You are on page 1of 19

ARALIN 21

SULTANATO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan ng mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kanilang barangay/ mga pangyayari sa ating bansa.
2. Balik-aral
Paligsahan:
Gamit ang mapa ng Pilipinas, unahan sa pagturo ng kinalalagyan ng mga lugar na kung saan matatagpuan ang
mga Muslim. Ipasabi ang ilang lalawigang sakop ng mga Muslim sa Mindanao.
Panimulang Pagtataya
Basahin at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pamahalaang Sultanato, ipinatutupad ng Sultan ang kanilang kaugalian, paniniwala at batas batay sa kanilang
bibliya. Ano ang tawag sa kanilang banal na aklat?
A.Q‟ran (Kor‟ an) C.Bibliya
B.Diksyonaryo D. Pahayagan
2. Iba‟t ibang uri ng pamahalaan ang umiiral sa bansa. Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim noong unang panahon?
A.Pamahalaang Sentral
B.Pamahalaang Demokratiko
C.Pamahalaang Pambarangay D.Pamahalaang Sultanato
3. Noong unang panahon ang Barangay ay pinamumunuan ng Datu. Sino ang namumuno sa pamahalaang Sultanato?
A.Hari B. Sultan C.Kapitan D. Pangulo
4. Sa pamahalaang Sultano, may isang kapulungan ng mga maiimpluwensyang tao sa lipunan tulad ng mga
mayayamang datu at iba pang mga taong iginagalang. Ano ang tawag sa kanila?
A. Ruma Bichara B. Pandita C.Kali D.Sultan
5. Sa pamahalaang Sultanato, may mga nagtuturo ng nilalaman ng kanilang Kor ‟an. Sila rin ang namumuno sa
oras ng pagdarasal. Ano ang tawag sa kanila?
A. Kali B. Imam C. Pandita D. Panglimas
Sagot: 1.A 2.D 3.B 4.A 5.B.
Pagganyak
Pagpapanood ng video tungkol sa Pamahalaan ng mga
Muslim. Pag- usapan ang video clip
1. Ano ang nakikita sa larawan?

2. Ano kaya ang ginagawa nila?


TANDAAN
1. Sultanato ang tawag sa isang uri ng pamahalaan ng mga Unang Pilipino.
2. Ito ay binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon.
3. Ang pamahalaang Sultanato ay may kaugnayan sa relihiyong Islam. Itinatag ito upang maging matatag at matapat ang paniniwala ng
mga kasapi sa relihiyong ito.
4. Sinisikap ng mga pinuno na ipatupad ang mga kaugalian, paniniwala, at batas na Islam batay sa kanilang bibliya- ang Q‟ ran (Koran).
5. Taong 1450 ng itatag ang kauna-unahang kahariang Sultanato.
6. Itinatag ang Sultanato ng Sulu ng isang Arabong si Sultan Sharif-Ul-Hashin na ang ibig sabihin ay “ Ang
Kanyang Kamahalang Sultan.”
7. Sa panahon ng paghahari ng sultanatong ito, nasakop nito ang mga karatig-lalawigan ng Sulu tulad ng
Zamboanga, Tawi-Tawi, Palawan, Basilan, Sabah, at Celebes.
8. Kasunod ng pagkakatatag ng Sultanato ay nabuo
ang bangsa o ang isang pamayanang pulitikal.
9. Sultan- tawag sa pinuno ng Sultanato
10. Masjid- mosque o bahay sambahan ng mga
muslim
11. Kadalasan ang pinakamayaman sa mga pinuno
ang siyang napipiling sultan. Ang sultan ang
pinaniniwalaang kinatawan ng propeta.
12. Ruma Bichara-ito ay isang kapulungang
kinabibilangan ng mga maimpluwensyang tao sa
lipunan tulad ng datu at mga taong iginagalang.
13. Raha Muda- tagapagmana ng Sultan
14. Wasir- pangunahing ministro
15. Datu Maharah Layla- ministrong namamahala sa pangongolekta ng taripa o buwis sa mga kalakal.
16. Kali- tagapayo ng sultan patungkol sa usaping panrelihiyon.
17. Pandita- sila ay mga pari at mga bihasa sa pagpapaliwanag ng banal na aklat ang Koran.
18. Panglimas-sila ang mga pinuno ng mga distritong nasasakupan ng kaharian
19. Ang ikalawang sultanato sa Pilipinas ay ang sultanato ng Maguindanao na itinatag ni Kabungsuwan.
20. Lakaman- pansariling alalay.
a. Ano pamahalaang Sultanato?
b. Sino ang nagtatag nito? Kailan ito itinatag?
c. Bakit itinatag ang pamahalaang sultanato?
d. Ano ang tawag sa kanilang relihiyon?
e. Kailan ito itinatag?
f. Ano anong mga lalawigang nasakop nito?
g. Ano ang Ruma Bichara?
h. Ano ang tawag sa mga pinuno ng bawat nayon o lalawigan?
PAGLALAPAT
Pumili ng ilang mag- aaral.Ipalarawan ang pamahalaang sultanato sa
pamamagitan ng dula-dulaan na nagpapakita ng sitwasyon ng
pamamahala ng sultan.
Pagpapahalaga
Paano pinahalagahan ng mga Muslim sa Mindanao
angpamahalaang Sultanato?
Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa kasalukuyan, demokratiko ang uri ng pamahalaan na umiiral sa ating bansa. Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim
noong unang panahon?
A. Pamahalaang Barangay C. Pamahalaang Sultanato
B. Pamahalaang Sentral D. Pamahalaang Balangay
2. Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng ating bansa sa ngayon. Sa pamahalaang Sultanato, sino ang may pinakamataas na kapangyarihan?
A. Datu C.Imam
B. Kapitan D. Sultan
3. Nagiging maayos ang pamumuno ng isang pinunokung ito ay may katuwang sa pamamahala. Sa pamahalaang sultanato may isang kapulungan ng
mga maiimpluwensyang kasapi ng sultanato . Ano ang tawag sa kanila?
A. Kali C. Pandita
B. Ruma Bichara D. Panglima
4. May mga batas na ipinatutupad ang isang pamahalaan upang maging maayos ang pamamahala. Sa pamahalaang sultanato ipinatupad
ng mga pinuno ang kanilang paniniwala, kaugalian at batas na Islam batay sa_____ na tinatawag nilang banal na aklat.
A. Bibliya C. Q‟ran (Kor‟an)
B. Diksyonaryo D. Pahayagan
5. Nabuo ang isang pamahalaang politikal na tinatawag na _______.
A. Bangsa C. Pandita
B. Panglimas D. Kali
Kasunduan
Ibigay ang pagkakaiba ng pamahalaang sultanato at pamahalaang
barangay.
(Pamana 5 ph..20-31)

You might also like