You are on page 1of 79

Inihanda ni:

WILLIE S. TOLENTINO
Purok ng Kanlurang Hagonoy
LAPU-LAPU
Kasanayan sa Pagkatuto:
Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng
mga bayaning Pilipino.
Layunin:
A. Naisasalaysay ang talambuhay ni Lapu-Lapu
B. Naiisa-isa ang mga naging papel at ambag ni Lapu-
Lapu sa bansa
C. Naisasabuhay ang mga magagandang katangian ni
Lapu-Lapu
Mga Kagamitan:
Brochure ni Lapu-Lapu
Manila Paper, ginupit na
larawan ng “Battle of
Mactan”, metacard
powerpoint presentation,
video presentation
PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
LARO:
“Larawan ng Lumipas,
Ipamalas”
1. Hatiin ang mga mag-
aaral sa tatlong (3)
pangkat.
2. Bigyan ang bawat
pangkat ng hinati-hating
larawan na siyang
bubuuin ng bawat
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro,
mag-uunahan ang bawat
sa pagbubuo ng larawan.
4. Ang grupo na unang
makabubuo ng larawan
ang tatanghaling panalo.
B. Paghahabi ng
Layunin ng
Aralin
Gamit ang
metacard, isulat ang
mga impormasyon
na inyong nalalaman
tungkol sa “Battle
of Mactan”
Sinong bayaning
Pilipino ang
namuno sa
pakikipaglaban sa
Battle of Mactan?
LAPU-LAPU
C. Pag-uugnay ng
mga Halimbawa sa
Bagong Aralin
Panoorin ang bahagi
ng dokumentaryo
ukol sa
pagsasaliksik ng
mga tala at
impormasyon
tungkol kay Lapu-
https://
www.youtube.com/watc
h?v=Ev9PxD8WClY

https://
www.youtube.com/wa
tch?v=3QjmUS7eySY
Ano ang naging
kontribusyon ni
Lapu-Lapu sa
ating bansa?
D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
Talakayin ang iba pang
kaganapan sa buhay ni
Lapu-Lapu gamit ang
powerpoint
presentation at
brochure na
ipamamahagi sa mga
mag-aaral.
Talambuhay
ni
Lapu-Lapu
Siya ay tinatawag
ding Cilapulapu,
Salip Pulaku, Khalifa
Lapu (Caliph Lapu),
Cali Pulaco at Lapu-
Lapu Dimantag.
Walang
eksaktong
makapagsabi at
tala tungkol sa
araw ng kanyang
kapanganakan.
* Ang talambuhay ni
Lapu-Lapu ay ibinatay
ng mga biographer sa
“oral tradition” ng
Mactan na lubos na
iniingatan ng mga
matatanda sa Cebu.
Ayon sa tradisyon
ang mga
magulang ni Lapu-
Lapu ay sina
Kusgano at Inday
Putli.
May
nakatatanda
siyang kapatid
na babae na
nagngangalang
Mingming.
Sinasabing si Lapu-
Lapu ay apo ng isang
makapangyarihang
reyna ng barangay na
si Matang Mantaunas
na nagpasimula ng
pangalang Mactan.
Pinaniniwalaan din na
si Lapu-Lapu ay
nakapangasawa ng
isang prinsesa na si
Bulakna, anak ng
isang datu na
nagngangalang Datu
Sabatano.
Siya’y nagkaroon ng
anak na lalaki na
pinangalanang Sawili
na lumaki ring isang
matapang at mahusay
na mandirigma tulad
niya.
Sinasabing sa edad na
6, si Lapu-Lapu ay
marunong nang
managabayo at
sumakay sa kalabaw.
Sa edad na pito,
marunong na siyang
magsulat at magbasa.
Naipamalas niya ang
husay sa paglangoy,
boksing at wrestling
noong siya’y
labingwalong taong
gulang.
Nagawa naman
niyang talunin ang
mga magnanakaw at
mga pirata ng
dalawang beses sa
edad na 20.
ANG
KABAYANIHAN
NI
LAPU-LAPU
Si Lapu-Lapu
ang pinuno ng
maliit na isla
ng Mactan.
Kilala siya sa
kanyang
katapangan sa
pakikipaglaban
ngunit mabait na
lider sa
Inilalarawan din
siya bilang isang
pinuno na may
matibay na
paninindigan.
Patunay dito ang
mariin niyang
pagtanggi sa mga
mapanlinlang na
mga alok ni
Magellan.
Ayon kay Magellan,
bibigyan niya ng
magandang posisyon at
natatanging pagkilala si
Lapu-Lapu, subalit kapalit
nito ang pagkilala at
pagtatag ng pamahalaang
Kastila sa kanyang
Sa ilalim pa nito, ay ang
sakupin ang buong
Pilipinas at angkinin ang
mga lupang tunay na
pag-aari ng mga
katutubo, partikular na
ang kamag-anak at
angkan ni Lapu-Lapu.
Labis na
ikinagalit ni
Magellan ang
pagtanggi ni
Lapu-Lapu
sa kanyang alok.
Ang katapangan at
kagitingan ni
Lapu-Lapu ay
ipinakita niya sa
makasaysayang
“Battle of Mactan”
Naganap ito
noong
madaling-araw
ng
Abril 27, 1521.
Sa nasabing
labanan, tinalo at
napatay ng pangkat
ni Lapu-Lapu si
Ferdinand Magellan
at ang mga
sundalong Kastila.
Sa Battle of Mactan,
walang nagawa ang
putok ng kanyon nina
Magellan sa mga
umuulang pana na may
lason, mga bakal at
sibat na kawayan nina
Lapu-Lapu.
Sa labanan, nataga ni
Lapu-Lapu sa kanang hita
si Magellan. Nang
bumagsak sa dalampasigan
si Magellan, sinugod siya
ng mga tauhan ni Lapu-
Lapu, tinaga at sinaksak ng
mga sibat.
Dahil dito,si Lapu-
Lapu ay kinikilala
bilang “Unang
Kampeon ng Kalayaan
ng mga Pilipino” o
“Unang Pilipinong
Nagtanggol sa
Kalayaan ng
Matapos ang madugong
sagupaan, tinangka pa ni
Raja Humabon at ng mga
nakaligtas na Kastila na
kunin ang bangkay ni
Magellan ngunit mariin
itong tinanggihan ni Lapu-
Lapu.
Ang bangkay ni Magellan
ay itinuring ni Lapu-Lapu
na tropeo ng digmaan.
Kung ano ang nangyari sa
bangkay ni Magellan at
kung saan sa pulo ng
Mactan ito inilibing ay
walang nakakaalam.
Nang sumapit ang
1565 at lumunsad sa
Cebu sina Miguel
Lopez de Legazpi at
Padre Urdaneta ay
wala nang nabalita
tungkol kay Lapu-
May naniniwala
na namatay si
Lapu-Lapu sa
katandaan.
Ngunit namatay
man si Lapu-Lapu ay
nananatili siyang
buhay sa puso ng
mamamayan at sa
kasaysayan ng
iniibig nating
Bilang pagdakila kay
Lapu-Lapu, dalawang
bantayog niya ang
itinayo: ang nasa Lapu-
Lapu City at ang nasa
Camp Lapu-Lapu sa
Lahug.
Sagutin ang
mga
sumusunod:
a. Bakit itinuturing
na Unang Bayaning
Pilipinong
nagtanggol sa
Kalayaan si Lapu-
Lapu?
b. Ano-ano ang
magagandang
katangian na
taglay ng ating
bayaning si Lapu-
E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
Indibidwal na Gawain:
Sa tulong ng Graphic
Organizer, magtala ng
mahahalagang
impormasyon tungkol
kay Lapu-Lapu.
Indibidwal na Gawain:

Gamiting gabay ang


mga impormasyon
mula sa tinalakay na
talambuhay ni Lapu-
Lapu.
F. Paglinang sa
Kabihasaan:
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa
tatlong (3) pangkat
at gawin ang mga
sumusunod na
gawain:
Pangkat 1 –Role
Playing

(Pakikipaglaban ni Lapu-
Lapu kay Magellan sa
Mactan)
Pangkat 2 –
Paggawa ng Tula
(Mga Katangian ni
Lapu-Lapu na dapat
tularan ng mga
Pilipino)
Pangkat 3- Jingle o
Awit
(Mahahalagang
impormasyon
tungkol kay Lapu-
Lapu)
G. Paglalapat ng
aralin sa pang araw-
araw na buhay
1. Bilang isang
mag-aaral, anong
katangian ni Lapu-
Lapu ang
pinakahinahangaan
mo? Bakit?
2. Kung bibigyan ka ng
mga dayuhan ng
napakalaking halaga at
mataas na posisyon
kapalit ng pagsakop sa
inyong lugar,
tatanggapin mo ba ito?
Ipaliwanag ang iyong
sagot.
H. Paglalahat ng
Aralin
Sino si
Lapu-Lapu?
Pagtataya ng
Aralin
A. Itambal ang mga
inilalarawan sa
Hanay A sa wastong
sagot sa Hanay B.
Isulat ang sagot sa
patlang bago ang
bilang.
A   B
_____1. Siya ang prinsesang napangasawa   a. Kusgano
ni Lapu-Lapu.
_____2. Siya ang pinaniniwalaang ina ni   b. Matang
Lapu-Lapu. Mantaunas
_____3. Siya ang ama ni Lapu-Lapu   c. Bulakna
_____4. Sinasabing siya ang lola ni Lapu-   d. Inday
Lapu na itinuturing na reyna ng barangay Putli
sa Mactan.
_____5. Nakatatandang kapatid ni Lapu-   e. Magellan
Lapu
_____6. Ang grupo na pianmumunuan niya   f. Mingming
ang nakatunggali ni Lapu-Lapu sa
Mactan.
_____7. Siya ang anak na lalaki ni Lapu-   g. Sabatano
Lapu.
_____8. Siya ang datu na ama ng   h. Sawili
napangasawa ni Lapu-Lapu.
B. Sagutin ang
mga
sumusunod na
tanong.
1. Paano
ipinakita ni
Lapu-Lapu ang
pagmamahal
niya sa bayan?
2. Bakit tinaguriang
“Unang kampeon
ng Kalayaan ng
mga Pilipino” si
Lapu-Lapu?
Karagdagang
Gawain
(Takdang Aralin)
Sumulat ng
repleksyon sa
inyong journal
notebook tungkol
sa buhay ng
bayani na

You might also like