Modyul 3: Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila
Anyong Tuluyan: Alamat, Kuwentong Bayan, Mito at mga
Kuwentong Kababalaghan
Introduksyon
Hindi lingid sa ating kaalaman na unang nanirahan sa ating mga pulo ay ang mga
Negrito na tinatawag ding ita o baluga, ang mga ita ay walang gaanong kabihasnan,
bagama’t sanay naman sa paggamit ng busog at pana sa paghahanap ng pagkain.
Pinaniniwalan na nakarating sila sa kapuluan mga 25,000 taon na ang nakalipas.
Pagkalipas ng 8,0000 taon sumunod ang mga Indones. Ang unang pangkat na
mapuputi at balingkinitan ang katawan at pangalawang pangkat na maiitim, may
makapal na labi at pangahan. Sa pagitan ng 200 B.C at 100 A.D dumating ang pangkat
ng mga Malay at sumunod ang mga Bumbay. Karamihan sa ating panitikan ay galing sa
mga Malay. (Bisa, 1987)
Ayon kay Bisa, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga alamat, kuwentong
bayan, epiko, awiting bayan, bugtong, salawikain, palaisipan at mga bulong na
nagbibigay ng kasiyahan at nagtatampok sa kalinangan at kultura n gating lahi.
Sa modyul na ito ay ilalahad ang mga akdang tuluyan tulad ng alamat, kuwentong
bayan, mito, mga kuwentong kababalaghan at iba pang salaysay. Sa pagbabasa ng
anyong panitikan sa panahon ng bago dumating ang kastila ay makikita ang
pagkakatulad ng katangian, pag-uugali ng mga tauhan. Mga pagkakahawig ng mga
pangyayari na nagpapatunay ng pagiging Pilipino sa tradisyon at paniniwala.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabasa ang mga halimbawang akdang tuluyang laganap sa kapuluan tulad ng
alamat,kuwentong bayan, mito at mga kuwentong kababalaghan.
2.Nakapagpaliwanag at nakapagsuri ng mga halimbawa ng bugtong;palaisipan,
salawikain, at kasabihan na kumakatawan sa akdang tuluyan ng bawat rehiyon ng
bansa.
3.Nakapagtukoy ng mga kaisipan, paniniwala, pamahiin, pag-uugali,tradisyon at mga
karunungang bayan sa nabasang akdang tuluyan.
4.Napahalagahan ang mga tradisyon,paniniwala, pamahiin, uri ng pamumuhay ng mga
Pilipino na nabakas at nasalamin sa mga akdang nabasa at nasuriat ang kabuluhan ng
mga matandang tradisyon at kultura sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
ANG MGA ALAMAT
Ang mga alamat ay likhang isip lamang kaya di-kapani-paniwala at kulang sa
katotohanan. Bagaman may gintong katangian. Nasasalamin naman dito ang mga
paniniwala at kaugaliang Pilipino.
Basahin ang mga halimbawa:
ANG ALAMAT NG BULKANG KANLAON
Sa malayong lugar ng Visaya sa Negros Occidental ay my Isang Hari na ang
pangalan ay Haring Laon, na my mabuting kalooban at pantay pantay na pagtingin sa
kanyang mga nasasakupan. Sa katunayan ang kanyang mga mag sasaka'y binibigyan
niya ng kalahati ng kanyang mga aning pananim kapalit ng tapat na pag lilingkod
sakanya ng mga ito.
Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang maluwang na bukirin
ay my napansin siyang kakaiba sa tuktok ng bundok, na tila isang malaking ulupong na
my pitong ulo. Kaya agad siyang nag balik sa kanyang kaharian upang utusan ang mga
kawal na sugpuin ang natanaw niyang malaking salot sa tuktok ng bundok. At dahil sa
dapit hapon na ng makarating at masabi ng Hari sa kanyang mga kawal ang kanyang
nakita ay minabuti na niyang ipag pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang
napaka panganib kung aabutin ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.
Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag iisip niya na baka
sumalakay ang napakalaking ulupong na iyon sa knilang lugar, Nasa ganoong pag iisip
ang hari ng biglang makarinig siya ng mga sigaw at iyak ng mga tao sa labas ng
palasyo.
At ng biglang my tumawag sa Hari na kawal "mahal na hari sinalakay tayo ng
salot na iyong namataan sa tuktok ng bundok." at agad inutusan ng hari ang kawal.
"Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang mapaminsalang salot na iyon" at
agad sumunod ang kawal sa utos ng Hari.
Maya maya pa ay nagbalik ang kawal na tila ba napakalungkot at siya ay nag
wika sa hari,
"Haring Laon hindi po namin nasugpo ang salot ngunit amin siyang na itaboy
pabalik sa tuktok ng bundok" agad sabi ng kawal " kung ganon ay mainam kahit
papaano ay natigil ang kanyang pananalanta sa ating lugar." ang sabi ni Haring Laon.
At ilang besses pang naulit ang pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong ulo,
subalit hindi talaga kaya ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at
bumubuga pa ito ng apoy.
Hangang sa kumunsulta si Haring Laon sa mga pantas, my mga pantas na nag
sasabi na mag alay ng magandang dalaga sa malaking ulupong na my pitong ulo upang
tumigil ito sa pamiminsala. Ngunit labag sa kalooban niya ang pasyang iyon sa
kadahilanang my anak din si Haring Laon na napaka gandang dalaga. Labag man sa
kalooban niya ay pinaabot parin niya sa mga nasasakupan niya ang balitang iyon.
At sa takot ng mga kadalagahan na baka sila ang gawing alay sa ulupong ay
pinintahan nila ang kanilang mga mukha upang matakpan ang kanilang mga
kagandahan. At nang naglibot na ang mga pantas upang pumili ng dapat ialay sa
ulupong ay wala silang mapili dahil sa ang lahat ng dalaga ay nagmistulang nasunog
ang mukha ng dahil sa apoy na ibinubuga ng ulupong na my pitong ulo.
At bigong bumalik ang mga pantas sa kaharian, "Mahal na Haring Laon wala po
kaming napili dahil lahat silay nasunog ang mukha ng abutin sila ng apoy na ibinubuga
ng higanteng ulupong." sabi ng unang pantas.
"Subalit si Princessa Talisay nalamang po ang natitirang maganda sa ating
lugar." ang sabi ng ikalawang pantas.
At nalungkot ang Haring Laon sa kanyang narinig, "Aking amang Hari kung ako
nalamang ang tanging pag -asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay
pumapayag na maging alay." ang matapang na wika ng princessa.
Samantala, isang banyaga ang nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng
binata ang Hari ng Kanyang tulong, At nag sabi na siya ang pupuksa sa malaking
ulupong na my pitong ulo.
"Matapang ka binata, kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko
sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipapakasal ko rin sa iyo ang kaisa isa kong anak
na si pricessa Talisay. ang wika ng hari sa matapang na binata.
Lingid sa kaalaman ng marami ay my kapangyarihan ang binata na makipag
usap sa mga hayop at insecto. Kaya sa kanyang paglalakbay ay kinausap niya ang
haring langgam na tulungan siyang sugpuin ang higanteng ulupong sa pamamagitan ng
pagapang nila sa katawan nito at kagatin ang ulupong. Malapit na siya sa tuktok ng
bundok ng makasa lubong niya si haring putakti at sinbi niya ang pakay niya sa bundok
at humingi siya ng tulong dito na pupugin nila ang mata ng ulupong upang hindi ito
makakita, at smang ayon naman ang haring putakti sa kanyang plano.
At sumapit siya sa tuktok ng bundok at nag simula ng gumapang ang mga
langam sa katawan ng ulupong, at sinugod ng mga putakti ang mga mata ng ulupong.
At hindi na alam ng ulupong ang kanyang gagawin dahil sa sakit ng kanyang
nararamdaman, At sa gitna ng labanan ay napadaan ang mga uwak at pinaki usapan ito
ng binata na tulungan siya sa pag sugpo sa malaking ulupong. At hindi naman siya
nabigo dahil tinulungan siya ng mga uwak, pinag tutuka nila ang pitong ulo ng ulupong
kaya nag karoon ng pag kakataon ang binata na mapugot ang bawat ulo ng malaking
ulupong.
At siya’y nagbalik sa kaharian na dala ang pitong ulo ng higanteng ulupong, At
agad nakarating balita ky Haring Laon at sinalubong niya ang magiting na binata.
"Binabati kita sa iyong tagumpay matapang na binata, ngunit hangang ngayon
ay hindi ko pa alam ang iyong pangalan." wika ni Haring Laon
"Kan po ang aking pangalan mahal na hari." matuling tugon ng magiting na
binata.
At tinupad ng hari ang kanyang pangako na ang kalahati ng kanyang yaman ay
ibibigay niya ky Kan pati ang pangakong pagpapakasal ky princessa Talisay. At masaya
naman silang nagsama bilang mag asawa.
At ang bundok ay pinangalanan na KanLaon upang sa pag alaala sa katapangan
ni Kan at kabaitan ni Haring Laon.
ANG ALAMAT NG MGA DATUPUTI
Ayon sa mga kinukwento ng mga katutubong Cebuano, ang bawat isa sa kanila’y
naniniwala sa isang partikular na alamat na nagpapakita ng pinanggalingan ng
matinding pagmamahal at pagkakaisa sa loob ng pamilyang Pilipino, at ito ang alamat
ng mga Datuputi.
Bago man isinilang ang mga ninuno ng tanyag na bayaning si Lapu-Lapu, may
isang napakamakapangyarihang magkakapatid ang naninirahan sa mga isla ng Cebu.
Sinasabi daw na ang mga magulang ng magkakapatid na ito’y sina Buwan, ang tatay,
at Ulap, ang nanay. Ang bawat isa sa mga magkakapatid ay may sari-sariling talento at
kakayahan. Si Leon, ang panganay na lalaki, ay kasinlakas ng limampungpung mga
leong pinagsama-sama. Si Liksi naman, ang sumunod na lalaki’y kasinbilis ng hangin, at
ang bunsong si Dunong, kahit na siya’y mahina, ay matalino’t palaging umiisip ng mga
brilyanteng paraan upang solusyonan ang mga problema.
Walang makakatalo sa kani-kanilang mga aspekto sa buong Cebu, kung kaya’t
lumaki ang mga ulo nila. Ang pakiramdam nila’y bawat isa sa kanila’y pinakamagaling
sa tatlo. Nag-away away sila hanggang dumating ang panahon na hindi na sila’y
nagkausap-usap. Pagdaan ng isang taon, aba’y, dumating isang higanteng mas malaki
pa sa mga sandaang taong gulang na punong buko ng Cebu. Kumakain ng kung anu-
ano, tao man o hayop, wala siyang pakialam. Dambuhala ang kanyang pangalan. Libu-
libo ang mga Cebuanong kinalaban niya, hindi man isa sa kanila ang nakapatay sa
higante.
Naging desperado na ang mga mamamayan ng Cebu at ang unang nilapitan nila
ay si Leon. Ang mayabang na Leon ay hindi humingi ng tulong sa kanyang mga kapatid.
Para sa kanya, sisiw lamang ang problemang ito. Sa sumunod na araw, hinanap niya si
Dambuhala. Sa katotohanan, hindi ito gaanong mahirap, ang ulo niya’y makikita na
isang oras bago niya nasalubong ang higante. Hindi na nagsayang ng oras ang
panganay, at binanat niya ang paa ng higante, dahil ito lamang ang kanyang maaabot
na parte ng katawan ni Dambuhala. Malakas na humalakhak ang higante, at ang
sinabi’y: “Malakas man ang iyong banat ay hindi naman masakit. Ako’y mas mabigat pa
sa bundok na iyon,” sabi ni Dambuhala, sabay tingin sa pinakamalapit na bundok sa
kanila, at tumuloy: “..kung kaya’t tumigas na ang aking mga pata at paa. Akala mo ba’y
madadaig mo ako sa lakas lamang ng limampung leon? Ika’y aking magiging hapunan
ngayon hahahaha!” Hindi makapaniwala si Leon. Hindi lang tumatayo ang higanteng
ito, tumatawa pa! Agad na tumago siya sa mga puno ng kagubatan, at pagkatapos ng
ilang oras ng paghahanap, sumuko na si Dambuhala’t tumungo sa susunod na baryo.
Ang mga Cebuano’y humiling naman ng tulong kay Liksi, ang sumunod na kapatid.
Pagkatapos marinig ni Liksi ang mga naganap, siya’y natuwa lamang sa pagkakataong
magpakita na mas magaling siya kay Leon. Agad na tumakbo si Liksi patungo sa
kinaroroonan ng Higante, may dalang mahaba at makapal na lubid na ginagamit sa
mga bapor. Sinugod niya si Dambuhala at umikot nang umikot siya sa mga higanteng
paa ni Dambuhala, bawat ikot ay kumakapal ang tali sa paa niya. Pagkatapos maubos
ang lubid ay hindi na makagalaw ang higante. Nakita ito ni Liksi at ngumiti. Ngunit,
pagkatapos nito’y biglang nanginig ang lupa, at nakita ni Liksi na hindi tatagal ang
kanyang mga lubid. Totoo ito dahil biglang pumunit ang mga lubid na kasingkapal ng
mangga, at muling tumayo si Dambuhala. Ang pinaghirapan ni Liksi ay nagbunga
lamang ng pag-init ng ulo ng higante. Hindi mahuli ni Dambuhala si Liksi, kung kaya’t
inilabas nalang niya ito sa mga malapit na baryo. Hindi nagtagumpay si Liksi. Ang mga
desperadong katutubo ay lumapit sa bunsong kapatid, at humiling ng tulong. Hindi rin
nagtagumpay si Dunong. Kahit ano mang mga bagong armas at mga malalaking mga
bato ang inihahagis niya kay Dambuhala gamit ang tirador, hindi pa rin tumigil ang
higante.
Isa na lamang ang magagawa ng magkakapatid, at ito’y nakamit nang sila’y
muling nagkita at nagkausap. Ano ang hihigit pa sa kanilang yabang at paniniwala sa
sarili? Ito’y ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga asawa’t anak na naninirahan sa
mga baryong susunod na susugurin ni Dambuhala. Napilitan ang magkakapatid na pag-
usapan ang problemang si Dambuhala, at may isang planong nabuo.
Dumating na si Dambuhala sa lugar kung saan pinlano ng mga magkakapatid na
isalubong. Patawa-tawa pa si Dambuhala ng nakita niya sila. Para sa kanya, walang
kuwenta ang mga magkakapatid. Tinalo na niya silang tatlo. Nang makita ng mga
magkakapatid ang sobrang pagyayabang niya, agad silang kumilos. Umatake dapat sila
habang may sorpresa. Si Liksi ang unang kumilos. Patakbo-takbo siya paikot ng mga
paa ng higante na may hawak na malaking lubid. Sa bilis niya kasama pa ang
determinasyon niyang iligtas ang pamilya niya sa pinsala, natali niya ang mga paa ng
higante bago nalaman ng higante na may nangyayari na. Dito nagsimulang mawalan
ang balanse niya. Muntik matumba si Dambuhala, at habang hindi pa siyang nakatayo
ng husto, ang sumunod na kumilos ang dalawa pang ibang kapatid. Si Dunong, gamit
ang kanyang talino, ay nakagawa na napakalakas at napakalaking tirador. Agad na
sumakay si Leon sa tirador at dito inilabas ng mga magkakapatid ang huli nilang
pamalo, ang pagtatapos ng lahat. Dahil sa takot nilang baka masaktan pa ang kanilang
mga pamilya, ibinigay na nila ang lahat. Ang tirador ay kasinlakas ng kidlat at ang
tunog nito ay kasinlakas ng kulog. Ang suntok sa ulo, na buong bigat niyang inilabas,
rin ni Leon ay ang isang suntok na hindi mo kailan man nakita o makikita uli.
Pagkatapos ng isang segundo, naging sobrang tahimik. Ang higante ay patay.
Mula sa karanasang ito, natuklasan ng mga magkakapatid ang kahalagahan ng
pagmamahalan at pagkakaisa sa pamilya. Ito ang alamat ng mga Datuputi.
Ang Kuwentong Bayan
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay
nito ang alamat at mga mito.
Basahin ang mga halimbawa:
SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin
siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang
nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil
dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria
bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.
Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang
manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom
ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng
gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya
ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga
inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo
ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang
gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya
ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.
Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak
ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
ANG BATIK NG BUWAN
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na
bituin.Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig
niyangyakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw
angmga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak
kapaglumalapit sa kanya.I s a n g a r a w , n a g t u n g o s a i l o g a n g b u w a n u p a n g
m a g l a b a n g m a r u r u m i n g damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang
mga anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng
araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang
naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin
ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa
kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siy
a s a p a g k a t malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak
ngunit hindi nyanakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung
saan-saan. Hindi niyamatagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya
ang asawa. "Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay
ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang p u n o n g s a g i n g a t
t i n a n g k a n g i p u k o l s a a s a w a n a n a k a l i m u t a n n a a n g k a n y a n g kasalanan.
Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol
angs a r i l i s a a s a w a n g g a l i t n a g a l i t . D u m a m p o t s i y a n g i s a n g d a k o t n a
buhangin atinihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay
n a g k a r o o n n g b a t i k a n g mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang
makaganti sa ginawa nito sakanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan
ang araw
MITOLOHIYA
Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang
madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang
makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat
at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay
kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang
kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na
rin sa mga modernong pag aaral.
Basahin ang mga halimbawa:
Ang Sirena at si Santiago
Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena,
mga mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang
pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada
araw.
Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na
napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing
ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang
isda ang dalagang nasa harap niya.
Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-
daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad din namang
sumagwan para mahabol niya ito.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila
sa isa’t-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang
nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa
nahulog sila sa isa’t-isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging
magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan
niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una,
hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na
lang siya.
Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang
kanyang pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang
mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.
Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan
nilang puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita.
Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng
mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y
ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena.
Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad
ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan
din siya at sunod na pinatay.
Sinabi ng mga isda ang katsunami_1nilang nakitang marahas na pagpatay sa
dalawa sa puno ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan
ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas
na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga
mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.
Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa
kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon,
naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-
aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.
KUWENTONG KABABALAGHAN
Ito ay isang uri ng kuwento na tungkol sa mga kaganapang hindi maipaliwanag
nang maayos o mahirap intindihin dahil kakaiba, hindi kapanipaniwala at ukol sa hindi
normal na pangyayari.
LAMOK
Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw
habang sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna
at lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang
pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng pagka-
irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang
ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay
dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang
wika "sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga".
Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na
iyon. Ang unang bati ni Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang
daming lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang
tugon naman ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong nililinis".
Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh ako mismo
naramdaman ang mga lamok sa aking unan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna ng
banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan ng
banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"
Ang Aswang Sa Baryo Dekada Sitenta
I-ilan lang ang mga nakatira sa Baryo Sitenta dahil sa sabi-sabi na may “aswang”
raw na nakatira sa baryo na iyon. Kabilang sa mga nakatira doon ay ang pamilya Cruz –
sina Mang Kaloy at Aling Cecilia at ang kanilang dalawang anak na sina Carlos at Cerio.
Bantog na “aswang” raw ang kapitbahay nila, si Mang Boy. Ngunit, kahit kailan, hindi
ito pinaniniwalaan ng pamilya Cruz dahil sa kabutihan na ipinapakita ng matanda sa
kanila.
Isang araw, may isang grupo ng kabataan na pumunta sa bahay ni Mang Boy.
Nagkataon rin na nasa bakuran sina Mang Kaloy at ang dalawa niyang anak na lalaki
naglilinis.“Hoy aswang lumabas ka riyan! Iwan mo na ang baryo namin susunugin
namin ‘tong bahay mo,” sigaw ni Elias, isa sa mga grupo ng kabataan. “Elias! Ba’t
ganyan ka magsalita sa matanda? Galangin mo naman siya,” sabi ni Mang Kaloy sa
anak ng tindero sa baryo nila. Umalis ang grupo ng mga kabataan bago pa man
nakalabas si Mang Boy sa maliit niyang bahay. Kinabukasan, usap-usapan sa baryo nila
na nawawala si Elias at isa sa mga kaibigan niya. “Siguro kinuha sila ng matanda
kagabi, nakakatakot na talaga ‘tong lugar natin,” sabi ng tindera sa maliit na tyangge.
Narinig nina Mang Kaloy ang usap-usapan ngunit panatag ang kalooban nilang mag-
asawa na walang kinalaman si Mang Boy sa pagkawala ng dalawang bata. Sina Carlos
at Cerio naman ay may kaunting duda at takot na. Lumipas ang isang araw ng hindi pa
rin nakikita sina Elias at ang kaibigan niya. Nagplano ang mga nakatira sa Baryo Dekada
Sitenta na gumawa na ng aksyon.“Ano kaya kung ipagpatulog natin yung banta nina
Elias sa matanda? Baka sakaling ipakita na niya ang totoo niyang pagkatao,” sabi ng isa
sa mga residente doon. Nagtipun-tipon sila ng madaling araw. Walang kaalam-alam ang
pamilya Cruz sa plano ng mga kapitbahay nila na sunugin ang bahay ni Mang Boy.
Naisagawa nila ito. “Carlos, Cerio gising! Nasusunog yung bahay ni Mang Boy, labas na
tayo at baka madamay yung bahay natin,” sigaw ni Aling Cecilia habang ginigising ang
dalawang anak niya. Lumabas ang pamilya at nakita nilang nag-aabang ang mga tao sa
paglabas ng tinatagurian nilang “aswang”. Subalit, halos maubos na ang likuran na
parte ng bahay ni Mang Boy ay walang “aswang” na lumabas.
Ang lumabas ay isang matanda na mahinang-mahina na at halos hindi na
makahinga sa usok sa nasusunog niyang bahay. Sinalubong siya ni Mang Kaloy bago pa
siya bumagsak sa lupa. Hinikayat ng pamilya Cruz ang mga tao na magtulong-tulong
apulahin ang apoy. Hindi makatanggi, ginawa ito ng mga taga Baryo Dekada Sitenta
kahit medyo labag sa kalooban nila.
Kinabukasan, dumating si Elias at ang kaibigan niya. Mula pala sila sa bayan may
pinuntahang kaibigan at hindi nakauwi agad. Sising-sisi ang mga taga Baryo Dekada
Sitenta sa ginawa nila kay Mang Boy. Pinatira ng pamilya Cruz ang matanda sa bahay
nila ngunit hindi rin ito nagtagal. Labis na na-apektuhan ang kalusugan niya sa mga
usok na nasimhot noong araw na iyon at mahinang-mahina na siya.
“Maraming salamat sa hindi niyo paghusga sa akin sa kabila ng pananaw ng lahat ng
taga rito sa akin. Hindi ako ‘aswang’, sadyang ayaw ko lang na patulan yung mga
sinasabi nila dahil hindi naman totoo. Inakala nilang may aswang sa Baryo na ‘to dahil
paunti na ng paunti ang mga nakatira dito at akala nila ay ako ‘yon dahil matanda na
ako at nakakatakot para sa kanila. Ngunit ang totoo, ang mapanghusgang mga taga
rito ang dahilan kung bakit umaalis ang ibang mga taga rito para mamuhay sa kabilang
baryo. Sana’y balang araw ay hindi na ganito ang mga nakatira sa baryong mahal
ko,” sabi ni Mang Boy bago pumanaw.
Ang Pabula
Isa sa lumalaganap na tuluyang salaysay bago dumating ang mga kastila ay ang
pabula.
Ito ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop o kaya’y mga bagay na
walang buhay ang siyang mga tauhan sa istorya. Ang mga pabula ay kathang-isip
lamang ngunit nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang
niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy
siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at
hinamon niya ito. “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating
dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang
tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula
tayo?”
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot
ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang
kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero,
para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin
ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw
nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya,
bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya
kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.
“Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa
tuktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya
subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos
ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng
husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa
din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na
bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.