormasyon sa
isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na
hindi hinahangad na makuha ang kaisipan
ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita
ang hinahanap sa madali at mabilis na
paraan.
Ang pagpapahayag ng mga pangyayaring
naranasan at nasubukan kung minsan hindi
malinaw ang paghahatid at pagsasabi natin
ng mensahe at impormasyon dahil na rin sa
kakulangan ng mga tiyak na detalye o kaya
naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t
maging ang kausap at salaysay natin ay
nagtataka kung nababago ang mga
a. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang
sinasabi sa pangungusap, ekis (X) naman kung hindi.

_______1. Si Raha BAguinda ang kauna-unahang sultan


ng Sulu.
______ 2. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng
pamahalaang sultanato.
______ 3. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-
isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug,
Samal, Yakan at mga Badjao.
Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung tama
ang sinasabi sa pangungusap, ekis (X) naman
kung hindi.
______ 4.Ang Sultan ay tinutulungan ng ruma
bichara, kadi at ulama lamang.
______ 5. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at
nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon.
SAGOT
a. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang
sinasabi sa pangungusap, ekis (X) naman kung hindi.

___/____1. Si Raha BAguinda ang kauna-unahang sultan


ng Sulu.
__/____ 2. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng
pamahalaang sultanato.
___/___ 3. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-
isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug,
Samal, Yakan at mga Badjao.
Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung tama
ang sinasabi sa pangungusap, ekis (X) naman
kung hindi.
___X___ 4.Ang Sultan ay tinutulungan ng ruma
bichara, kadi at ulama lamang.
___/___ 5. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at
nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon.
Buuin ang Graphic Organizer sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong mula sa pahapyaw na
binasang kwento.
SAGOT
1.Abu Bakr
2.Banwa
3.Ruma
Bichara
4.Kadi
5.Cotabato
Tandaan:
Ang pahapyaw na pagbasa ay
pinaraanang pagbasa o
pinakamabilis na pagbasang
magagawa ng isang tao.
Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat ang
titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1.Lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng


datu o raha?
a. sumatra
b. Banwa ng sulu
c. talipao
d. Pangutaran
2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta
sa Sulo noong 1450 naging raha banwa ng
Sulu?
a. Ismael
b. Abu Bakr
c. Raha Baginda
d. Sharif kabungsuan
3.Paano pinag-iisa ang pangkat etniko
gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at
mga Badjao?
a. Imam
b. kadi
c. koran
d. Ulama
4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na
dumaong at nakapangasawa ng pinsesa ng
Cotabato noong 1475?
a. Johare
b. Abu Bakr
c. Raha baginda
d. Sharif kabungsuan
5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato
ang relihiyon ng Islam?
a. Dahil sa kanilang tradisyon
b. Upang magkaroon ng pagkakaisa
c. Para ipalaganap ang kanilang relihiyon
d. Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na
barangay tungo sa pagkakaisa.
SAGOT
1.Lugar ng Sulu na kung saan
pinamumunuan ng datu o raha?
a. sumatra

B
b. Banwa ng sulu
c. talipao
d. Pangutaran
2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta
sa Sulo noong 1450 naging raha banwa ng
Sulu?
a. Ismael
b. Abu Bakr
c. Raha Baginda
d. Sharif kabungsuan
B
3.Paano pinag-iisa ang pangkat etniko
gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at
mga Badjao?
a. Imam
b. kadi
c. koran
d. Ulama
A
4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na
dumaong at nakapangasawa ng pinsesa ng
Cotabato noong 1475?
a. Johare

D
b. Abu Bakr
c. Raha baginda
d. Sharif kabungsuan
5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato
ang relihiyon ng Islam?

D
a. Dahil sa kanilang tradisyon
b. Upang magkaroon ng pagkakaisa
c. Para ipalaganap ang kanilang relihiyon
d. Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na
barangay tungo sa pagkakaisa.
Takdang-aralin
Gumuhit ng poster na
naglalarawan ng pamamalakad ng
pamahalaang sultanato. Iguhit ito
sa isang buong bondpaper.

You might also like